Chapter 23
Leonidas Malcolm's POV
"Prinsipe, handa na po ang hapagkainan," wika sa'kin ng isang kasambahay. Tumango naman ako, at mabilis na bumaba sa hapagkainan. Kaagad kong nakita ang dami ng handa. Napangiti naman ako, at talagang pinaghandaan ni ama't ina ang kaarawan naming dalawa ni Sinclair.
Buong-pusong tinanggap ni ama't ina si Sinclair sa'ming kaharian. Lubusan pa nga silang natuwa sapagkat ngayon lamang nagkaroon ng babae sa pamilya, at para sa kanila'y biyaya si Sinclair. Sa totoo lang, ginawa nang totoong anak ni ama't ina si Sinclair, which makes her a princess.
"Leo!" Napalingon naman ako nang tawagin ako ni Sinclair. She had her hair in a bun, na mas lalong nakapagpakinang sa kaniyang mga gintong mata. Suot-suot niya rin ang isang laced gold gown na niyakap ang kaniyang katawan. At kahit na napakataas ng sapatos na kaniyang suot, dali-dali siyang bumaba sa hagdan kaya't napatawa ako. Gutom na talaga siya, iyan ang masasabi ko.
"Hintayin lang natin si ama't ina, Sinclair. Matapos ay diretso tayo sa parada," wika ko sa kaniya at inalalayan siyang umupo. Ipinaghila ko siya ng upuan.
"Ngayon ka na ipapakilala sa buong bayan, Prinsesa," natatawa kong sambit.
She frowned. "Hng, hindi na naman ako kailangan ipakilala pa, Leo. Inampon ninyo lang ako, at hindi ako totoong royalty! Magugulo lang ang mga mamamayan," aniya na may panggigigil.
"Talagang magkakagulo sila! Who would have thought that there's a beauty here," biro ko sa kaniya. "Alam mo namang kailangan mo rin magpakilala sa kanila. Ikaw man ay hindi namin kadugo, isa ka nang prinsesa."
Napalingon naman kami nang narinig namin si ama't ina. Nakahanda na rin sila para sa parada mamaya. They smiled at us as they greeted, "Maligayang kaarawan, mga anak!"
Tumayo kami ni Sinclair at sabay na nagbigay-galang at nagpasalamat, "Maraming salamat po."
Nagsimula naman kaming kumain habang nag-ku-kwentuhan. Masaya ang aming kwentuhan hanggang sa banggitin ni Ina si Kuya. "Kung narito lamang sana si Leviticus, mas masaya sana tayo ngayon," she smiled sadly. Na-mi-miss na namin si Kuya, pero wala na siya at hindi na namin siya kapiling. He was supposed to be the heir for the throne. He was trained for it. Ngunit dahil wala na siya, ako na ang naging tagapagmana.
Tiningnan ko si Sinclair. Tahimik siya bagaman 'di siya mukhang malungkot. Syempre ay hindi naman niya kilala si kuya Levi. Pero napapansin kong lagi siyang napapaisip tuwing mababanggit ang pangalang Leviticus. Maaaring may kapangalan siya sa dating buhay ni Sinclair, na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nadidiskubre.
It's been a year since I found her, but there are only few clues regarding her identity. Phoenix Academy, Eris, Ashes, Leviticus, Phoenicia, Fylgja, and Red. Mga katagang hindi ko alam kung saan nanggaling o kung ano ang ibig sabihin. Pero malimit kong naririnig ang mga iyan kung siya'y binabangungot, at wala sa kanyang kaalaman na nababanggit niya ang mga 'yan.
"Pinapasok na po namin ang mga tao, mga kamahalan. Nakahanda na rin po ang karwahe," wika ng isang gwardia. He bowed his head and saluted before heading out.
"Are you ready, Sinclair?" Tanong ni ama sa kaniya. Tiningnan ko si Sinclair sa aking tabi, ngumiti siya at tumango. Nagulat naman ako nang hawakan niya ang kamay ko. Malamig kaya't halatang kinakabahan siya. Hinagod ko naman ang likod niya. "It's going to be fine, Sinclair. They're going to love you," I assured.
Umiling siya. Hm, is she feeling something else? Masama ba ang pakiramdam niya? Malalim lalo ang tingin niya sa kawalan na tila ba may pumasok sa utak niya na 'di magandang ideya. "Ano'ng problema?" Tanong ko't pinisil ang kanyang kamay.
"M-May naalala ako, Leo," sagot niya sa'kin. Pinisil niya pabalik ang kamay ko at naramdaman kong nanginginig na ito. "Isang ibon na nagliliyab ang pakpak. Papunta sa'kin at dinala ako sa kung saan, Leo," pagsasalaysay niya. For a split second, nanlaki ang mata ko. Phoenix, iyan ang tawag sa ibong naalala ni Sinclair. But phoenixes don't exist. How come may naaalalang ganoon si Sinclair?
"Sa Phoenix Academy ako dinala," dagdag niya na mas lalong ikinagulat ko. She doesn't know of the pin, at kailanman ay wala na siyang naalala habang gising siya. At ngayong saktong isang taon ang nakalipas, nakakaalala na siya. But her memories are just impossible. There's no such thing like a phoenix.
I hushed her when she seemed to push herself to remember more. "Mamaya na natin 'yan pag-usapan ulit. Sa ngayon ay magpakasaya muna tayo. It's your day, Sinclair," banggit ko sa kanya nang mauna na si ama't ina patungo sa entablado. Hindi ko naman binitawan si Sinclair at iginaya siyang sumunod. Apat na upuan ang naroroon, at si Sinclair ang uupo sa upuan dapat ni kuya Levi. Dinala ko muna siya roon bago iwanan.
Nagsimulang magbulungan ang mga tao, malamang ay dahil ngayon lang nila nakita si Sinclair, ang bagong prinsesa. "Magandang umaga sa inyong lahat!" Bati ni ama.
"Tayo ngayo'y nagtitipon para sa kaarawan ng ating tagapagmana, si Prinsipe Leonidas Malcolm!" Tumayo ako at nagbow sa harap ng maraming tao. Nagpalakpakan sila, ngayong taon lamang ako hinirang bilang tagapagmana. "At bilang esposo ng ating prinsipe, ang susunod na reyna, si Prinsesa Sinclair."
Inalalayan kong tumayo si Sinclair, at ngayon, mas maayos na ang kanyang ekspresyon. She forced a smile on her lips as she took my hand. Hinalikan ko muna ang kamay niya, at naghiyawan naman ang tao. She blushed and rolled her eyes on me.
We weren't really in love with each other... ngunit siya lang ang babaeng kaya kong pakasalan at makasama, at ako lang ata ang lalaki sa kaniyang buhay. I'm sure love will bloom someday now that we've chosen to live together in our whole lives.
Ang iniisip ko lang ay hindi kaya't may naghihintay kay Sinclair mula sa kaniyang nakaraan? Hindi ko alam, ngunit mahirap kalaban ang nakaraan. Lalo pa't wala kaming alam doon.
"For the celebration, gaganapin na natin ang parada!"
Napatingin naman ako sa tao, at nahagip ng mata ko ang isang lalaking may kulay puting buhok at... pulang mga mata. Nakatingin siya nang mariin kay Sinclair, kaya't tiningnan ko si Sinclair. Akala ko ay nakatingin din siya roon sa lalaki, but instead she looked at me.
Napangiti naman agad ako. Mabilis na nawala sa isipan ko ang lalaki nang makita ang ganda ng kaniyang ginintuang mga mata. "Thank you, Leo," she whispered.
Nakaramdam ako ng bahagyang paso sa'king paa kaya't nagulat ako. Ano 'yon?
Sigurado akong may nakapaso sa'kin, pero wala namang apoy ah? Unconsciously, napatingin ako doon sa lalaki kanina. Ngayon, nakatingin na siya sa'kin at binigyan ako ng nakakalokong ngisi. Sino ba 'to? Nagtiim ang aking bagang. I need to be patient.
Bumaba na kami sa entablado at sumakay sa karwahe. Inalalayan ko si Sinclair, pero nakaramdam na naman ako ng paso kung kaya't napabitaw ako. Argh, why am I feeling burns?
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa'kin ni Sinclair. Tumango naman ako at umupo na sa tabi niya. Nasulyapan ko na naman ang lalaking may puting buhok at pulang mata. He's smirking at me again, and his eyes were spitting fire. Well, not literally.
Nagsimulang umandar ang karwahe. I smiled at the crowd and waved at them. Gayundin naman ang ginawa ni Sinclair, bagaman medyo nahihiya pa siya. Pinuyod ko naman ang mahaba kong buhok nang ito'y madala ng hangin. Nagulat naman ako nang maghiyawan ang tao. Luh?
"Mukhang kinilig sila sa pagpuyod mo ng buhok," natatawang biro ni Sinclair. I let out a small laugh, "Paano mo nasabi? Kinilig ka ba, reyna ko?"
Nanlaki ang kanyang mga mata at muli na namang napairap. "Pinagsasabi mo?!" Balik niya. Patuloy lang kaming nagtawanan hanggang sa nakaramdam na naman ako ng nakakapasong apoy. And this time, there was real fire.
Nagkagulo ang mga tao, at kahit ako ay naguluhan din. The fire spread quickly. What the hell? Someone ambushed us! I immediately looked at Sinclair. I covered her nose, pero nang mapatingin ako sa kamay niya napatigil ako. Nakatapat ang kamay niya doon sa apoy, and magically, the fire disappeared. The whole fire on the carriage disappeared.
How?
Lumingon sa'kin si Sinclair. "L-Leo." Nanginig siya, natatakot na siya. Dadaluhin ko sana siya ngunit nakarinig ako ng malakas na pagsigaw mula sa masa. Naalerto ako't napailing.
"Sinclair, ipapaubaya na kita sa mga gwardia," pagpapaalam ko sa kanya. Naintindihan naman niyang, ang mga tao ko muna bago siya. Iyan ang responsibilidad ko bilang prinsipe, tagapagmana. As much as I wanted to comfort and protect her, I need to protect our people, and that's the reality of an heir. Sinilip ko lang sila ng isang beses, at nakahinga nang maluwag nang makitang nakapasok na sila sa palasyo.
There was fire everywhere, this time. Hindi ito basta-basta kakalat. Now, after seeing what Sinclair did, naniwala ako bigla sa kapangyarihan. Sa kabilang mundo, na maaaring pinaggalingan ni Sinclair. Maaaring may taong marunong magmanipula ng apoy at ginawa 'to sa'min.
I looked around and spotted the same man again. Ngayon, nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa mga apoy. Hindi kaya't siya ang may gawa ng sunog na ito?
Lumapit ako sa kaniya. Tila naramdaman niya iyon kaya't lumingon siya sa'kin at binigyan ako ng mariin na tingin. He looked around me, as if searching for someone. Sinclair? Magkakilala ba sila ni Sinclair?
"Sino ka?" Sabay naming tanong nang makalapit kami sa isa't isa. The crowd was gone, at nalipat kami sa isang forest. Teleportation? Mas lalo na tuloy akong naniniwala sa mga hindi makatotohanang bagay.
"Ako ang prinsipe ng lupang kinatatayuan mo. Leonidas Malcolm, paanong hindi mo ako kilala?" Sagot sa kaniya. Everyone knows me, unless hindi nga siya taga-rito sa mundong ito.
Nakakunot-noo siya ngayon. "Malcolm?" Tanong niya, as if he knew someone with the same surname. Imposible, kami ang nag-iisang pamilyang may apelyidong Malcolm. Kaya't kung narinig niya na 'yan, dapat ay nakilala na rin niya ako.
"Kaano-ano mo si Leviticus Malcolm?"
My mouth twitched upon the mention of the brother's name. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Sino ka?" saad ko sa kanya. Ngayon, naguluhan ako. He knows my brother, but he doesn't know me. That is extremely impossible.
"Rain Evan Delvar," aniya bago ulitin ang tanong. "Kaano-ano mo si Leviticus Malcolm?"
"Kapatid ko siya."
Nanlaki ang mata niya at tila gulong-gulo sa mga nangyayari. Hindi siya nakasagot agad, pero mas nalito lang ako sa susunod niyang sinabi. "If that's the case... did Leviticus send Eris here? Sa palasyo niyo? Magkasabwat ba kayo?"
"Eris? You mean, Sinclair? At si kuya? Kasabwat ko? Wala na si Kuya, paano ko pa siya makakausap?" Natatawang sagot ko. Is this man crazy? Pero nabanggit niya ang pangalang Eris. I suddenly remembered the pin. Eris. Ashes. So this man is really from Sinclair's past, huh?
"Ano'ng ibig mong sabihing wala na? He's still with us, studying magic, killing enemies, this and that. Naging kasamahan namin ni Leviticus si Eris," sagot niya na mas lalo lang nakapagpakunot sa'king noo.
"Studying magic?"
This time, ang naalala ko naman ay ang bawat pag-iiba ng mood ni Sinclair everytime mababanggit ang pangalang Leviticus, and the name of the pin.
"Phoenix Academy," sabay na naman naming banggit ni Rain.
I looked at him with amusement. I somehow managed to know Sinclair's past, and most of all, my brother is alive. Mas lalo tuloy akong naeenganyo sa katauhan ni Sinclair. Sa mundo nila. Sa Phoenix Academy.
Phoenix Academy
by lostmortals
Plagiarism is a crime.
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro