Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 19

H E L L A R I A N

     Alas-nwebe y media na ng umaga ngunit wala pa rin ang adviser namin kaya napag-desisyunan kong umalis na muna sa tapat ng classroom namin para maglakad-lakad. Habang naglalakad-lakad ako ay nakasalubong ko si Sir Anajao, tila nagmamadali ito. Hanggang sa biglang napadako ang paningin nito sa gawi ko.

     “Ms. Luxwell!” tawag nito sa apelyido ko kaya humakbang ako ng kaunti papalapit sa kaniya.

     “Yes, sir?”

     “Pasuyo naman. P’wede mo bang puntahan si Sir Juarez sa office niya? ‘Tapos pakisabi sa kaniya na kailangan na s’ya sa meeting room ngayon,” nagmamadaling sabi niya. Tumango naman ako bilang tugon dito at aalis na sana nang pigilan ako nito.

     “And also, pasabi na rin sa mga kaklase mo na wala munang klase ngayon. Mas’yado lang talaga kaming abala ngayon para sa darating na Leveling,” paliwanag niya kaya tumango akong muli at nagpaalam na sa kaniya upang puntahan ang office ni Sir Juarez.

     Iniwan ko na si Sir Anajao at tinahak ang daan papunta sa opisina ng aming guro sa Precalculus.

     Pagkarating ko sa tapat ng kaniyang opisina ay kumatok ako ng tatlong beses ngunit walang sumasagot. Ilang saglit pa ay kumatok akong muli.

     “Pasok!” sigaw mula sa loob kaya pumasok na ‘ko ngunit wala akong nadatnan na anino ni Sir Juarez.

     Humakbang ako papalapit sa table niya.

     “Sir Juarez?” tawag ko sa pangalan niya at inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kaniyang opisina.

     “Yes? Wait lang,” mahinahong sagot nito pabalik sa ‘kin. Mukhang nasa loob ito ng banyo.

     Napadako ang mga mata ko sa lamesa niya. Sobrang daming papeles na nakalatag. Mukhang abalang-abala talaga sila. Mayamaya lamang ay mapansin kong may nahulog na isang litrato sa sahig, pupulutin ko na sana ito nang biglang lumabas si Sir Juarez sa banyo kaya nabaling naman sa kaniya ang tingin ko.

     “Ako na ang pupulot,” nakangiting saad ni Sir Juarez. Lumapit siya sa gawi ko at agarang kinuha ang litrato bago niya ito nilagay sa loob ng kaniyang drawer.

     Hindi ko mas’yadong naaninag kung ano ang nasa litrato dahil sa bilis ng kilos nito.

     Nakangiti siyang humarap sa akin. “What do you need, Ms. Luxwell?”

     “Oh.” Nabalik ako sa reyalidad at tinignan siya ng diretso. “Uhm, hinahanap na raw po kayo sa meeting room.”

     “Oh, yeah. Susunod ako. Thank you!” sagot niya, hindi pa rin maalis ang ngiti nito sa labi.

     Napatango-tango naman ako.

    “Okay, sir. I gotta go na po.”

    Ngumiti siya sa ‘kin bago nagsalita, “Sasabay na ‘kong lumabas.”

     Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka ngunit kalauna’y tumango na lamang ako bilang tugon. Tumalikod na ‘ko sa kaniya at naunang maglakad palabas.

     Nang makalabas kaming pareho ay humarap siya sa akin. “See you around, Ms. Luxwell!” nakangiting sabi niya at nauna na siyang umalis.

     Okay?

     Nabalik ako sa wisyo nang biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag, kaya marahan ko itong kinuha sa bulsa ko upang tignan kung sino ang natawag.

     Mom calling...

     Nang makita ko kung sino ang caller ay dali-dali kong pinindot ang answer botton at itinapat ito sa aking tainga.

     “Hi, mom!” masiglang bungad ko rito, saka ako nagsimulang maglakad papunta sa field.

     Ngayon na lamang kasi siya tumawag simula nu’ng pumasok ako sa paaralang ito.

     “Hello, sweetie! How are you?” masayang tanong naman nito sa ‘kin mula sa kabilang linya.

     Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi nang marinig ang boses ng aking ina. Sobrang sarap talagang pakinggan ng boses niya. Ang lambing at ang lumanay kapag ako ang kausap niya.

     “Doing good, I guess,” hindi siguradong saad ko kaya narinig ko ang mahinang pagtawa nito.

     “Hm, you’re not okay. I see. . . So, what’s the problem? Tell it to your mom..” malambing na tugon niya kaya mas lalo akong napangiti. She already knows me.

     Well, noon kasi ay si lola lang talaga ang nakakakilala sa ‘kin, sa ugali ko, sa buong pagkatao ko. Now, it turns out na pati si mom ay kilala na rin ako mas’yado.

     “Lagi lang mainit ang ulo ko, mom.” Bumuntong hininga ako. “You know what, mom? I really don’t understand kung bakit dito n’yo po ‘ko nilipat ni dad. You always get mad kapag napapaaway ako. Well, in fact, mas lalo naman po akong napapaaway rito. . . You know, mom, students here are not ordinary.”

     “I know, sweetie. But trust me, it’s for your own good. Alam naming laging nandiyan for you ang mga kapatid mo. ‘Tsaka mas mababantayan ka nila riyan,” paliwanag naman nito, naroon pa rin ang kalmadong pananalita niya.

     Napakunot naman ang noo ko. “For my own good? What do you mean, mom? I don’t get it,” nagtatakang tanong ko rito.

     Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga sa kabilang linya.

     “Listen, sweetheart. Don’t think too much. Just trust us, okay?” malambing na saad na naman niya sa kabilang linya kaya napatango-tango na lamang ako kahit hindi niya nakikita.

      “Alright.”

     “Anyway, how’s your brothers?”

     “Hm, they’re okay naman po. Hindi n’yo pa po ba sila nakakausap?”

     “Not yet. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras para tumawag, sobrang busy kasi namin lately ng daddy mo.” Narinig ko na naman ang malalim nitong paghinga, mahihimigan sa boses nito ang pagod.

     “Oh, I see. Nasaan po ngayon si dad?”

     “I’m here, anak,” rinig ko namang sagot ng isa pang boses sa kabilang linya, si Dad. Pagkatapos ay sinundan ito ng boses ni mom, “He’s here. Stressed.”

     Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito ngunit halata ko naman sa boses nilang dalawa na pareho silang stress.

     “Oh! Hi, dad!” bati ko kay dad, at bumati naman ito pabalik sa ‘kin.

    “Hey, mom, mag-rest din kayo minsan ni Dad. Sige kayo, matanda na nga ang mukha ninyo, magmumukha pa kayong matanda lalo,” birong saad ko sa kaniya.

     “Achlys,” mariing sambit ni mom sa second name ko dahilan upang matawa ako ng mahina.

    “Just kidding, mom. Basta ‘wag kayong magpaka-stress mas’yadong dalawa, and, of course, don’t forget to eat, okay?” paalala ko naman sa kaniya kaya narinig ko na naman ang bahagyang pagtawa nito sa kabilang linya.

     “Ang sweet naman ng bunso ko. . . But yes po. Noted, sweetie.”

     “Good then.”

     “Anyway, may aasikasuhin pa kami ng daddy mo. I’ll hang up now. Always take care, bunso ko. Miss ko na kayo. I love you!” malambing na saad na naman niya sa kabilang linya, may halo na lungkot din ang boses nito.

     “Noted, mom, don’t worry. . . Keep safe! I love you! Bye!” tugon ko rito at namatay na ang linya.

     Matapos mamatay ng tawag ay nakangiti kong binalik sa aking bulsa ang cellphone.

     “What the—” bulalas ko nang may biglang humila sa kamay ko.

     Tangina. Uso na ba talaga ngayon ang bigla-biglang paghila nang walang pasintabi? Naknampucha naman, oh!

     “Hey, miss. I need your help,” diretsong saad nito habang malamig na nakatingin sa ‘kin. Eh? ‘Yun na ‘yon? Wala man lang sorry-sorry muna pagkatapos niya akong hilahin. Angas naman nito, hindi naman namin kilala ang isa’t-isa, nanghihingi agad ng tulong.

     Pero teka... he looks familiar.

•••

     “That’s enough!” malamig na utos ng kung sino. Sobrang lalim ng boses nito at may diin din ang tono ng pananalita.

    Napatingin kaming lahat sa direksyon ng isang lalaki na mukhang kanina pa nanonood sa amin. Sobrang seryoso nitong tumingin. Kulay ash brown ang buhok nito, at pa-curtain fringe din ang haircut niya. He has this kind of aura that screams authority. His dark-brown eyes and intimidating stare can make you shut up and obey his orders. He takes a posture of superiority.

•••

     Siya ‘yung lalaki na biglang dumating sa cafeteria nu’ng pinagtulungan namin ni Samara si Angel.

     Tinaasan ko siya ng kilay. “What do you need, mister?” malamig na tanong ko rito. Ngunit sa halip na sagutin nito ang tanong ko ay tinignan lamang ako nito ng malamig.

    “Hey! I’m talking to you!”

    Bakit ba ganito ang mga nakakasalamuha ko ritong mga estudyante? Nakakainit ng ulo. Ang hirap nilang kausapin.

     Tiningnan naman ako nito ng mariin.

     “Just—” Naputol ang sasabihin nito nang may biglang dumating na matangkad at maputing babae.

     “Nash,” bungad nito. “Alam mo bang kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala. . . By the way, I have something for you, my love,” nakangiting dugtong nito at inilahad niya ang isang paper bag sa harap nitong lalaki.

     Mukha namang hindi nito napansin ang presensya ko dahil titig na titig siya rito sa lalaking humila sa ‘kin.

     If I heard it right, Nash ang pangalan ng lalaking ‘to.

     “Damn, Lizza. Stop being so obsessed with me. Kung nasaan ako, naroon ka rin. Can’t you feel it? Hindi ako komportable,” malamig ngunit mahinanon na saad nitong si Nash daw.

     “But—”

     “Look. I have a girlfriend, Lizza, so stop bothering me.” Pagputol nito sa sasabihin nu’ng Lizza daw. Nakita ko naman ang biglang pagbabago ng emosyon nu’ng Lizza.

     Nagtataka akong nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang ‘to. Tangina, ano namang kinalaman ko sa drama nilang dalawa? Bakit ba kasi hinila ako ng lalaking ‘to? Para ano, maging audience nila?

     “Sino? ‘Tsaka kailan ka pa nag-girlfriend? Bakit hindi ko alam?” sunod-sunod na tanong nito. Kita sa mga mata niya ang pinaghalong pagtataka, lungkot, at galit. Eh?

     Mayamaya ay biglang dumako ang paningin nito sa ‘kin at umarko ang kaniyang kanang kilay. “And who’s this girl?” mataray na tanong niya kay Nash bago ako inirapan.

     Aba’t gago! Dukutin ko kaya mata nito.

     “She’s—” Tiningnan ako ng diretso sa mata ni Nash kaya tinaasan ko siya ng kilay.

     Tingin-tingin mo riyan?

     Iniwas naman nitong Nash ang kaniyang paningin sa ‘kin at itinuon niya ang kaniyang paningin sa babaeng nasa harapan namin. “She’s my girlfriend.”

     Nanlaki naman ang mata ko dahil sa minungkahi niya. Anong? I’m his what?!Tangina! Kailan pa?!

     “She’s your what?” gulat na tanong nu’ng Lizza kaya sa kaniya naman napunta ang tingin ko.

     “You heard it, right? She’s my girlfriend, so please, stop pestering me,” malamig na saad na naman nitong si Nash kaya sa kaniya naman nabaling ang atensyon ko.

     Kunotnoo ko itong tinignan.

     “Aba’t tigas naman ng bungo mo. Talagang inulit mo pa!” inis na sabat ko sa usapan nilang dalawa.

     Gago ‘tong lalaking ‘to, ah. Lakas ng tama. Hindi ko nga siya kilala ‘tapos malalaman kong boyfriend ko siya.

     “I’m sorry, baby. Alam ko namang ayaw mong ipagkalat ang relasyon natin, but I don’t have a choice po. She keeps bothering me kasi, and I don’t want you to be jealous of her,” parang batang sumbong nito sa akin kaya nasamid ako dahil sa sinabi nito.

     Tanginang anong sinasabi ng lalaking ‘to?! Anong pakialam ko kung laging nakasunod sa kan’ya ‘tong babaeng ‘to? ‘Tsaka ano raw? Ako magseselos? Aba’t nakawala ata ito sa hawla niya.

     “What the—”

     Naputol na naman ang sasabihin ko nang biglang sumabat itong babaeng nasa unahan namin.

     “What?! No way!” inis na saad niya. “You are only mine! You know how much I like you! So, break up with her!” ma-awtoridad na utos naman nitong si Lizza.

     Luh? Kung makautos naman itong isang ‘to. Bossy masiyado.

     “No! Tigilan mo na ‘ko, Lizza. I’ve told you, I’m sorry, but I don’t feel the same way,” malamig na tugon naman nitong si Nash.

     Tangina, ‘tapos gagamitin ako ng lalaking ‘to para patigilin ‘tong babaeng naghahabol sa kaniya. One dot, masasapak ko talaga ‘to—No, sasapakin ko sila pareho.

     “No! Break up with her, Nash! I’m warning you!” galit na saad na nitong si Lizza. Obsess nga ‘to mas’yado sa lalaking ‘to.

     Takte, naipit pa ‘ko sa issue nila. Gago ata ‘tong dalawang ‘to. Mas’yado na ‘kong naki-cringe-an dito, please lang.

     “Huwag mo ‘kong utusan, Lizza. Hindi mo ‘ko tauhan para sundin ka,” mariing wika nitong si Nash.

     Shet, ano bang kadramahan ang ginagawa nila?

     Lumambot naman ang ekspresyon ni Lizza. “Please, Nash. Break up with her. I can do better than her. ‘Di hamak na mas maganda naman ako riyan, mas pasok sa standard mo.”

     Bigla naman akong nasamid sa sinabi nito. Huh?

     “Stop, Lizza! Leave!” malamig na utos ni Nash, sa pagkakataong ito ay may awtoridad na sa pagsasalita nito na talagang mapapasunod ka.

     “Fine. But I’m not done with you. Hindi ako papayag na hindi sa ‘kin ang babagsak,” saad nito, tila may kasiguraduhan siya na makukuha niya itong si Nash.

     Nang makaalis siya sa harapan naming dalawa ay humarap sa akin itong si Nash at bumalik na sa pagiging malamig at ma-awtoridad ang tingin nito.

     “Thank—” Hindi natapos ang kaniyang sasabihin dahil sinuntok ko na ito sa kaniyang tiyan para sikmuraan siya. Napamura naman ito dahil sa aking ginawa. Serves you.

     Sinamaan ko siya ng tingin. “Gago ka! Gamitin mo pa ‘ko sa babae mo!” inis na saad ko sa kaniya ‘tsaka ko siya binatukan ng malakas at iniwan siya roon.

     Hangal na lalaking ‘yon. Mukhang superior kung titignan pero may tinatago palang kakupalan. Sarap kutusan!

      I shook my head. I took out my cellphone and texted Hayila. Dahil wala namang klase ay papapuntahin ko na lamang siya sa running field para pag-training-in.

---

L A R I U S

     “Nakakainis talaga ‘yung babaeng ‘yon!” inis na sigaw ni Fynn nang matapos kaming maglinis ng buong classroom. Pinaglinis kasi kaming lahat ni Azaiah dahil sa ginawa namin, kahit ‘yung mga wala namang kaalam-alam sa plano namin ay pinaglinis rin niya.

     Tsk. That girl. She’s getting on my nerves. Unang pasok palang niya rito ay ayoko na sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit. Basta’t inis na inis ako sa kaniya, lalo na kapag nakikita s’ya.

     “Hindi naman sana tayo maglilinis kung hindi n’yo ginawa ‘yon, psh!” biglang sabat ni Kriss kaya’t napatingin sa kaniya si Fynn.

     “Stop blaming us, will you?” iritadong saad sa kaniya ni Fynn, ngunit irap lamang ang naging tugon ni Kriss dito.

     Napailing na lamang ako. Init na naman ng ulo ng isang ‘to. Well, lagi naman, and I can’t blame him kung bakit laging mainit ang ulo niya.

     Mayamaya ay napatingin kaming lahat sa may bintana nang biglang lumitaw roon si Bryant. Inalis nito ang nakaharang na kahoy roon at binuksan ang bintana.

     “Damn, kuya, buti pumasok ka na,” natutuwang sambit ni Blaze. Kanina pa ‘yan naghihintay na mabuksan ‘yung pinto. Naiinitan daw siya rito sa loob, kahit naka-aircon na naman kami.

     Hindi kasi ka’gad nabuksan ang pinto dahil wala namang dumating na guro upang magturo. Sabi sa ‘min ni Azaiah ay abala raw ang mga ito para sa darating na ‘Leveling.’

     “Give me the key,” malamig na utos ni Bryant habang nakakunot na naman ang noo.

     Agad namang tumayo si Fynn at dali-dali niya itong inabot kay Bryant. Ilang saglit lang ay nagbukas na ang pintuan at pumasok doon si Bryant. Paniguradong napaaway na naman ang gago. Ngayon ko lang kasi naaninag ng buo ang itsura nito, may sugat siya sa pisngi at gusot-gusot pa ang kaniyang suot na uniporme.

     “What happened?” nag-aalalang tanong sa kaniya ng kaniyang kakambal, si Blaze. Ngayon lang din siguro nito napansin ang itsura ng kapatid.

     “Nothing. Don’t worry.”

     Napangiwi ako sa aking nasaksihan. Psh, may kapatid din naman ako, wala nga lang akong pakialam sa kaniya.

     Sinundan ko ng tingin si Bryant. Nagtungo ito sa upuan niya at masiga itong umupo. Itinaas pa niya ang kaniyang mga paa sa lamesa, saka siya nagsindi ng sigarilyo.

     Nakita ko naman ang biglang pag-angat ng ulo ni Dark na kanina lang ay nakatuon sa binabasa niyang libro. Napatingin siya kay Bryant at bigla na lamang siyang napailing nang makita ang ginagawa ng kaniyang matalik na kaibigan.

    Actually, hindi naman ganiyan dati si Bryant. Hindi nga ‘yan nagsisigarilyo noon. Ewan ko kung saan niya natutuhan ‘yan.

     “Anong plano natin, Azaiah? Paano natin mapapaalis ang babaeng ‘yon?” malamig na tanong ni Bryant sa aming leader. Humithit siya ng malalim sa kaniyang sigarilyo, saka niya ibinuga ang usok nito sa hangin.

     “Ask her brothers,” walang ganang saad naman ni Azaiah bago siya humipak sa kaniyang vape at ibinuga rin ang usok nito. Halatang-halata ang pasa at sugat nito sa mukha, ayaw naman niyang sabihin kagabi kung saan nanggaling iyon. Baka napaaway na naman.

     Lahat kami ay napatingin sa Luxwell Brothers. Well, lagi ba man silang nandiyan para ipagtanggol ang kapatid nila, kaya siguro malakas din ang loob ng babaeng ‘yon na huwag umalis sa section na ito. But I won’t deny it, she’s really good at fighting. She can protect her self kaya nahihirapan din talaga kaming mapatalsik siya.

     Sa totoo lang ay kami lang naman talaga ng iba naming kaklase ang nagpaplano para mapaalis ang babaeng ‘yon. Laging wala sina Azaiah, Kaiser, Dark, Bryant, Blaze, at ang Luxwell Brothers sa pagpaplano namin. Habang sina Kriss, Clydius, Darius, at Xenon naman ay hindi sumasali sa plano namin, masiyado kasi silang naaawa sa babaeng ‘yon. Tch.

     Ibinaba ni Helios ang librong binabasa niya at tinignan kaming lahat. “What?” kunot-noong tanong niya nang makitang nakatingin kami sa kanilang magkakapatid.

     “Tell us, pa’no ninyo mapapaalis ang kapatid ninyo?” diretsong tanong ni Bryant kay Helios habang naninigarilyo pa rin.

     Imbes na si Helios ang sumagot ay si Hades ang nagsalita na kanina lamang ay abala sa kaniyang ginagawa sa cellphone.

     “We’ll try to convince her na umalis sa section natin, at kung hindi s’ya pumayag, then we’ll ask our parents na ilipat siya. Kung may iba naman kayong plano para mapaalis s’ya, go. Just make sure na hindi siya masasaktan, and make sure that none of you will lay your hands on her, kahit pa daliri ‘yan, dahil hindi n’yo magugustuhan kapag ako ang nagalit, lalo na si Kuya Eryx,” mahabang linya ni Hades gamit ang seryosong boses.

     Narinig ko naman ang mahinang pag-singhal ni Fynn. “Protective,” bulong niya at nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang lihim na pag-irap nito. Psh.

      “Fynn,” biglang tawag ni Hades kay Fynn kaya kunot-noo itong napalingon sa kaniya. “I sincerely apologise for what my sister said to you. Nadala lang s’ya ng emosyon n’ya.” Huminto si Hades at seryosong tinignan sa mata si Fynn. “But anyway, I have a favor sana. . . please don’t do that again, masiyado nasaktan ang feelings ng kapatid ko sa ginawa mo. Kung gusto mo s’yang mapaalis, mag-isip ka ng ibang paraan.”

     “You really love your sister that much, ha,” biglang singit ni Azaiah, nakangisi, habang nakatingin sa direksyon ni Hades.

     Tiningnan naman siya ng seryoso ni Hades bago nagsalita, “What do you think, Az? Tch.”

     Sa halip na tugunin siya ni Azaiah ay ngumisi lamang ito at bumalik ng muli sa pag-v-vape. Napaismid naman si Hades at bahagyang natawa bago siya bumalik sa kaniyang ginagawa, may nilalaro ata siya sa cellphone niya.

     Nasaan na kaya ang pagiging makulit at madaldal ng isang ‘to? Lately, nagiging seryoso na rin itong si Hades simula nu’ng dumating ang kapatid niyang babae rito. Nakikita ko ang pagiging protective niya, na kahit hindi n’ya naman kami nagagawang bantaan noon ay nagagawa na niya ngayon.

     Mayamaya ay napaiwas ako sa kaniya ng tingin nang may naalala ako. Bigla na lamang sumeryoso ang ekspresyon ng mukha ko at pinili kong idukdok ang aking mukha sa lamesa ko para makalimutan iyon.

      “Bakit ba kasi hindi na lang siya p’wedeng mag-stay dito, mga kuya?” rinig kong tanong ni Clydius.

     “I know you already know the answer, Clyd. Stop asking. Hindi talaga s’ya maaari sa seksyon natin,” rinig kong sagot ni Kaiser dito, gamit ang mahinahon niyang pananalita.

     Mayamaya ay napatunghay ako nang marinig ang pagtunog ng aking cellphone. Kinuha ko ito sa aking bulsa, at nakita ko ang mensahe ng aking ina.

     Napakunot ang aking noo nang mabasa ang kaniyang mensahe. Ano na namang meron?

     I hissed as I saw her response. Lagi naman.

     Huling mensahe ko sa aking ina, hindi ko na inabala pa ang sarili ko na hintayin ang tugon nito. Nakakainis, hindi na lang sabihin sa chat. Gaano ba ka-importante ang kanilang sasabihin para pauwiin pa nila kami.

     Ayoko ngang umuwi. Hindi ba nila ramdam ‘yon? Tch.

     Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang anino ni Darius na papalapit sa gawi ko. Alam ko na ang sasabihin nito kaya bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.

     “I know. She already texted me.”

     PAGSAPIT ng seven o’clock ng gabi ay agad akong nagtungo pauwi sa mansion namin. Buti na lamang at pumayag si Dean Roger na palabasin kami ng university. Well, ginamit lang naman kasi ni Azaiah ang ‘prime’ card niya para makalabas kami. Iba talaga kapag malakas ang koneksyon sa school.

     Hindi ko hinayaang sumakay sa sasakyan ko si Darius kaya wala siyang nagawa kun’di gamitin ang sarili niyang sasakyan pauwi. Malaki na naman siya at mas matanda pa sa ‘kin, kaya na niyang umuwi mag-isa.

     Pagkarating ko sa mansion ay agad kong pinarada ang sasakyan ko sa garahe namin. Lumabas ako sa sasakyan ko at naglakad na papunta sa loob ng mansion.

     Nauna ako kay Darius makauwi dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko. Panigurado kasing mabagal na naman ang pagpapatakbo no’n ngayon.

     “So, what’s the matter?” bungad na tanong ko sa ina ko pagkakitang-pagkita ko sa kaniya sa living room. Sa halip na sunggaban siya ng yakap ay dumiretso ako sa pang-isahang sofa at pa-dekwatrong umupo roon.

     Nakita ko naman ang pag-iling niya, nakaupo siya sa mahabang sofa. Siya palang ang narito, wala pa si dad. I guess, nasa personal office na naman siya nitong mansion.

     “Where’s your brother?” nagtatakang tanong niya.

     Heto na naman s’ya, ‘yung paborito n’ya na namang anak ang unang itatanong n’ya sa ‘kin. Hindi ba p’wedeng kumustahin n’ya muna ako? Tanungin kung gutom na ba ako? O kaya alamin man lang kung ayos lang ako?

    I tsked. “He’s on the way.”

    Tinaasan ako nito ng kilay. “Bakit hindi mo pa sinabay ang kuya mo? Baka ano pang mangyari roon,” saad niya, mahihimigan ang pag-aalala sa boses nito kaya’t kunot-noo ko siyang tinignan.

    “And why would I? Besides, he’s an adult now. He can take care of himself,” malamig na sagot ko.

     She looked at me directly, then sighed.

     “Fine. Anyway, how’s your school?” pormal na tanong nito. Umupo siya ng maayos at kinuha ang kaniyang kape sa maliit na lamesa, saka sumimsim doon.

     “Good.”

     Sabay kaming napatingin sa may pintuan nang maramdaman naming pareho ang presensya ng isang taong kararating lang.

     “Hi, mom!” nakangiting bungad ni Darius sa ina namin pagkapasok niya rito sa living room. Dali-dali namang tumayo si mom at masayang sinalubong ng mahigpit na yakap ang kaniyang paboritong anak.

     Jealousy is evident in my eyes.

     ‘Wow! A mother who loves his child so much,’ sarkastikong saad ko sa aking isipan dahil sa senaryong aking nakikita. Napailing na lamang ako at napag-desisyunang tumayo na at mauna na sa kanilang pumunta sa hapag-kainan nang hindi nagpapaalam sa kanila.

     Ilang minuto ang lumipas ay sa wakas dumating na rin sila rito kasabay ng mga pagkain na ngayo’y hinahain na ng mga kasambahay sa lamesa.

     “Buti’t umuwi ka,” bungad na saad ni Dad na hindi ko na lamang binigyang atensyon, sa halip ay hinintay ko na lang sila na makaupo na.

     “Ano bang sasabihin n’yo?” diretsahang tanong ko pagkaupong-pagkaupo nila. Gusto ko ng matapos ito, mas gusto ko pang nasa university lang ako kaysa nasa bahay na ‘to.

     Magsasalita na sana si Dad nang biglang sumabat si Mom, “Why don’t we eat first? Mamaya na natin pag-usapan ‘yan. Lalamig na ang pagkain.”

     Wala akong nagawa kun’di sundin ang sinabi nito, alam ko namang hindi nila ka’gad sasabihin iyon. Pakiramdam ko nga’y hindi ko magugustuhan ang sasabihin nila.

     Napatingin ako sa kanila. Makikita na namang muli ang inggit sa aking mga mata nang makita kung gaano ka-sweet ang aming ina kay Darius. Magkatabi lamang silang dalawa ng upuan. Pinagsasandok siya ni mom ng pagkain at kitang-kita pa sa mga ng aming ina ang sobrang tuwa.

     Nandito rin ako, oh.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro