Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Georgia Kaye Alas' POV

Summer Knight led me to the Sun of the Pelagus Arce, the headmaster's office. Iniwan niya din ako 'pagkat ang headmaster lang ang kakausap sa'kin, at hindi sila maaaring makisali. That only means this is a serious and confidential matter. They might know something.

"Georgia," bati sa'kin ni Headmaster Gaiael gamit ang mariin niyang tono. Hinaluan niya rin iyon ng enerhiya niya kaya't halos mapaatras ako sa lakas ng impact no'n sa'kin. "Bakit kasama mo si Lucifuge Rofocale? Paano ka napapunta sa Voltaire?"

Alam niya 'yon? So he knows that the Georgia earlier wasn't me! As expected of the Headmaster. Akmang sasagot na ako, ngunit naglabas siya ng isang treasure box. Ah, this is one of Headmaster Gaiael's ability. Ang mga treasure box niya ay may kakayahang maglaman ng kahit ano, kung kaya't 'yan din ang pinapagamit sa'min.

"Hold it and your memories shall be shared there, Georgia. I hope you understand why I'm doing this," he instructed me, and I didn't hesitate to do so. Wala naman akong maitatago. Mas maayos nga ito upang wala na akong makaligtaang sabihin sa kanya.

"Si Eris ba ang dumakip sa'yo?" dali-dali akong umiling. I was sure na hindi si Eris iyon. "Kamukhang kamukha niya lamang po. Maaring clone lang po iyon, katulad po ng nakalaban ni Eris kanina, hindi po ako iyon. Clone lang po."

Tumango siya at nakuha ang sitwasyon. "Naniniwala ako sa'yo. Pero si Lucifuge, delikado siyang kasama at dinala mo pa siya rito sa Academy."

Sunod-sunod na naman ang iling ko. "Lucifuge is loyal to Lucifer, he's an extract—"

Headmaster cut my words. "That's it, Georgia. Isa siyang extract, he's the extract of Lucifer's bad side. The side whic Sinclair had consumed. He's a demon, Georgia. This is an untold history among Phoenician students, about Sinclair and Lucifer. It was believed that Lucifer had fallen and made demons including Sinclair, since we didn't know anything about it. . . Until Lucifuge's existence emerged and became known to us. We decided not to rewrite it for the sake of their reincarnations. If it is known that Eris is the reincarnation of a demon, it would put her more into bad light."

"I understand, Headmaster," sagot ko. "But you should have known in my memories that Lucifuge isn't an evil demon, like Sinclair!"

"Hindi mo nasisigurado ang kay Sinclair, Georiga. Si Eris lang ang hindi masama," pagtatama niya. "And think about it, what has Lucifuge ever done to you besides bring you here? How can you tell he isn't evil. Aren't you just enchanted?"

Natigilan ako roon, at hindi ko nasagot ang tanong. I was unsure. "Then, trust Lucifer, at least," mabagal na bigkas ko sa halip na sagutin ang sagot. "Headmaster, nalalapit na ang Blood Fest. Pinlano ito ng mga bampira, and Lucifuge is here to help us. Kailangan na po nating makipagtulungan sa lahat. I'm afraid, malakas ang pwersa ng mga bampira ngayon."

Surely, he has already gathered that information from my memory. At hindi naman ako nagkakamali. It isn't a matter of trust right now. We need to do everything we can. Headmaster didn't say anything, and at this point, I knew that silence meant yes.

"Headmaster!" napalingon naman kami sa tumawag sa kaniya. Speak of the devil. Rain and Lucifuge. It seems they've met. "We need information about the moon's holder, the Alpha."

"Alpha? The one who created werewolves. . . Why do you need him, and when have I given Lucifuge Rofocale permission in my territory?" Headmaster firmly asked. Halos manlamig ang paligid sa titig ng dalawang mataas na nilalang dito. As I compare it, Lucifuge doesn't fall short from Headmaster's authoritative aura.

"He is needed to prevent the eclipse, the start of the blood fest," saad ni Lucifuge, at napansin kong sinasadya niyang lakasan ang kanyang aura. Hindi naman siya pinansin ni Headmaster kaya't sunod nang nagsalita si Red.

"Hahanapin lang po namin si Alpha, upang mapigilan ang eclipse," wika niya. "While I'll control the sun."

"Pigilan? Hindi niyo ito mapipiglan, Red. Kahit pa ikaw nga ang araw, kahit abode mo iyon, you'll have to risk your life. Hindi mo basta pwedeng galawin ang araw. Hindi natin alam ang maaring mangyari. It's a risk for the whole universe," wika ni Headnaster Gaiael. Oo nga, kung magagalaw ang araw, it will change the whole galaxy. It is where planets revolve, after all.

Umiling si Red at nagpaliwanag naman. "Hindi ko po gagalawin ang araw, only the moon will. Papabagalin natin ang ikot ng buwan para ma-delay ang Blood Fest."

Nagkunot-noo si Headmaster. "Ano naman ang gagawin mo sa araw?"

Ngumisi si Red at sa mga sumunod niyang kataga ay nangilabot ako. "I'll consume all the sun's energy and heat hanggang sa mawalan ang araw. I'll be the sun. At matatakot nalang talaga sila. I will burn them alive." Saglit, gaano nga ba kalakas ang araw? Gaano nga ba talaga kalakas si Rain Evan Delvar?

***

"Ano na ang gagawin natin?" tanong ko kina Lucifuge at Rain nang makalabas mula sa opisina. Hindi nakapagbigay ng karagdagang impormasyon si Headmaster Gaiael. He did not about the Alpha's whereabouts. Bigo ang ekspresyon ng bawat isa namin.

"Hahanapin ko si Alpha," saad ni Rain. "Bahala na kung saan, bahala na kung pa'no. I just need to stop history from repeating. Ikaw, Lucifuge, ano na ang gagawin mo?" Tanong niya.

Tumingin naman ako kay Lucifuge nang sumagot siya. "Kung nasaan si Lucifer, doon ako." Napataas ang kilay ko, "Wow, he's really loyal. Don't tell me there's something special more than him being an extract of him?" Of course, that was only a joke, but I don't mind.

"I can read your mind, darling," wika naman ni Lucifuge sa utak ko. Pinanliitan niya ako ng mata, at para bang papatayin ako anytime. Pikon. Now, he growled in my head. Nag-apoy ang mapupula niyang mata na lumitaw dahil sa maitim niyang buhok.

"Wala akong ideya kung sino si Alpha, hindi ko alam kung paano siya hahanapin," tsaka lang nawalay ang tingin ko sa demonyo nang nagsalita si Rain, na unti-unti nang nagiging itim ang puting buhok niya, which means he's really determined now. It happens when he's overwhelmed by emotions or when he's using his abilities.

"Kilala ko si Alpha," sabi naman ni Lucifuge. "Hindi ko alam kung ganoon pa rin ang hitsura niya ngayong na-reincarnate siya. His eyes are black, while his hair was light blue. He's loud, but he rarely shows himself. Camouflage, I think."

Napa-isip naman ako nang sabihin ni Lucifuge ang camouflage. There's one person in the academy that does camouflage. Mayroon din siyang light blue na buhok, at black eyes. Bigla ko namang naalala ang pangyayari noon nang unang makapasok si Eris sa Phoenix Academy.

"Curiosity kills the cat, Gaza." Tumingin ako sa mata niya no'n, at hindi lang basta itim ang kulay ng mata niya. It was the night sky, with a crescent moon. Then, I was sure. "Michael Gaza is the Alpha," malakas na saad ko.

Nakarinig naman kami ng palakpak sa malayo, lumingon kaming tatlo upang makita kung sino iyon. It was Michael Gaza, the Alpha. He smiled, and brushed his light blue hair. Tiningnan ko si Rain, akala ko'y matutuwa siya pero bakit parang nagliliyab siya? Habang si Gaza nama'y chill lang pero nararamdaman ko ang lamig sa kaniya. Wow, the sun and moon.

"Alam ko na ang balak mo, Red. Pero hindi madaling gawin iyon, lalo na kung nawawala ang fylgja mo," ani Alpha Gaza. Huh? Anong kinalaman ni Eris dito? "Ang babaeng nag-possess kay Eris, ay isang full phoenix, the rarest creature in the world sapagkat nagagawa nilang mag-anyong tao at phoenix. Phoenixes can only reborn through the body of a demon-angel. Ngunit dahil wala namang demon-angels noon, no full Phoenix was reborn... until now."

Namangha ako sa sinabi ni Alpha, Michael Gaza, hindi ko akalaing may ganoon pala. Hindi iyon nababanggit ng Academy. And I wonder, was this academy really named after Phoenicia or full phoenixes? Isa pa, mukhang mas marami siyang naaalala kaysa kina Rain, Levi, at Lucifuge.

"Eris wasn't supposed to be born. We really wanted to prevent the reborn of full phoenixes because they are dangerous. Once a full phoenix is reborn, magigising din si Phoenicia. Those were Phoenicia's last word bago siya mafreeze. And we believed na kung magigising siya it meant war," pagpapatuloy niya.

"Pero kung na-possess na si Eris, nasaan siya ngayon?" Tanong ko.

Akmang sasagutin niya ako nang bigla akong makaramdam ng isang taong dadaplis sa'kin mula sa likod. Using speed, umiwas ako at nilabas ang dagger ko. I gritted my teeth, sino 'yon?

Nagulat kami nang makita si Eris. Scratch that, a phoenix. May kulay asul na apoy sa kaniyang mga mata, at ang buhok niya'y bahagyang nagkukulay asul din. She smirked at us, "Hindi niyo na siya mahahanap."

Ngayon, naging pula ang itim na mata ni Rain. Nagalit siguro siya sa sinabi ng phoenix. Bumuo ng bola ng apoy si Rain sa kaniyang mga kamay, at binato ang phoenix nito. Bago pa matamaan ang phoenix ay kaagad itong tumalon at umikot sa ere, kasabay noon ay ang pagpapaulan nito ng flame flickers, maliliit na apoy ngunit kapag nahawakan ang balat ay sobrang nakakapaso, kumakalat din ang paso sa katawan. Mga phoenix lang ang nakakagawa nito. Kaya't ipinagdikit ko ang dalawa kong palad, at pinikit ang mata.

I'm going to chant a divine spell that only gods and angels can do. "Lumen," wika ko at kaagad napalitan ng liwanag ang mga apoy ng flame flickers. Nang makabagsak sa ere ang Phoenix ay tiningnan niya ako ng masama. Her eyes, now of a fiery color, along with her hair that's also now on fire. Despite that, she was still the spitting image of Eris.

Nilingon ko si Rain, tumakbo siya papunta sa phoenix at unti-unting gumawa ng fire spear. Lucifuge on the other hand, opened his hands and underneath, they were shadows and phantoms as if he was calling and summoning souls from hell.

Nawala na naman si Alpha. He probably camouflaged again.

Muli kong tiningnan ang Phoenix, tumayo lang siya habang inaatake ni Rain. At nang ibato na ni Rain ang spear, she just snapped at naging abo ang fire spear. Lumagpas ito sa katawan niya, but it looked like inabsorb niya lang ang apoy. She smirked devilishly and mocked us. "Why waste your time for nothing?"

Tumingin siya sa likod ni Rain, kaya't napatingin na rin ako. Naroon pala si Leviticus. The phoenix scoffed.

"Look, Rain Evan Delvar. She's not your fylgja anymore. Your ties with Eris is gone, at ako na ang fylgja mo. Nararamdaman mo iyon, hindi ba?" Nakangising wika ng phoenix.

Mabilis na umiling si Rain, he looked really angry. Totoo kayang ang phoenix na ang bago niyang fylgja? Then, he'd have to protect the phoenix, bagaman ayaw niya. Sinubukan kong basahin ang utak ng phoenix, but it was too closed. She's preventing anyone from doing it.

"Lucifer, you don't share souls anymore, and she's the cause of your fall. Why bother? She only brings chaos. Dapat nga matuwa pa kayo at wala na siya," she laughed evilly. Aba't hayop 'tong babaeng 'to, nanghihiram na nga lang ng katawan hng.

Nagulat naman kami nang biglang magdugo ang dalawang tuhod ng phoenix, at biglang lumabas si Alpha sa harap niya. Alpha smirked.

"My mate, my luna, I missed you so much," wika ni Alpha. Mate? The werewolf thing na hindi mo magagawang takasan, that's the connection where you'll have to surrender your heart. It's almost the same as fylgjas, but theirs was intimate. It was a romantic connection.

"A-Alpha," nanginginig na wika ng phoenix.

"I can shut off the connection now, Phoenicia, hindi mo na ako makokontrol. Ikaw? Magagawa mo bang magpumiglas sa kontrol ko?" Galit na sambit ni Alpha.

Pero wait lang. What did he call her? Phoenicia?

Sinubukan ng phoenix tumayo, pero hindi niya kinaya. Nanatili siyang nakaluhod.

"Go ahead, Phoenicia," Alpha provoked. The phoenix's eyes started to spit a sense of being betrayed. She was hurt, or it might be because of the mate bond that she and Alpha has.

"Sa tingin mo ba matatalo mo talaga kami ngayon?" Mapang-asar na tanong ni Alpha. "You're no queen, Phoenicia. You're no goddess. Si Sinclair ang totoong reyna. I wonder what will happen kapag nagising na rin siya. Ano kayang mangyayari sa'yo kapag nakabalik na si Eris?"

Napasinghal siya nang malakas bago nagliyab upang tuluyang nawala sa aming paningin. Sandali, akala ko ba si Phoenicia ang may gawa sa lahat? Bakit parang baliktad ngayon?

Who are you, Phoenicia?

Phoenix Academy
by lostmortals
Plagiarism is a crime.

Okay so nagulo na 'yong story ahh di ko mapigilan utak ko! Sorry kung hindi niyo na naiiintdihan mga pangyayari hekhek.

Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro