Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13 | The Sea of Consciousness

VION
ᜋᜒᜆᜓᜎᜓᜑᜒᜌ ᜐᜒᜇᜒᜁᜐ᜔

PITONG mga estatwa.

Ang isa ay nang-aakit na babaeng hawak hawak ang kakarampot na telang tanging nagtatakip sa mga kaselanan. Ang isang estatwa nama'y walang kasing taba at laki ang katawan.

Ang isa ay may suot na marangyang korona, nakatingala at nakakurba ang mapangmataas na ngiting nakapikit habang ang katabing estatwa ay tinitignan itong puno ng inggit.

Ang isang estatwa ay tuwang tuwa sa mga gintong barya sa paanan. Katabi'y isang animo'y bagsak sa sahig ang lanta at walang lakas na katawan.

Panghuli ang estatwang nakakuyom ang mga kamao. Mababakas ang galit sa mata at puso. Nagngingitngit ang ekspresyon. Tila walang mapagsidlan ang nararamdamang emosyon.

Nabitak ang pitong estatwa. Lumabas ang serpyenteng nanlilisik ang mga mata. Pito ang ulo at ang mga kaliskis ay kasing tibay ng kadena.

Ang bawat ulo nito ay naglalabas ng anino, at ang katawan nito ay umikot at humabi sa mga ulap ng kalangitan dito. At ang serpiyente, na naglalaman ng kasamaan, ay pumaikot sa gahiganteng estatwa hanggang sa magapos ng lubusan.

Ang estatwa ay nagsimulang bumitak, ang katawang banal nito ay tuluyang nabasag. Dahil sa mahigpit mapangrusang gapos ng serpyente di mahabag.

At mula sa mga bitak ng estatwa, dumaloy ang dugo, isang ilog na pula na bumuhos sa langit at lupa, tanda na malapit nang darating ang sakuna.

Ang serpiyente ay patuloy na pumilipit, ang mga piraso ng estatwa ay nagsimulang lumipad sa himpapawid. At ang dakilang salamin ng pag-iral ay tinamaan ng mga pira-piraso.

Sa isang malakas na pagyanig, ang salamin ay sumabog sa mga piraso, ang mga pira-pirasong iyon ay lumagapak sa dilim. At ang mga kaharian, na dati'y nakaayos, ay naglaho sa kaguluhan, nawalan ng landas sa walang hanggan.

Pitong estatwa. Pitong ulo ng serpyente. Dugong umagos na naging ilog at lawa. Sa pagbasag ng salamin, hiwaga’y nagbabanta. Bawat piraso ay sumpa, bawat patak, dulot ay salanta.

ఌ︎ఌ︎ఌ︎

Hinihingal akong nagising at agad na napabangon mula sa kinahihigaan kong kama. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang pagkirot ng sugat ko sa may kanang braso.

Nang tignan ko ito ay nakabenda na ito ng puting tela.

Napasuklay ako ng buhok ko habang unti-unting tumayo mula sa kama at kinuha ang damit kong nakalagay sa may salamin.

Nang matitigan ko ang sarili ko doon, napahinto ako. Pinagmamasdan ko ang sarili kong repleksyon. Mula sa mukha ko pababa sa leeg at dibdib kong pawisan.

Bakas sa mukha ko ang mga pasang natamo sa labanan namin kagabi nung babae.

Napatigil ako nang maalala ulit siya, pati na rin ang huli niyang sinabi. Napakuyom ako ng kamao habang nagsimula nang magngitngit ang nararamdaman ko.

Kitang kita ko sa salamin ang mga mata kong nagsisimula ng umilaw. Nagsisimula nang magpakita ang simbolo doon. Nanginginig ang katawan ko habang ramdam ko ang pamamawis sa aking noo.

Hindi. Hindi ako naniniwala sa pinagsasabi ng babaeng iyun. Nagsisinungaling lang siya. Sinadya niya iyun upang paglaruan ako.

Unti-unting pumusyaw ang repleksyon ko. Tila tubig na napatakan ay nagsimula itong umalon hanggang sa lumabas doon ang babae.

"Ikaw ang pumatay sa lolo mo" sabay tawa nito.

Iniling ko ang ulo ko at pinukpok ang aling sentido.

Hindi. Hindi ako! Paano ko iyun magagawa sa lolo ko? Nagsisinungaling lang siya.

Isang pangyayari ang biglang lumitaw sa salamin.

Ako iyun. Nakaschool uniform pa ako at sa pagkakaalala ko ay Grade 10 ako nang panahon na yan. Nagliliwanag ang mga mata ko. Sinubukan akong pigilan ni lolo.

Iyun lang at bigla agad nawala kasabay nang pagbabalik ng repleksyon nung babae at humalakhak ng malakas.

"Hindi yan totoo!" sigaw ko. "Hindi ko yan magagawa kay lolo. Nagsisinungaling ka lang!"

Ngumisi naman ang repleksyon ng babae. "Hindi mo talaga maaalala. Dahil binura ko ang memorya mo nang mga panahong iyan."

Dahil sa inis at galit at sinuntok ko ang salamin. Kahit bumitak na iyun sa pagkabasag ay patuloy pa rin sa paghalakhak ang babae na tila tuwang tuwa sa kamiserablehan ko. Kahit hindi na maitsura ang mukha nito dahil sa pagkabasag ng salamin ay patuloy parin ito sa panunuya ng halakhak.

"Tumigil ka na! Tumigil ka na!" naluluhang sigaw ko sa inis habang umaagos na ang dugo sa kamao ko dahil sa patuloy kong pagsuntok sa salamin.

"Vion!" rinig kong malakas na sigaw ni Talas at kaagad na nilapitan ako.

Mabilis niyang niyakap ang likuran ko saka inilayo ako sa may salamin.

"Papatayin kita! Papatayin kitaaaa!" sigaw ko habang nagpupumiglas mula sa pagkakakulong sa akin ni Talas.

Ngumisi lang ang babae at tuluyan nang nawala ang repleksyon nito.

"Vion! Vion! Kumalma ka! Kumalma ka!" pagpipigil sa akin ni Talas hanggang sa tuluyan na akong napahagulhol sa balikat ni Talas.

"Anong nangyari?" tanong ni Janus na kakapasok pa lang.

Sumunod rin sina Calen at Josiah na nagulat sa nakitang mga basag na salamat at dumudugo kong kamao.

"Vion!" nag-aalalang tawag sa akin ni Josiah.

Ngunit napatigil ito nang makita si Talas na yakap yakap ako habang pinapatahan.

"Hindi! Hindi! Hindi ako ang pumatay kay lolo. Nagsisinungaling lang siya. Ginugulo lang niya ang isip ko."

𓁹𓁹𓁹

"Uminom ka muna ng tubig,"

Napaangat ako ng tingin kay Talas na ngayon ay seryoso ang mukha habang inaabutan ako ng tubig.

Kinuha ko naman kaagad iyun saka uminom. Napatingin ako sa kanya nang maupo siya sa gilid ko saka naglabas ng first aid kit.

"Gagamutin ko ang sugat mo," wika niya saka kinuha ang kamay ko at tinignan ang sugat doon sa kamao.

Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nilapat niya ang kanyang palad sa sugat ko at sa isang iglap ay gumaling agad ang mga sugat doon.

Gulat ko naman siyang tinignan.

"Huwag kang magulat. Wala pa iyan sa katiting ng kaya kong gawin. Pitong Diyos at Diyosa na ang pinagsilbihan ko. Hindi ko man naalala ang mga pangyayaring iyun ngunit nananatili naman sa isipan ko ang mga natututunan ko sa kanila," kwento nito.

Suminghot naman ako para pigilan ang pagtulo ng sipon ko. Kaya ayokong naiiyak eh. Sinisipon agad ako.

"Share mo lang," sagot ko naman saka uminom ulit ng tubig.

"Share mo lang share mo lang ka diyan. Ibalik ko kaya yang sugat mo," sabay amba nito ng hampas sa akin ng dalang first aid kit kaya mabilis akong napasalag agad.

"Aba! Baka nakalimutan mong ako ang Panginoon ako" banta ko dito.

"Oh tapos? Wala ka namang naiambag sa akin. Gaya ng sabi ko kanina. Ang mga kakayahan ko ay natutunan ko lang sa mga Panginoong pinagsilbihan ko. Ang pagpapagaling ko ng sugat mo ay kakayahang natutunan ko sa Diyos ng Araw na si Apolaki. Ang pagbubura ko ng ala-ala ay natutunan ko sa Diyosa ng Buwan na si Mayari."

Nakapameywang kaagad itong hinarap ako. Hala! Parang alam ko na ang sunod na sasabihin nito.

"Eh ikaw anong naiambag mo sa mga kakayahan ko?" tanong nito.

"A-ambag? Ano ba aahhmm. Pagiging pogi?" tanong ko din pabalik sa kanya.

Napasalag ulit ako nang inambahan ulit niya ako ng hampas. Nakanguso lang akong nakatingin sa kanya.

Ako kaya nagpakain sa kanya. Laking ambag na yun ah. Sa mahal ba naman ng bilihin ngayon dahil sa inflation.

"Turuan kita life hacks. Gusto mo?" sigaw ko sa kanya ngunit hindi man lang ako pinansin.

"Turuan kitang kumita ng walang nilalabas na pera?" tanong ko ulit sa kanya.

Nababasa ko yun sa mga facebook page eh. Comment labg daw ako ng how may 1k na agad.

Umalis kaagad ito at tuluyan na akong di pinansin para ibalik sana ang first aid kit nang pagbukas nito ng pinto ay nagsitumbahan naman sa sahig sina Josiah, Caleb at Janus.

"Anong ginagawa niyo?" kunot noong tanong ni Talas sa kanila.

"B-Bossing. Ikaw pala" hilaw na ngiting bati naman ni Josiah at patayong nagpagpag agad ng sarili.

"Naninilip ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Hindi ah. Parelevant ka. Pake namin sa inyo. Diba?" sabay lingon niya kina Caleb at Janus.

Palihim pa niyang siniko ang mga ito kaya naman mabilis na napatango tango ang dalawa.

Nakatingalang nakatitig lang ang dalawa kay Talas. Puno ng pagkamangha. Bukod sa litaw na litaw ang puting buhok nito ay napakantangkad rin nito.

"Grabe pwede na siyang mag NBA" manghang sabi ni Josiah habang sinusundan ng tingin si Talas.

Nang tuluyan na ngang nakalabas si Talas ay nagkukumahog kaagad na lumapit sina Josiah sa akin.

Kunot noo ko naman silang tinapunan mg tingin habang patuloy kong iniinom ang tubig na hawak ko.

"Aha! Di na talaga ako magkakamali. Siyang siya yun. Yung nakita kong nakapatong sayo. Diba? Dibaaaa??? Jowa mo no?" gigil na tanong ni Josiah sa akin.

"Anong jowa? Hindi nga! Ano bang pinaglalaban mo?"

"Denial ka pa. Umamin kana kasi. Sige naaaa. Sige naaa~ Sayang 1k ko" nagmamakaawang bulong niya sa huli sabay hawak nito sa kamay ko.

Nilakumos naman ni Caleb ang nguso at mukha ni Josiah saka tinulak ito ng mahina palayo sa akin.

"Di mo lang matanggap na natalo ka ng 1k eh. Huwag mo ngang guluhin si Vion" bulyaw ni Caleb dito.

Napakunguso nalang si Josiah at naghimutok sa may gilid.

"Vion! Okay ka lang ba talaga? Alam mo namang pwede kang magkwento sa amin ni Josiah. Huwag mong sarilinin kong may pinagdadaanan ka" sabay himas ni Caleb sa balikat ko.

"Okay lang ako bro. Salamat sa pag-aalala."

"Eh sino yun? Yung puti ang buhok. Di naman namin yun nakitang pumasok kanina ah at yakap yakap mo pa. Di mo talaga boyfriend yun?" mahinang tanong niya sa akin.

Napailing nalang ako saka siniko siya na ikinangiwi nito habang sapo sapo ang tiyan.

"Hindi nga!" pagtanggi ko.

"Ba't mo niyayakap?" tanong naman ni Josiah na biglang sumulpot sa likuran namin na pareho naming ikinaigtad ni Caleb.

"Nakakagulat ka! Nakakagulat ka!" inis na hampas sa kanya ni Caleb ng unan.

"Aray! Ano ba!" reklamo naman ni Josiah habang sinasalag ang mga hampas ni Caleb.

"Oh! Vion. Bat mo siya yakap yakap habang umiiyak. Di talaga ako naniniwalang di mo siya jowa," sabay pinagkrus nito ang mga kamay.

"Umiiyak ka din naman habang yakap yakap mo si Vion. S-so  m-magjowa din k-kayo nun?" mahinang tanong ni Janus na tahimik lang kanina pa sa may gilid.

"H-ha? D-di ah. Y-yuck sino ba yan para yakapin ko. Hoyyy!" sabay duro ni Josiah kay Janus.

"Di ba pinabibili kita ng makakain natin. Go na! Shooo!" taboy nito kay Janus.

"Tapos na kaya. Kanina pa!" sabay nguso nito sa mga pinamiling nasa mesa.

"Ang bilis naman" takang tanong ni Josiah.

"Mabilis talaga ako" ngisi naman ni Janus at lumabas na ng tuluyan sa kwarto.

𓁹𓁹𓁹

"May kilala kang ganun?" tanong ko kay Talas.

Palakad-lakad lang ito sa harapan namin ni Janus habang hawak-hawak ang panga at nag-iisip.

Nasa may rooftop kami ng apartment. Pagkatapos akong guluhin  ung dalawa ay tinawag ko kaagad si Talas para kausapin.

"Dalawa lang ang nilalang na natatandaan kong kayang magpalit ng wangis o nagbabalatkayo. Ang mga Hunyango at ang Hukluban"

"Hunyango?"

"Oo. Sila yung mga nilalang na kayang magbalat kayo o gumaya ng wangis ng tao. Sa mga kagubatan sila naninirahan at kadalasang biktima nila ay mga mangangasong inaabutan ng gabi. Kaya rin kasi nilang magmukhang bahagi ng paligid kaya mahirap silang makita"

"Ang Hukluban naman ay isa sa mga anito ng kadiliman at tagapagpatay. Isang matandang babae na may kakayahang magbago ng anyo at magdala ng kamatayan sa kanyang mga biktima sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanila o paghipo sa kanilang katawan. Kilala rin siya bilang pinagmulan ng mga Hiloanon"

Napaisip ako sa mga sinabi ni Talas. Hunyango? Hukluban?

"Bakit mo ba naitanong ang mga iyun?" tanong sa akin ni Talas.

"W-wala naman" sabay yuko ko.

"Alam kong may bumabagabag sayo. Tungkol ba ito kanina?" tanong niya ulit.

"Nababasa ko rin ang isipan mo kaya wala kanang dahilan para maglihim pa. Paano kita matutulungan kong sinasarili mo ang mga problema mo"

"Y-yung babaeng nakalaban ko kahapon. Kaya niyang magpalit ng anyo. Nagpalit anyo siya bilang bulag na babae kagabi kaya nahirapan akong gamitin ang kapangyarihan ko"

"May sinabi ba siya sa iyo na nakapagbagabag sayo ng ganito?"

"O-oo" saad ko sabay tango.

"Pinatay ko daw ang lolo ko... At.. at hindi ko daw iyun naaalala dahil binura niya ang ala-ala ko."

Muli kong naramdaman ang bigat sa puso ko.

Konsensya? Pagsisisi? Takot na kung sakali mang totoo iyun.

"Kung totoo man iyun. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

"Kung ganuon alamin natin"

Napatingala ako kay Talas at sinubukan isipin ang sinabi niya.

𓁹𓁹𓁹

"Isa ito sa kakayahang itinuro at ibinahagi sa akin ng Diyos ng Karagatang si Amanikable. Ang kamalayan ay tila isang malalim na karagatan lamang na maaari mong sisirin."

Kunot noo naman ako napatingin sa kanya habang para akong batang nakaupo at nakalublob sa plangganang may tubig.

Si Janus naman ay abala sa paglalagay ng tubig sa planggana gamit ang balde.

"Ano namang konek nito. Sa tingin mo makakasisid ako dito?" tanong ko sa kanya.

Napatigil naman ito sa ginagawang pagpapatulis ng sanga ng kahoy saka hinarap ako.

"Alam mo? Tumahimik ka nalang" sabay balik ulit nito sa ginagawa.

"Ayy attitude to ah. Wala kang galang sa nagpapakain sayo!" bulyaw ko sa kanya.

"As if naman masarap ang pinapakain mo" bwelta niya rin pabalik sa akin.

"Walang utang na loob"

"Panget!" sigaw niya sa akin

Nanlaki naman ang mata ko at napahawak sa dibdib ko. How dare him. Kung alam ko lang na ganito siya, tiniris ko na sana siya nung nag-anyong paru-paro siya.

Kapal talaga ng mukha! Gigil na gigil ko siyang inambahan ng kamao habang napailing-iling nalang si Janus dahil sa ginagawa namin.

"Tagal pa ba yan? Giniginaw na itlog ko dito oh" parinig ko sa kanya.

Tumayo naman kaagad si Talas habang bitbit ang apat na pirasong mga kahoy at ibinaon iyun  sa bawat gilid.

May inilabas siyang parang asin sa kanyang bulsa at ibinudbud iyun pabilog sa plangganang kinauupuan ko.

"H-Hoy! A-ano yan? Di mo naman siguro ako k-kukulamin no?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Proteksyon ito sayo. Ito nalang ang natirirang abo mula sa sigarilyo ng kapre ang pinanghalo ko sa asin. Isa ito sa tinuro sa akin ng mga Babaylan upang pantaboy sa masamang espirito na maaaring umatake sayo"

"B-Bakit naman may pa espirito? A-Ano bang gagawin natin?"

"Papasukin natin ang kamalayan mo at aalamin natin kung totoo ba ang sinasabi ng babae sayo. At para gawin iyun, nagiging walang malay ang sarili mo dahil hihiwalay sa iyo ang ispirito mo. Sa mga oras na iyun, bulnirable ang katawan mo at umaakit iyun ng mga ligaw na espiritong naghahanap ng papasukang katawan. At dahil wala kang espirito ikaw ang magiging target nila. Kuha?"

"Mawawalan ako ng espirito. May aatakeng masamang ispirito sa katawan ko para sumanib. Mamamatay ba ako?"

"Alam mo? Tumahimik ka na nga lang" naiiling nalang na sabu ni Talas at nilapat ang hinlalaki nito sa noo ko.

"H-Hoy! A-Ano ba. Pwede magback-out nalang?"

"Janus. Bantayan mong maigi ang katawan ni Vion. Ikaw ang aasahan namin para sa kaligtasan niya kung sakaling may aatake. Nasa mga kamay mo ang buhay namin"

Napalunok nalang si Janus habang kinakabahang napatango tango.

"H-Hoyyy. Wag na nga lang nating gawin ito---"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, kaagad na nagliwanag ang hintuturo ni Talas. Hindi ko alam pero bigla nalang binalot ang kadiliman ang paningi  ko at nararamdaman ko ang unti-unting paglubog ng katawan ko hanggang sa higupin na nga ako nito pailalim.

Bwakanangshit!

Hindi ako marunong lumangoy! Jusko! Paanong naging sobrang lalim na nung planggana.

Sinubukan kong igalaw ang paa at mga kamay ko ngunit mas lalo lang akong hinihila pababa ng tubig.

Nang imulat ko ang mga mata ko. Nakita ko ang paglangoy ni Talas papalapit sa akin.

Sinubukan ko ulit na pumiglas at lumangoy paitaas ngunit wala pa ring nangyayari. Tuluyan nang nanghina ang katawan ko. Nagsimula na ring bumigat ang mga talukap ng mata ko.

Ngunit bago pa may mangyari ay hinawakan agad ni Talas ang magkabila kong pisnge at nilapat ang labi niya sa labi ko.

May kung ano siyang nilabas mula sa bibig niya na pumasok sa akin dahilan kung bakit nakahinga ako. Ngunit ang kinagulat ko ay nasa ilalim pa rin kami ng tubig kaya bakit ako nakakahinga?

"Wag mong iluluwa iyan. Birtud ng mga sirena iyan. Kaya ka humihinga sa ilalim ng tuig dahil s
diyan"

"T-Teka bat nakakapagsalita ka?"

Napatakip ako sa bibig ko nang mapagtanto rin  ang ginawa ko.

"Konektado ang isipan natin dahil sa bertud. Halika na. Kailangan nating magamadali. Hindi natin alam kung anong mangyayari sa katawan mo kapag natagalan tayo dito."

Tumango tango ako. Hinawakan kaagad ni Talas ang kamay ko at nagsimula na kaming sumisid sa malalim na tubig.

Ilang minuto pa lang kaming sumisisid nang may liwanag agad na sumalubong sa amin. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkamangha nang makitang tila mga umiilaw na parang mga sinulid ang sumulabong sa amin.

Napakarami nun. At lahat ng iyun ay tila gumagalaw kasabay ng tubig habang nagliliwanag ang mga ito.

"Narito na tayo sa kaisipan mo. Sa pinakagitna niyan ay ang kamalayan mo o ang consciousness"

Hindi ko magawang hindi mamangha sa nakikita ko nang makarating na kami ni Talas sa sinasabi niyang isip ko.

Ang bawat sinulid na umiilaw at pinapakita doon ang mga alaala ko—mga piraso ng nakaraan ko. May ilang mga sinulid na nakalutang lang sa paligid, habang ang iba ay tila hinahabi at nagiging mas malinaw.

"Napakaganda," bulong ko. "Sa akin... ang mga to?"

"Oo," sagot ni Talas, na naririnig ko pa rin sa aking isip. "Iyan ang mga alaala mo. Kailangan nating makarating sa pinakagitna, sa iyong kamalayan

"Ang ganda," bulong ko habang patuloy kaming lumalangoy ni Talas sa gitna ng mga sinulid ng alaala ko.

"Mag-ingat ka, Vion. Hindi lahat ng nakikita mo ay dapat mong galawin," babala ni Talas.

Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Hinawakan ko ang isang sinulid na tila kumikislap ng maliwanag. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang hilab sa puso ko.

Napanood ko ang aking sarili, batang-bata pa, tumatakbo sa likod ng aming bahay kasama si lola habang si Lolo naman ay hinahabol kami. Napakasaya ko noon. Napaluha ako.

"Lolo" bulong ko.

"Hindi ito ang tamang panahon para magmuni-muni. Kailangan nating makaalis agad dito Vion. Tara na," sabi ni Talas, hinihila ako palayo sa sinulid na iyon.

"Pero bakit ganito? Bakit parang may mga sinulid na tinatahi pa rin?" tanong ko habang itinuturo ang isang bahagi kung saan may mga sinulid na tila binubuo pa lamang.

"Iyan ang mga alaala at karanasang hindi mo pa natatapos, o mga pangarap na hindi mo pa naaabot. Patuloy ang pagbuo niyan hangga't ikaw ay nabubuhay," paliwanag niya.

"Ang ibig sabihin ba nito ay pwede kong baguhin ang mga nangyari na?" tanong ko, puno ng pag-asa.

"Hindi, Vion. Hindi mo mababago ang nakaraan, pero maaari mong pag-aralan at maintindihan ang mga ito."

Tahimik akong tumango at sumu od na kay Talas habang tinatahak namin ang daan papunta sa mas maliwanag na bahagi.

Habang papalapit kami, nagiging mas maliwanag ang mga sinulid, at mas malinaw ang mga alaala. Napansin ko ang ilang pamilyar na mukha, mga pangyayari mula sa aking kabataan, at pati na rin ang mga sandali ng aking buhay na halos nakalimutan ko na.

"Narito na tayo," sabi ni Talas.

"Sinasabi ko na nga ba. Hindi niya binura ang ala-ala mo Vion."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya

"Hindi niya nabura ang alaala mo. Hindi niya kayang gawin iyon. Ang ginawa niya lang ay ikandado ito sa pinakailalim ng iyong kamalayan."

"Paanong... bakit?" nalilito kong tanong ko.

"Ang pagbura ng alaala ay isang kapangyarihan na tanging mga Diyos lang ang nakakagawa. Sa kaso ko hindi ko talaga binura ang ala-ala ni Caleb nung gabing iyun kundi kinandado ko lang sa ilalim ng kamalayan niya at iyun ang ginagawa nung babae sa iyo."

"Kinandado niya iyun upang hindi mo magawang maalala ito."

"Ang sabi nung babae ay nagbukas na noon pa man ang kapangyarihan ng mata ko. Dahil sa pagbura niya ng ala-ala ko kaya raw hindi ko na matandaan kung paano iyun gawin maging ang ang pagkakaalam ko sa kapangyarihan ko."

Nanlaki naman ang mga mata ni Talas sa narinig.

"Ano pa ang sinabi niya?" tanong niya na parang nag-aantay sa sagot ko.

"Na hindi daw dapat nilang malaman ang tagna ng aking ina kaya gagawin niya ang lahat para mapatay ako"

"Tama!"

"Ha? Animal ka ba! So tama lang na patayin ako? Wala ka talagang utang na loob. Sana pinasiopao nalang kita nung pusa ka pa!"

"Hindi! Mukhang alam ko na kung bakit ikinulong niya ang ala-ala na yan" sabay turo nito sa isang tilang puting bola na pinapalibutan ng itim na mga sinulid.

Gumagalaw pa ito at sumusubok na kumawala ngunit mas lalo lang naghihigpit ang itim na sinulid.

"Sinabi niyang noon pa man ay nagbukas na ang mga mapagpala mong mata. Na naabot mo na ang pinakapotensyal ng kapangyarihan mo. Kung ganuon nga malaki ang tyansa na noon pa mab ay alam mo na. Nakalimutan mo lang ngayon dahil ikinulong ang mga ala-ala mo nung babae na iyun."

"Anong noon pa man alam ko na?" tanong ko.

"Kaya kinulong ng babae ang ala-ala mo nung mga panahon na iyun dahil..."

"Ang ala-ala na iyan ay naglalaman ng tagna ni Dalikmata."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro