Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23

H E L L A R I A N

     Nagising ang diwa ko nang maramdaman ko ang napakalamig na likidong bumuhos sa akin. Dahan-dahan ko idinilat ang mga mata ko sapagkat ramdam kong basang-basa ang buong katawan ko.

     Pagkamulat ng aking mga mata ay sobrang labo ng aking nakikita. Mayamaya ay naaninag ko na ang ilaw na nakasabit sa kisame. Sa tingin ko’y narito ako ngayon sa isang abandonadong silid dahil bukod sa bako-bako na ang kisame at sira-sira na ang mga bintana ay may nakikita rin akong mga sirang upuan.

     Napadaing pa ‘ko sapagkat naramdaman ko ang pananakit ng aking ulo at likod.

     Agad akong napatingin sa aking gilid nang may biglang sumipa ng malakas sa tagiliran ko. Sinamaan ko ito nang tingin at handa na sana siyang sapakin ngunit napagtanto ko na nakagapos ang aking paa at kamay habang nakaupo sa sahig.

     “Gising na pala ang mahal na prinsesa,” rinig kong wika ng taong kapapasok pa lamang sa abandonadong silid na ito.

     Hindi ko makita ang mukha nito sapagkat nakasuot ito ng itim na maskara subalit sa tindig at lalim ng boses nito ay mahahalataan mong isa itong lalaki.

     Umupo ito sa isang upuan na tila isang hari. Pwe!

     Nilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Maraming kababaihan at kalalakihang estudyante na na nakasuot ng uniporme ng school namin. May ilan naman na ibabang suot na uniporme, sa tingin ko’y galing sila sa ibang university.

     Paano ba sila nakapapasok sa university na ito? Akala ko ba’y malakas ang seguridad dito!

     “Sino kayo?” mahinahong tanong ko ngunit may diin sa mga binitiwang salita.

     Narinig ko ang sunod-sunod na yapak mula sa likod ko.

     “Hm.. kami?” rinig ko namang tanong ng boses babae kaya dali-dali akong lumingon dito sapagkat pamilyar sa akin ang boses na iyon.

     Pakiramdam ko’y napunta sa aking ulo lahat ng dugo ko nang makita ko ang pagmumukha nito. Bakit nandito siya? Akala ko ba’y suspended ang grupo nila ang dalawang linggo? Hindi ba talaga siya nadadala sa ginawa ko sa kaniya.

     Nasa likuran niya sina Abby, Clover, Dora, at ang ilang babaeng kampon niya.

     “Kumusta?” nakangising tanong niya. Tinignan niya ako nang mapang-asar. “Miss me? Ilang araw lang naman akong nawala.”

     Ngumisi rin ako.

     “Why would I? Mas mabuti ngang hindi kita nakikita nang mabawasan naman ang mga nakakasalamuha kong tanga,” mapang-asar na banat ko rito.

     “Wala ka talagang k’wentang kausap!” iritadong saad niya at nagdabog pa ito.

     Natawa naman ako nang nakaloloko.

     “At least, wala lang akong k’wentang kausap. Ikaw, wala ka talagang k’wenta.”

     Kung nakamamatay lang ang matalim na tingin kanina pa ako bumulagta. Galit na galit itong tumingin sa akin, parang akala mo’y dragon na anumang oras ay bubuga na ng apoy.

     Dali-dali itong lumapit sa ‘kin at malakas akong sinampal dahilan upang tumabingi ang mukha ko. Ramdam ko ang gigil sa pagkakasampal nito. Sa sobrang lakas ng sampal niya ay paniguradong namumula na ang pisngi ko.

     Hinarap ko ang mukha ko kaniya. Tumawa ako ng mapang-asar nang makita ang emosyon nito, parang gusto na akong sakmalin.

     “Why so pissed, Angel?” ngising tanong ko kaya’t gigil na naman ako nitong sinampal. Nalasahan ko na nga ang dugo sa aking labi.

     Humarap akong muli rito at pinakita sa kaniya kung paano ko tinikman gamit ang dila ko ang dugo na nasa gilid ng labi ko.

     Sarkastiko akong tumawa.

     “Hindi ka talaga nadadala ‘no?” tanong ko habang plastik na nakangiti sa kaniya.

     Tumawa naman siya na tila inaasar ako.

     “At bakit naman ako madadala? Sino ka ba? You’re just a nobody na hindi dapat kinatatakuhan.” She gripped my jaw tightly and looked at me intently. “Hindi ako papayag na hindi ako makakaganti sa ‘yo,” matigas na saad niya at mas lalong hinigpitan ang pakakahawak sa panga ko kaya’t natawa ako na parang siya na nakatatawang tao na nakilala ko.

     “Do whatever you want, bitch. . . I don’t care!” mariin na sambit ko. Mukhang nainis na naman ito sa sinabi ko kaya’t nasampal ako nito.

     Tangina, namumuro na naman sa akin ang hayop na ‘to.

     “Ang tapang mo pa rin talaga ‘no kahit nasa ganito ka ng kalagayan,” mariin na sambit niya.

     “Hindi naman kasi ako katulad mo..” Nginisian ko siya at tumawa ng nakakaasar, saka pinagpatuloy ang aking sasabihin “..duwag! Kailangan pa ng maraming kasama para lang gantihan ako.”

     “Fuck you!” mura niya sa akin.

     I smiled sweetly. “Thank you,” saad ko at nag-‘mwa’ pa ako rito ng may tunog, saka muling tumawa.

     Sinuri kong mabuti ang mukha nito. Natawa na naman ako ng makita ang maliit na ekis sa mukha nito na gawa ko, tila pumeklat ito sa kaniyang mukha.

     “Ohh. . . kumusta naman ‘yang ukit sa mukha mo? In fairness, ang ganda.” Nginitian ko siya ng malapad na halos hindi na makita ang mata ko. “S’yempre, galing sa akin ‘yan, e. Ang galing kong mag-drawing ‘no?”

     Kita ko ang pag-apoy ng mata nito sa galit.

     “Damn you, bitch!” Hinawakan niya ang mukha ko at pabalibag na binitiwan ito dahilan para tumabingi na naman ang ulo ko. “Nang dahil sa ‘yo, nasira ang mukha ko!” galit na sigaw niya.

     Mahina akong natawa habang naharap sa kaniya.

     “Hindi ba’t matagal ng sira ang mukha mo? Dinagdagan ko lang naman, eh, ano bang masama roon?” ngising banat ko na naman.

     Nagpupuyos ang kaniyang mga mata na tumingin sa akin. “Humanda ka sa akin dahil hindi ko palalagpasin ang pang-iinsulto mo sa akin at ang ginawa mo sa kuya ko! Nang dahil sa ‘yo, nasa hospital pa rin siya!”

     Oh? Gano’n ba kalala ang ginawa ko kay Thaddeus para ma-hospital siya? Sa pagkakatanda ko, sinapak ko lang naman siya nang paulit-ulit hehe.

     Napakagat ako sa aking labi habang napapangisi, gamit ang aking mga ekspresyon ay pinakita ko sa kaniya ang pang-aasar ako.

     “Aww..” Nakanguso akong tumingin sa kaniya. “My ass got scared. So scary!” kunwaring malungkot at natatakot na sambit ko, pagkatapos ay bigla akong tumawa.

     Parang walang mga tao sa paligid namin sapagkat pinapanood lamang nila ang sagutan namin nitong si Angel.

     Mapang-asar akong bumuntong-hininga. “Go on, bitch. Support kita!” dagdag ko sa sinabi ko kaya’t napasigaw ito sa inis at dali-dali siyang umayos ng tayo upang sipain ako.

     Napadaing naman ako sa sobrang lakas ng sipa nito. Gigil na gigil ‘yan?

     “Bilib din ako sa tapang mo,” biglang sabat ng lalaking naka-maskara. Napatingin ako rito at tinaasan ko siya ng kilay.

     “At sino ka naman?” malditang tanong ko.

     “Hindi mo na kailangang malaman,” sagot nito gamit ang seryosong boses.

     “As if naman gusto talaga kitang kilalanin,” turan ko rito at bigla na lamang akong napaigik sa sakit nang may malakas na humigit sa buhok ko mula sa aking likuran. Pakiramdam ko’y maaalis ang anit ko sa sobrang higpit ng pagkakasabunot ng taong itong sa akin.

     “You have no right to talk to him like that!” matigas na sambit ng lalaking nakasabunot sa buhok ko.

     “So?” walang ganang saad ko kahit nasasaktan ako sa pagkakasabunot nito sa akin kaya mas lalong humigpit ang hawak nito.

     Nabaling naman ang tingin ko kay Angel nang hinawakan na naman nito ang panga ko ng sobrang higpit. Mas mahigpit na sa nauna.

     “I’ll make sure na sa hospital ang bagsak mo,” mariing wika ni Angel at malakas na naman akong sinampal.

     “Okay.”

     Padarag akong itinayo nang tuwid ng lalaking nakasabunot sa buhok ko kanina. Pagkatapos, nakita ko ang isang papalapit na malaking lalaki, may dala-dala itong malapad na kahoy.

     Nginisian niya ako bago ako nito hinampas ng kahoy sa tiyan dahilan para mapadaing ako sa sakit. Fvck!

     “Gago!” sigaw ko sa kaniya.

     Nagsasalita pa ako tapos bigla ako nitong putulin sa pamamagitan ng paghampas muli ng malakas sa aking tiyan kaya napaubo na ako ng dugo.

     Marahas kong dinura ang natitirang dugo sa aking bibig.

     “Masakit ba?” nang-aasar na tanong ni Angel.

     Gago pala ‘to, eh. Kung sa kaniya ko kaya gawin. ‘Tapos tanungin ko rin siya kung masakit.

     Ngumiti ako sa kaniya ng pagkatamis-tamis.

     “Ang sarap nga, e. ‘Yun na ‘yon?” natatawang tanong ko habang napapangisi.

     “Bwisit ka talaga! Nagagawa mo pa talagang sumagot ng ganiyan!” sarkastikong saad niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

     “Yeah, Angel is right. You’re in panganib na nga, you’re so tapang pa rin,” mataray na sabat naman ni Abby kaya napairap ako rito.

     Mayroong mga estudyante ng Section Sonneillon dito, mayroon ding mga taga-Section Verin. Ano ‘to, nagkakampiham sila? Ew.

     “Pakihanap nga ng pake ko.”

     Sinamaan naman nila ako ng tingin. Napansin kong sinenyasan ng lalaking naka-maskara ang mga estudyanteng naririto. Nagsi-tanguan naman ang mga ito.

     Namalayan ko na lamang na pinaghahampas akong muli ng kahoy, samantalang ang iba nama’y pinagtatadyakan at pinagpapalo ako.

     Kahit na nahihirapan ako dahil sa pinaggagawa nila, sinikap ko pa ring ibuka ang aking bibig.

     “Kalma,” mahinang ani ko.

     Tumigil sila at tumingin sa akin na parang mga demonyong sabik na sabik na mapuruhan ako.

     “Ba’t ‘di ka lumaban? Matapang ka, ‘di ba?” maangas na wika ng isa sa kanila, hinahamon ako.

     Sa tanga naman nito. Magtatanong na lang, hindi pa ginamitan ng utak.

     Kahit nahihirapan ay sinikap ko pa ring makapagsalita ng tuwid na tila wala akong nararamdamang sakit.

     “Hindi ko alam k-kung tanga ka ba o sadyang bobo ka lang talaga, eh. Gago ka ba? Pa’no ako makakalaban k-kung nakagapos ako habang kayo, pinagtutulungan ako?” diretsuhang saad ko at inirapan ko ito. “Minsan, gamit-gamitin din ang utak, ha? Baka mangalawang.”

     Tila nagpintig ang tainga nito sa aking sinabi dahil tinadyakan ako nito. Napadaing ako. Ininda ko ang sakit na aking nararamdaman at tinignan ko silang lahat.

     “M-Mga duwag pala k-kayo, eh. B-Bakit hindi n’yo ‘ko l-labanan ng patas? Mga duwag!” ngising pang-iinsulto ko sa kanila.

     Kita sa mukha ng mga ito na sila ay nainsulto. Sabay-sabay silang tumingin sa lalaking naka-maskara, wari’y hinihingi ng mga ito ang senyales ng taong iyon. Mukhang kumagat sila sa sinabi ko. Good.

     Tumango ang lalaking nakamaskara.

     “Sige, kalagan ninyo!” maawtoridad na utos nito na sinunod ng mga kampon niya.

     Pagkatanggal nila sa mga tali ay agad akong tumayo at hinimas ang aking pala-pulsuhan. Inunat ko ang aking katawan kahit na medyo masakit.

    Pinalagutok ko ang mga daliri ko sa kamay habang unti-unting gumuguhit ang malademonyong ngisi sa aking labi.

     Mga tanga rin, talagang kumagat sa pang-iinsulto ko.

     Mabilis kong pina-landing ang kamao ko sa mukha ng lalaking nasa harapan ko dahilan upang mapaatras ito, saka ko dali-daling pinatid ang paanan nitong nasa gilid ko kaya natumba siya. Pagkatapos, agad akong umikot at sinipa sa mukha ang nasa likod ko kaya bumagsak ito.

     Gumawa sila ng malaking bilog para paligiran ako.

     Kahit marami akong natamong sugat at pasa, sinikap ko pa ring tumayo nang maayos kahit sa bawat galaw ko ay sumasakit ang mga ito. Itinaas ko ang aking kamay at sinenyasan sila na sumugod.

     Tinalasan ko ang aking pakiramdam upang malaman kung sino ang unang aatake sa kanila.

     Nadama ko ang presens’ya ng isang tao sa aking likod kaya humarap ako rito. Nakaangat sa ere ang kamao ng lalaking ito at handa na sanang lumapat iyon sa aking mukha nang yumuko ako at sinikmuraan siya. Kasunod n’ya ay ang pag-atake ng isang babae, sinalag ko ang kaniyang dalawang kamay at tinulak siya sa kanang bahagi ng silid na ito na naging sanhi upang mapasama sa kaniyang pagkakatumba ang ibang kasamahan niya.

     Lumapit sa akin ang isa kaya sinuntok ko ito sa mukha.

     Mga ilang saglit lang ay may biglang yumakap nang mahigpit sa aking likukan dahilan para masipa ako sa tiyan ng sunod na sumugod. Inalis ko ang kaniyang kamay pero mas lalo lang niyang hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin.

     Nakita kong may hahampas sa ‘kin ng baseball bat kaya isinabay ko sa aking pagtagilid ang nakayapos sa ‘kin kaya’t siya ang nahampas nito sa likod. Napabitaw naman siya sa akin kaya ginamit ko ang pagkakataong ito upang gawin roundhouse kick sa babaeng sumipa sa ‘kin kanina.

     Hindi ko napansing may pasugod pala kaya ako’y nasapak nito kasabay ng paghawak ng dalawang lalaki sa magkabilaang braso ko. Pinilit kong kumawala sa kanila kaso mas malakas ang puwersa ng dalawang ito, dahil na rin sa pinipisit nila ang pasa ko.

     Humakbang papalapit sa harapan ko ang lalaking naka-maskara. Napasinghal ako nang buong lakas niya akong sinampal sa kaliwang pisngi na naging sanhi nang pagtagilid ng aking mukha.

     Marahas niyang hinawakan ang aking panga at hinarap ako sa kaniya.

     “You’re really brave, young lady,” malamig na tanong niya ngunit sinuklian ko lamang siya ng blangkong tingin. “And I hate that! Masiyadong malakas ang loob mo para kalabanin ang grupo ko.”

     Grupo niya? Tinutukoy niya ba ang Section Sonneillon? But, as far as I remembered, never ko pa siyang nakita. I mean, hindi pamilyar sa akin ang tindig niya. Hindi ko rin naman siya nakita sa mga litratong pinakita sa akin ni Dean Roger noon.

     Malakas kong winaksi, gamit ang ulo ko, ang kamay nitong nakahawak ng mahigpit sa aking panga.

     Nginisian ko siya. “Wala. Akong. Pakialaman.”

     Dahil sa sinabi ko ay nakatanggap ako nang malakas na sampal mula rito. Tangina, manhid na pisngi ko kakasampal nila!

     “Umayos ka, kung ayaw mong tapyasin ko ‘yang bunganga mo!” malamig na banta niya.

     Muli kong dinura ang dugong nanggagaling sa aking bibig.

     “Try me—” Naputol ang aking sasabihin dahil nakatanggap ang mukha ko nang malakas na sapak mula sa kaniya. Ramdam ko naman ang pagputok ng aking labi.

     Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Angel.

     “Kung ako sa ‘yo, hindi na ‘ko sasagot pa para hindi ako masaktan,” natatawang sambit nito.

     Epal!

     I tsked and rolled my eyes at her. “Buti na lang hindi ako ikaw. . . Duwag!” saad ko kaya sinamaan ako nito nang tingin.

     Muli sa gilid ng mata ko ay nakita kong bumalik sa pagkakaupo ang lalaking nakamaskara, pagkatapos ay sinenyasan niya ang isang estudyanteng lalaki na sugurin ako.

     Sinunod siya nito. Binigay niya rito ang isang matigas na bakal.

     Umarko sa labi ng lalaking iyon ang ngisi habang pinaglalaruan ang bakal sa kaniyang kamay. Ilang segundo lamang, naramdaman kong buong puwersa niyang hinampas ang bakal sa aking tiyan dahilan upang sumuka ako ng dugo.

     Kahit na nasaktan ako sa ginawa nito, pinilit ko pa ring tumayo ng maayos habang hawak-hawak ako ng dalawang malaking lalaki. Tumingin ako sa taong humampas sa akin at pinakita ko rin na hindi ako nasaktan.

     I’m not weak.

     Inis siyang tumawa habang pinaglalaruan sa kamay ang bakal. “Ang tibay mo talaga, ah!” singhal niya, pagkatapos ay hinampas niya akong muli sa sikmura kaya’t napasuka na naman ako ng dugo.

     Damn.

     Pinilit kong maging matatag. Hindi ako papayag na mapuruhan nila ako mas’yado! Nang tatangkain niyang hampasin akong muli ng bakal ay mabilis pa sa alas-kwatro kong sinipa ang kaniyang sikmura, kasunod no’y ginamit ko ang aking natitirang lakas upang ibalibag ang dalawang lalaki na nakahawak sa akin.

     Pinilig ko ang aking ulo sa magkabilang direks’yon upang palagutukin ang aking leeg. Mayroong umatake sa akin kaya agaran ko itong sinipa sa mukha.

     Sa mga nagdaang minuto, ang ginawa ko lamang ay balian ng buto ang bawat estudyante na sumusugod sa akin. Hanggang sa hindi ko namalayang may pasugod pala sa amin, naramdaman ko na lamang na may humampas sa ulo ko ng matigas na bagay dahilan para ako’y makaramdam ng mahilo. Ngunit kahit gayon pa man, hindi ko hinayaang bumagsak ako sa sahig.

     Habang pinanatili ko ang aking balanse upang hindi matumba, may biglaang humila sa buhok ko at dinala ako sa tapat ng dingding.

     “Babawi muna ako sa ‘yo,” ngising wika ni Angel. Pagkatapos, inuntog ako nito ng dalawang beses kaya naramdaman kong parang may likido na umaagos sa noo ko.

    Pinilit kong hawakan ang kamay niyang nakasabunot sa akin at marahas iyong inalis sa buhok ko. Pagkaharap ko sa kaniya ay agaran ko na siyang sinapak nang malakas upang patumbahin siya.

     Agad kong hinawakan ang noo mo at nakita ko ang isang... malapot na dugo.

     Tangina naman, oh.

     Sa pagkakataong ito, nag-init na ang aking ulo. Kinuyom ko ang aking mga palad. Ginamit ko ang natitirang lakas ko upang itayo si Angel at iharap sa akin. Malakas ko siyang sinipa sa tiyan kaya tumalsik siya sa may mga kahon, dali-dali naman siyang nilapitan nila Angel upang tulungan siyang makatayo.

     Nagdidilim ang paningin ko sa kanila ngayon. Gustong-gusto kong balian ng buto ang bawat isa sa kanila hanggang sa makuntento ako.

     Bigla akong nawalan ng balanse nang makaramdam na naman ako ng pagkahilo. Lumalabo rin ng panandalian ang paningin ko pero kalaunan nama’y bumabalik din sa normal.

     “That’s enough! Let’s go!” rinig kong maawtoridad na utos ng lakaking nakamaskara. Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko na agad nagsilabasan ang ilan sa kanila. Ang iba nama’y tinulungang makatayo ang kanilang mga kasamahan bago umalis.

     “Tandaan mo ang araw na ‘to, hindi pa tayo tapos..” huling sambit ni Angel bago siya lumabas kasama sila Abby at ang lalaking naka-maskara.

     Hindi ko na sila sinundan pa dahil nahihilo na ako, unti-unti na ring lumalabo ang mata ko. Aaminin kong hindi ko na kayang makipaglaban pa sa kanila ng ganito ang kalagayan.

     Bahagya akong napaupo nang bigla kong naramdaman ang panghihina at pagkahilo. Hinawakan ko ang aking noo at tinignan itong muli, tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng dugo mula rito.

     Humawak ako sa dingding upang gawin itong suporta, saka ako sapilitang tumayo kahit na maraming masakit sa katawan ko.

     Nang tuluyan akong makatayo, dahan-dahan akong lumabas ng abandonadomg silid na ito. Nanlalabo na ang aking paningin ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang aking paglalakad.

     Wala pa man ako sa kalahati nitong corridor ngunit hindi ko na kinaya ang sakit na nararamdaman ko sa aking ulo kaya napahawak ako ng mahigpit sa railings.

     “Bullshit!” matigas na bulalas ko.

     Habang pinipilit kong maging ayos, narinig ko ang yapak papalapit sa akin. Tumingin ako rito at naaninag ko ang bulto ng isang tao na patungo sa gawi ko.

     “Hey!” wika niya at agaran akong sinalo bago pa man ako matumba sa sahig.

     Hindi ko makita nang maayos ang mukha nito dahil sa sobrang panlalabo ang aking paningin. Ngunit isa lang ang masasabi ko, pamilyar siya sa akin.

     “Hey, wake up!” Mahina niyang tinapik-tapik ang aking pisngi ngunit hindi ko na maimulat pa ang aking mga mata.

     Naramdaman ko na lamang na binuhat ako nito ng pa-bridal style hanggang sa tuluyan na akong nawalan nang malay.

     MINULAT ko ang aking mga mata ngunit agad ding napapikit nang maaninag ko ang nakasisilaw na ilaw. Nang maka-adjust na ‘ko sa liwanag nito ay dumilat ulit ako. Unang bumungad sa akin ay ang puting kisame.

     Nadama kong may nakatusok sa aking kamay na kung ano kaya inangat ko ito. Doon ko lamang nakita ang dextrose na nakakabit sa akin.

     Marahan aking umupo. Napasigaw ako sa sakit at mariin na napapikit nang maramdaman ko ang biglang pagsakit ng aking ulo.

     Nang mawala na ang sakit ay minulat kong muli ang aking mata at marahas na inalis ang dextrose sa nakatusok sa aking kamay.

     Biglang sumagi sa isipan ko ang lalaking tumulong sa akin.

     Inalala ko ang mukha nito ngunit napailing din agad dahil hindi ko talaga naaninag ang kaniyang mukha kaya’t hindi ko maalala.

     “Ma’am..” Napatingin ako sa kapapasok lang na nurse. “May masakit po ba sa inyo? Bakit n’yo po inalis ang dextrose.”

     Tiningnan ko siya ng blangko. “Wala.”

     Tumango-tango naman ito at ngumiti sa akin.

     “Dalawang araw po kasi kayong tulog.”

     Napakunot ang aking noo. “Dalawang araw?”

     Tangina! Gano’n ako katagal nakahilata sa hospital bed na ‘to? Ang tagal ko namang nagising.

     “Opo.”

     Shit! Baka hinahanap na ako ng mga kapatid ko.

     Tiningnan ko ang wall clock, alas-syete y media na ng umaga.

     “Leave.”

     Mukhang naintindihan naman nito dahil lumabas na siya ng silid. Buti na lamang at hindi niya ako kinulit.

     Ginamit ko ang lakas ko upang tumayo mula sa pagkakaupo at pumunta sa banyo. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. May benda ako sa katawan at may gasa rin sa mukha, lalo na sa noo. Ang aking labi naman ay may pasa.

     Napailing ako at hinawakan ang aking labi.

     “Shit!” daing ko dahil sa sakit.

     Inayos ko ang aking pagkakatayo at lumabas na ‘ko ng banyo. Kinuha ko ang aking cellphone sa side table, at saka tuluyang lumabas sa kwartong ito habang suot ang hospital dress.

     Pumunta ako sa may counter.

     “Miss, sinong nagdala sa ‘kin dito?” curious na tanong ko ngunit blangko ang paningin.

     “Uhm. . . Nash po. ‘Yun lang po ang sinabi niya, hindi niya po sinabi ang buong pangalan n’ya.”

     Napatango naman ako.

     “Oh, I see,” tugon ko at tuluyan na akong pumanhik papalabas.

     “Uhm, ma’am, ‘yung hospital dress po, suot n’yo pa po,” pahabol na sigaw niya.

     Sa halip na tumugon sa sinabi nito ay tinaas ko ang aking kamay bago ito winagayway, simbolo na aalis na ako.

     Pagkalabas ko rito sa hospital ng SDU, agad kong tinawagan si Dean Roger para magpasundo. Masiyadong malayo ang lalakarin papunta sa main campus.

    Nakaiilang ring palang ay sinagot na niya ito.

     “Where the hell have you been? Alam mo bang dalawang araw ka na namin hinahanap ng mga kapatid mo!”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro