Postlude: Sinclair
"Sa walang hanggang kalawakan, ano pang mayroon? Nasaan ang iba?
Kahit papaano, nasagot 'yon... ngunit may parte pa rin sa'king patuloy na tinanong 'yon. Walang katupasang tanong para sa walang hanggang kalawakan.
Humaplos ang malamig na simoy ng hangin sa'king balat, at maging ang bestida ko'y nakisayaw na sa hangin. Maliit akong napangiti nang makita ang pares ng maliit na damit ko.
Nabawi lang ang ngiti ko nang marinig ko na namang pinag-uusapan nila ako ulit.
"Wala na raw 'yang guardian hindi ba?"
"Ah, balita ko namatay kasi sobrang hina raw n'yan!"
"We are supposed to protect guardians, ano ba siya? Halimaw?"
"That's a great sin. Unable to protect your guardian."
Gan'yan ang laging nagiging daloy ng usapan, at hindi naman ako makatanggi sa kanilang mga sinabi.
Indeed, it was a great sin. I was unable to protect Leonidas and everyone in the mortal realm. How many years has it been since then?
Ah, walang taon na nga pala noong mapalipat ako sa realm na ito. Ang mundo ng Aerilon.
I was immediately sent here before my realm, Earth, came to its end. Hindi ko alam kung naging mabait ba sa'kin ang mga tala para hindi ipakita sa'kin ang pagguho ng lahat at ipinadala pa ako rito, o sadyang malupit lang sila sa'kin upang hindi tapusin ang buhay ko't magpatuloy ang paghihirap.
At tila ba, inaasahan na ng isa sa kanila na mangyayari 'to. An old woman named Anika welcomed me here. Hindi ko agad siya pinagkatiwalaan, ngunit kalaunan ay wala na rin akong nagawa kun'di gawin 'yon, dahil wala naman akong alam sa mundong ito.
Kilala na siya rito, pero nasira ko ang pangalan niya dahil sa pagkatao ko. Hindi man nila alam na nanggaling ako sa ibang mundo, alam nilang wala akong guardian. At 'di ko 'yon katanggap-tanggap sa mundong ang kairalan ay protektahan ang mga guardians.
Ibig sabihin noon sa kanila, mahina ako. Ibang-iba sa trato sa'kin sa mortal realm.
Bahagyang kumirot ang puso ko nang makakita ng mga masasayang magkakaibigang nagsasama-sama upang i-ensayo ang kanilang mga guardians at ang kanilang mga mahika. Ilan sa kanilang mga guardian ay ang leon, tigre, ibon, serpent, at iba pa.
Nang makita nila akong nakatingin sa kanila, kaagad akong umiwas ng tingin at ibinaba nalang sa mga labahin ang aking mata. Well, I don't want to anger them, or I just don't want any interactions with them.
I have someone to protect to.
Napansin kong bumulong-bulong ulit siya. Pero nagparinig naman ang isa. "I would have made her my slave only if she wasn't under Mistress Anika's care. She's just privileged because of her."
Gustong-gusto ko silang hindi pansinin, ngunit halata na ang panggigigil ko nang kusutin ko nang mariin at malakas ang mga damit. Argh, hindi ko puwedeng ilabas ang kapangyarihan ko. Delikado na. Bwisit na mga 'to. Kung hindi lang ako nag-iingat, matagal na kayong patay.
My jaw dropped when someone splashed me water. Basang-basa na ako at narinig ko pa ang mga sipol ng lalaking nanonood sa'min. I scoffed in disbelief, so I stood up, still with my head down. Natatakot ako kung ano'ng magawa ko sa kanila, kung sakaling makita ko ang pagmumukha nila...
But if I just let them be, they might also do this to the one I'm protecting.
Umihip nang malakas ang hangin, at nakita kong napapatianod sila, nadadala ng hangin na ito. Humampas din ang tubig ng lawa sa kanila, pagbabalik ko lang sa ginawa nila sa'kin.
Isang ngisi ang pumlasta sa labi ko bago ko iangat ang tingin ko sa kanila. "You don't want to anger my guardian, right? He is a phoenix, and in his death, he will be reborn from his ashes. You never know when the ashes emerge again," I warned them. They shouldn't mess with me, or her.
Lumapit ako sa kanila at pinantayan ang tingin ng babaeng walang hiyang hinampas ako ng tubig. "Do you feel the dark energy from the wind? Sa guardian ko galing iyon," panloloko sa kanya.
Namuo naman ang luha ng babae at kita kong namula na siya sa galit, ngunit ipinagpatuloy ko lang ang aking pagsasalita kasabay ng mas malakas na ihip ng hangin, "I'm not weak. We are not weak. Remember that, you lowly thing."
Binalik ko na sa normal ang ihip ng hangin, ngunit may ilang lantang dahon na umulan sa pagitan naming. Ningitian ko nalang siya at muling umupo para malabhan ang damit namin. Lumayo na sila at nanahimik na. Nanahimik na sila, at hindi na rin nila ako hinamon pa.
Isang matinis na boses naman ang tumawag sa'kin. "Sinclair!"
I turned to her and thanked that she had not witnessed what I have done to the others earlier. I stared at her beauty as she giddily ran towards me. Her jet-black hair, red eyes, and pale skin reminded me so much of them. Hindi ko nga lang alam kung kanino niya namana ang ugali niya.
Nadapa siya, dahilan kung bakit mabilis akong napatayo. Pero mabilis niyang itinaas ang kamay niya't umiling, pinipigilan akong lumapit pa't tulungan siya. Kaya muli na naman akong umupo, at napailing nalang sa kalampahan niya.
Hinintay ko nalang siyang makarating sa puwesto ko, at kaagad naman niya akong binati ng ngiti. That did not remind me of her... Georgia. Minsan ko lang makitang nugmiti si Georgia, pero ang batang 'to, laging nakabungisngis tuwing titingnan ko.
"Puwede ba akong pumunta sa library, Sinclair?" Tinanong niya at hinawakan ang mga kamay ko.
Napatingin ako sa kamay niya, and sighed when I saw her bracelet. A bracelet made of vines, protecting one gem. Pulseras ito ni Leo noon... at ngayon ay nasa kaniya na.
I figured that this bracelet was the one that sent me here. Tanda kong umilaw iyan nang napakaliwanag, at nang magising ako, nagulat nalang akong nasa ibang realm ako. I even thought I was in heaven.
I let her keep it because I still believed that there might be other worlds out there. Hindi naman 'yon imposible, pero ang iniisip ko lang... paano kung nasa ibang mundo rin sina Red, Lucifer, Alpha, Leonidas, Lucifuge, at Georgia? Paano kung katulad ko, buhay pa rin sila?
"Ano na namang gagawin mo sa library? Sino ang kasama mo?" Tanong ko pabalik sa kaniya.
Nagkibit-balikat siya at napanguso bago sumagot nang pabalang sa'kin. "Hindi ko alam! Nakakabagot sa bahay natin, Sinclair."
Kaagad naman akong napatawa at hinaplos ang buhok niya, ngunit mabilis naman siyang lumayo sa'kin. "Yuck! Basa hands mo!" Maarte niyang saad.
Mas lalo lang akong napatawa sa asal niya. Hindi ko naman siya tinuturuan ng mga gan'tong bagay. "Magpaalam ka kay Lady Anika, tingnan lang natin kung payagan ka n'ya," I told her.
She stomped her feet, na parang nagdadabog. Hays, parang bata kahit kailan. Well, she still is a kid. Hah, I don't want her to grow up yet.
Bahagya siyang sumigaw sa'kin, "Ay ikaw naman po mama ko! Hindi siya, bakit ako magpapaalam sa kaniya? Hmp."
Mama. It was still a dream for me. Hindi lang pala ako ang mag-isang napapunta sa Aerilon. She's now eight years old, and she took up a lot from Lucifer's features— no, she resembled Lucifuge.
I figured after moments that she was his child with Georgia. Hindi ako makapaniwala noong una, ngunit sinisigaw 'yon ng buong pagkatao niya.
Whenever she asks me kung bakit hindi ko siya kamukha, maliban sa itim niyang buhok, ang lagi kong isasagot ay... "Because you took up from your father."
However, she wanted to be like me. She even thinks being me would be perfect— when it is far from perfect. She wanted to be like me because she believes that I am her mother.
"Sariel," mahinahong suway ko sa kanya. Tumigil naman siya sa pag-ta-trantums, at tiningnan niya ako nang may naiiyak na mga mata.
Then, I nodded to her, and her face lit up immediately. Walang paalam na umalis siya sa'king tabi at tumakbo papunta sa library.
Lucianna Sariel Rofocale.
She's the reason why I'm still struggling to live— kung bakit hindi pa rin ako tuluyang nawawalan ng pag-asa. Maybe I lived to guard her because after all, she has no guardian.
Malakas akong napabuntong-hininga. Kung ako ngang namatay ang guardian ay hindi na makawala sa mga kritisismo at mata ng mga tao, paano pa siyang walang guardian? Hindi naman nabiyayaan ng guardians ang mula sa mortal realm. Leonidas and I were an exception because of the prophecy.
Pagpatak niya sa kaniyang ika-labing anim na taon, she will be sent to Aerilon Academy, and she'll discover that she's far from what they are and who they are. She is a demon, vampire, and angel.
I will not be there when it happens... I will not be able to protect my child.
Will she survive knowing that she has no guardian, or will she discover something else?
Because after all, we are lost mortals in this world, Aerilon.
Phoenix Academy
Aerilon Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
This marks the end of the beginning of the Academies of Realms series. There's so much more to come. Asahan niyong makikita niyo sila ulit sa ibang stories... sa ibang mundo. Also, there's a special chapter coming up. Abangan niyo nalang! <3
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro