CHAPTER 08
H E L L A R I A N
Napatingin ako sa pinto ng Dean’s Office nang ito’y dahan-dahang bumukas. Iniluwa nu’n ang nakayukong si Hayila na tila hindi napansin ang aking presensya sapagkat panay lamang ito sa pagpahid ng kaniyang luha sa pisngi.
Iniisang hakbang ko ang pagitan naming dalawa. Tumikhim ako upang makuha ang atens’yon nito na s’ya namang ikinaangat ka’gad ng kaniyang ulo. Bahagya pa itong nagulat nang makita ako, at saka ito ngumiti sa ‘kin ng tipid bago dali-daling gumilid. Hindi ko na siya tinignan pa, dire-diretso akong pumasok sa loob ng opisina.
Narinig ko ang mga yapak nito palabas at ang pagsara ng pintuan.
Tinungo ko ang mini sala nitong D.O. kung saan naroon si Dean Roger na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa. Nabaling ang paningin nito sa ‘kin na inismiran ko lamang. Umupo ako sa mahabang sofa; hinagis doon ang aking bag; at pabasag na umupo.
I’m tired.
“Mukhang pagod na pagod, ah? Wala ka naman atang ginawa,” natatawang panimula niya kung kaya’t napa-‘tsk’ ako.
Meron kaya akong ginawa. . .
Matulog sa klase.
“Narinig ko ang pag-uusap ninyo,” pag-amin ko; nakatingin sa kaniyang mga mata ng diretso.
Umiwas siya ng tingin. Mayamaya’y tumingin ito sa ‘kin ng may ngisi sa kaniyang labi, saka ito nagsalita, “Eavesdropping, ha?”
“Well, I’m not. Sobrang hina po kasi ng mga boses ninyo kaya rinig na rinig ko,” puno ng sarkasmong saad ko rito.
Natatawa itong tumingin sa akin. “Fine. Ano bang gusto mong malaman?” tanong niya. Napangisi naman ako. Good for him! Alam na ka’gad niya ang gusto kong ipahiwatig.
“Ano ‘yung Stygian Forest?” mausisang tanong ko ngunit sa halip na sagutin nito ang tanong ko ay tinawanan lamang ako ng loko. “What are you laughing at?” iritableng tanong ko habang nakataas ang kilay. Pinag-cross ko ang aking mga braso at ipinatong ko rin ang dalawa kong paa sa maliit ngunit babasaging lamesa.
“Hindi ko kasi alam na chismosa ka na pala ngayon.” Nagtaas-baba ang kilay nito na animo’y inaasar ako.
“Aw! Hindi ko rin naman alam na kailangan pa pala kitang i-inform,” sagot ko naman rito, nakangiti sa kaniya ng sarkastiko.
“So, chismosa ka na nga talaga?” kunwaring hindi makapaniwalang tugon niya. Nakahawak pa ito sa kaniyang bibig na tila’y nagulat sa kaniyang nalaman.
“So, interviewer ka na pala?” bawi ko naman rito. Ngumiti pa ‘ko lalo sa kaniya na halos sumingkit na ang aking mata. “Hindi mo na ba alam ang pinagkaiba ng chismosa sa curious, ha?” dagdag ko.
Nahagip ko ang palihim na pag-irap nito kaya’t napakagat ako sa aking pang-ibabang labi upang pigilan ang gustong kumawalang mumunting tawa mula rito. Ngayon lamang kasi ako nakakita ng lalaking umiirap. Karaniwan na gumagawa no’y mga babae talaga. Isa pa, ‘yon din ang kauna-unahang nakita ko siyang inirapan ako na akala mo’y isa sa mga babaeng may galit sa ‘kin.
He just looks adorable when rolling his eyeballs.
“Tch! Ayan ka na naman sa curiousity mo, kaya ka nalalagay sa piligro, eh. Ikapapahamak mo lang ‘yan, Ms. Luxwell!”
Matunog akong ngumisi. “Ang mahalaga ay humihinga pa rin ako, Dean Roger.”
“Psh! Kat’wiran mo,” masungit na saad nito at inirapan na naman ako na halos tumirik na ang kulay itim nitong mata.
“I’m just telling the truth!” Ngumisi ako sa kaniya, saka ibinalik ang seryosong mukha nang mapansing iniiba nito ang usapan, “Don’t change the topic, Roger.”
“Bakit ba kasi gusto mong malaman? Au ka ba para sabihin ko sa ‘yo?” tanong nito, nakataas ang parehong kilay.
Mabilis kong ibinato sa gawi nito ang nadampot kong plorera na kaagad namang nasambot ng kaniyang kanang kamay.
Napairap ako sa kawalan habang umiiling-iling. Ang bilis ng kamay, ah.
“Alam mo bang ilang daang libo ang ginastos ko para sa vase na ‘to. Binili ko pa ‘to sa New York ‘tapos ihahagis mo lang sa mukha ko. . . hindi makatarungan,” nakangiwing aniya habang dahan-dahang inilalagay sa dating p’westo ang plorera. He even emphasized the words ‘daang libo’ and ‘New York’ na tila pinagyayabang ito sa pagmumukha ko.
‘Yun na ‘yon?
I tsk-ed. “Well, I can afford to buy you a Qianlong Vase at an auction, Dean!” I boasted, my confidence radiated from my words.
“Really? Bibilhan mo talaga ako? But it costs a million of pesos,” nagagalak niyang tanong na may ngiti sa labi. Wari’y hinihintay din nito ang magiging sagot ko sa kaniyang tanong.
Here we go again, the vase collector. Lumalabas na naman ang pagiging adik niya sa plorera.
“Yes, I know, Dean Roger. . . Remember that I am not Hellarian for nothing; I can buy it for you even if it costs twice or thrice the price. Sabihin mo lang kung ilan ang gusto mo, and I’ll take care of it!” ngising sambit ko habang mayabang at mapanlaro ang tingin.
“Yabang mo!” matabang na tugon nito.
Ipinatong ko ang aking ulo sa sandalan ng sofa. “Sinimulan mo, tinapos ko lang,” nakapikit ang mga matang saad ko. “Now, tell me about that forest.”
Kanina ko pa kasi napapansin na iniiba niya ang usapan. Ano ba kasing meron sa gubat na iyon at parang ayaw niyang sabihin sa akin?
“Okay, okay. Ang Stygian Forest ay isang. . . gubat malamang. Hindi ka ba nag-aral ng kinder, at pati ang tagalog ng forest ay hindi mo alam. . . GUBAT!—” Naputol ang kaniyang sasabihin nang mabilis na napamulat ang aking mata. Malakas kong tinadyakan ang binti niya, saka siya tinaliman ng tingin.
“Umayos ka, kung ayaw mong basagin ko ‘tong mamahalin mong vase diyan sa iniingatan mong pagkalalaki,” banta ko. Diniinan ko pa ang salitang ‘mamahalin’ at bahagyang sinulyapan ang nasa gitna ng kaniyang mga hita.
Daglian naman niya itong tinakpan.
“Oo na, sasabihin ko na,” pagsuko niya. Tumingin siya sa kaniyang kanang bahagi, at tila may sinasabi ito na kung ano hanggang sa nag-init ang ulo ko sa narinig kong binulong niyang, “napaka-initin lagi ng ulo ng babaeng ‘to. Menopause na siguro.”
Walang ingay kong kinuha ang balisong mula sa bulsa ng aking jeans at itinago ito sa gilid ko upang hindi niya makita. Nang nabaling ang paningin nito sa akin, tumingin ako sa kaniya ng walang emosyon ngunit may nakapaskil na sarkastikong ngiti sa aking labi.
Nataguriang kagalang-galang na dean nitong unibersidad subalit kung umasta; akala mo’y isa pa ring estudyante.
Nakita ko ang pagtaas-baba ng kaniyang adams apple nang makita niya ang aking tinginan.
“B-Bakit ganiyan ang tingin mo?” Tila pinipilit nito ang hindi mautal, bagama’t kahit itago man niya ito, kitang-kita ko pa rin ang pasimpleng paglunok nito na nagpangisi sa akin.
Wala pa nga akong ginagawa, kinakabahan ka na.
“Masaya lang ako,” mahinahong saad ko, ganoon pa rin ang ekspresyon.
“Oo nga, ang saya mo nga,” tumatangong sang-ayon niya at hilaw itong tumawa bago muling nagsalita, “..mukha kang papatay.”
Mas lumapad ang ngiti sa aking labi—isang sarkastikong ngiti.
“Malapit na talaga akong makapatay,” mapaklang sambit ko. Ipinakita ko sa kaniya ang balisong na hawak ko at marahas na inilabas sa pagkaka-fold ng matulis na bagay. “Kita mo ‘to? Malamang. May mata ka.” Tinignan ko siya ng kalmado habang hinihimas-himas ang kulay pilak na kutsilyo, saka rumehistro ang ngisi sa aking labi. “Don’t worry, I’ll bury this knife in your throat if you don’t get your shit together!” dagdag ko, nangingibabaw ang diin sa bawat salita.
Bahagya itong namutla habang nakatitig sa balisong na hawak ko. Wala pa mang ilang segundo ay maayos na ang pagkakaupo nito at nginitian ako ng pilit.
“Sabi ko nga, aayos na ‘ko. Ibaba mo na ‘yang hawak mo, at baka masugatan ka pa, you know,” hilaw na sambit niya, hindi mapakali sa kaniyang inuupuan.
Hindi ko itinago ang hawak kong balisong, bagkus pinaglaruan ko lamang ito sa aking kanang kamay habang hinihintay siyang magsalita tungkol sa gubat na iyon.
I’m intrigued. I don’t know why. It’s just that I’m really interested, and something is pushing me to know more about that forest.
Tumikhim siya bago bumalik sa pagiging seryoso ang kaniyang mukha. “Ang Stygian Forest ay isang liblib na lugar. Nobody gets out of there safely. Some students died, disappeared, while others are still unconscious. They were assaulted by those person in black. . . na natitiyak kong mga assassins. Tuwing pagsapit ng biyernes ay mas nagiging delikado ang lugar na iyon sa hindi malamang dahilan. May mga nagtangkang alamin ang totoong nangyayari subali’t makalipas ang ilang araw, matatagpuan na lamang sila sa iba’t-ibang parte ng paaralang ito na halos hindi na makilala at wala ng buhay—tinatawag ang araw na ito na ‘The Friday Night.’
“Maraming mababangis na hayop doon. At base sa mga naging karanasan namin noon, maraming patibong ang nagkalat sa lugar na iyon,” mahabang linya niya habang nakatingin sa akin nang diretso, tila hinihintay nito ang aking sasabihin.
“Okay,” tanging sagot ko lamang. Tumingin ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang ulap mula rito.
Interesting, ha.
Ngunit gayo’n pa man, kinakain pa rin ako ng kuryosidad ko. Hindi ako kuntento sa nalaman ko! Parang may kulang. Para bang may nanghihikayat sa akin na alamin ang lahat. Nagtataka ako kung ano nga ba talaga ang nasa loob ng gubat na iyon, at bakit may mga assassins na pagala-gala roon? Bakit pinupuntirya ng mga nakaitim na iyon ang mga nagtatangkang alamin ang hiwagang nasa loob noon?
Kung ano man ‘yon, malalaman ko rin ‘yon. . . ‘pag nakapasok na ‘ko sa loob ng gubat na iyon.
I had the feeling that someone was looking at me, so I turned to face it. Nakita ko ang pagmumukha ni Dean Roger na masama ang titig sa ‘kin.
I gave him an innocent look. “What?” I asked, calmly.
“Ang haba-haba ng pinaliwanag ko sa ‘yo ‘tapos ‘okay’ lang sasabihin mo? Ayos ka rin, ah,” sarkastikong aniya.
Anak ng tokwa. Parang ‘yon lang, eh.
Ipinaikot-ikot ko sa aking kanang hintuturo ang ilang hibla ng buhok ko. “Ayos talaga ako. . . So, galit ka na n’yan?” pabalang na sagot ko habang walang ganang nakatingin dito.
Mas tumalim ang tingin nito sa akin. “Aba’t—! Ikaw na bata ka, pumasok ka na nga sa room mo!” inis na sabi niya.
Padarag akong tumayo at mabilis na hinablot ang bag ko. Naglakad ako sa direksiyon ng pintuan at mabilis itong binuksan, saka ako muling tumingin dito. “Sabagay! Gan’yan talaga kapag gurang na katulad mo, mabilis magalit. Hays! Roger n’yo, gurang na!” pang-iinis ko rito, nakangisi. Bago pa niya maihagis sa akin ang hawak-hawak niyang blade ay mabilis akong lumabas ng opisina at isinarado ang pinto nang malakas.
“Hoy, ikaw na bata ka! Bente-sais lang ako! Manahimik ka riyan!” rinig kong sigaw niya mula sa loob kung kaya’t napangisi na naman akong muli.
Nakaiilang hakbang pa lamang ako nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko, tanda na may nag-text sa ‘kin kaya kinuha ko ito sa aking bulsa at binuksan ang message.
Napangiwi na lang ako pagkabasa ko sa kaniyang mensahe. Kaninang naroon ako, hindi n’ya ‘to sinabi.
Napailing na lang ako at ibinulsa na ang telepono. Nagsimula na ulit akong maglakad habang walang emosyon ang mata’ng nakatingin sa aking dinaraanan.
Habang abala ako sa pagmamasid sa mga estudyante na nagkalat sa buong paligid ng campus, naramdaman ko mula sa aking likuran na tila may nakatutok sa akin na isang matulis na bagay.
Umikot ako paharap dito. Bumungad sa akin ang isang babae na may hawak na katana—na nakatutok sa aking mukha. Just one wrong move of mine, it could pierce me with the sharp, slightly rounded tip of the blade.
Ang babaeng ito...
Siya ang leader ng Section Samael.
SAMARA SCHILLE
Samael [01]
“What do you need, miss?” malamig na turan ko. Hinawakan ko ang pisngi ng matalim na bahagi ng katana niya, saka ito marahan na ibinaba.
Sa halip na sagutin nito ang aking tanong, inilayo niya sa akin ang kaniyang hawak na katana. Seryoso niya akong tinignan bago hinugot ang isa pang katana na nakasabit sa kaniyang likuran.
Bagama’t nagtataka ako sa kaniyang ginagawa ay hindi ko na lamang ipinahalata ito, nanatiling malamig ang aking tinginan. Nang bigla nitong inihagis sa ‘kin ang kinuha niyang katana, buti na lamang ay nasalo ko ito kung hindi paniguradong tatarak ito sa aking kanang paa.
“Let’s have a sword fight.” Hindi iyon tunog na naghahamon—inuutusan niya ako.
Adik ba ‘to? Bigla-bigla na nga lang susulpot sa likuran ko at tututukan ako ng matulis na sandata ‘tapos ngayon, uutusan pa akong makipaglaban sa kaniya.
“Why would I?” walang emosyon na tanong ko. Itinusok ko ang katana sa bermuda grass at tinungkudan ko ito.
“Why not? Are you scared of me?” seryosong tanong niya na bahagya pang ngumisi sa akin, pinasadahan ako nito mula ulo hanggang paa na animo’y sinusuri ang pagkatao at tindig ko.
Sarkastiko akong napatawa.
Ako raw? Takot sa kaniya? Okay lang ‘yan, hindi naman masamang mangarap.
“What a joker! And why should I be scared of you? Are you Hellarian?” Mapanlaro ko siyang nginisian habang sinasabi ang mga salitang iyon.
“I’m not, but I know you’re Hellarian.”
Kung gano’n, kilala na pala ako ng isa sa malalakas na pinuno ng bawat pangkat.
“Right. Hindi ikaw, ako. Kaya bakit ako matatakot sa isang katulad mo?” Ngumiti ako sa kaniya ng matamis ngunit nakakatakot. “You’re just a little girl in my eyes, darling, whom I can fvcking break the bones if I want to,” madiing sambit ko sa maangas na tono.
Ngumiti lang siya at muling itinutok sa akin ang kaniyang katana.
“Oh! Then, why don’t you fight this little girl in front of you nang magkaalaman tayo, Ms. Hellarian? Well, if I’m just a little girl in your eyes. For me, you’re just a little piece of shit,” nakangising hamon niya.
Tsk.
Akala ko ba’y hindi katangian ng mga taga-Section Samael ang manghamon at makipaglaban kung hindi kinakailangan? Bakit tila yata, iba ang ipinapakita at inaakto ng kanilang pinuno sa akin?
I only responded with a devilish smirk.
Piece of shit, huh? Let’s see.
Pinaikot ko sa aking kanang palad ang katana’ng inihagis niya sa akin kanina, hudyat na tinatanggap ko ang kaniyang hamon.
Gamit ang hawak kong katana, ibinaba ko ang katana nitong nakatutok pa rin sa akin—naglikha ito ng maliit na tunog ng kalansing. ‘Tsaka ko malakas na hinataw ang katana ko sa katana niya gamit ang dalawang kamay ko na ikinabigla niya at naging sanhi upang mabitiwan niya ito. Napayuko rin siya na animo’y nakuba dahil sa malakas na puwersang ibinigay ko.
Nang astang kukunin nito ang nabitawan niyang katana, mabilis kong itinutok sa ibaba ng kaniyang baba ang matalas na dulo ng hawak kong katana dahilan upang mapatayo ito ng ayos at mapatunghay ang ulo.
Nagtama ang aming mga mata na siyang sinuklian ko lamang nang walang emosyon. Kalauna’y nginisian ko rin siya at ibinaba ang espadang hawak ko, saka ako umatras.
Sinipa ko ang kaniyang katana patungo sa kinaroroonan niya na ka’gad naman niyang pinulot.
Napansin ko ang pagdating at pagdami ng mga estudyanteng nanonood sa amin. Parang kanina lamang ay wala silang pakialam sa nangyayari sa kanilang paligid. Pero heto sila ngayon, nagsisiksikan at nagtutulakan upang manood, at gawin kaming entertainment nila. Samantalang ang iba naman ay wari mo’y mga chismosa na sabik na sabik na makakalap ng isang isyung ipakakalat nila sa buong campus mamaya.
Napailing na lamang ako nang makitang nagtutulukan pa ang iba upang makapunta sa unahan at malaman kung sino ang naglalaban.
Narinig ko ang yapak papalapit sa akin.
Isang malakas na tunog ng aming hawak na katana’ng nagbungguan ang tanging narinig sa buong paligid nang bigla itong sumugod sa akin.
Damn her. Buti na lamang at mabilis mag-react ang aking katawan kaya nasangga ko ang atake niya. Balak pa atang puntiryahin ang mukha ko!
Malakas ko siyang sinipa kaya’t napaatras siya.
Muli siyang sumugod sa akin kaya napaatras ako sa bilis ng bawat kilos niya. Sunod-sunod ang paghataw niya sa hawak kong katana, at malakas din ang bawat pagtira niya. Kung kaya’t puro sangga at iwas lamang ang aking ginagawa.
Ganadong-ganado siya sa pagsugod. Mukhang sine-seryoso niya ang laban’g ito.
Nang makahanap ako ng tiyempo ay pum’westo ako na parang uupo, saka siya pinuntirya sa paa subalit mabilis siyang nakatalon. Kaya nang makatayo ako ay muling naglaban ang aming mga katana. This time, I was on offense and she was on defense. Puro masasakit na tunog sa tainga ang nalilikha sa pagdidikit ng aming sandata.
Sa huling pagbubunggo ng aming mga katana ay parehas kaming napaikot at napaatras. Sa pagharap naming muli sa isa’t-isa, pumorma siya na nakataas ang kaniyang kanang kamay habang hawak ang kaniyang sandata, samantalang ako nama’y itinutok lang sa kaniya ang katana na aking hawak.
Muli kong ipinaikot sa aking kanang palad ang katana.
Umatake siyang muli, iwinasiwas niya sa aking ulunan ang blade ng kaniyang katana kaya umiwas ako sa pamamagitan nang pag-bend patalikod. Nang maiwasan ko ang kaniyang sandata ay mabilis akong umayos ng tayo, saka siya sinikmuraan gamit ang dulong hawakan ng katana na naging dahilan nang pag-abante nito.
Walang pag-aalinlangan na nag-tornado kick ako upang sipain ang ulo niya na s’yang ikinaupo niya sa lupa. Ginamit ko ang pagkakataong iyon upang ihataw ang hawak kong katana sa kaniya na mabilis rin namang sinangga ng kaniyang katana.
Nang makatayo siya, itinulak nito ang sandatang hawak ko gamit ang kaniya kaya’t napaatras ako ng kaunti.
Mas naging seryoso siya kaya naging seryoso na rin ako. Ano bang problema ng babaeng ‘to? Sa oras lang talaga na matapos kami rito, siguraduhin lang niyang may maganda siyang rason, kung hindi babalian ko talaga siya ng buto.
Seryoso ko siyang pinagmasdan. Binabantayan ko ang bawat kilos niya.
She dashed towards me and swung her katana to the right side with great force. To defend myself from her attack, the sword in my hand smashed the blade of her katana, creating the sound of clanging metals once again.
Atras-abante ang ginagawa namin sapagkat puro sangga at tira lamang ang nangyayari sa aming laban. Walang gustong magpatalo.
Ilang minuto kaming naglaban gamit ang aming mga hawak na sandata. . . nang matamaan ko s’ya sa kaniyang kaliwang braso na nagdulot ng paglabas ng dugo mula rito.
She looked at it for a moment before attacking me. We fought again until we ripped the fabric of each other’s clothes. Napunit ko ang ibabang parte ng palda nito at ang gilid ng blouse nito, samantalang napunit naman niya ang t-shirt ko nang subukan nitong hiwain ang aking tiyan. Mabuti na lamang ay nakaiwas ako ngunit nahiwa naman ang tela.
Nang sumugod siya sa akin ay mabilis at buong puwersa niyang sinipa ang kamay kong may hawak na katana kung kaya’t tumilapon ito sa medyo malayong parte kung saan naroon ang mga estudyanteng nanonood lamang, bahagya pang napaatras ang mga ito upang hindi matamaan ng matalas na patalim.
Bago pa makasugod sa akin ang babaeng ito, maliksi akong tumakbo papunta sa direks’yon ng lalaking may hawak-hawak na kutsilyo. I swiftly kicked the knife upwards, startling the man. Then I used the Sideswipe to strike the knife’s tip handle with my right foot, throwing it directly at Samara. She stepped back as the knife sank into the bermuda grass next to her foot.
Sinipa kong muli paitaas ang hawak na dart ng isa pang estudyante, saka ito mabilis na sinalo at ibinato sa direksiyon ni Samara na masisigurado kong dadaplis lamang sa mukha niya na umayon naman sa gusto ko dahil nadaplisan nga ang pisngi nito at napaupo rin ito sa damuhan.
Naglakad ako patungo sa p’westo niya. Nang makita niya ‘kong nasa harapan niya ay ngumiti ito sa akin.
“Now, tell me your fucking reason!” malamig na utos ko at inabot ko sa kaniya ang kanang kamay ko upang alalayan siyang tumayo. Aabutin na sana niya ang kamay ko nang may biglang tumulak sa akin ng malakas kaya napasalampak ako sa damuhan.
Anak ng pucha!
Tinignan ko ang gago’ng tumulak sa akin. Sumama ang timpla ng aking mukha nang makita ang buong Section Apollyon at si Larius na tinutulungan si Samara-ng tumayo, mababakasan ang pag-aalala sa mukha nito. Nasisiguro ko rin na si Larius ang tumulak sa akin sapagkat nang makatayo si Samara ay agad niya akong sinamaan ng tingin. Mas tinaliman ko naman siya ng tingin.
Bastardo.
Aalalayan na sana ako nila kuya na tumayo nang pinigilan ko sila. Tumayo ako mag-isa, at saka nilabanan ang masasamang tingin ni Larius. Kahit sila Fynn ay matalim na ang tingin sa akin na hindi ko na lamang pinansin. Mga hudas talaga.
“Tapos na ang palabas, umalis na kayo!” maawtoridad na sigaw ni Bryant kaya hindi magkanda-ugaga ang ibang mga estudyante sa paglisan. Subalit may mga estudyante pa ring matitigas ang bungo, nanatili ang mga ito sa kanilang kinatatayuan at parang ayaw pang umalis. Matapang lang silang tumingin kay Bryant na unti-unti nang naiirita na anumang oras ay sasabog na sa galit. Naglabas ito ng baril at nagpaputok sa itaas kung kaya’t may mga tumakbo dahil sa takot, at meron namang napasinghal muna bago umalis marahil dahil sa inis.
Mainit na naman ang ulo ng isang ‘to.
Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala si Larius at mabilis na hinablot ang kuwelyo ng aking damit.
“What did you do to her?!” galit na sigaw niya sa pagmumukha ko.
Tsk. Susugod-sugod, wala naman palang alam.
“Larius, stop that! Wala siyang ginawa, okay?” mahinahong sabat naman ni Samara, seryoso ng muli ang mukha nito habang pinapakalma ang lalaking may lakas ng loob na hawakan ang damit ko. Hindi siya pinansin ni Larius bagkus mas tumalim ang tingin nito sa akin.
Halatang may gusto ang isang ‘to sa lider ng Section Samael. Akalain mo nga naman.
Nginisian ko siya. “Eh, ano naman sa ‘yo kung may ginawa ako sa kaniya? Why do you care? Boyfriend ka ba n’ya?” Tinignan ko siya ng diretso habang may mapanlarong tingin ang nakapaskil sa aking mukha. “..oh, my bad, halata namang wala kayong relasyon,” dagdag ko. Sarkastiko akong tumawa upang mas galitin pa siya lalo.
Galit s’ya? As if I care. E’di palalakihin ko pa lalo ang galit niya. . . at least, may sense na ang pagkakaroon niya ng galit sa ‘kin.
“Manahimik ka, babae!” Akmang pagbubuhatan ako nito ng kamay nang bigla itong natumba sa damuhan na gawa ng malakas na sapak ni Kuya Hades.
“I’ve already warned all of you, not my sister, Verma!” seryosong banta ni Kuya Hades, diniinan pa nito ang pagkakabigkas sa apelyido ni Larius.
Tinalikuran ko na silang lahat at nagsimulang humakbang paalis, ngunit agad din akong huminto at nagsalita nang hindi humaharap sa kanila. “Sa susunod, Mr. Verma, huwag kang susugod nang hindi nalalaman ang buong pangyayari. Hindi kasi magandang tignan, nagmumukha kang tanga na wala namang alam,” malamig na ani ko kay Larius at tuluyan ko ng nilisan ang lugar na iyon nang hindi nalalaman ang rason ng babaeng ‘yon.
Samara Schilles Fuentes.
She’s really good at using a sword, ha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro