CHAPTER 12
H E L L A R I A N
“Hello, Gem!” malakas na sigaw mula sa kabilang linya. Bahagya kong nailayo ang telepono sa tainga ko.
Ang aga mangbulabog ng isang ‘to.
Linggo na ngayon, at sobrang bilis ng araw. Pang-limang araw ko nang namamalagi sa paaralan na ito.
“Oh?” mahinang sagot ko, saka ako napairap sa kawalan. Umayos ako nang pagkakaupo mula sa pagkakahiga, isinandal ko ang aking ulo sa headboard ng kama ko.
“Aga-aga, ang sungit-sungit mo na namang babae ka!” naiinis na saad naman nito.
“Ang aga-aga rin, ang ingay-ingay ng bunganga mo,” masungit na turan ko.
Natawa siya. “Gusto lang naman kitang kumustahin!”
“Oh? Buhay pa naman ako,” walang ganang saad ko. Ipinikit ko ang aking mga mata. Inaantok pa ako!
“Parang tanga naman, oh!” iritadong saad niya. Bahagya naman akong napangisi dahil doon.
“Tch. Kalilipat lang ng school, as usual,” bored na saad ko.
“Hoy!—Na-kick out ka na namang babae ka?!” malakas na sigaw niya dahilan upang mapairap ako sa kawalan. Ang OA talaga ng reaksyon.
“Can you please lower your voice?” nagsusungit na saad ko. “Ano pa bang bago roon?”
“Alam mo, hindi na napakali ‘yang katawan mo kakalipat ng school! Sa susunod, ipapalumpo na talaga kita!” masungit din na sambit nito.
“Okay.”
“Bwisit ka talaga!” inis na sigaw niya, saka ako pinatayan ng tawag. Bahagya akong natawa dahil sa inasta nito.
Ilang segundo lang ay tumawag na naman ito ngunit pinatayan ko agad ito ng tawag. Naka-tatlong beses siyang tawag ngunit paulit-ulit ko lamang siyang pinapatayan. Siguro’y nagsawa na siya kaya tumigil na rin ngunit isang minuto pa lamang ang nakalilipas ay nakatanggap ako ng mensahe mula rito.
Napapailing-iling ako habang natatawa sa nabasa kong mensahe nito pagkatapos ay agaran akong nagtipa.
Hindi ko na pinansin ang reply nito. Agaran akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Walang kagana-gana kong inayos ang pinag-higaan ko, pagkatapos, nagtungo ako sa banyo upang mag-asikaso ng sarili.
SUNOD-SUNOD na pagtunog ng doorbell ang narinig ko mula rito sa kusina habang tahimik akong nakain ng sandwich na ginawa ko para sa aking agahan.
Bigla na namang tumunog ang doorbell kaya napairap ako sa kawalan at tinatamad na naglakad palabas. Nang nasa may tapat na ako ng gate, bumuntong hininga muna ako bago marahang binuksan ito. Walang emosyon kong pinagmasdan ang dalawang lalaki na bumungad sa akin pagkabukas ko ng gate.
“Hello, Ate Larian!” masiglang bati ni Clydius, ang pinakabata sa Section Apollyon.
Napatingin naman ako sa kasama nito. . . si Kriss. Well, hindi ko pa s’ya gaanong kilala.
“Anong ginagawa n’yo rito?” masungit na tanong ko ngunit mahihimigan pa rin sa boses ko ang pagtataka.
Napakamot sa ulo si Clydius, animo’y biglang nakaramdam ng hiya.
“Gusto ka sana naming ayaing mag-agahan sa cafeteria. . . kung okay lang sa ‘yo?” nakangiting saad ni Kriss habang hinihintay ang sasabihin ko.
Tinignan ko silang dalawa nang walang gana. “Ayoko.”
Nakita ko ang biglang pagbagsak ng balikat ni Clydius dahil sa aking sinambit, samantalang hindi pa rin naman nawala ang ngiti ni Kriss.
“Okay lang naman. Alam naman namin na hindi ka pa komportable sa amin,” sambit ni Kriss, nakangiti sa akin na tila pinapahiwatig na naiintindihan niya.
Tsk.
“Ayaw mo talaga?” biglang sabat ni Clydius. Nagpaawa pa ang mukha nito.
Anong trip ng batang ‘to at gustong-gusto akong makasabay kumain?
“Fine. Wait me here,” tanging isinagot ko na lamang bago ako pumasok sa loob. Hindi ko na sila pinapasok, hindi naman kami close. Psh. May inayos lamang ako sa kusina at kumuha lang ako ng black card, saka ako muling lumabas.
Tinaasan ko sila ng kilay nang makalabas na ako ng gate, ngumiti naman silang dalawa sa akin at nagsimula na kaming maglakad papuntang cafeteria.
Pagkarating namin sa cafeteria, kumpulang estudyante agad ang bumungad sa amin. Ang aga-aga, may palabas na naman atang nangyayari.
“Ang tanga mo! Himurin mo ‘yan! Linisin mo!” malakas na sigaw ng isang babae, halata sa boses nito ang inis.
“Aray!” rinig ko namang daing ng kung sino, boses babae rin.
Bullying na naman.
“Hindi mo ba talaga hihimurin ‘yan, ha?! Alam mo bang ang mahal ng bili ko riyan? Mas mahal pa ‘yan sa ‘yo! Boba!” sigaw na naman ng babaeng kanina pa nagwawala.
“Masakit! Bitawan mo na ako,” mangiyak-ngiyak ang boses ng isa na namang babae na mukhang s’yang inaapi.
Pamilyar sa akin ang mga boses nila.
“Nag-f-feeling reyna na naman ang tanga,” mahinang sambit ni Kriss na nasa tabi ko lamang.
“Tara na, Ate Larian! Doon tayo!” masayang aya ni Clydius sa ‘kin, may itinuro pa itong p’westo kung saan kami p’wedeng maupo.
Imbes na sumunod sa kanila ay nagtungo ako sa kinaroroonan ng mga estudyanteng nagkukumpulan. Na-curious na naman kasi ako kung sino ang gumagawa ngayon ng eksena. Bukod pa roon ay nakaririndi talaga ang bunganga niya. Ang lakas ng boses! Nakakairita.
“Tabi,” masungit na utos ko sa mga nagsisiksikan. Tumabi naman ang iba, samantalang ang isang babae naman ay humarap sa akin at tinaasan ako ng kilay.
Blangko ko siyang tinignan. “Move,” sambit ko sa nakatatakot na boses. Mukhang natinag naman ito sapagkat umatras siya at tumabi.
Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy-tuloy ako hanggang sa pinakaunahan, kung saan naroon ang mga bida.
Angel.
Sawang-sawa na ako sa pagmumukha ng babaeng ‘to. Hindi na talaga natuto. Pumapatol sa mga alam niyang hindi siya kaya. Tanga talaga.
Napataas ang kanang kilay ko nang may maalala ako.
Wala ba silang punishment na natanggap mula kay dean? Sa pagkakatanda ko, kakausapin sila dahil nagpapasok sila ng outsider.
Tsk.
Tinignan ko ang pinagdidiskitahan nito. Naningkit ang aking mata nang makita kung sino ito. . . Hayila.
“Ano?! Hindi ka ba talaga kikilos diyan?! Ang tanga-tanga mo kasi! Lampa!” sigaw na naman ni Angel.
Nakakarindi na talaga ang bunganga niya. Dapat diyan pinapatahimik, e.
Sinuri ko kung ano ba talagang nangyari. Nakita kong basa ang skirt nito at may mga pasta rin na nagkalat sa damit nito at sa boots na kaniyang suot. Tanginang pormang-porma ang gaga.
Narinig ko ang pag-igik ni Hayila nang sabunutan siya lalo ni Angel. Para talagang bata kung umasta ang babaeng ‘to.
Sa hindi malamang rason ay biglang kumilos ang katawan ko. Lumapit ako sa gawi nila at malakas kong tinabig ang kamay ni Angel na nakasabunot sa buhok ni Hayila.
Nabaling naman ang atensyon nila sa akin. Kita ko ang pagsama nang tingin ni Angel.
“Ikaw na naman?! Pakialamera ka talaga, ‘no?!” iritadong sigaw ni Angel.
Tinignan ko lamang siya nang walang emosyon bago ako nagsalita, “Attention seeker ka talaga, ‘no?” sambit ko pabalik. Nainis naman ito sa sinabi ko.
Akmang sasampalin n’ya ako nang biglang may lumilipad na dagger patungo sa kamay niya. Mabilis namang naiwas ni Angel ang kamay niya ngunit nadaplisan pa rin siya ng kaunti.
Napatingin kaming lahat sa taong nagbato ng dagger kay Angel.
“Samara?!” gulat na sambit ni Angel ngunit halata pa rin sa boses niya ang inis.
“Aga-aga, nagawa ka na naman ng eksena mo,” mataray na sambit ni Samara kay Angel.
“Bakit ba ang epal n’yong dalawa?!” sigaw na naman ni Angel.
Mawalan ka sana ng boses, sigaw na lang nang sigaw.
“Chill, babe. Hindi ka naman inaano,” nang-aasar na saad ko. Ginaganahan kasi ako ngayong inisin si Angel, naglalaro na naman kasi ng reyna-reynahan. Kupal.
“Oo nga. ‘Tsaka bakit hindi ka sa ‘min pumatol? Tignan natin kung hanggang saan ang kaya mo,” natutuwang saad naman ni Samara na nasa tabi ko na. Matamis pa siyang ngumiti kay Angel na may sungay.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na tinulungan ni Samara si Hayila na tumayo mula sa pagkakaluhod at pinagpagan nito ang damit ni Hayila. Basang-basa kasi ito at marumi na ang damit.
“Hinahamon n’yo ba ako, ha?!” iritadong-iritado na saad niya, kulang na lang ay magwala siya sa inis.
“Obvious ba?” nakangising turan ko, saka ko siya malakas na sinipa sa tiyan dahilan upang mapahiga ito sa sahig na tiles.
“Bitch, ha?” natutuwang saad sa akin ni Samara. Nginisian ko lamang siya. Mukhang nagkakasundo kami sa gagawin namin ngayon kay Angel.
Binalingan kong muli nang tingin si Angel. Nakatayo na ito at masama ang tingin nito sa akin. Astang susugurin na niya ako nang mabilis na isinaboy ni Samara ang isang basong juice sa kaniyang mukha.
“Oops, sorry, nadulas,” natatawang asar ni Samara kaya mas lalong nagpuyos sa galit si Angel.
Binalingan ni Angel ang mga kasama niyang babae, mga kaibigan n’ya siguro—hm, kung kaibigan nga ba talaga?
“Ano?! Hindi ba kayo kikilos diyan, ha?! Mga tanga!” inis na sigaw ni Angel sa mga ito.
Agaran namang nagsilapitan sa amin ang mga alipin nito ngunit bago pa nila kami masaktan, nahila na agad sila ng mga bagong dating na kaklase ni Samara. Ang mga ito pa mismo ang humawak sa mga kasamahan ni Angel para hindi sila makisali.
“Tagal n’yo, ah,” saad ni Samara sa mga kaklase niya.
“Kalma, may ginawa lang,” tugon naman sa kaniya ng isa niyang kaklase na babae.
Hindi na lamang sinagot pabalik ni Samara ang kaniyang kaklase bagkus ibinalik nito ang kaniyang atensyon kay Angel.
“Magkano ba ‘yang damit mo? Mukhang cheap naman, mas mahal pa nga siguro riyan ang basahan namin sa banyo,” sambit ni Samara, animo’y seryoso talaga siya sa sinabi niya.
“Hoy! Huwag mo ngang i-compare ang damit ko sa basahan n’yo. Binili ko pa ‘to sa ibang bansa para sa kaalaman mo!”
“Name the price. Titriplehin ko kung magkano ang ginastos mo riyan nang manahimik ka. Kung gusto mo dadagdagan ko pa, mukha naman kasing hindi gano’n kamahal ‘yang damit mo,” nakangising sambit ko naman. Nagsi-tawanan naman ang mga estudyanteng nakapaligid sa amin.
Napasigaw naman ito sa sobrang inis. Susugurin na sana niya ako nang mabilis siyang pinatid ni Samara kaya’t napasubsob ito sa tiles.
“Hala, swimmer ka pala? Wala pa ngang summer pero nag-d-dive ka na riyan,” kunwaring gulat na tanong ni Samara kaya mas lalong umugong ang malakas ang tawanan ng mga estudyante.
Ang saya palang pagmasdan ni Angel ngayon. Tanga ba naman.
“Hayila, anong ginawa sa ‘yo ni Angel kanina?” tanong ni Samara kay Hayila. Hindi naman nagsalita si Hayila, halata sa mukha nito na kinakabahan siya magsalita.
“Don’t be afraid, my dear. Kaming bahala sa ‘yo,” malambing na sabi ni Samara.
“Binuhusan ng tubig, nginudngod sa sahig, at sinabunutan.” Nakayuko siya nang sambitin niya ang mga katagang iyon.
Hindi ko alam ngunit biglang uminit ang ulo ko kaya lumapit ako sa gawi ni Angel na ngayo’y unti-unti ng natayo. Mabilis kong hinawakan ang buhok nito at hinawakan ng mahigpit.
“Aray! Bitawan mo nga ako!” malakas na daing ni Angel habang pilit na inaalis ang kamay kong nakahawak sa buhok niya. Hindi ko siya pinakinggan, bagkus mas hinigpitan ko pa lalo ang pagkakasabunot sa kaniya.
“Samara,” malamig na tawag ko rito. Mukhang naintindihan naman nito ang pinahiwatig ko sapagkat kumuha ito ng dalawang basong tubig sa isang lamesa. Lumapit siya sa amin at ibinuhos niya ito sa mukha ni Angel. Medyo lumayo ako ng kaunti rito para hindi ako mabasa.
Sumigaw na naman nang malakas si Angel, nagwawala na ito mula sa pagkakasabunot ko sa kaniya.
Biglang napatingin si Samara sa isang babae na dumaan, may dala-dala itong carbonara.
“Miss, p’wede bang akin na lang ‘yang carbonara mo? Bilhan na lang kita ng bago mamaya,” nakangiting saad ni Samara sa babae.
Tumango naman ang babae at ibinigay niya ang isang platong carbonara kay Samara. Lumapit sa akin si Samara at iniabot sa akin ang carbonara.
“Do you want me to wipe your face? Basang-basa na, eh.”
“Anong gagawin mo?!” Halata sa boses nito ang kaba at pagkairita.
Sinagot ko siya nang nakangisi. “Chill. Magugustuhan mo ‘to, honey.”
Mas lalo kong hinawakan ang buhok nito at sapilitan siyang inginudngod sa isang platong carbonara. Binitawan ko ang plato at mahina kong itinulak si Angel palayo sa ‘kin, ngunit kahit mahina lang ang pagtulak ko sa kaniya ay parang malakas ang epekto nito sa kaniya dahil muntik na siyang matumba.
Malakas na umugong sa apat na sulok nitong cafeteria ang sigaw ni Angel, tila sobra na nitong hindi nagugustuhan ang nangyayari sa kaniya rito sa loob ng kainan.
Sorry s’ya, nasa mood ako para patulan ang ginawa niya kay Hayila.
“I really hate you!!” galit na sigaw ni Angel.
“The feeling is mutual,” pairap na tugon ko.
Lumapit naman sa kaniya si Samara na may dalang isang pitsel na juice. Saan naman nanggaling ‘yon?
“Gosh, sobrang dumi na ng mukha mo, Angel. Gusto mo bang linisin ko para sa ‘yo?” Hindi pa nakasasagot si Angel nang biglang ibinuhos ni Samara ang isang pitsel ng juice sa mukha nito saka niya inilabas ang kaniyang panyo at marahas itong ipinunas sa mukha ni Angel kaya’t natanggal ang makapal na make-up sa mukha nito.
Naglakad ako papalapit sa kanila. Nilabas ko ang black card ko at inilahad ito sa harapan ni Angel. “Hey! Here’s my black card, bumili ka ng bagong ugali, ang cheap kasi, eh,” nakangiting ani ko ngunit kalauna’y napahawak ako sa bibig ko. “Oops, my bad, hindi nga pala nabibili ang ugali.”
Nang-aasar ko siyang nginisian bago ko inilabas ang bente pesos sa bulsa ko.
“Here, bente pesos. Go, buy yourself some water to calm down. I know how thrilled you are with our little performance today, honey. Halata kasi mas’yado ‘yang gigil mo. You know what? It gives me so much satisfaction. But don’t worry, you don’t have to thank me; I know you’re just over the moon kasi napansin ka ng isang Luxwell.”
Tinabig naman nito ang kamay ko na may hawak na bente bago siya nagsalita, “How dare you! Anong akala mo sa akin?! Cheap?!” nanlilisik ang mga mata nitong sabi.
“Ooh! Hindi ba?”
Dahil sa sinabi ko, bigla ako nitong sinampal kaya nasampal ko rin siya agad pabalik. Ramdam ko ang pagbakat ng palad nito sa pisngi ko ngunit hindi naman iyon masakit. Tiningnan ko siya at kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi nito pagkatapos ko siyang masampal.
Tumingin ito sa akin nang matalim kaya’t nginisian ko siya bago sinipa sa tiyan dahilan nang pagkakatumba ulit nito. Nakakairita talaga ang presensya n’ya.
Subali’t wala pang ilang minutong nakalilipas nang sipain ko siya ay bigla na lamang akong napaluhod dahil sa malakas na puwersa na sumipa sa akin mula sa aking likuran.
Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong tinulungan ni Thaddeus ang kaniyang kapatid na tumayo. Pagkatulong na pagkatulong niya sa kapatid ay nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa akin, susugurin na sana niya ako nang may biglang humarang sa kaniya at kinuwelyuhan siya.
“Ang lakas din naman ng loob mong sipain ang kapatid ko,” mariing sambit ni Kuya Hades sa kaniya.
Tinulungan kong tumayo ang sarili ko habang nakaalalay sa akin sa likod ang kakambal ko. Kaya ko naman.
Nabaling naman sa kaniya ang atensyon ni Thaddeus at kinuwelyuhan din siya. “Ang lakas din naman ng loob ng kapatid mo para saktan ang kapatid ko.”
“Really? Nakikisali ka sa away ng mga babae,” biglang sabat ni Xenon.
“Eh, ano? Huwag ka ngang pakialamero, Lee,” matigas na sambit ni Thaddeus kay Xenon.
“Woah! Sino ba sa atin ang nakisali sa away ng mga babae? Ako ba o ikaw? Sino sa ‘tin ngayon ang pakialamero?” Nakangisi si Xenon habang sinasabi ang mga katagang iyon.
“That’s enough!” malamig na utos ng kung sino. Sobrang lalim ng boses nito at may diin din ang tono ng pananalita.
Napatingin kaming lahat sa direksyon ng isang lalaki na mukhang kanina pa nanonood sa amin. Sobrang seryoso nitong tumingin. Kulay ash brown ang buhok nito, at pa-curtain fringe din ang haircut niya. He has this kind of aura that screams authority. His dark-brown eyes and intimidating stare can make you shut up and obey his orders. He takes a posture of superiority.
Nakita kong napabitaw sa isa’t-isa sina Thaddeus at Kuya Hades. Naramdaman ko na lamang na hinawakan ni Kuya Helios ang palapulsuhan ko at hinila ako nito palayo sa mga iyon. Nakasunod naman sa amin ang ilang kaklase namin na narito sa cafeteria.
Bago ako tuluyang makalayo sa kinaroroonan nila Angel, nakita ko pa na tila tinitignan ni Larius kung okay lang si Samara habang si Hayila naman ay nawala na sa paningin ko. Tsk. Ang bilis nakaalis.
Isa pa ay narinig ko rin ang sinabi ng lalaking dumating kanina.
“Bakit nandito pa kayo? Aren’t you suspended?”
Sino naman kaya ang lalaking ‘yon?
“NEXT TIME, kapag may nakita kang gano’n, ‘wag ka ng makikisali. Normal lang ang mga ganoong bagay dito sa university na ‘to kaya hayaan mo na lang sila para hindi ka nasasaktan,” mahabang sermon sa akin ng kakambal ko, si Haiden. Malakas pa nitong pinitik ang noo ko habang masama ang tingin sa akin. Sinamaan ko rin naman ito ng tingin.
Narito kami sa may hardin, dito kasi ako dinala ni Kuya Helios.
“Haiden is right, Larian. Kakatulong at kakasali mo sa mga gano’ng bagay, baka mapahawak ka pa,” mahinanong pagsang-ayon naman ni Kuya Hades.
Binalewala ko lamang ang sinabi ng dalawa kong kapatid. Kahit naman anong sabihin nila ngayon, hindi ko kayang sundin. Eh, sa hindi ko mapigilang hindi mag-init ang ulo sa mga gano’ng tao, e. Mas lalong hindi ko rin kayang may makitang ginagano’n, nakakasira kaya ng araw.
“Nakikinig ka ba, ha?” kunot-noong tanong ni Haiden. Tumango na lamang ako bilang pagtugon para manahimik na rin ito.
Unti-unting naningkit ang mata ko nang makita kung sino ang papalapit sa gawi namin ngayon.
“What happened? Okay ka lang ba?”
Mababakasan sa mga mata niya ang pag-aalala. Sinusuri pa nito ang katawan ko kung okay lang.
Hindi naman ako napuruhan dahil ako naman ang halos nanakit kanina. Dalawang beses nga lang ata ako nasaktan kanina, ‘yung sa sampal at sa sipa lang naman.
“Larian, I’m asking you. Are you okay?” muling tanong nito. Sa halip na sagutin ang katanungan niya ay tinitigan ko lamang siya ng seryoso.
“She’s fine, kuya. Don’t worry,” sagot sa kaniya ng kakambal ko na dapat ako ang sumagot.
“Good.”
Napatingin ulit siya sa akin at bahagyang ngumiti ngunit alam ko namang ang ngiti nito ay pilit. Halata.
“Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang ibili kita makakain?” sunod-sunod na tanong na naman niya. Tumingin ito sa akin nang diretso, hinihintay ang aking tugon.
Imbes na sagutin ang katanungan niya ay ibang kataga ang lumabas sa bibig ko.
“Even though I’ve pushed you away countless times, you still haven’t given up. You’re still there. . . concerned about me. Why?” biglang tanong ko habang seryosong nakatingin sa kaniya.
Sobrang lamig ng pakikitungo niya sa ibang tao. Wala rin siyang pakialam kung anong nangyayari sa iba pero pagdating sa ‘kin, nagiging ganito siya—nag-aalala siya katulad ng pag-aalala niya sa akin noon palang.
Ngumiti na naman siya sa akin subalit ang ngiti niya ay purong totoo na. He suddenly grabbed a stray strand of my hair and tucked it behind my ear.
“Because you’re my younger sister, Larian” mahinang saad niya. “No matter how many times you push me away, even if you hate me that much, it won’t change the fact that you are my sister, and I want to protect you. I can’t give up on you, my princess. . . Gusto kong bumawi sa ‘yo. Gusto kong magpaka-kuya sa ‘yo.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro