009
Author's
Natapos na ang klase nilang lahat kaya napagdesisyunan ni Scoups na dalawin si Woozi sa kanyang apartment. Tanging si Woozi nalang kasi ang nakahiwalay sa kanilang group. Halos lahat, nakatira sa dorm except lang kay sakanya na ayaw umalis sa apartment. Mahalaga raw ito kaya hindi niya maiwan-iwan.
"Coups!" tawag ni jeonghan mula sa kabilang palapag ng building.
"Oh bakit?!"
"Pupunta kana ba kay Woozi?!"
"Oo!!! Sama ka?!"
"Teka bababa lang ako!" Sigaw ni Jeonghan bago bumaba ng hagdan. Napaface palm nalang si Scoups dahil para silang nagh-high note challenge.
Hindi ko maisip kung bakit sila nag-uusap ng pasigaw. Pwede naman bumaba muna si Jeonghan bago sila mag-usap.
"Tagal mo namang bumaba." Reklamo ni Scoups. Natagalan kasing bumaba si Jeonghan kaya medyo nainip siya.
"Sorry nakasalubong ko pa kasi si Joshua. Gusto niya pa nga sana sumama kaso may gagawin pa daw siya."
"Tara na baka gabihin pa tayo sa daan."
🌼🌼🌼
Nakarating sila ng maaga sa apartment. Hingal na hingal pa silang dalawa kasi hinabol sila ng aso na malapit apartment ni Woozi.
Mga ilang minuto ang nakalipas nakatayo parin silang dalawa sa harap ng pintuan. Nakailang katok na nga si Scoups pero walang lumalabas na Woozi.
"Wala atang tao." Sabi pa ni Jeonghan.
"Meron yan, baka tinatamad tumayo para buksan yung pinto. Pag ako naiinis sirain ko to."
"WOOOOOZIIIII!!!!!!!" Biglang sumigaw si Scoups. Nagulat naman si Jeonghan dahil baka isipin ng mga tao doon na may nagaganap na masama.
"Uy ano ka ba coups. Wag kang sumigaw, kumatok kana lang. Nakakahiya ang ingay mo dito." Iritadong sambit ni Jeonghan sakanya.
"Nauurat na ako, ang tagal niyang buksan yung pinto. Tangina Sirain ko na ba?"
"Wag lagot ka kapag ginawa mo yun."
"Kahit na. OY WOOZI BUKSAN MO YUNG PINTO!!!!!!"
Maya maya habang kumakatok si Scoups sa pintuan, may batang lumapit sakanilang dalawa. "Oppa, wala pong tao dyan."
"Nasan yung nakatira dito?" Tanong ni Jeonghan sa bata na ang cute cute para bang yung nagbabasa lang nito.
"Pinaalis na po siya."
"Bakit?"
"Hindi po daw kasi si oppa nagbabayad ng pang-renta." Malungkot na sambit ng bata.
"Coups, akala ko ba sakanila talaga tong apartment niya?"
"Iyan din ang alam ko han." Parehong naguluhan silang dalawa sa sinabi ng bata. Nagpasalamat muna sila sa bata bago umalis sa apartment ni Woozi.
Habang naglalakad sila pauwi sa kanilang dorm, nag text si Minghao.
Minghaohao De Carabao
0969******
Hyung nasaan na kayo? Hinahanap kayong dalawa ni Joshua hyung. Magreply ka hyung asap.
"Bakit tayo hinahanap ni Hongkong jisoo?" Nagtatakang sambit ni Scoups kay Jeonghan.
"Bilisan nalang natin umuwi para malaman kung bakit niya tayo hinahanap."
"Sige."
🌼🌼🌼
httpsseoul
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro