Chapter 11: Subasta
Kimmy
"Wala 'yon sa pinakamarami ang nagawa; bawat isa ay may ambag kaya hindi dapat magbilangan," ani Tyler habang nakatingin sa mga kapatid niya.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng kanilang bahay. Gabi na at nasa loob na ang mga tao ngunit kami ay hindi alintana ito. Kasama naman namin si Kimmy—ugh, stupid JD and Yuan. Ang awkward!
Sa haba ng kwentuhan namin, hindi na namin namalayang kung anu-ano na ang mga pinag- uusapan namin. Hanggang sa mabalik sa usapan between Tyler and his sisters.
Hindi na nga lang kami nakikisali dahil usapang pamilya ito. But Tyler is right. Hindi naman kailangan magsumbatan ng ginawa. Wala naman iyon sa marami o kaunti ang nagawa mo—ang mahalaga ay nakatulong ka. Kasi kung tutulong ka, hindi dapat sinusumbat. Iyon ang turo ni lola.
"Pasensya na talaga, Kuya," sabay na usal ng magkapatid.
"Basta sa susunod, ayaw ko na ng gano'n. Kahit pa alam natin na ako ang tumaguyod sa inyo nang mawala ang nanay at tatay, responsibilidad ko iyon. Kaya hindi ko iyon isusumbat kahit na anong gawin n'yo."
Gusto ko rin talaga ng kapatid na katulad ni Tyler. Nag-iisang anak lang naman kasi ako. Tsaka, hindi na ako nasundan dahil sa hirap ng buhay.
Tulog sina JD at Grey sa tabi ni Kimmy—ng oso! Habang si Marisa ay katabi ko. Magkatabi rin ang magkapatid na babae sa gilid ni Grey habang si Yuan ay nasa dulo malapit sa amin.
May hawak siyang stick at nanatili ang tingin sa apoy.
Bumaling sa akin si Tyler. "Nga pala, kung tutuloy kayo sa district three, kailangan n'yo ng pera," aniya na ikinataas ng kaniyang kilay.
"May bayad ba?" Umiling ito.
"Wala, pero kailangan pa rin ng pera. Kung sa district five ay may kakaramport na pinagkukuhaan ng pera, dito wala. Kapag kailangan nila ng hayop bilang pagkain, kukuha sila dito at papalitan ng mga batang hayop at kami ang magpapalaki, gano'n ang cycle."
Napatango ako. "Pansin ko nga na kakaiba ang mga hayop dito. Nakakatakot."
Natawa siya.
"Kalahati ng hayop dito ay na-modify."
"Talaga? Akala ko sa gulay lang nila ito ginagawa?!" Gulat na tanong ni Marisa.
"Noong una talaga ay sa gulay lang. Ngunit dahil sa paglaki ng populasyon ay nauubusan ang supply ng karne, lalo na sa district one." Bumuntong-hininga siya. "Ang mga baka na nandito sa amin ay nag-po-produce ng mahigit dalawang galon ng gatas sa isang baka lang. Habang ang sa kabila namin ay ang pinaghalong baka at baboy."
Nasapo ko ang aking bibig dahil sa gulat. Posible nga talaga iyon. Naalala ko ang pusa na may halong daga. Marahil ay isa rin ito sa mga na-modify na hayop.
"P-paano naman ang mga R+ Blood? Na-modify rin sila?" kuryosong tanong ko.
Malakas na napatawa si Tyler dahil sa sinabi ko. Umatungal pa nga ang oso, marahil ay naiingayan.
"Hindi..." iiling-iling na sagot niya. "Sabihin na natin na ang sa kanila ay ang kung tawaging gene editing? Nababago ang tao base sa gusto mong kalalabasan nito paglaki." Mas lalo akong nagulat doon.
"Posible ba?!"
Ngumuso siya. "Sa mga nangyayari ngayon? Oo, posible. Kaya nga tayo may pitong ranggo. Tingin ko, sila ang bunga ng gene editing"
Napatango ako. "Kung sabagay, sa panahon ngayon ay hindi na imposible ang gano'n." Kapagkuwan ay tumulala ako sa apoy. "Ang akin lang... bakit naman napakabilis ng mga pangyayari?"
Hindi ko na narinig ang boses niya. Marahil ay hindi niya rin alam ang sagot. Naalala ko na naman ang pinag-usapan namin noon ni Yuan about time travel... posible nga ba?
Nanatili akong nakatingin sa apoy. Nadadarag ako. Hindi ko alam kung bakit ngunit tila nawalan ako ng pandinig, lumabo ang aking paligid at ang tanging apoy lang ang nakikita ko. Sumasayaw ito dahil sa hanggin, nag-iiba ng puwesto at hugis na tila nangungusap sa akin.
Gusto kong hawakan.
Gusto kong lapitan.
"Kimmy."
Gusto kong magpadarag sa apoy.
"Kimmy..."
Anong apoy ba ito?
"Kimmy!"
Nabalik ako sa aking ulirat nang maramdaman ko ang braso na pumulupot sa akin at ang boses na tumawag sa pangalan ko.
Mabigat ang aking paghinga nang mapabaling ako kay Yuan na ngayon ay nasa likuran ko habang ang kaniyang braso ay nakapulupot sa akin. Madiing napahawak ako sa aking magkabilang tainga nang marinig ang nakabibinging static sa aking pandinig.
Para akong nasa kwarto na puno ng mga TV na walang signal. Sobrang lakas na tila mababaliw ako.
"Kimmy!" Nagulat ako nang bigla kong maramdaman ang malakas na sampal sa aking pisngi. "Anong nangyari sa 'yo?!" Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Marisa.
"Magsalita ka!" Mataas na ang boses ni Yuan.
"Sophie, Christel, kumuha kayo ng tubig, madali!" utos ni tyler.
Unti-unting nawala ang ingay sa aking mga tainga at nabalik ang lahat sa dati. Dinig ko na ang ugoy ng hangin.
"Anong nangyari?" tanong ko.
Tila nakahinga sila ng maluwag nang magsalita ako. Inupo ako ni Yuan sa upuan ko—paano nga ba ako nakatayo? Nakaupo lang naman ako kanina habang nag-uusap kami.
Dumating ang magkapatid dala ang pitsel ng tubig. "Ito na 'yong tubig." Inabot nila sa akin ang baso na agad kong tinanggap sabay nilagok ito. Hindi ko alam kung bakit, pero uhaw na uhaw ako bigla.
"Isa pa..." paghingi ko at agad din itong nilagok.
Napasintido ako nang biglang kumirot ang aking ulo.
"Ayos ka na? Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" asik ni Marisa. Kumunot ang noo ko.
"Ano ba ang ginawa ko?"
"Hindi mo alam? Kanina pa kami tawag ng tawag sa 'yo! Hindi mo yata kami naririnig dahil patuloy ang paglapit mo sa apoy!"
Mariin akong napapikit nang maalala na tila gusto kong magpadarang sa apoy na iyon.
"Kung hindi ka napigilan ni Yuan ay baka sunog ka na ngayon! Mabuti at mabilis ang pagtakbo niya kaya naabutan ka!"
Napabaling ako kay Yuan na ngayon ay matiim na nakatingin sa akin. "Salamat..." I mouthed. Tumango lang ito sa akin bago ako tinalikuran.
---
"Oh!" Padarag na ibinigay sa akin ni Tyler ang microchip na hawak niya. Taka ko siyang tinignan. "Kunin mo. SML 'to, tawagan mo ako kapag kailangan n'yo ng tulong," aniya.
"Sigurado ka?"
"Oo nga, kulit, a?" aniya. "Nga pala. Maiiwan si Kimmy, kami na ang mag-aalaga sa kaniya rito."
Naabutan ko sina Grey at JD na dala ang kani-kanilang bag na puno ng mga pagkain. Pinaningkitan ko sila ng mga mata. Napakatakaw talaga ng mga ito.
"Magagamit n'yo ang mga dala nila," ani Tyler. "Bago kayo makapunta sa entrance ng district three ay mayroon kayong madadaanan na subastahan. Ibenta n'yo ang iba para magkapera kayo," aniya.
"Naku, malaki ang pera kapalit ng mga patatas na 'yan." Napabaling ako sa aking kabilang gawi nang marinig ang boses ni Christel.
"Iyan nalang ang isubasta n'yo para magkapera! Panigurado na maki ang makukuha n'yo kaysa sa mga karne na dala n'yo."
Inosenteng napakunot ang noo ni Yuan habang nakatingin sa magkapatid. Ngunit kapag kuwan ay bumaba ang tingin niya sa mga patatas na hawak niya. Tila ba tinatansya niya ang mga ito.
Biglang sumingit sa pang-asar si marisa. "Tama! Kung gusto mo matulungan si Kimmy makapunta ng district one, kailangan natin ibenta 'yan!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Aba, ginawa pa akong pain ng lokong ito.
Napabaling ulit ako kay Yuan na mahigpit na hinawakan ang mga patatas niya. Naalala ko na siya mismo ang nag-ani ng mga ito, siya rin ang namili upang makuha ang mga malalaki. Hindi naman niya siguro isusubasta ang mga ito. Mas mahal niya ang patatas niya kaysa sa buhay niya.
Naghalukay siya sa kaniyang plastic at kinuha ang pinakamalaking patatas tsaka inilagay ito sa kaniyang bag.
"Sige, ipasubasta na natin ito," aniya na ikinagulat ko.
Papayag talaga siya na ipasubasta ang paborito niyang mga patatas?
Nag-angat siya ng tingin at paglingon niya ay nagkatinginan kaming dalawa. Agad din siyang nag-iwas ng tingin at pumasok sa loob para kuhanin ang kaniyang gamit.
"Yuan!" tawag ko rito ngunit nagtuloy siya sa paglalakad. Kaya umalis ako sa puwesto ko at hinabol siya. "Yuan!"
Hindi pa rin siya ng lumilingon sa akin.
"Yuan!"
Ang bilis ng hakbang ng lalaking ito. Napakahaba naman kasi ng biyas!
"Yuan, isa!" banta ko.
"Dalawa," aniya at nagtuloy sa paglalakad. "Marunong ako mag bilang, 'di ako papatalo."
Napanganga ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya?!
"Hindi ako nakikipagbiruan—"
"Me neither."
"Yuan!" Napatigil siya at napatigil din ako sa paglalakad. Ngunit siya ay nanatiling nakatalikod sa akin. "H-hindi mo kailangan ipagbili ang mga patatas na inani mo. Mabubuhay naman kami sa district three—" Natigilan ako nang agad siyang humarap sa akin.
"Hindi kayo mabubuhay ng walang pera. May mga batas doon na wala rito," aniya at tinalikuran ulit ako ngunit bago pa siya makapag lakad ay humarang na ako sa daraanan niya.
"Hindi natin ipapasubasta ang mga iyon! Mga may gamit ako—"
"They're just potatoes." Nilagpasan niya ako.
"It's your potatoes!" aniko na ikinatigil niya. "Mahala sa 'yo iyon, 'di ba? Ikaw ang nag-ani no'n at pinaghirapan mo—"
"Ipapasubasta ang mga patatas na iyon o mamahalin mo ako?" aniya. Natahimik ako at hindi makasagot.
Dahil hindi ko siya nasagot agad ay nagtuloy-tuloy na siyang umalis. Hindi na ako sumunod pa. Kung iyan ang gusto niya, e 'di sige! Wala na akong magagawa roon.
---
"Tawagan mo kami kapag kailangan mo ng tulong, isang kisapmata lang at makakarating agad kami sa inyo!" ani Christel matapos kaming nakayakap kay Marisa.
"Bumalik din kayo rito kapag nakuha niyo na ang lola at lolo niyo! Hihintayin namin kayo!" Tumingin ako kay Sophie at niyakap siya.
Napabaling ako sa tatlong lalaki habang nagpapaalam kay Kimmy. Mukhang ayaw silang pakawalan nito ngunit kalaunan ay malungkot na tumango ang oso bago sila nakawala. Lumapit sa amin sina Grey at JD habang si Yuan ay nanatiling nakadistansya sa akin.
"Mag-iingat kayo. Pangako, magkikita tayo ulit," ani Tyler bago kami tuluyang lumisan.
Gaya ng paglisan namin sa bahay nina Ate Jai at Manong Cloud, mabigat din ang naging pakiramdam namin nang lisanin ang lugar na ito. Hindi mapapantayan ang mga pangyayari at mga alaala ko rito.
Nakakita ako ng mga hayop; maging ang mga ibon na lagi sa aking kinukwento ni lola.
Ang mga alaalang naiwan ko rito ay hindi matutumbasan ng kahit ano.
Mga ilang minuto ang lumipas bago namin nakita ang entrance ng district three. Hindi ito isang malaking gate gaya sa district four. Isa itong malaking tube na nagdadala sa mga tao sa itaas upang dalhin sa nakalutang na syudad.
Ang nakalutang na syudad ay ang syudad ng district three, two, at one. Ngunit bago makaraan dito ay kailangan muna namin dumaan sa subastahan upang makakuha ng pera.
Ang sabi ni Yuan ay maaari naman kaming makalagpas diyan kung dala lang niya ang kaniyang ID na nagsasaad na isang siyang citizen sa district three. Ngunit nawala ito kasabay ng pagbagsak niya mula s kaniyang sinasakyan. Nagtaka na ako roon. Ngunit nang tinanong ko siya kung bakit siya bumaksak ay bigla itong nanahimik.
Ayaw kong manghimasok ngunit nagsisimula na akong maghinala sa kaniya. Huwag naman sana mangyari ang nasa isip ko.
"Kami ang pipili ng ipapasubasta n'yo," ani ng matandang lalaki na humarang sa amin. Nagulat ako nang bumaling siya sa akin. "Pwede ka na..."
Agad na umalma sina Grey, JD, at Marisa.
"Mga pagkain na lang o kagamitan, h'wag ang kaibigan namin!" sigaw ni Marisa sa matanda.
Akma niya susugurin ito ngunit napigilan siya ni JD. Habang ang matandang lalaki naman ay tawa ng tawa sa amin.
"Maraming may gusto sa babae at mas malaki ang pera na makukuha." Malagkit niya akong tinitigan. "At maraming magkakandarapa sa 'yo—" Napuno ng sigawan ang opisina ng lalaki nang bigla siyang suntukin ni Yuan.
Akma siyang isang beses na susuntok ulit ngunit may dalawang lalaki na malalaki ang katawan ang pumigil dito. Hinawakan nila ang magkabilang kamay ni Yuan at inilagay sa likuran.
Tumawa na naman ng nakakainis ang matanda. "Kasintahan mo ba ito?" tanong niya kay Yuan habang nakatingin sa akin.
Hindi kami sumagot. Hindi ko alam ang isasagot ko. Tila napipi ako dahil sa mga nangyayari. Nasaan na ang tapang mo, Kimmy?!
"Kung birhen pa ito ay puwede mo naman kunin ang pagka-birhen niya, may kwarto rito. Kung iyon lang ang nais mo—"
"Sumusobra ka na!" galit na usal ni Grey. Ngunit bago pa siya makalapit sa matanda ay may agad na pumigil sa kaniya. Ganoon din ang ginawa nila kay JD kaya wala kaming nagawa ni Marisa kung 'di ang magdikit sa isa't isa.
"Bugbugin ang lalaking 'to." Turo niya kay Yuan.
Malakas na nagpumiglas si Yuan dahil doon. Nagawa naman niyang makawala upang malabanan ang dalawa. Ngunit dahil sa laki ng katawan ng mga ito at tila doble ang mga lakas nila kay Yuan, nahuli nila muli ito at sinimulang pagsusuntukin.
"Mga gago kayo! Tigilan n'yo 'yan— ack!" Sumunod naman nasinikmuraan sina Grey at JD.
Hindi ko maatim makita ang mga kababata ko at kaibigan na pinapahirapan o naghihirap. Alam kong kasalanan ko ito. Kung hindi ko sila pinilit na sumama sa akin ay hindi ito mangyayari sa kanila!
Nagpupuyos ako sa galit nang bumaling sa matandang lalaki. Dahil ang kaniyang mga bantay ay abala sa mga kaibigan ko ay malaya akong nakalapit dito at kinuwelyohan siya.
Napatigil ang mga tauhan niya at akmang pupunta sa amin ngunit iminuwestra niya ang kaniyang kamay upang pigilan ito.
"Papayag na ako. Ipapasubasta na ako," aniya. Bigla itong ngumiti sa akin. "Ngunit may gusto akong gawin."
"Ano 'yon? Sabihin mo lang—"
"Ito..." Sinuntok ko siya sa kaniyang panga dahilan upang mapahiga ito sa sahig.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro