Chapter 11 | The Eye That Beholds
VION
ᜋᜒᜆᜓᜎᜓᜑᜒᜌ ᜐᜒᜇᜒᜁᜐ᜔
WE are all capable of doing evil. But the decision to do it lies within our self. Kung gagawin ko ba ito, may maganda ba itong maidudulot sa akin? Kung gagawin ko ba ito may magbabago ba?
Dinadaan natin lahat sa pagdedesisyon. Sa pagnilay-nilay. Sa pagtimbang ng mga bagay. But there are some instances where it slips, and we just find ourselves doing it because the situation told us to.
Dalawang araw na simula nung mangyari ang insidente. Walang naaalala si Caleb sa nangyari dahil binura ni Talas ang ala-ala niya nang mga araw na iyun.
Ngunit ako, tandang tanda ko pa rin ang nangyari. Dalawang araw na ang lumilipas pero parang kani-kanina lang nangyari ang lahat.
Hindi muna ako lumalabas ng kwarto ko. Wala akong ganang makipag-usap. All I did is to stare at my bare hands. Kasabay nun ay ang pagtitig ko sa mga mata ko sa harap ng salamin.
Ang mga kamay ko. Dati ginagamit ko lang ito pamunas sa mga lamesa at pagserve ng mga order sa ponagtatrabahuan ko. But when things went south and my true udentity unravels. Hindi ko na alam. Nakakitil ako ng buhay ng tao gamit ang mga kamay na to
"Huwaaagggggg!!!!!"
Kasabay nang malakas kong pagsigaw ay ang pagliwanag ng mga mata ko. Nararamdaman ko ang kakaibang enerhiya na dumadaloy doon.
Things around me stopped. As if my eyes are commanding them not to move. Nakalutang lang sa ere ang kutsilyo sa harapan ng dibdib ni Caleb. Ang kaninang nagsiliparang mga bagay ay nanatiling nakaestatwa sa ere at ang babaeng kaharap ko ngayon ay hindi makagalaw habang nagliliwanag ang mga mata niya.
Wala na ako sa tamang huwisyo nang tumayo ako. My immense power is overflowing that it takes control of my mind and well-being.
Mabilis kong sinakal ang leeg nung babae saka inihagis siya sa isang pader. Sa sobrang lakas nun ay nagiba ang pader at lumabas ang mga dugo sa bibig nito.
Hindi ko alam kung bakit hindi na ako nakaramdam ng takot sa dugo ng mga oras na iyun. Dahil siguro hindi ako iyun ng mga oras na iyun. It's my power.
"I told you not to harm my loved ones yet you still did. Now face your consequences" galit na galit kong sigaw at binalibag ulit siya.
Mabilis siya tumaob sa sahig. And because of that lose my contact to her sight kaya nakawala siya sa aking hipnotismo.
Ngunit kahit ganun pa man, my eyes were still glowing brightly. My immense power were still overflowing that time.
Mabilis na pinikit nung babae ang kanyang mga mata at kaagad na tumayo.
"You caught me off guard kanina. Napuruhan moko dun ah" nakangising sabi nito at dinilaan pa ang dugo sa gilid ng labi at nilabas ang dalawang matutulis nitomg daggers.
"Now it's my turn"
Her movement is so swift, precise and on point. Na kahit nakapikit siya ay nakikita niya pa rin ako. She's well aware of the sorroundings. Kahit ang mga upuang nakakalat sa lamesa ay naiiwasan niya.
Naramdaman ko nalang nasa likuran ko na siya at sinugatan ang kabila kong braso saka tinadyakan ako dahilan para sumobsob ako sa sahig.
"Shock? Yeah, I have a seismic sense ability kaya walang silbi yang mga mata mo sa akin" sabay halakhak nito sa akin at tinalunan ako sabay nagpakawala ng napakalas na suntok sa panga ko.
Kaagad na tumabinge ang pisnge ko at sunod niyang sinakal ako saka binalibag ulit.
"You're so weak? Ano bang kailangan nila sayo kung ganito ka naman kahina"
Dumudugo na ang bibig ko habang sinusubukan kong tumayo sapo-sapo ang tiyan ko ngunit isang sipa mula sa kanyan ang tinamo ko na siyang kinapilitpit ko lalo.
"You are no special. Hindi mo nga magamit sa akin ang kapangyarihan mo" sabay tadyak ulit niya sa akin at inapakan ang ulo ko saka diniin iyun sa sahig.
"Now tell me. Ano pa bang mas espesyal sayo at ganun ka nalang nila pinapahalagahan? I badly wang to kill you right now. It would be a great pleasure pero ayaw nila kasi may gusto pa silang makuha sayo" giit nito.
Kaagad itong umupo sa tapat ko gamit ang mga paa habang nakapikit pa rin at inihipan ang iilang hibla ng buhok na tumatabon sa mukha niya.
Naglabas ulit siya ng panibagong kutsilyo at pinagapang-gapang iyun mula sa pisnge ko papunta sa ilong at sa mata.
"Maybe this eyes of yours? Baka mas may espesyal pa dito kesa sa kapangyarihan nito?" tanong niya.
Sinubukan ko siyang abutin ngunit mabilis niyang nakuha ang palapulsuhan ko at ipinilipit iyun sa likuran ko.
"Ahhhhhh" sigaw ko sa sakit. "I'll fucking kill you. Papatayin kita" sigaw ko.
Napatawa naman ito ng malakas na tila ba isang biro lang ang naging pagbabanta ko sayo.
"You're still confident despite your condition? Patawa ka ba?"
"Dahil hindi naman kitang pwedeng patayin. Ito nalang lalaki nato? I saw how you care for him so much. Mukhang masaya ata pag siya ang inuna ko" sabay lingon nito sa pwrsto ni Caleb.
"H-huwag mong s-susubukan" nahihirapan ko ng sabi dahil sa pamimilipit sa sakit.
"You'll stop me? Anong magagawa mo? Tignan mo nga ang sarili mo? You can't even stand hahaha" pang-aasar nito sa akin.
Tumayo kaagad ito at pinagpagan ang sarili sabay pinulot ang kutsilyo at naglakad na patungo kay Caleb. Sinubukan kong tumayo at lapitan siya ngunit hindi ko magawa.
Nasa pwesto siya ngayon kung saan may nakasuspendeng upuan sa ere sa ibabaw niya. Pwede ko yung ilaglag sa kanya. But her seismic sense is so sharp. Maaari niya iyung maiwasan at baka may posibilidad pa na ibaling niya iyun sa direksyon ni Caleb.
I improved my vision towards the chair at napansin ang mga umuusli nitong makakalawang na pako.
It's too risky. Baka mapahamak ko pa si Caleb.
Napatingin ako ngayon sa hawak hawak na kutsilyo nung babae. It's so shiny and sharp na lumalabas ang repleksyon ng mukha niya doon tuwing tinitignan niya ang matatalas nitong dulo.
Napamgisi ako sa naisip kong ideya. Patuloy lang niyang ginalaw galaw ang dala niyang kutsilyo.
"Binili ko pa ito sa Japan. And I cannot wait na makatikim ka na sa wakas ng dugo my baby. Excited ka ba?" pagkakausap nito sa dalang kutsilyo.
I waited patiently na tyumempo ang mata niya sa repleksyon na iyun. Ilang beses ko nang nakikitang dumadaan ang mata niya pero hindi iyun nakatingin sa akin. I needed a direct contact para mapasailalim siya sa hipnotasyon ko.
"Gotcha!" bulong ko at napangisi ng magliwanag ang mata niya.
Kahit isanh segundo lang na naglapat ang tingin namin sa repleksyon niya sa kutsilyo ay napasailalim ko kaagad siya.
Paika-ika akong lumapit sa kaniya. Hindi ko siya pwedeng patayin. She doesn't deserve a quick death. After what she did to me?
Ayaw ko rin na utusan siyang patayin ang sarili niya. It's not satisfying. I want her to suffer.
"Never underestimate this son of Dalikmata. Your power may be an advantage, but it is nothing when your mind becomes my playground."
Sa isang kumpas lang ng kamay ko ay kaagad siyang natumba at nakatulog ng mahimbing. Kaagad akong pumasok sa panaginip niya at natagpuan ko siyang tila naguguluhan doon sa gitna ng madilim na kawalan.
In her dream, I can defy the laws of reality. As long as she is unaware that she is in a dream, magagawa ko iyun.
Nakamasid lang ako sa malayo habang pinapadalahan ko siya ng sandamakmak na ako. Bakas ang kaguluhan sa mukha niya habang nakikipaglaban. At sa tuwing nasusugatan niya ito o nasasaksak ay nahahati ang ilusyon ko sa dalawa. Mas lalo tuloy akong dumarami.
When I felt that it's enough. Dinala ko na naman siya sa isang lugar kung saan nakaharap niya ang higanteng ako.
Halos mawalan na siya ng ulirat at hininga kakatakbo habang iniiwasan ang higanteng mga paa at kamay ko na huwag siyang matiris.
Sunod ko siyang dinala sa isang distorted na lugar kung saan. The more she moves, the more things distorted. Gulong gulo na siya at hilong hilong sa nangyayari sa paligid niya.
And for the final blow. Hinalungkat ko sa kailaliman ng kaisipan niya ang kanyang trauma at kinatatakutan. Dinala ko siya roon at tuluyan ng iniwan at lumabas sa panaginip niya.
"When I say you'll suffer. I meant it in a harsh way"
Habang nakatitig ako sa kanya na nanginginig at hirap na hirap sa paghinga.
I just stare at her glowing eyes at nakikita ko dun ang repleksyon ng mata kong may simbolo
Nakatitig lang ako dun hanggang sa naging repleksyon iyun mula sa salamin at natagpuan ko nalang ang sarili kong nakatitig sa umiilaw kong mata sa loob ng kwarto.
May kinuha ako sa bulsa ko. Black card with a combination of gold. Wala iyung anumang sulat. Bukod tanging isang simbolo.
Napahigpit ang pagkakahawak ko doon. I'll find who's behind everything of this.
I shook my head at tumayo na para pumunta sa banyo. Pagkabukas ko ng pinto ay nagsitumbahan naman ang tatlo na mukhang kanina pa nasa labas ata ng pinto at sinusubukan akong pakinggan.
"Anong ginagawa niyo?" kunot noo kong tanong sa kanila.
Kaagad naman silang napaayos ng tayo. Napalingon ako kay Talas na kahit nag-anyong pusa na ay tila kasama rin ito nila na nakikinig.
"Ahhh ano... Papasok sana kami kasi kukuha ng damit... tama kukuha tayo ng damit Caleb diba" sabay sideveye nito kay Caleb.
Mabilis na siniko ni Josiah ang tiyan ni Caleb kaya napatango rin ito ng mabilis.
"Kukuha kami ng damit hehe" kabadong sabi ni Caleb habang si Junos naman ay nagkukunwaring nagbibilang ng tiles sa may sahig.
"Ikaw naman?" taas kilay kong tanong kay Talas na inirapan lang ako at pakembot kembot ang buntot na umalis na sa harapan ko.
"Aba attitude tong ogag na to ah. Ipapaginiling kita tapos ipapalaman sa siomai at siopao" inis kong sigaw sa kanya.
"Vioooonnnn!" Nagulat nalang ako ng bigla nalang akong yakapin ni Josiah at umiiyak na.
"Bakit mo kinakausap yung pusa? Tuluyan ka na bang nabaliw? Kaya ba dalawang araw kanang di kami kinakausap at lumalabas sa kwarto mo? Vionnn! Kung may problema ka bat di ka magsabi sa amin. Tayo tayo lang naman magkakasama dito, naglilihim kapa. Paano ka namin matutulungan huhuhu" sabay iyak ulit nito at niyakap ako ng mahigpit.
"Ang OA mo. Anong baliw?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
Pero mas lalo akong nagulat nang maramdaman kong basang basa na ang damit ko.
Sumenyas si Caleb sa akin at doon ko naunawaan na mukhang seryoso nga si Josiah.
"Alam mo bang alalang alala ako. Tinuring na kitang kapatid eh. Palagi kang nakikinig sa problema ko. Palagi akong sumusumbong sayo. Bakit di mo yun magawa sa akin, sa amin. Ganito lang ako pero handa naman akong makinig. Handa naman akong magseryoso kung may pinagdadaanang problema ang kapatid ko"
Napatulala nalang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang irereact ko? Dahil siguro wala akong kapatid?.
"T-Tahan na. Pasensya na Jos" sabay tapik ko sa balikat niya at hinimas iyun ngunit mas humagulhol lamang siya.
Nasasaktan ako sa nakikita ko but it feels also weird that I'm happy to it. Hindi ko alam na ganito na pala kalalim ang nabuo naming pagsasamahan.
Niyakap ko si Josiah at hinimas lang ang likuran niya.
"Kumusta siya?" tanong ko kay Caleb ng lumabas ito ng kwarto.
"Nakatulog na. Di rin kasi yun nakakatulog ng maayos dahil sa pag-aalala sayo" sabay upo niya sa gilid ko.
"Ikaw kumusta ka?" tanong ko sa kanya.
"Bakit ako ang tinatanong mo niyan. Ikaw dapat ang tinatanong ko. You looked weird nung makauwi tayo galing school. May mga pasa kapa. Ano bang nangyari?"
Walang maalala si Caleb dahil binura ni Talas yung mga ala-ala na nangyari sa kanya nung araw na iyun.
"Hindi ka rin lumalabas sa kwarto mo kaya mukhang seryoso ata yang pinagdadaanan mo."
"Bro! Hindi ako ka expressionist gaya ni Josiah. Pero sobra din akong nag-aalala. I care for you so much. Gaya nga ni Josiah. Para na rin kitang kapatid. Kaya dont hesitate to tell us if something was going on"
𓁹𓁹𓁹
"Hmm. Bat moko pinatawag Panginoon?" tanong sa akin ni Talas.
Kumunot ang noo niya nang ihagis ko sa kanya ang arnis ko na kaagad naman niyang nasalo.
Nililipad ng malakas na hangin ang buhok ko matapos siya talikurin at kibit beywang na humarap sa malawak na siyudad. Nasa rooftop kami ng building ngayon kung saan ako hinulog ni Talas noong balak niyang pag-ensayuhin ako.
"Ayokong may susunod pang mapapahamak. Si Josiah, si Serissa, maging ikaw. Hindi ko kayo mapoprotektahan kung hanggang dito lang ako. Gusto kong seryosohin ang pag-eensayo natin"
Naramdaman ko ang pagtayo ni Talas sa tabi ko at tinanaw din ang malawak na siyudad na kitang kita mula dito sa rooftop.
"Dahil ba kanina? Kay Josiah?" tanong naman niya.
"Malapit na sila sa akin. At hindi ko maatim na may mapahamak ulit sa kanila nang dahil sa akin. Alam kong hindi simpleng pagdukot lang iyung kay Caleb. Ako talaga ang target nila."
"May kapangyarihan din sila. At hindi naman espesyal si Caleb para pagkaintetesan nila. Mukhang hinahanap nila ang kahinaan mo"
"Kaya mas lalo ko pang sasanayin ang kakayahan. Para magpaghandaan ko ang mga magiging banta sa atin. Mukhang hindi sila basta-basta. Mukhang may plano sila. At simula palang iyung nangyari kay Caleb" mahinang usal ko sabay kinuha ko sa bulsa ang card na nakuha ko doon sa nakalaban kong babae at pinagmasdan iyun.
"Kailangan maging---- Aray gago. Bat mo yun ginawa?" gulat na gulat kong tanong nang suntukin ako ni Talas sa may gilid ng mukha ko.
"Ini-ensayo ka?" patanong pa nitong sabi habang sapo-sapo ko ang panga ko.
"Di ka naman nagsabi na magsisimula na pala. Kinulang kaba sa dede ng mama mo nung pinanganak ka?" inis kong turan sa kanya.
"Correction! Galing ako sa bulaklak. Tsaka Panginoon. Hindi naman magsasabi sa inyo ang kalaban mo m
kung aatakehin ka nila. Anong gusto mo. Hi Vion! Here na us. We will make sugod na sayo" giit niya sa pilit na babaeng boses na ikingiwi ko.
"Nanindig bolbol ko sayo. Yawa ka" nandidiri kong sabi at napahimas pa sa braso ko.
"Ano? Mag-eensayo tayo o magbabangayan lang dito?" tanong ni Talas at kaagad na hinagis sa akin ang arnis ko na mabilis kong sinalo.
"Bring it on!" nakangisi kong sabi at winasiwas ang arnis ko.
"I won't be easy on you" saad naman ni Talas saka tumakbo na para sugurin ako.
Buong linggo ang ginugugol ko sa pag eensayo. Minsan ay sumasama rin si Junos para subukan ang bilis ko. Dahil sa kanya at sa mga turo ni Talas mas natututunan ko na, paano sabayan ang liksi niya sa pakikipaglaban, paano i-counter ang mabibilis nilang atake at paano mas pakiramadaman ang bawat galaw nila.
Tinuro rin sa akin lahat ni Talas ang lahat ng paraan ng pakikipaglaban, mga atake at dipensa at mga paraan manatiling may lakas parin sa paglalaban.
Kada uwi naman namin ng trabaho ay naglalaan ako ng kunting oras para mag ensayo sa kakayahan ko bago matulog.
"Nung nakipaglaban ako doon sa babae. Hindi ko alam kung bakit ang lakas lakas ko noon. Mukhang nagamit ko ata lahat ng pinakamalakas na potensyal ng kakayahan ko."
"Ang layo layo ng narating ng paningin ko. Kaya rin akong makakaita hanggang sa likuran ko at sa mga likod ng mga pader. Napatigil ko sa paggalaw ang mga nasa paligid ko kahit ang mga bagay. Kaya ko ring patulugin ang isang tao at pasukin ang panaginip niya. Kaya ko ring manipulahin iyun sa paraan na gusto. Feeling ko ang lakas lakas ko nun. Bat di ko magawa ngayoooonnn" parang bata ko nang reklamo.
Humiga ako sa sahig ng rooftop sa sobrang frustration. Tumabi rin mg upo si Talas sa gilid ko habang si Janys naman ay humihilik na sa may bangko sa unahan.
"May nagtrigger siguro sayo kaya ka umabot sa maximum na kapasidad mo ng iyung kakayahan. Hindi ko sinasabing di mo dapat gawin. Kung maaari iwasan mo nalang na umabot palagi sa kapasidad na iyun"
"Lahat ng sobra ay masama. Hindi natin alam kung anong maidudulot nito sa katawan mo"
"Chamba lang ata yun. Ngayon nga kahit pagpaliwanagin ko lang ang mata ko ay di ko kaya."
Napabusangot naman ako. Hingal na hingal na ako kanina at halos mautot kakapwersa para lang magliwanag ang mata ko.
Tinapik naman ni Talas ang balikat ko saka hinimas iyun.
"Sabi nga ng mga mortal, Trust the process. Nadadaan lahat sa paunti-unti at patuloy na pag eensayo"
𓁹𓁹𓁹
Kinagabihan, napagpasyahan naming lahat na kumain ng barbecue sa labas. Matagal narin kasi kaming hindi pa nakakakain ulit sa paborito naming kainan.
Bitbit ang rice cooker, mabilis kaming pumasok sa kainan na Aleng Nene na naging kaclose narin namin dahil sa palagi naming pagkain dito.
"Oh! Sobrang tagal niyo nang hindi nakakabalik dito."
"Good evening po Manang. Namiss nga po namin yung luto niyo kaya mapaparami talaga kain namin nito" sagot naman ni Josiah habang himas himas ang tiyan.
"Kahit naman saan ka ilagay malakas ka naman talaga kumain. Lahat mga siguro alam na kung gaano ka katakaw" bwelta ni Caleb.
"Syempre iba parin talaga pag luto ni Manang. Solid" sabay akbay nito kay Caleb at palihim itong kinurot na ikinareklamo nito.
"First time mo sa ganito?" tanong ko kay Talas nang makaupo na kami.
"Malamang. Pero may inihaw naman sa Santinakpan. Hindi nga lang ganito" sagot naman ni Talas.
"Eh ano ang mga kinakain ng tikbalang doon?" kuryuso namang tanong ni Janus.
"Ewan ko. Bat ako tinatanong mo eh hindi naman kita kauri. Malay ko ba sa kinakain niyo."
"Pero kaya mo namang mag anyong kabayo eh" kamot ulong bulong ni Janus.
"Sure ka bang. Anyong pusa ka parin sa paningin nila?" alanganin ko pang tanong.
"Oo naman! Isa din ito sa kakayahan ko. Tanging mga katulad lang natin ang makakakita sa anyong tao ko pero sila pusa pa rin ang tingin sakin"
"Huyyy! Sinama mo pa talaga yang pusa mo" suway sa akin ni Josiah.
"Oo naman. Kawawa naman tong Eat ko pag iniwan lang dun" sabay haplos ko sa ulo ni Talas na ikinangiti naman nito at ikinapikit.
Ganap na ganap naman ang gago sa pagiging pusa. Ibenta ko kaya to dito at gawing barbecue nila.
"Eat amputek. Biniktad lang na Tae hahaha" tawang tawang sabi ni Josiah na ikinatigil naman ni Talas at napalingon sa akin.
"T-Tae?" tanong ni Talas.
"Tara na tara na. Kain na tayo. Nandito na ang barbecue" sigaw ko at binalewala ang tanong ni Talas na masama na ang tingin sa akin ngayon.
Dahil magtext kami muna kay Aleng Nena kaya naman nalutuan agad kami bago pa kami nakarating dito.
"Shittt namiss ko tooo!" sabay langhap ni Josiah sa usok bg barbecue habang abala naman sa pagpipiga ng calamansi si Caleb sa sawsawan namin
"Tigilan mo nga yan. Baka malaglag kulangot mo dyan. Kadiri ka" suway ko naman.
"At dahil may pwet nang manok. Balik sa dating gawi. Pipili tayo ng mucky winner na makakatanggap ng pwet ng manok"
Napangiwi kami ni Caleb sa ideya na iyun. Kada kain namin dito isa iyun sa iniiwasan naming mangyari ang mapili kami na kumain ng pwet ng manok.
"At ang lucky winner natin ay si... chadadadannnn Eat na binaliktad lang ang pangalan sa Taeeee" sigaw ni Josiah nang huminto ang dulo ng stick sa harap ng walang kamuwang muwang na pusa sa paningin nilang si Talas.
"B-Bat ako? A-ayoko niyan----"
Napatigil ito at parang naiiyak na sa gulat at diri nang ipasak ni Josiah ang pwet ng manok sa bibig ni Talas.
"Ayannn. Yum yum yum. Good cat"
"Isinusumpa ko. Gagawin kitang palaka. Lechugas ka" naiiyak na nandidiri paring sabi ni Talas habang ngumunguya.
Busog na busog kami nang makalabas na ng kainan. Puno ng kwentuhan at tawanan ang paglalakad namin pauwi dahil sa mga kwelang kwento ni Josiah at pantitirip nito kay Janus.
Habang tuwang tuwa na nagkukwentuhan kami pauwi. Napatigil ako nang maramdaman ang pagkabasa ng bulsa ko.
Nagtataka ko yung kinapa at nang ilabas ko yun, seryoso akong napatingin sa kumukulong langis na nasa bote. Ang langis na kayang tumukoy ng aswang. At isa lang ang ibig sabihin nito.
Nasa paligid lang sila.
"May mga aswang" pasimple kong bulong kay Talas at nagpalinga-linga sa paligid.
"Naririnig rin ng tenga ko ang kaluskos nila"
Pumikit si Talas at ginalaw galaw ang ulo para sagapin ang pinagmulan ng naririnig niya.
"Mahigit sampo. At may kasama silang hindi nila kalahi. Sa tingin ko siya ang namumuno sa kanila. Kaya mo ba silang patulugin?" sabay nguso niya kina Caleb at Josiah.
"Bakit? Anong balak mo?"
"Hindi sila dapat madamay dito. Kung patulog silang itatakas ni Janus. Hindi nila malalaman kung gaano sila kabilis na nakarating" bulong niya ulit.
"Hindi ko alam kung kaya ko pero susubukan ko" alanganin kong sabi at pinagkiskis ang mga palad ko.
Patuloy lang kaming naglakad. Nauna sina Janus, Josiah at Caleb sa paglalakad. Habang nasa likuran lang kami nila ni Talas. Patuloy lang akong naging alerto at nagpalinga-linga sa paligid sa posibleng biglaan nilang pag-atake.
Tumango si Talas sa akin at ganuon rin si Janus na nasabihan narin namin sa gagawing plano.
"Shit na malagkit!" bulong ko at inihipan ang mga palad ko sabay kiskis nito at nakapikit ang matang tinapat iyun kina Caleb at Josiah.
Ngunit ilang minuto nalang ay wala pa rin.
"Gusto mong suntukin ko nalang sila para mawalan sila ng malay?" tanong ni Janus sa akin.
"Ogag ka! Patay ka diyan pag nagising mga yan" bulong ko naman kay Janus na ikinakamot nalang ng ulo niya.
"Papalapit na sila" pag-aalerto sa amin ni Talas kaya mas lalo akong kinabahan para sa dalawa.
"Fuck! Sige na nga. Sige na nga. Batukan mo lang ah. Yung parte lang na mawawalan sila ng malay." napipilitan kong sabi. "Bahala na si Batman pagkatapos nito"
Napangisi naman si Janus at pimatunog ang mga kabutuhan niya saka magkasabay na sinapol ang mga batok ng dalawa.
Mabilis agad na nawalan ng malay si Caleb na mabilis namang sinalo agad ni Talas habang napalunok laway nalang kami pareho ni Janus nang humarap si Josiah sa amin na tila di man lang tinablan at pinandilatan kami ng mata.
"Mga tangina ny-----" Hindi na rin nito naituloy ang sasabihin ng sapulin ulit ni Talas ang batok niya na ikinatumba agad nito.
"Dalhin mo na agad sila sa bahay Janus. Bantayan mo sila ah. Hindi natin alam kung may susugod rin doon. Uuwi agad kami pagkatapos nito" giit ko sa kanya.
Tumango lang si Janus at habang karga-karga ang dalawa at biglang nawala agad sila sa harapan namin.
"Consider this as part of your training" sabay abot ni Talas sa kamao niya sa akin.
"It's showtime" nakangisi kong sabi at nakipagfist bump agad sa kanya.
Gaya ng inaasahan namin. Mula sa tuktok ng building ay nagsitalunan ang mga aswang sa harapan namin. Ganuon parin itsura nila. Di man lang magshave. Mabulbol pa rin sila at nakakasuka tignan.
Patalon talon kong hinanda ang kamao ko. Habang pinaikot ikot ko ang ulo ko para iexercise ang leeg ko.
Nagsitanguan kami ni Talas bilang go signal kaya mabilis kaagad naming sinugod ang mga pakening shit na mga aswang na nag-aantay sa amin.
Dalawang asawang agad ang sumalubong sa akin. Mabilis ko agad na sinipa ang isa at patalon naman tinadyakan ang katabi niya. Napayuko kaagad ako nang subukan akong kalmutin ng isa sa likuran ko.
Siniko ko muna ang papalapit sa aking isang aswang at sinipa ang tuhod nito saka hinawakan ang paa ng nasa harapan ko at inupper cut agad ang itlog niya.
"Aswang kaman sa aking paningin. May itlog ka rin. Wachaaaa!" at tiniris ko yun na ikinaangil nito sabay balibag ko sa kanya at siniko ang nasa likuran ko sabay sunod sunod na binitawan ko ng malalakas na suntok.
"Ahhh puta sakit ng braso ko. Magdiet nga kayo. Hirap niyo namang ibalibag---- ahhhh" sigaw ko nang may magheadlock sa aking aswang at worst ay binuka niya pa ang bibig niya sa gilid ng mukha ko.
"Di ba uso sa inyo ang---" sinipa ko ang bato sa harapan ko at sinalo iyun saka pinasak sa bibig ng aswang. "MAG. TOOTH. BRUSH" kada bitaw ko ng salita ay mas dinidiin ko yun sa bunganga niya.
Napalingon ako kay Talas na naging tigre na. Halos magliparan ang mga aswang kada atake niya dito. At kapag napapalibutan siya ng mga ito ay kaagad na nagpapalit anyo si Talas bilang agila upang makatakas at mag aanyong kalabaw naman habang nasa itaas pa para mabagsakan ang mga aswang.
"Woww. Eyyable ahh. Eyyy" sabay eyy sign ko sa kanya.
Mabilis na nagtrigger ang power ko at kaagad na nagliwanag ang mata ko nang may bumulusok na pana sa likuran ko. Mabilis ko iyung nasalo at hinanap ang pinanggalingan nun.
Gamit ang kapangyarihan ng mata ko mabilis ko agad na nakita ang may gawa nun. Isang babae. Siya ata ang tinutukoy nii Talas na hindi aswang sa pangkat nila at posibleng namumuno sa mga ito
Nagpakawala ulit ito ng magkasunod na palaso na siyang nasalo ko naman lahat.
Tinapon ko kaagad iyun sa gilid at mabilis siyang hinabol. Habang tumatakbo ako sa ibaba ay kitang kita ko naman ang pagtalon talon niya sa bawat roof top.
Pinagana ko ulit ang mata ko at nakita ko siyang tumalon pababa ng building.
Mabilis ko siyang hinabol at kaagad na tinadyakan dahilan para masubsob ito.
"Sino ka?" tanong ko sa kanya habang sakal sakal ang leeg niya at inangat ko siya sa ere.
Kaagad na nagliwanag ang mata ko at nagsimula na ring magliwanag ang sa babae ngunit laking gulat ko nang magpalit ito ng anyo at naging isang bulag na babae.
Dahil doon hindi tumalab ang hipnotismo ko sa kanya ngunit nanatili pa rin akong nakahawak sa leeg niya.
Dahil sa gulat sa nasaksihan ko, kinuha na opurtunidad iyun ng babae para tadyakin ang tiyan ko dahilan para mapakawalan ko siya at mapaatras ako.
"Wala ka paring kupas Vion. Nakakamangha pa rin ang kakayahan mo kahit nung bata ka pa"
Napatigil ako sa sinabi niya.
"Nga pala hindi mo naaalala kasi binura ko ang ala-ala mo noon" sabay tawa nito.
"Oo matagal nang nagmulat ang mga mapagpala mong mga mata Vion. Nakalimutan mo lang itong gamitin ulit dahil binura ko ang mga ala-ala mo noon"
"Hindi ka parin nagbababago. Nakakamangha ang kapangyarihan mo ngunit ginagamit mo lang sa pagsagip ng mga hamak na mortal"
"Sino ka ba? Anong pinagsasabi mo?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Kung noon pinalagpas pa kita sa pamamagitan ng pagbura ng ala-ala mo. Ngayon, titiyakin kong mamamatay kana at isasama mo sa hukay mo ang tagna ng iyung ina na hindi dapat malaman ng lahat!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro