Chapter 13
Eris Alderhaide's Point of View
SINCLAIR
Two days passed easily. No, everything seems to be flashing by. I've been walking eggshells around Georgia and Highness Althea. Only Rain makes the mood lighter, so I was always with him, using training as an excuse. Sinabi ko na rin sa kanyang pinaghihinalaan ko ang dalawa.
"Eris, handa ka na mamaya?" tanong ni Rain sa'kin. Mabagal akong tumango, gayunpamang hindi ako ganoong sigurado. I can't use my powers, and it's a big advantage to whoever my enemy is. Well, maybe I'm ready to lose.
"You're not thinking of losing, are you?" He asked, as if nabasa niya ang sinasabi ng utak ko. Tinapunan ko siya ng tingin at umirap bago siya sagutin, "I am." Hindi naman ako makakapagsinungaling sa kaniya, he'll just notice it since he's my fylgja.
"Eris—," Mabilis akong humarap sa kaniya't di ko na siya pinatapos. "Ano ba? I'll be fine," saad ko't tumawa. Tumango-tango siya, but I know he's still worried.
"Sinclair." Ramdam kong may tumawag sa'kin. Lumingon ako ngunit wala naman pala. Huh? Ano iyon? Guni-guni.
Sinclair. Para bang nangyayari na ang nangyari sa'kin sa forest. May pumapasok sa utak ko, and it wants to control me again.
Sinclair. "Argh!" Napangiwi ako sa sakit ng kanan kong kamay. Napasandal ako sa pader at naghabol ng hininga. Agad akong inalalayan ni Rain, and looked at me so worriedly. He held my hand and passed me some energy, and I felt less hurt by that. "Eris. . . ," nagaalalang tawag ni Rain. "Ano'ng nangyari?"
Umiling-iling ako. "Hindi ko alam, basta nalang sumakit ang kanang kamay ko."
Hindi ko na napigilan si Rain. Hinila niya ang kanang kamay ko, tinanggalan ang gloves at tiningnan ng mabuti ang kamay ko. Napatingin din ako, at nagulat na wala nang sulat o balat ito. It was flawless, unlike the night when I got it. Ano'ng nangyari? Kanina naman ay naroon pa ang mga sulat.
"Nothing's wrong," sabi ni Rain na nanatiling chinecheck ang kamay ko. "Lumapit ka nalang sa'kin kapag sumakit pa ang kamay mo. Battles na at hindi tayo pwedeng mawala doon."
Tumango ako at tumayo na nang ayos. "I will. Tara na sa Phoenician Base." Nauna na akong naglakad sa kaniya. He shouldn't see that I am bothered— though he might sense it. He easily caught my pace and didn't tear his eyes from me. Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan niya ang ako ng kilay.
Nahiwalay lang ang tingin niya nang may tumawag sa'kin. "Eris, love!" Tawag ni Summer. Mas nauna pang lumingon si Rain at kinawayan niya si Summer. Maliit naman akong ngumiti sa council president. She grabbed the arm that was covered by gloves, and giddily pulled me away from Rain.
"I have something to tell you first," she told me, then turned to Rain. "Delvar, mauna ka na! This is a girls' thing. Ako na muna bahala kay Eris." Kininditan niya pa si Rain, ngunit napabusangot lang si Rain, at umiling habang sumasagot, "Apologies, Summer, but Eris needs to be by my side. Hihintayin ko nalang kayo rito, o sasamahan. I don't mind 'girls' thing."
Summer Knight playfully rolled her eyes and patted Rain's shoulder. "C'mon, I'm sure you'll come running if you sense her in danger. Hindi naman kami mawawala! Take a break from that boyfie act of yours." Ako naman ngayon ang napailing, at napakunotnoo. Truthfully, I don't want to be away from Red, but if Summer needs it, so be it.
Sinulyapan ko si Red at mas lalong napakunot ang noo ko nang mapansing namumula ang kanyang tainga. Bahagyang nanlaki ang mata niya't nag-iwas tingin bigla nang magtama ang mga mata namin. Ginamit niya pa ang kamay niya upang takpan ang kanyang pisngi. Sa huli, hindi na siya nagpaalam at naglakad na palayo sa'min. Wait, don't tell me. . . He was caught off guard? I inwardly chuckled and suppressed a smile. Cute.
Hinila naman ako ni Summer, pero nagpumiglas ako sa hawak niya sa takot na aksidente niya akong mahawakan. "Susundan nalang kita, Summer," banggit ko. I looked back to Red one last time, and noticed that he stopped walking to see us off.
"Pasaan ba tayo?" Malakas na tanong ko, sinasadya para sana maparinig ni Red. 'Yon nga lang, hindi ako sinagot ni Summer.
She entered the female's restroom, so I followed. Mabilis naman niyang sinara ang pinto, at biglang nagliwanag ang mga asul niyang mata. A chant came from her voice, and I remained there, confused. "Ano'ng ginagawa mo, Summer?" I asked defensively.
Pinikit niya ang mata niya at pagmulat niya ng kanyang mga mata ay ngitian niya ako nang malaki na para bang walang nangyari. "Sorry. Leviticus Malcolm told me to lead you to where he was. Napag-utusan lang ako, at. . . Hindi ko alam ang malalim na dahilan, pero para ata itakas ka sa battles. He said something bad was going to happen. As someone who could sense lies, I didn't sense him doing so. . . Trust me and him for now, Eris."
"Ano?" Tanging naisagot ko. Binuksan niya naman ang pinto ng isang cubicle, at bigla akong tinulak papunta roon. She bid me 'toodles' before I felt like I was being swallowed by space. Nahilo ako sa pag-warp ng paligid sa paningin ko hanggang sa unti-unti 'yong nabago. Nasa isa na akong kagubatang hindi ako pamilyar, at napagtanto kong malayo na 'to sa main land ng Phoenix Academy.
"Eris," kaagad naman akong lumingon sa tawag. Diretso akong tumingin sa kulay asul niyang mga mata. "Levi," sagot ko. "Bakit mo naman ako dinala rito?"
Nagbuntonghininga siya. He tilted his head and slightly raised one eyebrow before answering, "Hindi mo kakayaning talunin ang kalaban mo."
I scoffed because he stated the obvious. "Alam ko naman, but this is cheating! Hindi mo ako kailangang itakas doon—" Hindi ko na naipagpatloy ang sasabihin ko nang bigla siyang magslaita ulit. "Hindi kita itinatakas. Pero gusto ko lang ipahatid sayo na mahihirapan ka sa laban. Don't be deceived. Ikaw ang pakay ng kalaban natin, hindi siya titigil hangga't hindi ka niya nakukuha," wika niya sa'kin.
"Bumalik na kayo," sabay naman kaming napalingon sa nagsalita. Si Highness Althea. Naalerto ako at bahagyang lumayo sakaniya. Pero si Levi, mukhang kampante lang. Hindi ba talaga si Highness Althea ang kalaban?
"Huwag kang matakot sa'kin, Eris. Si Georgia ang tunay mong kalaban, siya ang nasaniban. And you can only kill that spirit if you are going to kill her. Kailangan mo siyang patayin, kailangan mawala ng nilalang sa loob niya. I know it's hard, but that's the only way," she continued. It didn't surprise me, but what's surprising me is her eyes. It turned to pitch-black, at halos wala nang puti na natira roon. Hindi ba 'yon napapansin ni Leviticus?
"Paano kami makakabalik? Ang layo na nito sa mismong Arena, at bakit ba kasi dito mo pa kami pinagmeet-up? Puwede namang sa iba," bulyaw ni Levi. So this was also Highness Althea's plan, not his? Mas lalo tuloy akong nagdududa sa kaniya.
"May mga teleportation potions ako rito. Inimun niyo at mag-te-teleport kayo sa Arena," Highness Althea said and handed us the potions. Why would I drink something from someone I suspect? "Kung hindi kayo naniniwala sa'kin, edi sige, ako na ang mauuna," nilagok niya kaagad ang potion, at sa isang iglap ay nawala nga siya.
Tumingin sa'kin si Levi, I nodded at him to say 'sige na, mauna ka na.' He looked worriedly at me. "Sabay nalang tayo." Then I should pretend to be drinking this.
Tumango at at dinala ang potion sa aking bibig, ganoon din naman ang ginawa niya. Kinunwari kong iinom ako, ngunit tinapon ko lang talaga ang potion. I really don't want to drink this. I don't trust Highness Althea at all. Naubos ni Levi ang potion, at naglaho rin siya. Now, all I have to do is call my fyglja to return to the school. Mararamdaman naman siguro niya kung nasaan ako.
I reached out for him, and tried to call by using telepathy. It's one thing that fylgjas can do, but if in a long distance, mahirap itong gawin at kailangan ng malakas na energy. Nagulat nalang ako nang biglang nasa tabi ko na pala si Rain. His white hair turned fiery red again because he teleported through fire. Mariin siyang tumitig sa'kin at saka inilipat ang tingin sa potion na hawak ko.
"Ano'ng nangyari dito, Eris?" Tanong niya sa'kin.
Umiling ako, wala naman talagang nangyari. "Nagdududa lang ako kay Highness Althea. We talked here at sabi niya si Georgia ang kalaban, then she handed this potion which she claims that it is for teleporting back. Leviticus drank the same potion. He was here. Summer was the one who brought me here, which was part of Highness Althea's plans."
Tumango siya at mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. He held my hand and intertwined it with his. Naramdaman ko tuloy ang init ng kamay niya matapos niyang gamitin ang kapangyarihan niya. His warmth calmed me down somehow, so I let out a loud sigh.
He looked at me after that. "Ayos ka lang?"
Umiling ako, kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa nangyayari, nangyari at mangyayari pa. Everything is undetermined, even my past which is Sinclair.
"Pikit ka muna. Don't worry, I'm by your side," wika ni Rain. Sumunod naman kaagad ako. I closed my eyes at hinigpitan pa ang hawak sa kaniya. "Why are you so beautiful even in sleep, my Sinclair?" I was taken aback. Minulat ko ang mga mata ko at napagtantong nasa Arena na kami, we have already telported. Pero. . . ang narinig ko. Boses iyon ni Rain, I'm sure— but then, tinawag niya akong Sinclair. Was it a memory of past?
I realized that I hadn't remembered a lot from our memories together. Mas marami pa akong naalala kasama si Lucifer o si Leviticus. Unti-unting bumitaw si Rain sa magkahawak naming kamay. I looked at him, nakatingin pala siya sa'kin. He gave me a warm and comforting smile, it was as if I can feel the warmth of the Sun.
"I'm Red, my abode is the sun." Napapitlag ako't narinig ko nanaman ang boses ni Rain, pero hindi naman siya nagsasalita sa tabi ko. My memories of the past are getting back faster, bakit?
"Phoenicians!" Sigaw ni Summer sa gitna ng arena. She's smiling, after all, almost everyone was excited for this battle. "Today, and at this very moment. We will start the battles! Every win counts a point for their respective House, and we will also rank you accordingly by your performance. No one is expected to kill," pagpapatuloy niya.
Some looked at me, at iyong iba nga'y pinagbulungan pa ako. Rain tapped my shoulder thrice at bumulong, "Don't mind them."
"Now, for our first battle," the noise of the crowd began. Naghihiyawan na ang iba. They are really excited, huh? Tila may tambol sa isipan ko na nagpapathrill lalo, paano kung ako na kaagad?
"Eris Alderhaide!" "Georgia Kaye Alas!"
Nanlaki ang mata ko, sinadya ang pangyayaring ito. Bahagyang hinawakan ni Rain ang kamay ko. "I'll feel it when you're in danger. Don't be afraid, Eris," he assured again. "Go, Eris. I'll be watching. Trust me. Nothing will happen to you."
"I'll protect you, Sinclair, even if you think protecting you is really wrong and against the universe." Nanlaki na naman ang mata ko nang marinig ko ang boses niya— o ng nakaraan niya sa'king utak.
Nagtungo na ako sa battle area. I looked directly at Georgia, her eyes were determined. At hindi ko alam kung para saan. . . Para manalo, o para dakpin ako? Wala akong sapat na ebidensya, at sina Highness Althea o Leviticus upang ituro siyang traydor sa Academy, kaya alam kong walang ibang plano kun'di ituloy 'to. But what if they're erasing evidences?
Napatingin ako kay Levi at Highness Althea. Levi was worried but Highness Althea had the same eyes as Georgia. Dahil doon ay bigla kong naisip, hindi kaya parehas silang nasapian? Or one of them is a shapeshifter. And another is like a puppet?
The whistle blew, a sign that the battle starts now. Mabilis na nakarating sa tabi ko si Georgia, at dinaplisan ako ng kaniyang dagger. Her eyes turned a bit red, not vampire red but demonic red. That time, I was sure that the one I'm fighting with isn't Georgia.
Hinawakan ko ang sugat sa braso at naramdamang may tulo na ng dugo. Ngumisi si Georgia at tinaasan ako ng kilay. Mabilis nanaman siyang lumagpas sa'kin at dinaplisan ako sa leeg. Hanggang sa paulit-ulit na niya akong dinaplisan. The audience were loudly chattering, naawa sila sa'kin na puro dugo na ang buong katawan. Napaluhod ako nang bahagya. Tumingin ako kay Rain. Umiling ako, nararamdaman kong gusto na nilang sugurin si Georgia.
"Georgia, huwag mo 'tong gawin. Hindi ikaw— ah!" Napangiwi ako nang bigla niya akong sipain sa likod. Nanlabo na ang paningin ko, at tuluyan na akong napaluhod. Napansin kong may itim na naman na enerhiya sa kabila kong kamay.
"Kaya mo siyang saktan. Kailangan mo siyang patayin," bulong sa'kin ng isang tinig.
"H-hindi..." mahina kong sambit. Napairit naman ako nang makaramdam nang malalim na hiwa. Mas lalong nanlabo ang paningin ko. Tila ba ito'y nagdidilim.
"Huwag mong hayaang saktan ka niya. Labanan mo, mas malakas ka sa kaniya," bulong na naman ng tinig.
Akmang dadaplisan ulit ako ni Georgia, but she stopped midway of attacking me. Hindi siya makagalaw, na tila ba may pumipigil sa kanyang puwersa. Matalim ang tingin ko sa kanya, bagaman nanlalabo na nga ang paningin. Bigla nalang siyang namilipit, at napaluhod na tila ba nasasaktan. My right hand felt powerful, and I noticed that the ancient texts were there again. This time, glowing.
I can't stop. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagtingin sakaniya kung kaya't patuloy siyang namimilipit sa sakit. At that very moment, I realized that my power is not to kill. It was chaos. It was to destroy. And it is so powerful that I'm afraid I might end the whole world.
Biglang yumanig ang lupa nang mapahawak ang kanan kong kamay dito.
"Eris!" "Alderhaide!" "Eris! Tumigil ka!" "Eris!" nabingi ako sa sigaw ng mga tao. Napasigaw ako, kahit ako namilipit na sa sakit. Something was overpowering my right eye. Para ba itong dumudugo at wala akong nagawa kundi umiyak.
"Eris!" Sigaw sa'kin ni Red. Siya lang ang nakalapit sa'kin sa lahat ng narito. Siya lang ang hindi maaapektuhan ng kapangyarihan. I surrendered myself to him, as I close my eyes and lay my head on his shoulder.
"R-Red. Si Sinclair ang kalaban. Siya ang—" I didn't have the energy or consciousness to continue my sentence. Inangat ko ang kaliwang kamay ko at humawak nang mahigpit sa kanyang likod. Hindi ko na alam ang nangyayari, ngunit natakot ako nang maramdaman ang mabigat at mabilis na paghinga ni Red, maging ang lakas na tibok ng puso niya.
Despite that, he still said, "Everything's okay, Eris. Breathe."
Sinubukan kong ikalma ang sarili ko, ngunit bigla kong naramdaman na lalapit si Georgia. My senses that became sharper made my right arm move swiftly to attack her. My eyes opened. Tumalipon siya at narinig ko ang sigaw ng mga tao. Tumakbo sila papunta kay Georgia, at doon ko napansin ang duguan niyang anyo.
"That's it, Eris. This is our true power. You can't change it, even if we die and reborn again. We are demons. This is our nature." Ngayon ko lang napagtanto. Hindi sila ang kalaban ko. Kalaban ko si Sinclair. Kalaban ko ang sarili ko. At narito siya, sinusubukang talunin ako.
"All hail, Sinclair the Demon."
Phoenix Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.
Votes and comments are highly appreciated. Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro