1: Ayesha
*Ayesha's POV*
"Ayesha anak, palagi kang mag-iingat doon ha? Wag kang magpapalipas ng gutom. Palagi mong alagan ang sarili mo dahil wala kami doon para gabayan ka."
Sabi sa akin ni Mama. Nasa airport sila ngayon dahil hinatid nila ako. Niyakap ako nila Mama at Papa.
"Opo ma. Tatandaan ko po iyan palagi."
Sabi ko. Hindi ko na din mapigilan umiyak dahil umiiyak na sila.
"Bakit ba kasi kailangan mong pumunta ng ibang bansa. Pwede ka naman dito magtrabaho."
Sabi sa akin ni Papa. Pinunasan ko ang luha nya.
"Pa, ilang beses ko na sinabi sa inyo ang dahilan di ba? Gusto ko kayo bigyan ng magandang buhay. Tsaka isa pa, magkacollege na si Amy at Anthony. Tsaka tumatanda na kayo ni Mama. Hayaan nyo naman po ako na kumita para sa inyo."
Sabi ko. Niyakap ako ng dalawa kong kapatid.
"Ate, mamimiss ka namin, wala nang magtuturo sa amin."
Sabi sa akin ni Amy.
"Kaya nyo na iyan. College na kayo no!"
Biro ko sa kanila. Pinunasan ko ang luha ko.
"Pero ate, mas magaling ka sa amin sa math."
Sabi naman ni Anthony.
"Nako Tonyo! Kalalaki mong tao duwag ka sa math."
Tumawa naman sila. Narinig kong tinawag na ang flight ko.
Calling the passengers of Manila Airlines flight 11A5647 heading Los Angeles California, please proceed to the west hangar, we're ready to take off.
"Ma, Pa. Kailangan ko na pong umalis."
Sabi ko. Binitbit ko na ang dala kong bagahe. Muli ay niyakap nila ako ng mahigpit.
"Mag-iingat ka anak. Mahal na mahal ka namin."
"Opo. Hay! Tama nang iyakan. Basta! Magpapadala ako agad ng chocolates at kung anu-ano pa."
Pagbibiro ko. Naglakad na ako palayo sa kanila. Kumaway ako hanggang sa hindi ko na sila nakita. Tumulo ang luha ko. Mamimiss ko ang pamilya ko. Sino ba namang hindi? Iiwan mo ang pamilya mo at mangingibang bansa ka.
"Kaya mo ito Ayesha. Para sa kanila ito."
Sabi ko. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro