Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

Everything is just a dream.

***

Salvatore's Mansion(Hacienda)

Rancho

Nasa rancho na ako ngayon nina Maxrill. Nakahilig sa malaking puno habang tinatanaw ang malawak nilang lupain. Mga hayop na may kani-kaniyang ginagawa, mga puno na sumasabay sa huni ng hangin. Isa ito sa mga lupain nilang nagustuhan ko. Hindi lamang tahimik kundi maganda ang tanawin, kitang-kita mula rito ang mga nagtataasang kabundukan.

Nasa loob ng mansyon ngayon si Maxrill. Pinatawag siya ng kanyang ama dahil siguro sa paparating na eleksyon. Tatakbo kasi si Mr. Salvatore bilang Mayor. Hindi naman siya sakim, sa katunayan nga niyan ay mabait ito at mapagbigay. Siguradong mananalo iyon dahil hindi lang mapera, kundi mabait at matulungin din. Pwera lamang sa kanyang ina na si Mrs. Cynthia. Laging mainit ang mata nu'n sa akin, hindi ko naman siya inaano. Hindi ko na lamang pinatulan baka aalisin niya si Papa sa planta. Iyon nalang ang mayroon ang Papa ko. Hindi sila nakapagtapos ni Mama ng kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Kaya gusto kong tapusin ang pag-aaral ko. Aabutin ang pangarap na minsa'y isa sa aking mga panaginip para makatulong sa kanila at mai-ahon sa kahirapan.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
Binaling ko ang tingin sa kuwadra. Naroon ang mga kabayo nina Maxrill. Kumakain. Wala ngang mga trabahante ngayon, tanging si Manang lamang ang nakikita ko. Halos mga trabahante kasi ang nagpapaligo sa mga hayop. Hindi naman gagawin ni Maxrill iyon dahil favoritism siya. Si Ange lang inaalagaan niya. Ang kabayo niyang babae. 'Yon din ang ginamit niya kanina papuntang mansyon para raw mas mabilis.

Binaba ni Manang ang kanyang balde at pinainom na naman ng tubig ang mga kabayo habang hinahaplos ang katawan ng mga ito. Marahan lamang iyon, pampakalma sa mga kabayo.

Binalik ko muli ang tingin sa aking sketchpad. Napasinghap ako nang maalala ang nakakainis na mukha ni Aljun. Ako kasi ang inatasang niyang gumawa ng sketch at siya naman sa iba pang mga detalye. Pinapadali niya pa ako, akala niya siguro mabilis lang gawin 'to. Ang sarap niya talagang sampalin para matauhan sa kanyang katangahan.

Kanina pa ako bura nang bura sa papel ko. Hindi makuha ang gustong ilagay. Hindi ako mapakali, laging pumapasok sa isip ko ang bisikletang tinali ng mga gaga sa bakal. Sabi ni Maxrill ay siya na ang bahala roon at I-uuwi nito sa bahay pero hindi ko parin makalimutan. Laging pumapasok sa isip ko! First time 'yun nangyari sa buhay ko. Ano na naman kaya ang pakulo ng mga babaeng 'yon? Oo't gwapo talaga si Maxrill at gusto ng halos sa babae sa campus pero sumusobra naman yata sila. Feeling girlfriend ampota.

Iritado kong binaba ang aking sketchpad kasabay nito ang yapak ng isang kabayo papunta sa akin. Si Maxrill na may kasamang...babae?

"Hiraya!"

"Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito, Pierson?"

Sabay silang bumaba ng kabayo. Nang mamukhaan ko ang babae ay biglang sumama ang aking pakiramdam.

Girlfriend ni Aljun.

Maarte itong kumapit sa braso ni Maxrill habang itong talandi naman ay tila wala lang sa kanya. Nilapag niya ang basket na may lamang pagkain sa aking tabi at umupo roon.

"Kumain ka muna, Hiraya. Pinahanda ko 'yan kay Manang para hindi kumalam ang sikmura mo," tiningnan ko lamang siya. Pabalik-balik ang mata ko sa braso na hawak ni Anya at sa mukha nitong akala mo talaga inosente. Hindi marunong makiramdam.

"Tapos kana sa sketch mo?" Akma niya na sanang hahawakan iyon nang mabilis kong kinuha at tumayo. Hindi ko kayang manatili dito. Lalong-lalo na't harap-harapan kong masasaksihan ang kalandian ni Maxrill. Nakakairita!

"Huwag mong hawakan. Uuwi na ako."

Kinuha ko ang bag ko at amba na sanang aalis nang bigla niyang hinigit ang kamay ko kayat bumangga ang likod ko sa kanyang matigas na dibdib. Wala na roon ang kamay ni Anya.

"Bitawan mo 'ko, Maxrill. Uuwi na ako."

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang pagkaing pinahanda ko? Anong gusto mo? Ipaghahanda ko sa'yo, Hiraya,"

"Gusto kong umuwi, Maxrill. Hindi ako gutom!" medyo tumaas ang boses. Unti-unti kong naramdaman ang pag-alis ng kanyang kamay sa aking kamay.

Pumikit ako at inis na humakbang palayo sa kanilang dalawa ni Anya.

Tangina. Ewan ko bakit ako naiinis, napipikon sa tuwing nakikita ko ang babaeng iyon. Alam naman siguro ni Maxrill na may boyfriend 'yon, hindi ba? Bakit niya pa nilalandi. Pati rin 'yong Anya na 'yon. Hindi makuntento. Kati lang ang alam sa buhay. Buwesit.

"Hiraya, uuwi kana?"

Nakasakubong ko si Mr. Salvatore sa kanilang malaking gate. May hawak itong baso at diyaryo.

"Opo. Salamat nga po pala sa—"

"Hiraya! Hiraya!"

Napapikit muli ako nang marinig ang malakas na boses ni Maxrill. Nakasakay ito kay Ange ngayon. Hindi niya kasama si Anya. So, iniwan niya doon? Talaga naman oh.

"Uuwi na po ako, Mr—"

"Sumakay ka, Hiraya. Ihahatid kita sainyo." May diin ang kanyang pagkakasabi. Hindi ako lumingon, na kay Mr. Salvatore lamang ang tingin ko. May mapaglarong ngisi sa kanyang labi.

"Mas mabuti sumakay kana kay Pierson, Hiraya. Malayo-layo pa ang sainyo, hindi ka makakahanap ng tricycle sa labas lalo na't lubak-lubak ang daan."

"Sumakay ka na, Hiraya. Huwag mong hintaying bumaba ako at ako mismo ang aakay sa'yo, ano?"

Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang sariling inis. Gusto ko siyang suntukin at sigawan na hindi ako aangkas sa kabayo niya dahil kaya ko namang maglakad pero tangina, nakakamatay na ngayon ang tingin niya sa akin Seryosong-seryoso na.

"Babae mo, Pierson?"

"May mga paa naman 'yon, Papa. Siya ang pumunta rito kaya siya rin ang maghahatid sa sarili niya pauwi." Sabay tingin sa akin. Nakataas ang kilay.

Tumawa ng malakas si Mr. Salvatore. "Sabagay. Mag-iingat kayo, ah? Pierson, huwag kang magtatagal. May pag-uusapan pa tayo."

"Yes, Pa!"

Binalik niya ang tingin sa akin. Nasa harapan na ako ng kanyang kabayo, naghihintay na aalisin niya ang kanyang paa sa paanan para makaakyat ako. Ang tagal naman kasi!

"Hawakan mo ang kamay ko,"

Tumango ako. Hinawakan ang kanyang kamay, hinila paupo sa kanyang harapan kasabay nito ang mainit na hininga niyang tumatama sa aking leeg. Shit! Naramdaman kong nagsitaasan ang balahibo ko dahil duon. Tangina talaga 'to!

"Are you still mad at me, baby? Hmm..."

Ina mo, Maxrill.

•|•

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro