Chapter 12 | The Unleashment of Darkness
VION
ᜋᜒᜆᜓᜎᜓᜑᜒᜌ ᜐᜒᜇᜒᜁᜐ᜔
MABILIS kaagad na sumugod sa direksyon ko ang babae. Medyo napaatras pa ako sa gulat dahil habang tumatakbo ito papalapit sa akin ay may kung ano itong nilabas na bagay sa kamao nito.
Isang knuckle brass!
Napakatulis nun at kumikinang pa ito sa liwanag ng buwan. Wala akong dala na kahit ano kaya hindi ko alam kung papaano i-counter ang babaeng ito.
Tumigil kaagad ito medyo may kalayuan pang distansya mula sa harapan ko at tinutok sa akin ang kamao niya.
A-anong gagawin niya?
Nanlaki ang mga mata ko lalo nang magsiliparan ang mga matutulis na parte nito at parang bala na nagsiliparan papunta sa akin.
Mabilis akong napaliyad para iwasan ang mga iyun. Tila nagslow mo pa sa akin yung isa na kamuntikang dumaplis sa pisnge ko. At ang mas lalong kinagulat ko ay nagsibalikan ang mga iyun sa kamao ng babae matapos tumama sa pader.
Ramdam ko pa rin ang malakas na kabog sa aking dibdib dahil muntikan na iyun. Mabuti nalang at hindi agad ako tumayo kung hindi, ewan ko nalang. Tatama lahat ng mga iyun sa likuran ko
"Shit!" gulat kong sigaw ng may sumipa sa tuhod ko.
Dahil sa kaba ay hindi ko na napansin na sinugod na pala ako ng babae. Sunod-sunod agad na sipa ang pinakawalan nito na sinasangga ko lang gamit ang mga braso ko.
"Ano, hanggang sangga ka nalang? Akala ko ba napakalakas ng anak ng Diyosa ng mga mata. Muntik mo pa nga akong mapatay nun," giit nito at tinalunan ako habang nakahiga sa lupa
Tinuon kaagad nito sa akin ang mga kamao niya. Mabilis akong gumulong kaya sa lupa kung saan ako nalahiga kanina nagsibaunan ang mga matutulis nitong tusok.
"Sino ka ba? Wala akong alam sa pinagsasabi mo," sigaw ko dito.
Ngumisi ito at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri habang nagsisibalikan ulit sa kamao nito ang mga tusok na nasa lupa.
"Oo nga pala. Binura ko ang ala-ala mo. Kaya hindi mo ako makikilala o matandaan man lang ang pagtatagpo natin noon."
"Kung sino ka man. Wala na akong pake. With what are you doing right now. I bet we don't share a good memories," wika ko sa kanya.
Ngumisi siya at tumalon ulit sa pwesto ko. Sunod sunod na suntok at sipa ulit ang pinakawalan niya. Patuloy lang ako sa pag-ilag at salag sa mga ginagawa niya.
Ang atensyon ko ay nasa matutulis na bagay lang sa kamao niya. Ayokomg malingat doon. Dahil isang maling galaw ko lang. Maaaring bumaon iyun sa katawan ko at katapusan ko na.
Habang iniiwasan ang mga atake niya, may kung ano akong napansin. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako pero kaagad kong iniling ang ulo ko at nagfucos ulit sa kanya.
Nang makakuha na ako ng tyempo, isang malakas na suntok ang pinatama ko sa ilong niya na ikinaatras nito.
Hinihingal siyang napaatras habamg sapo sapo ang ilong. Inis niya akong tinapunan ng tingin habang pinupunasan nito ang dugo sa ilong.
Napangisi ako nang mapansin ko ang kakaibang nangyari kanina. Mukhang natukoy ko na ang kahinaan ng kapangyarihan niya.
At isa pa, magaling lang siya sa pag-atake ngunit mahina ang depensa niya kaya madali lang din siyang macounter-attack.
Kanina habang inaatake niya ako, para siyang nagglitch. Mga ilang seconds na bumalik siya sa dating anyo. Kasing bilis lang nun ang isang kisap mata.
At ngayon mukhang napinpoint ko na ang kahinaan niya. Kapag napapagod siya, bumabalik sa dati ang anyo niya.
Hindi niya ba ito naisip. Kung ganito pala ang kahinaan niya. Mas nagfocus sana siya sa pagdedepensa at hindi sa pag-atake dahil mas nakakaubos iyun ng lakas.
"Okay! Tapos na ang warm up ko. Mukhang kailangan na kitang seryosuhin," sabay ikot ko sa balikat ko at inikot rin ang leeg ko.
Mabilis siyang tumayo at kaagad akomg sinugod. Mabilis kong naiwasan ang unang sipa niya at tumagilid sabay sinapol ang balikat niya at hinawakan iyun saka pinaikot siya at binalibag sa lupa.
Napaungot naman ito nang mahiga ito sa lupa.
Nakangisi ko lang siyang tinignan habang pinaikot ikot ko ang braso ko. Napakapredictable ng galawan niya at kung ano ang una niyang ginagamit sa pag-atake.
"Akala mo nakalamang ka na."
Tumayo ito at ngayon ay dalawang kamao na ang tinutok sa akin saka pinalipad ang matutulis na tusok sa knuckles nito. Habang iniiwasan ko ang mga iyun ay ay sumugod naman siya sa akin at inatake ako.
Nasapol niya ang tiyan at ang hita ko habang may dumaplis naman sa aking balikat. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin dun. Napahinga ako ng maluwag nang makitang damit ko lang ang nahiwa nun.
Napatingin ako sa relo ko. At nakitang sampung segundo nalang. Patuloy kong sinasalag ang mga atake niya.
Kasabay ng pagkaubos ng segundo ay ang pag glitch ng kapangyarihan niya. Ilang segundo lang din ang itatagal ng pagbabalik ng kanyang dating anyo kaya mabilis ko agad na pinagana ang kapangyarihan ng mata ko.
Saktong malapit ng lamunin ng pagbabalik ng anyo niya ang kanyang mata nang matitigan ko iyun at napasailalim agad siya sa hipnotismo ko.
"Gotcha!" nakangisi kong sabi.
Kanina nang mapansin ko ang kahinaan ng kapangyarihan niya ay kinalkyula ko na rin kung kada ilang minuto iyung nangyayari at ilang segundo ang itatagal.
Sa paglalaban namin dun ko nalaman na kada limang minuto naggiglitch ang kanyang kapangyarihan at nagtatagal lamang iyun ng limang segundo.
Napangisi ako habang nakatingin sa nagliliwanag nitong mata. Kinuha ko iyun na pagkakataon para atakehin siya.
Mabilis itong napahiga sa lupa sa iilamg suntok at sipa na ginawa ko. Hinihingal ko siyang tinignan at uutusan na sana nang biglang may dumaplis sa balikat ko.
Isang piraso nung tusok na bumalik sa kamao nung babae. Napaubo kaagad ito nang makawala ito sa hipnotismo ko habang ako naman ay kaagad na napatigil.
Napapikit ako hindi dahil sa sakit kundi naaamoy ko na naman ang pamilyar na amoy.
Dugo!
Isang ngisi kaagad ang pinakawalan nung babae habang sinusubukan nitong tumayo. Kaagad itong nagpalit ng anyo bilang bulag habang sapo ang tiyan niya.
"Matalino ka Vion. Kaagad kang nakaisip ng ideya kung paano makalamang sa akin. Ngunit kung tuso ka ay mas tuso ako."
"Sa unang tira ko sayo nung mga patalim nag-iwan ako ng isang piraso na nakatarak lang sa pader. Hindi mo ata napansin na tanging siyam na piraso nalang iyung nakabalik sa mga kamao ko"
"Alam kong tuso ka kaya inunahan na kita" sabay tawa nito.
"Magaling ka Vion ngunit mahina ka sa dugo. Kahit hindi ako nakakakita ay nararamdaman ko ang takot mo. Hindi ka pa rin nagbabago. Takot ka pa rin sa dugo. Kaya kahit papaano ay nalalamangan kita noon dahil sa takot mo na yan."
Nanginginig ang katawan ko habang sapo sapo ko ang balikat ko. Pinagpapawisan ako at nagsisimula nang umikot ang paningin ko dahil sa amoy ng dugo.
"Dahil ba iyan sa lolo mo?".
"Tumahimik kaaaa" galit kong sigaw nang mabanggit niya ang lolo ko.
Ngayon, napatunayan ko nang hindi siya nagsisinungaling dahil maging ang tungkol sa takot ko sa dugo at sa lolo ko ay alam niya.
Hindi ko alam kung anong koneksyon ko sa kanya noon para malaman ang lahat ng mga bagay na tanging ako lang ang nakakaalam.
"Gusto mo bang makarinig ng sekreto na nawala na sa ala-ala mo?" mahina nitong sabi sa akin habang hinahawakan ang balikat ko at nagpaikot ikot ng lakad sa akin.
"Paano kung sabihin kong hindi talaga ang Batibat ang pumatay sa lolo mo" bulong nito sa tenga ko saka humalakhak.
"A-anong p-pinagsasabi mo?" Ramdam ko na ang panginginig ng katawan ko at anumang oras ay mawawalan na ako ng malay.
"Paano mo nalaman ang bagay na yun. Ako lang ang nakakita nun?" salubong ang kilay kong tanong sa kanya.
"Sabihin nalang nating alam ko kasi ako ang gumawa ng memorya na yun sayo?" patanong nitong sabi sa akin at ngumisi ulit.
"Vion! Vion! Hindi lang pagpapalit ng wangis ang kaya ko. Kaya ko ring palitan at manipulahin ang ala-ala mo"
"Ibig sabihin...."
"Tumpak! Gawa gawa ko lang ang ala-ala na iyun"
"P-paano"
Napapikit nalang ako sa tindi ng pagkahilo na nararamdaman ko. Sinubukan ko pang padilatin ng matagal ang mata ko ngunit tanging amoy ng dugo nalang ang naglalaro sa utak ko.
"Paano kung sabihin kong... ikaw, ang pumatay sal lolo mo Vion"
Napatingin ako sa kanya. Napatulala. A-Ako?
Kahit nahihilo na ay malinaw na malinaw pa rin sa akin ang narinig ko. Malawak lang ang ngisi nung babae nang makita niya ang reaction ko saka tuluyan ng umalis.
Sinubukan ko pang tumayo para habulin siya ngunit hindi na kaya ng katawan ko.
Ako? Ako ang pumatay sa lolo ko. Paanong. Hindi. Hindi...
"Vion!"
Tanging pagsigaw nalang ni Talas ang huli kong narinig bago tuluyang lamunin ng kadiliman ang paningin ko
𓁹𓁹𓁹
Nanginginig sa galit at inis ang lalaki habang nakaupo sa swivel chair nito at pinapanood ang isang video clip sa isang cellphone.
"Bwesitttt!" sigaw nito saka binato ang cellphone.
Dumaan pa ito sa gilid ng mukha ng kaharap nitong lalaki. Kaagad itong napaigtad nang marinig ang pagkabasag ng baso sa likuran na tumama sa pader.
"Bwesit!"
Napahilamos ng mukha ang lalaki ang lalaki sabay tayo at nagsalin sa baso nito ng alak. Mabilis nitong nilagok ang iniinom at nang maalala ulit ang napanood ay binato niya ulit ang dalang baso sa glasswall ng opisina.
Dumagundong sa loob ng opisina ang pagkabasag ng baso habang nakapameywang na nagpalakad-lakad ang lalaki.
"Hindi ba! Hindi ba pinag-utos kong patayin na yang anak ng Hukluban na iyan. Malaking sagabal talaga siya sa plano ko," galit na galit na sigaw ng lalaki.
"Napakatuso niya. Hindi namin siya nakikilala dahil paiba-iba ang kanyang wangis!"
"Bwesit! Manang mana talaga siya sa traydor niyang ina. Matagal na sana nating nalaman ang tagna ni Dalikmata kung hindi lang binura ng lintek babaeng iyun ang ala-ala ng batang iyun. Napakalapit ko na sa plano ko. Hawak hawak ko na pero sinira niya lang. At ngayon balak niyang gawin ulit?"
"Anong gagawin natin? Mukhang determinado siyang mapatay ang anak ng Diyosa ng mga Mata. Mukhang hindi na siya mag-aaksaya pa ng panahon."
Diretsong nilagok ng lalaki sa bote ang pag-inom ng alak saka padabog itong nilapag sa lamesa habang pinupunasan ang bibig.
"Oo dahil alam niya kung gaano kaimportante sa atin ang batang iyun. Alam niya kung gaano kahalaga ang tagna ni Dalikmata sa atin. Kaya gagawin niya ang lahat para sirain ang plano natin ang maipaghiganti ang ina niya"
"Hindi na ako makakapayag na maunahan niya tayo sa batang iyun. Ngayon din ipatigil mo agad ang pangangalap ng kaluluwa sa ibang bansa."
Napatigil naman ang kausap na lalaki at napaangat ng tingin dito.
"Ngunit kakasakay palang ng mga aswang ngayon sa cargo ship na ipapadala sa Japan at Korea."
"Sabihan mo si Agnes na pabalikin sila. Kailangan ko ng maraming aswang ngayon. Kailangan na nating malaman ang tagna ni Dalikmata at hindi natin magagawa iyun kung hindi pa bumabalik ang ala-ala ng anak ng Diyosa ng mga Mata."
"Anong plano?"
"Kung palagian niyang nagagamit ang kanyang kapangyarihan. Malaki ang posibilidad na makatulong iyun sa unti-unting pagbalik ng kanyang ala-ala. Kaya gagambalain natin ang mapayapang siyudad na ito. Tayo ang gagawa ng paraan para magbalik ng tuluyan ang ala-ala niya."
Mabilis na umalis kaagad ang lalaking kausap upang isagawa na ang inuutos nito habang naiwan naman ang lalaking nasa mesa lang at binubuo na ang plano sa utak niya.
Mabilis siyang napatingin sa higanteng estatwa ni Alvak na nasa loob ng opisina nito. Ang Diyos ng Kadiliman, Kasakiman at Kasalanan.
"Malapit na Ama. Malapit ko nang maisagawa ang plano. Malapit na kitang mabuhay muli. Kunting hintay nalang at magkikita ulit tayo," giit ng isip niya habang nakamasid sa estatwa ng ama.
Matagal na panahon na simula ng mapaslang ito ng Kataas-taasang Bathala ng Santinakpan. Ang katawan nito ay inilibing sa ilalim ng dagat na may pitong bundok ang lalim. Sa tulong ng itim na espirito ng jaragatan ay muling nakuha niya ito.
Mula noon ay sinimulan na niyang buhayin ang katawan ng ama. Nangangalap siya ng espirito na ipapakain dito. Matagal na panahon na niya iyung ginagawa at kunting kaluluwa nalang ay tuluyan ng mabubuo ulit ang katawan nito.
Ang iisipin nalang niya ay kung paano hahanapin ang pitong kamalayan na hinati ng Bathala at sinaboy sa ibat-ibang parte ng Santinakpan.
Kung wala ito ay walang silbi ang pagkabuhay ng kanyang ama dahil tanging katawan lamang nito ang mabubuhay ngunit walang kamalayan.
At nalaman niyang nakasaad sa tagna ni Dalikmata kung saan ito makikita. Iyun lamang ang alam niya ngunit alam niyang may mas higit pa doon dahilan kung bakit itinago ng Diyosa ng mga Mata sa lahat ang tungkol sa nakikita nitong tagna. At iyun ang aalamin niya sa oras na bumalik na ang ala-ala ng anak nito.
"Napakalaki mong hangal Dalikmata. Ibinigay mo sa anak mo ang iyung mga mata upang wala kaming makuha sa iyo at mapangalagaan pa rin ang iyung tagna. Ngunit nilagay mo lang din sa kapahamakan ang iyung nag-iisang anak dahil sa ginawa mo," bulong ng isipan ng lalaki.
"Pinapatawag niyo daw po ako Panginoon" bati ng isang babae na siyang nagpabalik sa katinuan ng lalaki.
"Kamusta ang human trafficking niyo Mindanao?" tanong nito sa babae.
"Kasalukuyan kaming nakakuha ng isang daang tao. Nasa may cargo container sila ikinulong at kasalukuyang nilalayag patungo rito" sagot naman ng babae.
"Magaling. Kailangan ko pa ng maraming tao na gagawin nating aswang. Patuloy pa kayong mangalap. Kailangan ko sila sa gagawin kong plano para magbalik sa ala-ala ng batang iyun ang tagna ni Dalikmata" saad nito.
"Ipatawag ang anak ng Manggagaway. May kailangan ako sa kanya," utos nito sa babae na kaagad nitong ikinayukod saka umalis na
Napangisi ulit ang lalaki habang tumutungga ng alak at pinagmasdan alng tahimik na siyudad mula sa glasswall ng opisina niya.
Isang plano na ang nabuo sa kanyang isipan. At natitiyak siyang mahuhulog sa bitag na gagawin niya ang anak ng Diyosa ng mga Mata.
"Namnamin niyo ang katahimikan ng inyong gabi dahil pansamantala lang iyan. Hintayin niyo ang paghahasik ng lagim ng mga lupon ng aswang na bubulabog sa tahimik niyong pagtulog," bulong ng lalaki.
Ilang minuto lang ding umiinom ng alak ang lalaki nang biglang tumunog ang kanyang telepono.
"Handa na ba ang lahat?" tanong niya matapos sagutin ang tawag.
"Opo Panginoon. Narito na po ang anak ng Manggagaway," sagot nito.
"Mabuti." Kaagad na binaba nito ang tawag at uminom ulit ng alak.
Isang ngisi ang pinakawalan ng lalaki sa tinitignang siyudad bago nagtungo sa gilid ng lamesa nito at may pinindot.
Kaagad na gumalaw ang malakinf bookshelves ng opisina niyal at bumungad sa ang pintuan ng isang elevator.
Pumasok kaagad ito roon hmat dinala sa pinakaibaba kung saan bumungad agad dito ang malawak at madilim na basement.
Isang piitan iyun ng mga nabihag na mga tao. Nagsisigawan pa ang iba sa takot at ang iba naman ay nag-iiyakan dahil kinakalalampag ng ibang mga aswang ang piitan ng mga ito na tila takam na takam sa nakikitang mga tao.
Malawak ang kweba at maraming piitan. Marami narin ang nakakulong ngayon na mga tao.
"Panginoon!" sabay yuko bilang paggalang ng anak ng Manggagaway sa kanya.
"Nais kong gawin mong aswang ang lahat ng mga taong nakapiit dito. Pakawalan sila ngayong gabi dahil maghahasik tayo ng lagim ngayon sa mga tao. Gigimbalin natin ang tahimik nilang gabi."
Napatango lang ang lalaking kausap.
"Hindi ako makakasigurado kung kakayanin ng lakas ko. Masyado silang marami ngunit gagawin ko ang aking makakaya."
Yumuko ang lalaki at kaagad na sinunod ang sinabi nito. Pinagbuksan kaagad siya ng bantay sa isang piitan at pumasok doon.
Nagsiatrasan ang mga nakakulong roon dahil sa pagpasok nito. Ilang segundo lang ay umitim ang labi at mata ng lalaki. Nagsilabasan rin ang maiitim nitong ugat sa leeg.
Tumingala ito saka binuka ang mga bibig at pagkatapos nun bumuga ito ng napakaraming maliliit na salagabang na nagsipasukan sa mga bibig ng preso.
Tuwang tuwa namang pinagmasdan ng lalaki kung paano mangisay ang mga preso habang pinapasukan ito ng mga salagubang sa bibig.
Sunod na pinasok ng lalaki ang kabilang piitan hanggang sa maubos na nito lahat.
Pinagpag nito ang dalawang kamay habang papalabas ng piitan. Nabalot ng katahimikan ang buong basement. Nawala lahat ng ingay, iyakan at sigawan ng nakapresong mga tao.
Nanlaki ang mata ng lalaki sa antisipasyon nang may balihibong kamay na pagapang na lumabas sa isang piitan. Lumabas doon ang isang aswang hanggang sa nagsunuran na ang lahat sa paglabas at nagkumpulan na ito sa harapan ng lalaki.
Napahalakhak ang lalaki at tuwang tuwang pinapanood ang lupon ng mga aswang sa harapan niya. Nanlilisik ang mga mata nito, naglalaway at nagsisitulisan ang mga ngipin.
"Buksan ang tarangkahan," malakas na sigaw niya at kaagad na binuksan ang malaking bakal na pintuan.
"Humayo kayo at maghasik ng lagim sa mga tao. Humayo kayo!!!!" sigaw ng lalaki.
Kaagad na nagsigapangan ang mga aswang palabas. Hanggang sa nag-uumahan na ito sa paglabas.
Isang malagim na halakhak lang ang pinakawalan ng lalaki habang pinapanood ang unti-unting paglayo ng mga aswang.
Kaagad na naghiwa-hiwalay ang mga aswang. Ang iba ay nagsigapangan sa mga building. Ang iba naman ay nakatago sa madidilim na eskinita at nag-aabang ng mga dadaan. Habang ang mga iba ay nagsisikaluskusan sa mga bubong ng kabahayan.
𓁹𓁹𓁹
"Tara club tayo ngayon. Namiss kong mangchick. Tagal ko nang di nakakascore. Tigang na tigang na ako," excited na sabi ng idang estudyante habang naglalakad sila ng mga barkada.
Nasa may madilim eskinita sila pauwi sa boarding house na tinutuluyan.
"Wala namang klase bukas. Magpakalasing tayo. Yohooo. Kakapadala palang sa akin ng allowance ni mama," masaya namang wika ng isa.
"Excited na ako. Bilisan na natin" saad ng isa habang kinikiskis ang parehong dalawang palad.
Tahimik ang gabi at maririnig ang iilang alulong ng aso sa may kalayuan. Malamig ang panggabing hangin habang nililipad nito ang iilang mga plastic at dahon sa kalsada. Bilog na bilog ang buwan at makikita ang anino ng mga paniking nagsisiliparan.
Mula sa madilim na eskinita nakatago ang isang aswang. Namumula ang mga mata, naglalaway at sabik na sabik sa tatlong estudyante na naglalakad papalapit dito.
"Lamiggg. Nanindig mga balahibo ko. Bilisan natin" wika ng isa habang himas hinas ang mga braso.
"Gago ka! Wag ka ngang manakot," saad naman ng isa.
Habang naglalakad sila ay saktong napadaan sila sa eskinita kung saan nagtatago ang aswang.
Napatigil ang isa na siyang ikinatigil din ng dalawang kasama.
"Naririnig niyo ba yun?" tanong nito.
"Ang alin?"
Napatingin sila sa paligid at pareho silang napaatras nang may nakita silang anino na gumagapang sa kalsada.
"A-Ano yan?" natatakot na na tanong ng isa.
Kumuha narin ng kahoy ang isa sa may gilid para kung sakaling umatake kung ano man iyun.
Pareho nagulat at napasigaw ang tatlo nang bumungad kaagad sa kanila ang aswang. Bago pa man sila makatakbo para humingi ng saklolo ay ay tinalunan na sila nito.
Nagsitalsikan ang mga dugo sa pader ng building.
Habang naglalakad ang isang lalaki ay napatingin siya sa anino sa isang pader na tila may kinakain.
Dahan dahan siyang sumilip dito at nagulantang nang makita ang aswang na pinagpipyestahan ang mga lamang loob ng tatlong estudyante.
Wakwak ang tiyan ng mga ito, nagsilabasan ang mga bituka.
Napatakip nalang ng bibig ang lalaki habang sinusubukan huwag lumikha ng ingay. Mabilis ulit siyang sumilip at nagulat nang makitang wala na ito.
May kung ano siyang narinig na kakaibang ingay sa ibabaw niya at may tila tubig na tumutulo sa kanyang mukha. Nang ilapat niya ang mga daliri dito at tinignan. Nangi ig siya nang makitang dugo iyun.
At nang tumingala ang lalaki, bumubgad sa kanya ang nakakagimbal at kapanindig balahibong mukhal ng aswang na duguan ang bibig.
Tinalunan kaagad siya nito at sunod na pinagpyestahan ang lamang loob.
Sa ilalim ng kabilugan ng buwan, tuluyan nang naghasik ang kadiliman. Naggutay-gutay ang mga laman, dumanak ang dugo sa katawan. Ang kakarampot na liwanag ay nilukob na ng kadiliman. Ang dating tahimik ay ginimbala na ng mga aswang.
I feel like I needed to publish this part before I'll leave you hanging hahaha. Pero ito na nga. Balik review na ulit ako. But I'll leave it here this freaking awesome Vion with his eye power 🔥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro