Kabanata 29
Hiraya's POV
"Wow, I can’t believe how high up we are!" manghang sabi ni Annalie, her voice echoing slightly in the thin air.
Nasa Mount Hinirang kami ngayon, lahat kaming magka-kaibigan. We decided na pumunta dito dahil next week babalik na kaming lahat sa Maynila. May mga kani-kanya kasi kaming trabaho pero babalik din naman kami ng Isabela pagkatapos ng trabaho. Sa ngayon, I-enjoy muna namin ang huling weekend na ito. Hindi ko muna iisipin ang trabaho ngayon dahil gusto kong mag-relax. I want to feel the freshness again coming from this mountain. This is my second time at wala paring kupas ang Mount Hinirang. Manghang-mangha parin ako sa gandang bungad nito.
Nabaling ang tingin ko kay Maxrill. Malaki ang ngisi nito habang inaasar sina Leo, Luigi at Mariana. Nasa right side sila, paminsan naririnig ko ang mahinang sipol nito. Mukhang ayos naman siya, sana nga maayos niya na ang PGC. I know he can fix that, hindi nga lang agad-agaran dahil marami pang gagawin.
Kapag naayos niya na ang dapat na ayusin, maybe we can fix our relationship... relationship talaga? Parang hindi naghiwalay, ah. Kakaloka. Sumagi tuloy sa isip ko ang sinabi niya dati nu'ng nasa condo kami. Friends lang daw kami kasi naka move on na siya. Ito ba ang move on sa kanya? Gusto niyang ayusin ang dating kami? Gosh, Maxrill, hindi ko alam kung anong gagawin ko sayo. You're still the same Maxrill I had crushed on before.
Tumikhim ako nang mapansin ang kanyang titig sa akin. Mabilis akong umiwas at nakisabay sa tawanan nina Luciana, Yumi at Morgan.
"Ang plastic mo, Hiraya. Huwag ka ngang pakipot diyan, kausapin mo na si Maxrill. Para namang wala kayong lambingan n—" hindi ko siya hinayaan na tapusin ang anumang sasabihin niya.
Sinamaan ko ng tingin si Morgan. Ang daldal talaga ng isang 'to. Kahapon niya pa ako inaasar at tinutulak kay Maxrill kesyo daw nakita niya kaming dalawa ni Maxrill na nag-usap nu'ng nakaraang linggo. Nakikinig pala sa amin ang gaga, sarap kutusan ang singit.
Mabuti nalang hindi kami naglandian ni Maxrill non, hoay. So ayun nga, nag-usap lang talaga kami ng masinsinan kasi unfair naman kay Ella kung babalik kaagad ako kay Maxrill, hindi ba? Limang taon na ang nakalipas, tapos mag-oo lang ako ng isang araw sa kanya na parang walang nangyari noon, no. Hindi ko gagawan iyon, kung gusto niyang ayusin ang pinagsamahan namin, ayusin niya lahat kasama na ang sarili niya.
Binalik ko ang tingin sa nag gagandahang tanawin. Nakatayo kami sa gilid ng bangin, nakatingin sa malawak na tanawin. Ang malalagong luntiang lambak ay nakaunat sa ibaba, na may mga maliliit na nayon at paikot-ikot na mga ilog. Sa kabila, ang abot-tanaw ay kumikinang na may malabo na asul, mga magagandang pakikipagsapalaran na lampas sa aming agarang tanawin. Sinabayan pa ito ng hangin na walang sawang humahampas sa aming mga katawan.
Unti-unti kong pinikit ang mga mata. Dinama ang sariwang hangin, huni ng mga ibon na nagsisilbing musika sa aking tainga at mga galasgas ng kahoy na walang tigil na sumasayaw sa ilalim ng hangin. Sa puntong ito, hindi lamang ang sariling kaligayahan ko ang narating ko. Lahat kami, nalampasan ang ma-batong, alikabok at lubak na daan. Ngayon, walang humpay ang tawanan ng mga kasama. Sa ilang taong pamamalagi sa rehas ng pagsubok, ngayon ay nakatayo na may malaking ngiti sa labi habang hawak ang tagumpay.
Minulat ko ang mga mata ko. Nabaling kaagad iyon kay Maxrill nang makita siyang papalapit sa aking kinaroroonan. Nanatili parin ang malaking ngisi sa kanyang labi habang humakbang papunta sa akin. Wariy tila ba'y hindi pasan-pasan ang problema.
"I can't believe we managed to hike all the way up here," sabi ni Luigi habang habol ang sariling hininga. Parang ngayon lang nahimasmasan mula sa tawanan nila kanina. "It was definitely worth it though."
Nang nakalapit na si Maxrill, nawala ang kanyang malaking ngisi. Napalitan iyon ng seryoso. Tumabi siya sa akin, habol niya rin ang sariling hininga, mukhang nag I-enjoy din. Walang nagsalita sa aming dalawa, tanging ang paghinga lamang namin ang lumalaban sa kabila ng kasiyahan ng aming mga kasama.
Ano namang sasabihin ko kung ganun? Kakaloka, napaka-awkward naman.
"Totally!" Malakas na tili ni Morgan tsaka uminom sa sariling water bottle. "And there's still so much more to see! Remember those caves we heard about?"
Palihim akong umirap sa kadaldalan ni Morgan. Hawak niya sa kaliwang kamay ang braso ni Yumi habang sa kanan naman ang braso ni Annalie na kanina pa nakabusangot. Halatang kanina pa naiimberna kay Morgan. Hila dito, hila doon, sinong hindi mapapagod? Kahit na ganyan si Morgan, nakakatuwa parin siyang kasama. Silence breaker eh.
"Oh yeah, the Hinirang Caves," sagot ni Leo. Halata ang excitement sa mga mata. "They're supposed to be pretty incredible. I've heard there are amazing rock formations and even some ancient artifacts."
"Let's go check them out!" Morgan suggested. Handang-handa na talagang hilahin ang dalawang babae sa kanyang tabi. "Maybe we can even go spelunking."
Kumunot ang noo ko. Spelunking—what? Ano iyon, ngayon ko lang narinig ang salita na 'yan.
Napansin ko ang paggalaw ni Maxrill. Nilabas niya ang kanyang cellphone mula sa jacket nito at napasinghap ako nang makitang pamilyar ang wallpaper niya. Babae iyon na nakabusangot, hindi ko gaanong namukhaan dahil binuksan niya kaagad ang inbox niya. Tsk, sino naman kaya ang babaeng iyon? Si Ella? Hindi pa naman pala naka-move on, dami pang arte.
Umiwas ako ng tingin. Salubong ang mga kilay habang pinapanood ang mga taong labas-masok sa hindi kalayuang kuweba.
"Spelunking?" Luigi shuddered. "I'm not sure about that. I'm more of a 'stay-in-the-sunlight' kind of guy."
"Come on, Luigi," Morgan teased. "It'll be an adventure! And you'll get to see some really cool stuff."
Luigi groaned, but his eyes sparkled with a hint of curiosity. "Fine, but if we encounter any bats, I'm blaming it on you guys."
Tumawa kami sa kanyang sinabi, mahina lamang ang akin. At maya-maya pa ay sumama na sila kay Morgan habang nakakapit parin ang dalawa babae sa kanyang braso. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti muli, iritadong-iritado na ang mukha ni Annalie habang si Yumi naman ay walang reaction. Nakisabay sa kalokohan ni Morgan. Nasa likuran sina Leo, Luigi at Luciana. Nang mapansing hindi kami sumunod ni Maxrill, napahinto siya.
"Hindi kayo sasama?" tanong ni Luciana habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Maxrill. Bakit kaya hindi sumama 'to?
Umiling ako. "Nakapasok na ako du'n, Luca. Hihintayin ko kayo dito, isama mo na 'tong si Maxrill."
"No, I will stay here. Hihintayin namin kayo dito." Seryosong sagot ni Maxrill. Napairap muli ako, nakatutok parin ang atensyon sa cellphone. Ano ba kasi ang tinitingnan niya diyan! Nakakainis.
"Sigurado kayo? Hiraya?"
"Yeah. Sige na, Luca, sumunod kana sa kanila."
Tumango siya sabay ngiti. Halatang pinipigilan niya ang tili niya. Kakalokang babaeng 'to. Hindi naman sigurong halatang ship na ship niya kaming dalawa ni Maxrill, ano?
"Gosh! Ang kj nitong si Mariana. Hindi ka naman madudumihan diyan, oh!" huling narinig ko mula kay Morgan.
Nang tuluyan na silang nakapasok sa loob ng kuweba, binalik ko ang tingin kay Maxrill. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin, hindi man lang umiwas ang loko. He looked at me with deep eyes. Gusto ko sanang umiwas kaso tila nilalamon ako ng kanyang mga mata.
Anong klaseng titig 'yan, Maxrill. Gusto mo bang hindi na ako makahinga? Nakakalunod kasi. Ang landi, Hiraya.
"Bakit ayaw mong sumama du'n?" sa wakas nakaahon din sa nakakalunod niyang mga mata.
He chuckled. Mahina lamang iyon sabay tingin sa kuweba, binulsa niya ulit ang cellphone. "We already saw everything there, Hiraya. Gusto ko ng bago," he faced me.
Tumaas ang kilay ko. "Bago?"
Tumango siya. "Yeah, wanna try some other activities here? May gusto sana akong subukan. Baka gusto mo?"
Gosh, Maxrill. Ano ba itong ginagawa mo sa akin? Inaayos mo na ba ang relationship natin o baka naman laro parin sa'yo 'to? You still have Ella, hanggat nandyan siya hindi ako mananahimik. I saw you texted back at her, I'm not blind. Fvck, ang hirap naman nito.
"You can go, I'm fine here." Walang emosyon kong sagot. Pilit tinatakpan ang pait sa aking boses at loob.
"Then, I'll stay here para may kasama ka."
"Bakit hindi mo sinama nalang si Ella para may kasama ka sa mga activities na nandito, Maxrill?" nakatuon parin ang mga mata sa mga tao.
"We're over, Hiraya. Wala na kami ni Ella kaya nga inaayos ko ang—"
"Hindi ganun kadali ang lahat, Maxrill! Over? Talaga? Then, bakit mo nireplayan? I'm not blind, Maxrill! Gosh!" Pumadyak ako. Umalis ako sa tabi niya at umupo malapit sa hindi gaanong kalakihang puno.
"Hindi ko siya nireplayan, Hiraya. Wala siyang number sa akin at wala rin akong number niya,"
"Ed sino iyon? Babae iyon, Maxrill." Matigas na sagot ko habang nakatitig sa kanya. Maya-maya pa ay gumalaw ang kanyang labi, panandaliang umawang iyon. Kaloka, para akong nagseselos.
"Iisipin ko na talagang nagseselos ka, baby. Para kanang mangangain, oh!" lumapit siya sa akin at nilapit ang cellphone. Nanlaki ang mata ko nang makitang camera iyon at huli na nang napagtanto kong na-clicked na iyon. Tangina.
"Burahin mo 'yan, Maxrill! Tatadyakan talaga kita!"
Tumawa siya saka binelatan ako. Apaka-gago naman talaga. Para akong tanga sa picture na iyon. Nanlaki ang mata, bukas pa ang bunganga na kulang nalang pasukan ng langaw. Letche talaga 'tong si Maxrill.
"Ayaw mo talaga?" seryoso kong sabi na may pagbabanta ang boses.
Para siyang batang umiling. "No, baby. Ang ganda mo kaya du'n. Here, lumapit ka sa akin. Susuyuin kita para humupa ang inis sa mukha mo."
"Sige lumapit ka, tatadyakan kita!"
Tumawa na naman si Maxrill. Halos mangiyak-ngiyak na sa tawa ang loko kaya hindi ko na napigilan ang sarili, lihim akong napangiti habang lumilitaw ang dimple niya sa pisnge. Kakainis! Ang gwapo talaga. Hindi na ako nagulat nang napansing nakatingin na ngayon sa aming ang ibang tao, kitang-kita sa mga mata ang kilig. Mukha bang nakakakilig iyon?
"Gosh! You're so annoying, Maxrill!"
"Gwapo naman." Dugtong niya.
"Sino nagsabi? Nag-iilusyon ka naman diyan!"
"Alam mo ang totoo, Hiraya. Ikaw, pipili ng pangit? Asa!"
Nanlaki ang butas ng ilong ko. "Wow! Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo! Ikaw lang nagsabi niyan hoy!"
"Don't deny it, Hiraya. Halatang-halata sa mga mata mo na hindi lang pagnanasa ang nakikita ko kundi pananabik at pag—"
"NGINA MO, MANAHIMIK KA!"
PUMIKIT ako ng mariin habang hawak ni Luciana ang kanang braso ko.
"Ayos ka lang ba? Para kanang natatae diyan, ah?" kinagat ko ang labi upang mas lalo pang pakalmahin ang sarili. Narinig ko na naman kasi ang nakakainis na tawa ni Maxrill. Nang-aasar na naman, hindi pa ba siya naka-move on kanina? Hayup na lalaking 'to. Kapag ako napuno, itutulak ko talaga siya sa bangin.
"Okay, everyone ready for the zipline? I'm nervous, but excited!" Tili ni Morgan habang ni-adjust ang helmet sa ulo. Tuwang-tuwa talaga.
Magzi-zipline kasi kami ngayon dahil iyon ang gusto ni Maxrill. Sumang-ayon naman ang lahat pwera lamang sa akin na mukhang natatae na sa gilid. Ayaw ko nga sanang sumama kaso mapilit si Maxrill eh, oras-oras akong ginagalit. Nararamdaman ko na ang pimples kong lumalabas. Shuta talaga.
"Nervous? You'll be fine! Just look at the view!" pansin ni Morgan sa akin habang inaayos ang sarili. Tinuro niya pa ang view, oo maganda pero 'yung sa baba, nakakamatay. Hihimatayin yata ako rito.
Maya-maya pa ay magsisimula na ang zip-line. Nauna sina Mariana at Luigi, mula sa kinaroroonan namin rinig na rinig namin ang malakas na sigaw ni Mariana, tinawag pa nito ang kanyang Daddy kaya hindi rin namin naiwasang hindi matawa.
"Kakaloka si Mariana!" tawa ni Morgan. Pumwesto na rin siya dahil silang dalawa na ni Luciana ang sasabak.
"Humawak ka ng maayos, Luciana. Wala pa akong ipapalit sayo!"
"Haha umayos ka nga, Hiraya. Ikaw kamo ang humawak ng maayos mama—ay kasama mo naman pala si Maxrill, hindi ka naman niyan hahayaang mahulog..."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Pinagsasabi mo, at anong kasama?" Napatingin ako kay Maxrill, tinaasan niya ako ng kilay. Jusko naman, bakit siya pa? Baka ihulog niya ako sa bangin.
"Sasaluin ka naman niyan, Hiraya, hindi ba, Maxrill?"
Kumindat si Maxrill sa akin na naging dahilan ng pag-ngiwi ko. Ang landi ng dating non para sa akin kaya napangiwi ako. "Ang landi mo."
"At least sayo lang lalandi."
"Yown! Kay Hiraya lang lalandi!"
"Lakas ng amats mo, Maxrill!"
"Maraya for the win!"
Maraya? Ano iyon. Tumawa na naman ang mga kasamahan namin. Umaapaw talaga ang boses ni Maxrill, tila ba nananadya talaga lagi.
"Ship name 'yan, hashtagMaraya!"
"Ew! Ayoko nga!" maktol ko dahil naiinis ako kay Maxrill. Tuwang-tuwa naman ang gago sa sinasabi ng mga kaibigan namin. Akala niya naman sasagutin ko.
"Tss, pakipot pa. Umayos ka kung ayaw mong itapon kita sa bangin na 'yan," turo niya sa ibaba. Damn! Nararamdaman ko ang panginginig ng katawan. Kakayanin ko kaya 'to.
"P-Pwede bang mamaya nalang a-ako?" nawala ang kulay sa mukha ko. Nakakatakot kasi talaga.
Lumapit sa akin si Maxrill habang ni-cheer naman ako ng mga kaibigan. Wala na 'yung boses asaran kanina.
"Don't worry, I'll be right behind you," mahinang bulong niya sa akin. His voice is both gentle and reassuring. "I'll even catch you if you fall!" He winked playfully. Hindi ko na lamang pinansin. Nangunguna ang kaba ko.
Pumwesto na kami, nasa likuran ko si Maxrill habang nasa unahan naman ako. Tangina, pakiramdam ko dito yata ako hihimatayin.
"Don't you dare let me fall! I'll never forgive you." May diin ang boses. He just smirked at me, parang may binabalak.
"If you fall, it's either I catch you or I will join you in falling."
Nanlaki ang mata ko. "Gago ka b—ahhh! Tangina! Maxrill, hayup ka!"
"Hahaha! Calm down, baby! Hindi ka mahuhulog!"
"Putangina mo, Maxrill! Kakatayin talaga kita—Ahh! Mama! Help! Stop this thing!"
"Baby, instead of calling your mom's name, why don't you call my name?" talaga naman, Maxrill. May oras ka pa talagang lumandi sa lagay na 'to. Halos hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa lakas ng hangin at sa puso kong walang tigil sa pagtibok. Fvck! Hindi ako takot sa heights pero nakakatakot ang bangin. Parang kakainin ako nito ng buhay kapag nahulog ako.
Ito na naman ang pakiramdam, parang tumataas ang buong kalamnan ko. "Tangina mo, Maxrill, kanina ko pa binabanggit ang pangalan mo, hindi mo ba narinig?!"
Ngumuso siya. "Halos mura naman ang natatanggap ko sa'yo!"
Tumawa ako, medyo nahimasmasan na. Nang makarating sa kabila ay tila duon na kumalma ang puso ko. Muntik pa nga akong matumba mabuti nalang nahawakan ni Maxrill ang beywang ko.
"Sus! Galawang Maxrill!"
"Gago!"
Hinawakan ni Maxrill ang katawan ko, sinandal niya ako sa kanyang dibdib habang tinatanggal ang mga nakapulupot sa katawan ko. Seryosong-seryoso siya sa ginagawa, salubong ang kilay habang nakaawang naman ang bibig. Damn, nakakaakit, parang gusto kong halikan.
Umiling ako. "Umayos ka, Hiraya." Sabi niya, napanguso ko. Humarap ako sa kanya, inaayos niya na ang magulo kong buhok ngayon.
"Ano bayan, respeto naman sa walang jowa ngayon, oh!"
"Nag-comeback na kayo?"
Sinamaan ko ng tingin si Morgan kasabay nito ang paglayo ni Maxrill sa akin. Tiningnan niya ang buhok ko kung maayos na ba.
"Good. Pretty." Umiwas ako ng tingin. Naramdaman ang init ng mukha, shit.
"Pakipot pa. Gandang-ganda na naman si Maxrill, lagot ka talaga sa akin kapag sinaktan mo na naman 'yan, Maxrill. Limang taon ang ginulgol niyan para makalimutan lang ang sakit na d—"
Umalis ako. Hindi hinintay ang sasabihin ni Luciana. Kahit nanginginig parin ang dalawang binti ko, pinatatag ko parin ang sarili. Bumaba ako, tinungo ko ang sasakyan habang habol ang sariling hininga.
"Hiraya!"
Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan. Umupo ako sa pinakadulo, pikit ang dalawang mata habang nakasandal ang likod sa upuan. Gosh, ano 'tong ginagawa ko? Tama pa ba 'to?
"Hiraya..." Kinuyom ko ng mariin ang kamay ko. Gusto kong iwasan muna si Maxrill ngayon dahil natatakot ako, natatakot na baka magkamali na naman.
Nakalimutan ko ang tungkulin ko kung bakit ako bumalik sa lugar na 'to. It's about him, hindi sa amin.
Unti-unti kong binuksan ang mga mata. Nagulat ako nang maramdaman ang init ng aking luha sa pisnge habang nakatingin kay Maxrill. Bumaba ang kanyang kilay, kita ko ang pag-aalala duon. Bago pa man ako makapagsalita, lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Hiraya... I'm sorry..."
Humagolgol ako sa kanyang balikat. Para bang duon ko binuhos lahat ang sakit na kinimkim ko limang taon ng nakalipas. I can feel my heart beating so fast, hindi dahil kinakabahan o natatakot kundi nakilala nito ang taong unang nagtibok ng aking puso.
"Don't cry, baby...shhh..." Hinawakan niya ang mukha ko, pinaharap sa kanya. Mas lalo akong napaiyak nang makitang umiiyak din siya. Kagat kagat pa nito ang labi na para bang pinipigilan nito ang pag-iyak.
"I'm so sorry," hinging tawad niya na naman. Umiling ako, it's okay. "For everything, for hurting you, for..."
He trailed off, unable to proceed. His hand went out, impulsively brushing away a tear from my lashes. The warmth of his touch sent shivers down my spine, a physical reminder of how much love remained between us despite everything.
Umiling ako at pilit na ngumiti sa kanya. "It's okay, Maxrill. We both made mistakes."
He shook his head passionately, his hand still pressing against my cheek. "No, it was not okay. It should not have happened. I was stupid, selfish, and arrogant... I do not even deserve your forgiveness. But I..."
He squeezed my hand, his eyes pleading. "I love you. You know that, right? I still love you."
Ang mga salitang nakasabit sa pagitan namin, isang marupok na hibla ng pag-asa sa makapal na ulap ng aming nakaraan. Kumikirot ang puso ko na may halong kalungkutan at kurap ng iba, bagay na kakaiba sa pakiramdam na parang pag-asa.
Tumingin ako sa kanyang mga mata, puno ng matinding pananabik at pagsisisi. "I know you do, Maxrill. And a part of me... a part of me still loves you too."
He leaned in closer, his eyes seeking mine. "But I want you to know that I've never stopped thinking about you. Never stopped loving you. Even when I was at my lowest." His fingers stroked against my cheek, sending a warm sensation through me.
He grasped my face and caressed it softly with his thumbs. "And I missed you." He said, his eyes filled with unshed tears. The distance between us lessened, and his lips brushed against mine in a gentle, lingering kiss.
I melted into his touch, his comforting warmth of his embrace sending a rush of longing through me. It felt like years had passed since his lips touched mine, but it felt like just seconds. The kiss was a secret promise, a whispered reassurance that, no matter what happened in the past, there was still hope for us.
"I love you, Hiraya Cristiana Corazon. Sa'yo lang kakalampag ang isang Salvatore." Natawa ako sa kanyang sinabi ngunit panandalian lamang iyon.
"I love you more, Pierson Maxrill Salvatore. Sa'yo lang malulunod." Sagot ko at akma na sana muling dadampi ang mga labi namin nang may malakas na tumikhim sa mula kanyang likuran.
Napatigil kami sabay lingon duon. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang mapagtantong mga kaibigan namin iyon.
"Uy! Uy! Uy! Kayo, ah! Comeback na ba 'to? Bakit hindi ako na-inform?" Sumiksik si Luciana, mahina pang tinulak si Maxrill palayo sa akin.
"Fvck! Ano ba, ang istorbo niyo naman!" natatawang sambit ni Maxrill at nagpatianod nalang sa mga kaibigan. Hinila siya palabas nina Leo at Luigi habang ang mga girls naman ay pumasok.
"May natitira pa palang kalandian 'tong si Hiraya, oh. Akala ko tatanda ka na hanggang crush lang!"
"Ayoko nga!" reklamo ko na may halong tawa. Para nanumbalik ang saya ko noon.
"Sus! Ano, kamusta? Kiss lang ba? Gago kasing Leo 'yon, eh, gusto nang pumasok. Naudlot tuloy ang halikan,"
"Ang daldal mo talaga, Morgan. So ano? Kayo na ba ulit?"
"Malamang, sa'yo lang kakalampag at malulunod e!" Sinamaan ko ng tingin si Luciana dahil nahihiya ako. Kakainis naman 'to oh.
"Ayieee! Dapat lang talaga na kay Maxrill ka babagsak, Hiraya. Hindi sa Ella na 'yon, gulo lang dala non, eh."
Sumagi sa isip ko si Ella. Muntik ko nang makalimutan na pina-backround check ko pala ang babaeng 'yon. Titingnan ko bukas, bukas pa kasi darating 'yon.
"Talaga naman. Ang sama ng ugali, eh. Tama talaga ang desisyon ni Maxrill na hiwalayan iyon." Tumango-tango sina Annalie, Yumi at Mariana na tila na nasaksihan ang totoong ugali ni Ella.
Nasaan na kaya 'yon ngayon?
"Umupo na kayo girls! Uuwi na tayo!"
"Yey! Sa totoo lang, masayang-masaya ako! Salamat't naging kaibigan ko kayo huhu!"
"Huwag ka ngang mag-drama, Morgan. Nandadamay pa eh!"
Inirapan ni Morgan si Luciana. Kanina pa sila nagbabangayan, magka-ugali kasi.
Binaling ko ang tingin kay Maxrill. He sat beside me, kinuha niya ang kamay ko at sinakop iyon habang nilalaro ang mga daliri ko.
He mouthed. "You're so beautiful."
"Bolero." Sagot ko sabay sandal sa kanyang balikat.
"Lagi ka namang maganda. Bata pa lang tayo ikaw na talaga ang gusto ng mga mata ko, Hiraya."
***
#Maraya (Maxrill x Hiraya) Wala lang, trip lang hoayy, walang maisip.
3 chapters nalang mga bibi😊
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro