Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Georgia Kaye Alas' Point of View

Nagising ako sa kakaibang lugar. Madilim, at may malamig na bakal na nakaposas sa'kin kamay. Nasaan ako?

Pinikit ko ang aking mga mata upang i-activate ang night vision ko. Heh, perks of being a vampire. Nang muli akong nagmulat, napagtanto kong nasa isa akong selda. The walls were made of plain sement, and it was covered of scratches, stains of blood, at mga sulat na hindi ko maintindihan. These are ancient words. Ibig sabihi'y matagal na itong seldang ito.

Tiningnan ko ang sarili ko. Wala akong natamong sugat, at wala rin namang masakit sa'kin. Perhaps, it has already healed over time. . . But what the hell happened?

Pinikit ko nang mariin ang aking mgat mata upang maka-alala sa mga nangyari. Then suddenly, I remembered tattered memories of yesterday. Woods. Runes. Demons. Vampires. Cloak. Scars. Leviticus and... Althea. Sumakit ang ulo ko sa pag-alala ng mga pangyayari. I tried connecting my memories, but the only thing I remember is that I fought with vampires that night.

Narinig ko ang sigaw ni Eris noon. I felt that she was in danger so I went to the woods, at doon ko nakita ang mga kapwa ko bampira. Pinikit ko ang mata ko at sinubukang pakinggan ang nasa paligid, para tingnan kung may mga kasama ba ako o wala.

"Hindi pa ba nagigising ang bampirang anghel?" Natigil ako sa pag-alala nang marinig ang tinig ng isang lalaki. His voice was full of authority, at napagtanto kong hindi siya humihinga, meaning isa siyang vampire.

"Hindi pa po, mukhang matagal pa bago siya magising. Napuruhan siya ng ating mga alagad, ama." Nanlaki ang mga mata ko. Kilala ko ang boses na iyon! Kung hindi ako nagkakamali, si Rowsella iyon. Ang prinsesa ng mga bampira. At ano'ng sabi niya? Ama? Ibig sabihin ba noo'y ang kausap niya'y si King Zachaeus IV?! Ang hari ng Voltaire, land of vampires.

I heard a tiny chuckle from the king. "Why are we keeping her anyway, father?" Tanong ni Rowsella. She was annoyed, of course, simula't sapul, inggit na inggit na sa'kin ang babaeng 'yan.

I can feel the evil smirk of King Zachaeus with the way he spoke. "She's going to be a tool for the Bloodfest. We will use her angelic powers as protection, after that, I'll consume her because she has angel blood." Nanliit ang mata ko dahil sa mga katagang 'yon. Sa lahat ng vampire-angels, ako pa talaga ang napansin nila? Dinamay pa ako!

"Your father will be stronger, then."

"Bloodfest?" Tanong ni Rowsella.

Napakunot ang noo ko. The last bloodfest was recorded centuries ago. . . noong buhay pa si Phoenicia. Bakit biglang magkakabloodfest ulit? It will mean the sacrifice of both humans and vampires. Sabi nila'y magsasama-sama ang lahat ng bampira sa araw na iyon, at pagpatak ng eclipse, papatayin nila ang sinumang tao na kanilang makikita. It was noted that it almost marked the extinction of humans.

Kasabay ng bloodfest, marami ring mapapatay na bampira. All others will oppose vampires and probably kill vampires too. It is war and chaos. It is a work of evil, and the real demon itself.

"The demon is alive, Rowsella! Hell will be alive again, and death will conquer the world. We'll be with her glory," narinig ko pa. Her? Hindi ba't si Lucifer ang may gawa ng mga demonyo? Kailan pa siya naging babae? Na-reincarnate ba siya bilang babae? Pero. . . hindi maari iyon. I need to warn Headmaster Gaiael. We need to stop this war.

Nagulat naman ako nang biglang may sumakal sa'kin. Inuntog niya ako sa pader at tinakpan pa ang aking bibig. Pinanlakihan ko ng mata ang bampirang nakahawak sa'kin. Nakaposas na nga ako't lahat lahat, sasakalin niya pa ako? "Shh," wika niya sa'king isipan. He's using telepathy!

I closed my eyes at iminulat ulit ito para sa night vision. Then nalaman kong nakatitig pala siya sa'kin, his round eyes of striking blood looked at mine as if he was looking at his own reflection. Napasingkit ako para mabasa ang kaniyang utak. "You're reading my mind, huh?" aniya muli sa'king utak, at bigla siyang ngumisi. Paano niya nalaman?

"Isa rin akong mind reader kagaya mo, Georgia. Hindi lang tayo ang nag-iisang mind reader sa mundong 'to. If I were you, you'd better shut your mind," paalala niya't unti-unting binitawan ang paggapos sa'kin.

Paano ko naman magagawa 'yon? Hasa na ako sa pagbabasa ng naiisip ng iba, pero ang totoo'y hindi ko alam kung pa'no kontrolin ang sariling mga palaisipan. Tila naman nabasa ng lalaki 'yon kaya't inutusan nalang niya ako. "Gumawa ka nalang ng protection barrier, tipong walang makakarinig sa labas ng barrier. Perhaps you may utilize your angelic powers."

Nakuha ko naman agad ang sinasabi niya kaya't tumango ako at pumikit upang makapag-concentrate. I'm not used to the divine powers, so it might take some time to think— Aha! I remembered some angelic spell, one that I know of.

להגן מחסום. I wrote it in a piece of paper and focused on being an angel. I hardly wrote it because of the cuffs. I kissed the paper, and rubbed it in my hands until it turned to blue fire. The fire burst up to the ceiling and it enveloped around us. Iyon ang nagsilbing barrier.

"Ngayon, ano'ng pakay mo?" Tanong ko kaagad sa kaniya nang tanggalin niya ang kamay niya sa'king bibig.

"I'm not like them, Georgia. I'm not evil," he answered. Nangungusap ang kaniyang mata, as if there are thousand words inside him. "Basta, kailangan nating makatakas dito. Tutulungan kita, and we'll go back to Phoenix Academy," wika niya sa'kin.

Nagtaka naman ako tinapat sa kanya ang aking dagger despite being chained. "But. . . I don't know you. Bakit kita pagkakatiwalaan? You don't know me either, and you shouldn't be helping me."

Ngumisi siya at unti-unting nilayo ang aking dagger gamit ang kanyang daliri. I hissed when I saw his finger bleeding because of his actions. "We have the same goal, iyon ang mahalaga. Isa akong bampira pero hindi ako katulad ng ating hari. Hindi ko hahayaang madamay ang tao sa kalokohan niya."

But I still don't trust you. Natatakot akong magtiwala. I might end up getting hurt and betrayed.

"Kailangan mo akong pagkatiwalaan, Georgia. For Eris," sabi niya. Eris? Bakit? Ano'ng nangyari kay Eris? "Nasa panganib ang buhay niya, someone out there is pretending to be you. And I'm afraid naniniwala si Eris na ikaw nga iyon," sagot niya kaagad sa'king mga katanungan.

Bigla na namang sumakit ang ulo ko, I remembered something suddenly.

"Georgia! Tumakas ka na, find Eris and save her from these vampires!" sigaw sa'kin ni Highness Althea. Tumango ako at mabilis na tumakbo kung saan saan para mahanap si Eris. But she was nowhere to be found. Sana lang kasama niya si Rain.

"Argh!" Napalingon kaagad ko. My eyes turned red when I heard Leviticus. He is probably fighting some vampires. Kailangan ko siyang tulungan! Akmang dadalo na ako kay Leviticus, ngunit may humarang sa'kin.

"Eris!" I called when I immediately recognized her despite of her different attire. Nakacloak siyang itim at may scar pa siya sa kaniyang leeg. Pero... ang kaniyang mga mata. It was painted with the colors of hell. At ang ngiting nakaplasta sa kaniyang mukha. . . An evil smile.

Is this really Eris, or is it somebody else?

Napansin ko ring mas maliwanag ang kulay ng kaniyang buhok ngayon. Her aura screamed so much danger, and her figure seemed luminescent, as if this was only a soul.

"Hi," she greeted. Huli! Hindi ito si Eris, dahil alam kong hindi ganito ang boses niya.

"Georgia, kaibigan kita, hindi ba?" Tanong niya sa'kin. Bigla namang may lumabas na itim na enerhiya sa kanan niyang kamay. I felt danger ahead, so I unsheathed and tried to turn it to another weapon. Who's this? Is she a shapeshifter? Bakit si Eris pa ang ginaya niya?

"Georgia, why are you trying to unsheathe your weapon?" Natatawa niyang tanong sa'kin. "Relax. I'm not going to harm a friend."

"Sino ka?" Mariin kong tanong.

"Ako ang reyna ninyo." Iyan ang naging sagot niya. No way, she sounds like Rowsella right now. Napailing-iling nalang ako't tinutukan siya ng katana.

Napapitlag naman ako nang biglang tumakbo ang totoong Eris sa likod niya, "Eris!" Tawag ko ngunit hindi siya tumitingin.

"Eris!" Patuloy kong tawag bagaman 'di niya napapansin. Kung siya nga iyon, ibig sabihin ang kaharap ko ngayon ay hindi talaga si Eris.

Mabilis akong nakarating sa harap ng babae at idiniin ang katana sa kaniyang leeg. Ihiniga ko siya sa lupa at sinipa.

She laughed, "What? Kill me!"

Idiniin ko lalo ang katana ngunit walang nalabas na dugo mula sa kaniya, at para bang tumatagos lang sa kanya ang talim. Ano'ng klaseng nilalang 'to Naging abo siya kaya't bigla akong napadapa. Pero mabilis akong tumayo dahil naramdaman kong nasa likod ko siya. She just teleported!

Mabilis akong lumayo gamit ang vampire abilities ko, pero napasinghap ako nang makita na naman ang babae sa harap.

"Pasensya na Georgia. I'd really like to be your friend. But it will be best to sacrifice you," wika niya sa'kin bago siya umihip ng abo papunta sa'kin.

"Goodnight...," iyon ang huli kong narinig bago bigla nalang nagdilim ang aking paningin.

Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro