Kabanata 13
Hiraya's POV
"Hey Hiraya, I saw you talking to the new student earlier. What's his name again?" basag ni Solace sa katahimikan. Nasa loob kami ngayon ng classroom. Naghihintay kay Professor Garcia. Siya kasi ang next class namin at ngayon niya ni-aannounce ang pumasa sa activity. Gusto kong masali roon kaya lang ay paano ang gastusin? Hindi ko yata keri 'yun. Hayst.
"Hiraya?"
Nabaling sa kanya ang aking tingin. Binaba ko ang magazine na hiniram ko sa isang kaklase namin saka sumandal sa sandalan ng inuupuan ko.
Pangalan nong lalaki? Nakita ko sa ID niya na Luigi yata 'yon. Luigi Samuel. Hindi ako sure pero sigurado akong Luigi first name non. Nakakahiya, sa tuwing naalala ko 'yun nag-iinit ang buong mukha ko. Shit lang talaga.
Lakas ba naman kasi ng trip ni Maxrill. Panira talaga kahit kailan.
"Luigi." Sagot ko. Nilibot ko ang paningin sa buong classroom. Halos nagd-drawing mga classmates namin. 'Yung ibang natira naman ay busy kakaayos sa sarili.
"Luigi, right. I saw you were a bit nervous. What happened?" mas lalo siyang lumapit sa lamesa ko. Iniwan ang pink na tumbler sa mesa. At anong nervous? Hindi ako kinabahan nu'n, no. Nahihiya lang dahil sa ginawa ni Maxrill. At anong pumasok sa isip ko bakit ko binentahan ng ulam 'yon? Tanga talaga, Hiraya eh.
Umirap ako kasabay nu'n ang malakas na hanging nanggaling sa bintana. Tinangay ang ilang hibla ng aking bangs.
"I was just... I don't know. I guess I was just trying to make conversation, but he didn't really say much."
Masungit siya, medyo. Parang ayaw niya akong kausapin. Gusto ko lang naman siyang tulungan. Wala naman akong balak na gawin sa kanya, mukha ba akong kriminal, ah? Tingnan mo tuloy ang nangyari, nabentahan ko ng ulam ni Mama kahit wala naman akong dala. Hindi ko rin intensyon na gawin 'yon.
"Oh, I see. Well, don't worry about it. He's probably just shy,"
"I guess so." Hindi naman mukhang mahiyain 'yon. Ayaw niya lang talaga ng kausap. Natakot siguro sa akin. Ewan ko.
"So, what did you talk about?" nag-aasam ang kanyang mga mata.
"Not much. I just asked him about where he's from and what he does for a living." Sagot ko kahit hindi naman ganun ang nangyari.
Tumango siya habang ako naman ay
nagkibit-balikat kasabay nu'n ang pagpasok ni Professor Garcia sa aming classroom. Dala niya ang folders na naglalaman ng mga drawings namin.
Gosh. Napaupo ako ng maayos. Ang bilis pa ng tibok ng puso ko. Medyo kinakabahan ako. Matatanggap kaya kaming dalawa ni Solace? Okay lang sa akin na si Solace lang. Mukha naman siyang mayaman, afford niya ang mga materials.
Sinalubong kami ng malaking ngiti ni Professor Garcia. Pinuri niya ang mga designs namin. Natuwa naman ang halos sa amin, pwera lamang sa akin na medyo nati-tense. Akala mo talaga final project eh. Maganda kasi ang event na 'yun, fashion show. Malaki rin ang premyo. Bonus na ang mga sikat na fashion designers galing ibang bansa. Malay natin ma-discover tayo ng mga designers na iyon, hindi ba? Kung hindi man palarin syempre hindi ko ipipilit. Simula pa lang naman 'to. Marami pang mangyayari.
"Good morning, Professor Garcia!" bati namin sa kanya.
Tumango siya at ngumiti sa amin. "I will announce the results of last week's activity."
Naghiyawan ang mga kaklase ko. Tumalon-talon pa nga si Anya kasama ang boyfriend nitong si Aljun. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiwi sa kanilang dalawa. Ang oa lang, hindi pa nga sinabi kung sino ang nakapasa. Mamaya na kayo magsaya. Kung anuman ang magiging resulta nito ngayon ay hindi ako iiyak, hindi masasaktan. Simula pa lang naman ito, marami pang activities na darating.
Pero gusto ko talagang makapasa! Experience lang sana, ganun. Sigurado akong papasa si Solace dahil ang ganda ng gawa niya. Pinakita niya sa akin kahapon, grabe ang expensive ng pagkakakulay niya. Parang professional na talaga. Nanliit tuloy ako sa gawa ko, maganda naman ang akin, 'no. Gawa ko 'yon eh. Inspired kay Ange 'yon, kabayo ni Maxrill.
"Oh, I hope I passed!" rinig kong sambit ni Anya. Umikot ang mata ko, tinuon ang atensyon sa hawak na folder ni Professor Garcia.
"These are the students who have passed the first activity. Where's Solace Montemayor?"
"Me! I'm here, Professor Garcia!" masayang tumayo si Solace at tinaas ang kamay.
Napangiti naman ako. I'm so proud of her. Tumango ang aming Professor sa kanya at inabot ang kanyang folder.
"Congratulations, Montemayor,"
"Thank you, Professor Garcia!" masayang sagot niya at bumalik sa kanyang kinauupuan. Kinurot ko naman siya at binati ng 'congratulations'. Deserved niya eh.
Maraming nakapasa sa unang activity na pinagawa ni Professor Garcia. Limang estudyante na yata 'yong natawag niya. Hindi kasali ang pangalan ko du'n. Nagsisimula na akong manghina. Baka hindi talaga ako kasama.
Naramdaman ko ang kamay ni Solace sa aking balikat. Napatingin tuloy ako sa kanya, ngumiti. Naghihiyawan na ang mga kaklase kong nakapasa habang ako ay tila nawawalan na ng pag-asa. Unang activity ligwak kaagad. Shems, bakit ako nasasaktan? Ang bigat bigat ng loob ko. Nilaan ko lahat ang oras ko du'n, maraming nangyari tapos ganito? Hindi kayang tanggapin ng pus—"
"Lastly, where's Hiraya Cristiana Corazon?"
Wait...is that my name?
"O M G! You passed, Hiraya!"
Gulat akong tumayo. Ngumiti si Professor Garcia sa akin at inabot ang aking folder, habang ako naman ay laglag panga. Gulat na gulat.
"Congratulations, Hiraya. Ang ganda ng gawa mo. Nagustuhan ko."
Tinanggap ko ang aking folder at yumuko. "Maraming salamat po, Professor Garcia."
Ang saya ko!
Bumalik ako sa pwesto namin ni Solace. Nasa loob parin ng aking dibdib ang saya at pagkamangha sa sarili. Sinalubong ako ng ngiti ni Solace at binati din ng 'congratulations' nagpasalamat ako at muling binaling kay Professor Garcia ang atensyon.
I will do my very best this time. Isasalang sa mini fashion show ang design namin kaya dapat talaga naming paghandaan 'to.
"Congratulations everyone! Don't forget na isasalang kayo sa fashion show na magaganap sa Mariano next week. Irarampa ang mga damit ninyo. You need to choose your model too para sa damit. This is your chance to shine and experience. Embrace the crowd with your designs."
"Thank you, Professor Garcia!"
"I would also like to commend the rest of the class for their hard work. Keep up the good effort." Huling sabi niya bago magpaalam sa aming lahat.
"Yes! I'm so excited!"
"Kukunin kitang model, Anya. Bagay sa'yo ang design ko!"
Pito lamang ang nakapasa sa amin. Kasali ang maasim na si Aljun. Hindi nakapasa ang kanyang girlfriend na si Anya kaya badmood ito ngayon. Pero, nang marinig ang sinabi ni Aljun ay tila nabuhayan ito ng loob. Pinili siyang model ng boyfriend. Sana all, hindi ba? How about me naman.
Dress itong design ko. Hindi ko pwedeng gawing model si Maxrill dahil pambabae ang damit na 'to. Sino kaya ang gagawin kong model? Wala akong tipo sa mga classmates ko, tataray eh. Ayokong sumakit ang ulo dahil sa kanila.
Nga pala, pang-lalaki 'yung damit ni Solace. Sino kaya ang pipiliin niya?
"Hiraya! You have a male friend, right?" Her voice was soft. Malawak ang ngising ginawad niya sa akin. Naalala niya siguro ang kaibigan kong si Maxrill na minsa'y binanggit ko sa kanya.
Napakamot ako sa aking leeg. "Yeah," I said, feeling a little awkward. Don't tell me, gagawin niyang model si Maxrill?
"Maxrill... he seems like a good choice for my design," she said, eyes sparkling with excitement. "He has such a unique look, almost like a model."
My stomach twisted. "Yeah, I guess so," I mumbled, trying to hide my discomfort. Hindi sigurado kung papayag ba 'yon. He's not into this.
"But... I don't know if he'd be interested." Sagot ko at inayos ang mga gamit. Pupuntahan ko pa 'yon mamaya sa kanilang building. Lilibre niya raw ako ng kwekwek. Sino namang tatanggi sa grasya, aber?
"Why not?" Solace tilted her head, her brow furrowed. "He's your friend, right?"
Anong nais iparating ni Solace? Na porket kaibigan ko si Maxrill ay kaya kong paamuin 'yon? Ewan ko na lang talaga. Susubukan ko kung papayag iyon. Huwag niya lang buwesitin. Masama ugali non sa iba.
"Yeah, but..." I hesitated. "He's just my friend, you know? This is a big thing, and I don't want to pressure him into doing something he doesn't want to do." Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
Solace's smile faded slightly. "I understand. But he's the perfect fit for this project. And who knows, maybe he'll even enjoy it?"
"Maybe," bulong ko. "But I just... I need to talk to him first."
"Of course," she said, her hand resting reassuringly on my arm. "Take your time. I'll be here when you're ready."
Gagawin ko ba talaga 'to para kay Solace? He's just my friend, bakit ko ipagdadamot? Kakaloka ka talaga, Hiraya.
Lumabas ako ng classroom pagkatapos ng usapan namin ni Solace. I went to CEA building kung nasaan si Maxrill. Saulo ko ang kanyang last class kaya doon ako dumeretso sa huling classroom nila.
Nakita ko siya, kalalabas lang ng kanilang classroom. Inaayos ang halos walang lamang bag. Nasa likuran niya ang mga kaibigan, tinatapik ang kanyang balikat habang siya naman ay palinga-linga sa loob ng kanilang classroom.
"Ginagawa ng gagong 'to?"
Dahan-dahan akong lumapit. Binati ko ang kanyang mga kaibigang nadaanan. Wala naman siguro silang practice ngayon.
"Maxrill!" malakas na sigaw ko sa kanyang pangalan.
Nabaling naman kaagad ang kanyang tingin sa akin kasabay nu'n ang paglabas ng dalawang lalaki at babae. Napatigil ako, nakilala ang dalawa. Si Luigi at 'yong crush ni Solace. Huling lumabas ang babae. Napasinghap ako nang makitang tumagal ang titig ni Maxrill do'n. May balak pa yatang kausapin.
Kilala niya kaya? Maganda at matangkad ang babae, mukhang model.
Lumapit ako sa kanya. "Tapos kana?"
"Hiraya? Oo tapos na, tara?" ang tingin nasa babae. Nagtitipa ito sa kanyang selpon. Katabi ang crush ni Solace.
"Crush mo ba ang babaeng 'yon, ah?" kantya ko sa kanya.
"No! Hindi ah! Ikaw? Bakit ang laki ng ngisi mo? So, totoong crush mo ang Luigi na 'yon?" medyo napalakas ang boses ni Maxrill dahilan nang paglingon ni Luigi sa amin.
"MAXRILL!" tangina talaga ng lalaking 'to. Nakakahiya.
"Ewan ko sa'yo! Halika na nga!"
"Sus, nahiya ka pa. Kaibigan ko na 'yon, ano? Kakausapin ko ba para sa—"
Inabot ko ang kanyang bibig at tinakpan habang lumalakad. Nasa likuran ang tatlo, unti-unting humahakbang. Medyo malayo na sa amin.
"Ang ingay mo talaga. Hindi ko crush iyon."
Tumaas ng bahagya ang kanyang kilay at hinawakan ang kamay kong nasa kanyang bibig. Dahan-dahan niyang binaba iyon at nilagay sa kanyang bulsa.
"Anong ginagawa mo?"
"Itatago ko baka biglang may kumuha." Kumindat siya sabay hila sa akin pababa ng hagdanan.
Umirap naman ako upang takpan ang sariling emosyon. Ang bolero ng gago! Kaya siguro nahuhulog ang mga babae dahil sa paganto-ganto niya. Pwes! Hindi ako magpapadala.
"Dalawang kwekwek nga po kuya at isang isaw,"
Nasa labas na kami ngayon ng campus.
Inabot ni Maxrill ang singkwenta pesos sa tindero at kumuha ng isang basong naglalaman ng dalawang itlog.
Tuwang-tuwa naman ako nang I-abot sa akin ni Maxrill iyon. Matagal-tagal na rin kasi. Sobrang busy sa acads eh.
"Salamat!"
"Damihan mo. Ang payat payat mo na,"
Tinarayan ko siya. "Hindi nga sa—hshshshs—" tinakpan niya ang bibig ko.
"Kumain ka na nga lang." Sabi niya sabay tawa.
Kumuha siya ng isang isaw at sinawsaw 'yun sa sukang maraming sili. Ang sarap!
"Kamusta ang klase niyo?" tanong ko sa kanya nang mahismasan na.
Nagkibit-balikat siya. Nilamon ang buong itlog saka lumingon sa akin.
Isang malakas na tawa ang kumawala sa aking bibig. Ini-imagine ang kawangis ni Maxrill. Ang pangit niya!
"Pffft!"
"Ang pangit mo!"
Napansin ko ang paggalaw ng tindero. Mas lalo akong natawa nang makitang pinipigilan niya ang kanyang tawa sa mukha ngayon ni Maxrill. Para siyang kabayo dahil sa kanyang nguso.
"Kaya mo 'yan, Maxrill,"
Nginuya niya dahan-dahan ang kwekwek sa kanyang bibig habang nakatitig sa akin. Lumilitaw naman ang kanyang dimple habang ginagawa iyon. Shuta talaga, ang gwapo mo, Maxrill. Kung hindi lang kita kaibigan...
I shook my head. Friends.
"Isang buko juice nga po," inabot ko ang 10 pesos sa tindero. Tumango siya at inabot sa akin ang buko juice.
Binalik ko muli kay Maxrill ang atensyon at binigay sa kanya ang buko. Kakatapos niya lang ngumuya, kitang-kita ang pamumula ng kanyang buong mukha. Pftt! 'yan kasi, nagmamagaling.
"S-Salamat." Tumango ako.
Ang laki naman kasi ng itlog na nilamon niya.
"Nga pala, may sasabihin ako sa'yo, Maxrill,"
"Ano?"
"Nakapasa kasi kaming dalawa ni Solace sa unang activity at irarampa ang designs namin sa paparating na fashion show sa Mariano next week. Kailangan namin ng model sa damit namin,"
"So? Kukunin mo ako? Ayos lang sa akin, Hiraya. I'm all yours!"
Sinapak ko siya. "Aray!"
"Hindi ako! Si Solace, kukunin ka niya sanang model kung papayag ka,"
Kumunot ang kanyang noo. "Bakit hindi ikaw? Sinong gagawin mong model?"
"Pambabae 'yung damit na ginawa ko, Maxrill. Magsusuot ka ba nu'n, ah?"
"Kaya kong umaktong babae, Hiraya. Try me."
Tumawa ako. "Baliw! Halika na nga!"
***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you, bbies!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro