CHAPTER 11
H E L L A R I A N
Inisang hakbang ko ang pagitan namin ng babae. Mabilis kong sinangga, gamit ang kaliwang kamay ko, ang bisig ng babae nang astang sasaksakin niya ako.
Sa pamamagitan ng aking kanang kamao, sinuntok ko ang mukha ng babae. Kasunod no’y umikot ako patalikod rito habang hawak pa rin ang kaliwang bisig nito, saka ko hinawakan ang waist band ng pantalon nito at buong lakas siyang inangat sabay ibinalibag ito sa semento dahilan upang mawalan ito ng lakas at mabitawan niya ang balisong na hawak.
Kinuha ko ang nahulog na balisong bago ko minarkahan ng ‘X’ ang pisngi niya. Nang makuntento na ako, ibinalik ko na sa pagkaka-fold ang balisong at inilagay ito sa aking bulsa sa likod.
Napangisi na lamang ako nang makita ang dumaan na hapdi sa mukha ng babae—hindi ito makagalaw ng ayos dahil sa sobrang lakas at sa sobrang sakit ng natamo nito sa ginawa ko.
Tumayo ako nang tuwid, saka ako humarap sa lahat. Napasinghap ang mga estudyanteng nakasaksi sa aking pakikipaglaban. Lahat ng nagtangkang sumugod sa akin ay napatumba ko at ang iba nama’y nawalan pa ng malay.
Dumako ang tingin ko sa p’westo ni Luke. Nagpupuyos na siguro sa galit ang kaloob-looban nito sapagkat nabulilyaso ang plano niya dahil sa akin.
Well, deserve.
Napasinghap sa gulat ang mga manonood kasama na roon ang mga kaklase ko nang inilabas nito ang kaniyang baril at itinutok ito sa ulo ko. May ilan pang napasigaw dahil sa paglalabas ni Luke ng baril.
Ngunit kahit gano’n pa man, wala man lang mababakasang takot at kaba sa sa kalooban ko. Pinanatili ko lamang walang emosyon ang mga mata ko.
Ang OA naman kasi ng mga tao rito. Akala mo nama’y hindi pa sila nakakakita ng patayan sa harapan nila. Or baka nga, sila pa mismo ang pumapatay.
Sa halip na umatras ako ay dahan-dahan akong lumapit kay Luke na hindi man lang natinag sa paglapit ko, bagkus ikinasa pa nito ang baril at mas lalong itinutok sa noo ko.
Malulutong na napamura ang mga kapatid ko. Ramdam kong gustong-gusto nilang lumapit sa akin pero hindi nila magawa sapagkat base sa nakikita ko, unti-unti nang umi-epekto ang likidong itinurok sa kanila kanina. Sa tingin ko’y nagdudulot ito ng panandaliang panghihina sa katawan nila.
“Do you think you can scare me with that thing?” malamig na turan ko. Unti-unting sumilay ang ngisi sa aking labi na ikinasama ng tingin niya.
Umatras ako ng kaunti, napansin naman niya iyon.
“Oh, ano? Bakit ka umaatras? Natatakot ka na ba?” natatawa niyang tanong at nginisian pa ako.
Nginisian ko rin siya pabalik kasabay no’n ay ang pagsipa ko ng pa-outside cresent, dahilan para tumalsik paitaas ang kaniyang baril.
Mabilis ko itong sinambot at itinutok sa kaniya.
“Tsk! Akala mo ba, masisindak mo ‘ko ng baril na ‘yan?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“What the—” Bago pa niya maituloy ang kaniyang sasabihin ay buong puwersa ko ng ibinato sa gawi ng ulo niya ang baril na hawak ko dahilan upang mawalan ito ng malay.
Napansin kong papalapit sa gawi ko sina Thaddeus at Oliver.
Sumugod sila sa akin kaya sinalubong ko nang mag-asawang suntok si Thaddeus at sinipa ko naman sa tiyan si Oliver kaya tumalsik ito sa puno.
Nang makabawi si Thaddeus mula sa suntok ko, agaran siyang sumugod sa akin. Astang aambahan niya ako ng sipa sa mukha ko nang mabilis akong yumuko ‘tsaka siya itinulak sa papalapit na si Oliver.
Malakas siyang itinulak ni Oliver nang magdanggi sila. Pagkatapos, sumugod sa akin si Oliver. Susuntukin n’ya sana ako sa panga nang mabilis kong sinalag ang kaniyang kamao, saka ko siya sinikmuraan kaya napaatras siya nang bahagya. Mataas akong tumalon, pagkatapos inihampas ko ang aking kanang paa sa leeg niya dahilan nang pagbagsak ng katawan nitong wala ng malay sa lupa.
Sunod na sumugod sa akin si Thaddeus. Sinugod niya ‘ko ng suntok kaya umiwas ako. Inambahan niya ulit ako ng suntok at sa pagkakataong ito, natamaan n’ya ako sa panga kaya tumagilid ang aking mukha.
Sakit no’n, ha. Bwisit!
Susuntukin n’ya sana ulit ako nang sinipa ko na siya sa tiyan, saka ko ginawa ang jump side kick kasunod nito ay nag-tornado kick ako na s’yang tumama sa panga ni Oliver. Nang mapahiga siya sa lupa, lumapit ako sa kaniya at dinaganan siya. Pinaulanan ko siya ng suntok. Nang makita kong puro dugo na ang mukha nito ay doon lamang ako tumigil.
Pagkatapos ko sa kanila ay tumayo na ako nang tuwid at pinunasan ang pawis sa aking mukha. Tumingin ako sa kanilang lahat, nakita kong nakatingin sa akin ang mga babae sa Section Sonneillon, kasama na roon si Angel.
Tch. Akala ko iiyak na lang siya roon, e.
Unti-unti akong lumapit sa kanila habang nakangisi kaya dahan-dahan ding umatras ang mga ito. Nang malapit na ‘ko sa kanila ay doon na sila tumakbo nang mabilis, maliban dito kay Angel.
Lakas talaga ng loob, lampa naman.
“Ang yabang mo rin, e, ‘no?!” inis na sigaw niya sa pagmumukha ko.
Tinignan ko muna ang kuko ko, bago ko siya tinignan mula ulo hanggang paa. Pagkatapos, humalukipkip ako at bored ko siyang pinagmasdan.
“Eh, sa may maipagyayabang ako, e. Anong gagawin ko?” nakataas ang kilay na turan ko.
“Mayabang ka—” Napahinto siya sa kaniyang sasabihin dahil malakas ko siyang sinapak sa mukha dahilan para matumba siya at mawalan ng malay.
Ang dami kasing satsat.
Umupo ako at bahagyang yumuko. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha at hinaplos ito nang marahan. Ang kinis, ah.
May black-eye na s’ya, putok ang labi, at may sugat na rin siya sa mukha.
“Kaawa-awang Angel. . . Nasa ranggo ka na n’yan?” natatawang ani ko, nang-aasar.
Humikab muna ako bago ko kinuha ang balisong mula sa aking bulsa. Hinawakan ko iyon sa pamamagitan ng pahalang na paraan. Ikinumpas ko ito pakanan habang nilalagyan ng pwersa upang humiwalay ang kaliwang hawakan nito.
Nang ito’y humiwalay na ay agad ko itong ikinumpas pakaliwa at ipinaikot ng ilang beses pakanan na parang elesi. Pagkatapos ay ibinalik ko na sa dating puwesto ang kaliwang hawakan na nakalabas na ang kutsilyo mula sa loob nito.
Itinapat ko ang kutsilyo sa kaniyang pinakamamahal na mukha at sinimulan ko nang i-ukit ang maliit na letrang ‘X’ sa kaliwa niyang pisngi. Naglabasan naman ang dugo mula rito.
Napangisi ako lalo sa aking ginawa.
“Opss. . . sorry,” natatawang saad ko habang pinapaikot na muli pakanan na parang elesi ang balisong, pagkatapos ay ibinalik ko na ulit sa dating puwesto ang kaliwang hawakan nito kaya ito’y nasara na. Isinuksok ko na ito pabalik sa aking bulsa sa likod.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Humarap ako sa kanila at pinasadahan ko silang lahat ng tingin hanggang sa napadapo ang aking paningin sa Section Apollyon. Walang emosyon ko silang tinignan, lahat sila ay nakahilata sa lupa. Wala ng malay ang mga ito, epekto ng itinurok sa kanila.
Inilihis ko ang aking paningin sa kanila. Inutusan ko ang ilang kalalakihan na nasa paligid upang buhatin ang mga Section Apollyon at dalhin ang mga ito sa clinic.
---
E R Y X
“WHAT happened?” unang bungad ko pagkamulat na pagkamulat ng mata ni Azaiah. Nandito ako ngayon sa clinic, kasama ang mga kaibigan ko. Nalaman ko kasi kanina na nasa clinic ang Section Apollyon.
Marahan siyang umupo mula sa pagkakahiga, napahawak pa siya sa kaniyang ulo nang bahagya siguro itong kumirot.
Ilang segudo siyang tahimik habang blangko na nakatingin sa harapan. Pagkatapos, tumingin ito sa akin.
“What are you doing here?” tanong nito pabalik sa akin, wala pa ring emosyon.
“Tsk!” tanging sagot ko lamang. Sagutin ba man ang tanong ko ng isa pang tanong.
Tinignan lang ako nito ng blangko bago siya sumandal sa headboard ng hinihigaan niya, at pumikit.
Mayamaya, unti-unti ng nagising ang iba. Kan’ya-kan’ya sila ng daing at mura. May iba na napahawak pa sa kanilang leeg.
“Ano bang nangyari mga pre?” nagtatakang tanong sa kanila ni Nash, isa sa kaibigan ko.
“Bwisit na mga Sonneillon na ‘yon!”
“Madadaya talaga, pota!”
“Mga weakshit! Nagpapasok pa ng outsider!”
“Duwag!”
Inis na sigaw ng iba sa kanila.
Napakunot ang noo ko sa kanilang mga naging turan.
“Napaaway ulit kayo sa seksyon na ‘yon?” tanong ni Sheen, natatawa. Isa rin ito sa kaibigan ko at kaklase ko ngayon.
SHEEN
Aeshma [03]
“Obvious ba, bro?” malditong saad ni Xenon.
Natawa si Sheen sa naging sagot nito, “So natalo pala kayo ngayon ng mga taga-Sonneillon. Clinic ba naman ang binagsakan n’yo,” nang-aasar na saad nito.
“Tanga!” mura rito ni Fynn.
“Gago ‘to, ah! Minumura mo na ako, ha. Matapang ka na ngayon?” nagyayabang na saad ni Sheen, itinaas pa nito ang manggas ng uniporme niya.
“Bulok ka naman,” saad ni Fynn, saka siya nag-dirty finger dito.
“Ah, gano’n.” Lumapit si Sheen kay Fynn at mabilis itong h-in-eadlock kaya nagsitawanan ang iba sa pinaggagawa nila. Hindi ko na lamang sila pinagtuunan ng pansin. Puro mura at daing lang naman ang naririnig ko sa dalawa. Ang lalakas ng tama.
“Ano ba talagang eksaktong nangyari, Kaiser?” tanong ni Kent kay Kaiser na tahimik lamang na nanonood sa mga kaklase niya.
Tumingin ito sa amin. Kinuwento niya ang mga nangyari kanina—sa laban nila ng Section Sonneillon. At ang nakapagpagulat sa ‘kin ay nang sabihin nito na sumali kanina sa laban nila si Hellarian.
“Is she okay?” nag-aalalang tanong ko rito.
“Maybe. Nawalan na kami ng malay nu’ng nakikipaglaban pa rin siya,” seryosong sagot niya, saka na siya tumalikod sa amin at humigang muli.
“Teka lang!” malakas na sambit ni Archy kaya napatingin kami sa kaniya, maliban kay nila Azaiah. Nagsalita siyang muli, “hindi ba kayo nagtataka sa mga naging kilos ni Larian kanina?” tanong nito.
Biglang nagseryoso ang mukha ng mga kasama ko, lahat sila ay tila nagtaka rin sa kapatid kong babae.
“Parang sanay na sanay siya sa mga gano’ng laban,” kunot-noong turan ni Asher na sinang-ayunan naman ng iba.
“Huwag na kayong magtaka. Kaya nga siya napalipat dito dahil sa pagiging basagulera niya. Malamang, sanay na ‘yung makipag-basag ulo,” saad ni Haiden, kakambal ni Hellarian.
“Yap, so ‘wag na kayo magtaka, normal lang sa kaniya ‘yon,” pagsang-ayon naman ni Hades. Napatango-tango ang ilan sa kanila, habang ang iba naman ay tila walang pakialam.
“Sabagay.”
Habang may kani-kaniyang ginagawa ang ilan sa kanila, biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.
Master Yuito calling...
Napakunot ang noo ko nang makita kung sino ang tumatawag. Bakit sa akin tumatawag ang matandang ito?
Sinagot ko ang tawag at itinapat ang cellphone sa tainga ko.
“Eryx,” bungad ng matandang hapon na nasa kabilang linya.
“Konbanwa, masutā! (Magandang hapon, master!)” magalang kong bati. Lahat ng mga kasamahan ko ay napatingin sa akin lalo na si Azaiah.
“Azaia wa doko? Watashi wa kare ni shibaraku denwa o kakete kimashitaga, kare wa ōtō shite imasen! (Where is Azaiah? Kanina ko pa siya tinatawagan, hindi niya sinasagot!)” sambit ni Master Yuito sa seryosong pananalita.
“Watashi wa ima kare to issho ni imasu. Sukoshi mae ni nanika ga okotta nodesuga, kare wa geitaidenwa o okiwasuretanode, anata no denwa ni demasendeshita. (Kasama ko na siya ngayon. May nangyari lang po kanina, at naiwan niya ang cellphone niya kaya hindi n’ya po nasagot ang tawag mo),” sagot ko.
“Kare ni denwa o watashite kudasai. Watashi wa kare to hanashimasu. (Give him the phone. I’ll talk to him),” seryosong saad nito.
Tumingin ako kay Azaiah at ibinigay ang cellphone. Naintindihan naman niya ang aking pinapahiwatig. Kinuha niya ito at kinausap si Master Yuito.
“Gomen'nasai, masutā! (Paumanhin, master!)” magalang na sambit ni Azaiah, wala pa ring emosyon ang makikita sa mata nito habang nakatingin sa harapan niya.
Napatingin ako sa mga kasama ko rito. Ang iba sa kanila ay nakakunot ang noo, curious na curious kung ano ang ibig sabihin ng sinasabi namin. Samantalang ang ilan naman sa kanila ay naiintindihan ang mga salitang binibigkas ni Azaiah, lalo na si Soichi. Pure japanese kasi si Soichi.
“Copy,” huling sinabi ni Azaiah ‘tsaka niya pinatay ang tawag. Tinignan niya ako at binigay sa akin ang cellphone ko.
“Hideout. 7 PM. Pinapatawag tayo ni master.”
Pagkasabi ni Azaiah no’n ay mabilis na siyang tumayo at nilisan ang lugar na ito. Napatingin ako sa wrist watch ko, ala-singko y medya pa lang ng hapon.
“Bakit daw?” nagtatakang tanong ni Clydius. Nagkibit-balikat lang ako at tumayo na rin.
“Who knows,” mahinang sambit ni Kriss. Nagsi-tayo na ang lahat kahit ang ilan sa kanila ay masakit pa rin ang katawan at may pasa. Lumapit ako kay Haiden at inalalayan siyang maglakad, at saka kami sumunod kay nila Azaiah.
Nagtungo kaming lahat sa Sacilians’ Residence. Naglakad kami ng diretso hanggang sa dulo dahil doon nakapuwesto ang mansion ng limang malalakas na section: Apollyon, Sonneillon, Verin, Ornias, at Samael. Naroon din ang mansion naming magkakaibigan. Bago ka makapasok doon ay may gate ulit na dadaanan, pribado kasi ang lugar na iyon. Tanging kami lang ang nakakapasok.
Medyo malayo-layo pa ulit ang lalakarin bago makapunta sa pinakaloob. Habang naglalakad papunta roon ay makikita sa gilid ng daanan ang malinis na bermuda grass at ang mga garden flowers.
Pagkarating na pagkarating namin sa pinakaloob ay makikita sa gitna ang pabilog na malaking water fountain na may four snake statues.
Nagwatak-watak na ang landas namin ng mga taga-Apollyon. Ibinigay ko si Haiden kay Hades upang siya na ang umalalay dito dahil nasa hilagang-kanluran ang mansion na aming tinutuluyan ng mga kaibigan ko, samantalang ang mga taga-Section Apollyon naman ay patungo sa kanilang mansion na matatagpuan naman sa hilagang bahagi.
Pagkarating namin sa mansion ay agad akong nagtungo sa aking silid. Nagpalit ako ng damit, nagsuot ako ng itim na polo at itim na pants.
Tumingin ako sa standing mirror. Binuksan ko ang dalawang botones ng polo ko, pagkatapos itinupi ko hanggang siko ang magkabilang sleeve nito. Nang makuntento na ako sa appearance ko, nagpabango na ako at saka ko kinuha sa aparador ang isang pistol at isinuksok ito sa gun pocket ko na nakadikit sa belt.
Binilisan ko na ang kilos ko at agarang nagtungo sa garahe nitong mansion. Naroon na rin ang mga kaibigan ko, hinihintay ako. Sumakay na sila sa kani-kaniyang sasakyan. At ako, sumakay na rin ako sa itim kong Chevrolet Corvette Z06 na sports car.
Binuksan ko ang makina ng aking sasakyan. Tumingin ako sa harap, unti-unting nagbukas ang harang ng garahe.
Sa pagbukas nito, sunod-sunod na lumabas ang sasakyan ng mga kaibigan ko kaya pinaandar ko na rin ang akin. Nang nasa may daan na kami, dahan-dahan kong inapakan ang gas pedal upang pabilisin ang paandar ko, naunahan ko naman ang sasakyan ng mga kasamahan ko.
Nang nasa may bandang water fountain na kami, nakita ko ang sunod-sunod na sasakyan ng mga taga-Apollyon. Ang angas tignan ng mga ito.
Halos lahat ng nadadaanan naming mga estudyante ay napapatingin sa aming direksyon. Marami ang nagsitabi dahil sa bilis ng mga patakbo namin. Pagdating namin sa gate ng SDU, mabilis na binuksan ng guard ang gate. Hindi na nakakapagtaka, paniguradong tumawag na si Azaiah kay Dean Roger kanina upang humingi ng permiso.
Pagkalabas namin ng school ay halos paliparin na namin ang mga sasakyan namin. Sobrang layo kasi ng hideout namin, at kailangan naming makapunta agad doon. Paniguradong patay kami kay master kapag na-late kami ng kahit ilang segundo lang. Ayaw pa namang naghihintay ng matandang ‘yon.
---
H E L L A R I A N
NANDITO ulit ako sa Dean’s Office. Pinagmamasdan ko si Dean Roger na may katawagan sa phone, seryosong-seryoso ang mukha nito habang nakikipag-usap. Pagkatapos kong makipag-basag ulo kanina ay dumiretso ako saglit sa garden bago ako pumunta rito.
“Si Azaiah,” biglang sabi niya sa akin pagkababa niya ng tawag.
Tinaasan ko siya ng kilay. So, gising na pala ang kumag na ‘yon.
“Siya ‘yung tumawag,” pagpapatuloy niya.
Okay? Gagawin ko?
Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya.
“Anyway, bakit ka nga pala nandito na naman?” kunot-noong tanong niya.
“Hihingiin ko sana ‘yung background profile ng ibang seksyon,” bored na saad ko.
“Why?” nagtatakang tanong nito. Sumandal siya sa swivel chair niya at pinag-krus niya ang kaniyang braso.
“Nothing.”
Bumuntong hininga siya bago nagsalita, “Hindi ko maaaring ibigay sa ‘yo basta-basta ang mga malalaking file tungkol sa kanila.”
“Why?”
“Mas’yadong pribado,” seryosong sagot niya.
“Fine. Kahit small details lang about sa kanila,” sambit ko. Napailing-iling naman siya dahil sa sinabi ko.
“Tsk!” asik niya, saka siya tumayo upang tumungo sa isang malaking shelf. May pinindot siyang kung ano roon, pagkatapos hinawi niya ito upang bumukas at saka siya pumasok doon.
Ilang saglit lang ay lumabas na siya mula roon. Nakita ko ang hawak nitong apat na kulay itim na envelope. Naroon siguro nakalagay ang mga files na naglalaman ng small details tungkol sa kabilang section.
“Here.” Iniabot niya sa akin ito na malugod ko namang tinanggap.
Nice.
Nginisian ko siya. “Thanks, dean.”
“Tsk! Naibigay ko na naman sa ‘yo ang mga details tungkol sa mga kaklase mo. Wala ka na naman sigurong kailangan, p’wede ka ng lumabas, Ms. Luxwell,” supladong sambit nito at saka ako inirapan.
Bahagya akong natawa sa inasta nito, kalauna’y nagbago na naman ang mood ko nang may naalala ako.
Bored na sumandal ako sa upuan. “Rule #2, outsider is not allowed to enter this fvcking university,” walang kagana-ganang saad ko.
Tiningnan niya ako na tila nagtatanong ang mga mata.
“Well, nagpapasok lang naman ng mga outsider ang Section Sonneillon para tulungan silang kalabanin ang Section Apollyon,” pairap kong wika.
Sa tuwing naalala ko ang kaganapan kanina. Natatawa ako na naiinis sa kanila.
‘Yun na ‘yon? Ikalawang ranggo na ‘yung section nilang ‘yon? Eh, mga duwag naman, kailangan pa ng back-up para manalo lang. Takot matalo, amp.
“Ano?!” galit na sigaw niya.
Tiningnan ko siya ng seryoso. “You heard me, right? Tsk! Akala ko ba malakas ang seguridad n’yo? Bakit hindi n’yo namalayang may nakapasok ng iba?” malamig na tanong ko.
Natahimik siya ngunit makikita sa mukha nito ang inis.
Huminga siya nang malalim.
“I’ll talk to them,” mahinanong saad niya ngunit tila na-stress ito sa nalaman. Kinuha niya ang cellphone na nasa lamesa niya, may tatawagan siguro.
Tumayo na ako habang hawak-hawak ang envelope.
Naglakad ako patungo sa pintuan at saka nagsalita ng nakatalikod sa kaniya. “Ciao!”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro