75: Favorite Record
*Two years passed*
Dalawang taon. Dalawang taon na ang lumipas pero parang napasariwa pa din lahat ng mga nangyari. Naging Personal Assistant ng bandang hinahangaan ko ng husto, mahalin ang isang miyembro nito, mawalan ng alaala.
Hanggang ngayon ay parang walang nagbago sa akin. Umuwi man ako sa Pilipinas pero parang naiwan ang isip at puso ko sa Amerika. Bumalik lahat ng alaala ko pero hindi ang taong mahal ko. Katulad ng gusto ng mga magulang ko, pinutol ko ang koneksyon ko sa Fall Out Boy, ginawa ko iyon kahit masakit at labag sa kalooban ko. May mga pagkakataong gustong gusto ko silang tawagan. Pero pinipigalan ko ang sarili ko. Ngunit araw araw kong tinitingnan sa internet kung ano na ang nangyayari sa kanila. Lalo na kay Pete. Mukhang okay naman ito. Mukhang masaya naman ito. Siguro nga nakamove on na ito at ako lang ang hindi. Hanggang ngayon ay iniisip ko ang huli nyang sinabi. Na kung gaano nya ako kamahal, at iyon ang pinanghahawakan ko. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito pang-hahawakan.
Nagsimula na din sila sa world tour dahil kalalabas lang ng panibago nilang album na American Beauty/American Psycho.
Alam ko si Pete ang sumulat lahat ng iyon. Mayroong mga pagkakataong umiiyak ako sa tuwing papakinggan ko ang mga kanta na nasa album na iyon. At nabubuhayan ako ng loob na ako pa din ang nasa puso nya.
**********
"Ate! Tara na! Mahuhuli tayo nyan eh!"
Nagmamadaling sabi ni Amy sa akin. Hindi ako magkandaugaga sa pagsusuot ng sapatos sa pagmamadali ni Amy.
"Oo! Wag ka maingay. Baka magising sila mama at papa."
Sawaw ko dito sa mababang boses.
"Ay oo nga pala. Sorry sorry."
Sabi nito, nang matapos akong magsapatos ay dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at tingnan ang paligid.
"Tara na dali."
Sabi ko at dahan dahan kaming naglakad ni Amy palabas ng bahay.
"Hindi ko alam ate na gagawin natin ito."
Di nya makapaniwalang sabi sa akin nang makalabas kami ng bahay. Naghihintay kami ng ngayon ng taxi.
"Kailangan ko tong gawin Amy. Para sa sarili ko, wala namang masama kung maging selfish kahit isang beses sa buhay mo."
Sabi ko.
"Bilib na talaga ako sa fighting spirit mo."
Napangiti lang ako sa sinabi nya sa akin. Lahat gagawin mo sa taong mahal mo.
**********
"Shit! Yung ticket naiwan ko Amy!!"
Naasar sa sabi ko. Nagulat din ito.
"HA?! Ate naman! Dapat kinalimutan mo na lahat wag lang ang ticket natin!!"
Naasar na sabi nito sa akin.
"Ikaw kasi! Nagmamadali ka!"
Paninisi ko dito. Lalo akong nafufrustrate dahil pumapasok na ang lahat sa loob ng arena.
"Ako pa talaga ah!"
Sabi nito.
Wala ako sa mood na makipag-away dito dahil naasar na ako. Mukhang di pa kami makakapasok.
"Ano nang balak mo ate? Eh kung tawagan mo na lang isa sa kanila?"
Sabi ni Amy.
"Hindi ko pwedeng gawin iyon Amy ano ka ba!"
Sabi ko. Inikot ko ang paningin ko dahil baka sakaling may makita akong kakilala kong organizer ng concert na iyon. Pero wala.
"Mukhang ayaw makisama ng universe sayo ate."
Pang-aasar ni Amy sa kamalasan ko. Tiningnan ko ito masama.
Paano ako makakapasok? Isip Ayesha isip!!
"Hay!! Bahala na!!"
Naasar na sabi ko. Tiningnan ko si Amy.
"Amy kapag hindi ka nakapasok doon ka na lang maghintay sa akin sa may starbucks malapit sa arena, hintayin mo ako doon."
Sabi ko.
"Teka?! Ate anong gagawin mo?"
Naalarmang tanong nito, binigay ko lahat ng laman ng bulsa ko. Wallet at cellphone ko, just incase mapatakbo ako.
"Basta. Hintayin mo ako dun."
Sabi ko. Mabilis akong naglakad papunta sa pila ng papasok ng arena. Please lord. Maawa na kayo sa akin.
Lalong tumibok ng husto ang puso ko dahil malapit na ako. Ang balak ko ay mag-ala 1,2,3 ako sa pagpasok. Buti na lang nakajacket ako at pwede kong hubarin ito at tatakbo na ako papasok.
Nang ako ang magbibigay ng ticket ay nagkunwari muna ako.
"Ticket ma'am."
Sabi ng officer ng arena.
"Ay teka lang po."
Sabi ko. Konting kapa kapa sa mga bulsa ko.
"Ma'am ticket nyo po?"
Naiinip na sabi ng officer. Tingnan ko ito ng masama. Shit! Bahala na! Para sayo Pete!
"Ay diba sabing teka lang?"
Sigaw ko dito at saka...
"MA'AM! Bawal po kayong pumasok!!"
Sigaw nito sa akin. Dire-diretso lang ako sa pagtakbok papasok sa loob. Hinabol na ako ng mga bouncer na nakabantay. Kahit nakacombat boots ako ay hindi ako nagpatinag. Feeling ko sobrang bilis ng adrenaline ko at nasa music video ako ng Young Blood Chronicles at hinahabol ako ng mga goons. Tamang tama ang background song natumututog sa loob ng Arena. The Phoenix pero recording lang pinapatugtog.
Madilim sa loob ng arena at marami nang tao kaya nakahinga ako ng maluwag. Pwede na akong makapagtago. Nakipagsiksikan ako sa mga fans na manonood ng concert na iyon. Tumingin ako sa likod ko, mukhang hindi na ako nakita ng mga bouncer na humahabol sa akin. Tinanggal ko ang jacket ko at ang pagkakatali ng buhok ko para hindi ako mamukhaan. Nakipagsiksikan ako para makapapunta sa medyo harapang bahagi ng stage.
Lalo akong kinabahan nang mamatay na ang lahat ng ilaw. Nagsimula nang maghiyawan ang mga taong nanonood.
"FALL OUT BOY! FALL OUT BOY! FALL OUT BOY!"
Sigaw ng mga ito.
Kumakabog ng husto ang puso ko. Pakiramdamdam ko ay namamawis ako ng ng sobra. At biglang bumuga ng apoy ang stage, hudyat iyon na lalabas na sila. Para akong naiiyak na naiihi sa kaba at takot. Ngayon ko lang ulit sila makikita. At wala silang kamalay malay na nandoon ako.
At dumating nang ang hinihintay ng lahat.
Tumutog ng malakas ang beat ng The Phoenix, at live na iyon. Drums ni Andy ang tumutugtog, gitara ni Joe at Pete ang nagbibigay tono.
"You are brick tied to me that's dragging me down.."
Nagsimula nang kumanta si Patrick, kitang kita ko sila sa malaking screen sa stage, pero nakablack mask silang apat, katulad ng parating ginagawa nila kapag tinutugtog ang The Phoenix. Ito kasi ang introduction song nila. Nakikanta na din ako sa kanila. Feeling ko nabuhay ang fangirl hormones ko.
Nang matapos ang The Phoenix at nagtanggap na sila ng mask, lalong naghiyawan ang mga nanonood dahil kitang kita na ang mga mukha nila. At nagulat ako dahil iba ang ang kulay ng buhok ni Pete, blonde ang kulay nito. Pero lalong bumagay dito ang kulay ng buhok nya. Habang ang mga katabi ko ay kumanta at nagtatatalon sa saliw ng tugtog, ako naman ay nakatulala lang.
Pinagmasdan ko lang si Pete mula sa screen. Nakatuon ang atensyon nito sa pagtugtog.
Napangiti ako. Okay sya. Iyon ang mahalaga.
Pero hindi ko mapigilang maluha noong kantahin ni Patrick ang bago nilang kantan na Fourth Of July at Jet Pack Blues. Pakiramdam ko ay para sa akin ang kantang iyon.
Patuloy sila sa pagtugtog hanggang sa matapos ang unang setlist nila.
Panandalian muna silang pumunta ng backstage, nagsigawan lahat ng manonood dahil sa pag-aakalang tapos na ang concert. Pero pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik din naman sila.
"How you doing Manila!!!"
Sigaw ni Pete sa microphone. Tumibok ng husto ang puso ko nang marinig ang boses nya. Kasing lakas ng sigawan ang sigaw ng puso ko.
"It's good to be back here isn't it Pete?"
Sabi ni Patrick dito. Lalong naghiyawan ang mga nanonood.
"Yes Patrick. Really is."
Sagot naman ni Pete. Natawa ako dahil naglolokohan pa ang dalawa.
"But tonight is diferrent right Pete?"
Pakikisali ni Joe sa dalawa. Bahagyang ngumiti si Pete, ngiting may pait.
"Yes Joe. Maybe because I miss her so much."
Sabi ni Pete, rinig na rinig ko ang pagsabi ng "aww" ng mga manonood. Mukhang alam ng mga ito ang ibig sabihin ni Pete.
Pero parang biglang tumigil ang ikot ng mundo nang magtama ang mga mata namin ni Pete. Hindi ko alam kung nakita nya ako o hindi, pero gumulo ang sistema ko. Kinabahan ako na baka nakita nya ako. Pero impossible dahil madilim ang paligid. Muli itong nagsalita. Pero nanatiling nakatingin sa akin.
"You all know that the girl I love is a Filipina right? She's the most beautiful, lively, cheerful and lovely girl I met in my whole life. I love her so much. There is no girl in my life except for her. I will do anything for her. I'm willing to sacrifice and trade everything for her. Even my music career and these asshole bestfriends of mine."
"HEY! You're the asshole!"
Angil ni Patrick sa sinabi nito.
"Dude! Really?! I'm having my speech!"
Sabi ni Pete. Doon ko lang napagtanto at napansin na umiiyak na pala ako at mayroong spotlight na nakatutol sa akin.
What the heck! Alam nilang nandito ako? Teka? Paano? Lahat ng tao na nasa loob ng arena ay nakatingin sa akin.
"Ayesha, I know you're here. I'm sorry if I left you. I thought you're parents were right, that I don't deserve you. I was afraid that you might not remember me. But I don't want to be a coward again. I hate sleepless nights, my panic attacks. You are the only one thy could cure me. You are my antidote to everything, you are my favorite record."
Biglang namang tumutog ang isang pamilyar na kanta mula sa bago nilang album.
Do you do, do you remember
When we drove, we drove, drove through the night
And we danced, we danced
To Rancid, and we danced, we danced
And I confessed, confessed to you
Riding shotgun underneath the purple skies
And we danced, we danced
With windows down, and we danced, we danced
(Spin for you like your favorite records used to...)
(Spin for you like your favorite records used to...)
You were the song stuck in my head
Every song that I've ever loved
Played again and again and again
And you can get what you want but it's never enough
And I spin for you like your favorite records used to
And I spin for you like your favorite records used to
Parang dejavú ang lahat, akala ko si Patrick ang kakanta pero sya pala. Lalong naghiyawan ang mga tao nang bumaba sya sa stage at naglakad papunta sa direksyon ko. Tuluyan na akong umiyak dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Akala ko nakalimutan nya na ako dahil dalawang taon syang hindi nagparamdam, ni isa sa kanilang lahat. Nakarating si Pete sa harap ko. Hindi ito huminto sa pagkanta. Nakangiti itong naluluha.
Sinasabayan ni Patrick ang pagkanta nito dahil nawawala ito sa tono.
And I can't, I can't, I can't remember
Just how to forget, forget the way
That we danced, we danced
To Danzig, and we danced, we danced
And when you ask, you ask me how I'm doing
Like you know, you know how much better off I am
And when we danced, we danced
With windows down, and we danced, we danced
(Spin for you like your favorite records used to...)
(Spin for you like your favorite records used to...)
You were the song stuck in my head
Every song that I've ever loved
Played again and again and again
And you can get what you want but it's never enough
And I spin for you like your favorite records used to
And I spin for you like your favorite records used to
I spin, I spin, I spin, I spin
For you, for you, for you, for you, for yeah...
(Spin for you like your favorite records used to, used to, to, to...) (Spin for you like your favorite records used to, used to, to, to...)
Hindi ko namalayang natapos na pala ang kanta, nagulat ako nang biglang lumuhod si Pete sa harap ko. Lalong umingay sa loob ng arena pero hindi ko iyon pinapansin dahil nakatuon kay Pete ang atensyon ko.
Hinawakan nya ang kamay ko. Mayroon syang kinuhang maliit na bagay nakasukbit sa gitara nya. Natawa na ako dahil iyon pala ang engagement at promise ring na binigay nya sa akin.
"Ayesha Nicole, I know I've done this thing two years ago. But here I am doing again, asking you the same question. Will you marry me? To hell with them, just you and me?"
Tanong nya. Nagsigawan lalo ang mga tao maging ang mga kabanda nyang naiwan sa stage.
"Get up you asshole."
Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano nya ako narinig pero tumayo sya.
"You haven't answer my question."
Nagtatampong sabi nya sa mic kaya rinig na rinig iyon sa buong arena. Nahampas ko ang braso nya, pero kinabig ko sya papalapit sa akin at niyakap. Naramdaman kong niyakap nya din ako.
"You are demanding and you left me. I waited for you to call or text me, all of you. I thought you already forgot. I hate you."
Umiiyak na bulong ko sa kanya. Lalong humigpit ang yakap ko sa kanya, ganoon din naman sya. Na para bang ayaw nya na akong pakawalan.
"I'm sorry sugar if I left you. I was an idiot, I was really afraid. I'm sorry. We gave you your freedom. Two years is like a living hell to me. I thought I will loose my sanity. I miss you so fvcking much Ayesha. And I love you. Everyday of my life. I didn't stop loving you."
Sabi nya. Ngumiti ako at hinarap sya.
"I will marry you Peter Lewis Kingston Wentz III. Always. To hell with them, just you and me. To infinity and beyond."
Nakangiting sabi ko. Ang corny pakinggan pero iyon ang nararamdaman ko.
Sa muling pagkakatataon ay hinalikan nya ako. I miss him, his kiss, his sweet smile, hugs, tattoes, and corny jokes. Lahat siguro nang mayroon sa kanya ay namiss ko.
Isinuot nya sa akin ang dalawang singsing na hawak nya. Sa susunod na mga araw at magiging tatlo na ito.
"This is the story of how they met, her picture was on the back of his black bass guitar."
Pang-aasar sa amin ni Patrick na nasa stage at kilig na kilig sa panood. Ganoon din sila Joe at Andy, nakathumbs up pa ang dalawa. Natawa ako dahil nagmiddle finger si Pete sa mga ito.
Muli akong hinarap ni Pete at tingnan sa mga mata.
"So this the story of a fangirl."
"Who became the personal assistant of her favorite band."
Pagtutuloy ko.
"And captured the heart of the bass guitarist."
Nakangiting sabi nya at hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"What a Catch, Pete."
Natatawa kong sabi at hinalikan sya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga magulang ko, pero bahala na. Ipapaubaya ko na sa universe ang sermon nila mama at papa.
*THE END*
A/N: at natapos ko din itong kwentong ito. Alam kong parang bara bara lang. Hahaha! Pero kapag may oras ako ay aayusin ko sya promise. Oh well. Sana nagustuhan nyo ang kwento ni Pete at Ayesha. First Fall Out Boy story ko sya na tagalized version. Kaya pagbigyan nyo na. Hehe! Ciao!
-AetherMae(Hurley)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro