CHAPTER 11: Ang Gulo
CHAPTER 11
"Ang Gulo"
Ilang araw na ang nakakalipas mula noong huling nakausap at nakasama ko si Lady. Hindi ko na siya nakita pagkatapos ng araw na iyon. Text ako nang text pero hindi naman siya sumasagot. Ilang beses ko rin siyang tinawagan pero ganun din. Hindi rin siya sumasagot.
Paano kung yung lalaki talagang sumundo sakanya ay ang totoong boyfriend niya? Aish! Badtrip!
"Hoy mukha kang pinagbagsakan ng langit ah. Napapadalas na 'yan pare." Ani Jolo.
Hindi ko nalang siya pinansin kaya naman nasabihannanaman akong masungit ni Aireen.
"Kakaiba rin kasi talaga 'yang Lady na iyan. Biglang nawawala at bigla rin naman lumilitaw nalang basta." Totoo ang sinabi ni Aireen pero kahit ganun hinihintay ko pa rin siya. Malay ko ba kung may sakit siya? Aish. Badtrip talaga.
Tingin ko tuloy ay napakahaba ng araw. Hindi rin ako sanay na walang maingay. Walang makulit. Walang hyper.
Kasabay ko sina Aireen ngayon na naglalakad sa corridor. Sakto naman na narinig naming nag-uusap ang mga prof.
"Bastos pala yung estudyanteng yan e."
"Kaya nga dapat lang na ibagsak ko siya." Napatigil ako nang marinig ko ang boses ng prof na iyon. Kilala ko ang boses niya at nabubwisit lang akong naririnig ko ang pagtawa-tawa niya.
"Pero hindi naman kaya malupit masyado ang ginawa mo? Confiscated na nga ang cellphone tapos nasuspend pa."
"Aba dapat lang sakanya yun. Pagkatapos niya akong saktan. Kababaeng tao nananakit tapos prof pa ang binangga niya."
Bwisit talaga.
"Aldrin anong nangyari sayo? Naestatwa ka dyan." Peste. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit na nga ako nang tuluyan sakanila.
"Why?" Tanong nung isang prof pagkalapit na pagkalapit ko palang. Malamang ay nagtataka sila. Hindi naman nila ako estudyante pero nakakabwisit na kasi yung mga nariinig ko.
"Si Lady Lyn ba yung pinag-uusapan niyo?" Humalukipkip ang isa sakanila at tinignan ako na para bang ang laking kasalanan nang itinanong ko sakanila.
"Kaibigan ka ba niya?" Mayabang ang pagkakatanong nung prof na nambastos sakanya.
"Boyfriend. Ikaw na nga ang nambastos sakanya ikaw pa ang may ganang mang suspend sakanya? Iba rin e. Alam mo bang pwede kang kasuhan ng sexual harassment dahil sa ginawa mo sa girlfriend ko?"
"What? Mr. Garcia ano ang sinasabi niya?"
"Hindi naman ipagtatanggol ni Lady ang sarili niya kung hindi siya binastos. Isa pa perfect siya sa quiz na ibinigay nung prof na yan kina Lady. Kaya bakit kayo mamemersonal? Isa pa hindi lang si Lady ang binastos ng lecheng prof na 'to. Yung iba nga ay nagdrop na dahil sa manyak na prof na 'yan."
"SHUT UP!"
"E kung ayaw ko?" Hamon ko pa. Kailangan na matigil yung pangleleche ng prof na ito sa buhay ng mga nagiging estudyante niya.
"Aldrin tama na. Halika na." Hinawakan ni Aireen ang braso ko para pigilan ako pero iwinaksi ko lang 'to at ipinagpatuloy ang mga sinasabi ko hanggang sa lumapit na ang dean at pati na rin ang mga estudyanteng binastos niya at mga binagsak niya ng wala namang sapat na dahilan.
***
Laking gulat ko nang makauwi ako saamin dahil hindi ko inaasahan na makikita ko doon si Lady kasama ang lalaking sumundo sakanya noong nakaraan. Kung kausapin pa nga nila si mama ay parang close na close sila. Pag-untugin ko silang tatlo e.
"Nandito na ako." Bungad ko dahil hindi man lang nila napansin ang pagdating ko.
"Lady pwede ka na ulit pumasok." Kako saka umupo muna sa sofa.
"Talaga? Pumunta pa naman ako dito para sabihin ko sayong nasuspend ako." Ang saya pa niya. "Bakit siya nandito?" Tanong ko habang nakatingin sa lalaking kasama niya. Ilang araw siyang hindi nagparamdam saakin tapos dadalhin niya iyang ugok na 'yan sa pamamahay ko? Ibang klase.
"Anak, si Mark yan." Napakamot nalang ako dahil sa sinabi ni mama. Kung ipakilala naman niya saakin akala naman nila kilala ko talaga pero parang narinig ko na nga dati ang pangalan niya. Sikat ba siya?
"Naniniwala na ako sayo Lady."
"Sabi ko naman sayo e." Pag-untugin ko na talaga sila e. Tama bang mag-usap sila na sila lang ang nagkakaintindihan? Putspa. "Tara sa bar! Inom naman tayo ng konti." Nasapo ko nalang ang ulo ko dahil sa pagyaya ni Lady saakin. Kung makayaya kasi parang wala dito si mama. Parang ako pa talaga ang babae saamin.
"Tara na nga." Tumayo na ako bago pa kumontra si mama.
"Huwag kayong maglasing. Umuwi nang maaga." Bilin niya saamin.
"OPO! AALIS NA PO KAMI TITA!" Hyper talaga.
Bago kami pumunta dito sa bar kanina ay dinaanan na muna namin ang cellphone ni Lady na kinuha nung prof niyang manyak pagkatapos ay dumiretso na rin kami dito sa bar. Sa katunayan ay kanina pa nga inom nang inom si Lady at sayaw na nang sayaw. Napaparami na siyang nainom.
"Hindi mo man maalala pero mahalaga ka pa rin saamin ni Lena syempre pati na rin si Lady." Wirdo talaga ng lalaking 'to.
"Bakit naman ako hindi makakaalala? Baka naman hindi ka talaga katanda-tanda at sino naman yung Lena?"
"Mas mabuti na sigurong hindi mo na malaman. Mas okay pa siguro kung hahayaan nalang." Wirdo na nga si Lady tapos wirdo pa ang kaibigan niya. Kung sabagay maski ako wirdo na rin simula noong napalapit ako kay Lady. Hindi ko nga alam kung bakit gustong-gusto ko na siya ngayon kahit na wala naman magandang bagay na naiduot si Lady saakin.
"Mauna na ako. Ikaw na bahala kay Le-Lady."
"Ge." Umalis ka kung gusto mo. Mas okay pa siguro kung wala ka talaga.
"Sige. Bantayan mo siyang maigi." Tumingin ako sa itinuro niya at pucha lang. Pinagkakaguluhan na si Lady doon kaya naman napilitan na akong lapitan siya at hilain pabalik sa table namin.
"Eeesh! Minsan lang nga ako magsaya!"
"Iuuwi na kita." Ilang beses pa siyang nagpacute saakin pero hindi naman niya ako madadala sa pagpapacute niya. Asa pa siya. Ipipikit ko nalang ang mga mata kapag nagpacute siya ulit.
"Saan? Sa bahay mo?" Natatawa niyang tanong sabay inom nanaman. Inawat ko na sya sa pag-iinom dahil sobrang lasing na siya.
"Baliw ka ba? Sa bahay niyo. Ihahatid na kita sainyo. Saan ba ang bahay niyo?" Nagulat nalang ako dahil biglang nanlaki ang mga mata niya at lumayo saakin.
"Hindi! Huwag mo akong ihahatid. Huwag mo akong pu-pupuntahan sa bahay. Di ka pwedeng magpunta sa bahay!"
"Oh? Bakit ka nagagalit? Ikaw nga nagpupunta sa bahay namin tapos ako hindi pwede? Ibang klase ka rin. Pero sige na. Sa bahay na kita dadalhin."
"E si Mark ano mo siya?" Halos nakapikit na siya ngayon pero kahit papaano naman ay nakakausap pa naman siya. Medyo hindi na nga lang matino.
"Maaaaark? He's your besfwend!" Wirdo. Pero okay na yun kesa sabihin niyang fling niya yung Mark.
Inalalayan ko siya hanggang sa makasakay kami sa bus. Nakasandal lang siya saakin buong byahe dahil tulog na tulog siya. Nagpapasalamt lang talaga ako dahil hindi naman siya nagsusuka ngayon.
Hanggang sa makababa kami ay tulog pa rin siya kaya naman nakasampa lang siya sa likuran ko ngayon. Paminsan-minsan ay nagsasalita naman siya. Nararamdaman ko na nga ring basa na yung likod ko. Tingin ko ay tumutulo na laway niya. Nak ng tokwa.
"Hoy Lady huwag ka na uminom ulit. Perwisyo e."
"Stop it...ishtop calling me Lady. I-I'm not her." Gising pala at nababaliw na. Paanong hindi siya si Lady e malinaw pa sa maliwanag na buwan na siya si Lady. Nasisiraan na siya ng bait.
Nakasandal lang ang ulo niya sa balikat ko habang naglalakad ako. Wala na kasing masakyan papasok kaya naman buhat-buhat ko pa rin siya ngayon.
"I'm not Lady."
Hindi ko naman maintindihan ang ibang sinasabi niya basta ang paulit-ulit lang na sinasabi niya ay hindi raw siya si Lady. Huwag ko siyang tawaging Lady.
"Aldriiiin!"
"Huwag kang sumigaw masakit sa tenga."
"I love you. I love you."
"Oo alam ko."
"I love him but he doesn't love me." Nag-umpisa na siyang umiyak. Hindi ko na yata alam ang gagawin ko sa babaeng ito. "In love siya sa litrato."
"Picture mo naman yun e." Kumento ko pero mas lalo pa siyang naiyak. Leche ano bang nagawa ko para umiyak siya nang ganito? "Lady stop crying. Baka akala nila pinapaiyak kita."
"BUT IM NOT LADY! Tawagin na ako ng lahat na Lady huwag lang si Aldrin. Huwag lang siya."
Ang sakit sa ulo. Ano bang sinasabi niya? Siya si Lady.
"Anong gusto mong itawag ko sayo?"
"I'm not her. Stop calling me Lady. I'm not her. I'm just taking her place. I don't want to be her shadow anymore. Stop it."
Napahinto ako sa paglalakad dahil kumawala siya sa pagkakabuhat ko sakanya at bigla nalang umupo sa sahig at umiyak nang umiyak. Ano bang nagawa ko sakanya? Pangalan naman niya yun. Ano bang masama sa pangalan niya?
"I hate that picture! I hate that incident. I hate Lady. I hate her!"
***
Ano bang sinasabi niya? Nababaliw na ba siya? Ayaw niya sa litrato niya? Naguguluhan na ako. Hindi raw siya si Lady. Eh kung ganun sino siya? Alam ba ni Mark 'to? Pag nag-iiba ba yung ugali niya. Ibang tao na yung kasama ko? Edi kung ganun hindi nga siya si Lady? At si Lady ay yung isang babae? Aaaaaaaayyyy! Ano ba naman ang mga iniisip ko? Hindi naman pwedeng mangyari yun. Oo,'di pwedeng mangyari yun. Isa pa si Lady ay si Lady. Tama si Lady yun. Siya si Lady. Lasing lang kaya kung anu-ano ang nasasabi.
Tinignan ko siya. Ang himbing niya matulog. Kaso may luha pa rin yung mata niya. And I think she's murmuring "I'm not Lady". Bakit ba niya sinasabing hindi siya si Lady? Tawagin na siya ng lahat na Lady huwag lang ako?
Tumayo ako at kinuha yung litrato niya. Tinignan kong mabuti ito. Kopya nalang ng litrato niya ang meron ako dahil ibinalik ko na sakanya yung dati.
Kahit anong tingin ko ay siya naman 'to pero iba nga lang yung ngiti. Yung ngiting ilang beses ko pa lang nakikita. Yung kapareho nito. Bilang ko nga eh. Dalawang beses yata yun? Tapos hindi ko na nakita. Huli kong nakita yun nung natapos ako magdota at hinintay niya ako sa labas ng building.
Posible kayang, hindi talaga si Lady itong kasama ko? Posible kayang yung babaeng una kong sinabihin ng mahal ko siya ay si Lady? Teka hindi ba si Lady ay si Lady? Ano ba? Mababaliw na yata ako!
"Lady naman kasi eh, bakit mo ba ako pinapahiran mag-isip. Kahit sino ka pa man, ikaw ang gusto ko. Mali, let me rephrase that. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang. Maliwanag? Kaya kahit hindi ikaw si Lady. Pero teka ikaw si Lady eh, ano ba yan? Nakakainis naman oh!"
Bigla siyang gumalaw. Lagot. Nagising ko ba? Hindi naman siguro. Normal lang na gumalaw ang tulog. Hinaplos ko yung malambot niyang buhok.
Tinitigan ko lang siya. Naglalaro pa rin sa isipan ko yung sinabi niyang ayaw niya doon sa litrato. Na naiinis siya kay Lady. Kung hindi siya si Lady. Bakit sinabi niyang siya si Lady? Pero anong magagawa ko kung hindi nga siya si Lady? Mahal ko na siya.
Mahal ko na nga ba talaga? O nalilito lang ako? Kasi kung nakasama ko na yung isang Lady, maaring siya pala talaga ang mahal ko? Pero posible ba talaga yun? Aish naman! Si Mark! tama baka may nalalaman siya rito? Kaso wala akong number niya.
Kinalkal ko nalang yung bag ni Lady para hanapin ang cellphone niya. Malamang sa malamang ay may number siya nung kaibigan niyang siraulo. Hinanap ko sa contact niya yung pangalan ni Mark. Tinignan ko rin kung anong pangalan kong nakaregister. Natawa nalang ako dahil SPICY ang nakalagay na pangalan ko sakanya.
At dahil pinakialaman ko na lang din naman ang cellphone niya ay tinignan ko na rin ang mga nagtext sakanya.
MARK: Oi uwi ka na raw hinahanap ka na ni Lady.
Lady. Hindi ba talaga siya si Lady?
Hindi na ako nagulat nang makakita ako ng text galing sa nagngangalang Lady sakanya.
Lady: Ingat ka. Huwag kang papagabi. Ako mapapagalitan niyan e.Umuwi ka ng maaga.
Lalo lang akong naguguluhan. Pinaglalaruan ba ako ng mga 'to? Bakit kailangan niyang magsinungaling na siya si Lady kung hindi naman pala talaga siya. Sumasakit ang ulo ko dahil sakanya.
"Nakakabwisit na. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sayo o hindi." Aish!Bakit kailangan mong matulog sa mga ganitong panahon? Badtrip.
Ilang minuto rin ang nakalipas bago biglang tumawag ang nagngangalang Lady sa sakanya. Hindi ko na ginising si Lady o kung sino man siya dahil ako na sumagot sa tawag.
"Lena! Nasaan ka na? Madaling araw na! Mapapagalitan ako ni daddy nito e." Lena. Lena ang pangalan niya. Lena ang pangalan ng taong lagi kong nakakasama.
"Wala nanaman sa tamang oras yung pag-inom mo niyan. Nakakainis ka naman. Paano kung mapahamak ka? Pinagbigyan na nga kita sa gusto mo pero Lena naman sana marunong ka rin naman limitahan ang sarili mo. Sumusobra ka na e. Idagdag mo pa yang si Aldrin." Napabuntong-hininga nalang ako nang marinig ko ang pangalan ko. "Ilang beses ko bang sasabihin saiyo na huwag mo nas iyang lalapitan? Hindi naman sa ayaw kong palapitin siya sayo kaso alam mo namang bawal e. Lena?" Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Boses ni Lady ito. Boses niya at boses din nung babaeng kasama ko ngayon ang naririnig ko.
"Bakit mo siya tinatawag na Lena? Kung ganun totoo yung sinabi niya na hindi siya si Lady? Kailan pa 'to? Kailan niyo pa ako niloloko? Magkapatid ba kayo? Kambal ba kayo? Sabihin mo ilang beses ba kitang nakasama." Mahinahon ako pero alam kong ramdam niyang nagagalit ako ngayon. Hindi lang talaga ako makapaniwala na kaya nila akong lokohin. Sa kabila ng maamo nilang mukha?
"Al-drin? Ah---" Bigla nalang naputol ang linya. Sinubukan kong tawagan ulit kaya lang cannot be reached na ang linya. Nakakabadtrip talaga.
Tinitigan kong muli si Lady... Si Lena. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. Hindi ba siya ang babae sa litrato? Kung ganoon yung tumawag kanina, siya ba ang Lady na minahal ko ng limang taon? Siya ba talaga ang tunay na nagmamay-ari ng litrato? Yung babaeng hinanap ko? Siya ba o ang babaeng kasama ko ngayon? Pakshet! Pakshet! Bakit ba kailangan nila akong lokohin?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro