Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16 | The Rage of Dumakulem

VION
ᜋᜒᜆᜓᜎᜓᜑᜒᜌ ᜐᜒᜇᜒᜁᜐ᜔

NAGISING akong pinupuluputan na ng mga baging ang buo kong katawan. Mayroon ring nakapulupot sa may bandang bibig ko kaya hindi ko magawang makasigaw. Sinubukan kong pumiglas ngunit gumagalaw lang ang mga baging at mas lalong humihigpit ang pagkapulupot nito sa akin.

Inis akong napakunot-noo habang pinalibut ang tingin ko. Bwesit na mga baging to! Nasan ba kasi ako?

Napapikit ako saglit nang maramdaman ko ang kunting pananakit at hilo sa ulo ko. Ang huli kong natatandaan ay nalaglag ako mula kay Talas nang mahagip siya nito ng kamay ng higante.

Mabilis akong nagpalinga-linga sa paligid nang maalala ko si Talas. Wala siya dito. Hindi ko siya makita.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero parang nasa isang liblib na parte ako ng isang gubat. Ang kinapupuluputan ko ay isang higanteng puno. Sa paligid ko naman ay parang isang latian. Maputik at madumi ang tubig.

"Kay tagal na panahon ko ring pinanabikan ang iyong muling pag-apak sa teritoryong saklaw ng mga Diyos, anak ni Dalikmata!" sambit ng isang dumadagundong na boses.

Gulat akong napatingala saka nagpalinga-linga sa paligid nang marinig ko ang boses na iyun.

"Sa wakas ay muli rin tayong nagkita matapos ang maraming mga taon."

Mula sa kalayuan ko ay umalsa ang tubig at putik sa latian at kaagad iyung humulmang tao. Bumungad sa akin ang isang dambuhalang lalaki na may mahabang buhok, bruskong pangangatawan at may hawak hawak na palakol na ipinatong niya sa kanyang balikat.

Sino na naman ba to? Gusto ko nalang mapairap sa inis. I'm sure mata ko na naman ang habol nito. Ano pa bang bago.

Simula nung magkapower power na tong mata ko kung sino sino nalang nakakalaban namin ni Talas. Ano na naman kayang uri ng nilalang to siya? Kapre?

Sa isang kumpas niya lang ng kamay ay kaagad na kumawala ang nakapulupot na bagong sa bibig ko.

"Pweee! Nginang putik yan" diri kong sabi pagkatapos lumuwa ng laway dahil sa putik sa baging na naiwan sa bibig ko.

Napalingon ulit ako sa kanya. "Sir kung habol niyo ay yun tagna sa mga mata ko. Pasensya na po, forda close pa ang tagna. Hindi nag-aactivate. Nakakandado pa. Gets?" tanong ko sa kanya na ikinakunot lang ng noo nito.

"Hayst pareho talaga kayo ni Talas. Apakabobo. Kailangan ko pa talagang magtagalog ng malalim," bulong ko saka napailing.

"Ginoong Kapre. Ang tagna na nasa aking mga mata ay hindi ko pa tuluyang nakikita. Sapagkat ito'y nakakulong pa sa kinailaliman ng aking isipan. Kung ito'y iyung gustong makuha, pwede bang mag wait ka muna? I mean maghintay," parang tula ko nang sabi sa kanya.

Naks! Pwede nakong pumasa bilang anak ni Balagtas ah. Oh aking irog----

"Putanginaaaa" gulat kong sigaw nang biglang may gumapang na putik papunta sa harapan ko at lumabas doon ang isang matulis na ugat na muntik nang tumusok sa akin. Ilang dangkal nalang ang layo nun mula sa mukha ko na kaagad kong ikinalunok ng laway.

Napainhale, exhale ako ng mabilis at wala sa oras habang nakatingin sa matulis na ugat na nasa harapan ng mukha ko. Ramdam ko ang malakas na kabog sa dibdib ko.

Lord! Alam ko namang hindi ako naging mabait palagi. Pero kailangan talaga araw-araw, napupunta ako sa ganitong sitwasyon? Parang palaging nalang nasa piligro ang buhay ko.

"C-Chill l-lang. Ito naman," kinakabahan kong sabi habang napapalunok ng laway at pilit na iniiwas ang mukha ko sa matulis na ugat na iyun.

Shit naman! Paano ba ako makakatakas dito? Ginala ko nalang ang mga mata ko sa paligid para maghanap ng paraan na makaalis mula sa pagkakapulopot sa baging.

"Hindi ako narito upang makipagbiruan, anak ni Dalikmata," malamig at mabigat na sabi ng dambuhalang kapre, habang patuloy akong tinititigan gamit ng malalalim niyang mga mata.

Napalunok ulit ako, this time hindi na lang dahil sa matulis na ugat sa harapan ko kundi dahil mukhang seryoso siya. Hindi ko alam kung kaya ko pa tong biruin.

"Okay, okay. Chillax ka lang! Alam kong excited ka sa tagna pero ulitin ko lang ha—nakakandado pa talaga siya. Wala akong control doon, promise!" pilit kong sabi, kahit nararamdaman ko na parang maiihi na ako sa pantalon ko.

"Pero if kaya mong mag-antay. Baka pwede ko siyang maopen ngayon. Tatry ko kung kaya ko ba," giit ko.

Pinikit ko kaagad ang mata ko at kunwaring binubuksan ko ang tagna sa isip ko kahit ang totoo ay hindi ko naman alam. Bahagya kong binuksan ang kanang mata ko saka sinilip siya.

Napakunot lang ang noo niya. Patuloy pa rin ako sa drama ko. Pero sa totoo lang, ito lang ang alam kong paraan para i-delay siya kahit saglit.

Talas! Nasan ka na ba! Mamamatay na ako dito pukingina mo!

Pilit ang ngiti kong binalik ang tingin sa kaharap ko. Kailangan ko muna siyang idistract habang nag-iisip ako ng paraan para makatakas dito. Sana may ibang usage naman tong kapangyarihan ko, yung kaya namang makawala ako dito.

"Hindi ko kailangan ng iyung Tagna!" malalim na sabi nito na ikinatigil ko.

"Di mo naman pala kailangan eh! Eh bat may paganto?" saad ko at bahagyang nakahinga dahil sa sinabi niya.

"Ang buhay mo ang kailangan ko. Kailangan kong kitilin ang iyung buhay upang panghabangbuhay nang mawala ang Tagna ni Dalikmata," saad nito na ikinalaki ng mga mata ko.

"Dahil sa batas na ipinataw ng Bathala, hindi ko magawang makalapit sa mundo mo upang paslangin ka. Ngunit tila ang iyung bugna na ang nagdala sayo rito sa teritoryo ko kaya hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito!"

Matapos niyang bitawan ang huling salita ay sunod sunod na lumabas ang matutulis na ugat sa paligid nito at kaagad niya iyung pinapunta sa akin.

Napapikit nalang ako ng mata nang makita ang mabilis nitong paggapang patungo sa harapan ko. Mukhang dito na talaga ako madedeads.

Ngunit isang liwanag ang lumitaw sa harapan ko at kaagad na nalusaw ang mga matutulis na putik na tatama sana sa akin. Nang mag-adjust na ang tingin ko mula sa liwanag, isang kuwago ang nakita ko. Lumilipad lang ito sa harapan ko habang nagliliwanag ng kulay lila.

"Huwag ang aking anak Dumakulem!" giit nito ng puno ng hiwaga at galit.

"Ano pa ba ang iyung kailangan Dumakulem. Pinasilip ko na sa iyo ang aking Tagna upang huwag mong ipahamak ang aking anak. Tumupad ka sa ating usapan!"

"Ang Tagna mo ang magiging katapusan natin at ng Santinakpan Dalikmata, kaya nararapat lamang na mamatay ang iyung anak bago pa maging huli ang lahat! Bago pa makita ng iba ang tagna sa mga mata niya lalong lalo na sa mga kampon ni Arvac!" sigaw ni Dumakulem.

Habang nakatingin sa kanila ay bigla na lamang tumitig sa mata ko ang kuwago at kasabay ng pag-ilaw ng mata nito ay ang pag-ilaw rin ng mata ko.

"Tumakas ka na, Anak! Isang panlilinlang lamang ang aking nilikha upang dayain ang Diyos ng Kabundukan at mailihis ang kanyang pansin mula sa iyo. Tumakbo ka na! Iligtas mo ang iyong sarili!" rinig kong sabi niya sa isipan ko.

Kasabay ng pagkawala ng liwanag sa mata ko ay ang muling pagharap nung ibon sa Diyos ng Kabundukan at kaagad na naglabas ng liwanag sa mata nito at pinatama dito.

"Hindi mo ba nauunawaan, Dumakulem?" sagot ng kuwago, habang ang liwanag nito ay lalong tumindi, na para bang nagbabadyang sumiklab. "Ang Tagna ay hindi isang sumpa, kundi isang gabay! Hindi ito nilikha upang sirain ang Santinakpan, kundi upang iligtas ito sa kapahamakan!"

"Ililigtas?" ani Dumakulem. "Paano mo nasasabi iyon, Dalikmata? Sa bawat anyo ng Tagna, kapahamakan ang laging sumusunod. Hindi ba’t kaya nasira ang Kaulaliman ay dahil sa iyong propesiya? Hindi ba’t kaya naglaho ang mga Tala ng Pag-asa ay dahil sa mga mata mong nagbunyag ng lihim na hindi dapat malaman? Ngayon, gusto mong maniwala ako na ang anak mo ang magdadala ng kaligtasan?"

"Pinarurusahan mo ang aking anak dahil sa takot, hindi dahil sa katarungan," sagot ng kuwago. "Ang totoo, takot kang harapin ang nilalaman ng Tagna. Takot ka sa kung anong maaaring makita. Pero hindi lahat ng liwanag ay sanhi ng pagkawasak, Dumakulem."

"Bakit hindi mo siya hinayaan sa akin? Bakit hindi mo siya isinuko nang maaga pa lang? Ang Tagna sa kanyang mata ay masyadong mapanganib! At ikaw, Dalikmata, alam mo kung sino ang tunay na hinahanap ng Tagna... at hindi iyon ang iyong anak!"

"Hindi ko magagawa iyon," wika nito matapos ang ilang saglit. "Ang Tagna ay isang lihim na mas malaki kaysa sa akin, kaysa sa iyo. Hindi mo naiintindihan ang buong saklaw nito, Dumakulem. Ngunit sasabihin ko ito sa iyo—ang taglay ng aking anak ay hindi lamang sa kanya. Siya ang sisidlan ng nakaraan, ng kasalukuyan, at ng hinaharap."

"Paano mo natitiyak na hindi siya ang magiging dahilan ng ating pagguho? Paano kung ang sinasabi mong 'liwanag' ay ang mismong magpapadugo sa lupa ng Santinakpan? Huwag mong kalimutan, Dalikmata, na may mga nakalipas na bahagi ng iyong Tagna na hindi mo na kayang balikan—at hindi mo na mababawi."

Pilit akong pumipiglas sa mga nakapulupot na bafing sa katawan ko. Kahit naririnig ko ang usapan nila ay wala parin akong maintindihan dun. At wala din naman akong pake. Amg gusto ko langbay makatakas dito bago pa ako tuluyang maging letchon nung nanunusok na ugat ng dambuhalang amoy kanal na taong iyun.

"At huwag mong kalimutan, Dumakulem, na ang Tagna ay nabuo hindi para sirain, kundi para ipaalala. Kung ano man ang mangyari, ang aking anak ay hindi ang kalaban mo. Siya ang iyong magiging sandata laban sa mga anino ng Kaulaliman!"

Ngunit ngumiti si Dumakulem, malamig at puno ng paghihinala. "Kung ganoon, Dalikmata," wika nito, "sino ang tunay na kalaban? Sino ang nagtanim ng Tagna sa iyong anak, at sino ang naglagay ng sumpa sa kanyang mga mata? Huwag mong sabihin na wala kang alam tungkol dito. Alam mo kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito, ngunit pinili mong magbulag-bulagan!"

Ramdam ko ang pagkakalas ng mga baging sa katawan ko kaya dali dali ko agad na tinanggal iyun saka umalos agad. Nilingon ko pa uli ang ibon bago na ako tuluyang tumakbo palayo.

Mabilis akong sumuot sa mga sanga at damo habang naghahanap ng daan palabas ng gubat. Inis kong pinaghihila ang mga damo paalis sa dinaraanan ko hanggang sa may kung anong tumama sa likuran ko.

"Ahhh! Puta!" ungol ko sa sakit nang matamaan ako sa likuran na kaagad kong ikinasubsob sa lupa at napagulong sa may munting bangin.

Kagat labi akong tumihaya habang iniinda ang sakit sa likuran ko at sinubukang tumayo habang nakahawak sa maliit na punong nasa gilid ko.

Tangina talaga ng ungas na to! Ayaw talaga akong tantanan. Kung kaya ko lang sana kitang kontroling gago ka, kanina pa kita nilubog dun sa putikang pinanggalingan mo!

"Iyan nalang ba ang kayang gawin ng Anak ng Diyosa ng mga Mata ngayon? Ang umilag at tumakas?" tila nanunuya pa nitong sabi.

"Hindi ito ang inaasahan ko mula sayo. Akala ko'y mas magiging malakas ka pa kumpara nung dati."

"Tumahimik ka na nga! Amoy kanal!" inis kong sigaw sa kanya.

Napaatras nalang ako sa gulat nang kontrolin ulit nito ang kinatatayuan naming lupa. Kasabay ng mga suntok niya sa ere ay ang pag-angat ng mga bitak ng lupa at bato sa lupa para tumama sa akin. Mabilis kong inilagan ang mga iyun saka dahan dahang napaatras nang magsunod sunod iyun.

Napasandal ako sa isang puno dahil sa pagod at hingal. Pinunasan ko ang tumutulong dugo sa gilid ng labi ko nang biglang bumuka ang balat ng puno at handa na sana akong lamunin  nito.

"Pucha!" mura ko at napatalon pa layo dito. Nakita ko pa kung paano ito tuluyang magsara.

Wala akong advantage dito. Nasa teritoryo niya ako at kontrolado niya ang lahat ng mga nandito. Gamitin ko man ang kapangyarihan ko ay wala iyung silbi sa mga pinapang atake niya sa akin dahil wala itong mga mata.

Hindi rin umuubra ang kapangyarihan ko sa mga purong Diyos na dugo. Iyun rin ang isa sa disadvantage ng kapangyarihan ko na paulit ulit na pinapaalala sa akin ni Talas.

Napatingin ako sa mga baging, puno, at lupang pinapagalaw ng Diyos ng Kabundukan. Ang mga bato ay walang buhay, ang lupa naman ang nagbibigay ng buhay. Habang ang mga halaman at puno lamang ay may tanging buhay sa tatlo. Ngunit ganunpaman, magkakatulad pa rin ang mga to. Wala silang kaisipan para kumilos.

Lahat ng ginagawa nila ay nakabase sa inuutos ng taong kumokontrol sa kanila. Kaya ibig sabihin nun, konektado sila sa isip ng Diyos ng Kabundukan.

Kaya kung pumasok sa panaginip, kaya ko ring kontrolin ang isipan nila. Kung ganun kaya ko rin bang pasukin iyun? Hindi gumagana ang kapangyarihan ko sa mga Diyos pero baka pwede kong pasukin ang isipan nila.

Hindi ko alam! Pero susubukan ko. Kesa wala akong gawin at mamatay nalang dito.

Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukang paganahin ang kapangyarihan ko. Paulit-ulit ko iyung ginawa pero ayaw pa rin.

Mabilis akong tumakbo paiwas nang sumulpot ang isang malaking ugat mula sa lupang kinatatayuan ko at mabilis akong inatake.

Mabilis kong pinulot ang malaking sanga sa gilid ko at ginamit iyung pangdepensa at atake. Ngunit walang kahirap hirap lang yung hinampas patapon ng baging at kaagad akong inatake.

Natumba ako sa lupa dahil dun at hinawakan ang ugat upang pigilan. Napalunok nalang ako ng laway kung gaano ka ilang dangkal nalang ang layo nung matulis na ugat sa noo ko. Nung hindi ko yun napigilan ay baka tumusok na yun sa noo ko.

"Ahhhh!" inis na sigaw ko habang pinipigilan ang ugat sa harapan ko.

Kaagad kong pinikit ang mata ko at desperadong pinagana ang kapangyarihan ko. Ramdam ko na ang pagtulo ng pawis sa noo ko habang ginagawa iyun pero wala pa rin.

Hanggang sa ibuka ko ulit ang mata ko at ramdam ko ang pagliwanag nun. Ngayon ay nakikita ko na ang enerhiya na dumadaloy sa ugat na nasa harapan ko. Bukod tanging ito lamang ang tila nagliliwanag at may buhay kumpara sa mga puno sa paligid namin.

Ito na marahil ang enerhiya ng Diyos ng Kabundukan na siyang nagkokontrol sa ugat nito. Sa isang kisap mata lang ay kaagad na akonf hinigop ng enerhiya na yun. Ramdam ko ang pagdaloy ko sa mahahabang ugat nito hanggang mapunta na ako isang malaking white portal na nagliliwanag at hinigop ako dun.

Ramdam ko ang pagkalaglag ko at ang pagtama ng katawan ko sa lupa. Kagat labi akong napaungol sa sakit at kaagad na tumayo habang pinagmamasdan ang paligid ko.

Pagmulat ng mga mata ko, bumungad sa akin ang isang mundo na tila ginawa mula sa mismong puso ng kalikasan. Walang langit dito, sa halip ay isang walang katapusang tanawin ng nagliliwanag na ugat na pumapalibot sa lahat ng dako. Ang mga ugat na ito ay parang mga haligi na sumusuporta sa lugar na ito, gumagalaw at nagliliwanag ng banayad na berdeng liwanag, parang hininga ng buhay mismo.

Ang lupa sa ilalim ng paa ko ay hindi ordinaryong lupa. Ito’y parang pinaghalong buhangin, usok at kawalan. Para akong nakalutang pero may natatatapakan ako at kumikislap iyun sa bawat galaw ko. Sa bawat yapak ko, parang bumubulong ang lupa, nagsasabi ng mga sinaunang kwento na hindi ko maunawaan.

Sa paligid, may mga anyo ng puno na walang dahon, pero sa bawat sanga nito ay may mga maliit na liwanag na parang alitaptap. Ang mga ilaw na ito ay tila nagbabantay sa akin, sumusunod sa bawat galaw ko. Hindi ko alam kung anong kayang gawin nila, kaya nanatili akong alerto.

Sa di kalayuan, may isang ilog na parang hindi tubig ang dumadaloy kundi likidong enerhiya. Kulay pilak ito na may halong asul at berde, gumagalaw sa kakaibang paraan, parang may sariling kamalayan. Sa ibabaw ng ilog ay mga itim na bato na naglalaman ng mga nakaukit na simbolo. Nilapitan ko ito at naramdaman ang malamig ngunit nakakapaso nitong enerhiya. Hindi ko na ito ginalaw.

“Ito na siguro yung isip nung higante na yun?” tanong ko sa sarili ko, ang boses ko’y parang kumakalat sa hangin at tumatalbog sa bawat ugat sa paligid.

Bigla kong narinig ang isang mababang tunog—hindi ordinaryong ingay, kundi parang boses na nanggagaling sa mismong lugar na ito.

“Ikaw…ang nangahas pumasok sa isip ko,” sabi ng boses, malalim at dumadagundong, parang dumadaan sa bawat ugat na nandito

Napatingin ako sa isang malaking bilog na anino na unti-unting nabubuo mula sa mga nagkakabit-kabit na ugat sa harapan ko.

“Kalapastanganan ang pagpasok mo sa kaisipan ng isang Diyos,” dagdag nito, habang ang paligid ay nagsimulang gumalaw. Ang lupa ay tila gumuguho, ang mga puno ay tila buhay at nagiging mga halimaw na nakatingin sa akin.

“Hindi ko gustong pumasok dito! Pinilit ako ng sitwasyon!” sagot ko, pilit nilalabanan ang nanginginig kong boses.

Isang pwersa malaking bilog ang lumitaw sa likuran ko at isang braso ang lumabas dun saka hinawakan ang  likuran ko. Sinubukan kong pumiglas at tumakbo palayo pero mas lalo lang ako nitong hinihila papalapit sa bilog na kinalabasan nito.

"At sa tingin mo kaya mong kontrolin ang kalooban ng aking isipan, Anak ni Dalikmata?" giit ng isang boses, ang boses ng Diyos ng Kabundukan.

Sinubukan kong kumapit sa gahiblang mga kaisipan nito ngunit tuluyan na akong nahila nito pahigop sa bilog. Hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili kong nasa kamay na ng Diyos ng Kabundukan at tuluyan nang nahila palabas sa kaisipan niya.

"Nakikita kong hindi ka bihasa, malayo sa naging huli nating labanan. Tunay ngang ibinilanggo mo na ng tuluyan ang sarili mong kapangyarihan gaya ng huli mong sabi matapos mong paslangin ang sarili mong lolo sa pamamagitan ng iyung kapangyarihan."

Naguguluhan ko siyang tinapunan ng tingin at sinubukang pumiglas. Napasigaw nalang ako nang mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"A-anong p-pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya na nahihirapan na dahil sa ginawa niya.

"Napakaikli ng iyong alaala, Anak ni Dalikmata. Hindi mo na ba natatandaan kung paano mo ginamit ang sarili mong kapangyarihan upang wakasan ang buhay ng sarili mong kadugo?"

Bigla itong napahinto nang may napagtanto.

"Ahhh. Kinulong mo pala ang sarili mong kapangyarihan
Marahil ay kinulong mo rin ang ala-ala mo ng gabing iyun? Kaya ba hindi mo na ako matandaan at ang naging labanan natin ng araw na iyun?" panunuya nito sa akin.

Tila nawalan ako ng lakas nang marinig yun. Para akong tinakasan ng dugo habang nakatingin sa kawalan at desperadong alalahanin ang pangyayaring iyun ngunit wala talaga akong maalala.

Nanginginig ang buong katawan ko habang bumabalot sa isipan ko ang sinabi niya. Ako ang pumatay sa lolo ko? Paanong ako? Paanong magagawa ko iyon? Isang bahagi ng utak ko ang pilit tumatanggi, nagmumura ng kasinungalingan ang mga salita niya, pero dalawa na sila. Dalawa na silang nagsasabing ako mismo ang pumatay kay lolo— ang babae, ngayon mula sa Diyos ng Kabundukan.

"Huwag mong idadamay ang pangalan ng lolo ko rito! Hindi ko siya magagawang saktan, lalo na'ng patayin!" sigaw ko, na pilit iniinda ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Ayokong maniwala. Nagsisinungaling lang sila!

Ngunit ngumiti siya, malupit at puno ng panunuya. "Ipinako mo ang sarili mong pananampalataya, ngunit hindi mo maitatanggi ang mga bakas ng nakaraan, Vion. Ikaw ang nagkulong ng sarili mong alaala at kapangyarihan dahil takot kang harapin ang katotohanan."

Takot? Paano nila masasabing takot ako? Hindi ko alam ang nangyari, pero alam ko kung sino ako. Hindi ko kayang gawin iyon—hindi kailanman. Ngunit bakit tila may kirot sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag? Parang may humuhukay sa ilalim ng aking konsensya, nagpaparamdam ng kung anong bagay na pilit kong nililimot.

"Sinungaling ka!" halos pasigaw kong sagot habang pilit lumalaban sa lakas niya. Ngunit parang may kung ano sa sarili ko na naniniwala sa kanya. Paano kung nagawa ko talaga yun?

Paano kung totoo? Ang bulong na iyon ay tila halimaw na sumisiksik sa isipan ko. Dalawa na silang nagsabi nito. Dalawang tao na parehong naniniwalang kaya kong gawin ang isang bagay na kinatatakutan kong isipin.

"Hindi, hindi ako mamamatay-tao! Hindi ko msgagawa kay Lolo yun" Muling sigaw ko, ngunit parang ang mga salitang iyon ay nawalan na ng bigat habang paulit-ulit kong sinasabi.

"Hindi ba?" Aniya, habang bahagyang pinasandig ang mukha niya sa akin. "Kung hindi, bakit napakalakas ng pagtutol mo? Saan nanggagaling ang takot na 'yan, Vion? Baka ang hinahanap mo ay hindi lang alaala—baka katotohanan ang tinatakasan mo."

Halos mabingi ako sa sariling tibok ng puso ko. Ang dami kong gustong sabihin—gustong pasinungalingan, gustong ipaglaban—pero nararamdaman kong parang may nakatagong bagay sa loob ko na sumisigaw ng pagkakawala. Isang bagay na pilit kong hindi gustong makita ngunit naroroon, naghihintay sa likod ng bawat salita niya.

"Paano kung totoo nga?" bulong ko sa sarili ko, halos walang tunog. Nanginig ang mga kamay ko. Ang mga mata ko'y tila pinupuno ng mga imahe na hindi ko maintindihan. Mga anino, mga sigawan, mga mukha—lahat sila'y nagsisigawan sa akin, pilit akong hinihila sa isang bangungot na hindi ko matakasan.

"P-paano kung ako nga?" Sa huli, naitanong ko, nangangatog ang boses ko, habang unti-unti nang lumalabo ang mga mata ko. "Ako nga ba ang pumatay sa lolo ko?"

Ngumiti ang Diyos ng Kabundukan. "Hindi ko kailangang sagutin 'yan, Anak ni Dalikmata. Ang sarili mo mismo ang sasagot sa'yo."

Biglang sumakit nang todo ang mata ko, para bang may kung anong puwersang humihila palabas. Napasigaw ako. Ramdam ko ang panginginit nito. Hindi ko maintindihan. Sobrang hapdi nun at tila may nammuo na kung ano.

"Ngayon, harapin mo ang katotohanan, Vion. Harapin mo ang katotohanang sumira sayo!" Ang malupit na tinig ng Diyos ng Kabundukan ay nagdulot ng matinding sigaw sa paligid, ngunit ang lahat ng iyon ay parang nabalot ng katahimikan nang magbukas ang aking mga mata.

Hindi na sila ang dating mata ko. Pakiramdam ko'y blangko na ang bawat isa. Wala akong makitang liwanag, ngunit nararamdaman kong ang bawat bagay sa paligid ko ay parang hinihigop ng lakas mula sa kanila.

Sa kabila ng lahat, tumingin ako sa kanyang direksyon, at sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko ang repleksyon ng sarili kong mga mata sa kanyang mga mata. Ang dating matingkad na itim sa aking mga mata ay tuluyan nang nilamon ng kadiliman. Ang aking mga mata ay naging tulad ng malalalim na itim na butas, walang dulo at walang liwanag.

Ngunit hindi lang iyon—sa bawat tibok ng puso ko, naramdaman kong hinihigop ko ang enerhiya ng paligid. Ang mga halaman sa paligid ko’y unti-unting natuyo, ang lupa’y nagbitak-bitak, at ang Diyos ng Kabundukan mismo’y tila nanghina habang hawak-hawak ako.

"A-ang S-Sumpa ni D-Dalikmata."

Iyun lang ang huli kong narinig bago ako tuluyang nilamon ng dilim.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro