Simula
May 05, 2024
°^°
Nasa lobby ako ngayon ng aking condo. Pinagmamasdan ang matatayog na mga gusali ng Maynila. Mga sasakyang walang tigil sa pagtakbo, mga taong may kani-kaniyang ginagawa.
Kakaibang-kakaiba sa lugar na aking kinagisnan. Ang Isabela. Malayong-malayo sa mga matatayog na gusali nito ang aking lugar na pinalilibutan ng mga puno. Mga bundok na kaagad mong makikita kapag pinasok na ang buong Isabela. Tanawing hindi mapipintasan.
Ang kulay berde nitong mga halaman na nagbibigay linaw sa mga mata ng dayuhan. Ang sariwang hanging walang sawang sumasalubong ng yakap sa mga taong yaon. Ako'y isa sa mga tao na iyon. Nanirahan malayo sa lugar kung nasaan ako ngayon.
Lumayo pansamantala sa Isabela dahil gustong hanapin, ayusin at piliin ang sarili. Sa puntong ito, handa na muli ang aking puso sa panibagong kabanta ng aking buhay.
"Hiraya!"
"Gising ka na ba?"
Binuksan ko ang malaking bintana sa aking harapan. Hinanap ang malakas na boses ng aking kaibigan na si Luciana. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa, may dalang pagkain.
"Hiraya, kumain ka na ba? Nakita kong bukas ang door mo kaya pumasok ako hehe," ngumisi siya sa akin at kinuha ang mga supot ng pagkain sa ibabaw ng lamesa. Binuksan niya iyon at inisa-isang nilapag.
Napasinghap ako nang makitang naroon ang isa sa mga paborito kong pagkain. Ang Dinengdeng. Shocks! Saan niya nabili iyon? Sa lugar lang namin mabibili ang ulam na iyon ah. Paano nakarating 'yan dito? Hindi naman siya taga-roon.
"Saan mo nabili ang mga 'to?" Lumapit ako. Umupo, katapat sa kanya. Tatlong putahe ang kanyang binili. Adobong manok, pinakbet at Dinengdeng which is 'yung favorite ulam ko so far. Ang dami naman nitong binili niya. Kitam nagda-diet ako eh. Need kasi iyon dahil paminsan ay rumarampa ako. Nakakahiya naman kapag makitang malaki ang tiyan ko. Baka, iisiping buntis ako. Huwag naman sana. Wala pa akong planong magkaroon ng anak sa ngayon. Malapit na akong lumagpas sa kalendaryo pero heto parin ako inuuna ang trabaho kaysa magkaroon ng sariling pamilya. Ewan ko, hindi pa ako handa.
Hindi pa kasi tapos ang plano ko. Hindi pa tapos ang pinatayo kong negosyo dito sa Maynila. Kakatapos lang din ng bahay ko sa Isabela. Kapag matapos ang mga iyon ay siguro duon na ako magsi-settle. Gusto ko kasing maayos muna ang lahat. Ayokong maranasan ng anak ko ang naranasan ko noon.
"Sa ibaba. May nakita akong maliit na karenderya diyan, halos mga gulay ang kanilang mga binebenta. Bumili ako dahil alam kong magugustuhan mo 'to. Nga pala, kailan ka babalik ng Isabela?"
"Hindi ko alam, Luciana. Wala pa sa plano kong bumalik doon."
"Bakit naman? Mayaman ka na ngayon, Hiraya. May ibubuga ka na. Hindi kana aapihin ng mga walang hiyang Salvatore na iyon! Nakuha mo na rin ang lupa ninyong inangkin ng mga Salvatore noon."
Yeah. Nakuha ko nga ang lupang iyon ngunit hindi kasama si Pierson Maxrill Salvatore. Sa sobrang kasakiman ng kanyang ina, maraming nadamay at nasaktan. Pinili niya ang kanyang ina nang mga panahon na 'yon. Wala akong ibang kinakapitan kundi ang aking sarili lamang. Na sana ay siya iyon. Ang hahawak sa akin, ang kakampi ko. Kaso iba ang pinaniwalaan niya. Nagbulag-bulagan siya para lang sa sariling kagustuhan.
Kung anuman ang namamagitan sa amin noon ni Maxrill, hanggang doon na lamang iyon. Kailangan ko ding humingi ng tawad sa kanya. May kasalanan din kasi ako. Hihingi lang ako ng tawad, wala ng iba.
The memories of Maxrill haunted me, both sweet and torturous. I recalled our stolen kisses beneath the starlit sky, our laughter echoing through the rice paddies. But I also remembered the pain of his betrayal, the way he had left me shattered and alone.
"Ano? Hindi ka sasagot, Maxrill?!" marahas na sigaw ko mismo sa pagmumukha ni Maxrill.
Mabuti nalang malakas ang ulan ngayon kayat hindi mapapansin ang luha kong kanina pa bumubuhos. Nasa aking harapan si Maxrill, nakatitig lamang sa akin. Tila walang nariring, ayaw niyang sumagot sa paulit-ulit kong tanong!
Lumapit ako at tinulak ang kanyang dibdib. "Hindi ka naiiba sa kanila, Maxrill. Mang-aagaw ka rin! Magnanakaw!"
"Baby..."
"Totoo bang mahal mo ako, Maxrill? O pakitang tao lamang ang lahat ng iyon? I trusted you! Minahal kita pero ito ang gagawin mo sa akin?! My family loves you, Maxrill! Tinuring ka nilang pamilya! Tapos ito ang isusukli mo sa kabutihang iyon? Kunin ang lupa namin at api-apihin? Ang kapal ng mukha mo!"
"Baby, listen to me please..."
"Ayoko ng marinig ang mga kasinungalingan mo, Maxrill. Let's break up!"
"No! No! Hiraya, don't do this, please...I will fix this, kukunin ko ang lupa ninyo-gagawin ko ang l-"
Tumawa ako at malakas na dinampi sa kanyang mukha ang aking palad.
"Ang kapal ng mukha mo."
Kinuyom ko ang kamao ko at mabilis na tumalikod sa kanya baka ano pang magawa ko kapag tatagal ako roon. Grabe, ang sakit sakit malaman ang totoo! Hindi ko inaasahan 'to! Nagtiwala ako. Minahal ko siya, binigay ko ang lahat lahat pati sarili kong kaligayan tapos ito ang makukuha ko sa kanya? Tanginang buhay 'to kung ganun.
"Hiraya, don't leave me, Hiraya, please! I'm really sorry! Hiraya!"
"I can't live without you, baby..." tumakbo ako papalayo sa kanya.
Pinikit ko ng mariin ang dalawang mata. Dinadama ang sariling luha na kanina pa lumalandas sa aking pisnge. Alam kong nasasaktan din siya pero tama na. Tama na ang pagpapanggap. Pagod na ako, ayoko nang ipaglaban ang relasyong ito.
"Hiraya!"
Malaki ang tiwala ko sa kanya. I committed myself pero sinira niya lahat iyon.
He left me first.
"Hiraya, ayos ka lang ba?"
Napatingin ako kay Luciana. Naramdaman ang mainit na likido sa aking pisnge.
"What happened?"
Mabilis kong pinunasan ang aking luha. Kumuha ng kanin at ulam sa mesa. Hindi pinansin ang pagtataka sa mukha ni Luciana. Alam niya naman ang buong kwento kaya bahala na siya riyan.
Nadala na naman ako sa sariling emosyon. Kapag naalala ko iyon nasasaktan ako. Kakabanas talaga!
Pagkatapos naming kumain ni Luciana; napagpasyahan naming sabay na bumaba ng condo. Gagamitin kasi namin ang sasakyan niya papuntang building. May aayusin ako roong mga papel para sa new project na gagawin sa Carmen.
"Pupunta ka ba sa Show ni Irish?"
"Kailan nga iyon?"
Nilagay ko sa likod ang dress na ireregalo ko sa aking kaibigan. Birthday niya kasi bukas pero plano kong ngayon ibigay baka hindi ako makakadalo. May importante kasi akong pupuntahan bukas. Kailangan ako sa show dahil mga gowns ko ang gagamitin duon. Malaking offer 'yon kaya bakit ko palalampasin hindi ba?
"Mamayang gabi iyon. Gaga ka talaga, magtatampo sa'yo 'yon!"
"Ay, busy ako eh. Kapag matapos ko ng maaga ang trabaho pupunta ako. Ikaw ba?"
She shrugged her shoulder sabay paandar ng sasakyan. "Hindi rin ako sigurado eh. Kailangan mo kasi ako."
"Ayos lang naman sa akin, Luciana. Kaya ko na ang trabahong i—"
"What the hell? Is that...Pierson?!"
W-What?
Biglang kumalabog ang aking puso. Nakilala kaagad ang taong nasa aming harapan. It's him. Nakatayo sa gilid ng highway, nagtitipa sa kanyang cellphone. Damn! I need to talk to him.
"Tangina, si Pierson nga, Hiraya. Kausapin mo na!"
Gosh! Dali-dali kong tinanggal ang seatbelt at binuksan ang sasakyan. Tangina! Bakit ako kinakabahan! Hihingi lang naman ako ng sorry dahil sa ginawa ko noon sa kanya. Alam kong hindi maibabalik ng sorry ko ang lahat pero bahala na, ang importante ay gumaan ang loob ko.
"Hiraya, bilisan mo!"
Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
This is it, Hiraya. Pagkakataon mo na 'to.
"Pierso—"
"Pierson! Ang gwapo gwapo talaga ng asawa ko oh! Did you eat na ba? Sabay na tayo!"
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makitang humalik ang babaeng iyon sa kanyang labi habang may hawak na batang babae sa gilid. Tumatawa ito habang tinuturo si Pierson.
"I love you." He kissed her back.
What the fuck.
Ang sakit.
***
Note: Be aware po sa mga foreshadowing na chapters. Iyon po ang pasilip sa present. So here's the chapters, 10, at 15 po. 25-30 tuloy na po ng present.
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro