Chapter 31
Naramdaman ko ang konsensya ko, at kaagad kong natatandaan ang mga nangyari. Minulat ko ang mata ko at dahan-dahang tumayo upang hindi mahilo.
Tiningnan ko ang paligid, at napansing nasa isa akong gubat. I can hear water streams from far away and the sun was still shining brightly here. I haven't gone out for long pero sapat na siguro ang oras para mapansin ng iba na nawawala ako.
Nagulat ako nang lumipad ang mga dahon mula sa sahig at mabilis akong pinalibutan, almost covering me from everything. Halos hindi rin ako makagalaw sa lakas ng hangin, kaya't sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko. Argh, bakit ayaw gumana ng kapangyarihan ko? Pero gumagana naman ang pandinig ko.
"You can't use your magical powers here, Georgia. Mananatili ang bilis mo, ang matalas mong paningin, ang lakas mo at ang pandinig mo but anything beyond that is off-limits. It's safer that way." Safer for me, or this person?
I scoffed. "Who are you to disable my powers?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko at nagpatuloy sa pagsasalita, "Mayroon kang makikitang dalawang fountains dito. One in the left side of this forest, and the other found at the opposite The left side is called Fountain of Lethe, from the river of Lethe, the forgetfulness. Then, the right side is where the fountain of Mnemosyne, from River Mnemosyne, the memory, is found. You'll need to drink water from there—"
I cut her off as she continued on and on, leaving me confused. "What the heck? Are you telling me to do those?" Ba't ko naman gagawin 'yon?
"Think about it, Georgia. How do I know that there's a prophecy coming? Kakampi ako, kung kalaban ako, sana kanina ka pang napahamak habang natutulog ka. I am Mnemosyne, the Titaness of memories. Sundin mo nalang ang sinasabi ko," wika niya sa'kin, gayunpamang hindi ko siya nakikita.
I looked down. Hindi ako ganoong pamilyar sa mga diyos o diyosa, and it's my first time hearing her name. Mnemosyne. Pero, I think there's no more other choice than to follow.
"After drinking water from the two fountains, hayaan mo lang na dalhin ka ng sarili mo sa isang kweba. Enter that cave, and I'll help you with the rest," muling sabi niya sa'kin then the leaves started bursting out.
This time, para na naman akong napadpad sa ibang lugar. I can see a way either sa left or right. Mukhang eto ang sinasabi niya. Ngunit saan nga ako unang pupunta?
Tinahak ako ng aking mga paa patungo sa right side, to the fountain of Memory. The way here seems to be colorful, at nakakarinig pa ako ng magandang musika from afar. Ladies singing beautifully while I walked further and further.
Napasapo naman ako sa'king noo nang bigla kong maalala ang mga masasakit na nangyari saken. Habang naglalakad ay mas lalong sumasakit ang mga ala-alang dumarating sa'kin. "Mnemosyne," I gritted my teeth from the agonizing pain. 'Di ko nalang namalayang naluluha na pala ako.
"You're a disgrace to the royal family of Vampires, Georgia." That... I remember being thrown away from the Voltaire Castle. Then, also from the heavens. "I'm sorry, Kaye, but the angels couldn't risk to allow you here. Your blood is impure... we never know what may happen."
Even the mortal world didn't accept me. Hindi man ako magsalita, marami na silang nasasabi. I sighed. I never belonged in any abode or realm. Walang tumanggap sa'kin. I was really not an angel, a vampire, a mortal. I was no one.
"Welcome to Phoenix Academy, Georgia," and now, nawala na lahat ng masasakit na ala-ala. Phoenix Academy became my home, the only place I could run to. Isa akong Phoenician na may misyon, to find the prophecy, the phoenix and peace.
Finally, nakita ko na rin ang fountain. Nawala ang magandang musika at mga kanta. I could only hear memories of my own. Lumapit ako roon sa fountain, ignoring the screams of my memories.
I noticed the sparkles of pink water, running through the fountain. Sinandal ko ang kamay ko roon at tinitigan ang fountain. Should I really drink from this? I closed my eyes and got water from both of my hands, ininom ko ito... but nothing seemed to change. Wala naman atang naging epekto sa'kin ang fountain. I sighed in frustration.
Ngayon ay nagsimula akong maglakad patungo sa left side. Nakabalik ako sa pinanggalingan ko kanina. I noticed every detail, and almost nothing seemed to change. Ito ba ang epekto ng fountain of memory? Parang bigla akong nagkaroon ng photographic memory...
Hindi na ako tumingin ulit at tinahak nalang ang daan patungo sa left side. Dito naman ay nagmistulang papalapit ako sa kamatayan, 'pagkat tila laging namamatay ang dahon bago ko daanan ang mga 'yon. They seem to wither every now and then.
The Fountain of—
Where am I headed to again?
Nagkunot noo ako at tiningnan ang paligid. Mnemosyne told me to go to this side. But... I can't remember why. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Everything seems to be quiet, even my brain. I feel so empty and it also feels so empty around here. I looked down and sighed.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng uhaw. Tila pagod sa paglalakad, naptanong ako sa sarili. "Bakit nga ba ako narito?"
I felt delighted when I saw a fountain not so far away. Kaagad akong tumakbo papunta roon, at uminom sa fountain. Huli na nang mapansin kong parang ang dumi ng tubig. Color black ito. I stuck my tongue out. Ew, did I just drink that?
Luminga-linga ako sa paligid. "Nasaan ba ako?"
Napairit ako nang may kumulbit sa'kin. I jerked away bago nilingon ang kumulbit, then I saw a man with golden eyes and dark hair. I pouted and asked, "Sino ka?"
"I'm Trophonius, ikaw ba?"
"I'm Geo— I'm...," sagot ko ngunit hindi ko maalala ang sunod kong sasabihin. Ano nga ang pangalan ko?
"Uminom ka sa Fountain of forgetfulness?"Ttanong niya at tinuro iyong black fountain. Tumango naman ako and stuck out my tongue again. Why did I even drink that water?
"I guess you're here for a prophecy, but I wonder who brought you here. Hindi ka naman isang deity. You are an angel and a vampire, hindi kaya naligaw ka lang?" Wika niya habang hinahawakan ako sa'king baba.
I didn't know what to do so I did the same to him, hinawakan ko siya sa kaniyang baba at tiningnan siya sa kaniyang gintong mata. "Wala akong naamoy na dugo mula sa iyo, Trophonius," sabi ko at tinaasan siya ng isang kilay.
"Paano mo naalala ang pangalan ko? No one remembers my name, darling," ngisi niya at nilapit ang kaniyang mukha sa'kin.
He closed his eyes, and brushed his lips on my cheeks.
"Hm, I'll bring you to my place,," wika niya at kinuha ang kamay kong nakahawak sa kaniyang baba. Nagtaka naman ako... Pero ano pa ba ang magagawa ko ngayon? Wala akong maisip na kahit ano... walang umiiral sa isipan ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patungo sa isang lugar. Isa ba itong kweba? Hihilahin niya sana ako papunta sa loob ng kweba ngunit nagpumiglas ako.
"Bakit?" Nagtatakang tanong sa'kin ni Trophonius.
"Natatakot ako, parang ang dilim sa loob, Trophonius," sagot ko at umiling.
Trophonius clicked his tongue as he shook his head. "Didn't you come here to share the darkness with me?"
Wala na akong nagawa nang hilahin nya uli ako patungo sa loob ng kweba. Nagulat naman ako nang bahagyang nagyeyelo ang aking mga inaapakan. Napalingon naman si Trophonius dito at tiningnan ako nang para bang namamangha.
Nagdilim ang lahat ngunit nakikita ko parin siya, tumingin ako sa baba at nagulat nang may makitang mga buto ng tao. Mas lalo tuloy akong natakot. He, then, pinned me to the wall, preventing me from further moving.
"It's been a while since my last meal, darling," wika niya sa'kin at naramdaman kong palapit nang palapit ang kaniyang mukha sa'kin. He opened my mouth by holding my chin. Nagpumiglas naman ako, ngunit hindi ko nagawa. "Shh," he told me.
Nagulat naman ako nang bigla akong makaramdam na para bang kinukuha ang kaluluwa ko. I can see a blue thing going out from my mouth to his.
Tinusok ko siya ng ice blades, na hindi ko alam kung paano ko nagawa. He finally loose grip of me kaya't tumakbo ako palayo sa kaniya.
Nagulat naman ako nang bigla siyang sumigaw, "Don't take any steps further!"
Tumakbo siya papunta sa'kin, so I had no choice but to step backwards. Nagulat naman ako nang biglang may golden light na umilaw sa sahig at pati sa mga walls. Tila mga scripts na nakaukit sa walls. They shone brightly at kahit ang mga mata ni Trophonius ay bigla ring umilaw nang malakas.
I looked around and saw a scripture. Oracle of Trophonius.
Sumigaw si Trophonius na tila nasasaktan, may sinulat siya gamit ang isang bato sa pader at umilaw rin ito.
When the light is born, a light must die. Flickers of the past shall be left in time. One. Two. Three deaths shall be counted. And they shall remain, shadows of the light they created
He remained screaming at sinabunutan pa niya ang sarili niyang buhok. Napatingin ako sa iba pang scriptures.
And the stars have said,
A human is born
To bring all realms
Complete destruction
I mouthed, ngunit napansin kong hindi na ito masyadong maliwanag, hindi kagaya ng sa iba.
An angel will die
But a demon will sacrifice
Ito'y maliwanag pa katulad ng bagong sulat ni Trophonius. So is this also a new oracle from him? Mangyayari rin kaya ito? Then, I also saw a word... but it wasn't glowing too. Aerilon. Summerland. Then a vision passed by my mind. A child, and a man who seemed familiar. But that vision burned in flames, as if it was never going to happen.
"Georgia!" Nagulat naman ako nang may babaeng sumigaw na tila tinawag ako. Ako ba si Georgia? Napalingon ako, ngunit napabalikwas nang 'di na makita si Trophonius.
Bigla akong lumipad papunta sa kaniya, at sa isang iglap ay biglang nag-iba ang hitsura ng kapaligiran.
"Umupo ka roon, Georgia, para malaman natin ang propesiya at para makabalik na rin ang mga alaala mo," wika niya at tinuro ang isang upuan sa gitna ng isang lawa. Kulay pink ang lawa at napansin kong kumikinang-kinang pa.
"Iyan ang throne of memory empowered by the river of memory. Kung hindi ka uupo riyan, mapapalibutan ng kadiliman ang iyong utak. You just entered the Cave of Trophonius and you just witnessed the dark prophecy," wika niya at mabilis akong iginawi roon sa upuan.
Wala akong nagawa kun'di sumunod dahil tila nawawala ako sa sarili.
"Maupo ka," utos niya kaya't napaupo ako. Nagulat naman ako nang bigla akong napalibutan ng maraming babae, and I counted them nine. Lahat sila ay may kanya-kanyang hawak na instrumento o kagamitan.
Nagsimula silang kumanta at nagulat ako nang magliwanag ang throne of memory. "They are the muses, and they will bring back your memories through their songs. But I need you first to recite me the prophecy."
Prophesies? Are those the scriptures I saw earlier? I closed my eyes and remembered those. " When the light is born," wika ko ngunit nagulat ako nang sumabay sila. Binalewala ko nalang sila at nagpatuloy nalang. "A light must die. Flickers of the past shall be left in time. One. Two. Three deaths shall be counted. And they shall remain, shadows of the light they created."
"Iyan lang ba ang nakita mo?" Tanong niya at kaagad naman akong umiling. I also said the two other scriptures that I saw. Nakita kong isinulat niya ito sa isang golden scroll, at binigay niya ito sa'kin kasama ang isang tila tinapay.
"Ano ito?" I asked.
"Ambrosia ang tawag diyan, ibigay mo iyang dalawa kay Asteria kapag nagising ka," wika niya sa'kin at hinaplos ang aking ulo.
Little did I know, my consciousness drifted away to sleep as I listen to the beautiful song of the Muses.
Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Hm, maybe this is the end for the greek things.
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro