CHAPTER 07
H E L L A R I A N
Bumaba na ‘ko sa hagdan habang itinutupi hanggang siko ang magkabilang sleeve ng aking pang-itaas na damit. Nakasuot ako ngayon ng cloth denim shirt na pinaresan ng black skinny jeans, at white flat sneakers.
Hindi ko na muna sinusuot ang uniporme ko sa kadahilanang hindi ko gusto ang haba ng palda nito—napakaikli. Ngunit naisipan ko na rin namang labhan dahil iyon ang utos ni Dean Roger, ang suotin ko ang aking uniporme kapag pumapasok.
Biyernes ngayong araw at no’ng martes ako nagsimulang pumasok sa paaralang ito. Sa nagdaang dalawang araw, pinagpipilitan ng Section Apollyon na mapaalis ako sa seksyon nila subali’t ni-isang beses ay hindi sila nagtagumpay.
Sa dalawang araw rin na iyon ay may iilan sa kanila na alam ko na ang pangalan, sa tulong ng mga nameplate na nakadikit sa blazer nila. Walang surname ang nakasulat sa plate at idagdag pa na hindi nila mas’yadong isinusuot ang kani-kanilang mga ID kung kaya’t hanggang ngayo’y hindi ko pa rin alam ang kani-kanilang apelyido ‘liban na lang sa iba na naririnig ko kapag tinatawag sila ng mga guro sa last name nila.
We had a wearable student identification card, and at the same time, a nameplate that could be attached to our blazers or any clothing.
Ang ID card namin ay nakapatayo; sa itaas na bahagi ng card na ito nakalagay ang logo at pangalan ng unibersidad, sa ibaba no’n nakadikit ang two-by-two picture, at sa katabi nito ay ang ranggo ng mga estudyante sa paaralang ito—may nakatatak na ‘N/A’ kung hindi kasali sa individual ranking. Sa ibaba ng rank number ay ang numero ng classroom. Sa ilalim ng mga ‘to ay ang buong pangalan ng estudyante, grade and section, adviser, at sa pinaka-ibabang bahagi ay ang pangalan ng dean at pirma nito. Habang ang nasa likod naman nito ay ang mga personal na impormasyon katulad na lamang ng guardian name, contact number, date of birth, at ang barcode.
Ang nameplate naman namin ay hugis parihaba at kulay puti, samantalang ang gilid nito ay kulay ginto; ang nakaukit dito ay ang pangalan lamang ng estudyante. Sa ibaba no’n ay ang pangalan ng section, at ang kasunod naman nito ay numero kung saan ipinapakita nito kung pang-ilan ka sa iyong seksyon—malalaman ito sa pisikal na lakas. Katulad na lamang ng akin;
HELLARIAN ACHLYS
Apollyon [20]
Pang-dalawangpu ako sa section namin sapagkat bagong salta pa lamang ako at hindi pa nila nakikita ang lakas at liksi ko.
Tinignan ko ang aking relo, seven-twenty o’clock na ng umaga. Pagpatak ng alas-otso ay magsisimula na ang klase. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng isang basong tubig. Kinuha ko ang isang egg sandwich na ginawa ko kanina at kinagatan ito habang nagsisimulang maglakad palabas sa bahay na ito.
Nang makalabas ako sa gate ng Sacilians’ Residence, sinubo ko na ang natitirang tinapay. Itinali ko ang nakalugay kong buhok, at saka malalaking hakbang na tinungo ang ikalimang gusali na nasa kanang bahagi ng campus—katabi ng gitnang building. Seryoso ang aking mukha na tinahak ang daan patungo sa room, hindi alintana ang mga matang nakasunod sa akin.
Nang nasa tapat na ‘ko ng pintuan ng Section Apollyon, walang pag-aalanganan na binuksan ko ito at pumasok sa loob.
Nabaling ang paningin ng iba sa ‘kin na may matatalim na tingin. Sa halip na pansinin ang mga ‘to, tutungo na sana ako sa gawi ng aking upuan nang biglang tumayo ang maliit na lalaki na nagngangalang ‘Fynn’ habang magkasalubong ang dalawang kilay nito.
FYNN LEXUS
Apollyon [10]
“Wala ka ba talagang balak umalis dito?!” asik na tanong niya, masama ang tingin sa akin.
“Wala,” tipid na sagot ko, saka nakapamulsang isinuyod ang aking paningin sa kanilang lahat.
Wala rito ang mga kapatid ko, si Dark, at ang leader nilang si Azaiah.
“Hoy, kapatid nila Hades! Sinusubukan mo ba talaga kami, huh?!” maangas na saad ng isa pang lalaki na pinaglalaruan ang dagger sa kamay, siya ‘yung gagong nagbato sa ‘kin ng kutsilyo no’ng unang araw ko rito.
Kapatid nila Hades, amputa. May pangalan ako. Kupal!
Iyan sana ang aking sasabihin subali’t pinanatili ko na lamang na tikom ang aking bibig at nagkibit-balikat bilang sagot dito.
LARIUS
Apollyon [12]
“Tch! Kung bakit ba naman kasi sa section ka pa namin nilagay. Lumipat ka na lang kasi Mas’yado mo ng kina-career ang pagiging estudyante sa seksyong ito!” may pagka-sarkastikong asik ni Fynn.
Ikinuyom ko ang kanan kong kamao para pakalmahin ang sarili nang magsitawanan ang ilan sa kanila matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon sa akin.
Ang dami ring dada ng bubwit na ‘to, eh. Agang-aga. Nakakarindi!
“C-in-areer ko? Psh!” singhal ko. Tinignan ko sila habang dahan-dahang sumisilay ang ngisi sa aking labi. Natatawang sinabi kong, “Pakiwari ko pa nama’y matatalino at magagaling mag-isip ang mga estudyante sa seksyong ito ngunit. . . tila yata’y mali ang aking nakalap dahil sa mga naririnig at nakikita ko ngayon, mukhang hindi nila naisip kung bakit nga ba dito ako nilagay ng dean,” mapang-uyam kong sambit. Mabilis na nag-iba ang timpla ng kanilang mukha at matalim akong tinignan dahil sa aking sinabi.
Napahampas sa kaniyang desk ang isang lalaki na hindi pamilyar sa akin. Ngayon ko pa lamang siya nakita simula nang pumasok ako rito. May long chain dangle earring sa tainga. Maluwag at nakatagilid ang necktie, nakatanggal ang isang botones ng white long sleeve, nakatupi hanggang siko ang sleeve, at wala itong suot-suot na blazer.
I would be lying if I said the way he dressed right now doesn’t suit him. Sa katotohanan nga’y ang ayos nito ngayon ang mas lalong nakapagdagdag ng karisma sa kaniya. He possessed the appearance of a bad boy, good-looking guy, na talaga namang kinahuhumalingan ng ibang kababaihan dito sa school. He also has a well-toned body. Paniguradong habulin ito ng mga kababaihan.
Well! Lahat naman sila ay gwapo at may mga hitsura, mga gago nga lang.
“Nang-iinsulto ka ba?!” inis na sigaw niya habang nanlilisik ang matang nakatitig sa akin.
Based on how he acts right now, I can clearly tell that he’s the type of a serious, hot-tempered man.
Hindi ko alam kung anong pangalan at pang-ilan siya sa malalakas na estudyante sa section’g ito dahil wala naman siyang suot na nameplate o kahit ID man lang.
“Of course… not!” Nakangiting nagkibit-balikat ako. Not a genuine smile but a playfully smile.
“Kuya, huwag mo ng patulan. Babae pa rin ‘yan! At alalahanin mong kapatid ‘yan nila Hades!” pag-aawat ng kahawig niyang lalaki nang susugod sana ito sa akin. Paniguradong kambal ang dalawang ‘to. Ang pinagkaiba lang, mas maayos at casual manamit ang isang ‘to—ang linis niyang tignan, at mas mahaba ang pasensya nito kaysa sa kapatid. He dresses simply yet attracts attention because of his cleanliness. At first glance, you might just say to yourself that he’s the type of man who well-organized at everything.
BLAZE
Apollyon [15]
“Pabayaan mo na lang, p’re!” pagsang-ayon ni Xenon, at hinawakan din ito sa braso upang pigilan sa gusto nitong gawin.
XENON
Apollyon [17]
“Wala akong pakialam kung kapatid pa ‘yan ng mga Luxwell! Bitawan n’yo nga ‘ko! Mas’yadong matabas ang dila ng babaeng ‘yan!” inis na saad niya sa dalawang lalaki. Hindi ko na sila pinansin pa, hindi naman sila ginto para pagtuunan ng pansin.
Tsk! Sayang lang ang laway ko kapag nakipag-bangayan pa ‘ko sa lalaking ‘to.
“Kumalma ka nga, Bryant!” malamig na saad nu’ng lalaking nakaupo sa kaniyang upuan, walang iba kun’di si Kaiser—ang tumatayong pangalawang leader ng seksyong ito. His eyes were pitch-black. It’s intimidating. He had a two block haircut, and a perfect jawline. He dressed in a school uniform.
KAISER SCION
Apollyon [02]
Sacilian Underboss
Dahil lubhang matigas ang ulo ng isang ‘to, hindi nito pinansin ang sinabi ni Kaiser, bagkus tinignan niya ng masama sina Blaze at Xenon na nakahawak sa magkabilang balikat niya.
“Bitaw!” Malakas niyang iwinaksi ang kamay ng mga ‘to na naging sanhi ng tuluyan niyang pagkakawala sa mahigpit na hawak ng dalawa. “Hayaan n’yong turuan ko ng leksyon ang babaeng ‘yan!” maangas niyang dagdag, at nanlilisik na tinignan ako ng diretso sa mata habang siya’y papalapit nang papalapit sa akin.
Siguro kung nandito lang ‘yan no’ng martes, paniguradong hindi siya mapipigilan na makipag-away sa mga taga-section Sonneillon.
Ngayon pa nga lang ay ayaw ng magpaawat.
‘Psh! Bakit kaya hindi siya sa Section Verin napunta? Sobrang haba kasi ng pasensya niya—kasing haba ng bangs ni Dora!’ sarkastikong sabi ko sa aking isipan.
“Hoy! Babae! Ang lakas naman ng loob mong insultuhin kami! Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo ka namin!” mayabang na wika nito. Hindi ako nagsalita, nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang seryosong nakatingin sa kaniya na nagyayabang sa harapan ko.
‘Lol! Sinong tinakot ng hudas na ‘to?’ anang ko sa aking isipan.
Napa-‘tsk’ ako nang bahagya nitong itinulak ang balikat ko kaya napaatras ako ng kaunti.
Itutulak na sana niyang muli ang aking balikat nang mabilis ko iyong hinuli, saka pinaikot dahilan para mapahiyaw ito sa sakit.
Inilapit ko ang mukha ko rito. “Paalala lang; teritoryo ko na rin ‘to simula ng i-apak ko ang paa ko rito!” malamig kong sambit habang mahinang tinatapik-tapik ang pisngi nito. Hindi ko binitiwan ang kaniyang kamay at mas lalo ko pang diniinan ang pagkakahawak dito na ikinaigik niya sa sakit. Nagsilapitan ang ilan sa mga kaklase namin at inawat kami, samantalang ang iba nama’y nanatili sa kani-kanilang upuan habang natutuwang hinihintay ang susunod na mangyayari.
Binalingan ko ulit ng malamig na tingin si Bryant, ‘tsaka ko padarag na binitawan ang kamay nitong namumula.
Akma niya akong susugurin nang maagap siyang hinawakan sa magkabilang braso nina Blaze at Xenon, nagpumiglas naman ito ngunit hindi siya hinahayaan ng dalawa na makawala.
“That’s enough, Bry!” Napatingin kaming lahat sa lalaking bagong dating pa lang na ngayo’y nakasandal sa pintuan. Kalmado ang tingin nito, at gaya ng unang kita ko sa kaniya—may suot na naman itong eye glasses habang dala-dala ang isang libro.
Dark Kean.
Napatigil naman niya sa pagpupumiglas si Bryant at hindi lang ‘yon, nakita ko ang biglang paghinahon ng mukha nito.
Wow. Just wow! Napahinahon niya ang isang Bryant.
Ngayon ko lamang napansin na may mahigpit din palang nakahawak sa magkabilang braso ko na halos parang ayaw na ‘kong pakawalan. Tumingin ako sa mapangahas na humawak sa akin, at marahas na iwinaksi ang kamay nito.
Naglakad ako papunta sa gawi ng pintuan kung saan naroon si Dark. Nang nasa tapat na niya ako, tinignan ko siya panandalian datapwa’t hindi man lang ito lumingon sa akin.
Nahagip ng mata ko ay nameplate nito;
DARK KEAN
Apollyon [03]
Ibinaling ko ang aking paningin sa harapan at tuluyan na ‘kong lumabas sa pintuan na iyon. Dumiretso ako sa may railings, at saka lumanghap ng sariwang hangin upang kahit papaano’y mabawasan ang init ng ulo ko. Aga’ng-aga binubwisit nila ako.
Ilang minuto akong nasa ganoong p’westo nang may naramdaman akong presens’ya, napatingin ako sa gilid ko, at doon ko nakita ang pangit na pagmumukha ng kakambal ko.
HAIDEN ARCHE
Apollyon [16]
“Anong ginagawa mo riyan?” masungit na tanong ko, at muling ibinalik ang aking atensyon sa harapan kung saan tanaw ko ang nasa ibaba. Kaunti na lamang ang mga estudyanteng pagala-gala sa field sapagkat malapit ng magsimula ang klase.
“Aga’ng-aga, ang sungit-sungit mo!” reklamo nito na ikinaikot ng eye balls ko.
“What happened?” rinig kong tanong ng isang baritonong tinig mula sa loob ng silid.
“Ah, eh, w-wala ‘yon, Azaiah. Maiit na alitan lang,” sagot ng pamilyar na boses, sa pagkakatanda ko’y pagmamay-ari iyon ni Xenon.
“Teka nga! Maiba ako.” Sumeryoso ang mukha nitong nasa gilid ko. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito sa akin na ikinatango ko upang hindi na siya mag-alala pa.
“GOOD MORNING, Section Apollyon!” Sir Juarez greetings, our teacher in Precalculus. Kalalabas lang ni Sir Anajao kanina, at siya ang sunod na guro namin ngayong umaga.
Sa pagkakatanda ko ay nasa twenty-six pa lamang siya, iyon ang sinabi niya nu’ng unang pasok ko rito.
Sa paaralang ito, lahat ng subject sa senior high ay pinag-aaralan namin. Wala ritong mga tracks and strands.
Some of my classmates stood up to greet him back, however, the rest seemed to have their own freaking worlds. Sir Juarez nodded as a sign that they could now sit down.
Naramdaman kong may nakamasid sa akin kaya hinanap ko ito. Sumalubong sa ‘kin ang kulay abo’ng mga mata na malamig na nakatitig sa ‘kin. Kung ibang tao ang makakakita ng gano’ng klaseng tingin ay paniguradong maninindig ang balahibo sa takot.
Hindi man lang nito iniiwas ang mata niya nang tumingin ako pabalik, sa halip parang sinusuri nito ang buong pagkatao ko. Gayunpaman, kahit nagulat ako sa paraan ng pagtingin nito sa akin, nakipagtitigan din ako sa kaniya ng walang emosyon ngunit naroon ang lamig.
“Our lesson for today in pre-calculus is all about Introduction of Conic Section,” I heard sir Juarez said. “Kindly get your book in pre-calculus, and open it on page six,” he added.
Nakita ko sa aking peripheral vision na may ilan sa mga kaklase ko ang sumunod sa utos niya.
Kahit na nagsasalita sa unahan si sir, hindi namin ito inalintana, bagkus patuloy pa rin kami sa pagtititigan ng malamig ni Azaiah, animo’y nasa isang patimpalak kami na tinatawag na eye-contact na kung sino ang unang bumitaw ay s’yang talo. Sa kaso naming dalawa ngayon, walang gustong umiwas ng tingin.
Narinig kong may itinanong si sir ngunit ipinagsawalang-bahala ko lang ito. Siguro naman ay may sasagot sa katanungan niya.
Ilang minuto rin ang itinagal ng tinginan namin ni Azaiah. Sa huli, siya rin agad ang bumitaw ng tingin dahilan para mapangisi ako.
“Class! Whatever you’re doing right now, stop that for a while. Focus your attention on our lesson, and listen carefully!” matigas na saad ni sir, mababakasan ang awtoridad sa boses nito.
“Again, what is conic section and its type?” tanong ni sir habang nagbubuklat ito ng libro.
“Conic section is also known as conic. In mathematics, the intersection of a plane with a right circular cone forms a particular shape. The four types of conic section are circles, parabola, hyperbolas, and ellipse.” Napatingin ako kay Dark nang siya ang sumagot sa tanong ni sir, seryoso ang mukha nito habang diretso ang tayo.
Naka-side view ito sa akin kung kaya’t malaya kong pinagmasdan ang mukha nito, mula sa light-brown at seryoso niyang mata, ang cute nitong matangos na ilong, ang mapupula niyang labi, ang kaputian ng balat nito, at ang suot nitong eye glasses na bumagay sa maamo niyang mukha. Maayos at presentable ang kasuotan nito gayundin ang kaniyang buhok, halatang isa siya sa seksyong ito na malinis at maalaga sa katawan.
“Very well said, Mr. Arcilla!” papuri ni sir. Bahagyang yumuko si Kean bilang paggalang, saka siya umupo sa kaniyang upuan.
Naramdaman siguro niyang may nakatingin sa kaniya kaya’t inilibot nito ang kaniyang paningin sa paligid at huminto sa gawi ko dahilan nang pagtatama ng aming mga mata. Walang emosyon lamang ang mata ko habang siya’y tinitignan hanggang sa s’ya ang kusang umiwas ng tingin.
Napailing na lang ako at itinuon ang pansin sa harapan. Kinuha ni sir ang black marker sa lamesa, at saka ito gumuhit ng hugis cone sa white board.
“Before proceeding to the four different conic section… First, let us familiarize our cone.” Ipinakita niya ang cone na kaniyang i-d-in-rawing.
“So, we have its parts.” Itinuro ni sir Juarez ang hugis bilog na nasa ibabang bahagi ng cone gamit ang marker na hawak niya. “This is the BASE,” wika niya, ‘tsaka isinulat ang salita sa board, pagkatapos ay itinuro naman niya ang magkabilang linya ng cone bago nagsalita at isinulat ang, “…the SLANTING HEIGHT.”
Nagsalita siyang muli habang itinuturi ang linya sa gitna ng apa, “And last, this is called the ALTITUDE.” Katulad ng ginawa n’ya kanina ay isinulat din niya ito.
“Base, slanting height, and altitude. Those are the parts of a cone,” seryosong pagpapaliwanag niya. “So, now, we will be discussing the first part of the conic section, which is the circle. . . Can someone tell what the circle is?”
Napataas ang kilay ko nang tumayo ang kaklase kong lalaki na makulit, Clydius. May subo-subo itong lollipop sa bibig na s’yang nagpa-cute pa lalo sa kaniya.
“Yes, Mr. Lim?”
“Ang circle po ay bilog sa tagalog katulad po nito,” parang batang anito habang natutuwang ipinakita ang larawan ng isang may katandaang lalaki—hindi ako pamilyar sa mukha no’n
One word to describe this kid. Maloko.
Talagang pina-photo copy pa niya ang mukha ng kung sino mang lalaki ‘yon, kitang-kita ang bilugan at makintab nitong ulo sa larawan.
Ang sumunod na nangyari ay nagtawanan na silang lahat kahit ang mga yelong lalaki ay napangisi sa kaniyang kalokohan.
“Ano pong nakakatawa?” inosenteng saad niya, pinalobo nito ang kaniyang magkabilang pisngi habang mahinang pumapadyak-padyak sa sahig. Napailing na lamang ako dahil sa inakto nito.
He’s indeed childish! So cute.
Tumikhim si sir kaya nakuha niya ang atensyon naming lahat, napailing-iling ito sa kalokohang isinagot ng bata.
“You may now sit down, Mr. Lim! Thank you!” Umupo na si kiddo sa upuan niya habang nakanguso.
Napansin ko naman ang biglang pagtayo ni Kuya Hades.
“Circle is the set of all points in a plane that are at a constant distance, the radius from the fixed point. And the fixed point is called the center of a circle,” mabilis na sagot ni Kuya Hades, at agad na umupo sa kaniyang upuan.
“Very good, Mr. Luxwell!” Tumango lamang si kuya bilang tugon sa papuri ni sir.
“What was the standard form of the circle?” sunod na tanong niya.
“Quantity x minus h squared plus quantity y minus k squared is equal to r squared. [(x-h)²+(y-k)²=r²]” seryosong sagot ni Azaiah nang hindi man lang tumatayo.
Napatango-tango si sir sa sagot nito. “What about the general form of the circle? Anyone?”
“x squared plus y squared plus Dx plus Ey plus F is equal to zero. [x² + y² + Dx + Ey + F = 0]” mabilis na sagot naman ni Kaiser, nakaupo lamang din ito sa kaniyang upuan habang sinasabi ang sagot niyang iyon.
Pagkatapos sumagot ng dalawa ay pinuri din sila ni sir. Idinukdok ko na lamang ang mukha ko sa desk at hindi na nakinig. Geez, inaantok pa ‘ko.
Narinig kong nagsisimula ng muli sa pagtuturo si sir. Minsa’y naririnig kong siyang may pinupuri kapag ito’y nakakasagot. Nakaramdam ako ng antok kaya ipinikit ko ang aking mata hanggang sa nilamon ako ng kadiliman.
NAALIMPUNGATAN ako ng maramdamang may yumuyugyog sa akin. Tinampal ko ang kamay nito ngunit wala pang isang segundo, niyugyog ako nitong muli kaya sa inis ko, masama ko itong binalingan ng tingin.
“What?!” malamig na asik ko sa isa kong kaklase. Tinignan ko ang nameplate nito.
KRISS
Apollyon [19]
Bahagya pa itong nagulat pero kalauna’y itinuro nito ang nasa harapan dahilan para tignan ko ang kaniyang itinuturo. Nakita ko ang seryosong mukha ni sir Juarez na nakatingin sa akin.
Hindi pa rin pala tapos ang klase niya.
Umayos ako ng upo at bagot na tumingin sa kaniya, nagpapahiwatig kung anong kailangan nito sa akin. Wala ako sa kundisyon para magsalita dahil kagigising ko lamang at talaga namang bitin ang tulog ko. Tch!
“Why are you sleeping in my class, Ms. Luxwell?” mariing tanong nito.
“Inaantok?” patanong ko saad na naging dahilan para patayuin ako nito na walang gana ko namang sinunod.
“You’re not even listening to my class. Marahil alam mo na ang itinuturo ko kaya natutulog ka na!” Matiim ko siyang pinasadahan ng tingin, hinihintay kung ano pa ang kaniyang sasabihin o ipapagawa sa akin. Mukhang nakuha naman nito ang gusto kong ipahiwatig.
“I want you to answer this equation,” ma-awtoridad na saad niya habang nakaturo sa puting pisara, kung saan naroon ang gusto niyang ipasagot sa akin.
Nakarinig ako ng matunog na pagngisi mula sa isang tao. Iginala ko ang aking paningin sa buong classroom, at huminto ito sa nakangising mukha ni Fynn. Tch! Ang bubwit na lalaking ito siguro ang nagsabi kay sir na natutulog ako, kita ko iyon sa mga mata at pagkurba ng kaniyang labi. Sarap tirisin ng lalaking ‘to!
Pinagmasdan ko ng mabuti ang equation na nakasulat sa board.
Transform the General Form x²+y²-10x+18y-63=0 of a circle into Standard Form. Find the center and radius.
“Come here!” utos ni sir.
-10 divided by 2 is equal to -5, and (-5)² is equal to 25.
“Ms. Luxwell? Makikipagtitigan ka na lang ba sa board?” tanong ni sir ngunit hindi ko ito pinansin.
18 divided by 2 is equal to 9, and 9² is equal to 81.
“Ms. Luxwell?!”
The square root of 25 is 5, while the square root of 81 is 9.
Quantity x minus five squared will become x minus five equated to zero, then transpose the negative five into positive five; as a result, x is equal to +5. While the quantity y plus nine squared will become y plus nine equated to zero, then transpose the positive nine into negative nine; so, y is equal to -9.
Thus, the center is +5 and -9.
“Ms. Luxwell!”
“Larian!”
63 plus 25 plus 81 is equal to 169, and the square root of 169 is 13. Therefore, the radius will be +13.
“HELLA—” Itutuloy pa lang sana ng ilan sa kanila ang pagbanggit sa pangalan ko nang samaan ko ang mga ‘to ng tingin. Kagugulo! Kitang nagso-solve.
Tumingin sa akin si sir bago nagsalita, “Come here, and solve this equation.”
Imbes na sundin ang utos nito, tumingin ako sa harapan ng diretso. “The standard form of that equation is quantity x minus five squared plus quantity y plus nine squared is equal to one hundred sixty-nine, and the center is positive five and negative nine, while the radius is positive thirteen. [The standard form of that equation is (x-5)²+(y+9)²=169, and the center is +5 and -9, while the radius is +13].”
Umupo ako pagkatapos kong sabihin iyon.
Hindi makapaniwalang tumingin ito sa akin kaya napataas ang aking kilay. Mayamaya’y nabalik sa pagiging seryoso ang mukha nito.
“Kindly write your solution on the board,” seryosong utos niya sa akin. Nabigay ko na nga ang sagot, ‘tapos papagurin pa ang kamay ko sa pagsusulat. Geez!
“May I refuse?” I asked, but he slowly shook his head as an answer.
“Baka naman kasi hinulaan mo lang kaya ayaw mong i-solve,” insultong saad ni Fynn. Nginisian ako nito na sinabayan ng tawa ng iba.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang matunog na pagngisi ni Bryant. Naiirita talaga ako sa dalawang ‘yan, isama pa ‘yung tarantadong si Larius. Sarap pagbabalibagin!
“You’re so stupid!” prangkang saad ko kay Fynn habang seryosong nakatingin sa kaniya na matalim ang tingin sa akin. “Mind to tell me, kung paano ko nasabi ang tamang standard form ng equation na ‘yan kung hinulaan ko lang? Oh!—Anyway, tama ka nga! Hinulaan ko lang talaga ang TAMANG sagot. Bilib ka na ba n’yan sa akin? Pero s’yempre, mas bilib pa rin ako sa ‘yo—ang bobo mo kasi!” puno ng sarkasmo na wika ko na mas lalong ikinasama ng awra nito. Bubuka palang sana ang bibig nito nang nagsalita na si sir.
“Okay! Okay! Stop arguing, class!” pagg-aawat niya, sinusubukang alisin ang tensyon sa pagitan naming dalawa, bago nabaling ang paningin sa akin. “Ms. Luxwell, could you write down your solution on the board so that we can see how you get it?” mahinanong tanong ni sir, wala akong nagawa kun’di gawin na lamang ang gusto niya.
Kinuha ko ang black marker sa kamay ni sir, at walang paligoy-ligoy na nag-solve sa pisara. Dire-diretso ‘kong isinulat ang solusyon na kahit ako mismo’y hindi ko masundan ng tingin ang kanan kong kamay na nilulutas ang equation dahil sa bilis nitong gumalaw.
Humarap ako sa kanila ng walang emosyon matapos kong sagutan ang nasa pisara.
“Wala sa bokabularyo ko ang manghula.” ..lalo na ang magpatalo.
Tinignan ko si Sir Juarez sa mata, kita ko ang gulat dito, bahagya pang nakanganga ang bibig nito. Okay? Anong nakakagulat? Basic math lang naman ‘yan.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang baba nito, saka ito itinaas upang magdikit ang pang-itaas at ibabang labi niya. Dahil sa ginawa ko ay napaigtad ito, at lumayo sa akin ng kaunti.
Kasabay ng pagtikhim niya ay ang pagtunog ng bell kaya humarap na siya sa mga kaklase ko habang ako naman ay naglakad tungo sa aking upuan.
“Your answer is correct, Ms. Luxwell! Excellent!” Hindi ko na lamang pinansin ang papuri nito. Kinuha ko na ang aking bag dahil recess na rin naman.
“That’s all for today! Class dismissed.” Niligpit ni sir ang gamit niya bago tuluyang lumabas dito sa classroom.
Sinukbit ko na rin ang bag ko, at walang lingon-lingon na lumabas kahit pa narinig kong tinatawag ako nila kuya.
Nahagip ng mata ko ang pigura ni sir na papalapit na sa elevator, kaya dagli akong tumakbo papunta sa gawi niya.
“Sir!” pasigaw na tawag ko. Dahan-dahan itong lumingon sa akin na may nagtatanong na tingin. Nang makalapit na ‘ko sa p’westo niya, yumuko ako bilang paggalang, saka ko iniangat ang aking
ulo.
“Why, Ms. Luxwell? May kailangan ka ba?” mahinahong tanong niya pero naroon pa rin ang pagka-seryoso sa boses.
“Uhm! I just want to apologize for my behavior earlier. I’m really sorry!” sinserong saad ko, nakatingin ng diretso sa mata niya.
Ngumiti siya sa ‘kin, at p-in-at ang ulo ko. Eh?
“It’s okay!”
NANDITO ako sa tapat ng opisina ni dean nang bigla akong nakarinig ng nag-uusap mula sa loob kaya hindi ko na muna binuksan ang pintuan. Sa halip, napagpasyahan kong hintayin na lamang silang matapos bago ako pumasok sa loob.
Inabala ko ang aking sarili sa pagtingin-tingin sa paligid para kahit papaano, hindi ako mabagot.
“Makinig ka sa ‘kin, Hayila! Hindi ako papayag na pumunta ka sa Stygian Forest. Alam mo kung gaano kadelikado ang lugar na iyon, baka kung ano pang mangyari sa ‘yo ro’n!” rinig kong sigaw sa loob—hindi gano’n kalakas, hindi rin gano’n kahina. Sakto lang ang lakas para marinig ko.
Hindi ko man intesyong makinig ngunit inaatake na naman ako ng pisteng kuryosidad ko.
Stygian Forest? Ano ‘yon?
---
SACILIAN-DEVILUNA UNIVERSITY:
(Student ID)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro