Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7: We Meet Again, Zero

Kimmy

Paano mo ba masasabi na talagang umunlad na ang ating mundo?

Hindi ba ang pag-unlad ay katulad din ng pagbabago?

Hindi ba ang pag-unlad ay gaya ng pag-ahon sa pagkakalugmok?

Hindi ba ang pag-unlad ay tulad ng isang butil ng buto na yumabong at kalauna'y magiging puno?

Hindi ba't ganon naman talaga ang pag-unlad? May pagbabago. Pagbabago na nakakabuti at hindi nakakasira.

Ngunit kung titignan ng maigi ang nasa paligid; kung aalalahahin ang lugar na kinalakihan ko; kung maraming nagugutom at naghihirap, ganito ba ang mundong maunlad?

Ito ba ang totoong depinisyon nila sa salitang pag-unlad?

Marahil ay hindi batid ng iilan na hindi na lang kumakapit sa patalim ang mga tao; niyayakap na nila ito. Sugatang katawan kapalit sa panglamang tiyan. Sa panahon ngayon, ang mamuhay ng marangal ay tila isang pagpapatiwakal. Unti-unti kang mamamatay sa gutom dahil hindi mo kayang yakapin ang patalim na siyang magsasalba sa iyo mula sa pagkauhaw.

Ito ba talaga ang pag-unlad na sinasabi nila? Yumayaman ang mga mayayaman at humihirap ang mga mahihirap?

Tao nga ba ang dapat sisihin dahil binago natin ang mundo o mundo ang dapat sisihin dahil inaruga niya ang mga tao?

"Lalim ng nasisisid mo, a?" Napalingon ako kay Ate Jai.

Kasalukuyan akong nakatambay sa pahabang upuan kaharap ang mga punla ng patatas na kasalukuyang tinataniman nina Yuan, JD, at Grey, kasama si Manong Cloud na siyang nagtuturo sa kanila.

Bumuntong-hininga ako. "Wala, Ate, nag muni-muni lang. Sa mga nangyayari kasi ngayon, hindi ko alam kung tao pa ba ako," aniko. Napaaray ako nang kinurot niya bigla ang pisngi ko.

"Tao ka pa..."

Umupo siya sa aking tabi at inilapag ang nilagang patatas sa gitna namin.

"Bakit? Sa palagay mo ba hindi ka na tao?" Tumitig ako sa kaniya. Kapagkuwan ay nagbaba rin ng tingin.

"Hindi ko po alam," aniko. "Ang dami kong nalalaman sa bawat araw. May pusang pinaghalong daga. May kuryente dito sa district four. Iba't-iba na ang uri ng pagkain, tapos..."

Namuo ang aking luha at kusang bumagsak ito mula sa aking mga mata nang maalala ang tagpo bago mangyari ang lahat ng ito.

Ang pagbaril kay tatay. Ang pagkuha kay lola. Ang mga sundalo na walang emosyon... at si Zero na isang ranggo.

Tila ba nawawalan na ako ng pag-asa na mababawi ko pa ang lola ko.

Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni Ate Jai sa aking balikat. "Magiging maayos din ang lahat. Magtiwala ka lang, may diyos kayaㅡ"

"K-kung may diyos, bakit n'ya hinayaan na babuyin ng mga tao ang mga nilikha n'ya? Bakit hinahayaan niya ang mga tao na maghirap, mamatay, at magutom?!" Umiling ako. "Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko."

"Huwag ka na umiyak d'yan..." Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin. "Aalis na kayo mamaya, wag kang umalis ng malungkotㅡ"

Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya.

"Ate, sorry..." aniko.

Taka siyang tumingin sa akin. "Bakit? May ginawa kang masama?"

Umiling ako at nagpunas ng luha.

"We lied to you... H-hindi naman talaga kami mag-asawa ni Yuan. Sorry, Ate!" pag-amin ko. "Kadiri!"

Iyak ako ng iyak sa harapan niya at takot na baka magalit siya sa akin pero ang ikinagulat ko ay ang pagtawa niya ng malakas. Natigilan ako at napatitig sa kaniya.

Pangit ba ako umiyak?!

"'Yon ba? Alam ko naman na hindi kayo mag-asawa, nakisakay lang talaga ako," she said between her laughter. Nanlaki ang mga mata ko.

"Ate Jai naman! Alam mo naman pala, bakit pinagtabi mo pa kami noong nakaraang gabi?!"

"E, kasi mukhang mabait naman si Yuan, tsaka malay mo mag-work diba? Edi habang papunta kayo sa pupuntahan n'yo, nagka-lovelife ka bigla." Napairap ako sa hangin.

"Malabo, Ate. Hindi ko nakikita ang sarili kong kasama siya hanggang pagtanda!" asik ko. "Nasaan na nga po pala ang pusang daga?"

"Si Patata? Nandoon sa loob pinapakain ni Ange."

Napangiti ako nang malaman na inampon at inalagaan nila ang hayop na iyon. Hindi naman kasalanan ng pusang daga kung bakit siya gano'n. Biktima lamang siya ng mapaglarong isip at mga kamay ng mga tao.

---

Ang inaasahan ko ay ang payapang pag-alis namin sa tahanan nina Ate Jai at Manong Cloud. Ngunit makabagbag-damdamin ang nakita kong tagpo habang pilit na kumakawala si Ange mula sa pagkakakapit nila Manong Cloud.

"Pangako, iuuwi ko sina mama at papa. Babalikan kita rito, okay? Uuwi ako," nahihirapang usal ni Grey habang hirap na hirap sa pagsasalita.

Si Ange naman ay patuloy parin sa pag-iyak.

"Kami na ang bahala sa kan'ya, hindi namin s'ya pababayaan," paalala ni Ate Jai.

Nakayukong tumalikod si Grey sa kaniyang kapatid at naunang maglakad. Hindi na siya lumingon pa kaya agad na namin siyang sinundan.

"Kuya!" Dinig kong sigaw ni Ange.

Napalingon kaming lahat sa kaniya at naabutan ko ang pagtakbo niya papunta kay Grey. Hindi rin nakatiis ang huli at lumingon siya sa kaniyang kapatid.

Nang magpang-abot ay agad silang nangyakapang dalawa. Sobrang higpit na tila ba ay ayaw nilang pakawalan ang isa't-isa.

Hindi ko mapigilang hindi malungkot dahil sa tagpong nasasaksihan ko.

"Balikan mo ako, iuwi mo sina mama at papa. Mangako ka!"

Tumango si Grey. "Pangako... pangako ko, babalikan kita."

Saglit silang nagyakapan bago tuluyang bumalik si Ange kila Ate Jai. Matapos ng nangyari ay tuluyan naming tinalikuran ang bahay kung saan minsan naming naging tahanan.

---

"Ilang araw ang bubunuin bago makapunta sa district three?" tanong ni Marisa habang hawak-hawak ang mapa ang district four. "Nadaanan na natin ang mga farm..."

Sumilip ako upang makita ang mapa. "Meat?" basa ko sa nakasulat kung saan naroon kami. "Bakit meatㅡ"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla akong matulala sa nasaksihan. Pagkalabas na pagkalabas namin mula sa may kalakihang pinto ay agad na bumungad sa amin ang malawak na pastulan.

Ang daming mga hayop! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng mga hayop na katulad nito. Totoo nga ang kuwento ni lola sa akin na iba-iba ang mga uri nila!

"Anong hayop ang mga ito?!"

"Hindi ka pa nakakakita ng mga ito?" gulat na tanong sa akin ni Yuan. "Wait, hindi pa kayo nakakita ng ganito?"

Halos kaming apat ay manghang-mangha sa mga nakikita namin. Iba't-ibang uri ng hayop ang nakikita namin na inaalagaan ng mga tao. Ang iba nga lang ay kakaiba na ang itsura, pangangatawan at laki.

"Fuck, they're like a cave man," bulong ni yuan ngunit dinig ko. "We will just pass by, hindi tayo mag-s-stayㅡ"

"Oh my, Ate, ako nga pa-try ako magpakain d'yan," ani Marisa at lumapit sa babaeng nagpapakain ng hayop.

Wala itong sungay, sobrang laki ng katawan at kulay rosas na balat. Maputik ang katawan nito at medyo flat ang kaniyang ilong.

Napakaganda!

"Ang damot!" ani Marisa nang hindi siya pinagbigyan. "Ay, JD, kamukha mo!" Turo niya sa naglalambiting hayop. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong unggoy.

"Napakaguwapo ko para ihambing mo ako sa hayop na 'yan!"

Nakangiting pinuntahan ko ang isang lalaking may hawak na tila screen na transparent na katulad ng kay tatay. May pinipindot siya rito habang nakatingin sa mga hayop sa harapan niya.

"Wow... ano 'yan?" tanong ko na ikinagulat niya. "A-anong hayop 'yan? Kakaiba, a?"

"Uh... mga bagong uri ng baka," aniya.

"Baka? Baka sakali?" Kinunutan niya ako ng noo. "Echos... E, ano naman 'yang hawak mo? Pamilyar sa akin pero hindi ko alam gamitinㅡ"

"SML..." aniya.

Nag-iwas ito ng tingin at binalik sa mga baging uri raw ng baka.

"S-SML? Ano 'yun?"

Inis siyang bumaling sa akin muli. "Super Mobile Lence."

"SML? Ah, SML..."

"Wala kang alam? Bobo ka ba?" Napasinghap ako sinabi niya.

Ang sama ng ugali niya!

Naramdaman ko ang marahas na paghatak sa akin ng kung sino. Nagulat na lang ako nang makitang nasa lapag ang lalaki at may bahid ng dugo sa labi.

"Yuan!" sigaw ko dahil sa ginawa nito. "B-bakit mo naman sinapak?!"

Dinuro niya ang lalaki. "Ayusin mo ang bibig mo, a? Baka gusto mong damo ang kainin mo sa maghaponㅡ"

"Yuan!" Pilit ko siyang hinahatak papalayo sa lalaki.

Habang ang lalaki naman ay kalmadong tumayo at pinunasan ang bibig. Ngumisi ito kay Yuan at umirap.

Akma siyang lalapit kay Yuan ngunit may narinig kaming sigawan papunta sa aming gawi.

"Tyler! Tyler! Gumilid kayong lahat! Gilid at luhod!" sigaw ng dalawang babae na papunta sa puwesto namin.

Agad nilang hinatak 'yong Tyler papunta sa gilid tsaka niluhod ang isang paa sa lupa. Gano'n din ang ginawa ng mga tao rito. Habang sina Marisa, JD at Grey ay pilit rin na pinapaluhod ng iba.

Wala naman silang nagawa kung hindi ang sundin ito dala ng kalituhan.

Gano'n din ang ginawa ni Yuan.

Makahulugan niya akong tinignan.

Sa bandang dulo ay nakita ko ang paparating na bulto ng mga sundalo habang nasa unahan ang pamilyar na pigura. Imbis na matakot at lumuhod ay mas lalo akong nagkalakas ng loob upang manatiling nakatayo.

I will never bend my knee. Not for anyone. Not for him.

Naramdaman ko ang marahas na paghatak sa akin ni Yuan pababa. "Ano?!" asik ko.

"Kailangan mong lumuhod kung ayaw mongㅡ"

"I don't care!" aniko at marahas na tumayo.

Ngunit sa aking pagtayo ay ang pagbungad sa akin ng isang mataas na kalidad ng kasuotan, matikas na dibdib, at nakataas-noong mukha. Habang ang kaniyang kulay dahon na mga mata ay tila nangungusap sa akin.

Napalunok ako at naramdaman ang pagkahina ng mga tuhod.

Ito na naman ang takot ko.

"Magpapasalamat ka na ba?" bulong niya.

Umiling ako. "Never.."

Tumaas ang kilay niyo. "Hindi ka luluhod?"

"Why would I? Are you a... God?" Inismiran ko siya. "We meet again, Zero-"

Nagulat ako nang bigla akong tutukan ng baril ng isa niyang sundalo ngunit hindi ako nag-abalang kumurap o bumaling manlang sa kaniya.

"Lumuhod ka," utos niya pero hindi ako gumalaw.

Kung mamamatay ako, mamamatay akong hindi sumasamba sa tao. Mamamatay akong hindi nagpapaalipin sa kapwa tao.

"Put that gun down," mahinang utos niya.

"Pero ika-pitong ranggoㅡ"

"I said put that gun down or else, I'll shoot you?" banta nito. Labag sa loob na ibinaba niya ang kaniyang baril. I stuck my tongue out to him.

"Bastos ang babaeng 'to-"

"Hayaan mo," taas-noo siyang nagsalita. "Hindi mababawasan ang aking kakisigan kahit hindi siya lumuhod." May mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi.

Napangisi ako. "Makisig? Huh, ikaw ang pinakapanget-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang tumayo si Yuan at tinakpan ang bibig ko.

"Pasensya na ika-pitong ranggo. Nalusaw sa init ang kaniyang utak kaya s'ya nagkakaganito." Pinilit kong makawala ngunit mas malakas si Yuan.

Nalusaw sa init? Hindi naman mainit! Sinong pinaglololoko mo, Yuan? Walang init ang araw na sumisinag dito!

"Gano'n? Kung gano'n kailangan mo na s'ya painumin ng tubig. Tignan mo rin kung gumagana pa ang kaniyang mga mata, baka nalusaw rin dahil sa kagandahang lalaki ko," aniya.

Isang beses na ngumisi siya sa akin tsaka tumalikod at bumalik sa kanilang pinanggalingan. Sinamaan pa ako ng tingin ng isang sundalo. Akma ko itong sisipain nang hatakin ako ni Yuan palayo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro