Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17: Doktor

Kimmy

"Tumayo ka—" Malakas na napasigaw ang babae nang biglang may marahas na humatak sa kaniya.

Nakita ko ang lalaking may kalakihan ang katawan at may hawak-hawak na babae. Ang laki ng katawan niya. Parang papel na lang kung buhatin niya ang babae at hilahin ang buhok.

"Halika na, napakatigas ng ulo mong babae ka!" sigaw niya rito na mas lalong ikinagulat ko.

Bumaling sa akin ang babae at walang nagawa kung 'di ang mapapikit na lang sa sakit. Hinatak niya ang babae at sabay na tinalikuran ako. Iginala ko ang aking paningin at naghanap ng maliit na bato pero sementado naman na ang lugar.

Wala akong nagawa kung 'di kunin ang sapatos na suot ko at ibato ito sa lalaki; tama sa ulo.

Galit na napabaling at lumapit sa akin ang lalaki.

"Umalis na tayo, h'wag mong pag-initan ang bata—" Ngunit malakas na sinampal siya ng lalaki na mas lalong ikinagalit ko.

Akmang susugurin ko ang lalaki nang may biglang humawak sa kamay ko. Napabaling ako rito at nakita si Yuan na nakatayo sa likuran ko kasama ang nanginginig na si Venus. Marahil ay dahil sa takot.

"Bitiw, Yuan!" Nagpumiglas ako ngunit mas humigpit ang hawak niya. "Yuan—"

"H'wag mo silang pakialaman." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Hindi ako makapaniwala habang tinitignan siya. Seryoso ba siya sa sinabi niya? Paano niya naaatim na magsawalang-ibo sa ganitong lagay?

"Can you hear yourself, Yuan?"

Mariin siyang napapikit at hinatak ako paalis. Narinig ko ang sigaw ng babae at nakitang hinahatak din ito paalis. Ngunit tiyak na mas masakit ang pagkakahatak sa kaniya. Bumaling ako kay Yuan na hatak-hatak ako ngayon at pinilit na makawala.

Ngunit sa tuwing nagpupumiglas ako ay mas lalong humihigpit ang kapit niya. Malakas akong bumuntong-hininga at yumuko upang makagat ang braso niya.

"Tangina!" mura niya at dali-dali akong binitawan. "Kimmy! What's your damn problem?!"

"Wala akong problema! Ang may problema ay kayo! Kayong mga tao sa district three!" malakas na sigaw ko sa kaniya.

Hindi ko inabala ang mga tinginan ng mga tao dahil sa malakas na sigaw ko. Ganito ang mga taga-district five at wala silang magagawa upang baguhin ako! Marunong akong makibagay pero hindi sa ganitong paraan!

That girl a while ago! Her face is full of bruises, she has so many unhealed wounds.

"Bakit hindi mo tinulungan ang babae kanina—"

"Problemang mag-asawa, hindi tayo dapat nakikialam! Naiintindihan mo ba? Iba ang buhay rito kaysa sa buhay sa ibaba—" Umiling-iling ako sa sinabi niya at bahagya siyang nilayuan na ikinatigil niya.

"Pamumuhay? Ano ba ang pamunuhay dito na wala sa ibaba? Pare-pareho lang tayong tao!" Mariin kong dinuro ang dibdib niya. Hindi siya gumalaw o kumurap, nanatili ang pagod na tingin niya sa akin. "I'm so disappointed with you."

"Bakit ka tutulong? Nakita mo naman na walang ibang nagtangka na tumulong—"

"Kasi walang isang naglakas ng loob na tumulong. Naiintindihan mo ba, Yuan? Hindi porke't iba ang daan ng isa ay doon ka rin daraan! Pwede kang lumihis! At sa paglihis mo ay mayroong susunod sa 'yo! Naiintindihan mo ba?! Alam kong hindi ka bobo, pero ang tanga mo!"

Tinalikuran ko ito at binaybay ang daan na dinaanan ng mag-asawa. Hindi ko muli narinig ang tawag ni Yuan at maging si Venus. Marahil ay napagtanto niya ang sinabi ko.

Lumiko ako sa isang daan at nasilayan ang mga kabahayan. Puro building ang nasa likuran ko ngunit isang liko lang ay bubungad na ang mga bahay. Simpleng two-storey house ang mga disenyo, pare-pareho ang kulay at ang tanging naiiba ay ang bilang na nasa pinto ng mga bahay.

"Nasaan ang bahay nila?!" bulong ko sa sarili.

Akmang hahakbang ako upang maglibot nang biglang may humawak sa kamay ko. Agad na uminit ang ulo ko sa pag-aakala na si Yuan iyon pero nagkamali ako. Bumungad sa akin ang maamong mukha ng babae at sa kaniyang kaliwang kamay ay may hawak-hawak siyang basket na puno ng tinapay.

May kalahikan ang kaniyang mga mata, mahaba ang mga pilik mata. May kapayatan din at tuwid na tuwid ang kaniyang buhok. Mukhang kaedaran ko lang rin ang isang ito.

Ngumiti ito at bahagyang itinagilid ang ulo.

"Nais mo ba ng pandesal?" tanong niya. Inilahad niya ang basket ng tinapay. Pandesal pala ang tawag dito? "Mura lamang ito—"

"W-wala akong pera," putol ko sa kaniya. Mukhang tagarito naman siya kaya hindi masamang magtanong ako. "Uh, may nakita ka bang babae na maraming galos at— kasa-kasama ng lalaking malaki ang katawan—" Natigilan ako nang manlaki ang mga mata niya.

"Ang Ina, ho?"

Pasimple akong napahinga ng maluwag nang marinig ang una niyang sinabi. Akala ko minura ako.

"Nanay mo 'yon? N-nasaan ang bahay—" Napatiim-bagang ako nang may magsalita sa likod ko.

"Kimmy..." Malalim at tila nag-uutos ang boses ni Yuan.

Nasulyapan ko ang panlalaki ng mga mata ng babae at bahagya pang yumuko upang magbigay-galang kay Yuan. Hindi naman siya mukhang takot, gawa lang siguro ng respeto at pagkagulat.

"D-Doktor," usal ng babae na ikinataas ng kilay ko.

Hindi ko ito nilingon at bumaling sa babae. "Nasaan ang bahay n—"

"Kimmy!"

Tila hindi magkandaugaga ang mga mata ng babae sa palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. Bumaling ako rito at sinamaan siya ng tinggin. Sa likuran ni Yuan ay nakita ko ang paparating na si Venus na hapong-hapo pa.

"N-nais ko hong malaman kung bakit nais niyong makita ang aking ina?" tanong niya. "Elocin ho ang pangalan ko kung sakaling nais niyong malaman."

Narinig ko ang mga mabibigat na yabag ni Yuan at mga malalim na buntong-hininga.

"Sumama ka sa amin,"

Mabilis pa sa alas kwarto ang ginawa kong paglinggon kay Yuan nang sabihin niya iyon. Kapagkuwan ay napabaling ako kay Elocin na ngayon ay hindi makapaniwala sa alok ni Yuan.

"A-ako ho, Doktor? Ngunit b-bakit ho—"

"Huwag ka na lamang magtanong ng kung anu-ano." Tumayo siya ng tuwid at itinaas ang bahagya ang baba. "Bibilhin ko ang paninda mong mga tinapay kung iyan ang iyong inaalala." Tumalikod ito sa amin. "Halika na... anak," aniya kay Venus.

Tumango si Venus at bahagyang ngumiti. "Opo, ama!"

Mabagal silang lumakad paalis. Napabaling ako kay Elocin na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Tumango ako sa kaniya at ngumiti, maya-maya ay hinawakan ko ang kaniyang kamay at sumunod kay Yuan.

Tumabi ako kay Venus sa paglalakad. Magkahilera kaming apat. Una si Yuan, pangalawa si Venus, pangatlo ako at panghuli si Elocin.

Bahagya kong sinagi si Venus at napabaling ito sa akin. "Bakit ho, Inay?" Umikot ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Pakisabi sa itay mo maraming salamat dito," aniko.

Lumingon si Venus kay Yuan. "Maraming salamat daw ho, Itay," aniya.

Hindi lumingon si Yuan sa kaniya ngunit nagsalita ito.

"Pakisabi naman sa inay mo na sa susunod, kung maaari lamang ay sundin niya naman ang sinasabi ko," aniya na ikinapantig ng tainga ko.

Lumingon sa akin si Venus at akmang magsasalita ngunit naunahan ko siya.

"Pakisabi sa itay mo kung labag sa loob niya, p'wede naman akong bumalik doon at ako na lang mag-isa ang haharap—" Natigilan ako nang mapalinggon sa akin si Yuan, kapagkuwan ay bumaling ang mata kay Venus.

"Sabihin mo sa inay mo, ginagawa ko ito upang hindi malagay sa alanganin ang buhay niya—"

"Ay wow, paki sabi r'yan sa itay mo na hindi ko kailangan ang tulong niya at awa n'ya. Mabubuhay ako ng wala siya."

Nagpabalik-balik ang tingin ni Venus sa amin at hindi na alam kung kanino makikinig.

"Talaga? Mabubuhay ka rito ng wala ako? Makakaya mo? Paano kung iwan kita rito ngayon—"

"O, e 'di iwan mo! Sinong tinakot mo, multo?!—"

"Ah, nais ko talagang iwan kita—"

"Bakit? Kaya mo ba?!" hamon ko rito. Natigilan siya sa sinabi ko at biglang nag-iwas ng tingin.

"Dalian niyo sa paglalakad. Venus, ihatid mo sila sa opisina ko," aniya at naunang maglakad.

Naningkit ang mga mata ko sa inis sa lalaking iyon. Napakagaspang talaga ng ugali, malayong magustuhan ko ang gagong 'to. Natigilan ako nang marinig ang sabay na paghagikhik nina Venus at Elocin sa magkabilang gilid ko.

"Kapag hindi kayo tumugil sa kakatawa, ipapakain ko kayo sa mga malalaking bulate! Sige! Kapatid ko ang may-ari no'n!" pananakot ko sa dalawa.

Agad silang napatigil sa pagtawa ngunit palihim pa rin silang natatawa.

Nakarating kami sa matayog na gusali. Iba ito sa lugar kung saan ang bahay ni Yuan ngunit nakikita ko ang paglabas-masok ng ibang tao sa loob; ang iba ay nakaputi at may puting sumbrero rin sa ulo habang ang iba ay tila natural na tao lang.

"Nasaan tayo?" manghang tanong ko.

Pumasok kami sa loob at mas bumungad ang kaputian ng lugar.

"Nasa hospital tayo, hindi mo ba alam ang lugar na ito?" ani Venus. "Dito pinupunta ang mga taong may karamdaman upang malunasan at gamutin." Napatango ako.

"Wala kasing ganito sa district five. Ang mga tao sa amin ay kung hindi namamatay sa pagpapatiwakal ay namamatay na lang sa loob ng bahay at ang sanhi ay gutom; dilat ang mata!" natatawang saad ko.

Napangiwi silang dalawa sa kuwento ko. Totoo naman. Palibahasa kasi nabuhay sila sa maunlad na syudad at kumpletong kagamitan! Hindi nila naranasan ang mga naranasan ko sa district five.

Sila ba, saan galing ang sugat? Galing sa mga karayom at eksperemento? Ang sugat ko, galing sa pagkadapa at pagkahulog sa mataas na lugar dahil sa paghahanap ng panglamang tiyan. Ang mga paa ba nila? Malalambot at malinis habang ang amin sa district five ay makalyo; kahit makatapak ka ng bubog ay hindi babaon ng malalim dahil sa kapal ng kalyo!

Naranasan ba nila hindi kumain ng tatlong araw? Naranasan ba nila sumisid sa maruming tubig? Humiga sa semento?

Kahit papaano ay nagpapasalamat ako na naranasan ko ang mga hirap na iyon. Dahil kung hindi dahil sa paghihirap na iyon ay hindi ako matututo na pahalagahan ang mga bagay; maliit man o malaki.

"Pasok kayo rito," ani Venus at binuksan ang pinto na may nakasulat na pangalan sa labas.

"De Beauharnois," pagbasa ko. "Napakahirap bigkasin, ayaw ko ng ganiyang apelyido, mahihirapan ang anak ko!" asik ko at pumasok sa loob.

Naabutan ko siyang may suot-suot na salamin habang nakaputing roba at may bagay na nakapalibot sa kaniyang leeg. Itinuro niya ang dalawang bakanteng silya at doon kami umupo.

Hindi ko naman maiwasan na mamangha sa ganda at linis ng kuwarto niya. Gusto ko sumabog sa sobrang tuwa, kung nandito lang sana ang mga kaibigan ko, malamang kanina pa ako naging walang-hiya rito.

"Bakit niyo ho ako pinapunta rito? May nagawa ho ba akong mali?" alalang tanong ni Elocin.

Tumikhim ako at nagsalita. "Hindi, nais naming malaman ang tungkol sa iyong ina, ang rason ng kaniyang mga galos at sa pagmamaltrato ng iyong...ama," panimula ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Yuan at napasintido ito. Para bang may mali sa sinabi ko.

Kumunot ang noo ni Elocin. "Pagmamaltrato? Sa aking pagkakaalam ay natural lamang na pagbuhatan ng kamay ang isang babae kung ito'y may ginawang hindi katanggap-tanggap."

Tatlong beses akong napakurap at napaawang ang labi. Parang ayaw magproseso sa utak ko ang mga sinasabi niya. Natural lang? Kaya ba walang ginawa ang mga tao dahil ang pag-aakala nila'y may ginawang masama ang babae?

Marahas akong napabaling kay Yuan at naghihintay ng eksplanasyon. Walang buhay na nakatingin siya sa akin na parang sinasabi niya na wala siyang magagawa dahil ito ang mayroon sa lugar na ito.

Dahan-dahan akong napabaling kay Elocin at pilit na iniintindi ang lahat.

"Sa tingin mo ba ay hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng ina'y mo?" tanong ko.

Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi.

"Sa aking palagay ay oo? Dahil hindi niya sinunod ang aking ama," sagot niya.

"Pero, anong ginawa ng iyong ina?"

Tumingin sa akin ang inosenteng mga mata ni Elocin. "Nais ni ina na patuloy magtrabaho sa hospital na ito ngunit hindi pumayag ang aking ama. Bihira lang ang mga babaeng nakakapagtrabaho kapag may asawa na—karamihan ay angat sa buhay—at ang aking ina ay dukha. Ngunit sa sitwasyon ng aking ina ay pinili niyang maglingkod dito kaysa ang maging babaeng bahay," dire-diretsong usal niya.

Wala akong nakikitang mali sa ginawa ng kaniyang ina pero putangina?!

"Batid kong mahina ang utak ng aking ina kung kaya't hindi siya nakatapos ng pag-aaral ngunit batid ko rin ang pagsusumikap niya upang matupad ang kaniyang matagal ng naisin." Bumagsak ang kaniyang tingin sa hawak niyang tinapay at unti-unting nawala ang ngiti. "Nais lamang patunayan ng aking ina na hindi talino ang basahen sa lebel ng buhay. Masipag siya at matiyaga. Higit sa lahat ay malikhain at naniniwala akong maiaangat kami ng aking ina mula sa kahirapan at maililipat kami sa isa sa mga gusaling marangya."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro