Chapter 7 | Talas, The Gabay Mata
VION
ᜋᜒᜆᜓᜎᜓᜑᜒᜌ ᜐᜒᜇᜒᜁᜐ᜔
NILILIPAD ng hangin ang buhok ko habang nakatanaw lang ang tingin ko sa labas. Pauwi na ako ngayon sakay ang bus. Karga karga ko sa aking hita ang arnis ni papa na binalutan ko ng itim na tela.
Napagpasyahan kong dalhin ito dahil nais kong tuparin ang sinabi ni mama sa akin. Kung ito na talaga ang kapalaran ko, tatanggapin ko ito ng buong tapang at dangal.
Kaya naman sinama ko si Talas sa pag-uwi ko or should I say, wala talaga akong choice. Una, hindi pa ako bihasa sa mga ito kaya nakasalalay kay Talas ang mga gagawin ko. Pangalawa, mapilit ang gago. Pangatlo, ang pangit niya.
Napatingin ako sa puting pusang nasa gilid ko. Prente lang ito na nakahiga at mahimbing ang tulog. Ang swerte ng gago, sarap tadyakan. Nag-okupa pa talaga ng isang upuan. Buti nalang wala pa akong katabi.
"Hmmm kung ihagis kaya kita sa labas ng bintana. May magagawa kaya yang kapangyarihan mo?" tanong ko rito at at hinarap pa ito.
"Pucha!" Gulat akong napaatras nang biglang mag-anyong tao ito. De kwarto siyang umupo sa upuan habang inuunan pa ang dalawang kamay.
"Kapag ba ginawa kitang palaka. May magagawa rin yang mata mo?" tanong niya rin niya sa akin at biglang ngumiti na ikinawala ng mga mata niya.
Kinuha ko ang pares ng arnis na nakapatong sa hita ko at hinampas sa balikat niya.
"Di ka talaga nag-iingat. Paano pag may makakitang iba sayo" inis kong sabi sa kaniya at sinamaan ng tingin.
"Eh nagugutom ako. Wala ka bang pagkain diyan?" reklamo niya sabay himas sa kaniyang tiyan at nakangusong tumingin sa akin.
"Wala! Kaya bumalik kana sa pagiging pusa mo. Baka makita ka pa ng konduktor at singilin ka. Ikaw talaga ibabayad ko" pairap kong sagot at di na siya nilingon.
Ako lang yung masstress pag nakikita ko pagmumukha niya. Jusmeyo! Pinadalhan pa talaga ako ng palamunin ni mama.
"Mahabaging Diyosa ng mga Mata. Bakit mo pa ako pinadala sa anak mong napakaramot sa kaniyamg tagabantay. Hayaan ko na kaya itong madakip ng mga kaaway mo" histirekal niyang bulong at bumalik na sa pagiging pusa.
Kinuha ko kaagad iyung pagkakataon pulutin siya at siniksik ng lagay sa loob ng bag ko saka sinirado ang zipper.
"Ayan! Wala nang istorbo" nakahinga kong sabi sabay sandal sa upuan ko at uminom ng mineral water.
"Mali ka!"
Halos maibuga ko na ang iniinom ko nang biglang may nagsalita sa gilid ko at bumungad sa akin si Talas na malawak ang ngisi habang nakahalukipkip.
"Paanong-----"
"Simple lang. Nag-anyong langgam ako at gumapang palabas ng napakabaho mong sisidlan" nakangising sagot niya na tila bilib na bilib pa sa ginawa.
"Nakalimutan mo atang hindi lang ikaw ang may dugo ng Diyos dito Panginoon. Anak ako ni Magwayen, Diyosa ng lumilipad na hayop. Kaya kong mag-anyong hayop at insekto kung anong nanaisin ko. Diba nakakabilib-ahhhhhh" sigaw nito ng mag anyong paru-paru siya kaya kaagad ko siyang dinampot at tinapon sa labas ng bintana ng bus.
"Kung Diyos ka nga. Make yourself survive" pinaikot ko lang ang mata ko saka sinuot ang headphone sa leeg ko saka umidlip na ng tulog.
Tanghali na ng makarating ang bus na sinasakyan ko sa terminl. Kaagad akong bumaba dala-dala ang bag ko at mga bayong na may mga lamang pinadala ni lola at Agnes.
Nagulat nalang ako nang biglang may tumakip sa bibig ko saka kinaladkad ako patungo sa likod ng bus.
Bumungad sa akin ang pinagpapawisan at hinihingal na mukha ni Talas na masamang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang pagdapo ng hininga nito sa mukha ko habang takip takip pa rin ang bibig ko.
"Sa tingin mo ba nakakatuwa yung ginawa mo. Dalawang oras akong lumipad patungo rito. Muntik pa akong mabangga ng isang nilalang na kagaya ng sinasakyan mo." galit niyang sabi.
Padarag ko namang tinanggal ang kamay niya sa bibig ko saka napadura sa diri.
"Tangina bat ganyan amoy ng kamay mo" nasusuka kong sabi.
"Muntik na nga akong mabangga diba nung nag anyong ibon ako kaya mabilis akong nagpalit anyo na aso saka dumapo yung kamay ko sa tae dun sa may kalsada"
Napakunot din ang mukha niya ng amoyin ang sarili niyang kamay.
"Putangina tapos pinangtakip mo sa bibig kong kadiri ka. Piste" inis kong sabi sabay hampas sa kaniya ng dala kong bag.
Hindi ko naman siguro natikman yun no? Pero nabuka ko yung bibig ko dahil sa pagsigaw ko. What if may pumasok sa bibig ko. Tangina! Tangina talaga.
"Kailangan kong linisin ang kamay ko. Samahan moko"
"Wag. Wag! Sisiguraduhin kong wala ka ng kamay pag hahawakan mo ako"
Tinaas ko ang kamay ko at pilit na iniiwas ang sarili ko sa kamay niyang amoy tae.
Napahinto naman siya sa akmang paghawak sa braso ko at mabilis iyung itinago sa likuran niya at nag-iwas ng tingin.
"Pag nakarating na tayo sa inyo. Kailangan na natin simulan ang pagsasanay mo."
"Alam ko pero sa ngayon kailangan no na talagang maghugas ng kamay. Ambantot mo pweee"
Mabuti nalang at may nahanap kaming cr. Dali dali agad akong pumasok at binuksan ang gripo saka naghilamos ng mukha. Nagmomog narin ako kasi tangina baka may nakain nga ako sa taeng iyun kadiri.
"Kahanga-hanga. Alagad ba ito ni Magwayen, ang Diyosa ng Karagatan? Ibang klase ang kapangyarihan niya ng tubig"
"Abnoy. Gripo lang yan anong Magwayen. Maghugas ka na nga baho mo na" batok ko sa kaniya at nagpatuloy sa paghilamos.
Bakas parin ang pagkamangha niya sa gripo habang nagsimula na itong hugasan ang kamay.
Matapos niyang maghugas ng kamay ay nagbayad na ako agad dun sa nagbabantay. Nakanguso ko lang na sinukbit ang bag ko habang palabas ng cr at si Talas naman ang pinadala ko sa mga bayong.
"Nakakahanga naman ang lugar na ito. Walang ganito sa Santinakpan" nakangiting wika niya at lumanghap pa ng hangin.
"Ngunit hindi kaaya-aya ang hangin niyo dito" nakangiwi niyang dagdag.
Hindi ko na siya pinansin at kaagad na pumunta sa paradahan ng tricycle. Gusto ko nang makauwi at humilata sa kama sa sobrang pagod.
Buong biyahe ako yung namomroblema kay Talas. Kulang nalang ihulog sya ng driver sa sobrang kulit nito kakatanong. Doon kasi sya umupo sa likuran ng driver.
Sarap talaga ihulog tas pasagasaan ng sasakyan. Yung driver nahahalata ko nang naiinis narin dito sa kaniya.
"Templo ba yan ng Diyos. Napakalaki. Hindi ko akalaing nasa mundo ng mortal pala ang Kaluwalhatian" turo nito sa isang mall.
"Iho! Sinundo mo ba to sa mental at kakalabas lang?" bulong ng driver sa akin.
"Nakarugby lang yan boss. Pagpasensyahan niyo na" ngiting sagot ko rito at inirapan si Talas.
"Ang estatwa ni Apolaki" gulat niyang sabi nang mapadaan kami sa Luneta Park.
Napatampal nalang ako ng noo. Buti nalang at sa wakas nakarating narin kami sa apartment. Kung hindi, baka tuluyan narin akong mabaliw sa lalaking ito.
"Talas. Ipapaalala ko lang sayo. Tatlo kaming nakatira diyan at hindi nila pwedeng malaman na nakikitira ka. Lagot tayo sa landlady. Kaya mag anyong hayop ka nalang kung anong gusto mo pag nandyan sila. Maliwanag?"
Tumango tango lang ito at ang tingin ay sa mga lights na nakasabit sa bintana ng kwarto ni Caleb.
"Ang mga bituin ni Tala. Paano sila nakababa mula sa kalangitan" mangha nitong sabi.
Napabuntong hininga nalang ako at iniwan siya. Ayoko na! Suko na ako. Bwesit pala to eh
𓁹𓁹𓁹
"Ang tawag diyan banyo, liguan, diyan ka iihi at tatae. Ito naman ang kwarto namin. Dito kami matutulog. Hindi ito templo okay? Apartment to. A-part-ment" paliwanag ko sa kaniya.
"Maliligo lang ako kaya behave kalang dyan" tinutok ko ang dalawa kong daliri sa mata ko papunta sa kaniya para bantaan sya.
Sinukbit ko ang tuwalya sa balikat ko saka pumasok na ng banyo para maligo.
Di rin ako nagtagal sa takot na baka manggulo na naman yun sa apartment. Lintek talaga pwet nun kay Caleb pag nagkataon.
Tamang hilod nalang ginawa ko tsaka pinagsabay ko narin ang shampoo saka sabon sa katawan.
Pagkatapos nun nilabhan ko muna ng mabilisan ang boxer ko saka sinampay at lumabas na ng banyo.
"Huwagggggg" gulat na gulat kong sigaw nang maabutan ko si Talas na sinubulang hawakan ang lego ni Caleb na nakatungtong sa aparador.
Isang maling tabig niya lang dun at guguho agad ang isang buwang pinaghirapan ni Caleb sa pag aassemble.
Sa sobrang kaba ko ay nahila ko sya paalis dun. Hindi ko alam paanong napahiga ako sa kama habang siya naman ay napaibabaw sa akin.
Nanlalaki ang mata ko nang mapayakap sya sa hubad kong katawan. At sakto ring kakapasok lang ni Josiah sa kwarto.
"Putangina bold" sigaw nito at nagtakip ng mata.
Mabilis kong tinabig paalis si Talas sa ibabaw ko. Nakuha siguro niya ang pangyayari kaya nag-anyong pusa agad siya.
Mabilis ko siyang kinuha at pinatong sa tiyan ko, kunwari na nilaro.
Swerte mong ogag ka nakatapak ka sa abs.
"Sino yun? Sino yun Vion. Kaya pala wala kang girlfriend. Lalaki pala ang trip mo?" gulat na sigaw nito sa labas
"Caleb lika dito. Nagbakasyon lang tong si Vion tas pag-uwi may kayakapan ng lalaki"
Bumungad sa akin ang naiinis na mukha ni Caleb habang hila hila siya ni Josiah papasok sa kwarto.
"Ayan oh--- Teka! San na yun. Yung lalaki mo?" nagtataka niyang tanong at pumasok pa ng banyo para hanapin ito.
"Tinago mo sya no? Vion kung bading ka tatanggapin ka naman namin eh"
Dumapa pa siya ng sahig para silipin kung may tao ba sa ilalim ng kama.
"Pusa yung kayakap ko kanina Josiah. Anong lalaki? Tingnan mo oh. Apakacute ni Eat" sabay pisil ko sa pisnge nito.
Ngumiyaw pa sya kala mo naman cute talaga. Sarap itapon sa labas ng bintana. Binaliktad na tae lang naman pinangalan ko sa kaniya kasi dugyot sya.
"Ano ba Josiah. Hang over lang yan. Sige inom pa" inis na sabi ni Caleb at kamot ulong lumabas ng kwarto.
"Hindi talaga ako namamalik mata eh"
"Alam mo, itulog mo nalang yan pero sa ngayon lumabas ka muna dahil magbibihis ako" giit ko at pilit syang tinutulak palabas.
"Aha! Dati naman okay lang sayo magbihis sa harapan ko ngayon hindi na. May tinatago ka talaga. Yung lalaki mo no?"
"Bwesit. Okay sige. Ito tignan mo tong tite ko habang nagsusuot ako ng boxer"
Akmang aalisin ko na ang tapis na tuwalya sa beywang ko nang pinigilan niya kaagad ang kamay ko.
"Oo na puta kadiri ka" ngiwi niyang sabi at lumabas na ng kwarto.
𓁹𓁹𓁹
"Okay? So anong ginagawa natin dito sa rooftop?" naweweirduhan kong tanong kay Talas.
May kung anong puting tela ang tinatali niya sa kaniyang kamay. Parehong tinatangay ang buhok namin dahil sa malakas na hangin. Gabi na ngayon kaya litaw na litaw ang buwan sa kalangitan.
"Sisimulan na natin ang ating pagsasanay. Ngayon mismo" prenteng sagot lang niya habang nasa saka mahigpit na hinila ang tali sa kamay niya para magsira.
"Ngayong tuluyan nang nagmulat ang iyong mga mata. Alam kong sa mga oras na ito hinahanap kana nila o ang mas masaklap baka dudukutin na nila yang mata mo kaya naman nais kong makipaglaban ka sa kanila"
"Ngayon mismo?" nanlalaki ang mata kong tanong sa kaniya dahil sa gulat.
"Ora mismo" tumatangong sagot niya.
"Hoy gago ka ba? Wala naman sigurong shabu sa Encantadia----"
"Santinakpan" nanliliit ang mata niyang tinama ang sinabi ko.
"I mean yun na nga wala naman sigurong shabu sa Santinakpan para maging high ka. Hindi ko pa alam papaano ipalabas ang kapanyarihan ko tapos isasalang mo ko sa labanan. Diba ang usapan natin tuturuan mo pa ako sa mga basics"
"Minsan kasi Panginoon, nailalabas natin ang ating buong kakayanan kapag nasa bingit tayo ng kamatayan. Natutukoy ng kapangyarihan mo kung kailan ka nito kailangang protektahan"
"Tangina mo mag-isa kang magpakamatay. Ulol" inis kong sabi.
Tatalikod na sana ako nang biglang may tila hanging pumalibot sa katawan ko dahilan para hindi ako makagalaw.
At si Talas ang may kagagawan nun. Nakangisi niya akong hinila gamit ang isang tila hangin na lubid papalapit sa kaniya.
"Sa bawat laban, malalaman mo ang iyong mga kahinaan at magiging malinaw sa iyo kung saang aspeto ka dapat magpapalakas. Kaya wag nang matigas ang ulo Panginoon. Hindi ako pinadala ng Diyosang Dalikmata dito para maglaro"
Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin. Ngumisi siya na tila tuwang tuwa sa naging reaksyon ko saka ginulo ang buhok ko. Kaagad namang nawala yung lubid na hangin kaya mabilis akong nakawala agad.
"Boshet!" mura ko nang bigla nitong ihagis sa akin ang arnis ni papa.
Buti nalang nasalo ko.
"Dahan dahan naman. Itulak kita diyan eh" inis kong sabi
"Kaya kong mag anyong ibon kung ganun. Ikaw ba? Pag ginawa ko ba yun may magagawa yang mata mo?"
Kaagad kong winasiwas ang arnis ko at lumapit sa kaniya.
"Try mo kaya" maangas kong sabi.
"Opsss. Paumanhin!" nakangiting sabi niyaat natagpuan ko nalang sarili kong nahuhulog mula sa rooftop pagkataps niya akong itulak.
"Putanginaaaaaa" malakas kong sigaw.
Ramdam kong malakas na paghampas ng hangin sa mukha ko. Tangina talaga! Pag ako nabuhay dito, ipapasipao na talaga kitang pusa ko.
Nagpapanic na ang isip ko sa mangyayari. Anong gagawin ko. Hindi ko kayang lumipad o mag-anyong ibon man lang. Bwesit na pusang iyun. Sana tiniris ko nalang sya nung naging langgam siya kanina sa bahay.
Paano ba ito????
Nakita kong nagpahulog din si Talas sa tabi ko at natatawa ako nitong inasar. Leche! May oras din sakin tong tarantadong ito sa akin
Pinikit ko ang mga mata ko at inalala kong paano ko ba nagawang paganahin ang kapangyarihan ko. Lumalabas daw iyun sa bingit ng kamatayan? Eh tangina, saka na ba yun lalabas pag wasak na katawan ko at pinaglalamayan.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Kailangan ko lang sigurong damhin ang enerhiya sa mata ko. Yun yung nakikita ko sa anime eh, bakit ba!
At nang imulat ko ang mata ko, tumingin ako kay Talas na nag-anyong ibon. Napangisi ako nang makitang nagliwanag ang mga mata nito.
"Huli ka balbon"
Mabilis kong hinawakan ang katawan niya.
"Maging liyon ka!" utos ko dito
Sa isang iglap nga ay nag-anyong liyon siya. Sapat na ang laki nun para masakyan ko siya sa likuran at nang malapit na kami sa semento, gamit ang kuko niya ay pinakapit ko siya sa tubo na nakakabit sa pader ng building.
Napantig ang tenga ko dahil sa ingay na ginawa nang kuko niya sa bakal. Mabilis ko siyang pinatalon sa isang bubong pa hanggang sa makatapak na ang mga paa niya sa lupa.
Hinihingal na bumalik sa pagiging tao si Talas at napahiga sa lupa habang hinahabol ang kaniyang hininga.
"Napahanga mo ako dun ah. Magaling" saad nito sa pagitan ng paghahabol niya ng hininga.
Napasandal lang ako sa pader at hinihingal rin. Malakas pa rin ang tibok ng puso ko at hindi pa napoproseso sa ulo ko ang mga nangyari.
Ganun nalang ang gulat ko nang tila may malakas na hangin na dumaan sa amin. Hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili naming napapalibutan ng mga nilalang na tikbalang.
"Inaasahan ko na talaga to"
Tumayo si Talas at kinuyom ang kamao para ihanda ang sarili, ngunit mabilis itong napaluhod na tila nanghihina ang kaniyang katawan.
"Nagamit ko ng lubos ang kapangyarihan ko. Kanina pa pala ako hindi nakakainom ng pulot ng bulaklak" bulong nito at kaagad na hinimatay.
"Potanginamo gumising ka! Ikaw ang may ideyang makipaglaban tapos tutulugan mo lang ako? Bwesit" inis kong sabi at hinanda ang arnis ko kung sakaling aatake sila.
"Kayo na namang mga kabayo kayo!" inis kong sigaw at naramdaman ko ulit ang pag-init ng mata ko.
Kaagad na nagliwanag ang mata ng isa ngunit hindi ang sa iba. Mukhang hindi pa ata kaya ng kapasidad ng mata ko na kumontrol ng maramahan.
"Tulungan mokong patumbahin tong mga kasama mo" utos ko dito.
Mabilis kong inatake ng arnis ang isa. Sunod-sunod kong winasiwas ang arnis ko dito ngunit hindi talaga kaya iyun sa bilis niya at isa pa ay marami sila.
Kahit anong hand combat, suntok at tadyak ang ginagawa ko, wala parin iyyng kwenta sa liksi ng mga kilos nila
Napalingon ako ng kargahin ng isang tikbalang si Talas. And it was a wrong move dahil may pumalo sa batok ko na ikinatumba ko.
"Siya na ata ang may taglay na banal na mata" rinig kong bulong ng isa.
Naramdaman ko ang pagkarga nito sa akin sa balilat nito at ang mabilis nitong pagtakbo bago ako mawalan mg ulirat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro