Chapter 9 | The Doomed Beginning of Dalikmata's Tagna
VION
"WALA kang matitirhan?" gulat kong tanong kay Junos habang naglalakad kami pauwi sa apartment ko.
Kami lang dalawa ngayon ang naglalakad dahil abala si Talas sa pagiging ibon niya at lumilipad sa itaas.
"Lumaki lang ako sa ampunan. At nang lumagpas na ang edad ko ay pinaalis na ako doon kaya namasukan ako bilang kargador sa Fierre"
"Oh tapos? Wala ka man lang apartment doon o boarding house?" tanong ko ulit sa kanya.
Mukhang masama ang pakiramdam ko dito. Huwag naman sana. Para na kaming tinapa dun sa apartment eh, sobrang siksikan sa kwarto.
"W-wala. Ang pantalan ang nagbibigay sa amin ng tinitirhan at ngayong umalis na ako wala na akong mapupuntahan." wika nito.
"Pansamantala lang naman Panginoon. Hindi kasi madaling buksan ang lagusan patungo sa Santinakpan. Kung sa balete siya dadaan, mag-aantay pa siya ng ikaanim na kabilugan ng buwan." biglaang sabi ni Talas sa gilid ko nang mag-anyong tao na ito.
"Jusko! Balak niyo bang gawing ampunan tong apartment namin? Namomroblema na nga ako sayo" sabay turo ko sa kanya at tinulak anh sentido niya gamit ang hintuturo ko.
"Oh bakit ako?" nanghahamon naman na tingin sa akin ni Talas.
"Oh bakit di ikaw eh isa kang palamunin!"
Nahihiya namang naayuko ng ulo si Junos at napakamot nalang ng ulo niya.
"Sige huwag nalang. Matutulog nalang siguro ako sa mga parke diyan. Pasensya na sa abala" mahina nitong sabi.
Mabilis naman akong hinila ni Talas sa may gilid. Sinubukan ko pang pumiglas ngunit mas malakas siya sa akin.
"Pansamantala lang naman. Hindi ka ba naaawa. At saka pa utang mo sa kanya ang iyong buhay. Iyun nalang sana ang tangi momg magagawa upang makabawi man lang sa kanya"
"Oo sabihin na natin patitirahin ko siya. Paano ang kakainin niya. Hirap na hirap na nga akong itaguyod ang sarili ko eh. At saka ngayon lang natin siya nakilala. Paano kung espeya yan na pinadala para manmanan tayo."
"Malakas ang agam agam ko na mabuti siyang tao. Kaya tulungan mo na. Pwede mo naman siyang pagtrabahuin bilang kapalit"
Isang ideya kaagad ang pumasok sa isipan ko nang mabanggit iyun ni Talas. Naniningkit ang mga matang tinapunan ko ng tingin si Junos na tahimik lang sa gilid.
"Sige! Payag na ako" nakahalukipkip kong sagot.
𓁹𓁹𓁹
"Hoy Vion! Saang impyerno ka ba napunta at gabi mo na naisipang umuwi. Hindi ka namin mahanap ni Caleb kanina"
Kaagad akong nilapitan ni Josiah pagkatapos kung makauwi sa amin. Naabutan ko pa silang naglalapag ng pancit canton sa lamesa at balak na sigurong maghaponan na
"Diyan lang naman sa tabi-tabi. OA mo ah!" inis kong sabi sa kaniya.
"Hmm tabi-tabi nga ba o nakipagkita ka dun sa lalaki mo?" sabay pinaningkitan ako ng tingin at tinutukan ng hawak niyang sandok.
"Vion! Wala namang kaso sa akin kung nasa ikatatlo kang kasarian. Sekreto nalang natin to" sabay akbay nito sa akin at tinapunan ng tingin si Caleb na abala sa ginagawa saka ako binulungan.
"Aminin mo na kasi na totoo yung nakita ko. Yung pinapatungan ka ng lalaki. Diba? Dibaaaa?"
Inis ko naman siyang tinulak palayo at naupo sa sofa saka naghubad na ng sapatos.
"O san ka naman galing?" tanong ni Caleb sa akin nang mapansin na nito ang presensya ko.
"May ginawa lang" tamad kong sagot
"Vioooonnn! Aminin mo na kasi" sigaw naman ni Josiah at naupo sa gilid ko kaya inis kong binato sa kanya ang hinubad kong medyas.
"Ang kulit mo talaga. Sabing wala nga. Kurutin ko itlog mo dyan eh" inis kong banta sa kanya na ikinatikom agad ng bibig nito.
"Kakain na tayo" yaya agad ni Caleb.
"Nga pala"
Mabilis akong tumayo at lumabas ng pinto. Naroroon lang si Junos habang karga karga niya si Talas na nag-anyong pusa na.
Sinenyasan ko kaagad siya na pumasok na kanyang ginawa din agad. Hinila ko kaagas siya papasok at pinakilala sa kanila.
Napatigil naman sa pagsubo ng pagkain si Caleb at kunot noo kaming tinignan habang si Josiah naman ay naibulwak ang iniinom na coke.
"S-siya ba?" tanong ni Josiah at nanginginig ang daliring tinuro si Junos.
"Siya ba yung lalaking pumatong sayo? Ipapakilala mo na siya bilang boyfriend mo?" tuwang tuwang dagdag niya pa at napatalon-talon sa tuwa.
"Ahhhh tama nga ako. Yahooo. Tama nga ako. Oh akin na ang pusta mo Caleb. Paano ba yan. Tama ako"
Kunot noo ko naman silang tinignan at naguguluhan sa inasta nila. Anong trip ng mga to? Walang gana namang bumunot ng isang libo si Caleb sa bulsa niya at nilagay iyun sa ibabaw ng palad ng nakangising si Josiah.
"Anong boyfriend pinagsasabi mong gago ka. Si Junos. P-pinsan ko. Dito muna siya makikituloy habang naghahanap pa siya ng trabaho"
"P-pinsan?" tila pinagbagsakan naman ng langit si Josiah sa narinig at napatulala nalang.
Nakangising binawi ni Caleb ang pera niyang hawak hawak ni Josiah na ngayon ay para nang maiiyak.
"Paano ba yan bukas nalang kita sisingilin. Pinsan daw eh" pang-aasar naman ni Caleb dito.
"Okay lang naman sa akin. Pero wala na tayong space sa kwarto eh. Okay lang ba sayo matulog dito sa sala. May extra foam naman kami"
"Kahit wag na okay lang naman sakin kahit dito na sa sofa niyo" nahihiya namang sabi ni Junos.
"Ano ka ba! Hindi komportable diyan. Sa foam kana. Pinsan ka naman ng kaibigan namin kaya wag kanang mahihiya----"
Napatigil sa pagsasalita si Caleb at pareho rin kaming nagulat ni Junos dahil sa biglaang pagsigaw ni Josiah sa kwarto.
"Wag mo nang pansinin. Natalo lang yun sa pustahan namin. Nag-o-OA lang yun dun."
"Ano ba kasing pinagpupustahan niyo?" tanong ko sa kanya habang naupo na sa may mesa at nagsandok ng kanin.
"Nakipagpustahan siya na may boyfriend ka daw at tinatago mo lang sa amin. Syempre di ako naniwala kaya nakipagpusta siya sa akin" natatawa namang kwento ni Caleb.
"Ang ogag na yun di pa rin pala naka move-on sa nakita niya?" bulong ko habang sinisilip si Josiah sa kwarto mula sa kinauupuan ko.
"May sinasabi ka?" tanong naman ni Caleb.
"W-wala. Wala"
𓁹𓁹𓁹
Masalimuot ang paligid. Tila nasa kawalan ako at ang tangi ko lang nakikita ay dalawang taong naglalaban laban. Bawat apak ng kanilang paa ay nagdudulot ng lindol. Bawat wasiwas ng kanilang sandata ay gumagawa ng mapaminsalang hangin. At sa tuwing nagtatagpo ang kanilang sandata ay gumagawa iyun ng kidlat.
Mabilis na umikot ang paligid ko at nakita ko nalang na nasa harapan na ako ng isang lalaking may mahabang puting buhok at balbas. Hawak niya ang sandata niya at nakatuon sa leeg ng lalaking may dila ng ahas, sungay ng baka, katawan at ulo ng tao at may pakpak ng paniki.
"Ikaw Alvak ay hinahatulan ng Kaluwalhatian dahil sa pagdadala mo ng pinsala at kasamaan sa Santinakpan"
"Sa aking atas na pinakamakapangyarihan, ang iyong katawan ay ililibing sa ilalim ng pitong bundok, hindi na muling makakakita ng liwanag ng araw."
Kaagad na umikot ang paningin. Mabilis akong napaluhod habang hawak hawak ko ang sentido. Nagpapawis na ako at nagsimula nang uminit an mata ko. Ramdam ko ang mabilisang pagkabog ng dibdib ko at tila binibiyak ang ulo ko.
"Ang iyong kamalayan, na pinaghiwa-hiwalay sa pitong bahagi, ay magpapasan ng bigat ng iyong mga kasalanan. Ang kapalaluan ay magpapasan sa iyong diwa ng korona ng tinik" puno ng otoridad at hiwagang sabi noong lalaki.
Sa bawat pagbitaw niya ng salita ay siya namang pagbigat ng aking nararamdaman. Sapo sapo ko ang dibdib ko habang sinusubukan silang lapitan ngunit tila isa lang akong espirito na hindi nila nakikita.
"Ang galit ay magpapaso sa iyong esensya sa walang hanggang apoy, ang inggit ay lalamon sa iyong kaluluwa ng walang sawang gutom, ang pagnanasa ay magbibigkis sa iyo sa walang katapusang pagnanasa"
Nagkaroon ng malakas na buhawi ng buhangin sa paligid namin. Halos hindi na ako makahinga habang tinatangay ang buhok ko ng hangin.
"T-tama na" bulong ko habang sinusubukang abutin ang lalaki upang patigilin siya.
Napatingin ako sa sarili kong repleksyon sa sandatang hawak nung lalaki. Nagsisimula ng umilaw ang mata ko sa di malamang dahilan.
"Ang katakawan ay magbibigkis sa iyo sa mga tanikala ng labis, ang kasakiman ay ikukulong ka sa isang bangin ng paghahangad, at ang katamaran ay lulunod sa iyo sa isang karagatan ng kawalan ng pag-asa."
Napahiga na ako sa lupa habang sinusubukang sumagap ng hangin ngunit mas naging masikip pa ang pakiramdam ko.
"Kaya't ang iyong pag-iral ay magiging walang hanggang pinaghiwa-hiwalay at pinahihirapan, isang patunay sa iyong maraming mga kasalanan."
Tama na! Tama na! Tama naaaaa!
"Ahhhhhhhh" sigaw ko at kasabay ng pagmulat ko mula sa pagkakagising ay siyang pagliwanag ng sobra ng mga mata ko.
Kaagad na natuon ang paningin ko sa isang kutsilyo na tatarak na sana sa akin. Mabilis kong hinawakan ang palapulsuhan ng gagawa sana nun. Ngunit naging mabilis ito.
Kaagad itong tumakbo sa may bintana at tumalon. Sinubukan ko pa itong habulin ngunit tanging suot niya nalang na balabal ang nakita ko habang tumatakbo ito palayo.
𓁹𓁹𓁹
Alas sais na ng umaga at nagjojogging ako ngayon sa may park. Nakafive laps narin ako paikot at puno na ng pawis ang buo kong katawan.
Ito lang ang tangi kong paraan para mailabas ang lahat ng stress ko. Binabagabag pa rin ako ng panaginip ko at nung taong muntik nang patayin ako.
Hindi ko alam kung parte pa rin ba iyun ng panaginip ko ngunit malakas ang kutob ko na totoo iyun at talagang nagising ako nun mula sa pagkakatulog. Hindi ko pa sinabihan si Talas. Kailangan ko munang alamin ang katotohanan.
Maliwanag na nang makauwi ako sa apartment. Nasa may pintuan pa lang ako at naghuhubad ng sapatos ngunit rinig na rinig ko na ang malakas na boses ni Josiah.
"Alam mo kasi Junos. May limang category ang kapogian. Nakarank yan 1 as highest at 5 as lowest. 1- Sila yung in born na ang pagiging pogi. Since birth ba kumabag. 2- Sila yung pumogi lang habang lumalaki, glow up kumbaga. 3- Sila yung pomogi lang kasi mayaman or matalino. 4- Sila yung malalakas lang ang loob at 5- Sila yung walang pag-asa ng pomogi. At nasa Category 1 ako nun"
Mabilis akong pumasok sa loob at naabutan kong nagpiprito ng itlpog si Junos habang nagdadaldal lang si Josiah sa tabi niya.
"Bat ayaw mong maniwala. 100 na kababaihan ang pinagboto sa eskwelahan namin at pasok ako sa Category 1"
"Pwede bang tigil tigilan mo yang si Junos ah. At bakit siya ang pinagluto mo. Ikaw nakatuka ngayon ah" sabay pingot ko sa tenga niya na siyang ikinatayo niya naman sa kinauupuan.
"Ahhh arayyy. Ano ba!" reklamo ni Josiah.
"Junos. Wag mo nang gawin yan kay Josiah na gawain yan"
"Ano ba! Okay lang. Para naman kahit papaano ay makabawi ako sa pagpapatuloy niyo sa akin dito."
Napapalakpak naman si Josiah at mabilis na tumayo.
"Tumpak! Yan! Ganyan ang isang mabuting tao Vion. Paseminar ka muna sa kanya kasi mukhang nakakalimutan mo na yun"
"Ahh ganun" nakakrus ang mga kamay kong tanong sa kanya.
"Oh dahil si Junos na ang nagluto. Edi ikaw na ang nagrefill nitong tubig natin" sabay kuha ko sa jar at binigay kay Josiah.
"Hoy napakadaya! Kay Caleb tong gawain eh" reklamo naman niya.
"Paano ba yan. Wala si Caleb. Maagang umalis kaya ikaw na diyan. Dali na. Wala tayong iinumin"
Wala na rin itong nagawa kundi magyamot at mapakamot nalang ng buhok habang papalabas ng bahay.
"Junos. Sama ka sakin mamaya after school. Ipapakilala kita sa manager doon sa pinagtatrabahuan kong club. Baka pwede kitang maisingit" giit ko sa kanya habang nagpupunas ng panyo sa katawan ko.
"Sige lang po Kuya" saad nito na siyang kinakunot at ngisi ko.
"Kuya?" natatawa kong sabi.
"4th year college kana po diba? Grade 12 na sana kasi ako ngayon kung hindi lang ako tumigil sa pag-aaral"
"Seryoso? Mukhang magkahugis lang kayo ni Josiah ah. Bata mo pa pala. Eighteen ka naman siguro no?" tanong ko na ikinatango nito.
"Mahirap na kung minor ka pa. Club pa naman ang pinagtatrabahuan namin--- ay putangina!" gulat kong sigaw ng biglang sumulpot si Talas sa may lababo na nakaupo lang at kumakain ng mansanas.
"Gulat yarn?" natatawa nitong tanong.
"Yarn? San mo naman natutunan yan?" mangha kong tanong sa kanya.
"Hindi naman kasi ganuon ka kumplikado ang lenggwahe ng mga mortal. Tsaka Demigod din ako. Kala mo ikaw lang. I have a power of adapatability. Oh natunganga ka Panginoon no? I-google mo" saad nito.
"Ahhh ganun ba? Edi wow" sabay nilayasan ko na sila.
Kailangan ko nang maligo dahil may 8:00 a.m class pa naman ako sa History.
Habang kinukuha ang tuwalya ko ay may natanggap naman akong text mula kay Serissa. Nagparamdam na naman ang babaetang kulay shoppee ang buhok.
Nakauwi ka na?
Yun agad ang bumungad sa akin pagkabukas ko sa text message na sinend niya.
Oo miss moko? pabiro kong reply sa text message niya.
Ewww ano ka pera?
Pag ako ba yung blonde na buhok mamimiss moko?
Block sa akin Vion. Maya ka lang sa school 😤🖕
Naiiling nalang akong pumasok ss banyo saka naligo na. Pagkatapos ay nagbihis agad ako ng uniform at pagkababa ay nakaready na ang umagahan namin.
Tuwang tuwa naman ang Josiah sa nangyari. Kumain nalang din ako at pagkatapos at pumunta na ng school.
Habang naglalakad papasok ng gate ng school, bahagya akong napatigil at napangiwi habang hawak hawak ang sentido ko at tila may nag glitch na memorya sa utak ko.
Isang batang lalaki na umiilaw ang mata. May triangulong simbolo sa loob ng mata nito. May dugo sa kanyang mga kamay.
Muntik na akong matumba matapos iyun, mabuti nalang at nahawakan ako ng nagbabantay ng guard sa gate.
"Masama ba ang pakiramdam mo iho?" tanong nito sa akin.
"Okay lang po ako manong medyo kulang lang sa tulog" pagsisinungaling ko at ngumiti lang saka pumasok
Batang lalaki? Umiilaw din ang kanyang mata gaya ko. Wala naman akong naaaalalang ganuong tagpo sa buhay ko kaya sino siya?
Iyun lang ang nasa isip ko sa classroom habang tahimik akong nakaupo. Hanggang sa pumasok na ang teacher namin sa Filipino Literature na si Miss Buquiran.
Kaagad siyang nag-attendance at nagklase na rin kaagad. Pinili ko nalang kalimutan muna ang nangyari kanina at nagfocus nalang sa itinuturo ni Maam.
Matapos ang klase ay nakangiti akong lumapit kay Mrs. Buquiran. Nakasanayan ko na kasing ako ang nagdadala ng gamit niya pagkatapos ng klase. At isa pa siya rin ang paborito kong teacher at parang anak niya na rin ako kung ituring.
Ngunit nagulat nalang ako nang hindi pa man ako nakakalapit ay kaagad na itong umalis bitbit ang mga gamit niya.
"Maam! Maam" tawag ko sa kanya at patakbo siyang nilapitan.
"Ako na po---" Napatigil ako nang hahawakan ko sana ang balikat niya para patigilin ay mabilis niyang hinawakan ng mahigpit ang palapulsuhan ko.
Napatigil ako nang makita ko ang nanlilisik niyang pulang mga mata.
Napailing ako ng ulo at nang titigan ko siya ulit ay wala namang nagbago sa mga mata niya. Fuck! Dahil siguro ito kanina kaya kung ano ano nalang ang nakikita ko.
"Pasensya na iho. Nagulat lang ako" nakangiti nitong binababa ang kamay.
"Si Maam naman masyadong pormal. Ilang araw lang akong nawala. Nakalimutan mo na agad ang pinakapogi mong anak anakan" biro ko sa kanya at kinuha ang mga dala niya.
"Ako na po maghahatid"
"Kilala kita?" tila lumaki ang ngisi nito sa akin na mas lalong kinaweird ng feeling ko pero pilit ko nalang iyun isinantabi.
Kung ano ano nalang naiisip ko simula kanina. At nadadamay ko pa tuloy si Mrs Buquiran.
"Ahh I mean maraming salamat" bawi agad nito at nauna nang maglakad.
Napakunot ang noo ko. May sakit ba si Maam o ayaw niya lang ng kausap. Dati kasi ay kapag tinutulungan ko siya ay nagkukuwentuhan kaagad kami hanggang sa makarating kami sa faculty.
Nafocus ang tingin ko sa tila kaliskis na sumisilip sa laylayan ng kwelyo niya. Kinurap kurap ko ang mata ko at bigla iyung nawala.
"Nababaliw na ba ako? Kung ano ano nalang nakikita ko simula pa kanina" naguguluhan kong sabi at nagpatuloy na sa paglalakad.
𓁹𓁹𓁹
Nagdadalawang isip pa ako kung pinpindutin ko ang button na ito. Kung gagawin ko yun, wala na akong poproblemahin pero mamomroblema pa rin ako. Ha? Ang gulo ba?
"Sige na Vion. Sige na Vion" pangungumbinse ko sa sarili ko.
Napabuntong hininga nalang ako at nakapikit na pinindot kaagad iyun.
"Ahhhhh wala na. Wala nakong peraaa" sigaw ko at napahiga nalang sa damuhan matapos kong pindutin ang payment para sa tuition ko.
"Ang hirap maging mahirap. Lorddd magpaulan ka naman ng cash diyan" sigaw ko at pinikit nalang ang mga mata.
Bumangon ulit ako at malalim na nagpakawala ng bunting hininga saka bumunot bunot ng damonsa gilid ko at tinatapon iyun.
Ito talaga ang reyalidad ng nagseself support sa pag-aaral. Mahirap pero kakayanin dahil mas mahirap kapag tumigil ako gayung nasa kalagitnaan na ako. Parang masasayang lang yung pinaghirapan ko. Tsaka mas mahirap kung hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral.
Education is the key to success daw eh. Nginang yan. Sino ba kasi nagpadlock?
Pero kung buhay kaya si papa at kasa-kasama ko ngayon si Mama. May magbabago ba? Siguro nagfofocus lang ako sa pag-aaral ngayon dahil alam kong gagawin nila ang lahat para tugunan ang pag-aaral ko.
But things doesn't seem in a way I wanted. Lahat naman ng nangyayari may rason. Kaya may rason di siguro tong pinagdadaanan ko ngayon. Growing up is when you realize life is so hard but you have to continue.
"Sana nandito kayo Ma, Pa" bulong ko sa hangin habang nakatanaw sa malawak na kalangitan.
Isang paru-paru ang lumipad sa harapan ko. Kaagad kong itinaas ang hintuturo at pinadapo doon ang paru-paru.
"Ayy bushet" gulat na gulat kong sigaw ng mag-anyong tao ito at naupo agad sa tabi ko.
"Putangina mo talaga! Balak mo ba akong patayin sa gulat ha?" inis kong sabi sa kanya.
"Nabored ako sa apartment niyo. Si Junos naman di ko makausap. Masyadong nagsisipag kakalinis ng apartment niyo kaya pinuntahan kita dito"
"Aish manggugulo ka lang dito eh" inis kong bulong at napabunot nalang ukit ng damo sa gilid.
"Mamungkot ka ata. May bumabagabag ba sayo?" tanong niya sa akin kaya napalingon ulit ako sa kanya.
"May magulang ka ba?" tanong ko sabay pinihit ang sarili ko paharap sa kanya at nag indian sit.
"Magulang? Wala ako nun?"
"Wehhh? Ano yun, anak ka sa pinagbiyak na kawayan?" natatawa kong tanong.
"Hmmm hindi rin. Sa bulaklak ako galing eh. Hindi ko naman masasabing anak ako ni Maria Makiling dahil hindi naman niya ako niluwal. Pero siya ang lumikha at nagbigay buhay sa akin. Tinuring niya rin akong parang tunay na anak"
"Ang ganda pala ng buhay mo. Kahit papaano ay may nakagisnan kang magulang"
"Maganda? Anong maganda sa isang taong isinumpa?"
"Isinumpa? Ikaw?"
"Hahayyy. Hindi talaga ako mahilig magshare ng mga drama at talambuhay ko sa buhay pero dahil pinagsisilbihan kita. Sabihin na nating obligasyon ko na ipaalam sa iyo ang katauhan ng tagapaglingkod mo"
"Maganda ang buhay ko noon. Masaya akong nakatira kasama si Mama sa gitna ng kagubatan kasama ang mga hayop at mga halaman. Ngunit nakagawa ako ng malaking kasalanan na dahilan upang kagalitan ako ni Bathala at isumpa. Nagmakaawa pa si Mama sa akin noon para iligtas ako s sumpa ngunit wala ring nangyari"
"Anong sumpa ba?"
"Alam mo bang pangwalo na kita pinagsisilbihan? Isinumpa ako na paglingkuran ang mga Diyos at Diyosa ng Kaluwalhatian at ngayon nakatuma ako sa Diyosa ng mga Mata na kaagad din naman akong pinadala sayo"
"Hindi mo maiintindihan no? Nagsimula ang pgasisilbi ko kay Mayari, ang Diyosa ng Buwan. Sa lugar kung saan ako isinumpa ay may nakatubong halaman doon na hitik sa bulaklak. Sa tuwing natutuyot at nalalagas ang bulaklak nun. Palatandaan iyun ng nalalapit ko ng oras. At kapag naubos lahat ng bulaklak nun. Mamamatay ako, at kasabay ng pagtubo ng panibagong halaman at pamumukadakad nito ay muli kong pagkabuhay at paninilbihan na naman sa panibagong Diyos at Diyosa"
"Ang maskit lang ay tanging ala-ala nung isinilang ako hanggang sa isinumpa ako ang tangi kong naaalala sa tuwing nabubuhay ulit ako. Kaya hindi ko alam kung nung sa mga nagdaang buhay ko. Napapaisip nalang ako kunh sino yung mga naging kaibigan ko o sino yung minahal ko"
"At itong nangyayari sa atin ngayon? Makakalimutan ko rin ito sa oras na maubos ang bulaklak ng halamang iyun at ipapanganak ulit ako para sa ibang Diyos na paglilingkuran ko"
Hindi ko alam ang marardaman ko. Alam kong naging mahirap ang buhay ko ngunit hindi ko akalaing may masasaklap pa lang nangyayari sa iba kaysa sa akin.
Totoo ngang iba-iba tayo ng buhay na pinagdadaanan at mga problemang kinakaharap. Kaya wala tayong karapatang manghusga dahil hindi natin alam ang pinagdaraanan ng bawat isa.
Malungkot ko lang na tinapik ang balikat ni Talas at hinimas iyun para pagaanin ang loob niya.
"Hayyy kaya ayokong kinukwento ang buhay ko eh. Ayokong kaawaan ako" sabay tayo nito.
"May klase ka pa. Tumayo kana diyan"
"Ayoko. Wala akong gana. Wala na akong pera. Pwede bang manghingi ng allowance kay Mama. Sabihin mo padalhan niya ako ng ginto. Hirap na hirap na anak niya dito oh"
"At sa tingin mo may trabaho ang mama mo dun sa Santinakpan. Na sumusweldo siya?"
"Eh Diyosa naman siya eh. Sabihin mo magicin niya yung mga bato dun tas gawing ginto"
"Labag iyun sa batas sa Santinakpan. Tsaka magtrabaho ka nga. Huwag kang umasa sa iba"
"Wow coming from you pa talaga na binubuhay ko at pinapalamon tas wala namang ambag sa gastusin"
"Eh natural lang yun. Pinagsisilbihan kita eh kaya kailangan mong pangalagaan ang tagapagsilbi mo"
"Tagapagsilbi. Pinakain mo ba ako, pinaliguan, pinayungan, gumawa ng gawaing bahay para sa akin. Puro ka nga lang pangugulo eh"
Napatigil ako sa pagsasalita nang may lumapit sa aking mga babae na sa tingin ko ay Vet students dahil sa uniporme nila.
"Good morning po Kuya. Baka may pusa po kayo at gusto niyo pong isali sa The Most Prettiest Cat Contest po namin. 5,000 cash po ang prize aa winner"
"Talaga ba?"
Manghang mangha ko namang kinuha ang flyer na ibinigay nila. Tumataginting na 5k nga ang prize. Shit tiba tiba ako nito pag nagkataon.
"Sa tingin ko may alam na ako kung paano ka makakaambag sa akin" sabay ngiti ko kay Talas ng nakakaloko.
𓁹𓁹𓁹
"Haaaah? Ayoko! Never" reklamo niya habang sapilitan ko siyang hinihila papunta sa department ng mga vet students.
"Wala kang magagawa kundi sundin ako. Tungkulin mong sundin lahat ng gusto ko dahil ako ang Panginoon mo" banta ko sa kanya sa seryosong mukha at ngumisi din agad.
"Power tripping natong ginagawa mo ehhh. Asan ang hustisya. Ayokong bihisan moko ng kung anu ano no" patuloy na reklamo ni Talas.
Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyabte dahil para siyang bata na pinipilit ng magulang na magpatuli.
"Sige na Talas. Malaki ang mapapanalunan natin dito. Tsaka mag aanyong pusa ka naman."
"Ayoko pa rin. Nakakababa iyun ng dignidad ko." sabay ngiwi nito nang makita ang mga litrato ng mga pusa sa flyer na may mga kolorete at kung ano anong kinakabit sa katawan nila. Nagsusuot pa ang mga ito ng palda.
"Ito. Kapag nanalo tayo. Bibilhan kita ng maraming honey comb?"
"H-Honey comb" napatigil naman ito at tila nagliwanag ang mukha sa narinig.
"Alam kong paborito mo yun. Diba matagal ka nang hindi nakakakain nun?"
Napakamot naman ito ng ulo saka umiwas ng tingin at humakukipkip.
"Hindi mo ako madadala diyan kahit pa pilitin moko. Never. Hindi matitibag ang desisyon at dignidad ko sa honeycomb na iyan" sabay busangot nito.
Ngunit natagpuan nalang namin ang sarili na palabas na ng vet department karga karga siya na puno ng kolorete ang mukha at nakahello kitty palda at headband pa.
"Nice" bulong ko habang dala dala ang 5k sa loob ng sobre at kaagad na umalis doon.
"Ahhhh huling beses ko na itong gagawin. Masyado mong inaabuso ang dignidad ko Panginoon" naiiyak namang reklamo ni Talas haban palabas ito ng CR at nakapagbihis na.
Nasa ulo parin nito ang headband na isnuot nung pusa pa sya at hindi parin natatanggal ang ilang kolorete sa mukha niya kahit halatang naghilamos na siya.
"OA nito. Tara na bibili na tayo nung pinangako ko sayo" sabay akbay ko sa kanya at naglakad na kami palabas ng gate.
"Shit nangangati na mukha ko sa mga pinaglalagay mo sa mukha ko" reklamo ni Talas sa gilid ko habang kinakamot ang pisnge niya.
"Ang cute mo dito Talas oh. Para kang natatae"natatawa kong pakita ng litrato niya kanina sa contest na kinuha ko gamit ang cellphone ko.
"Ano ba yan. Idelete mo nga yan" reklamo niya at sinubukang agawin ang cellphone ko ngunit mas itinaas ko lang iyun at tumingkayad pa.
"Edi kunin mo" asar ko sa kanya.
"Kaasar naman!" inis niyang sabi at tinalunan ang hawak kong cellphone pero hindi niya parin magawang kunin iyun.
Mapang-asar ko lang siya na nginitian at halata naman ang pagkaasar nito sa mukha. Nang subukan ulit niyang kunin ang cellphone ko ay hindi sinasadyang nagkalapit ang mga mukha namin.
Napatanga ako nang patakan niya ng munting halik ang ilong ko kaya naman matagumpay niyang nakuha ang cellphone na hawak ko.
Tuwang tuwa itong tumakbo palayo. Habang hawak hawak ang cellphone at inaasar ako.
"Gago yun ah." kibit balikat kong sabi at hinabol na rin siya ng takbo.
"Si Caleb ba yun?" nagtatakang tanong ni Talas habang punong puno ang bibig nito ng honey comb na binili namin.
Kakalabas palang namin ng store at nakakaisang eskinita palang kami nang makita niya si Caleb.
"Sino yang kausap niya?"
Nasa may gilid sila ngayon ng van na nakapark sa isang eskinita. Kakawayan ko sana si Caleb nang makita ko kung sino ang kausap niya.
"Si Mayor? Akala ko pinalayas na siya sa kanila?" takang tanong ko.
Tila seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari.
Isang usok ang lumabas sa paligid nila at kaagad silang nilamon ng mga iyun at kaagad na nawala
"Caleb!" gulat na gulat kong sigaw.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro