CHAPTER 24
H E L L A R I A N
“Saan ka ba talaga nanggaling? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!” bungad na tanong sa akin ni Dean Roger pagkapasok na pagkapasok ko rito sa opisina niya. Pinatayan ko kasi siya ng tawag kanina dahil galit na galit ang boses nito. Hindi na lang ako nagpasundo sa kan’ya, pinili ko na lamang maglakad patungo rito, kahit masakit pa rin ang buong katawan ko.
“Hellarian Achlys! I’m asking you,” tiim-bagang na saad niya nang hindi ko sinagot ang tanong nito.
Walang gana akong tumingin sa kaniya.
I tsked. “Diyan lang sa tabi-tabi.”
Dahil sa sinagot ko ay tumalim ang tingin nito sa ‘kin. “Really, ha? Diyan lang sa tabi-tabi? Ng dalawang araw?” sarkastikong turan niya na inirapan ko lang.
Ang sakit ng katawan ko, punyemas! Hayop na dalawang section ‘yon. ‘Wag lang talaga silang papakita sa ‘kin, babaragin ko talaga mga pagmumukha nila.
Bigla akong napatingin kay Dean Roger nang mapansin kong titig na titig ito sa aking mukha, tila sinusuri niya ito.
Tinaasan ko siya ng kilay at nagsalita, “What?”
“Saan nanggaling ‘yang mga pasa mo sa mukha?” nagtatakang tanong niya at tinignan ako ng sobrang seryoso. “Saan ka ba talaga nanggaling?! Anong nangyari?” sunod-sunod na dagdag niya sa kaniyang sinabi.
“Napag-trip-an lang. ‘Wag ka ng mas’yadong maraming tanong,” masungit na saad ko ngunit nakatanggap lamang ako rito nang masamang titig.
“Sino ang mga ‘yon?” malamig na tanong niya.
Imbes na sagutin ang tanong niya ay isinandal ko na lamang ang aking likod sa sofa at ipinikit ko ang aking mga mata.
“Kinakausap pa kita, Ms. Luxwell!” mariing saad niya subalit hindi ko pa rin siya tinugon. Bahala siya riyan.
Ilang saglit lang ay narinig ko na lamang na napipikon siyang bumuntong hininga at nag-‘tsk’ pa ito. Hindi na rin ito nagsalita pa dahil mukhang alam na niyang wala na akong balak sagutin ang tanong niya.
“Hindi ba’t suspendido ng dalawang linggo ang Section Sonneillon?” biglang tanong ko habang nakapikit pa rin.
“Yes.”
So, suspended pa rin pala sila pero nakapasok na sila rito. I wonder kung saan sila dumadaan papasok dito kung gayong mas hinigpitan na ang seguridad ng paaralan.
Maaaring kasabwat nila ang Section Verin para makapasok dito. . . Pero paano?
Napailing ako sa aking sariling tanong. Malamang, tuso at maparaan ang section na iyon, kayang-kaya nilang makapasok dito nang walang kahirap-hirap.
“Bakit mo pala natanong?” tanong nito, mahihimigan sa kaniyang boses ang pagtataka.
“Nothing. Sumagi lang sa isip ko,” diretsong sagot ko. Huminto ako saglit upang makapag-isip isip hanggang sa nagsalita akong muli, “Nasaan pala ang mga kapatid ko?”
“Hinahanap ka pa rin. Pero I’ll call them later na nandito ka na.”
Napatango-tango naman ako, saka ko minulat ang aking mga mata.
Tumayo na ‘ko mula sa pagkakaupo sa single sofa. Inayos ko ang aking suot na itim na leggings at pants. Hindi ako nagsuot ng uniporme upang walang makapansin ng mga pasa at benda ko sa katawan.
Tiningnan ko ang wrist watch ko, alas-nwebe na ng umaga. Second subject na namin ngayon.
Nagsimula na ‘kong maglakad papunta sa building ng aming silid-aralan. Nang nasa ikalimang palapag na ‘ko nito, naisipan kong dumiretso sa locker ko upang kunin ang extra benda roon.
Kinapa ko ang susi ko sa bag at binuksan ang locker na ito. Biglang kumunot ang aking noo nang bumungad sa ‘kin ang isang itim na kahon na medyo may kalakihan. Dahil sa kuryosidad ay akin itong kinuha mula sa loob.
Sino ang naglagay nito? At paano niya nabuksan ang locker ko?
Napatingin ako sa kaliwa at kanan ko subalit walang kahit anino akong nakita. Itinuon ko ulit ang aking paningin sa kahon at binuksan ito.
Muntik ko ng mabitawan ang kahon nang tumambad sa ‘kin ang putol-putol na daliri ng tao, tila sariwa pa ang pagkakaputol dito dahil sa kulay at amoy ng dugo. Tangina, nakasusuka itong tignan.
Sinong hayop na tao ang magbibigay sa ‘kin ng ganito? Oo, pumapatay ako noon ngunit kailama’y hindi pa ako nakakita ng ganito ka-brutal.
Nahagip ng mata ko ang isang kapirasong papel sa loob nito, may mantsa na ito ng dugo. Kinuha ko ito at binasa.
Shock? Maganda ba ang regalo ko? Don’t worry, simula pa lang ‘to.
Iyan ang nakasulat sa papel. Mabilis kong tinignan ang likod ng papel at doon ko nakita ang letrang ‘R.’
‘What the heck! Ang lakas naman ng loob ng taong ito para bantaan ako!’ inis na saad ko sa aking isipan nang makita ang nakasulat sa papel at sa palagay ko’y dugo rin ang ginamit rito upang maisulat ito.
R? Ruiz?
O baka si Rocky, ang pinuno ng Blue Mambas? Ngunit kung si Rocky nga ito, paano siya nakapasok dito?
Agad kong sinara ang kahon. Muli akong napatingin sa aking kanan at kaliwa, ganoon din sa aking likod.
Sigurado akong narito lang siya, nakamasid. Ramdam ko ang kaniyang presensya, hindi ko lamang matukoy kung nasaan siya.
Tinalasan ko ang paningin at pandinig ko, hanggang sa may narinig akong bumagsak na isang bagay. Hinanap ko ang pinanggalingan ng ingay na iyon at doon ko nakita ang anino ng isang taong nagtatago mula sa likuran ng isang locker.
Mukhang nahalata naman nitong nakatingin ako sa direksyon niya dahil may biglang lumabas na nakaitim na jacket at agad itong tumakbo.
Mabilis kong binitawan ang kahon at sinundan ko siya. Sa kahahabol ko sa kaniya ay namsalayan ko na lamang na napadpad ako rito sa lumang building.
Tumingin ako sa harapan ngunit hindi ko na nakita pa ang kaniyang anino.
Tangina! Nasa’n na ‘yon? Ang bilis naman niyang nakatago!
Pinakiramdaman ko ang aking paligid ngunit hindi ko na talaga madama ang kaniyang presensiya. Lumingon pa ‘ko sa bawat sulok nitong building kaso wala talaga.
Dahil sa inis, malakas kong nasipa ang isang sirang upuan na nasa gilid ko dahilan upang malakas itong bumagsak sa sahig.
“Bullshit!”
Natakasan pa ‘ko!
“Hey! Anong ginagawa mo rito?” rinig kong tanong ng isang pamilyar na boses.
Napaharap ako rito at nabigla ako nang makita siya. Mayamaya ay napakunot ang noo ko.
“Wala. Ikaw, anong ginagawa mo rito?” balik na tanong ko kay Alexandra habang nakataas ang kilay.
ALEXANDRA
Samael [05]
Student Council Vice President
Yes, si Alexandra. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita, ah.
“Uhm. . . may kukuhanin lang akong gamit,” nakangiting saad niya sa ‘kin.
Napatango-tango ako.
“I see.” Naging seryoso ang mukha ko. “Mauuna na ‘ko.”
Ngumiti naman siya sa akin at kumaway. Tinalikuran ko na siya, saka ako napaismid. Tch.
MALAPIT na ‘ko sa tapat ng aming classroom nang magkaroon ako ng kutob na mayroon na naman silang kalokohang gagawin. Mula kasi rito sa kinaroroonan ko, kitang-kita ko na nakasara na naman ang pintuan. Wala akong tiwala sa pa-gan’yan nila, paniguradong may hinanda na naman silang paraan para mapaalis ako.
Naglakad na ‘ko papunta sa may pinto. Pati ang mga bintana ay may takip din. Mga tanga, mas’yado silang napaghahalataan.
“Oh, Ms. Luxwell, bakit hindi ka pa napasok?” rinig kong tanong mula sa likuran ko. Napaharap naman ako rito at nakita ko ang guro namin sa second class, ang precalculus.
Tiningnan ko ito nang diretso hanggang sa may naisip akong ideya dahilan upang kumurba ng kaunti ang aking labi.
“Good Morning, Sir Juarez! May importante lamang po akong tatawagan, please excuse me,” magalang na palusot ko at ngumiti pa ako rito ng matamis.
Napatango siya.
“Sige, sumunod ka na lang sa loob pagtapos niyan.”
Nakangiti naman akong tumango rito bilang tugon. Ngumiti rin ito sa akin bago siya dumaan sa gilid ko patungo sa tapat ng aming silid.
Lumayo ako ng kaunti sa kaniya upang hindi mahalata. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hawakan na niya ang doorknob.
Pagbukas niya ng pinto, biglang bumuhos ang isang timbang kulay pulang likido. Kasunod no’y pinagbabato siya ng harina at itlog ng ilang kaklase ko. Mayamaya, nagulat ako ng tatlong sunod-sunod na shuriken ang ibinato sa gawi niya. Mabuti na lamang at nailagan niya ang lahat ng ito.
Lumapit ako sa kaniya at napatakip ako sa ilong ko nang maamoy ko ang kakaibang amoy. Muntik na ring bumaliktad ang sikmura ko dahil amoy nito. Amoy masangsang na dugo at tila hinaluan pa ito ng amoy ng patay na daga.
“Shit!” rinig kong malakas na mura ng isa sa kaklase ko.
Sinilip ko ang loob habang nakatakip pa rin ang aking kamay sa ilong. Kita sa mukha ng ilang kaklase ko ang pinaghalong gulat at kaba.
“S-Sir..” kabadong bigkas ni Asher.
Mahina akong natawa nang makita ang priceless na mukha ng ibang kaklase ko. Wala na naman dito sina Azaiah at ang mga kapatid ko. Wala rin dito si Larius.
“Section Apollyon!” malakas na sigaw ni Sir Juarez na mas lalong nagpatahimik sa buong silid.
Napatingin ako kay nina Clydius at Kriss na dali-daling umiling sa akin, pinapahiwatig na wala silang kinalaman dito.
It’s pay back time.
Dali-dali akong lumapit sa tabi ni Sir Juarez kahit nasusuka ako sa amoy nito.
“Ano pong nangyari sa inyo, sir?” tila nag-aalalang tanong ko kay Sir Juarez at kunwari ko pang sinuri ang kalagayan nito. Ngunit wala akong nakuhang sagot dito sapagkat galit na galit ang nakarehistro sa mukha nito.
Natawa ako sa aking isipan.
Tumingin ako sa mga kaklase ko nang inosente bago nagsalita, “Hala kayo! Ano bang pinaggagawa ninyo? Pati si sir, dinadamay ninyo sa katarantaduhan ninyo,” pang-iinis ko sa kanilang lahat, at tumingin ako sa direksyon ni Fynn upang mas lalo siyang inisin.
Dahil doon, pasimple nila akong sinamaan nang tingin.
“All of you, go to the guidance office. Now!” ma-awtoridad na sigaw ni Sir Juarez.
“Deserve..” I mouthed while smirking at them.
“Kasali po ba ako, sir?” inosenteng tanong ko kay Sir Juarez kaya humarap ito sa akin.
“No.”
Ngumiti naman ako sa kaniya samantalang ngising nang-aasar naman ang iginawad ko sa mga kaklase ko.
“Pero sir, hindi po kami kasali!” agarang angal ni Kriss kaso hindi sila pinansin ni Sir Juarez dahil umalis ito agad.
Napatingin naman sa akin sila Kriss ngunit nagkibit-balikat lamang ako.
Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at unti-unti na ring lumabas sa silid na ito habang masama ang tingin sa akin. Sa halip na samaan din sila ng tingin ay tinawanan ko lang sila.
Napapala ng mga tarantado.
---
SOMEONE’S POV
“Anong balita? Natanggap na ba ni Hellarian ang munting regalo ko?” nakangising tanong ko sa aking sekretarya.
Hinawakan ko ang aking wine glass na may lamang red wine, hinalo ko ito bago dahan-dahang sinimsim.
Tumingin naman ito sa akin at ngumisi rin.
“Natanggap na raw, sabi ng iyong kapatid. At base sa sinabi nito, mukhang curious na curious si Ms. Luxwell kung sino ang nagpadala sa kaniya ng ganoong bagay,” magalang na wika nito sa akin.
Mas lalo namang lumawak ang ngisi ko sa labi.
Ma-curious lamang siya dahil padating palang ang bagyong sisira sa buhay niya. Iyon palang ang simula, may kasunod pa.
“Good!” natutuwang saad ko at tumawa ako ng tila may binabalak. “Hindi ko hahayaang maagaw niya sa ‘kin lahat, ang akin ay sa akin lamang..”
At maling-mali ring pinasok niya ang paaralang iyon lalo na ang seksyong tinutuluyan niya ngayon.
Sumimsim akong muli ng alak at tumingin sa aking sekretarya nang may naalala ako.
“Sabihin mo rin kay Marj na huwag niyang hahayaang maunahan tayo ng iba sa pagpatay sa babaeng iyon,” ma-awtoridad na utos ko at biglang namuo ang inis sa aking sistema. Tinignan ko siya ng seryoso bago muling nagsalita, “Ilang beses na lamang tayong nauunahan ng kung sino,” madiing dagdag ko.
Napatingin ako sa cellphone ko na biglang tumunog kaya kinuha ko ito.
Dad’s Calling...
Agad kong pinindot ang answer botton at itinapat ito sa aking tainga.
“Hello, dad!” bungad na bati ko sa aking ama, saka ako tumingin sa sikretarya ko at sinenyasan ito na lumabas na.
Tumango naman ito at yumuko bilang paggalang bago siya lumabas ng aking opisina.
“Kumusta ang pagbebenta mo ng drugs kay Mr. Geilman?” tanong nito.
Tch. Wala man lang bati-bati muna. Ano pa nga bang aasahan ko sa kaniya, puro pera lang naman ang nasa isip niya.
“Ayos naman. Nakuha ko na rin ang malaking halagang hinihingi natin sa kaniya,” walang ganang sagot ko.
Nagbebenta kami ng illegal na droga sa iba’t ibang parte ng bansa. Mayroong sikretong pabrika ng droga ang aking ama, iyon ang kaniyang negosyo at bilang isa sa mga anak niya, gusto niyang tumulong ako sa pagpapalago ng negosyo niya.
Sangkot din ang organisasyon namin sa malalaking bentahan ng ilegal na drugs dito sa Chicago. Yes, we sell drugs but I never tasted it. Hindi ako nagsubok na tumikim noon.
“Good!” Narinig ko ang matunog na pagngisi nito. “Sa susunod na buwan ay magkakaroon ng malaking auction sa underground. Pumunta ka roon dahil paniguradong maraming magpupuntahan doon na mayayamang sindikato at negosyante. Magandang pagkakataon iyon upang maglabas ng bagong droga at maibenta iyon sa kanila.”
Napabuntong hininga ako nang marinig ang sinabi niya.
Basta talaga sa mga malalaking okasyon ay nakakakuha agad siya ng impormasyon. Bakit kasi hindi na lang siya ang makipag-deal sa mga negosyanteng iyon. Mas’yado akong abala sa pag-t-training ng mga miyembro ko sa organisasyon namin.
“Alright,” saad ko at biglang sumimangot ang mukha ko. Wala naman akong magagawa kun’di sundin ang utos nito.
Pareho talaga sila ni mom—mga mukhang pera. Well, gano’n din naman ako at hindi ko iyon itatanggi. Na-adapt ko lamang sa kanila ang ganitong ugali.
“Good. Iaasa ko na sa iyo ang bagay na iyan. Basta’t siguraduhin mo lamang na magiging malinis ang bentahang mangyayari. Kapag nabuko tayo ay mayayari ka talaga sa ‘kin,” banta nito kaya napairap ako sa kawalan.
“Kailan ba kita binigo, dad?”
I heard him tsked. “Maraming beses na. Gusto mo bang isa-isahin ko pa sa ‘yo kung paano mo ‘ko nadismaya?”
Biglang nagbago ang ekspresyon ko, napaltan ito ng pagkairita. Nakakainis! Mukha ba talaga akong talunan sa paningin niya?!
---
H E L L A R I A N
I accompanied Hayila to the basketball court since Dean Roger had instructed her to clean the whole court. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta’t sinamahan ko lamang siya dahil nagpapasama siya, wala rin naman akong ginagawa sa room dahil nasa guidance office ang mga kaklase ko.
Habang naglilinis si Hayila, maraming nakakalat na bola ng basketball kaya kinuha ko ang isa at dr-in-ibble ito.
I let out a long sigh, saka ko pinagdikit ang mga paa ko at pumorma na mag-t-three point shot. Sh-in-oot ko ang bola papasok sa ring at napangisi ako ng pumasok ito.
“Larian!” rinig kong sabay-sabay na pagtawag sa pangalan ko.
I turned to face the gate of this court, where the scream had come from, then I saw some of my classmates, as well as a man wielding a baseball bat—Fynn.
My forehead furrowed as I looked at them one by one.
Hindi pa rin nila kasama sina Azaiah at ang mga kapatid ko?
“What do you need?” My brows furrowed as I asked before crossing my hands.
Nakita ko ang sabay-sabay nilang pagngisi.
Napunta kay Fynn ang paningin ko, mas malawak ang ngisi nito kumpara sa iba. Hinampas-hampas nito ng mahina ang baseball bat sa kaniyang palad.
Wait. Don’t tell me ihahampas nila sa ‘kin ang bagay na iyon?!
“Run!” malakas na sigaw ni Fynn kaya nanlaki ang mata ko at umabante ako patalikod pagkatapos, agad akong tumakbo palabas sa kabilang gate ng court. Iniwan ko na roon si Hayila.
“Larian!” huling rinig ko sa pangalan ko galing kay Hayila.
Punyeta! Hindi ba sila nagsasawang puruhin ang katawan ko. Napuruhan na nga ‘ko nu’ng nakaraan ‘tapos dadagdag pa sila.
Kung kaya ko lamang talagang makipagrambulan sa kanila ngayon, gagawin ko, ngunit sobrang sakit pa talaga ng buong katawan ko. At mas lalong sumasakit ngayon dahil tumatakbo ako ng mabilis para lang matakasan sila.
Wala ba silang ibang maisip na paraan? Bwisit!
Tumingin ako sa likod ko at napansin kong humahabol sila sa akin kaya mas tinulinan ko pa ang aking pagtakbo.
Pota, para akong hinahabol ng mga toro. Hayok na hayok sila, potek.
Napansin kong humiwalay ang ilang kaklase ko sa iba, nag-iba sila ng direksyon. Mukhang balak pa nila akong i-corner, bwisit na ‘yan!
Tumakbo ako sa hallway ng unang palapag nitong ikalawang gusali kaya napalingon sa gawi namin ang ilang mga estudyante na nasa labas at loob ng silid. Wala ba silang mga klase ngayon.
Habang tumatakbo ako, biglang may lalaking humarang sa harapan ko kaya akin itong hinawakan sa polo dahilan upang magulat ito. Buong lakas ko siyang itinulak sa gawi ng mga kaklase ko kaya’t sabay-sabay silang natumba sa sahig.
Pasensya na lamang agad sa lalaking iyon at nadamay pa siya. Tarantado kasi ang mga kaklase ko, hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako. Para kaming naglalaro ng taya-tayaan.
Lumiko ako sa kabilang corridor. Hinawakan ko ang railings dito bago ako tumalon para lumiban sa kabilang side, kung saan makakapunta ako sa field.
Hanggang sa field ay naghahabulan pa rin kami. Punyeta sila. Kailan ba sila titigil?! Napapagod na ‘ko kakatakbo, unti-unti ring lalong sumasakit ang buong katawan ko.
Naramdaman ko naman na tila huminto na rin ang iba. May ilan ding naghahabol sa kanila ng hininga.
Hindi na talaga kaya ng katawan ko!
“Tangina! T-Tama na, h-hinihingal na k-kami!” rinig kong hinihingal na saad ng isa sa kanila kaya huminto na rin ako at napahawak sa aking tuhod habang nakatalikod pa rin sa kanila. Mabilis kong hinabol ang aking hininga.
Sino ba kasing may sabi sa kanilang habulin ako? Pati tuloy ako napagod!
“Larian!” rinig kong tawag sa ‘kin ng isang boses ng lalaki, maliit ang boses nito. Boses iyon ni Clyd.
Mukhang kararating lang nila dahil hindi ko naman sila nakitang kasama nina Fynn sa may court kanina.
Marahan akong humarap sa mga ito ngunit nagulat ako nang sa paglingon ko’y kasabay no’n ang pagtama ng bola ng baseball sa aking noo.
Nakaramdam ako ng pagkalula. Naalog ata ang utak ko dahil sa lakas ng impact no’n.
May pumatak na dugo mula sa noo ko kaya hinawakan ko ito, naramdamanan kong may malapot na likido na naman mula rito.
Bullshit!
Mga ilang saglit lang ay nabatid ko na lamang na tinatawag nila ang aking pangalan sapagkat agad akong natumba sa damuhan. Nakita ko pa na mabilis na lumapit sa akin sina Clyd at Kriss upang daluhan ako. Hanggang sa namalayan ko na lamang na nagdilim na ang paningin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro