Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16

WARNING: This chapter may trigger your emotion, especially if you have a past and it happens to you in real life.

···•···

H E L L A R I A N

     Nakipagtitigan lamang ako sa nakasarang pinto ng classroom namin. May iba kasi akong nararamdaman. Pakiramdam ko ay may binabalak gawin ang mga gago.

     “Tsk. Wala ka bang balak pumasok?” rinig kong tanong mula sa likuran ko kaya’t lumingon ako rito.

     Hawak-hawak nito ang kaniyang tagiliran at halatang-halata pa rin ang pasa sa kaniyang mukha.

     “Oh, buti nakapasok ka pa,” nakangising wika ko kay Archy na nakakunot ang noo.

     Tinaasan naman ako nito ng kilay.

     “Malamang, hindi naman ako nalumpo,” pairap na turan naman nito sa ‘kin na nginisian ko na lamang.

     Hindi ka nga nalumpo, natagiliran naman.

     Napailing-iling ako. Humarap na lang akong muli sa pinto at hinawakan ang doorknob nito. Sa pagbukas ko ng pintuan ay s’yang pagbagsak din sa ulo ko ng isang balde mula sa itaas. What the fvck!

     Ramdam kong unti-unting naglandasan ang mabaho at masangsang na likido sa aking uniporme.

     Kumuyom ang kanang kamay ko at mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon. Dumapo ang kamay ko sa baldeng nasa ulo ko, mahigpit ko itong hinawakan at iritadong inalis ito sa aking ulo. Nang makita ko ang kulay pulang likido na sa tingin ko’y dugo ng hayop ay malakas kong ibinato ang baldeng hawak-hawak ko.

     Bago pa ako makatingin sa kanila ay may nagbuhos pa sa ‘kin ng kulay pulang pintura kaya napapikit akong muli dahil sa sobrang inis. Fvck.

     Nang medyo kumalma na ‘ko ay milingon ko silang lahat ng blangko ang tingin. Ang narito palang sa loob ay sina Fynn, Clydius, Blaze, Xenon, Asher, Kriss, at si Larius.

     Tinignan ko ng mariin sina Clyd at Kriss, nagtatanong ang mga mata ko kung may alam sila rito. Mabilis naman silang napailing-iling at pareho pang napayuko na mas lalong ikinainis ko.

     “Sinong nagplano nito?” walang emosyong tanong ko habang gamit ang malamig na boses.

     Sa halip na makatanggap ako ng sagot mula sa mga ito ay isang lumilipad na kutsilyo na naman ang patungo sa direksyon ko. Agaran ko naman itong sinambot nang malapit na ito sa mukha ko ‘tsaka ko ito hinagis pabalik sa may ari. . . kay Larius. Mabilis na tumusok ang kutsilyo nito sa kaniyang lamesa dahilan upang samaan ako nito ng tingin kaya’t sinamaan ko rin ito ng tingin pabalik.

     “What happened?” rinig naming tanong mula sa likuran ko.

     Humarap ako rito at nakita ko si Kaiser na may pagtataka ang tingin, katabi nito si Archy na hindi pa rin nakakapasok sa loob dahil sa nangyari.

     Hindi ko na pinansin ang tanong nito at nagpupuyos ako sa inis na nilisan ang lugar na iyon.

     Tangina talaga ng mga taong ‘yon. Walang magawa sa buhay. Pati bag ko ay medyo basa na rin.

      Dali-dali akong nagtungo sa malapit na restroom rito. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng palda ko, pati ito ay basa rin.

     Agad kong tinawagan ang numero ni Dean Roger.

     “Oh, kailangan mo?” bungad na tanong nito sa ‘kin pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag.

     “I need an extra uniform and undies. Building 5. Fifth floor. Restroom. Now,” mariing utos ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito, bagkus ay pinatay ko na agad ang tawag.

     Napatingin ako sa salamin nitong restroom. Nakita ko ang buong katawan ko na punong-puno ng pulang pintura at masangsang na amoy ng dugo. Para akong may pinatay dahil sa dugo na nagkalat sa uniporme ko. Padarag akong pumasok sa isang cubicle at malakas na isinara ang pintuan nito dahil sa inis ko.

     May tubig naman dito kaya mabilis akong nagbuhos dahil hindi ko na kinakaya ang amoy ko. Nakakaani! Parang matagal ng nakuha ang dugong ito at nabubulok na.

     Bwisit! Kung bubuhusan naman sana nila ako ng dugo, ‘yung bago at fresh na kuha naman sana.

     “Ms. Luxwell, are you here?” rinig kong tanong mula sa labas.

     “Yes.”

     “I’m the secretary of Dean Roger. Here’s the extra uniform you requested.”

     “Just place it there. You may leave now, and make sure to lock the door on your way out,” ma-awtoridad na utos ko. Narinig ko naman ang tunog ng takong nito at ang pag-lock ng pintuan, pahiwatig na nakaalis na siya.

     Lumabas ako ng cubicle at kinuha ko ang dalawang paper bag na inilapag niya sa sink. Tiningnan ko ang isang paper bag: may towel, sabon, at shampoo.

     Good. Alam niya na ka’gad ang nangyari, ha.

     IRITADO akong nakatingin ngayon sa salamin nitong restroom habang nagsusuklay ng buhok. Paanong hindi maiinis, ilang oras akong nasa loob ng cubicle dahil ang hirap tanggalin ng pintura sa buhok ko. Idagdag pa na nakailang sabon din ako, maalis lang ‘yung nabubulok na amoy ng dugo sa katawan ko.

     Nang matapos akong ayusan ang sarili ko, inayos ko na ang mga gamit ko. Kinuha ko ang medyo basa kong bag, saka ako nagtungo sa kinaroroonan ng mga locker namin.

     Binuksan ko ang locker ko saka kinuha ang extra na bag. Binuksan ko naman ang basa kong bag upang ilipat ang mga gamit ko sa kabilang bag. May ilang mga gamit na nalagyan ng dugo, mayroon ding mga papel na namantsahan ng dugo. Sabagay, manipis lang din naman kasi ang tela ng bag ko kaya madaling mapapasukan ito ng basa.

     Habang inililipat ko ang mga ito sa kabilang bag ay may nakapa akong isang papel mula sa bag. Inilabas ko ito at biglang nanubig ang mga mata ko nang makita ang nag-iisang litrato namin ng lola ko na lagi kong dala-dala, puro ito mantsa ng dugo. Halos hindi na rin makita ang mukha rito dahil sa pulang likido.

     This is the only photo I always carry with me wherever I go, and it’s also the only one I brought here. It holds a lot of memories. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ngayon.

     Padarag akong tumayo nang mas nangibabaw ang inis sa akin.

     Kung hindi nila ginawa ‘yon, hindi magkakaganito. Pero I shouldn’t blame them, right? Hindi naman nila alam na ganito ang mangyayari. Yeah. I need to fucking calm.

     Pumikit ako para pakawalan ang luhang gustong kumawala sa mata ko saka ako malalim na huminga upang pakalmahin ang sarili. Marahan kong pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko.

     Nilagay ko ang litrato sa loob ng wallet ko at inayos ko ng muli ang mga gamit ko. Tinapon ko na ang basa kong bag dahil iba na ang amoy nito. Nilagay ko na rin sa locker ko ang ilang gamit ko nang biglang napadako ang mata ko sa isang box na narito.

     Nilagay ko nga pala ito rito nang aksidente ko itong nadala. Dahan-dahan ko itong kinuha mula sa loob ng locker.

     Mapait akong napangiti nang maalalang ito ang huling regalong natanggap ko kay Mama ‘La. Huling regalong natanggap ko bago ko nalamang wala na s’ya.

     Pilit akong napatawa nang maalalang wala na pala ‘tong magiging kasunod.

     Dahan-dahan ko itong binuksan at gano’n na lamang ang gulat ko nang makitang sira-sira ang eye glasses na regalo sa akin. Nakaalis na ang temple nito at basag-basag na rin ang lenses nito.

     Napamura ako at natatarantang kinuha ang eye glasses dito. Sunod-sunod na naglandasan ang luha ko nang makitang sira-sira talaga ito. What happened? Ayos pa ‘to nu’ng iniwan ko rito!

     Umupo ako sa sahig. I tried my best to fix it. Paulit-ulit kong sinubukan itong ayusin pero napaiyak na lang ako nang mapagtantong hindi ko na ‘to maaayos.

     ‘What should I do?’ saad ko sa aking isipan.

     “Tangina!” mahinang bulalas ko habang naiiyak na nakatingin sa sira-sirang salamin. Dahan-dahan kong sinubsob ang mukha ko sa itaas ng tuhod ko at doon na ulit nagsimulang bumuhos ang luha ko.

     What should I do?’ saad kong muli sa aking isipan.

     Napahagulgol ako dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Wala na akong pakialam kung may makarinig sa akin o makakita. Nasasaktan ako ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko. ‘Yun ang huling niregalo sa ‘kin ng lola ko, eh. Ilang taon ko ‘yung iningatan ‘tapos sa isang iglap, makikita kong sira na ‘yon nang hindi ko alam kung anong nangyari. Paanong masisira ‘yon ng gano’n?!

     “Hey, what happened?” rinig kong nag-aalalang tanong ng pamilyar na boses. Naramdaman kong may lumuhod sa harapan ko para mapantayan ako.

     Dali-dali akong nag-angat ng mukha at mabilis na niyakap ang lalaking nasa harap ko ngayon. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg nito at parang batang umiyak doon.

     “What happened, Larian?” nag-aalalang tanong ng kakambal ko at niyakap din ako nang mahigpit na mas lalong nagpaiyak sa ‘kin.

     “Shh. I’m here,” malambing na saad niya at hinagod ang likuran ko.

     Nang kumalma na ako ay tahimik na lamang ako nakasubsob sa leeg ni Haiden. Naramdaman nitong kalmado na ako kaya inalis nito ang pagkakayakap naming dalawa at iniharap ako sa kaniya.

     “I’ve been looking for you for a while now. Then I found you here, naiyak ka pa. What happened? Sabihin mo kay kuya,” mahinahong sambita nito, kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nito. Hinawakan nito ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang lumandas dito.

     Nanunubig na naman ang mga mata kong tumingin dito bago ako napayuko para tignan muli ‘yung eye glasses na regalo sa akin. Naramdaman ko namang napasunod ang tingin nito sa hawak ko.

     “Is that the gift that Grandma gave you?” tanong nito gamit ang nagtatakang tono.

     Marahan akong tumango bilang tugon dito.

     “Anong nangyari riyan?”

     “I don’t know,” pabulong na sagot ko naman.

     Rinig kong napabuntong hininga ito at hinawakan nito ang ulo ko. “Fix yourself, pupunta tayong CCTV room para malaman kung anong nangyari riyan.”

     Napatingin naman ako rito dahil sa sinabi niya. Tumayo na ito at binigay sa akin ang panyo niya. Kinuha ko ito at madali kong pinunasan ang mukha ko na basang-basa ng luha.

     Tinulungan naman akong tumayo ni Haiden.

     Nilagay ko sa lalagyan ang sira-sirang salamin at ibinalik ito sa locker. Pagkatapos, hinawakan ni Haiden ang pala-pulsuhan ko at hinila ako nito papunta sa silid kung saan naroon ang mga CCTV footage.

     Pagkarating namin doon ay kinausap kaagad ni Haiden ang lalaki at babaeng nagbabantay ng CCTV room. Tinanong niya kung p’wede naming makita ang footage sa locker ng building 5. Pumayag naman ang mga ito dahil na rin sa impluwensya ni Haiden dito sa school.

     Tiningnan namin ang bawat oras na may nagpupunta sa locker. Hanggang sa may nahagip na naka-hoodie na itim, bandang ala-singko ng umaga. Tumingin-tingin ito sa paligid bago binuksan ang locker ko gamit ang isang bagay.

     Pagkabukas niya nito ay tila may hinahanap ito rito hanggang sa ilabas nito ang box ng eye glasses ko. Kinuha niya sa loob no’n ang salamin at tiningnan muna saglit. Nagngitngit ako sa galit nang hinulog niya ito sa sahig at inapakang mabuti kaya nasira. Pagkatapos ay kinuha niya ito, binalik sa kahon, at ipinasok muli sa locker ‘tsaka siya dali-daling umalis.

     “Pabalik nga ulit saglit,” matiim na utos ko sa lalaking nagha-handle ng computer. Binalik naman niya ito roon kaya pina-pause ko iyon at pina-zoom ng kaunti.

     Pinagmasdan ko ng mabuti ang taong nasa footage. Ang tindig niya, pamilyar na pamilyar sa akin.

     Hanggang sa may napansin ako sa bandang palapulsuhan nito. Isang kulay asul na bracelet.

     “Pamilyar sa ‘kin ang likod niya,” biglang salita ni Haiden.

     “Sino?”

     I swear, malaman ko lang kung sino ang taong ‘yan, babalian ko talaga siya ng kamay. Mas’yadong malikot ang kamay niya.

     “Hindi ko maalala pero pamilyar,” sagot naman nito sa tanong ko na hindi ko na lang pinansin, sa halip ay inisip ko na lamang kung sino ‘yung taong ‘yon.

     I think I saw someone wearing the same bracelet as that person.

•••

     Abrea.”

     Naiwan sa ere ang kamay nitong isasampal sana sa akin nang marinig ang malamig at nagbabantang boses ng aking kapatid—si Kuya Helios.

     Unti-unting binaba ni Fynn ang kaniyang kamay. Nahagip ko pa sa palapulsuhan nito ang suot-suot nitong kulay asul na bracelet. Sinamaan muna niya ako nang tingin bago ito mainit ang ulo na nagtungo pabalik sa kaniyang upuan.

•••

     “Fynn,” sabay na pagkakabanggit namin ni Haiden sa pangalan ni Abrea at nagkatinginan pa kami.

     Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ko, napalitan ito ng galit. Mahigpit na napakuyom ang aking mga kamao. Nakita naman iyon ni Haiden kaya lumapit ito sa akin.

     “Hey, calm down!” nag-aalanganang saad nito habang hawak-hawak ang braso ko para pakalmahin. Iwinaksi ko naman ang kamay nitong nakahawak sa akin.

     “That bastard!” matiim na sambit ko at mabilis akong naglakad papunta sa pintuan at padarag akong lumabas mula sa silid na ito.

     Mabilis ngunit mabibigat na hakbang ang pinakawalan ko habang nagngingitngit ang mga ngiping naglakad patungo sa silid-aralan namin. Ramdam kong nakasunod lamang sa akin si Haiden.

     Nang makarating ako sa classroom ay malakas kong sinipa ang pintuan, saka ako pumasok sa loob at doon ko nakita lahat ng mga kaklase ko. Nakita ko rin na nag-aaway na naman ang magkapatid na Verma—sina Larius at Darius. Samantalang, napatingin naman sa direksyon ko ang ilang kaklase ko habang ang iba naman ay may sari-sariling mundo. Sa halip na pagtuunan sila ng pansin, hinanap ng mga mata ko ang bulto ni Fynn.

     My anger burned even more when I saw him talking and laughing with our other classmates as if he hadn’t done anything wrong.

     Dali-dali akong naglakad sa gawi nito at buong pwersa siyang hinarap sa akin, pagkatapos ay ginawaran ko ito ng malakas na sampal dahilan nang pagtabingi ng mukha nito.

     Napatayo naman sa gulat ang ibang kaklase namin dahil sa ginawa ko, at mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong napahinto sa pag-aaway ang magkapatid na Verma. Ramdam kong napunta sa amin ang atensyon ng lahat.

     Malakas na napahampas sa lamesa si Fynn, saka ito padabog na tumayo at galit akong tinignan.

     “What the hell is your problem, woman?!” galit na sigaw nito. Hindi naman ako natinag sa galit nito.

     “And what the hell is your problem, too, Mr. Abrea?!” galit na tanong ko rin dito.

     Matalim naman ako nitong tinignan. “Problema ko?! Ikaw pa talaga ang may ganang magtanong sa akin kung anong problema ko?! Eh, ikaw nga ‘tong bigla-bigla nanampal diyan. Ginagago mo ba ako, babae?!”

     “What did you do that?” walang emosyong tanong ko, gamit ang mariin at nagbabantang boses.

     “Ano bang sinasabi mo?!” galit na tanong na naman sa akin nito.

     At s’ya pa ang may ganang magalit!

    “Fuck you! Don’t act like you’re fucking innocent! We fucking both know kung anong ginawa mo bago ka pumasok kaya ginawa ko ‘yan sa ‘yo!” I yelled at him angrily. He’s getting on my nerves! Damn him!

     He paused, seemingly deep in thought, until a sly smirk slowly spread across his lips, making my anger boil even more.

     “So, nakita mo na pala? Nagustuhan mo ba?” nang-aasar na tanong nito sa akin.

     Hindi ko naman nagustuhan ang lumabas sa bibig nito kaya ginawaran ko siya nang malakas na suntok sa mukha dahilan para mapaatras ito. Mabilis kong sinipa ang lamesa nito na nasa harapan ko ‘tsaka ko siya muling sinapak bago pa siya makatayo ng tuwid.

    Nang hindi ako nakuntento ay mabilis ko itong kinuwelyuhan at sunod-sunod na sinapak sa mukha hanggang sa unti-unti na namang naglandasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan dahil sa inis.

     “Fuck you! Fuck you! Fuck you!” sunod-sunod na mura ko rito habang sinusuntok ko siya nang walang tigil naman niyang sinasalag gamit ang braso niya.

     Naramdaman kong may humawak sa parehong balikat ko at inilayo ako sa tanginang lalaking ‘yon. Nagtagumpay naman sila!

     Matalim akong tinignan ni Fynn at susugurin na sana ako ngunit nang makita niya ang sunod-sunod na luhang dumadaloy sa mata ko ay napahinto siya at nagtatakang tumingin sa akin.

    “Why are you crying? Salamin lang naman ‘yon, ah!” inis na sambit nito na ikinatawa ko nang pagak.

     “Anong sabi mo?” matiim na tanong ko habang pagak na tumatawa. “Salamin lang ‘yon? Tangina mo pala, eh!”

     Galit ko siyang tinignan. Marahas kong pinahid ang luha kong naglalandasan ngunit kahit anong gawin ko ay patuloy na nanunubig ang mata ko.

     “You don’t even fucking know how important that thing is to me, Abrea!” I said, staring at him intently. “You’re such an asshole! Bigay pa sa ‘kin ‘yon ng lola ko, alam mo ba ‘yon?! Iningatan ko ‘yon ‘tapos sisirain mo lang ng gano’n-gano’n lang! Gago ka ba?!” gigil na saad ko at susugurin na sana siyang muli nang pinigilan na naman ako ng mga nakahawak sa akin.

     Nagbago naman ang ekspresyon nito, parang na-guilty ito.

     “Hindi ko alam,” mahinang sambit niya at napayuko. Tinignan ako nito ng diretso sa mata bago muling nagsalita, “Papaltan ko na lang ng katulad no’n at mas mahal.”

    Mas lalo naman akong nagalit dahil sa sinabi nito.

    Malakas kong iwinaksi ang mga kamay na nakahawak sa akin at saka ko hinakbang ang pagitan naming dalawa ni Fynn. Malakas ko ulit siyang ginawaran ng sampal na ikinatabingi ng mukha niya.

     “P-Papaltan mo?” Pagak ko siyang tinawanan saka matalim na tinignan. “Wala akong pakialam kahit bumili ka pa ng ilang dosenang salamin! Kahit bumili ka pa ng mas mahal do’n! Hindi ko kailangan no’n dahil kaya ko rin namang paltan ‘yon pero putangina. . . naririnig mo ba kung anong sinasabi mo, ha?! Hindi mo mapapaltan ‘yon ng gano’n-gano’n lang!” Huminto ako saglit dahil sunod-sunod na namang naglandasan ang luha sa aking pisngi. “A-Abrea, bigay pa sa akin ‘yon ng l-lola ko, eh. Huling regalo na n-natanggap ko sa k-kan’ya ‘yon.”

    Okay lang kung ako ang bumili no’n at sinira n’ya, kayang-kaya kong palitan ‘yon. Pero galing kasi ‘yon sa lola ko, eh.

    “Pinalagpas ko ‘yung ginawa n’yo sa ‘kin kanina kahit na may isang bagay din na nasira, dahil alam ko namang hindi n’yo intensyon na masira ‘yon! Pero t-tangina, Fynn! Pati ba naman gamit ko, hindi mo pinalagpas! Kahit pa hindi mo alam na regalo sa akin ‘yon ng lola ko, you have no rights para pakialaman ang mga gamit ko!” galit na sigaw ko rito. Hinabol ko muna ang hininga ko habang naluluha bago ko siya kinuwelyuhan. “Kung may galit ka sa ‘kin, sa ‘kin mo ilabas, hindi ‘yung pati gamit ko, papakialaman mo! Ang tarantado mo, Fynn, tangina!” gigil na dagdag ko. Ramdam kong nadadala na ako ngayon ng galit ko, hindi ko na alam kung paano papakalmahin ang sarili ko.

    Kinuwelyuhan ko ulit siya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nanggigigil talaga ako sa pagmumukha niya. Gustong-gusto kong baragin ang mukha niya nang paulit-ulit.

    Habang hawak-hawak ko siya ay tinignan ko siya nang malalim.

    “‘Yung taong nagbigay ng regalong ‘yon, Abrea, isa sa pinahahalagahan kong tao. That gift that Lola gave me has sentimental value. And y-you. . . you fvcking destroyed it!” mahinang saad ko sa kaniya, mariin at galit na ekspresyon pa rin ang makikita sa aking mga mata.

    Tinignan na naman ako nito ng diretso, wala akong mabasa mga mata nito.

    “Kung ayaw mong mangyari ‘yon ulit, you better leave this section now!” matiim na banta nito na ikinagalit ko lalo.

     Tangina. Sa kagustuhan niyang mapaalis ako, gagawin n’ya ‘yon?! Really?!

     Nagpigil naman ako ng sarili na suntukin ito, imbes na saktan ito pisikal ay tumawa na lamang ako ng sarkastiko habang nakatingin sa kaniya.

     “You know what, Abrea? Speaking of pinapahalagahan. Let me ask you, may nagbigay na ba sa ‘yo ng regalo?” Huminto ako saglit at mas lalo ko siyang tiningnan nang diretso—mata sa mata. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito, nagsalita na ‘ko agad, “..well, marami ka na sigurong natanggap. Pero I wonder kung may pagmamahal bang kasama? I wonder kung may nagmamahal ba sa ‘yo? Or kung may nagpapahalaga ba sa ‘yo? Pakiramdam ko kasi ay wala, kaya ka nagkakaganiyan!”

     “Hellarian!” rinig kong saway sa akin ni Kuya Helios pero hindi ko ‘to pinansin.

     Tinignan ako nang matalim ni Fynn at itutulak na sana ako nang pinigilan na naman siya ng mga nakahawak sa kaniya.

    “Fuck it! Bitawan n’yo ako! Namumuro na sa ‘kin ang babaeng ‘yan!” galit na saad nito habang nagpupumiglas.

     “Oh, bakit galit na galit ka?” tanong ko rito at nang-aasar akong tumawa. “Sige na nga. Well, siguro nga, merong nagmamahal sa ‘yo pero wait..” Huminto ako sa pagsasalita at kunwaring napaisip bago sumilay ang isang ngisi sa aking labi. “Oh, I get it na. Kaya siguro atat na atat kang mapaalis ako sa section na ‘to kasi natatakot ka. . . Natatakot ka siguro na mapalapit ang loob nila sa akin kasi sila na lang ‘yung nagmamahal sa ‘yo. Wala na sigurong iba.”

     Napahinto naman ako nang makitang nagbago ang ekspresyon nito. May ibang emosyon akong nakita sa mga mata nito hanggang sa naging blangko ang tingin nito. Ramdam kong nag-iba ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.

     Bigla akong nagsisi sa mga binitawan kong salita nang may mapagtanto ako sa mga tingin n’yang iyon. Damn! Nagpadala ako sa emosyon ko.

     “I-I’m sorry—” Napahinto ako sa sasabihin ko nang may malakas na nagtanggal ng kamay ko sa kwelyo ni Fynn. Napaigting ang panga ko nang malakas ako nitong tinulak.

     Napaupo naman ako sa sahig dahil sa ginawa ng taong ‘yon. Lumapit sa akin si Haiden at Clydius para tulungan akong tumayo.

    “Bryant,” madiing sambit naman ni Kuya Hades sa pangalan ni Bryant, nagbabanta.

HADES
Apollyon [06]

     Nabaling naman ang paningin ni Bryant sa kapatid ko. “Wala akong pakialam, Hades! As if matatakot mo ‘ko.”

     Tumayo ako nang tuwid at tinignan ang nagtulak sa ‘kin. Nakita ko si Bryant na madilim na nakatingin naman sa ‘kin.

BRYANT
Apollyon [04]

     “Tama na ‘yung sinuntok mo s’ya nang paulit-ulit pero ‘yung sabihin ang mga ‘yon. . . wala kang karapatan para sabihin ‘yon sa kan’ya,” mariing sambit niya sa ‘kin.

     “Kung hindi ka lang nila kapatid, matagal na kitang pinatay. . . Sa susunod, mag-iingat ka sa mga sasabihin mo dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo,” banta nito sa ‘kin.

     Binigyan ko lang siya ng malamig na tingin bago muling nagtagpong ang aming mga mata ni Fynn.

     Nakita ko ang pagbalik ng ekspresyon nito bago nagsalita, “About sa sinabi mo kanina. . . You’re right. Kaya umalis ka na rito dahil hindi ka nabibilang dito, you don’t have a spot in this section, Ms. Luxwell,” malamig na saad ni Fynn na animo’y pinagdidikdikan nito ang mga salita niya sa utak ko.

    Sinamaan niya ‘kong muli nang tingin kaya sinamaan ko rin siya nang tingin. Nawala na ‘yung guilty na naramdaman ko kanina, napaltan na naman ito inis at galit sa kaniya.

     “Hindi ko hinihingi opinyon mo, Mr. Abrea.”

     Inirapan ko muna sila saka ko sila tinalikuran. Malakas kong sinipa ang isang upuan dahil sa galit, saka ako lumabas ng silid na ito na mabibigat ang hakbang.

     MAPAIT akong napangiti habang nakatingin sa huling litrato namin ng lola ko. Marahan kong hinaplos ang mukha nito sa litrato. Kahit na may bahid na ito ng dugo ay kita ko pa rin naman ang matamis nitong ngiti.

     Unti-unti na namang naglandasan ang mga luha ko nang maalala lahat ng masasayang araw namin.

    “I’m sorry, Mama ‘La. Nasira po ‘yung regalo n’yo sa ‘kin. Hindi ko po naingatan ‘yung huling regalo mo sa ‘kin. I’m so sorry. . . I’m sorry po..” umiiyak na pagkausap ko sa kaniya habang hinahaplos ang litrato.

     Napakagat ako sa ibabang labi ko upang pigilang humikbi ng malakas. Pumikit ako saglit at muli kong pinagmasdan ang mukha ni lola sa litrato.

     “I wish you were still alive. Sana hanggang ngayon, kasama pa rin po kita. . . sana hindi po ako nasasaktan ngayon. It’s been two years, but the pain is still here pa rin po, eh,” parang batang pagkausap ko pa rito.

     “I really miss you, Lola,” humihikbing saad ko, saka ako umubob sa itaas ng tuhod ko. Doon ko na muling ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

     Madali akong manghina at masaktan kapag s’ya na ang usapan. I can’t handle my emotion, lalo na kapag naaalala ko siya.

     Mayamaya ay napahinto ako sa paghikbi nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko pero sa tingin ko nama’y medyo malayo ang distansya nito sa akin. Pinipigilan ko ang sarili kong maglabas ng tunog, saka ko dali-daling pinunasan ang mga luha ko habang nakaubob pa rin.

     Nang ayos na ako, nag-angat ako ng tingin ngunit hindi ko nilingon ang tumabi sa akin, nakita ko lamang sa gilid ng mata ko kung sino ito.

     “What are you doing here?” malamig na tanong ko kay Dark. Narito kami ngayon sa hardin. Nakaupo ako rito sa damuhan habang nakasandal ang likod sa puno.

     Nakita ko namang napabaling ang tingin nito sa ‘kin.

     “Why did you stop crying?” tanong naman nito pabalik.

     Tama bang sagutin ang isang tanong ng isa pang tanong?

     “Tsk.”

     Bakit ba nandito ang lalaking ‘to? Hindi na lang siya magbasa ng libro niya.

     “I may not know exactly what happened, but I know you’re not okay. I can clearly see it through your eyes. If you’re sad, it’s okay to cry. I won’t judge you, don’t worry,” he said gently, and I could feel his gaze still fixed on me.

     Unti-unti naman akong humarap dito. “I’m okay. . . Only kids can cry, and I’m not a kid anymore,” masungit na saad ko rito.

     Of course not, kids are not the only ones who can cry. Everyone can cry. I just don’t want this man to think I weep easily.

     Kumunot naman ang noo ko nang mahina itong tumawa. Dahan-dahan itong ngumiti sa akin.

     Tangina, bakit ang cute ngumiti ng isang ‘to?

     “Kaya pala umiiyak ka kanina,” nakangiting saad nito sa akin. Lumabas pa ang dalawang dimples nito.

     Hindi ako sanay na nakangiti ang isang ‘to. Lagi ko lang ba man siyang nakikita na seryoso habang nagbabasa.

     Inirapan ko lamang ito kaya mas lalo siyang natawa nang mahina. Ang hinhin namang tumawa ng isang ‘to.

     “Listen. You don’t have to hide your real feelings just to show others that you’re okay and strong. People cry not because they are weak but because they want to release their pain. You don’t need to pretend that you’re okay when you feel like you’re falling apart, Ms. Luxwell. . . And if you think that only children can cry, then you should also think that you can be a child at any time.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro