Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

"Iyon ba ang nangyari?" Tanong sa'kin ng lalaki. Siguro'y nabasa niya ang isip ko. Tumango ako sa kaniya't tumigin sa bintana. Nagkakaroon na ng liwanag sa labas.

"Paano ako napunta rito?" Ako naman ang nagtanong habang pinagmamasdan ang mga ulap sa labas. Masyadong malapit ang ulap, hindi kaya't nasa pinakamataas kaming selda?

"Dinala ka rito ng mga alagad ng hari. Wala kang galos o kahit anong sugat noon. Alive and completely undamaged. Pinadala ka kaagad ni Haring Zachaeus sa seldang 'to. At first wala ka pang posas—" Pinutol ko ang pagkukwento niya. "Pakitanggal nga muna ng mga posas na 'to, hirap ako dito kanina pa," diretso kong sabi at inilahad sa kaniya ang dalawa kong kamay na pinagdikit ng posas.

Apoy ang ginamit niya sa pagtanggal ng posas. He melted the metal. Woah, pwede pala 'yon?

"Sorry, wala akong susi kaya't kapangyarihan ko nalang ang ginamit ko," pagpaumanhin niya na kaagad ko namang tinanguan. Cool nga eh.

"Pero kagaya ng sinabi ko kanina, bigla ka nalang nagwala habang walang malay diyan kaya't nilagyan ka na ng posas. Tatlong gabi ka na ring narito," iyan na ang huling sinabi niya.

"Paano tayo makakalabas dito? Ano bang plano mo?" Iyon naman ang sunod kong itinanong. I have to save Eris, and the mortal world. I need to save us from the bloodfest they're talking about.

"I haven't thought of a concrete plan," sagot niya. "Ikaw, Georgia, may naiisip ka ba?"

Matagal akong hindi sumagot, I considered every pro and con of each situation. I could stay longer, or flee right now. Walang kasiguraduahan ang gagawin sa'kin kapag nalaman nilang nagising na ako, ngunit delikado naman para sa kanya kung tatakas ako matapos nilang malaman na siya ang huling nagbantay sa selda ko.

We should work together. After all, we have the same goal.

"How about you inform then na gising na ako? Ask them what their plan is, and if their plan is dangerous. Tell them. . . nahimatay ako. I can telepath with you, and maririnig ko naman ang usapan ninyo. I'll tell you what to do. Pero sa ngayon, please plot the possible exits of this castle," sabi ko naman at pumikit para pakinggan ang nasa labas.

"Babalik na ako sa Academy, Ama." Narinig kong pagpaalam ni Rowsella.

"Sige, ngayon ang battles ninyo, hindi ba? Then, she will also conquer them today. Our Queen," Zachaeus answered.

"Kung gayon, sasama ka ba sa'kin, Ama?"

"Pag-iisipan ko pa. Iyong Eris nga pala. . . Ang kaniyang fyglja. May sinabi ang reyna ukol sa fyglja niya." Si Nag-igting naman ang aking panga nang marinig ang pangalan ni Eris, maging ang salitang fylgja, si Rain. "Distract him. If possible, kill him."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mabilis akong napatayo at napasugod sa pinto, ngunit mabilis akong hinila ng lalaki. I turned to him with heavy breathing. "They're going to harm two of my comrades," giit ko.

"Walang magagawa ang galit mo ngayon," bulyaw niya sa'kin. I gritted my teeth, and closed my eyes in frustration. He's right. I can't possibly do anything in a lair of enemies.

"She'll save Eris from our Queen. Hindi maaaring mawala o makatakas si Eris. It's her body that our Queen's going to enter. Siya lang, at walang iba."

I clenched my fist. Bakit ba si Eris pa? I mean, the act itself is dangerous. Unacceptable! Pero bakit ba si Eris lang ang maaaring i-possess na katawan ng tinutukoy nilang reyna? Sino ba 'yon?

"Ito na ang mapa ng Voltaire Castle," nawala ako sa pokus nang marinig muli ang lalaki at inabot sa'kin ang isang papel. My eyebrow shot up, saan naman nanggaling 'yan?

"Narito tayo sa mga selda ng second floor. There's a pillar between us and the other cell. Ang cell na iyon ay isang daan patungo sa isang room sa baba, at walang nagbabantay diyan, pero naroon si Lucifuge," paliwanag niya kaya't lalo naman akong kinabahan. Lucifuge Rofocale, the demon in charge of Hell's government by order of Lucifer, ay nandito? Bakit?

I've heard stories of him, and he is powerful, at kung nasa panig siya ng mga bampira, mas malakas ang puwersa nila ngayon. Lalo na't nasa kanila raw ang reyna ng mga demonyo.

"Georgia," tawag sa'kin. "They'll have a meeting, and that will be the time for you to pass that pillar, and then pass through the window if their plans are dangerous for you. I'll send you a telepathic message once it starts. For now, I'll inform the King that you're awake."

Tumango ako, pero napaisip. "Ikaw? Paano ka tatakas kung sakali?"

Umiling siya, "I'll be with them until the battles to know their every plan. I suppose I'll go back to the academy after everything."

Bago pa ako makasagot sa kanya, ay tinanggal niya ang barrier na ginawa ko't umalis na siya. Huh? How is it easy for him to do that? Napailing nalang ako sa isipan at pumikit nalang at muling pinakinggan ang paligid. Narinig ko naman ang boses ng lalaki. "Mahal na Hari, gising na po siya."

"Ba't nagising pa 'yon?" Naiiritang bulyaw ni Vampress Rowsella. Lul siya, hindi pa pala siya nakakaalis.

"Sige, habang hinihintay ang reyna, palabasin mo muna siya at dalhin sa hapagkainan. Serve her with the best foods and blood that we have. Afterwards, clean her and doll her up," wika naman ng Hari.

Naramdaman ko naman kaagad na may tao sa may pinto ng selda ko. Nang buksan ito ay bumungad kaagad sa'kin ang kasama ko. He once talked to me using telepathy, "Gagawin mo ba iyon? O tatakas ka na?"

"Gagawin ko," isip ko at nakuha naman niya 'yon.

Narito na rin naman ako, kaya't kukuha na ako ng impormasyon sa abot ng makakaya at maitatagal ko rito. Naglakad na paalis ang lalaki kaya't sumunod na rin ako. Passing the dungeon, hindi ko akalain na tahimik at halos walang katao-tao rito.

"Vampires who have done wrongly are either killed, or start a new life if only they confess and accept their mistakes. But, if the vampire is really hard-headed, pinapadala namin siya sa tower of death, to experience slow and more painful death. The only prisoners are those of use, katulad mo," pagpapaliwanag niya sa'kin.

Tumango-tango naman ako, hindi ko alam na ganito pala ang sistema sa Voltaire, 'pagkat lumaki na ako sa mortal na mundo at sa Phoenix Academy. Nang makarating kami sa hapagkainan, nakita ko ang isang lalaking makisig at napakamatipuno ang dating. He looks like he is about my age, but vampires never really get wrinkled. I assume it is the King.

I bowed to him, after all, I'm a vampire, or pretending to be an obedient one. I heard him chuckle. "Need not to bow, Lady Georgia," aniya kaya't tumayo na ako ng ayos. Pinagmasdan ko ang kagandahan ng estraktura dito. It was dark and gothic, but nonetheless, beautiful.

"Why have you imprison me, my King? Have I done any wrong?" I formally spoke to him. Kunwari wala akong alam. lul.

"Ah," he laughed, "I saved you. Don't you remember?"

"Forgive me of my memory, it seems like I missed that part," I chuckled softly. Kunwari mahinhin at mabait, 'tek intay ka lang ha, susunugin kita.

He nodded and motioned his hand on a seat. "Maupo ka." Nagtungo naman ako sa silyang itinuro niya at umupo roon. Nang makita ko naman ang mga nakahain, I can't help but drool. Indeed, these are the best meals!

"Please help yourself," wika ni Haring Zachaeus sa'kin. Naramdaman ko namang nakabantay sa likod ko ang lalaki. Lumantak naman ako ng kain. Umiling-iling ang Hari habang natatawa sa'king katakawan. Tseh! Tawa-tawa pa, papatayin din naman ako sa huli. Plastik.

"The most silent and coldest people are those who have a lot in mind, huh?" Narinig kong may nagsabi sa'king isipan.

"Shut up. Stop reading my mind," I thought.

"Your inner voice is loud, could not help it," asar pa niya.

Matapos kong kumain ay kaagad akong inutasan ng hari. "Sumama ka muna sa'king mga alagad."

Kaagad naman akong sumunod sa lalaki, at may nakasunod din sa'ming mga alipin. Mortal maids, who could die anytime if the vampires craved for blood. Pumasok kami sa isang kwarto. The bathé. Naamoy ko agad ang halimuyak ng mga bulaklak. I felt that it somehow felt divine. Is this meant to soothe my angelic powers?

"Sino iyan?" Naputol naman ang pag-appreciate ko sa mga bulaklak nang may nagsalita sa likuran namin. He had this baritone voice, kaya't napalingon ako kaagad. I stumbled on the second I turned, shocked by his face. Levi? Tanong ko sa'king isipan. He had the same features, except for the black hair and red eyes. How come kamukha niya si Levi? Sino siya?

The man spoke to my mind, "He is Lucifuge Rofocale."

Nanlaki ang mata ko at kaagad na tumungo sa presensya niya. "I am Georgia Kaye Alas, Sire," wika ko at saka bumalik sa tuwid na tayo. How come he's alike to Levi? This is getting more confusing!

"The angel vampire?" He asked. I nodded as I pressed my lips to a line. Kahit ang boses niya'y katulad ng kay Levi.

"Who is Levi?" Tanong sa'kin. Hindi ko nalang siya sinagot, I was too carried away by my confusion. 'Di ko nga namalayang umalis na pala si Lucifuge sa harap ko sa pag-iisip.

"Please take a bath, lady Georgia," wika sa'kin ng mortal. Tumango ako at tinanggal ang kasuotan kahit na nariyan ang mga maids matapos pumasok sa loob. I soaked myself in the water, and relaxed while I regained my energy. Nanatili akong nagpapahinga, until someone spoke to my mind again.

"What's taking you so long, dear?" Napamulat naman ako, at sa 'di malamang dahilan, binilisan ko ang pagligo. Bakit naman kaya ako kinausap ni Lucifuge?

"Milady, please wear this robe," A maid said as she saw me finish the bath. I opened my arms at isinuot nila sa'kin ang roba na gawa sa smooth silk. Matapos, inayos nila ang aking brown na buhok, at kinulot pa ito. Ipinasuot din nila sa'kin ang isang puting gown na may highlights of blue, na halos nagmumukhang nyebe. Nilgayan din nila ng pampapula ang aking labi, kaya't mas lalong napansin ang puti ng aking balat.

"Ang tagal," wika na naman ni Lucifuge sa'king utak.

Nang matapos akong ayusan, kaagad akong lumabas, at nagulat sa bumungad sa'kin, si Lucifuge. Inilahad niya ang kaniyang kamay, at kahit 'di ko siya lubusang pinagkakatiwalaan ay tinanggap ko ito. Hinalikan niya ito at ipinatong sa kaniyang braso. Woah, chivalry?

Naglakad siya, kaya't wala akong nagawa kung hindi sumunod. Dinala maman niya ako sa Lookout Tower, at napabitaw naman ako dahil sa mangha. Sobrang ganda pala ng Voltaire Land. Halatang 'di ako namamalagi rito. Hindi naman ako tinataggap dito. . . Ngayon lang dahil kailangan nila ako.

"Georgia," tawag ni Lucifuge sa'kin kaya't napatingin ako agad. "Bakit ka nakatingin sa'kin kanina, na para bang gulat na gulat ka? Have you seen me before?"

Umiling ako.

Nagkunot-noo siya, "I'm sorry. Natanggalan kasi ako ng ilang bahagi ng aking memorya, I was hoping you knew me. The man with you earlier who wanted to help you out was me all along. He was a vampire I took over to control."

Ngayon ay ako naman ang nagkunot-noo. Natanggalan siya ng memorya? Paano? Bakit? He's a powerful demon! At kaya naman pala napakalakas ng lalaki! He could break through my barrier and read my mind because he's a Rofocale.

"Do you happen to know where Lucifer is?" Tanong niya.

Oo, iyan ang nais kong isagot. I know where his reincarnate is, si Leviticus. Nabasa ko 'yon sa kaniyang isipan kaya ko nalaman. Pero hindi naman ako puwedeng sumagot kaagad. I can't just trust anyone. But how foolish of me, I forgot he reads minds.

"You see, I am very loyal to Lucifer. I'm an extract of him. Ibig sabihin, isa akong parte ng katauhan niya. He made me to avoid complete dominance from the demon that he shares his soul with, si Sinclair. I know these men are lying to me and using me only as a tool, kaya't tatanungin kita ulit, Georgia. Alam mo ba kung nasaan si Lucifer?" paliwanag niya.

Nagtanong siya bagaman alam niya na ang sagot. He just wanted to confirm it with my own lips. I thought about it long, what he said. . . Lucifer and Sinclair share the same soul. Sinclair, a demon, might rule over Lucifer, an angel, at para iwasan iyon, Lucifer extracted himself kaya't nabuo si Lucifuge. That's the story?

Wait. Sinclair is Eris right now! Then, Lucifer is Leviticus. If that's their past, mali ang naisip ni Red na na-overpower ni Sinclair nang tuluyan si Lucifer noon kung kaya't bumagsak siya sa kalangitan. Naiwasan nila 'yon gamit si Lucifuge.

"Si Sinclair ba ang reynang sinasabi ni King Zachaeus?" Tanong ko kay Lucifuge. He didn't answer me right away, but he shrugged after a while. "Maaaring oo. Lucifer and Sinclair had a child, but I can't picture it clearly. Hindi rin naman ata nila ata talaga literal na anak iyon, but it was both their creation," sabi niya sa'kin habang nanliliit ang mata.

"The child was powerful, it held creation and destruction in it's hands. It's just that. . . hindi ko maalala pa ang bata. All I know is that it might be Sinclair or the child. They're the ones who are powerful enough to create war and bring blood fest," pagsalaysay niya na mas lalong nakapagpagulo ng sitwasyon.

Creation and destruction? Something that an angel and a demon can do. Si Eris ang unang pumasok sa utak ko, ngunit imposible dahil nga reincarnation ni Sinclair si Eris ngayon.

"That's why you need to answer me, Georgia. I need Lucifer to regain my memories and know who the real enemy is," Lucifuge stated as he slowly brought his face near mine to catch me off guard.

Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro