Chapter 25
I needed to seclude myself from others... just for the meantime. Right now, I just feel like it's all too much for me. I also keep seeing bits and pieces of my past. Sinclair, Eris, whichever past was it. The two men earlier were big parts of my past, that's why I can't help but feel so lost.
Sumilip ako sa'king durungawan at nakita ang tirik ng araw. Naningkit ang mga mata ko nang biglang makarinig ng boses ng lalaki sa isipan ko. "Fylgja," aniya. Nang bumaba naman ang tingin ko sa ibabaw ng walls ng pumo-protekta sa palasyong ito, napasinghap ako 'pagkat nakita ang lalaking may puting buhok kanina. Ang tumawag sa'kin ng fyglja.
"Hindi ka pa kumakain, Sinclair," he stated. "What's keeping you there?" Tanong niya't tumalon o halos lumipad patungo sa bintana. Umupo siya roon, at ningitian ako nang nakakaloko. Napagtanto kong nakatingin lang ako sa kanya nang matagal dahil hindi ko alam kung pa'no siya pakikitunguhan, ano'ng sasabihin o gagawin.
I shook my head and broke my eye contact from him. Napabuntonghininga naman siya't nagsalita muli. "You must be confused, right? We apologize for that, and we didn't know you lost memories. If we had known, we'd be more careful."
Binuksan ko ang bibig ko para sumagot sa kanya ngunit hindi ko rin alam. If I put myself in their shoes, they must have been looking for me a long time. If I had not lost my memories, I would be doing the same too. Look for them. Reach out for this familiarity. Napahawak ako sa dibdib ko nang malakas na tumibok ang puso ko.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang hawakan ng lalaki ang mga balikat ko at pagtingin ko sa kanya, bumungad sa'kin ang nag-aalala niyang mga mata. "Are you okay, Sinclair? Are you hurt anywhere?"
"Ah, he must have thought I was hurt," isip ko. Humakbang ako palayo sa kanya't binitawan niya naman ang mga balikat ko. Mabilis din siyang humingi ng paumanhin. "Sorry, that was an initial response. Hindi ko agad naisip na di ka magiging komportable," aniya't napakamot pa sa kanyang ulo.
Maliit akong ngumiti. If that was an initial response, he must have took care of me in the past well.
"Totoo bang may kapangyarihan ka ng apoy?" Tanong ko, sinusubukang pagaanin ang atmosphere sa pagitan namin, o baka ako lang naman ang nakakaramdam no'n. He looks comfortable, but I didn't know about him. Hindi ako nakatingin sa kaniya, ngunit nakita ko sa'king peripheral vision na tumango siya.
"Paano? Paano ba tayo nagkakaroon ng mga ganiyang kapangyarihan?" Tanong ko at bigla naman niyang tinakpan ang mga labi ko.
"Masyado kang maingay, fylgja. Baka mapagkamalan kang baliw ng mga kasambahay ninyo. Sa mundong ito, hindi normal ang mga kapangyarihan. Kaya't huwag na huwag kang magtatanong kay Leonidas ng ganyang bagay. Siguro ay kami nalang ni Leviticus ang iyong tanungin," mahabang paliwanag niya at saka tinanggal ang kaniyang kamay.
"Also, you haven't even asked for my name," he said, pouting like a kid and his feet swung back and forth while sitting on my window.
"Ah, oo nga pala," maliit kong sambit. "Sino ka ba?"
Then, he suddenly burst out laughing. Nanlaki ang mga mata ko nang akala ko'y mahuhulog siya mula sa bintana kaya't hinawakan ko ang kanyang kamay at hinila siya paloob. Mukha namang nagulat siya kaya't halos nagkatamaan kaming dalawa sa lakas ng pwersa ng pagkakahila ko.
I stumbled down the floor, so he was pulled close to me. Napaupo ako ngunit nasalo ako ng sarili kong mga siko. Narinig ko namang napaluhod ang lalaki at pagmulat ko ng aking mga mata, namula ako nang mapansing magkalapit ang mukha naming dalawa at magkadikit na ang mga noo.
I can feel his breath against mine, and his right hand supported my back, almost hugging me close. His left hand was close to where my other elbow was.
"R-Red...," sambit ko at tinaas ang isa kong kamay para tulakin siya palayo, ngunit nanlaki ang mga mata niya kasabay ang pag-awang ng kanyang mga labi.
Mas lalo kong narinig ang lakas ng tibok ng puso ko't nanginginig na ang siko kong nakasuporta sa pwesto ko ngayon.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko, Sinclair? Ni hindi ko pa napapakilala ang sarili ko," saad niya.
Ako naman ang nanlaki ang mga mata. Doon ko lang napagtantong tinawag ko siyang Red. That was his name? Hindi ko alam kung paano at saan ko nakuha 'yon.
Did my subconscious-self call him? Dahil ba sa mga emosyon ko kung kaya't bigla kong nasambit ang pangalan niya?
Tila naman natauhan siya nang bigla akong napasinok. Mabilis siyang tumayo at inalalayan na rin ako. Muli, humingi na naman siya ng paumanhin. He covered his lower face with his hand, which seemed too red to me. Natamaan ko ba 'yon kung kaya't mapula?
"This won't do. K-Kailangan nating lumabas, Sin. Pardon me, but let's teleport somewhere else," aniya at sa mga sumunod na segundo, nag-iba ang aming paligid. Hindi ko alam kung nasaan kami, ngunit nakikita ko ang aming kastilyo mula sa mataas na bundok na ito.
So he could teleport too. Sinilip ko siya't nang magtama ang aming paningin, mabilis siyang nag-iwas tingin kaya't napataas ako ng kilay. Parang kanina lang ay hindi niya mahiwalay ang tingin niya sa'kin, ah? "Red ang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya at lumapit, pero siya naman ang humakbang palayo.
Hinaayan ko nalang siya, at hinintay ang kanyang sagot. "Rain Evan Delvar, pero... o-oo, Red din. Kagaya mo may dalawang pangalan dahil may dalawang identidad. You, Levi, and I lived our life before, then again. But this life of yours, perhaps it's the third," saad niya habang nakatingin sa papalubog na araw.
The third? Hm, that's bitter. They probably remember everything all their memories with me in my first and second life, but they don't know anything about now.
Para bang nabasa niya ang nilalaman ng isip ko kaya't napatawa siya at sa wakas ay nilingon ako. "But it's not that bad. Isang taon ka lang nawalay sa'min, Sinclair. Surely we have an eternity or more lifetimes together." Hindi naman ako nakasagot do'n. Pa'no niya naman nasisigurong magiging magkasama kami sa mga susunod? It's not as if he's my brother or something.
"Nasaan pala si Leviticus?" Tanong ko ngunit umiling lamang siya.
"Hindi puwedeng pumarito si Levi. Ang alam pala ng lahat ay wala na siya sa mundong ito," sagot niya. "Nagkataon lang na may kaguluhan kanina kaya't nakasaglit siya dito. Heh, anyone would freak out seeing a dead man alive."
"How 'bout you? Paano ka nakapasok dito sa aming palasyo kanina?" Imposible rin na basta siya papasukin, unless... Kinindatan niya ako kaya't napasapo ako sa noo. Ibig sabihin ay tama lang ang naisip ko. He just trespassed to our territory. If Leo knows about this, lagot.
"You'd cover for me, right, Sinclair?" Mapang-asar niyang tanong. Seems like he's back to his playful aura.
"Ah, right. Paano kayo nagkakilala ng kapatid ni Leviticus? It seems like a play of fate after all these coincidences," aniya.
"Hmm, siya ang sumagip sa'kin nong nalulunod ako sa isang talon. He revived me, I think. Wala akong maalala n'ong panahong iyon. Kahit naman ngayon ay wala, kaya't kinupkop nila ako, at tinuring na kapamilya. Now that you've mentioned about it, it might be fate that brought me to them. I couldn't imagine surviving if it weren't for them."
"Ikaw. Bakit naman si Leviticus nawala sa mundong ito? When he's alive naman pala," tanong ko naman sa kaniya.
"Phoenix Academy would find you, Sinclair. You'd always survive," Red muttered.
"Phoenix Academy?"
Bumuntong-hininga siya, at sumagot. "I forgot that you even forgot about it. Ang Phoenix Academy ay isang eskwelahan kung saan nagtitipon ang mga kagaya nating may kapangyarihan at kakayahan. We cannot coexist with the mortal world, so we are sent there— to train, to meet others, to find ourselves, and to be strong."
Napatango naman ako at napatingin sa sarili kong mga kamay. "I guess we met there. That was the first memory I obtained from my past, a phoenix bringing me there. But there's a sour memory I remembered. I had the power to kill with a touch."
"Hindi na naman gan'on ang sitwasyon mo ngayon, kaya't 'wag kang matakot, Sinclair," he told me right up.
"I hope so," isip ko.
"Nais mo pa bang manatili sa mundong ito, Sinclair? You're a demon-angel, and you'd be safe there. We'll protect you, and you'd know yourself more. We belong there," sabi niya at napatungo naman ako. Bumagsak ang mga mata ko sa lupa. Isa pala akong demonyo at anghel.
It wasn't exactly a surprise, and with all the abilities I manifested, I knew I wasn't a normal mortal. "Pero hindi ako maaaring umalis, kailangan ako ni Leonidas. Isa na akong parte ng pamilya nila," sagot ko.
Umiling naman si Rain, "You'll eventually go there, Sinclair. Delikado rito at maaari ka pang makadamay ng ibang tao. Not that I'm saying you are dangerous, but there are dangerous people out there, who would want your power, or just you."
Nagulat naman ako nang biglang napabalikwas si Rain, habang unti-unting nagiging pula ang buhok. Does his hair color change whenever he uses his power or something? "Sandali. Nakakaamoy ako ng apoy," aniya.
I squinted my eyes on him. I guess that's part of his power. Kahit wala akong nararamdamang apoy o nakikitang apoy sa paligid namin ay naaamoy niya 'yon. It's not like he's some kind of dog... or dragon would be a better term.
"Sinclair, cast invisibility on us," utos niya sa'kin na ikinagulat ko. Teka, sino ba siya para utusan ako? Ah, anyway, susundin ko nalang din. Matapos ay hinawakan niya ang aking kamay, at sa isang iglap nasa plaza na kami.
Akmang magsasalit ako nang ginawi ang kaniyang index finger sa kaniyang labi. Tahimik, iyon ang nais niyang iparating. Tumango naman ako at naging sunud-sunuran sa kaniya. It's as if, one wrong move, we're both dead. Ginala ko ang aking mga mata. The fire became bigger. "Sinclair, diffuse the fire. Pahinain mo." Hindi ko pa siya ganoong narinig dahil sa sigawan ng mga mamamayan. We're still invisible anyways.
Pinikit ko ang aking mata at sinubukang i-gather ang enerhiya ng apoy sa'king paligid. I then imagined na pahinain ito, at sa tingin ko'y gumana naman dahil sa pagbawas ng enerihiya ng apoy.
"Don't put it out so fast, Sinclair. They'll be suspicious," wika ni Red kaya't napamulat ako at tumango sa kaniya. Pero hindi ba't apoy din ang kapangyarihan niya, bakit naman ako ang pinagawa niya nito? Isa pa, bakit nagkaroon na naman ng pag-apoy dito? Hindi ba't nawala na dapat iyon kanina.
"Red, ikaw ba ang may kagagawan ng apoy kanina?" mahinang tanong ko.
Nagulat naman ako nang umiling siya. "Nag-apoy lamang ako nang maliit, ngunit hindi ko iyon pinalawak at pinalaki. There's another one like us here. Someone capable of making fire like me," he answered.
"Kilala mo?"
Tumango siya, "Phoenicia."
May kakaibang kirot sa dibdib ko nang sabihin niya ang pangalang 'yon. I'm guessing I also know her from my past life, and guessing from the situation, she's an enemy. "Kung kilala mo, bakit hindi mo pigilan?"
"We cannot stop her, Sinclair. We can only delay her vengeance. Isang tao lang ang makakapagpapigil sa kaniya," paliwanag niya. Napakunot-noo naman ako, ganoon ba kalakas 'yong Phoenicia?
Bigla na namang sumakit ang ulo ko nang maalalang mayroon akong strange markings noon sa kamay ko. I thought I saw them for a split second, but it was only a memory, and that brought feelings. I felt powerful, as if it was an answer to how powerful Phoenicia was. I shook my head inwardly,
"Sinclair!" Napabalik lang ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Leonidas. Sasagot na sana ako pabalik, ngunit bigla kong napagtanto... Invisible kami, 'di ba? Nawala na ba ang bisa no'n habang nag-iisip ako, o katulad siya ni Leviticus, na kaniyang kapatid, kung kaya't nakikita niya rin talaga kami kahit na invisible nga?
"Paano niya tayo nakikita, Sinclair?" Tanong ni Red sa'kin. "Hindi dapat tayo nakikita ng mga mortal. Saglit... isa ba talaga siyang mortal, Sinclair?"
I glanced at Red because of what he had said, and stared back to Leo who's running to us. Then, I looked around and some looked confused who their Highness is calling. They don't see us. Hindi ko pa nga nalalaman ang nakaraan ko, mayroon na naman akong panibagong aalamin.
Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro