PROLOGUE
WARNING: You may encounter; grammatical errors, typos, vulgar or bad words, harsh words, and brutal scenes.
Ang katangian ng karakter ay hindi kaaya-aya kaya huwag gagayahin.
···•···
Sa unang pasok mo sa paaralan, naranasan mo na bang magkaroon ng mga kaklase na hindi ka kayang talikuran? Naranasan mo na bang magkaroon ng mga kaklase na handa kang tulungan? ‘Yung tipo ng mga kaklase na laging nasa tabi mo, handa kang damayan at gabayan. Mga kaklase na handa kang suportahan. Mga kaklase na handa kang ipagtanggol at handang gawin ang lahat mapasaya ka lang.
Well, kung ako ang tatanungin? Oo ang sagot ko. Naranasan ko ng magkaroon ng ganoong mga kaklase. Hindi lang sila basta-bastang naging kaklase lang, kun’di kaibigan ko sila at tinuturing ko na rin silang parang isang pamilya. Naranasan kong magkaroon ng mga kaklase na handang makipagpatayan. Mga kaklase na handang magtulungan. Sa ngayon.
“So, kayo pala ang bumugbog kay Jiroo?” malamig na tanong ko habang mariing tinitignan isa-isa ang pagmumukha nila.
Nasaan ‘yung tarantadong leader nila?
“Nandito na pala si Jiroo-ng lampa,” mapang-insulto na wika nitong lalaki sa harapan ko at nakipag-apiran sa katabi niya, bago sila buong magkakaklaseng tumawa nang malakas.
Kunotnoo ko silang pinagmasdan na patuloy pa rin sa paghalakhak.
Sa totoo lang, para silang mga timang kung tumawa. Nakakairita. Nakaririndi sa pandinig. Sa sobrang pagkarindi ko’y gustong-gusto ko ng tahiin ang kanilang mga bibig hanggang sa hindi na sila makatawa at makapagsalita pa.
Susugurin na sana ni Jiroo ang mga ito nang iharang ko sa harap niya ang aking braso at tiningnan siya—pinapahiwatig na ako na ang bahala rito. Tumingin din naman siya sa akin pabalik at marahang tumango.
Ibinaling kong muli ang aking paningin sa kalalakihang ito na ngayo’y tumigil na sa pagtawa at ngingisi-ngising nakatingin sa amin.
Sarkastiko akong tumawa. “Eh, ano ka pa kaya?” insulto ko rin sa kaniya at ipinilig ko ang aking ulo pakaliwa bago siya tinignan mula ulo hanggang paa.
Not bad!
Malaki ang pangangatawan pero baka kapag sinapak ko ‘to, tumba agad.
Isang ngising nakaloloko ang pinakawalan ko sa aking labi na s’yang ikinainis niya.
“Ang yabang mo, ah!” inis na bulyaw niya sa akin.
Psh! Gano’n pa nga lang ang ginawa ko, nainis na siya. Paano na lang kung mas matindi pa ang ginawa ko, e’ di nag-a-alboroto na siya sa galit?
Nang-aasar akong tumawa. “At least, kahit mag-yabang ako, may ibubuga ako. Eh, ikaw? Ano kayang kaya mong gawin bukod sa kumuda nang kumuda?” nakangisi kong wika, gamit ang maangas na pananalita.
“Fvck you! Eh, ano kung binugbog namin s’ya, ha? May magagawa ka ba?” maangas na tanong niya, pilit tinatakpan ang pagkainis sa ‘kin.
Nginisian pa ‘ko nito nang mapang-asar dahilan upang biglang bumalik sa pagiging seryoso ang aking mukha.
“Why did you do that?” tanong ko habang seryoso silang tinitignan. Alam ko at ramdam ko sa aking sarili na nagsisimula ng kumulo ang dugo ko sa maaaring maging sagot nito sa akin.
‘Ayusin mo lang magiging sagot mo dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo,’ naghihimutok kong saad sa aking isipan habang siya’y tinitignan ng matiim.
“Kasi trip namin. Angal ka?” maangas na sambit ng gago habang nakangisi.
Wow. Kuhang-kuha niya gigil ko. Gusto ko ng baragin ang pagmumukha niya ngunit hangga’t maaari’y pinipigilan ko ang aking sarili upang hindi mapaaga ang pagpunta niya sa hospital.
Nakaka-tangina kasi ang sagot niya. Napaka-sarap i-ngudngod ng bibig niya sa sahig upang magtanda.
Masiga akong humakbang papalapit sa kaniya. Parang sa sandaling iyon, nakalimutan kong isa pala akong babae dahil sa kilos kong panlalaki kung lumakad.
“Alam mo bang pumapatol ako sa lalaking katulad mo?”
Tumawa siya ng malakas na akala mo’y wala ng bukas. “Bakit? Anong gagawin mo sa ‘kin? Sasampalin mo ‘ko? Sasabunutan? O baka naman..” Huminto siya saglit at hinawakan niya ang baba niya, animo’y nag-iisip pa, saka ito tumingin sa akin at nagsalita, “..kukurutin?” insulto niyang tanong.
Sinusubukan talaga nito ang pasensya ko, ha. Pwes! Mas’yado n’ya ng nasasagad ang pasensya ko.
I smiled devilishly; my eagerness to hit him was visible in my eyes. “Wala sa pagpipilian, eh..” asik ko, kasunod no’y ginawaran ko siya nang malakas na suntok sa mukha niya dahilan nang pagkakasalampak nito sa sahig.
Bahagya akong napatingin sa kamao ko na namumula. The heck! Pinaglihi ba sa matigas na kahoy ang mukha n’ya?
Hanep na mukhang ‘yan. Ang tigas!
Pasimple kong itinago ang kamay ko sa bulsa ng aking PE uniform upang hindi nila mapansin ang pamumula nito.
“Gago ka!”
Binalik ko sa lalaking ‘to ang aking paningin nang malakas itong sumigaw. Kitang-kita ko ang putok nitong labi, sanhi ng ginawa ko sa kaniya. Nanginginig ang labi at nagliliyab ang mga mata nito sa galit na nakatingin sa ‘kin.
Serves you, asshole! Kung maayos ka lang kasi kausap, e’ di sana hindi mag-iinit ang ulo ko.
Agaran siyang tumayo at aambahan na sana ako ng suntok nang mabilis na nasalo ni Jiroo ang kamao niya. Binigyan siya ni Jiroo nang malakas na suntok sa tiyan na naging sanhi upang matumba na naman itong muli at mapahawak sa nananakit niyang sikmura.
Susugod na sana ang iba pa niyang mga kaklase nang marinig namin ang malakas na sigaw na umalingawngaw sa apat na sulok nitong gym.
“Anong nangyayari rito?!”
Napatingin kami sa entrance nitong gym kung saan nanggagaling ang sigaw na iyon. . . Nakita namin si Ethan, ang leader nila. Ang leader ng Section Ornias.
Palihim akong napangisi. Kung sinus’werte ka nga naman, oh. Maling nagpakita ka pa sa ‘king punyeta ka dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo.
“We’re always at your back, ate,” rinig kong saad ni Clydius. Nakaramdam ako ng tuwa ng sinambit niya ito sapagkat kahit ilang ulit na nilang sinasabi sa akin ang katagang iyon, hindi ako nagsasawang pakinggan ‘yon.
I chuckled.
“Yeah. Kaming bahala kapag sinaktan ka,” natatawang pag-sang-ayon naman ni Jiroo. Napailing-iling naman ako sa sinabi nito at palihim akong napangiti.
Nabalot kami ng katahimikan. Tanging ang tunog lang ng sapatos ni Ethan ang aming naririnig habang siya’y dahan-dahang naglalakad papalapit sa gawi namin.
Nang makalapit siya rito, walang pag-aalinlangan kong sinuntok ang mukha niya dahilan upang mapasalampak din ito sa sahig.
“Fvck! What the hell is wrong with you?!” nanggagalaiti niyang sigaw. Namumula ang mukha nito at pansin ko ang paglabas ng ugat nito sa leeg na tila’y galit na galit sa ginawa ko.
I-kalma mo puso mo, ako lang ‘to.
“Kasi gusto ko?” patanong na sabi ko at ngumiti bago muling nagsalita, “Ay mali pala..” Tumawa ako ng mapang-asar pagkatapos, tinignan ko siya ng diretso habang nakangisi. “Kasi trip ko.”
“Tarantado ka pala, eh!” naghihimutok sa galit na sigaw nito sa akin.
Napailing na lang ako habang mahina at nang-aasar na tumatawa.
Marahas siyang tumayo habang matalim ang tingin sa ‘kin, kaya napaayos ako ng tayo saka hinintay ang pagsugod niya.
Inambahan niya ‘ko ng suntok pakanan kaya sa kabilang bahagi ko iniwas ang aking mukha. Aatake na sana ulit siya gamit ang kanan niyang kamay nang mabilis ko itong sinalo gamit ang kaliwang kamay ko at pinihit ito.
“Aaah!” malakas na daing niya, lukot na lukot ang mukha nito na tila nasasaktan sa aking ginagawa ngunit wala akong pakialam. Sinugod niya ‘ko kaya dapat tiisin niya.
Hinawakan ko ang kaliwa niyang balikat, pang-suporta. Pagkatapos ay buong p’wersa kong tinuhod ang kaniyang tiyan dahilan para mapahiga na naman siya sa sahig at mamilipit sa sakit.
Kahit na nahihirapan, nagpupuyos sa galit nitong sinenyasan ang mga kaklase niya na sugurin ako dahilan upang sundin siya ng mga ito. Sinugod nila ako kaya sumugod na rin ang mga kaklase kong lalaki. Napangisi ako.
Laban ng isa, laban ng lahat.
···•··
Laban ng isa, laban ng lahat?
Well! That’s our section. Kapag agrabyado ang isa, hindi ka pababayaan ng lahat. Kapag pakiramdam mo matatalo ka, and’yan sila para maging back-up mo. Kapag nasaktan ka, babawi ang lahat para sa ‘yo.
Ang section namin na nagtuturingang pamilya at barkada.
“We’re always at your back.”
Iyan ang katagang paulit-ulit na sinasabi nila sa akin.
Bakit sa likod lang? Kung pwede namang sa harap, ‘di ba? Why? Because friends push you to go on when you’re about to give up. They’re pushing you to do the things that you want. They will never purposely lead you into making decisions that aren’t good for you. They are just behind you to protect you—nasa likod mo lang sila kung kailangan mo ng tulong nila.
They want to take care of you. They want to ensure that no one will harm you.
Pero huwag kang mas’yadong masasanay sa presensya nila. Huwag kang masasanay na lagi silang nasa tabi mo because they can’t always be there for you when you need them. Sad, but a true fact.
Kailangan mong matutuhan kung paano lumaban nang ikaw lang mag-isa. Kailangan mong matutunan na tumayo sa sarili mong paa nang ikaw lang mag-isa. Kailangan mong matutunan na minsan, sarili mo lang ang kasangga mo kapag may problema ka. Hindi sa lahat ng oras, nasa likod mo lang sila.
Pa’no nga ba kung ang seksyong ito ang sisira sa akin sa huli? Kaya ko bang mawala sila ng gano’n kadali o hindi ko kaya dahil napamahal na sila sa ‘kin kahit sa panandaliang panahon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro