
Chapter 5
The orientation ended, but the student council toured us around. Hindi na ako nagtakang maraming kakilala si Summer ngayong nagpakilala siyang Student Council President.
"Hello! I am Summer Knight, the president of the Phoenician Student Council." Kumpara sa kanyang karakter kanina, malumanay siya ngayon. She knows how to compose herself in situations.
"The Academy has four Castles: Wings, Tears, Eyes and Ashes. Each Castle has a unique trait and students are put accordingly to Castles. Malalaman niyo ang Castle niyo depending sa kulay ng ties niyo sa uniform," paliwanag ni Summer at doon ko napansing violet ang tie niya.
"Red for the Wings, Silver for Tears, Violet for Eyes and Gold for Ashes. Kahit na iba't iba tayo ng houses, we are still one. No one should be messing with other Castles unless it is told."
Tinalikuran naman niya kami, at nagsimulang maglakad palabas ng kastilyo. Sumunod naman kaming freshmen.
Nang makarating kami sa kahuyang tulay ay tiningnan niya pabalik ang katalisto, at tinaas ang kanang kamay doon. "This is the Pelagus Arce, or main castle in latin. D'yan makikita ang iba't ibang halls at office ng mga opisyal."
Habang naglalakad muli, napansin kong iba-iba ang Castles ng mga kasama ko ngayon, at bihira lang akong makakita ng mga kapwa ko Ashes. Hindi ko nga pala kasama si Georgia dahil hindi naman siya freshmen dito. She's my senior.
Tumigil naman si Summer sa tapat ng isang tower. Sobrang taas nito at punong-puno ng gold, silver, violet at red linings. Para itong well na sobrang taas, may structure rin ng phoenix sa tuktok na aakalain mong totoo dahil sa ganda ng pagkakagawa. It looked like a wishing well, except that it was tall as heck.
Above, the pointed roof, it also had a statue of Phoenix. Inakala kong totoo itong Phoenix dahil may optical illusion ito na parang gumagalaw, depende kung saang anggulo ka mapadpad.
Bahagya naman kaming hinarap ni Summer nang may ngiti sa labi, at sinabing, "Ito ang Phoenix Well. This serves as the home of phoenixes."
Napairit ang ilan sa'min nang may lumabas na phoenix mula sa well at umiikot-ikot sa ere. Pinanood namin ito hanggang sa mag-apoy ang kaniyang mga pakpak. May mga sumunod pang lumabas na phoenix at naglaro lang sa himpapawid.
"Wala ni isa bukod kay Goddess Phoenicia ang nakakarating sa loob, wala ring nagtatangka 'pagkat nasa labas ka palang, papatayin ka na ng mga phoenix. It's their sanctuary, pagpapatuloy ni Summer.
Tumango kaming mga freshmen, ngunit isa ang nakaagaw ng atensyon ko. Narito ang lalaking nakatinginan ko sa Phoenician Hall kanina. Ang puti niyang buhok ang nahagip ng paningin ko kaya ko siya napansin.
Habang pinagmamasdan ang kanyang mata, napagtanto kong pabalik-balik sa itim at pula 'yon. Taimtim siyang nakatingin sa balon. Bahagya pa siyang lumapit ngunit 'di siya tumuloy nang magsalita si Summer.
"Rain Evan Delvar," aniya nang may awtoridad ang boses. Kaagad namang napalingon ang lalaki at nagkatinginan sila ni Summer, tila nag-uusap sila sa mata.
Bumalik naman sa pitch-black ang kaniyang mga mata. Napigilan ko ang hininga ko nang lumingon siya sa'king direksyon at tinitigan ako. Napakunot ang noo ko't iniwasan ko nalang ang tingin niya. Kanina pa 'yan, ah?
Hindi ko alam kung napairap ako, ngunit mabilis akong sumunod sa mga kasamahan dahil nakalayo na sila nang bahagya sa'kin. Summer entered another area.
The big wooden door revealed a space in the middle. It looked like a training ground. Napalibutan ito ng iba't ibang buildings at towers.
"Dito ang mga classrooms and training field. Kaya't lagi kayong didiretso 'pag nagkaroon na kayo ng klase. Mahabang lakarin ang buong Phoenix Academy, and sorry, but we don't offer rides. You can use your magic travelling around, but you may also train your stamina or have some warm-up by walking," pagpapaliwanag ni Summer.
"Marami pang mga lugar dito, pero iyon nalang muna ang i-to-tour ko sa inyo dahil iyon ang mahalaga. Eventually, matututunan niyo rin kung paano ang sistema dito sa academy. Maaari na kayong maglibot o bumalik sa inyong mga castles," she dismissed us and everyone went their ways already.
Karamihan ay bumalik na sa mga castles, at iniiwasan ko ang lipon ng tao, kaya naman nagmuni-muni lang ako sa marahuyong lugar. Sinundan agad ng paa ko ang landas kung saan wala akong nakikitang tao, sa may balon.
Ang mga ibon o phoenix, na sa bawat hampas ng pakpak ay nag-aapoy ay sumasabay sa hanging sariwa na sinasayaw ang luntiang dahon ng mga puno.
At mas lalo pa itong naging mahikal nang makita ko ang mga estudyante sa malayo na may mahika sa kanilang kamay. Kay sarap pagmasdan ang bawat galaw nila, bawat ritmo ng kanilang katawan na tila gamay na gamay na ang kapangyarihan nila. Tinanggal ko ang gloves na suot ko at tiningnan ang kamay ko.
Kung titingnan, wala namang mali sa kamay ko. It's harmless. Ngunit nang lumandas ang mga nagpapatakang dahon sa'king kamay, naging abo ang mga ito at nilipad ng hangin papalayo sa'kin.
Pagtingin ko sa taas, namangha ako nang ang asul na langit na tila natapunan ng lila at rosas na pintura'y nakikipag-agawan sa kahel nitong kaulayaw, ang araw.
Sandali. . . hindi ba't gabi na kanina? Bakit nga ba biglang may liwanag na ulit sa labas? Ilang oras na ba ang nakalipas?
"The Gods granted us day over this night," biglang sagot ng isa, tila ba nabasa ang utak ko, o baka ang ekspresyon ko. "It's a tradition in the academy to have one night where the sun rises, to officially mark the opening of another 'magically' academic year."
Napalingon ako sa nagsalita, at nagulat nang makita si Summer. She was smiling at me. Hindi ko tuloy alam kung sino'ng kausap ko. Ang Summer na palakaibigan, o ang Summer na Council President. Tumango naman ako bilang tugon.
"Eris, sweetie, why aren't you returning yet?" Tanong niya. Napatingin siya sa'king kamay at napansing wala akong gloves. Hindi niya naman pinahalata 'yon nang mas lumapad ang ngiti sa labi niya.
Inilingan ko nalang siya. "Hindi pa ako inaantok o napapagod para magpahinga."
"Hm, do you want me to help you with that? I have a gift for you!" Hindi pa man ako nakakasagot, ay hinipan niya ang isang halik. Bigla ko nalang naramdaman na 'di ako mapaayos ng tayo. The surroundings around me blurred, and I couldn't see her anymore.
"Eris!" Narinig kong tawag ng isang lalaki. Nanliit ang mata ko, and he has this fiery wings behind him. Hindi ko makita ang mukha niya, tila nakatago ito sa liwanag. But I saw his long blonde hair. Mas nakita ko pa 'yon nang bigla niya akong yakapin sa palaisipang ito.
He smiled. "Someday, Eris. We'll meet someday."
He vanished into thin air. I saw Summer, and everything went back to normal. But there was a question left in my mind.
"Ano'ng ginawa mo?" Tanong ko sakaniya.
"Hm, I don't know actually! I just gathered pieces and bits of thoughts around. That could be a prophecy, a nightmare, a dream, an imagination, or whatever. Hindi ko rin alam kung ano'ng nakita mo sa pinakita ko sa'yo," she answered before hopping away.
Napakunot ang noo ko, ngunit binawi ko ito kaagad ng iling. Maybe she's fooling me. Akala ko ba ay tutulungan niya ako, pero mas hindi ata ako makakatulog sa nakita ko.
My heart clenched because the warmth of the hug felt real. . . though I know it's impossible to happen in my reality.
Babalik na sana ako sa Castles, ngunit nahagip na naman ng mata ko ang lalaki sa tapat ng Phoenix well. Rain Evan Delvar. I remember.
His name and his initials, R.E.D, perfectly describing his deep-set fiery eyes now. I stared at him as he continued to look at the well. He had thick brows, thinner at the beginning but thicker towards the end. Now that the profile I see of him is his side, I noticed how it dips around in his eyes and goes down in a neat straight line. He doesn't have an arch, but a sharp point.
"Hindi tayo puwedeng lumapit diyan, Rain," wika ko sa kaniya nang mapansin sobrang lapit n'ya na roon kumpara kanina. Nilingon niya ako't napaatras ako sa mata niya. His eyes are killing me with the intensity of his burning gaze.
"Alam mo ba kung ano'ng nasa loob?" He asked me with a low but serene voice.
Umiling ako bilang sagot. He chuckled.
"Of course," he muttered. "There's a dragon inside. I can feel it. Nararamdaman ko ang init nito. Mas mainit kaysa sa mga pakpak ng mga phoenix. The dragon is still sleeping. But I can tell, he's awakening." Mataimtim niyang tiningnan ang well na tila ba nakikita niya kung anong nasa loob.
"I can hear his dreams and call." Inilahad naman niya ang kamay niya sa tapat ng well. Hinawakan niya ang pader noon, at muntik ko na siyang pigilan dahil may isang phoenix na sumigaw sa ere. It must have felt Rain's presence near the wall. It might kill him!
"The Forbidden Child. The Death, is that you?" Lumingon sa'kin si Rain nang itanong niya ako.
He stared at me, waiting for an answer I couldn't give. . . but I knew that those words fitted me well. The Death for someone whose power is death. The Forbidden Child of a demon and an angel.
"Eris, the dragon is calling you."
Napatingin naman ako sa well. Napakunot ang noo ko, wala naman akong naririnig na tumatawag sa'kin. Hinarap ko siya nang takang-taka, but hindi pala siya nakatingin sa'kin.
"I can control dragons, Eris. I can feel and hear them," sambit niya, mariin ang bawat bitaw ng salita. Nagulat ako nang bigla siyang napaluhod. Hindi siya sumigaw, ngunit dumadagundong ang kanyang boses sa dibdib ko.
Nagmistulang may aura ng isang dragon sa kanyang likod. Nag-aapoy ito, hindi sa pulang apoy, ngunit sa asul at ginto. The scales of the dragon are of lavas, red and fiery. Ang mga mata nito'y nakapikit, katulad ng kay Rain. Mabigat ang paghinga nito, at ramdam ko 'yon dahil napasabay ang tibok ng puso ko sa dragon.
Tumayo si Rain, kasabay ang pag-tayo ng Dragon, tila ba iisa sila 'pagkat parehas sila ng ginagawa. Minulat ni Rain ang kaniyang mata, gayundin ang dragon.
Sabay silang lumingon sa'kin. My breath hitched, and I took steps backward.
The dragon's eyes pierced me. It's golden eyes, like mine, sparkled. The dragon towered so much over me, at pagkatingin ko kay Rain, nagulat ako nang maging gold din ang mata niya.
Then they both released energy, fire. My breathing became heavy, the sky became a little dark but the stars formed the constellation of Draco, the dragon.
"Eris," sabay nilang bigkas. Napaupo naman ako, dahil sa sobrang lakas ng enerhiyang nararamdaman.
There's something about the dragon that's connecting me to it. Bukod sa binaggit nila ang pangalan ko, may iba pa akong mga bulong na narinig, but I can't understand it. I think it was of a foreign language.
They both bowed to me, their head a little down.
"Death."
Pagkabigkas nila noon, tumalipon ako kung saan. Mabilis akong tumayo kahit masakit ang likod upang tingnan ang dalawa. . . ngunit nawala na ang aura ng dragon.
The sky turned bright again and Rain's eyes turned pitch black again. Parang walang nangyari. But I'm sure, something changed!
I was about to speak, when Rain turned his back on me and left. Mukhang hindi na talaga ako makakatulog sa dami ng katanungan sa utak ko.
I thought Phoenix Academy would help me answer my questions, but it doesn't seem like it.
Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro