Chapter 24
Eris Sinclair Alderhaide's POV
SINCLAIR
I deflected the fire.
Hindi ko alam kung papaano ngunit n'ong panahong iyon, naramdaman kong kaya ko iyong gawin. Mukha mang imposible, pero baka kaya kong gawin ulit! Kumuha ako ng kandila at posporo, at pinailawan ito ng apoy.
Itinapat ko ang aking kamay sa apoy ng kandila. I focused at inisip na patayin ang apoy by just using my energy. I took in a sharp breath when the fire went out... So, it's real. Hindi pala coincidence ang lahat. Ang tanging naiisip ko lang ngayon ay si Leo. How will he react to this? Hindi kaya't balewalain niya na ako sa pag-aakalang mangkukulam ako?
Sumilip ako sa'king durungawan. Napakalaki na ng apoy sa bayan. Shall I save them? But I'll be risking my life then. Hay, bahala na. Ang mahalaga ay masuklian ko ang tulong na ibinigay sa'kin ng pamilya ni Leo.
Kumuha ako ng cloak at isinuot ito, pinalitan ko rin ang damit ko upang 'di ganoong mapansin. Umabot sa'king mata ang hood ng cloak, dahil sa lahat ng dapat kong itago, mas nakakahigit ang gintong mata ko. They would recognize me immediately if they've seen my eyes.
I slightly opened my door. Hng, ang daming gwardia! Hindi ako makakatakas, ku-kuwestiyon-in nila ako lalo pa't may sunog sa bayan. Mabilis kong sinara ulit ang pinto, ni-lock ko iyon. Ngayon, paano ako makakaalis sa palasyong 'to?
Ah! Sa bintana ako dadaan.
Sumilip ako sa baba ng aking bintana. Binilang ko kung ilang gwardia ang aking makakatagpo. Lima, limang lalaki ang kailangan kong pabagsakin. Tinantya ko ang layo mula sa aking bintana patungo lupa. Tatalunin ko na ba? If I'll climb down, there's higher chance that they'd notic me, so... I guess I'll need to jump.
Bumwelo ako ng pagtakbo patungo sa bintana at tumalon. Wala akong naramdamang kaba, instead I felt like flying and I landed smoothly. Halos walang tunog, para bang sobrang gaan ko. Ni hindi napalingon sa'kin ang mga gwardiya. I wonder if I could be invisible too?
I walked past the guards, and they didn't notice me at all. My imagination worked! Wala sa sarili akong napangiti, pero kaagad din iyong nawala nang bigla akong atakihin ng mga gwardia. Argh, nawala ang invisibility ko! I kept the cloak hid my eyes while looking at them.
Umamba ng suntok ang isang gwardiya na kaagad ko namang sinipa sa tuhod kaya't hindi na siya natuloy sa pagsuntok. I casted an invisibility on me, once again. Nagtaka naman ang natirang apat na gwardiya. They waved their swords like fools. I ducked when a sword could have accidentally cut me. Inagaw ko naman ang espada ng napatumba kong gwardiya.
I removed my invisibility, but I created or shifted myself to another person. Lalaking sunog ang mukha, iyan ang nakita ko sa sarili kong repleksyon sa esapada ko, at malamang iyan din ang nakikita nila. Illusions— I'm sure that's what I'm creating right now.
Tumakbo ako at inatake ang pangalawang gwardiya. Our swords clashed, pero sinipa ko kaagad siya nang malakas while shooting a dagger to the other guard. Instantly, two gwardias were down. Now, dalawa pa.
I smirked, I'm actually enjoying this. War, blood, violence. It was as if I was made for this. Born for wrath and fury.
Shall I try to use my powers? I closed my eyes as I dropped my weapons, but not my fighting spirit. Hindi ako nakakasiguro kung ano ang aking kapangyarihan ngunit ilan ang nasisigurado kong kaya kong gawin. Illusions and deflection.
Gumawa ako ng mga ilusyon ng mga gwardiya na kinalaban sila. It was a countless number, kaya't sigurado akong mapapagod sila. Ang hindi nila alam ay hindi totoo ang mga kinakalaban nila. I turned myself into a knight now, para madali nang makalabas dito sa palsyo. Diretso ang aking pagtayo at ginaya ang lakad ng mga gwardiya.
Hinarang naman ako ng isang gwardiya. "Saan ka magtutungo?"
Hindi ako sumagot sa takot na mabuking sa boses. He looked at me warily. Tiningnan ko rin naman siya ng mariin, at pagkatapos ng ilang segundong pagtitigan, he finally let me out at hindi na ako pinakialaman pa. Tinanggal ko naman ang ilusyon ko, hindi na naman siguro ako makikita ng mga tao. Siguro'y ang mata ko lamang ang aking iibahin. I'll change it to a color of blue, katulad ng kay Leo.
Binilisan ko ang paglalakad papuntang bayan. Naroon pa rin ang aming mga karwahe na may bakas ng pagkasunog. I wonder who did this. Maaaring katulad ko ang may gawa nito, hindi basta-basta umaapoy nang malakas ang karwahe. It needs to be ignited by sparks of flames first, pero iyong kanina... it was like an explosion.
Nanliit ang mata ko nang makita si Leo. His hair still tied to a low ponytail, but with some loose hair. I noticed his eyes. He was looking at someone, and he's mad. I cast an invisibility on me once again as I approached Leonidas. Then, I looked at the man he was looking.
A man with white hair, and flaming red eyes. Nakangisi siya kay Leo, at dahil sa kanyang mga mata, naisip kong... Siya ba ang gumawa ng apoy? I studied him once more, and he looked familiar. Suddenly, a vision came to my mind. Isang lalaki na binabato ako ng mga apoy nang sunod-sunod. The boy was him! He's from my past! So he could have possibly set our carriage in fire. I gritted my teeth. Galit ba 'to sa'kin? Then, mas galit ako sa kaniya!
Nagulat naman ako nang bigla silang mawala. Teleportation? Iyon ba ang ginawa nila? I sighed, hindi ko na sila nasundan. Nagulat naman ako nang may humawak sa'king balikat. Nanlaki ang mata ko at kaagad na lumingon. "Invisible ako, paano niya ako nakita?" isip ko.
Nagkunot ang noo ko nang diretso siyang nakatingin sa'kin. I looked around, and no one else was looking at me, at us. Para bang siya lang ang ang nakakakita sa'kin at ako lang ang nakakakita sa kaniya. I studied his features, he had this golden hair and heavenly blue eyes. He is towering over me, at nakataas ang isang kilay niya sa'kin. Hm, he's also really really familiar. Nakita ko na siya, I just couldn't figure out where. Sa mga litrato ba?
Leviticus Malcolm. I remembered his portrait in the castle. Ganyan ang kaniyang hitsura, ngunit ang kaharap ko ngayon ay mas matured lang ang mukha, matilos ang hulma ng kanyang panga at ang mata ay mas lalong pumungay. But... why am I seeing him? He's dead. Ibig sabihin ba noon ay patay na rin ako? Or is it my power to see the dead too?
Binigyan niya ako ng nakakalokong ngisi. "Si Leonidas na pala ang pumalit sa'kin."
Nanatili akong gulat, lalo na't nakikipag-usap siya sa'kin ngayon. Can I communicate with ghosts too?"M-Malamang. Siya ang natirang anak matapos mong mawala kaya't nararapat na siya ang pumalit bilang tagapagmana."
Umiling siya at mas lalong lumapit sa'kin. Halos katingting nalang ang agwat sa'ming dalawa. I gave him one eyebrow up. "Hindi iyon ang ibig kong sabihing pumalit, Eris," wika niya.
Nagtaka naman ako. Eris? "Sinclair ang pangalan ko. Ano bang ibig mong sabihin?"
He slightly opened his mouth in amusement then slowly nodded. "Ang dami mo palang pinagbago, Sinclair," he said. "Kaya mo nang gumawa ng mga ilusyon." Ibig sabihin alam niya talaga ang mga ginagawa kong ilusyon? Nakikita niya 'yon, at 'di rin siya normal katulad ko. Is that the reason why he's not here in this world?
"You also belong to my brother now. You weren't mine, but I'm sure we shared something,"dadag niya't ngayon mas lumapit siya kaya't bahagya akong napaatras. Hindi ko alam ang mga sinasabi niya! Nagsimula akong matakot dahil sa tingin niya. His heavenly blue eyes, just like Leo's, looked at me piercingly. Nakakapanghina ang mga tingin niya, he looked like an angel, but mad. So pure, yet deadly. Bahagya niyang ibinaba ang kaniyang katawan upang magkapantay ang aming mga mukha.
"L-Leviticus," medyo nanginginig kong sabi.
He closed his eyes as if he was savoring the moment. Then, he muttered, "I missed you since our first lives, and I remember everything now, Sinclair."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. What does he mean? Si Leo lang ang lalaki sa buhay ko, unless he was really from my past. Pero... tapos na ang nakaraan. Naguguluhan ako. Nanghina naman ako nang hawakan niya ako sa aking mukha. "Lastly, I can touch you now, Sinclair."
Ngayon mas lalo niyang nilapit ang kaniyang mukha sa'kin. Hinawakan niya ako sa kaniyang mga bisig kaya't hindi ako makawala. Naramdaman kong isasara niya na ang pagitan sa'min hanggang sa bigla nalang siyang tumamba. Nanlaki ang mata ko sa gulat, at napatingin ako sa aking tabi. Leonidas Malcolm.
Sinuntok niya kuya niya! "K-kuya?" Gulat na samabit ni Leo.
Napalingon naman ako sa likod nang may kumulbit sa'kin. Inakbayan niya ako at tumawa. "Ganda naman ng fylgja ko. Pinag-aagawan," aniya at pinisil ang braso ko. I watched him smile at me, siya 'yong lalaking puting buhok at may pulang mata. But this time, his hair was a mixture of red and orange. And I swear, his smile was brighter than the Sun.
Pero saglit, why am I stuck with these three? Ano bang nangyayari?
Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro