Chapter 3
I've known my capability ever since. The capability to kill with just a touch.
It seemed like Headmaster Gaiael knew it already too. Mas lalo akong nabahala, ngunit ibig sabihin lang no'n ay hindi niya ako papaalisin dito sa akademya gayunpamang ganito ang kapangyarihan ko.
"Alam kong ayaw mong pumatay, hangga't hindi mo pa nakokontrol nang lubusan ang kapangyarihan mo. Don't let anyone touch you," paalala niya sa'kin.
Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman, pero. . . nadidismaya ako. Kung mas maaga akong nakasama rito sa Phoenix Academy, mas nakontrol ko nang maaga ang kapangyarihan ko. Why did it have to be just now, when they have long known of my existence?
I shook my head mentally. Wala nang magagawa ang mga naiisip kong 'yan. Ang mahalaga ay narito na ako.
Headmaster Gaiael extended his hand to me, giving me an envelope and keys. Napatingin ako sa kanya nang nag-aalala. Ayokong aksidenteng mahawakan ang kanyang kamay.
Mukha namang napansin niya ang pag-aalinlangan ko kaya't pinalutang niya sa ere ang mga gamit na 'yon. I carefully grabbed those, and the moment I did, the surroundings suddenly spun around me, like a timelapse.
Napapisil naman ako sa sarili ko nang mag-iba na ang paligid. Nasa gitna na uli ako pangalawang palapag, at wala na sa headmaster's office.
Kunot-noo kong tiningnan ang kamay ko't napansin na naroon naman ang envelope at susi, hindi ako nag-i-ilusyon. May mahika sigurong ginawa si Headmaster upang palabasin ako roon.
A sigh escaped my lips, and figured out how I'd find my way down. Muli kong inikot ang paningin ko. Nanatiling umiikot ang mga planeta at tanging ang araw ang nanatili sa kaniyang pwesto rito sa pangalawang palapag. Kaya naman may iilang estudyante ang nagpa-ikot-ikot, tila nahilo sa paghahanap ng planeta. Ang iba naman ay diretso lang ang lakad at liko. Maybe they are those whose magic or imagination is powerful.
Nahuli naman ng mga mata ko ang ilang estudyanteng tumayo sa isang bilog na plataporma at biglang nawala.
A teleportation platform? Hm, this may be the way down. . . or up? Who knows? Kung saan man 'yan, ay makikigaya nalang din muna ako. Hindi ko pa rin naman alam kung saan ako pupunta.
Lumapit naman ako sa mga plataporma at napansing may liwanag na pumalibot dito. Sinubukan kong tumayo doon, ngunit sa ilang segundong paghihintay ay walang nangyari.
Nagkunot-noo naman ako't inisip ang unang palapag, at pagtingin ko ulit sa paligid ay naroon na nga ako. Sa unang palapag.
Maliit akong napangiti habang lumalabas sa plataporma. It's a different feeling when your imaginations manifest.
Muli kong iginaya ang paningin ko sa envelope. May naka-dikit pala roong note. "Follow the street sign for Castles." Since it said street sign, I went out of the castle and passed the bridge again. Naghanap ako ng mga street signs, ngunit wala akong nakita. Hanggang sa napansin ko ang kakaibang anino sa daanan.
Floating letters in the form of shadows. 'Castles,' it said. Footsteps, also in shadows, appeared after it. It seems like it's leading to where the castles are. Sinundan ko nalamang ang mga footstep, at hindi na napansin ang mga dinadaanan kong lugar. Marami kasing tao. At sa wakas, nawala ang mga yapak.
Umangat ang aking paningin sa isang subdivision na may apat na buildings. Lava stone walls stood tall with wooden rooftops. Napansin ko lang na bawat building ay iba-iba ang kulay ng rooftops at lava na makikita sa gitna ng mga lava stones.
Red, silver, violet, and gold. Sa halip na gate at mga fences ang gumwardiya rito ay naglalakihang puno ang pumalibot dito. There were benches around too, and a fountain. It seemed cozy.
Sinilip ko naman ang susi na binigay sa'kin at napansin ang nakasulat sa keychain. Ashes— 11. Then, I looked back at the buildings. 'Saka ko lang napansin ang mga shadowy words sa harap ng bawat building. Wings, Tears, Eyes, Ashes. Kaya naman dumako ako roon sa may 'Ashes.'
Kumatok ako sa malaking pinto nito at kaagad naman itong bumukas, ngunit nagulat ako nang wala namang nagbubukas nito. Tiningnan ko pa nga sa likod ng pinto, ay wala talaga. Binalewala ko na lamang ito at pumasok sa loob.
Elegante ang disenyo nito, a bit antique but still elegant. May fireplace sa loob at mayroon ding mga upuan. Malaki at malawak ang space para sa iisang tao lamang, kaya't nasisigurado kong madaming nakatira dito. Umakyat ako sa hadgan. Dalawa 'yon dito ngunit parehas namang patungo sa palawang palapag.
May mga nakahilera namang bookshelves dito, ngunit may space kada isang bookshelf. Napansin ko namang sa pinakataas ng shelf ay mayroong numero na nakaukit. Naglakad-lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa bookshelf na may numerong 11.
Tiningnan ko ang buong bookshelf hanggang sa dumako ang tingin ko sa isang libro na parang may butas na hugis susi. Aha! Isinuot ko ang susi ko doon at inikot iyon. Nang mahugot ko palabas ang susi, bigla namang naghati sa gitna ang bookshelf upang nagbigay ng daan.
Pumasok ako roon, at sa paglibot ko ng aking paningin ay nagulat ako sa laki ng espasyo sa loob. Kung titingnan mula sa labas, hindi mo iisiping halos isang bahay na ang loob. Mayroong living room, dining room, kitchen, restroom, at bedroom. Kumpleto na rin ang mga kagamitan. I scoffed, "Mas malaki pa nga ito sa bahay namin."
Pagpasok ko sa bedroom, kaagad nakuha ko ng mga mata ko ang isang malaking wooden case na tila treasure chest. Napabalikwas ako nang bahagya nang magkaroon ng pakpak ang hawak kong envelope at lumipad sa taas ng aking nakita.
Nagbukas din ito nang kanya, kaya't binasa ko lang ang nakasulat doon. Wear your uniforms, and proceed to the Phoenicia Hall by the time the clock strucks eight at night.
Kaagad akong naghanap ng orasan, at napansing alas-sais palang. Halos isang oras palang ako rito sa Academy, at may dalawang oras pa ako upang mag-ayos.
I explored the bathroom. Well, hindi naman ako mayaman para magkaroon ng bathtub katulad dito. Napangiti ako nang maranasan ito nang unang beses.
Also, it seems like all students stay here. Hm, baka sulatan ko nalang ng liham si Ma at Da— kahit na 'di nila ako nasabihan tungkol dito. Ni hindi ko nga alam kung papaano ano naka-enroll dito. Hay, 'di bale.
Matapos ay kinuha ako ang uniform mula sa wooden case. Mainit pa ito sa pagkahawak ko na animo'y bagong plantsa pa. White polo 'yon na hanggang braso lang ang sleeves na mayroon badge ng Phoenix Academy sa left side. Ka-terno no'n ang wide black pants, at may kasama pang gold necktie.
Binuklat ko rin ang isa pang tela't napansing cloak 'yon na black din. Mayroon namang dalawa pang box sa loob. Ang isa ay para sa black heels, at ang isa. . . Golden gloves?
Bahagya akong napangiti 'pagkat mas maiiwasan ko ang physical contact gamit ang gloves. Sinuot ko ang uniporme at gloves agad, habang isinukbit ko ang cloak sa'king braso.
My reflection against the mirror wowed me. It's like this uniform was tailored for me, even the design. The golden gloves and tie matched my eyes. Meanwhile, the cloak's and pants' color were the same as my jet black hair.
Hinawi ko ang mahabang bangs na tinakluban ang mata ko. Dito, hindi ko na kailangan pang itago 'yon. Normal lang ang kakaibang mata rito.
I turned my gaze at the clock and noticed that it's a few minutes left before eight already. Napansin ko rin sa bintana na lumalim na ang gabi, though I could see auroras around here. Pag-slide ko ng bookshelf na pinto'y naningkit ang mga mata ko sa babaeng nakaabang sa'kin doon.
Her red eyes immediately met mine. I shivered at her gaze and appearance. Straight brown hair, and pale skin that made her bloody eyes more noticeable. Halos lamigin ako sa pagtingin palang sa kanya. Napakalamig din ng kanyang boses nang magsalita.
"Ikaw 'yong bago, 'di ba? Sundan mo nalang ako kung ayaw mong maligaw."
Hindi pa ako nakakasagot ay tinalikuran niya na ako kaagad. Sumunod nalang ako't nanatiling nakabuntot sa kanya hanggang sa mapagtanto kong hindi ko pa natatanong ang kanyang pangalan.
At muli, ginulat niya ako. "Georgia Kaye Alas. Half angel, and half vampire," aniya na tila ba nabasa ang naiisip ko.
"Oo, nababasa ko ang iniisip mo. Your thoughts are loud, Ms.," dagdag niya. Nanlaki naman ang mata ko. Oo nga pala, posible nga palang may mga nilalang na marunong magbasa ng isipan gaya niya. I should be careful, or at least learn how to block them from my mind.
My thoughts, then, were interrupted when along the way I heard someone mention her name. "Oh. Lookie look! Georgia has a new friend! Oh, perhaps her only friend. Poor Georgia, magkakaroon na nga lang ng kaibigan, isa pang baguhan at loser. Mukhang mahina, oops mahina pala talaga!"
Wow, mean girls like her exist here too? Tinaasan ko siya nang kilay habang mataas din ang noo. Like Georgia, she also had red eyes and pale skin. A vampire, I could tell. Hindi ko napigilan ang pag-irap ko. Even students in a normal class don't bully me because I'm distant. But she dares do that at our first encounter?
Napansin niya ang sama ng tingin ko sa kanya, at sumama ang timpla ng ekspresyon niya. "Oh, nalaban ka ha! Don't you know who I am?" Pasigaw niyang tanong na parang tuta.
Tinitigan ko lang siya nang matagal, at nang maramdamang hindi niya ako titigilan ay sumagot ako nang pabalang, "Hindi."
She scoffed and let out a sweet (irritating) chuckle. "I am Rowsella, the Vampress. Heiress of Vampires, and you must bow down to me," mayabang na pagpapakilala niya sa sarili niya.
Ako naman ngayon ang napatawa. Ano bang akala niya? Papatulan ko 'yan?
Hindi naman ako bampira, mas lalong hindi ako uto-uto! Nilagpasan ko nalang siya't 'di na sana lilingunin nang maramadaman kong akma niya akong hahablutin.
I shoved my hand away from her, and widened my eyes. "Huwag kang basta humahawak kung kanino, Rowsella. You don't know what I am capable of."
Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro