Chapter 28
Kaagad kong tinulak palayo si Phoenicia. Akala ko'y sinasakal niya ako, iyon pala'y ninanakaw niya sa'kin ang Phoenix pin. I immediately checked kung nasa'kin ang pin nang matulak ko siya palayo.
My hands cooled like winter as I pushed Phoenicia away. Akala ko ay sinasakal niya ako, iyon pala'y ninanakaw niya sa'kin ang Phoenix pin. I realized it when my collar was pulled, and now that she's afar, I checked to see if the pin was still with me.
Naririto pa rin sa'kin, at hindi siya natanggal. The phoenixes protected me.
Phoenicia growled. At ngayon naman ay nagsimulang mag-apoy ang kaniyang buhok, seems like she's more ready for battle so I unleashed my inner vampire spirit.
I sprinted outside. Alam kong wala akong laban sa kaniya, kaya't mas maigi na itong may makakakita. At the very least, there'll be someone who could save me. Tumalon ako sa puno nang atakahin niya ako nang apoy. Lumabas na ang fangs ko, at naramamdaman kong mas lalo pang pumula ang aking mata.
I travelled around her, nililito siya habang bumubuo ng mahikang maaari kong maipang-atake sa kaniya.
"Kayang-kaya kitang tuntunin kahit ilang beses kang magteleport, Georgia. Tandaan mong mas makapangyarihan ako sa'yo." Pagkasabi niya noon ay biglang may fire ball na paparating sa'kin. I barrel turned at her attack. Then, I turned the floor ice, kaya't bigla siyang nadulas and at the same time, nagmelt ang ice. Wala talaga akong laban dito.
"Phoenixes," bulong ko.
I ran towards her, at pinalibutan siya ng light spears. Ngunit nawala na naman ang mga light spears ko nang palabasin niya ang kaniyang Phoenix wings. I hissed. Hindi ko pa ganoong nakakayang maging hybrid. I can unleash both the highest form of being a vampire and angel, but not a hybrid. Hng.
I teleported near her and bit her shoulder, but what I'm really doing is stealing some of her energy and power. Napa-aray naman siya at sinipa ako. Tumalipon ako sa malayo ngunit kaagad akong ngumisi at dinilaan ang dugo niyang natira pa sa labi ko. Naramdaman ko kaagad ang kakaibang lakas, iba pala talaga ang mga Phoenix. Pakiramdam ko'y mas naging malakas pa ako.
Naramdaman ko ring nagliwanag ang aking pin. Nanatili akong nakahiga, hanggang sa nakalapit na si Phoenicia sa'kin. Nadugo parin ang kaniyang balikat, kung kaya't mas lalo akong nabuhayan.
"You know, Georgia, hindi mo naman kailangan makipaglaban sa'kin. Ibigay mo lang sa'kin ang pin at hindi na kita sasaktan pa," wika niya sa'kin habang nakahiga pa ako. Ngumisi naman ako, nakatingin parin sa kagat ko sa kaniyang balikat.
Mabilis ko siyang sinakal at padabog na isinandal sa isang puno. Ang kamay na pinang-sakal ko sa kaniya'y nagliliyab, just like the Phoenix's fire. Tinulak niya ako ngunit mas malakas ang pagkasakal ko sa kaniya, muli kong sinupsop ang dugo mula sa kaniyang balikat, and again I felt more power. Nagyelo ang mga puno at ang paligid. Pilit ni Phoenicia kumawala, ngunit hindi ko siya hinayaan. Naramdaman kong gumagana na ang kapangyarihan ng pin.
Tinapos ko na ang pagkagat sa kaniya. I smirked, my face still close to her. "Ang dugo mo, kapalit ang pin," then I licked the little blood from her shoulder. Bakas na bakas ang aking kagat sa kaniya, bagaman unti-unti 'yong naghihilom.
Pinakawalan ko siya, at tinanggal ang Phoenix pin mula sa aking collar. Akmang nanakawin niya ito mula sa'king kamay ngunit kahit ang pin ay ayaw mawalay sa'kin. Napatawa ako. Lumutang ang pin mula sa'king kamay at kitang-kita ang kapangyarihan nito na dumaloy na sa'king kamay. "I now own the pin, Phoenicia, I'm sorry. Why not have a deal with me?"
Inatake na naman niya ako ng bola ng apoy, but the pin deflected it.
"Hahayaan kitang gamitin ang pin, then hayaan mo akong ubusin ang dugo mo. Or go away before I call the Phoenixes," malamig na wika ko.
"Hindi mo pa rin ako matatalo, Georgia. Ako pa rin ang pinakamalakas," sagot niya sa'kin.
"I never said I would win against you, Phoenicia."
Nagulat naman ako nang tumalipon siya matapos kong magsalita. Then a man spoke from afar, "Huwag mo nang ipilt pa, Phoenicia. Mahina ka na ngayon. You're drained at kayang-kaya kitang patayin ngayon."
As I turned to the direction, I saw Lucifuge Rofocale, seething in anger. There was already block smoke around him, and phantoms followed his shadows. Nagsimula na ring dumilim ang kalangitan. Gayunpaman, nawala na rin sa paningin namin si Phoenicia. Hng, d'yan sa magaling, sa pagtakas.
Pumikit ako at nilagay ang pin muli sa collar. Nawala na rin ang fangs ko at bumalik ako sa normal kong anyo. Nawala na rin ang yelong bumabalot sa paligid, at 'di pa man tuluyang dumidilim ay nawala na agad 'yon.
Malakas akong napasinghap nang yakapin ako ni Lucifuge sa likod. He buried his head on my shoulder, and his heavy breathing tickled me. One of his hand gently caressed my shoulder. "I'm glad that you're safe." Narinig kong sambit niya sa loob.
His heartbeat resonated to mine, and I felt how loud it was. "Sorry. Were you worried?" Maliit kong wika.
Tumango siya bagaman nakabaon pa rin ang mukha sa'king balikat. I couldn't see his expression, but his hug became tighter. My right hand slowly went on one of his arms, and I tapped it gently. I didn't want to let go, but I need to.
"Kailangan kong puntahan si Apollo. Bago pa tayo maunahan ni Phoenicia na hanapin ang bagong full Phoenix. She's already here, and we can't delay any further, Lucifuge," sabi ko't pinisil ang kanyang braso.
"Let go," utos ko sa kanya nang ayaw niya ako pakawalan.
Unti-unti naman akong nakapumiglas mula sa akap niya. Hindi ko na siya nilingon at nag-dire-diretso papunta sa main grounds ng Semideus island. I didn't feel him follow me too.
Nang makita si Apollo ay agad ko siyang nilapitan. "Apollo, I just need to know the prophecy, then I could find Asteria," bungad ko. Hindi na rin siya nakipagbiruan sa'kin. He rested his chin his hand and thought deeply. "Kailangan ko raw intayin ang susunod na propesiya bago ko siya puntahan," dagdag ko.
"There's no prophecy yet, regarding our situation. But whenever something comes, I'll let you know immediately," saad niya sa'kin. "Also, how did Asteria know that a prophecy will come? That's odd. Wala na akong koneksyon sa kanya kaya't... Uh, nevermind, Georgia. I'll just let you know. I'll handle this."
Tumango ako at nagbaba ng tingin. Nagsidatingan naman ang iba pang Phoenicians, kaya't lumayo na ako kay Apollo at nakisama na sa kanila.
Nang makumpleto kami, nagsalita na si Apollo, "Each of you will be assigned to different God or Goddess. Hindi kasi kaya ng iisang God— Hindi ko kayo kayang i-handle lahat. And that's why we've decided to split you into groups. Magpapaulan kami ng cards na may pangalan ng God, at kung ano mang card ang makuha niyo, ibig sabihin ay doon sa God na 'yon kayo pupunta."
"We, Gods, will be waiting for you at the Arena when you've done picking cards. Once the card is revealed to you, you'll be teleporting to the arena," he explained, but it was vague. Eh, ano namang mangyayari matapos no'n?
I sighed deeply. I need to find the full Phoenix, not do this.
Naglakad siya paatras sa'min, at bago siya mawala sa'ming paningin, pumalakpak siya. Suddenly, the sun has gone. Almost all of us couldn't see a thing. Paano naman namin makikita ang cards? I smirked, matatalino pala talaga ang mga Olympians, they make a simple quest turn to a thrilling one.
Napatingin naman kaming lahat nang may biglang humiyaw. I closed my eyes nang maka-amoy ako ng dugo. Unti-unting lumabas ang mga pangil ko at pagmulat ko ng aking mata'y nakikita ko na ang lahat through my night vision.
Mabilis akong tumakbo tungo roon sa pinagmulan ng dugo, at nakita ko ang isang Peculiar na puro dugo ang leeg. I hissed at nakitang pumalibot na sa kaniya ang ibang bampira. Someone attacked her, this is part of their training huh?
Binakuran ko kaagad ang Peculiar. She doesn't seem weak, but due to her injury, nanghihina siya.
I felt someone na susungaban na sana siya ng kagat, kaya't mabilis ko rin siyang sinipa nang malakas. Marami pa sanang aatake sa babae ngunit pinalibutan ko na siya ng celestial ice blades.
Tiningnan ko ng masama ang bawat bampirang nakapalibot sa'min. "Phoenician Vampires are taught on how to control their thirst. It's by the rules that none should kill one another. Anyone who abides this comes to a punishment. You are all aware of that."
Napatingin naman ako sa sahig nang maaninang ko ang isang shiny metallic na bagay. Rectangle ito at may dugo ng babae, so this is what cut her. Pinulot ko ito ngunit wala namang nakalagay, it was just plain metal but I noticed the changes on the part where her blood touches. Unti-unti itong nagiging gold, hanggang sa nagbago na ang card. Nakalagay roon, Hestia.
Napatango ako, so the card needs the holder's blood to reveal the name.
Binigay ko ito doon sa babae. "I believe this is your card," saad ko sa kanya. Kinuha naman niya ito mula sa'kin and mouthed 'thank you.'
Napatingin ako ulit doon sa sugat niya. I compressed all the celestial ice blades that I summoned earlier to a healing ice. I gave it to her, "Put in on your wound, it will help you heal."
Umalis na ako roon at naghintay pa ng ibang pasabog ng Olympians, I'm sure hindi ganoon kadali ang mga laro nila. They're testing our unity as Phoenicians.
"Fire and light mages! Please light us all up," sigaw ni Lucifuge. Mabilis naman akong dumalo malapit sa kanya. Napatingin ako sa kanyang kamay at napansing mayroong bagong mga sugat. Ah, he probably took care of some things back in the forest.
Isa-isa namang sumibol ang apoy dahil sa anunsiyo ni Lucifuge. They scattered among areas para lahat ay mailawan. Lucifuge turned at me and winked. The werewolves have turned to their wolf form, probably to see everything well.
Tumingin ako sa itaas, I wonder kung saan nanggagaling ang mga cards. Do they suddenly fall from the sky or...
I jerked backwards nang bigla sana akong dadaplisan ng isang blade, ng card. I squinted my eyes. Hindi pala sa taas nanggagaling. There are assasins around us, and they're killing us with cards.
May napasigaw na naman, this time dumami sila. Ang card na sana sa'kin dadaplis ay dumaplis sa iba, and it even pierced his shoulder.
Napatingin ako sa direksyon ng pinagmulan ng card, and unfortunately I saw no one.
Nagulat kami nang ma-deflect ang fire and light mula sa mga mages. Someone has deflected them, and even my night vision was gone. Someone also has summoned complete darkness. Was it Erebus? The Greek God of darkness.
Ngayon ay hindi ko na alam kung sino-sino ang nakapalibot sa'kin. Pakiramdam ko nalang ang kinakapitan ko ngayon. Pakiramdam ko'y mas dumami ang patalim na tatama sana sa'kin. I closed my eyes para mas marinig at maramdaman ko ang mga patalim.
I glided and tumbled para maiwasan ang mga patalim. Kada may malapit sa'kin, I try my best to get it fastly. This time, totoo na siyang blade. Naglagay pa sila ng pampalito. Tsk.
Mukhang pinapahirapan nila kaming kumuha ng cards. It was easy earlier, and now it gets harder. No one can see, and no one knows whether card or blade ang nakukuha o dumadaplis sa kanila.
"Lucifuge," tawag ko sa kaniya 'pagkat nararamdaman kong malapit lang siya sa'kin. I can feel him looking at me straightly, I mean... Can he see through this complete darkness?
"Have you forgotten,Georgia? I'm a demon. Darkness only makes me stronger," sagot niya sa'king utak.
Tumango ako. Nakakakita nga siya, "Kung gayon, nakikita mo ba kung nasan si Erebus?"
"Hindi," sagot niya sa'kin. "He's camouflaging through the dark. Ano bang balak mo?"
Napaisip naman ako. I'm thinking of making him stop this complete darkness. That way, mas madali makukuha ng lahat ang cards. Naamoy ko na ang sandamakmak na dugo, meaning a lot are now injured or something.
If Erebus is the God of Darkness, hindi kaya't ibig sabihin no'n ay he is darkness itself? Therefore the only thing to get out of here is light! "Tama ba ako, Lucifuge?"
Tumango naman si Lucifuge at sumagot, "Only light can drive darkness away. But light shouldn't come from the dark."
Nagtaka naman ako. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
Naramdaman ko ang paghawak ni Lucifuge sa'king kamay. "Darkness cannot breed light. Habang narito tayo sa loob ng complete darkness, hindi ka makakabuo ng ilaw. There must be someone from outside this area to light up."
Napa-awang naman ang bibig ko, I get it now. "Since you could see through darkness, hindi kaya maganda kung maghanap ka ng way out of this area, and bring a light mage with you," suhestiyon ko.
"Hindi ba't anghel ka? I'm sure your celestial light can do it. Ikaw nalang ang isasama ko," malakas niyang saad.
"Are you crazy? Bakit ka nagsalita ng malakas? We're doing telepathy here. Besides, hindi ko pa master ang angel side ko," pagpapagalit ko sa kanya't pinisil pa ang kamay niyang nakahawak sa'kin.
Pinisil niya pabalik ang kamay ko. "But I don't trust other light mages. Kaya mo naman 'yan," he said, and I felt the pout from his tone.
Wala na akong nasabi pa nang hilahin niya ako patungo sa... hindi ko alam kasi wala nga akong makita. Tumakbo siya kaya't napatakbo na rin ako. Until I felt someone cut my leg. And the other, hanggang sa hindi na ako makalakad. That hurts but whatever. Muntik na akong mapasubsob sa lupa, ngunit naramdaman ko namang binuhat ako ni Lucifuge.
"Hm, bigat mo," bulong ni Lucifuge sa'kin. At bahagyang isiniksik ang kaniyang mukha sa leeg ko.
"Bitaw," maawtoridad kong sabi.
"Hindi mo kayang maglakad," he argued.
"Bitaw," muli kong sambit. Dahan-dahan naman niya akong binaba. Napangisi ako at inilabas agad ang aking pakpak. Hindi ko man kayang maglakad, pero kaya kong lumipad. Umangat ako sa ere at napangisi. Hmp, akala nila ha.
Kumapit ako sa balikat ni Lucifuge, "Lead the way again."
Nagulat naman ako nang biglang umangat na rin sa ere si Lucifuge. Hinawakan niya ang kamay ko at ni-lead paakyat sa langit.
Then I'm slowly starting to see him. His black suit and black wings. Medyo madilim pa. But at least now I can see a little bit. At habang paakyat nang paakyat, paliwanag nang paliwanag.
And then I saw the sun again. It was like two worlds. Sa baba ay nakikita ko ang kadiliman, at dito naman sa taas ay puro liwanag.
I wasted no time and cast a celestial light. Pinaliwanag ko rin ang aking mga pakpak. Halos buong sarili ko ay nagliliwanag na. I touched the darkness with my light. At nagpaikot- ikot ako sa area, hanggang sa nawala na ng tuluyan ang kadiliman. The light mages helped me nang makakita na sila at nang mahawakan na nila ang liwanag.
I slightly smiled, tumigil na ako at umupo na sa baba. Pumulot ako ng card na hindi pa gamit at dinaplis ito sa'king palad. Unti-unting nagbago ang card, at may lumitaw naman na pangalan, Apollo.
Napailing ako, si Apollo na naman. But I guess this is okay, mas madali kong makukuha ang propesiya, o baka naman sinadya na ito ni Apollo.
Nagbago na naman ang paligid. Ngayon ay mukhang nasa arena na ako, napatingin ako sa paligid at halos lahat ay narito na rin.
"Akala ko pa naman ay matatagalan kayo sa ginawa naming laro para sa inyo," wika ni Zeus, "Job well done."
Nanliit naman ang mata ko nang makita si Phoenica malapit sa peculiar na tinulungan ko kanina. I squinted my eyes and saw her inject her own nail to the peculiar's neck. Nawala siya nang parang bula, ngunit nagulat ako nang lingunin ako ng peculiar. Mali, hindi na siya ang peculiar kanina. She's now Phoenicia's slave, spy.
She devilishly smiled at me, and mouthed, "Game on."
Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro