Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue | Descendant of Dalikmata

VION
ᜋᜒᜆᜓᜎᜓᜑᜒᜌ ᜐᜒᜇᜒᜁᜐ᜔

THEY called me the Eye of the Night and the saviour of those who are in sleep. But I myself am a nightmare.

Napatingin ako sa punyal na nakatarak sa katawan ng aswang na pinaslang ko ngayon. I can see my eyes' reflection in the knife. It's glowing in purple and the God's symbol is visible in my iris.

Bangungot ang dala ko sa mga nilalang na pinapatay ko. When my divine eyes laid on their sight, they feared me instantly dahil alam nila kung ano ang kapabilidad ng mga mata ko. Alam nila kung ano ang kahahantungan ng kanilang mga buhay kapag nahahagip sila ng aking mga mata.

I am no ordinary. I am a demigod. The offspring of the Goddess Dalikmata. I embody the power of her divine eyes and I use it to fight evils lurking around our city.

My eyes sees no bound. Hanggang nahahagip ng mga mata ko ang mga banta sa kaligtasan ng tao, hindi ko sila pinapalagpas. The saviour of those who are in sleep is their greatest nightmare. How ironic!

Habang nakatingin ako sa aswang na duguang nakahiga sa lupa, isang sigaw ang narinig ko. Mabilis na napalingon ako sa paligid upang hanapin ang pinanggalingan nito. Hindi iyun isang ordinaryong sigaw. Nanggagaling iyun sa isang panaginip.

With my improved eyesight. Hinanap ko ang pinanggagalingan ng boses na iyun. My sight runs kilometer trying to find the owner of the voice. Kalahating kilometro mula sa kinatatayuan ko I saw a girl having its nightmare in bed.

Pawisan ito habang nakapikit at hindi mapakali ang ulo sa pagbaling-baling.

Wala akong sinayang na oras. Mabilis kong winasiwas ang arnis na hawak ko at kaagad iyung binalik sa sisidlan na nasa likuran ko.

Mabilis ko agad na tinungo ang lugar na iyun. Under the full moon of the dark night sky, I jumped from rooftop to rooftop until I reached her place at kaagad na pinasok ang kwarto nito.

With my glowing purple eyes. I immerse inside her dream. At bumungad sa akin ang isang Batibat, isang matabang uri ng nilalang na pumapasok sa panaginip ng isang tao upang kitilin ang buhay nito

Sinasakal niya ngayon ang isang babae. Ang babae naman ay sinubukang makawala dito habang hirap na hirap nang sumagap ng hangin.

"Let go of the girl," malamig na sabi ko habang nagsisimula nang umilaw ang mga mata ko.

"You want nightmare? Then stare at me," hamon ko dito.

Kaagad na napatulala ito at lumiwanag ng kulay lila ang dalawang pares ng mata nito. Nabitawan kaagad nito ang babae.

"Run girl. Don't wake up yet. May kailangan lang akong gawin sa matabang 'to," utos ko sa babae.

Umiiyak naman itong tumango at nagkukumahog na tumayo at nilisan na ang lugar.

Napalingon ulit ako sa Batibat. Patuloy na nagliliwanag ang mata nito palatandaan na nasa ilalim parin ito ng kapangyarihan ko.

Now that this obese is under my hypnosis. It's time to show her what she causes to people— nightmare.

Mabilis kong kinuha ang dalawang arnis sa likuran ko at na inatake ang Batibat na walang kamuwang-muwang ngayon.

Dahil nasa ilalim na ito ng aking hipnotismo, hindi ito makagalaw at walang magawa sa mga atakeng ginawa ko.

Nang matumba at lumagapak na ang dambuhalang katawan nito sa lupa ay mabilis akong bumunot ng kutsilyo sa gilid ng bulsa ko at inihagis ito sa tiyan ng nilalang .

Tinitigan ko ulit ito at muling umilaw na naman ng kulay lila sa mga mata nito.

"Now kill yourself," malamig na utos ko dito.

Kaagad ko itong tinalikuran. I dont want to be the audience of its misery and death. Naramdaman ko nalang na nagsitalsikan ang mga dugo sa likuran ko. Natitiyak kong sinaksak na nito ang sarili gamit ang kutsilyo.

I closed my eyes trying to calm myself nang maramdaman kung may dumapong iilang patak sa braso ko.

"Tsss. God knows how I despise blood," irita kong sabi at nandidiring pinunasan ang isang patak na dumapo sa braso ko.

Lilisanin ko na sana ang panaginip ng babae ng biglang umikot ang kapaligiran. I almost got dizzy from what happened but when my senses came back, I found myself standing in the middle of nothingness.

"Sa akin lamang ang mga mata mo. Ako ang magmamay-ari nito," giit ng isang misteryosong boses.

Kung noon natatakot ako dito ngayon I just give it a smirk.

He is one of a few who wanted my eyes so badly. Hari ng mga Tikbalang, reyna ng mga diwata, lakan ng mga kapre. Lahat kailangan ang mata ko.

"Walang pwedeng umangkin sa mata mo kung hindi ako lang. Akin lang ang mga mata mo Vion."

Hindi ko alam kung ano pang sekreto ang nasa likod ng mga mata kung bakit gusto itong mapasakamay ng lahat. Pero isa lang ang alam ko. Isa lang ang dahilan na alam ko kung bakit nais ng iba na mapasakamay ang mga mata ko.

Sapagkat nasa mga mata ko nakasalalay ang kapalaran ng kanilang angkan. Nasa mga mata ko ang kaligtasan o di kaya'y katapusan.

Sapagkat bitbit ko ang pangitain ng aking ina.

Ang tagna ni Dalikmata.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro