Chapter 29
Leonidas Malcolm's POV
Nagikot-ikot ako sa palasyo at bahagyang nag-isip sa mga nangyayari. Dumating ang mga taga-Phoenix Academy para kunin si Sinclair, o ang tinatawag nilang Eris. Buhay pala ang kuya ko, at nadadamay ang sangkatuhan.
Rain told me that it wasn't just natural fire, may isa raw nilalang na gumawa nito. Phoenicia. Iyan ang kaniyang pangalan, and she's also after Sinclair. Ngunit hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa sambayanan ang dahilan ng sunog.
Lahat ng 'yan ay nangyayari dahil ni Sinclair. No, it's not that I blame her, but it's she who's everyone's after. I need to protect her but I also need to protect my people.
Napasabunot nalang ako sa sarili dahil alam kong hindi ko rin dapat nalalaman ang mga 'to. I only bargained for it.
"Eris!" I heard someone say from Sinclair's chamber. Nanliit ang mata ko at sinilip ko siya dahil hindi pamilyar ang boses ng babaeng narinig ko, at Eris din ang tinawag sa kanya. Nagulat naman ako nang makitang mayroong isang babae at lalaki na nakapasok sa chambers niya.
"Who are you, trespassers?" Tanong ni Sinclair sa kanila ngunit bago pa sila makasagot, ay naglaho sila nang parang bula.
Naglinga-linga naman si Sinclair, na para bang hinahanap kung nasaan na sila. Kumatok naman ako sa pinto niya, kaya't napatigil siya at tumingin sa'kin. She smiled sweetly at me, and asked, "Your Highness, do you need anything right now?"
I also smiled at her. Kanina iniisip kong ihabilin na nga lang siya sa kuya ko, kina Rain. In that way, they'll protect her and I can protect my land and my people. But, I don't want to lose that smile... or at least, there's something telling me not to.
Umiling ako sa kaniya at saka sumagot, "Hm, I just thought I needed to check on you. Ang daming nangyayari ngayon, Sinclair."
Lumapit siya sa'kin at niyakap ako nang mahigpit. I was taken aback by her actions. Then, I realized. This is not Sinclair.
"Thank you for the hug, but I need to go, sweetheart," I said and tried my best to act normal. Tinitigan ko siya at pansin kong ang kulay ng kaniyang buhok ay hindi jet black. It was only dark brown, kahit ang mga mata niya't hinid rin kulay ginto.
Nararamdaman kong lumalakas at bumibilis na ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Sino 'to kung ganon? At nasaan si Sinclair?
Tumapak ako sa labas ng pinto, at sinilip ko siya isang beses bago ako tuluyang lumabas. Nakaabang parin siya sa'kin at iniintay akong umalis. Ano ba ang hinahanap niya? Dalhin ko kaya siya kina Rain? 'Yon ang naisip ko 'pagkat alam kong hindi ko siya kayang harapin.
"Alam mo, Sinclair, ba't kaya hindi ka sumama sa'kin? Sa dami kasing nangyayari ngayon, kahit nasa palasyo ka, nag-aalala parin ako," sabi ko at hinawakan ang kaniyang kamay.
Argh, sobrang init ng kamay niya. Nakakapaso at alam kong 'di normal 'yon. It was like touching fire. Napabitaw ako ngunit mabilis kong binawi 'yon at inakbayan siya. 'Di niya pwedeng malamang pinaghihinalaan ko siya.
"I think it would be nice to join you, Prince, pero kailangan ko munang magpahinga dito sa chambers ko," she said as she slowly moved away from me.
Pili kong tinago ang pagtataka ko sa'king ekspresyon. May masamang balak siya sa kwarto ni Sinclair kaya hinihintay niya akong makaalis. I slightly raised an eyebrow at her, and insisted, "This is your first time rejecting me, Sinclair."
Bahagya naman siyang nagulat sa sinabi kong 'yon, ngunit hindi naman nagtagal nang makabuo rin siya ng 'excuse.' "I'm just tired, Leonidas," she said.
"Leo!" Ako naman ngayon ang nagulat nang marinig ko si Rain na sumigaw mula sa hallway. At mas lalo pa akong nagulat nang biglang nasa loob na agad ng kwarto si Rain, at mabilis na sinakal ang babae.
He gritted his teeth, tila galit na galit na. "Phoenicia!" sigaw niya. My eyes squinted, so she was Phoenicia... but why does she look like Sinclair? Kaagad namang napintahan ng pamumula ang leeg ng babae, at pilit siyang nagpumiglas mula sa hawak ni Red.
"Hindi mo ako kayang patayin, Red. We're fylgjas, remember?" Natatawang sabi nong Phoenicia sa kaniya. That word. I'm sure I had heard that from Sinclair's sleep-talking. Ano ba ang ibig sabihin no'n para sa kanila?
Mas lalo lang nagalit si Rain, at umapoy na ang kaniyang mga kamay. "Umalis ka na bago pa dumating si Sinclair, o baka naman handa ka nang harapin siya?" Pagbabanta ni Rain sa kanya.
Phoenica, then, smirked. "Bakit ako matatakot sa kaniya? She's not the full Phoenix, after all," aniya't kumawala sa pagkakasakal ni Rain, at ngayon, parehas na silang nag-aapoy. Red's fire was warm, while Phoenicia's was too hot.
"Nasisiguro mo na ba 'yon, Phoenicia? Then, why does she exist now? Why was she reborn like the Phoenix?" Sunod-sunod na tanong ni Rain, na 'di sinagot ng kalaban. Tagaktak na ang pawis ko sa sitwasyon ngayon, at napasinghap pa ako nang lumapit sa tabi ko si Phoenicia at tinapat ang nag-aapoy niyang kamay. "I'll trap this boy in my flames, and— "
Napaatras naman ako dahil sa sinabi niya, ngunit nakuha ko ang nanlaki niyang mata na tila ba may nangyaring 'di niya inaasahan. This time, bigla nalang nawala si Phoenicia. Sigurado akong hindi niya binalak 'yon... she wanted to take me hostage, but she suddenly retreated. For what reason?
"Hindi ka ba niya sinaktan, 'patid ni Levi?" Tanong sa'kin ni Red, bagaman bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagtataka nang biglang mawala si Phoenicia.
Umiling lang ako bilang sagot, dahil lumipas na rin ang naramdaman kong init sa kamay ko. "Paano mo nga pala nalaman na nandito iyong babaeng 'yon? Ang balak ko pa nama'y dalhin siya sa'yo," tanong ko nalang.
Mas lalo lang nadagdagan ang pagtataka sa kanyang ekspresyon. "Alam mong hindi siya si Eris— Sinclair? Paano?"
"It's not hard to tell, magkaiba sila ng kulay ng buhok at syempre sa action na rin niya," sagot ko naman.
Rain Evan Delvar's POV
RED
Pinag-aralan ko ang galaw ni Leonidas. I'm sure that Phoenicia casted an illusion on her to look exactly like Eris. I vividly remember that her hair was black when I attacked her? How come can this 'Leo' guy see past illusions? Isa rin kaya siyang Phoenician, katulad ng kaniyang kapatid?
"We, Phoenicia and I, have some sort of connection. I can tell if she's near, and somehow I could reach out to her. At kung pagti-tiyagaan ko, I can tell where she is now. After all, she's in my fylgja's body," sagot ko sa kaniya habang naglalakad-lakad na kami palabas sa kwarto ni Sinclair. I set up a barrier around that, so Phoenicia couldn't enter again.
"Ano ang fylgja? Naririnig kong ganiyan ang tawag mo kay Sinclair," tanong na naman niya.
This man is getting more curious in what's happening around. At nababalik din naman ang kuryosidad ko sa kanya. Iniisip ko, anghel din kaya siya? Peculiar din ba siya kagaya ni Levi?
"A fylgja, is your other half. You'll need to protect each other at all costs. Dahil 'pag namatay ang isa, mamatay din ang fylgja. Hindi namin kayang saktan ang isa't isa. Marami pang nasasakop 'yon, pero hindi na 'yon mahalaga," pagpapaliwanag ko,
"Sinclair or Eris was my fylgja. She is originally my fylgja, ngunit nakuha ni Phoenicia ang katawan niya, kaya't si Phoenicia na ngayon ang aking fylgja. Maswerte ako dahil mahina ang link or connection naming dalawa ni Phoenicia sa isa't isa," sagot ko kaya't napatango-tango siya. "Or else, she might have taken advantage of it."
"If that's the case, why don't you kill yourself para mamatay din si Phoenicia?" He straightforwardly asked. Engot. Gusto pa talaga akong mamatay, ha? But I couldn't say that I didn't think about that.
"Phoenicia is a Phoenix, they reborn. They are immortal, kahit mamatay ako mabubuhay parin siya. I'd be sacrificing for nothing kapag ginawa ko iyon," pabalang kong sagot, halata ang pagkairita.
Tumango naman siya at 'di ako tiningnan. It seems like he's absorbing all informations about us.
"Nga pala, paano mo nahanap si Sinclair?" Tanong ko sa kaniya.
"I saw her drowning in the Phoenix falls. Akala ko nga ay patay na siya but luckily, I revived her," sagot niya sa'kin. Nagulat naman ako nang marinig ang salitang Phoenix falls. At bigla kong naalala ang pangitain, blessed by the waterfalls of Phoenix.
Ibig sabihin ay maaaring si Sinclair nga ang bagong full Phoenix! "Phoenix falls nga ba ang tawag doon?" Tanong ko sa kaniya.
Umiling naman siya at bahagyang napatawa. "Hindi, ako lang ang tumatawag ng Phoenix falls d'on."
"Bakit?" tanong ko ngunit kibit-balikat lang ang nasagot niya sa'kin.
Basta't ang mahalaga ngayon ay alam ko na kung nasaan ang Phoenix falls. Sana lang ay hindi ito madiskubre agad ni Phoenicia.
And I wonder what's happening to the other Phoenicians.
Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro