Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5 | Truth Unvieled

VION
ᜋᜒᜆᜓᜎᜓᜑᜒᜌ ᜐᜒᜇᜒᜁᜐ᜔

DIYOS at Diyosa. Sila ang mga nilalang sa ibabaw ng herarkeya ng kapangyarihan. Nagtataglay ng kakaibang kakayahan na sinasamba ng mga tao noon. Mga anito kung ituring.

Sa modernong panahon ngayon. Tinuturing silang isang mitolohiya. Isang kwento. Alamat na napakaimposibleng magkatotoo. Mahirap paniwalaan na umiiral sila sa mundong ito.

Ngunit iilan na ba ang nakasalamuha ko na kakaiba sa mga tao. Si Liber na may kapangyarihan ng araw. Ang babaeng nakapiring na may kapangyarihan ng hangin at kidlat. Kung hindi totoo ang mga Diyos at Diyosa...

Anong tawag sa kanila? Anong tawag sa akin?

Hindi ko alam kung ilang oras na kami dito sa presento. Simula nung magkamalay ang lahat ay dinala kami ng driver dito. Binigyan nila kami ng kumot at makakain. Patuloy parin na umiiyak ang iba habang may mga bata namang nanginginig pa sa takot.

Nakayuko lang ako sa may gilid. Hindi ko pa ginagalaw ang binigay nilang cup noodles. Dinarama ko lang ang init nito at ang singaw ay pinapatama ko sa mukha ko.

Iniimbestigahan pa daw ng pulisya ang nangyari. Nakuha narin nila ang bangkay nung kundoktor.

Hindi parin makapaniwala ang mga ito na aswang ang umatake sa amin. Ngunit saksi ang lahat, lahat nagtestimonya na totoo ang nangyari.

Ngunit kahit pagbaliktarin ko pa ang mundo, may mga aswang! At muntik na silang mapahamak kung hindi lang dahil sa kakaibang kapangyarihang meron ako at sa babaeng nakapiring.

"Iho bakit hindi mo pa ginagalaw iyang pagkain mo?" tanong nung lolang katabi ko sa bus kanina.

Napaangat ako ng tingin dito.

"Hindi po ako nagugutom nay. Sa inyu nalang po" alok ko at inabot sa kaniya ang cup noodles.

Nakangiti naman itong tumanggi at umupo sa tabi ko. Ramdam ko ang pagpakawala niya nang malalim na hininga.

"Sa iyu na yan. Alam kong nagugutom. Dala lang siguro ng gulat kaya hindi ka nakakaramdam ng gutom" giit nito.

Napatingin ako sa kaniya at nakita ko siyang napabuntong hininga ulit.

"Sa daming kwento nang narinig ko, sa daming karanasan na nagpasalin salin sa mga dila ng tao. Alam kong totoo sila. Alam kong nabubuhay sila kasama natin. Ang hindi ko lang imaasahan ay ang pag-atake nila sa mga tao. Kilala sila bilang mapaglinlang, umaatake lang kapag may dumadaang tao sa dilim kung saan sila nagkukubli."

"Lumalabas sila pag tahimik na ang gabi at tulog na ang mga tao. Umaakyat sila sa bubong, nagwawangis  pusa, kumakain ng sanggol mula sa ilalim ng papag. Kaya napapatanomg ako kung bakit? Bakit umaatake sila kahit maraming tao. Siguro may dahilan sila, siguro may mas malagim na rason. Kaya dapat maghamda ang mga tao dahil natitiyak kong mababalot sa lagim ang mundo kapag nagsilabasan na silang lahat sa dilim na tinataguan nila ng mahabang panahon."

Nakatingin lang ako sa kaniya. Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko

"Ikaw ang pag-asa ng sangkatauhan. Kayong mga gaya mo. Alam kong naguguluhan ka pa at natural lang iyun. Ngunit sana yakapin mo ang tunay na ikaw dahil malaki amg responsibilidad ang gagapanan mo sa mundo. Simula nang magmulat ang iyung mga mapagpalang mata. Nakamasid narin sa iyo ang mga mata nila"

Nagulat ako sa sinabi niya. Sinubukan kong magtanong ngunit tila naparalisa ang bibig ko. Walang salita ko boses ang lumalabas kahit subukan ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin ako sa bintana. Isang kapre ang nakita ko. Paanong hindi nila ito napansin. Ganun nalang ang gulat ko nang mawala lagat ng tao sa paligid ko at ako nalang ang natira.

Napatingin ulit ako sa kapre at nakatitig lang sa akin ang mapupula nitong mata.

Sa pinto naman ay isang tikblang, sa mesa ay may nakatayong duwende na katitig rin sa akin at sa ilalim ng mesa ay isang tiyanak na gumagapang at nakatingin sa akin.

Mga lamang lupa. Mga elemento ng kadiliman.

Napaatras ako nang magsimula nang lumapit ang mga ito sa akin. Napakadami nila kaya wala akong magawa kunfdi sumiksik sa gilid. Nakatutok sa akin lahat ang mapupula nilang mata. At nang mapalibutan na nila ako ay saka ako hinihingal na napagising.

Napatingin ako sa paligid. Normal lang ang lahat. Walang kapre sa bintana, walang tikbalang sa pinto at walang mga tiyanak o duwende sa mesa.

"Apo!" naiiyak na sabi ni Lola nang pumasok siya.

Mabilis akong tumayo at lumapit sa kaniya. Sinalubong ko siya ng yakap. Niyakap niya rin ako pabalik at hinaplos ang buhok ko.

"Hindi ka ba nasaktan? May masakit ba sayo?" nag-aalala at naiiyak na nitong tanong.

"Wala naman lola. Maayus lang ako. Gusto ko nang umuwi" giit ko sa kaniya.

Sakay namin ang tricycle na pagmamay-ari ng kapitbahay ni lola. Nang makarating na kami ay kaagad kaming pinagbuksan ng pinsan ko na kasa-kasama ni lola para magbantah.

"Napanood ko sa balita sa TV yung pag-atake kuno daw ng mga aswang sa bus. Mabuti nalang at maayus ang lagay mo" wika ni Agnes habang naglalapag ng umuusok ma sikwate sa mesa.

"Nangilabot talaga ako nang mapanood iyun. Alam ko namang totoo sila pero ang malaman na umaatake sila kahit maraming tao yung nakakaalarma"

"Nakita mo ba ang itsura nila? Nakakatakot ba?" sunod sunod na tanong ni Agnes sa akin.

"Agnes! Ano ka ba! Hindi pa nakakarekober si Vion sa nangyari. Hayaan mo munamg pagpahingain ang isip ng pinsan mo" suway ni Lola sa kaniya.

"Ay ganun ba. Sige ihahanda ko nalang ang kwarto mo Vion. Magcheka ka sakin bukas ah.

Nang makaalis na ito ay nabalot ng katahimikan ang buong kusina. Hinayaan lang din naman ako ni lola. Tahimik lang ito sa gilid at paminsan-minsan ay naririnig ko ang pagpapakawala niya ng buntong hininga.

"Lola! May itatanong sana ako. Sana sagutin niyo po ng totoo?" tanong ko sa kaniya.

Napatigil naman sa pagsimsim ng sikwate si Lola at tumingin sa akin.

"Ano ba ang itatanong mo?"

"Lola! Sino ba ako? Ano ba talaga ako?" tanong ko sa kaniya habang nakatitig lang sa tasang nasa harapan ko.

"Apo kita Vion. Ano bang ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni lola sa akin.

"Nung mga nakaraang araw palagi akong nakakaranas ng kakaiba. Nakakagawa ako ng mga gawaing imposible namang magawa nang ordinaryong tao. Akala ko nung una ay nagguguni-guni lang ako pero nang makaengkwentro ko na ang mga aswang kanina. Natuklasan kong kakaiba ako, na may kapangyarihan ang mga mata ko. May alam ka ba tungkol sa buo kong pagkatao La? Totoo ba yung pag-ilaw ng mata ko? Naguguluhan na ako"

"Vion baka dahil lang iyan sa takot mo kanina, magpahinga ka nalang muna" udyok niya.

"Lola! Hindi niyo po sinasagot eh. Alam kong may alam ka."

𓁹𓁹𓁹

Napatingin ako kay Lola nang lumabas ito ng kwarto niya. Kaagad niyang sinirado ang pinto ng kusina saka malalim na napabuntong-hininga.

May nilapag siyang litrato ng isang babae sa ibabaw ng lamesa. Isang babae na may kargang sanggol at sa gilid naman nito ay si papa.

Napaangat ang tingin ko kay Lola.

"Gusto kong mamuhay ka ng ordinaryo apo. Malayo sa gulo ng tahanan ng iyung ina. Ngunit tunay ngang nananalatay sa iyu ang kaniyang dugo. Ang dugo ng pagiging imortal kaya kahit anong pilit kong kubli sa tunay mong pagkatao, ang katauhan mo na mismo ang nagbubunyag sa iyo ng totoo"

"Lola di po kita maintindihan?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ka ordinaryo Vion. Anak ka ng isang Diyosa ng mga engkanto. Anak ka ni Dalikmata Vion. Pasensya na kung tinago ko sayo ang katotohanan. Pero yun lang ang dahilan ko para protektahan ka."

Naguguluhan akong napayuko kahit na may ideya na ako. Kahit alam ko na ang posibilidad. Napakahirap lang kasing paniwalaan. Sa TV ko lang yung napapanood.

"Dalawampung taon na ang nakakalipas. Mahilig sa pangangaso ng baboy ramo si Reynaldo, ang ama mo. Sinisira kasi ng mga baboy ramo ang taniman namin ng kamote kaya napagpasyahan niyang tugisin ito. Nag-aalala kami dahil tatlong araw nang hindi siya nakabalik. Balita ng mga nakakita ay baka naengkanto daw sa gubat.

"Sa awa nang Diyos ay nakabalik siya ngunit may dala siyang magandang babae, ang ina mo Vion. Naguguluhan pa ako noong una ngunit dahil sa saya na nakabalik soyang ligtas ay hindi na ako nagtanong. Mabait si Hiraya, mapag-alaga, magalang kaya kalaunan ay nakuha niya rin ang loob namin ng lolo mo. Nung pinagbubuntis kana niya. Doon inamin sa amin ng ina mo na hindi siya ordinaryo."

"Kaagad kaming naniwala nang pakitaan niya kami ng kapangyarihan niya. Sinabi niyang siya si Dalikmata, ang Diyosa ng mga Mata sa mundo nila. Noong ipinanganak ka, masaya ang ina mo na wala kang marka ng Diyos, na mortal ka."

"May nilakad kami ng lolo mo at nang makabalik kami. Wala nang tao sa bahay ninyo. Patay na naming naabutan si Reynaldo. Ikaw naman ay natagpuan ng mga kapitbahay sa damuhan. Ang iyung ina ay nawawala. Sabi nang nakakita may lalaki raw na sumugod kasama ng mga nilalang na aswang"

"Hinabilin sayo ng ama mo itong pares ng Kali. Palagi niyang binabanggit na kapag lumaki kana ibibigay niya sa iyo ito at tuturuan ka niyang gumamit nito. Ngunit hindi na ata yun nangyari"

Naluluha kong tinignan ang pares ng kahoy na iyun. Dinama ko ang mga nakaukit na disenyo dito gamit ang palad ko. Mga aswang? Sila ba? Sila ba ang dahilan kung bakit wala na si papa. Sila ba ang kumitil sa buhay niya?

"Si mama? Buhay pa ba siya la? May iniwan din ba siya sa akin La?" naluluha kong sabi ngunit malungkot lang na napiling si Lola.

"Wala kaming litrato niya. Wala rin siyang ihinabilin sayo. Pagkatapos nang nangyari, bigla nalang siyang naglaho."

"Huwag mo sanang kasuklaman ang ina mo Vion. Maging siya ay hindi rin ginusto na maging kakaiba ka. Tuwang tuwa pa nga si Hiraya nang isinilang ka na walang simbolo ng Diyos. Ngunit nananalatay nga talaga sayo ang dugo ng pagiging imortal"

Dahil sa mga sinabi ni Lola pinili ko munang mapag-isa. Nasa labas lang ako ng balkonahe habang dinarama ang malig na simoy ng panggabing hangin.

Madilim ang kalangitan at tanging ang bilog na buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa paligid.

Napatingin ako sa palad ko. Kahit pagbaliktarin ko pa ang mundo, hindi na ako ordinaryo. Katulad narin nila ako.

"Simula nang magmulat ang iyung mga banal na mata, nakatutok narin ang mga mata nila sa iyo"

Kaya ba palagi nalang akong nakakaengkwentro ng mga aswang? Dahil sa mata ko? Alam kong may kapangyarihan ang mga mata ko pero bakit?

Napatigil ako ng makarinig ako ng mga yabag at tinig ng kabayo. Napatingin ako sa gumagalaw na mga damo sa may labas.

Kaagad na dumapo ang tingin ko sa Kali ni papa saka pinulot iyun. Hanggang dito ba naman ay sinusundan parin nila ako?

Mabilis akong lumapit doon at tinignan. Wala naman akong nakitang kakaiba pero may kung anong dumaan na mabilis na hangin sa likuran ko kasabay ng paghuni ng isang kabayo.

Napalingon kaagad ako sa likuran ko. Hanggang sa maramdaman ko nalang na nagpaikot ikot na ako sa kinatatayuan ko dahil dun sa tila kabayo na pinapaikutan lang din ako ng takbo.

Tikbalang? Madalas ko iyung marinig kay lolo noon. May katawan ito ng tao at ulo ng kabayo. Madalas itong manglito ng manlalakbay hanggang sa mawala sila sa dinaraanan nila.

Hinanda ko lang ang Kali kung sakaling susugurin ako nito. Ngunit sa panghuli nitong ikot ay tila dinala ako nito sa gitna ng kagubatan.

Nagulat ako nang wala na ako sa taat ng bahay namin. Tangina! Pinaglalaruan talaga ako ng kabayong ito.

"Huwag mokong paglaruang kabayo ka. Gagawing kitang tapa tingnan mo" banta ko dito.

Ngunit tanging boses kabayo lang nito ang sinasagot. Pagkataps nun ay biglang nahinto ito. Ilang minuto ko rin itong hindi naramdaman hanggang sa mapadako ang tingin ko sa may puno ay nakita ko itong napatayo doon.

Mabilis kong tinakbo ang pwesto nito at kasabay ng pag-ilaw ng mata ko ay hahampasin ko sana ang ulo nito gamit ang Kali na hawak ko nang mabilis itong tumakbo.

Napanganga pa ako sa gulat. Ang bilis niya. Ilang segundo palang iyun pero nanduon na siya sa pwesto kung saan ako nakatayo kanina.

"Huwag mokong paglaruan Horsy. Hindi mo pa alam ang kaya kong gawin" banta ko dito.

Kasabay ng pagwasiwas ko sa Kali na dala ko ay mabilis ko itong sinugod ng takbo. Bago pa man nito magamit ang kaniyang bilis ay napahinto na agad ito.

Napangisi ako ng umilaw ang mga mata nito tanda na nasa ilalim na siya ng hipnotismo ko.

"Wala akong panahon makipaglaro sa iyo kaya tapusin na natin to. Nagfefeeling main character lang ako dun sa labas ng bahay pero umepal ka pa" saad ko dito.

Bago pa ma lumapat dito ang Kali ko ay kaagad akong tumalsik dahil sa isang maliwanag na enerhiya.

Kaagad na tumama ang likuran ko sa may puno at napaungol ako dahil sa sakit na dinulot nun sa likuran ko.

"Pucha arayyy!" reklamo ko at napasapo sa tiyan ko

Isang tila bilog na liwanag ang lumabas sa higanteng puno kung saan nakatayo ang tikbalang. Isang anino ng lalaki ang nakita kong biglang lumitaw. Dahan dahan itong lumapit sa akin kaya doon ko nakita ng maayus ang mukha niya.

Puting puti ang kaniyang buhok, maamo ang mukha at may mapupungay na asul na mata. Nakahubo baro lang siya na dumepina sa malaman niyang katawan. Tanging pambaba lang ang suot niya na tila yari sa malbot na puting tela.

"Matyag. Bumalik ka na sa mundo natin. Salamat at nahanap mo siya" giit nung lalaki kasabay nun ay ang pagyuko ng tikbalang dito at pumasok na.

"Buhay ka pa pala? Ang buong akala ko ay mawawalan ka ng malay. Isa iyun sa pinakamalakas kong kapangyarihan" umiiling na sabi nito.

"Hindi ko akalain na ganito katatag ang anak ng Diyosa ng mga mata"

"S-sino ka?" gulat na gulat kong sabi dito.

Ngumiti ito sa akin at kaagad na nilahad ang kamay. Nagliliwanag ang buo niyang katawan kaya doon ko napagtanto na hindi siya ordinaryo.

"Ako si Talas. Ang sugo ng iyung ina upang maging iyung Gabay Mata. Kinagagalak kitang makilala Panginoon"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro