Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4 | The Lady with a Golden Eyes

VION
ᜋᜒᜆᜓᜎᜓᜑᜒᜌ ᜐᜒᜇᜒᜁᜐ᜔

KUNG nababalot ng hiwaga at misteryo ang mundo. Ganuon rin ang mga tao. Hindi mo alam kung sino ang totoo at hindi mo alam kung sino ang nagbabalat-kayo.

Sa bawat nangyayari at natutuklasan ko, may mga tanong na naglalaro sa aking isipan, mga agam-agam na humahatak sa aking pag-iisip at damdamin, mga mga sagot na tila hindi mauunawaan nang agad-agad.

Kaya napapatanong din ako kung maging sarili ko ba nagbabalat-kayo lang din sa totoo kong pagkatao?

Ang sagot? Hindi ko alam kaya kailangan ko ng kasagutan.

Nakasakay ako sa bus ngayon. Plano kong umuwi sa probinsya namin sa Nueva Ecija. Sa mga nangyayaring kababalaghan sa akin. Natitiyak akong may alam si lola sa lahat ng mga ito.

Kung paano nagliliwanag ang mga mata ko, kung paano ako nakakapasok sa isang panaginip. Hindi iyun normal na abilidad ng isang tao. May kakaiba sa akin at si lola lang ang makakasagot nun.

Nagleave muna ako sa trabaho. Apat na araw lang din naman ang itatagal ko. Long weekends din naman kasi dahil holy week.

Napabuntong hininga ako habang nakasandal sa sinasakyan kong bus. Nakatanaw lang ang tingin ko sa labas at pinagmamasdan ang nadadaanan kong tanawin.

Isang oras na akong bumabyahe. Nililipad ang buhok ko ng hangin dahil nakaupo ako sa gilid ng bintana. Napatingin ako sa kalangitang nagsisimula nang lamunin ng dilim. Hapon na kasi ako bumyahe kaya baka gabihin na siguro ako ng dating.

Napalingon ako sa gilid ko nang maupo ang isang lola na may puting puti na buhok. May dala itong mga bayong at may belong nakapatong sa balikat nito.

Kaagad kong tinulungang ilapag ang bayong niya na may mga lamang gulay at isang sako. May dala rin itong inahing manok na nakatali ang mga paa.

"Salamat iho" nakangiti nitong pasasalamat saka naupo na sa tabi ko.

Magalang lang akong tumango dito at binaling na ang tingin ko sa labas ng bintana. Biglaang nagvibrate ang phone ko sa bulsa kaya kinuha ko muna ito at chineck kung anong meron.

Asan ka? Wala ka dito sa apartment mo?

Text agad ni Serissa ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng cellphone. Napaikot naman ako ng mata at nagtype ng irereply. Ano na namang kailangan nito.

Umalis muna ako. Hinahanap ko sarili ko.

Although birong reply ko lang iyung kay Serissa pero napagtanto kong medyo totoo nga iyun. Gusto ko sanang ishare sa kanya yung dahilan.

Pero sa ugali nun, pagtatawanan lang ako nun pag kinuwento kong umiilaw ang mata ko at nakakapasok ako ng panaginip.

Naiimagine ko na tuloy ang magiging sagot niya tulad ng "Ilang katol na naman ba ang sininghot mo?" o di kaya'y "Malala ka na"

Hugot yarn? Kung saan saan mo kasi nilalagay sarili mo, namisplace mo tuloy 😜

Oh diba? Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa babaeng ito.

Ililibre sana kita kasi nasa mood ako. Pero dahil wala ka edi wag nalang. Its so sayang talaga

Napairap ulit ako at nagtype ng sagot sa text niya.

Saka mo lang naman ako naaalalang ilibre pag alam mong wala ako. Apakaano mo talaga 😭

Pinasok ko pabalik sa bulsa ang cellphone ko at sumandal ulit sa upuan.

"Anting-anting ba iyan?" tanong ng lola sa akin habang tinuturo ang suot kong kwentas.

"Ah ito po ba?" sabay hawak ko sa tatsulok na hugis na kwintas ko na may simbolong mata. "Hindi ko po alam eh pero bigay po ito ng yumao kong ama." sagot ko dito.

Bata pa lang ako ng ibigay ito ni lola sa akin. Lagi niyang sinasabi na habilin ito ng ama ko sa akin bago ito yumao. Wala silang nabanggit na kung anong habilin mula sa nanay ko. Kapag nagkukwento naman sila ay puro lang tungkol kay papa pero pagdating kay mama wala silang maikwento o ano man lang.

May larawan ako ni papa kaya kilalang-kilala ko na siya. Pati ang buhay nito, mga hilig at paborito na palaging kinukwento nila lolo ay alam ko na kaya parang mas may puwang pa sa puso ko si papa kesa kay mama.

Wala kasi akong picture ni mama kaya hindi ko kilala ang hitsura niya, tikom rin ang bibig ni lolo at lola pagdating na sa buhay ni mama.

"Yari ang anting-anting na ito sa mutya ng puso ng saging. Napakabisa nito" giit ng lola habang hinihimas ang kwintas ko.

"Mutya ng saging?" tanong niya dito.

"Oo isamg napakapangyarihamg birtud. Ang mutya ng saging ay isang bato na iniluluwal ng namumukadkad na puso ng saging tuwing hatinggabi ng Byernes Santo. Madalas ito sa puno ng saging na nakatapat mismo sa tatlong butuin sa langit na nakahilera o kung tawagin ay Tatlong Hari" pagkukuwento nito.

"Madalas itong binabantayan ng mga nilalang na tiyanak o kapre na nagbibigay ng pagsubok sa mga nagtatangkang kumuha nito. Napakaswerte mo at mayroon ka nito. Mabisa itong pangtaboy sa mga aswang at masasamang nilalang"

"Meron din ako dito. Isang langis" giit nito at nilabas ang isang bote na may dilaw na likido.

"Kaya nitong tukuyin ang mga aswang sa paligid. Kumukulo ito kapag may nararamdaman itong pwersa ng kadiliman sa kapaligiran."

Hindi ko alam kung bakit napunta kami sa ganitong klaseng usapan ngunit nakinig lang ako dito. Sapagkat minsan ko naring nakaengkwentro ang mga aswang.

"Lalong lalo na ngayon na semana santa at patay ang Diyos. Laganap ngayon ang mga aswang at iba pang nilalang" bulong nito sa akin na ikinalunok ko ng laway.

Nanindig ang balahibo ko sa paraan ng pagkakasabi niya.

"Pwede po ba akong makahingi niyan nay? Gusto ko lang pong mag-ingat" giit ko dito na ikinangiti lang ng matanda.

"Naku oo naman. May dalawa pa akong bote dito. Teka lang. Hanapin ko lang"

Tumango lang ako. Habang nagkakalkal ito sa dalang bag ay binaling ko ulit ang tingin sa labas at nakitang gabi na. Mukhang napasarap ang pakikinig ko ng kwento kay lola at hindi ko na namalayan ang oras.

Biglang huminto ang bus dahil may sasakay. Kaagad ko namang hinawakan ang balikat ni nanay upang hindi mabunggo ang ulo niya sa may upuan dahil sa biglaang paghinto ng bus.

Kaagad na pumasok ang tatlong lalaki na nakasuot ng salakot na sumbrero at may dalang bayong.

Nang mapadaan ito sa gilid namin ay siya namang paglabas ni lola ng bote ng langis. Nanlaki ang mata ko at maging ito ng makitang kumulo ang laman ng langis. Nagkatitigan kami ni lola at napadako ang tingin ko sa kakadaan palang na mga lalaki.

Nakita ko silang pumunta sa likuran at kaagad na naupo sa bakanteng upuan sa likuran.

Kinakabahan at nanginginig na inabot ni lola yung bote ng langis sa akin at ngumiti lang ito na parang wala lang dapat na ikabahala.

Napabuntong hininga na lang ako. Ilang minuto rin ang inabot na kasama namin iyung mga lalaki. Patuloy lang din na kumukulo ang langis sa bote.

Napahinga kami ng maluwag nang pumara ang mga ito. Mabilis kaagad itong tumayo mula sa kinauupuan nila saka bumaba na.

"Boss! Makikisuyo lang sana" tawag ng isa sa konduktor.

"Ano iyun?" tanong nito at bumaba na.

Ilang minuto rin kaming naghintay na bumalik yung konduktor para maipagpatuloy na yung biyahe ngunit wala pa rin ito. Nagsimula nang mainis ang drivet at bababa na sana nang biglaang mapasigaw ang lahat sa gulat dahil sa duguang katawan na biglang nalaglag sa harapan ng salamin ng driver's seat.

"Jusko maryosep" rinig kong sigaw sa pagkabigla ng matanda sa tabi ko.

Ang konduktor ang bangkay na iyun. Nagsimula nang mataranta ang iba habang ang iilan ay nanginginig na sa takot.

Mabilis kong inalerto ang sarili ko. Kaagad kong pinakiramdaman ang paligid. Pinikit ko ang mata ko saka muling minulat at laking gulat ko ng tumagos ang paningin ko sa labas ng bus at nakita ang tatlong aswang na gumagapang sa ibabaw ng bus.

Para silang ulol na asong naglalaway. Matutulis ang ngipin, nagtataasan ang mga dila. Ang makulot nilang buhok sa makalubot nilang katawan habang sumisinghot singhot ng amoy. Halos lumuwa rin ang nanlilisik na mata ng isa nang may tila nahagip na mabangong amoy.

Anong gagawin ko? Tangina hanggang dito ba naman hindi ako tinatantanan ng mga ito? Gusto ko lang namang umuwi ng matiwasay.

"Naghahasik sila ng lagim ngayon dahil patay ang Diyos" nahintatakutang sabi ng lola sa gilid ko habang nanginginig na nilabas ang rosaryo niyang yari sa kahoy.

"Panginoon! Gabayan niyo po kami. Iligtas mo po kami sa mga nilalang na nilulubos ang iyung pagkamatay"

"Ahhhhh" malakas na sigaw ng babae ng biglang lumitaw ang ulo ng aswang sa bintana ng inuupuan niya at kaagad na hinablot ang kanyang buhok.

"Tulonggg! Ahhhh tulonggg! Pakawalan mo ako! Pakawalan mo ako" umiiyak at natatakot na sigaw ng babae.

Mabilis akong napatayo at kinuha ang sungkod ng lola na nasa tabi nito saka ko iyun ginamit pangtusok sa mukha ng aswang.

Hinampas ko rin ng malakas at paulit-ulit ang braso ng aswang hanggang sa mabitawan na nito ang buhok ng babae.

"Isirado niyo ang mga bintana" sigaw na utos ko sa kanila na mabilis naman agad nilang sinunod.

Napatingin ako sa paligid ko. Kadalasang mga matatanda at babae ang nagsisiiyakan ngayon habang yakap yakap nila ang kanilang mga anak. Mababakas sa mga mata nila ang takot at pangamba.

Ano bang pwede kong gawin? Kung totoo man ang kapangyarihan ko. Hindi ko pa to alam paano gamitin.

"Gamitin mo ito iho. Buntot ng pagi iyan. Mabisang pang-atake yan sa aswang" sabay abot sa akin nung lola ng isang mahabang latigo.

Tumango ako dito bilang pasasalamat. Napasigaw na naman ang lahat ng sinimulang kalmut-kalmutin ng mga aswang ang bubungan ng bus.

Mababakas talaga dito ang mahahabang kalmot ng kuko nila. May isa pang tuluyan nang tumagos sa bubongan.

Kung nais mo silang tulungan. Hayaan mong mangyari ang iyung nararamdaman

Napatingin ako sa paligid ko? Kaninong boses yun? Isang boses iyun ng babae. Hayaan ang nararamdaman? Wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi takot, pag-aalala at ang hindi ko maipaliwanag na bumabalatay sa mga mata ko.

Ramdam ko ang panginginit nito. Napalingon ako sa may bintana at nakitang nagsisimula na namang magliwanag ang mata ko kung saan lumilitaw na naman dito yung simbolo.

Napatingin ako sa mga palad ko at nakitang nagliliwanag rin ito. Anong nangyayari sa akin?

Huwag mong pigilan Vion. Hayaan mong ilabas mo ang kapangyarihan mo. Tulungan mo sila

Paulit-ulit na bulong ng isang boses sa tenga ko. Napalingon ako sa paligid ngunit wala akong nakitang babaeng nagsasalita. Paulit ulit nitong pinapaalala na huwag ko raw pigilan kaya wala akong magawa kung hindi takpan ang tenga ko upabg tumigil iyun.

"Sino ka ba? Huwag muna ngayon please! Huwag muna" sigaw ko habang nakaupo na at tinatakpan ang tenga.

"AHHHHHH" malakas kong sigaw at sa isang iglap ay nawala ang boses na iyun.

Binitiwan ko ang pagkakatakip mula sa tenga ko at napatingin sa paligid nang biglang nawala ang ingay at napalitan ng katahimikan.

Nagulat nalang ako ng makitang umiilaw na ang kanilang mga mata at mahimbing na natutulog.

Ano na namang nangyayari?

Napaatras ulit ako ng makita ang sarili ko sa salamin na umiilaw rin ang mata.

Dahan dahan akong lumapit dito at pinagmasdan ang mukha ko. Ngayon ko lamang ito napagmasdan ng malapitan.

Malakas akong napasigaw sa gulat ng biglang lumitaw sa harapan ko ang mukha ng aswang. Tumutulo ang malalagkit nitong laway na nahahaluan ng dugo habang lantad na lantad ang mga pangil nito.

Patuloy nitong kinakalmot ang salamin ng bintana at pinupukpok. Unti unti nang binabasag nito ang salamin.

Napatingin ako sa umiilaw kong palad, sa latigong hawak ko at sa mga natutulog na tao.

Kapag matagumpay itong makakapasok sa loob. Mabibiktima nito ang mga walang kamuwang muwang pasahero sapagkat tulog ang mga ito.

Ako nalang ang natitirang gising. Ako lang ang may kakayahan na protektahan sila.

Umuusbong ang katapangan kapag inalis mo sa puso mo ang pangamba at pagdududa.

Napapikit at malakas na nagpakawala ng malalim na hininga. Kasabay nang pagliwanag ng mata ko na makikita sa repleksyon ng salamin ng bintana at hinanda ko naman ang buntot ng pagi na hawak ko.

Mabilis kong binuksan ang pinto ng bus at inakyat ang mga aswang na nasa bubong ng bus.

Nababalot ng iilang makakapal na itim na buhok na gaya sa baboy ang kanilang magagaspang at tila pasa na kulay ng balat. Kulubot ang iilan. Hindi ko mailarawan ang mga mukha nila. Parang nguso ng baboy ang kanilang mga bibig ngunit namumula ang kanilang mga mata.

Sa tuwing binubuka nila ang bibig ay lumalantad ang matatalas nilang pangil at malalagkit na laway. Ang mga kuko nila ay kasingtalas ng kutsilyo.

Hinampas ko kaagad ang buntot ng pagi sa gilid ko at tinitigan sila.

Kaagad na napasailalim sa kung anong mahika ang dalawa dahil napatulala kaagad ang mga ito.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila pero may ideya na ako.

"Sugatan niyo ang mga sarili niyo" bulong ko dito at gaya ng inaasahan ko, gamit ang matutulis nilang kuko ay kinalmot nila ang isat isa.

Mabilis na dumausdos pababa sa kanilang mga dibdib ang maiitim at malalapot nilang dugo.

Hypnotization? Kaya ko iyung gawin sa pamamagitan ng mata ko? Iyun ba ang dahilan kung bakit napatigil rin yung aswang na nakasalubong ko noong nakaraang gabi?

Pero bakit? Bakit tila di tinatablan ang isa?

Kaagad na pumasok sa isip ko yung eksena ng pagpasok nung dalawang lalaki. Yung isa ay nakaalalay sa kasama nito habang may tungkod.

Ibig sabihin? Ibig sabihin bulag ito? Hindi ito tinatablan dahil wala naman itong nakikita?

Dahil sa iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nawala na pala ang epekto ko ng paghihipnotisimo sa dalawang aswang.

Nagulat nalang ako ng makitang tumatakbo na ito sa direksyon ko para atakehin ako. Mabilis itong tumalon at hinanda na ang mga mahahaba nilang kuko.

Mabilis akong napaalerto at hinampas sa gilid ko ang latigo patungo sa braso ng isang aswang. Kaagad iyung pumulupot sa braso nito. Pansin ko na bahagyang nasunog ang parte ng balat nitong pinuluputan ng latigo.

Gamit iyun ay hinila ko ang braso niya at inihagis siya sa gilid. Kita ko kung paano ito sumubsob sa lupa na kinabagsakan nito.

Mabilis akong napagulong agad nang sunod naman na umatake yung isa. Tinalunan ulit ako nito ngunit nasa ere palang ay kaagad na nagliwanag ang mga mata nito.

Kinuha ko iyung tyempo para hampasin ito ng latigo sa katawan. Bumalatay sa katawan nito ang sunog na latay ng latigo. Malakas itong napaangil.

Napalingon ako sa likuran ko at nakitang bumangon iyung sumumsob na aswang. Napakaliksi nitong nakaakyat agad at wala pang segundo ay nasa harapan ko na ito.

Mabilis ito umatake gamit ang mga kuko nito. Paulit-ulit ako nitong kinakalmot na siyang iniiwasan ko naman.

Mabilis rin na lumapit sa akin yung isa at dalawa silang pinagtulungan ako.

Shit! kung bakit hindi ko kasi sineryoso yung taekwando lesson namin nung elementary. Edi sana may laban ako ngayon.

Pagkain lang kasi habol ko noon. Matatalo ko ba sila gamit ang juice at tinapay?

Patuloy lang ako sa pag-ilag sa mga atake nila. Sinubukan kong paganahin ang kapangyarihan ko sa mata ngunit hindi ko maramdaman.

Nag-expire na ba? Free trials lang ba yun? Need ba mag premium subscription? Tangina bat ngayon pa na pinagtutulungan na ako.

Wala akong nagawa kundi lumaban. Sinubukan ko silang tadyakan ngunit hindi ito umuubra. Napakalakas nila.

Matagumpay akong nasipa sa tiyan nung isa kaya mabilis akong tumilapon.

"Puta! Aghhh" namimilipit kong reklamo habang sapo ang tiyan ko.

Mula sa pagkakataob ay tumihaya ako. Sinubukan kong tumayo ng may makapa ako sa kamay ko.

Ang kwintas ko? Ito yung sinasabi nung lola na mabisang pangontra ng aswang.

Napapikit ako ng sakalin ako ng aswang at kaagad na inangat ako sa ere habang hawak hawak ang leeg ko.

Napaubo ako habang sunasagap ng hangin. Mabuti nalang at nakuha konang kwintas bago pa man ako i-angat sa ere ng aswang.

Tangina niyo! Sa oras na makawala ako dito paguumpugin ko yang mga ulo...

"Niyoooooo" sigaw ko at sinuot ang kwintas.

Para itong gatilyo na kumalabit sa kaloob-looban ko at sa isang iglap ay nagliwanag kaagad ang mga mata ko.

Mabilis akong nabitawan ng aswang na may hawak sa akin at kaagad itong napatulala habang nagliliwanag rin ang mga mata.

Napayuko ako habang umuubo at sumasagap ng hangin. Salubong ang kilay kong nag-angat ng tingin sa mga ito habang umuubo.

"Patayin niyo ang mga sarili niyo" utos ko dito.

At sa isang iglap nakita ko nalang na binaon ng isa ang kamay nito sa kasamahan habang ang isa naman ay nakahawak din sa leeg nito at binali.

Parang abo silang nasunog at kaagad na tinangay ng hangin.

Napahiga ako dahil sa pagod. Malalalim ang paghinga ko habang nakatingin sa langit.

Napapikit ako habang iniisip ang mga nangyayari. Ito ba amg dahilan kung bakit may kapangyarihan ako? Para puksain ang mga masasamang nilalang at iligtas ang mga tao?

Pero sa kinadami daming tao bakit ako? Bakit ako pa ang binigyan ng responsibilidad.

Nagrereklamo na nga ako sa trabaho at pag-aaral na pinagsasabay ko tas magtatanggol pa ako ng tao?

"Gagoooo!" gulat na gulat kong sigaw nang bumungad kaagad sa akin ang mukha ng isang aswang pagkamulat ko ng mata.

Bakit ko ba nakalimutang tatlo sila at dalawa palang yung nawala.

Agresibo ito habang sinusubukan nitong kalmutin ako.

Ngunit isang malakas na ihip ng hangin ang tumangay dito at kaagad na tinamaan ito ng kidlat. Mabilis agad na naging abo ang katawan nito.

Hindi iyun normal na hangin at kidlat lang. Napakaaliwalas ng panahon.

Napatingin ako sa direksyon ng pinanggalingan nun. Isang babae ang nakita ko. Maiksi ang buhok nito na kulay ginto. Nakapiring ng puting tela ang kaniyang mga mata ngunit mababakas parin ang dilaw na liwanag ng mata nito sa likod ng tela. Umiiyak ito.

Tumalikod ito sa akin at pansin ko ang nagliliwanag nitong batok. Isang paru-paro na simbolo. Rinig na rinig ko ang paghikbi nito at tuluyan nang tumakbo paalis.

Sino siya? Kagaya din ba siya ni Leber. Katulad ko ba din siya? Dahil natitiyak akong siya ang lumikha ng hangin at kidlat na iyun.

Ibig sabihin ay marami pang tao na may kakaibang kapangyarihan kagaya ko, kagaya ni Leber. Hindi ko palang sila nakikilala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro