Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Unknown's Point of View

Sinilip ko ang aking orasan. Alas sais na ng gabi. Napangiti naman ako, ngayong gabi na magaganap ang meteor shower. Pumunta ako sa aking kuwarto at nag-ayos ng aking sarili. I also let my long blonde hair tied back to a ponytail. Nagsuot din ako ng sumbrero upang hindi ako makilala ng ilang tao sa labas.

Kinuha ko rin ang aking telescope, matapos ay lumabas na ako sa'king kwarto. Tiningnan ako ng mga kasambahay at ilang mga gwardia. Nginitian ko naman sila at nagpaalam, "Magpapahangin lamang ako."

Tumango sila't tumungo sa'kin upang magbigay galang. "Mag-iingat ka po, Kamahalan," wika ng isang kasambahay. Tumango naman ako at nagpasalamat. Hindi na ako pupunta kay Ama at Ina, malamang ay pagbabawalan lang nila akong lumabas.

Sumakay ako sa'king kabayo at kumaripas patungo sa bayan. Madilim na kaagad at ang mga tao'y nag-si-uwian na sa kani-kanilang mga tahanan. Nagsasarado na rin ang ilang mga tindahan, ngunit mabuti na lamang at nakaabot ako sa paborito kong tindahan.

Bumaba ako mula sa kabayo at kaagad naman akong binati ni manang, "Kamahalan!" Napatakip naman siya nang mapagtantong tinawag niya ako nang malakas, baka kasi pagkaguluhan ako rito. "Kanina ko pang hinihintay ang pagdating mo. Halina, at may mga natira pa akong empanada para sa'yo!"

Pinapasok niya ako sa loob at kaagad akong sumunod. Iniabot niya sa'kin ang mga empanada. "Salamat po! Magkano po ba ito?" Pagtatanong ko.

Umiling siya kaagad, at saka sinabing, "Wala na iyang bayad! Hindi ba't kaarawan mo ngayon?"

Napatungo naman ako sa hiya. "Opo, ngunit mas nararapat pong bayaran ko ito sa inyo, manang." Iniabot ko ang bayad ngunit ibinalik niya lang ito sa'kin. "Ano ka ba, Kamahalan? Iyan ay regalo ko na sa iyo. Maligayang Kaarawan!"

She smiled kaya't tumango nalang ako. "Hindi na po ako magtatagal dito, kailangan ko pa pong pumunta sa Phoenix Falls."

Niyakap ko siya bago ulit sumakay sa'king kabayo at magtungo sa Phoenix Falls. Dahan-dahan akong nagpatakbo rito 'pagkat madulas ang daan, at madilim dilim na rin. Inilabas ko ang kandila ko at pinailaw ito, ngunit nadismaya naman ako nang hindi ito umilaw. Ah, nasira na ata ang wick nito.

Kung ako lang sana ay may kapangyarihan ng apoy. Halos mahulog naman ako sa sinasakyang kabayo nang biglang may umapoy na sulo 'di kalayuan. May iba pa palang tao rito, salamat nalang at nagkailaw naman kahit pa paano. Nagkaroon ng apoy.

Sinilip ko ang lugar na may sulo, ngunit wala namang tao roon. Ah, baka umalis na siya't pinailawan lang ang torch. Nagtungo ako roon, at doon nalang siguro tatambay. Bumaba ako mula sa kabayo at isinabit ang tali ng kabayo sa isang kahoy. Ngumiti ako at nilabas na ang aking telescope.

I looked at the night sky. Napuno ito ng aurora lights, at kaagad kong nakita ang Phoenix, isang southern sky constellation. Hindi magtatagal ay uulan na rin ng mga meteors. I can imagine the flamed rocks falling like wishing stars. Minsan naiisip ko, can I catch a falling star?

Pumikit ako at pinakinggan ang paligid. Ang mga huni ng ibon, ang tunog ng mga kuliglig at ang rumaragasang talon, the Phoenix Falls, ay napakasarap sa tainga. At kung imumulat mo pa ang 'yong mga mata'y mamamangha ka sa mga alitaptap na sumasayaw paikot sa iyo, mga kumikislap na bituin at ang napakagandang buwan. Wala nang tatalo pa sa ganda nito.

Napabalikwas ako nang may pumatak na isang meteorite. Kaagad kong ginamit ang aking telescope, at tiningnan nang mabuti ang langit. I call this meteor shower, Phoenix shower. Sapagkat narito ako sa tapat ng Phoenix Falls, kasama ang mga bituin ay bumuo ng phoenix. Kulang na lang ay totoong phoenix, napatawa nalang ako sa palaisipang iyon.

Nasiyahan ako sa panonood ng meteor shower, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, may isang meteor na babagsak dito! Kaagad akong tumakbo papalayo, hindi alam ang gagawin. Dapat ay matuwa ako, dahil makakakita ako ng meteor ngunit napangunahan na ako ng takot.

Nang bumagsak ang meteor ay napapikit ako. Rinig na rinig ko ang malakas na pagbagsak nito sa talon, at naramdaman ko rin ang init. Totoo ba talagang may bumagsak ditong meteor?

Tumayo ako at dahang dahan nagtungo sa falls matapos ang ilang minuto. Itinaas ko ang pants ko upang makalublob sa tubig. Kinuha ko rin ang sulo dahil sobrang dilim dito sa banda ng talon. Tinapat ko ang apoy sa tubig, pero. . . wala naman akong nakikitang meteor? Nag-ikot pa ako, baka naman maliit lang iyong meteor.

Nagulat naman ako ng makadaplis ako ng isang malambot na bagay. Ano 'yon, isda? Tumingin ako sa likod, ngunit nagulat nang makakita ng mga itim na paru-paro. Itinapat ko ang ilaw ko rito, ang dami nila! Ngunit isa-isa rin silang nawawala.

Binaba ko naman ang tingin ko sa tubig. At grabe! Halos himatayin ako!

Sa halip na isang meteor ang aking nakita, babae ang nakita ko. Pagkatapos mawala ng gulat ko'y itinapat ko ang ilaw sa kanya.

Maganda. Iyan ang unang pumasok sa isipan ko. Nakasuot siya ng itim na dress na umabot halos sa kaniyang paa. Ang kutis niya'y maputi katulad ng buwan at ang kaniyang buhok ay napaka-itim, katulad ng sa mga paru-paro kanina.

Napalibutan kami ng mga alitaptap, at nagliwanag ang paligid kaya't binaba at pinatay ko na ang sulo. Binuhat ko ang babae papunta sa lupa. Malamig ang kaniyang balat. Nanginig naman ako sa aking naisip, "Hindi kaya patay na siya?"

Hinawakan ko ang kaniyang pulsuhan, hindi ito natibok. A sense of fear crept into me. I can't let something like this go. I have to do something. My mind went on a silent prayer, as I put my hands above the lady's chest and pumped it, hoping she would be revived. Naramdaman kong nagliyab ang pakiramdam ko dahil sa matinding emosyon. I had prayed and prayed to everything above that the lady's heart would beat again.

Masyado nang malayo ang kabihasnan para dalhin siya doon, at hindi na aabutin kung ano man. Hindi ko man ganoong maintindihan ang nangyari kanina, pero 'di na 'yon mahalaga sa sitwasyon ngayon.

"Please, please be alive," maliit kong sambit.

Tiningnan ko siyang muli sa mukha na nailawan ng maliwanag na buwan. Bumaba ang aking tingin sa kaniyang labi. I have no other choice. Binuksan ko ang kaniyang bibig, at iniawang din ang akin. I gathered every oxygen I could.

Pumantay ako sa mukha niya, at binigay ko sa kaniya ang lahat ng aking hininga hanggang sa halos maubusan ako. Kumawala ako at muling kumuha ng hininga nang hindi pa rin siya nagkakaroon ng pulso. A black butterfly passed between our distance, and it was as if it left golden dusts. The moment I opened her mouth, some dusts had entered her. Then, she coughed.

Nagliwanag ang mga mata ko no'ng panahon 'yon. Nabuhay siya! Buhay siya! Tinulungan ko siyang bumagod at hinagod ang kanyang likod nang patuloy pa rin ang kanyang pag-ubo. Huminga siya nang malalim, mabigat pa ang kaniyang paghinga. She's still reaching for air. "A-ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya. She slowly faced me, with closed eyes.

"What happened?" Pabalik niyang tanong. This time, she looked at me with her eyes, and my mouth fell open. Golden, iyan ang kulay ng kaniyang mga mata. Namangha ako. It sparkled so much like the stars, at nawala na ako kaagad sa isang sulyap.

Nagtaas siya nang kilay, at doon ko naalalang may tinatanong nga pala siya. "Nalunod ka ata, at tinulungan lang kita," nauutal kong sagot. Nahihiya na ako bigla, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang ginawa ko. "B-bakit ka ba nalunod?" Tanong ko sa kaniya.

She stared at me for a while, now with a creased forehead. Nanliit din ang mga mata niya na tila ba may inaalala ngunit sa tagal ng ekspresyon niyang 'yon, mukhang bigo siya kaya't kalaunan ay nagkibit-balikat siya."W-wala akong naaalala. Pasensya. Tanging pangalan ko lang ang naaalala ko," saad niya.

Lumapit ako sa kaniya, iniintay ang pagsabi niya ng kaniyang pangalan.

"Sinclair."

Napatango ako. So, Sinclair pala ang pangalan niya. Hindi ko pa naririnig ang pangalang iyan, malamang ay hindi siya prinsesa. I know very well the names of every royalty, nobles, and every high-ranking officials.

"Sinclair, ihahatid na kita sa inyo," pag-aanyaya ko sa kaniya. It's late, and she has drowned here so she must have been out for a long time. Malamang ay hinahanap na siya. "Saan ka ba nakatira?" Karadagan kong tanong. Tumayo ako at pupunta na sana sa'king kabayo, ngunit pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang aking pulsuhan, kaya't tiningnan ko ulit siya. This time, her eyes were so lost, as if she was a lost mortal.

Umiling siya at tumingin sa baba habang binabanggit ang kanyang sagot. "W-wala akong tirahan. Kagaya ng sinabi ko kanina, pangalan ko lamang ang aking naaalala."

Lumuhod ako upang pantayan siya. Her hands were shaking as it held onto mine. Hindi niya talaga alam ang gagawin. "Kung gayon, nais mo bang sumama sa'kin?" Wala sa sarili kong suhestiyon. Hay, siguradong marami silang itatanong pagdating ko kasama siya, ngunit hindi ko naman siya pwedeng iwanan ng gan'tong lubog ang araw.

Nagliwanag ang mata niya. "Kung ayos lang sa'yo."

Tumango ako, at ningitian siya. "Oo, walang problema. Kaya mo bang maglakad?"

Tumayo siya, ngunit bahagya siyang nagpagewang-gewang. Wala pa siyang balanse, kaya't binuhat ko nalang siya. Nagulat siya ngunit hindi na umangal pa. Nang makarating kung saan ko pinatigil ang aking kabayo, at iniupo ko siya ro'n, at umupo rin naman ako sa likod niya.

Our travel was silent, until she broke it. "Ano'ng pangalan mo?" Tanong niya sa'kin nang hindi ako nililingon. Sa harap lang ang tingin niya.

"Leonidas Malcolm. Leo na lamang ang itawag mo sa'kin."

Hindi na 'yon nasundan hanggang sa nakarating kami sa aming palasyo. Sinilip ko ang kanyang ekspresyon at nanlalaki ang kanyang mga mata na tila ba'y namangha. Bahagya pang nakabuka ang kanyang bibig at hindi ko alam kung natuwa nga ba siya o natakot. Ni hindi niya napansing nakababa na ako.

"Sinclair?" Tawag ko sa kanya. Napabalikwas siya ng tingin sa'kin, at nagmadali ring bumaba ngunit nawalan na naman siya ng balanse. I caught her in my arms and assisted her as her feet try to balance and stand carefully. Habang ginagawa ko 'yon, napansin kong nakatingin siya sa malayo.

At sa gulat ko, nakapaglakad siya nang maayos patungo sa isang chrysanthemum. Her eyes shone, at hinawakan niya ito. She carressed the flower softly. Pinitas ko naman 'yon para sa kaniya, ngunit nagulat ako nang nag-iba ang kulay ng bulaklak. Kulay ginto ito kanina, bakit naging itim? Nag-i-ilusyon ba ako?

Tumakbo siya papalayo siya sa akin, at ngayon naman ay may hinabol siyang ibon. Her actions spoke innocence, as if she was just born into this world. Napatigil lang ako sa pag-iisip nang may nahulog mula sa kaniya.

Lumapit ako doon sa bagay, at tiningnan ito. Isang pin na kulay ginto rin. May nakaukit dito na ibon, na tila nag-aapoy ang mga pakpak 'pagkat bahagyang mas maliwanag at nag-iilaw ang mga pakpak no'n. Tiningnan ko ang likod ng pin, at napansin namang may mga nakaukit na letra doon.

Napakunot noo naman ako dahil kahit kailan ay hindi ko pa naririnig ito. I know every place in this world, or at least every academy. It's basic knowledge for a royalty like I am.

"Phoenix Academy," malakas kong sabi, at sa ilalim ng katagang iyon ay may nakalagay, ashes— Eris. Tiningnan ko si Sinclair. Dito ba siya nanggaling, at kung gan'on, saang parte 'to ng mundo?

Malawak ba talaga ang mundo, o maliit pa rin ba ang kaalaman ko tungkol sa lahat?

Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro