Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 04

H E L L A R I A N 

10 RULES OF SDU —

     Iyan ang nakasulat sa computer screen.

     “RULE #1: You can’t kill your fellow students unless they invite you to an underground battle or if the Bloody Night came,” pagsisimula ni Dean Roger sa pang-unang alituntunin ng paaralan.

     Humakbang siya papalapit sa lamesa.

     “Hindi ka maaaring pumatay ng kapwa mo estudyante, may kasalanan man ito sa ‘yo o kahit ano pa mang rason mo.”

     Huminto siya saglit sa pagsasalita at tinungkod ang dalawang kamay sa lamesa bago tumingin sa akin ng diretso.

     “Maliban na lang kung. . . hinamon ka nito ng isang d’welo sa underground arena o kaya’y kapag sumapit na ang ika-limang buwan ng gabi na tinatawag na ‘Fifth Month’s Night’o mas kilala bilang Bloody Night,” dagdag niya.

     Umayos ito ng tayo bago tumingin sa futuristic screen.

     “RULE #2: You are not allowed to let an outsider enter this university.”

    “Hindi ka pinapayagang magpapasok ng mga taong hindi nag-aaral o nagtatrabaho rito. Sa madaling salita, hindi pinapayagang maglagi o manatili rito ang mga taga-labas dahil kailangan naming siguraduhin na protektado ang buong paaralan,” paliwanag niya, saka muling gumalaw ang nasa screen at nalipat ito sa sunod na alintuntunin.

     “RULE #3: Do not betray your group or section,” matigas na pagkakasambit niya.

     “RULE #4: Do not declare a war against your group,” sambit niya sa pang-apat na batas habang naglalakad-lakad. “Para lang din itong katulad ng ika-tatlong alituntunin, maging tapat ka sa kanila. Hinding-hindi ka pinahihintulutan na mag-diklera ng gulo laban sa iyong kagrupo. . . kung ayaw mong iyon ang maging dahilan ng pagkasira ng inyong samahan at ang pagkawala ng seksyon ninyo sa paaralang ito. Being loyal to your group is a must. Hindi kailangan ng paaralang ito ng mga traydor,” mariing pagpapatuloy niya.

     “RULE #5: You must respect and follow your leader especially the top five strongest sections.”

     Ooh, the rule that Kaiser stated earlier. Psh! Anyway, why would I follow that rule? As I’ve said, I don’t need a leader who will order me whenever he wants; I don’t want to be their servant. In short, I don’t fvcking need them!

    “RULE #6: You are not allowed to disseminate publicly or externally share information about what is going on inside this university.”

     “Kapag nalaman namin na ipinagsabi mo sa publiko ang mga nangyayari sa paaralang ito, prepare your body and life. . . because you’ll find exactly what you’re looking for.” May pagbabanta sa boses nito na inikutan ko lang ng mata.

     Labagin ko pa ‘yang ika-anim na batas nila, eh. Wala naman akong paki. At saka, hindi naman ako chismosa para i-chismis pa ‘yon sa labas.

    “RULE #7: Do not talk to other sections or groups if you’re in an underground fighting arena.

     “Hindi ka maaaring makipag-usap o dumikit man lang sa ibang pangkat kapag nasa underground arena ka. Just focus on how to defeat your opponent. You need to be serious. So that they won’t be able to determine what’s on your mind or what will be your next move,” mahabang linya niya.

     “RULE #8: You can’t declare a rivalry between your organization and another university’s group unless the Mafia Emperor says so,” seryosong saad niya.

    “Mafia Emperor?” takang tanong ko sa kaniya.

    I gave him a serious look, wondering kung sino ‘yung mafia emperor na tinutukoy niya. Hindi ko alam pero may parte sa akin na kailangan kong malaman kung sino ‘yon.

    Imbes na sagutin nito ang aking katanungan, nginitian lamang ako nito na siyang ikinairita ko.

    Curiosity kills me.

    “RULE #9: You must respect the Staffs and Dean of this university, especially the new owner.”

     “Who the hell is that new owner?” inis na tanong ko na hindi na naman niya sinagot.

    Hindi ko pa nga nalalaman kung sino ‘yung Emperor ‘tapos heto naman ngayon—new owner? The fuck!

    Ayaw na lang sabihin kung sino man ang mga ‘yon, masyadong pa-suspend. Ibitin ko ‘to patiwarik, eh.

    “And lastly, RULE #10: You must follow the rules set down by the school’s first owner, the person who built this university.”

    “Paano kung labagin ko lahat ‘yan?” naghahamon na tanong ko kaya sumeryoso ang mukha nito

    “Then, you will face the consequence. Simple as that,” tugon nito.

    “I forgot—” Hindi natuloy ang kaniyang sasabihin nang biglang tumunog ang bell.

    “That’s all for now! Go back to your room; your class is about to start.”

    “SAAN ka galing kanina? Hindi kita nakitang kumain,” baling na tanong sa ‘kin ni Kuya Hades nang makalabas na ang guro namin sa physics.

    “Diyan lang sa tabi-tabi. Nakatulog ako kaya hindi na ‘ko nakakain,” pagsisinungaling ko sa kaniya habang isa-isang ipinapasok ang aking gamit sa bag.

    Oras na kasi ng tanghalian namin ngayon kaya inaayos ko na ang mga gamit ko. Ang bilis nga ng oras, eh.

     Nang matapos ko itong maayos, isinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat, saka ako humarap sa kaniya.

     “Nakita mo na ba si kuya—” Pinutol ko ang kaniyang sasabihin sa pamamagitan ng malamig kong tingin.

     “Mauna na ‘ko,” pagpapaalam ko rito. Hindi ko na sinulyapan pa ang mga kaklase niyang nakamasid sa amin.

    Bago dumiretso sa cafeteria, dumaan muna ako sa nakita ko kaninang bulletin board na may nakapaskil na ranggo ng estudyante—katabi lamang ito ng opisina ng mga student councils.

    TOP 15 INDIVIDUAL RANKING,’ basa ko sa aking isipan.

     “Ngayon lang kita nakita rito. I guess, you’re the new transferee?” tanong ng babaeng biglang sumulpot sa tabi ko.

     Ano bang sa tingin n’ya?

    Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon nito sa ‘kin. Tumango na lamang ako bilang tugon sa sinabi niya bago ko siya hinarap.

    “I see.” Tumatango-tango siya. “I’m Alexandra Mische from Section Samael and also, the SSG Vice President.”

  Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay.

     Pinasadahan ko lang iyon ng tingin at binalik kong muli ang aking paningin sa kaniyang mukha. Nakangiti pa rin ito sa ‘kin ng malawak.

     Tch.

    Inilahad ko na lang din ang aking kanang kamay at nakipag-shake hands sa kaniya.

    Walang emosyon kong ipinakita rito ang suot-suot kong ID na ibinigay ni Dean Roger kanina, iyon ang naging daan ko para magpakilala sa kan’ya. Mahina naman itong natawa sa paraan ng aking pagpapakilala. Eh?

    Anong nakakatawa?

    Ibinalik ko na lang muli ang aking paningin sa bulletin board.

    “Napansin kita kanina sa may bintana na papunta sa gawing ito kaya lumabas ako and then, nakita kitang tinitignan itong individual ranking,” biglang saad niya sa akin.

     “Gusto ko lang malaman kung sino-sino sila,” malamig na saad ko kaya napatango ito ng sunod-sunod. “You said a while ago that you are the Vice President, right?” biglaang tanong ko habang hindi pa rin siya tinitignan.

    “Y-Yes. Why?” Halata sa tono ng pagtatanong nito ang pagtataka.

     “P’wede mo bang sabihin kung paano makakasali sa ranggo na ito?” diretsong tanong ko.

    “Bakit gusto mong malaman?”

     “Kasi—new student pa lang ako? At interesado akong malaman ang tungkol sa mga ganitong bagay?” patanong na sagot ko na may halong pagkasarkastiko.

     “Ah... y-yeah, sure,” pilit-ngiti niyang sabi.

     Tumikhim siya at humarap din sa bulletin board. “Makakasali ka lang dito kung desidido ka talagang mapasabak sa ‘leveling’ na isinasagawa ng isang beses sa isang taon,” pagsisimula niya.

    “Leveling, ha?” interesadong tanong ko habang nakatingin ako sa kaniya gamit ang peripheral view ko.

    “Yes, kung saan nangyayari dito ang iba’t-ibang laro sa bawat level, ito ay ginaganap magubat na lugar. Madali lang naman ang leveling na ito. Kailangan mo lang makakuha ng maraming puntos sa lahat ng level at maka-survive dito ng hindi namamatay,” paliwanag nito, sa bawat pagbigkas niya ay may diin sa ibang salita na sa pandinig ko ay tila minamaliit ako nito na hindi ko kakayanin ang mga pagsubok na iyon. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang bahagya nitong pag-ngisi.

    Ilang saglit lamang ay humarap ito sa akin at ngumiti ng malawak.

    “Kung may underground battle para sa ranggo ng mga sections, meron namang laro para sa ranggo ng mga indibidwal. . . at si Prime Azaiah, ang nangunguna sa individual ranking na iyon.”

    Nangunot ang aking noo.

    “Prime Azaiah?” Huminto ako saglit bago nagpatuloy sa pagsasalita, “you’re referring to the leader of Section Apollyon, am I right?” patanong na saad ko na ikinatango niya.

    “Yes, si Prime Azaiah Miller Arguelles. . . Siya ang laging nangunguna sa individual ranking kada-taon kaya laging sa kaniya rin napupunta ang titulo bilang highest superior ng paaralang ito. ‘Yon ang dahilan kung bakit siya tinatawag na prime ng lahat,” paglalahad niya.

    Kaya pala gano’n na lamang ang tawag sa kaniya ni Abby kanina pero bakit Azaiah lang ang tawag sa kaniya ng mga kaklase niya?

    Malamang, magkakaibigan sila, eh,’ tugon ng aking isipan.

    “Sa katunayan, kalahati sa libo-libong estudyante rito ay may mga ranggo, sadyang ang nakapaskil lamang talaga sa bulletin board na iyan ay ang top fifteen dahil sila ang malalakas na estudyante rito. . . At sa ilang libong ranggo na iyon..” pabitin na saad nito, saka itinaas ang suot niyang ID at ipinakita sa akin ang numero roon. “Nasa ika-apatnapung ranggo lamang ako.”

    Ang kaninang masiglang boses nito ay napaltan ng mapait na tawa.

    “I smell something fishy,” komento ko habang nakatakip ang hintuturo sa aking ilong.

    “What’s that? Wala naman akong naamoy,” nagtatakang tanong nito habang nakakunot ang noo. Inamoy pa nito ang kaniya paligid, saka ang kaniyang damit.

    “Nangangamoy inggit,” mapanlarong saad ko, pilit sinusupil ang gustong kumawala na ngisi sa aking labi.

    “I’m not!” agaran niyang depensa na medyo napalakas pa ang boses. Tila natauhan naman ito at tumingin sa akin ng may paumanhin sa mukha. “I’m sorry,” nahihiyang paumanhin niya at ngumiti ng pilit.

   “Yah, yah, sure. You’re not,” walang ganang wika ko, mahihimigan sa boses ko ang pagiging sarkastiko. “Anyway, ang sabi mo, madali lang ang ‘leveling,’ bakit nasa ika-apatnapung ranggo ka lang?” nakataas ang kilay kong tanong habang hindi nakatingin sa kaniya. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang biglang pagsama ng kaniyang awra kaya napangisi ako.

    Humarap ako sa kaniya upang makita ko ng buo ang kaniyang reaksyon. Tumingin din naman ito sa akin na ngayo’y may ngiti na sa labi.

    “I mean, hindi naman sa sobrang dali. Hm, let just say na kailangan mo lang talagang makakuha ng puntos at maka-survive. At saka. . . ano, uhm. . . m-malalakas at magagaling din naman kasi talaga ‘yung mga nauna sa akin,” nag-aalinlangan na saad niya, parang ayaw pa nitong aminin na may mas malakas talaga sa kaniya.

    Napatango-tango na lamang ako upang ipaalam na naintindihan ko lahat ng kaniyang sinabi.

    Tch! You can’t fool me,’ saad ko sa aking isipan habang nakatingin sa mukha ni Alexandra na may malawak na ngiti sa labi.

     Pero kung gugustuhin kong mapasali sa ranking na ito, kailangan ko munang sumabak sa Leveling. Nice! Interesting, ha.

    “Kung may balak kang sumali sa ranking, goodluck na lang sa ‘yo. Nalalapit na rin naman ang susunod na Leveling,” aniya at tinapik ng dalawang beses ang kaliwang balikat ko bago siya naglakad paalis.

     Ipinilig ko pakanan at pakaliwa ang aking ulo para pala-gutukin ito. Nilagay ko rin sa aking likod ang dalawang kamay ko at pinaghawak ito, pagkatapos ay bahagya kong i-b-in-end ang aking katawan.

     Pagkatapos, tumingin akong muli sa bulletin board. Pinaglandas ko, mula itaas hanggang ibaba, ang aking kaliwang hintuturo sa pangalan ng mga nasa individual ranking. Bago ako tuluyang naglakad palayo sa bulletin board na iyon ay sumilay muna ang isang ngisi sa aking labi. Exciting!

     MAG-ISA akong naglalakad rito sa field papuntang cafeteria.

     Habang ako’y payapang naglalakad; may mga nakikita akong nag-aaral, nagbabasa, at nagkuk’wentuhan habang kumakain. Mayroon din naman akong mga nakikitang naninigarilyo, nag-aaway, naghaharutan, at ang worst, mga NAGLALAMPUNGAN!

     Tch. Mga wala talagang pinipiling lugar.

     Pinagpatuloy ko na lamang ang aking paglalakad at hindi na binigyang atensyon pa ang ilang estudyante na nakatingin at nakapaligid sa akin.

     Nang makapasok ako rito sa cafeteria, kani-kaniya na namang bulungan ang mga estudyante. Bulong dito, bulong doon. Para silang mga chismosa sa kanto na kahit ibulong pa ang sasabihin, maririnig at maririnig mo pa rin. Akala mo nama’y ngayon lang sila nakakita ng transferee para pagbulungan pa. Mga sano.

     Napakunot ang aking noo nang marinig ang itinanong ng isang estudyante sa kapwa niya estudyante.

     “S’ya ba ‘yung tinutukoy ni Abby na bagong salta sa Section Apollyon?”

     Hanep din ang lintang ‘yon, eh. Ang bilis magpakalat ng chismis.

     Hindi ko na lamang pinagtuunang pakinggan pa ang mga haka-haka nila, bagkus ay naglakad na ‘ko patungo sa bilihan ng pagkain. Ngunit hindi pa ako nakararating doon nang mahagip ng mata ko ang paparating na black playing card na palapit sa mukha ko, mabilis ko itong sinalo gamit ang dulo ng hintuturo at gitnang daliri ko.

     Tangina. Uso na ba ngayon magpalipad ng kung ano-ano patungo sa direksyon ko? At ang masama pa, pinupuntirya nila ang mukha ko.

    Ibinaling ko ang aking paningin sa card at sinuri ito nang maigi; nakaukit dito angAce of Spade’ at hindi rin ito isang ordinaryong baraha lang dahil maaari kang mahiwa nito kapag ikaw ay nadaplisan.

    Pinaglaruan ko sa aking kamay ang kard at tinignan ang babaeng naghagis nito sa akin.

    Kulay kayumanggi ang buhok niyang pa-wolfcut ang style. Makapal ang kilay at mahaba ang pilik mata. Katamtaman lang ang kulay ng balat niya, maging ang taas ng ilong. Nakita ko ring may tattoo siya sa may bandang leeg.

    Mapanlaro ako nitong nginisisan habang nagtataas-baba ang kaniyang kilay, tila iniinis ako.

     Ginawaran ko naman ito ng ngiting nakaloloko na hinding-hindi niya gugustuhing makita dahil ang ngiting ito ang magpapainis sa buong sistema ng katawan mo.

     Gusto mo ‘kong inisin, huh?

     Bahagya kong binaliko ang aking kamay at pabalik na hinagis sa kaniya ang black card. Para itong hangin sa sobrang bilis na nagtungo papunta sa kaniyang mukha. Iiwas pa sana siya ngunit mali ang kaniyang naging galaw, nadali pa rin siya nito.

     Napasinghap ang mga taong nakasaksi nang magkaroon ng maliit na hiwa ang kaniyang kaliwang pisngi na nag-sanhi ng pagdaloy ng dugo mula rito.

     Ngumisi ako sa kaniya bago ako pumila para maka-order. Nang ako na ang nasa unahan, sinabi ko na sa tindera kung ano ang order ko.

     Isang spaghetti, isang burger at isang bote ng tubig lang naman ang in-order ko dahil hindi pa naman ako masiyadong gutom.

     Pagkatapos ko matanggap ang aking binili, humanap ako ng bakanteng lamesa. Ang nakikita ko na lamang ay ang isamg lamesa na malapit sa lamesa ng Section Apollyon kaya wala na akong nagawa pa kung hindi lumakad na papalapit sa bakanteng lamesa na iyon.

     Bigla namang tumayo ang isa sa mga kaklase ko nang malapit na ‘ko sa gawi nila. Hindi ko pa alam ang pangalan niya, eh.

     “Hindi ka pwedeng maupo rito—”

     Napako sa ere ang kaniyang dapat sasabihin sapagkat walang sali-salitang nilagpasan ko lamang siya. Agaran akong umupo sa kabilang lamesa na katabi lang ng lamesa nila.

     “Oooh!” rinig kong sigaw ng iba niyang kaklase habang tumatawa. Pahiyang umupo naman ang lalaki na nagsabi no’n sa ‘kin.

    Wala naman kasi akong balak maki-upo sa p’westo nila. Alam kong hindi nila ako tanggap at wala na akong paki roon.

     Sinimulan ko ng kumain at hindi na pinakinggan pa ang mga bubuyog sa paligid. Kukunin ko na sana ang bottled water ko para uminom ngunit may kamay na biglang kumuha nito. Mga ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang dumadaloy na tubig mula sa aking ulo.

     Napahawak ako ng mahigpit sa tinidor na hawak ko.

     Kumalma ka.

     “Tapos ka na ba?” tanong ko gamit ang malalim na boses.

     Hindi ko pa nakikita ang mukha nitong mapangahas na nagbuhos sa akin ng tubig dahil kinakalma ko pa ang sarili ko, subalit sa oras na makita ko ang pagmumukha nito, sisiguraduhin kong malilintikan siya sa ‘kin.

     “Hindi pa, eh,” sagot niya at halata sa boses nito ang pang-aasar. Boses palang, halatang babae na. Tch.

     Unti-unti kong inangat ang aking ulo upang harapin siya. Nakita ko ang makapal at drawing niyang mga kilay, ang mapupula niyang pisngi na akala mo’y sinampal ng sampung kalabaw dahil hindi pantay ang kaniyang blush-on, ang medyo makapal niyang lipstick, at ang maputi niyang mukha na nasobrahan pa ata sa foundation. Nalipat naman ang aking paningin sa kaniyang uniporme, sobrang ikli ng palda nito na baka kapag bumukaka siya ay makita agad ang nasa loob ng palda nito.

     Tinignan ko naman isa-isa ang mga kasamahan niya. Pareho rin ng mga ito ang istilong nakita ko sa kaniya.

     “Tapos mo na ba kaming titigan? Ang gaganda namin, ‘no? Unlike sa ‘yo, you’re so kadirdir, walang taste of fashion. Like, ew!” mahangin na saad niya sa maarte na tono, nag-flip-hair pa ito sa harapan ko.

     Napangiwi ako sa inasta niya.

     Magsama sila nu’ng Lintang Abby na ‘yon, pareho silang may saltik sa utak. Sarap pag-umpugin ng mga ulo. Wala namang ginagawa sa kanila pero kung awayin ako ay parang may malaki akong naging kasalanan sa kanila.

    “Ay weh? Saan banda?”

     Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay ibinaling kong muli ang aking paningin sa kaniyang mukha.

     Napatango-tango ako sa aking naisip. They fit for that kind of event. Perfect na perfect!

     “You know what? I know a part-time job for you guys.” Mapang-insulto ko silang tinignan. “I think that job is suitable for the three of you. . . Hm, wait, ano nga ba trabaho ‘yon? Let me think first,” wika ko habang hinihimas ang aking baba gamit ang kamay, animo’y nag-iisip talaga bago muling nagsalita, “Ahuh! Naalala ko na. . . Clown at a children’s party, isn’t that exciting? Tutal mukha naman kayong mga payaso sa paningin ko, ang kaso nga lang hindi nakakatawa ang mukha ninyo kun’di nakakabanas,” seryosong saad ko pero naroon pa rin ang pagiging mapang-asar na siyang ikinatawa ng mga estudyante na naririto.

     Lahat ata ng nandito sa cafeteria ay nakatingin na sa ‘min, kasama na ro’n sila kuya at ang mga kaklase nito.

     “What did you say?!” nagngingitngit sa galit nitong tanong.

     “Naglinis ka ba ng tainga mo?” walang ganang saad ko.

     “Of course,” wika niya habang nakataas ang kilay sa akin kaya biglang tumaas ang sulok ng aking labi. Pinaglaruan ko ang ilang hibla ng aking buhok, pinaikot-ikot ko ito gamit ang aking kanang hintuturo.

     “If you cleaned those ears of yours, how come you didn’t comprehend what I was saying? Ano? Bingi lang?” sarkastikong tanong ko habang walang k’wenta ko siyang tinitignan.

     “Aaah! You!” nanginginig sa inis niyang sigaw habang dinuduro-duro ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

     Baliin ko ‘yang hintuturo mo, makita mo.

    “Kilala mo ba ‘ko, ha?” inis na tanong niya habang nakaturo sa kaniyang sarili.

     Napairap ako sa kawalan nang itanong niya sa akin ang napaka-UNIQUE na tanong na ‘yon. Sa lahat ng nakasasalamuha ko na katulad niya, sa mga nababasa at napapanood ko, laging gano’n na lang ang tanong. Wala na bang bago? Hindi ba p’wedeng sapakan kaagad? Psh, boring.

     Tumayo ako at pinasadahan siya ng tingin.

     Nakita ko na kanina ang mukha niya sa futuristic screen na pinakita sa akin ni dean, hindi ko lamang matandaan kung anong section ‘yun at kung anong pangalan niya.

     “Hindi. . . at mas lalong wala akong oras para kilalanin ka. You’re not even worth my attention,” walang ganang sagot ko at inirapan ko siya. Tinalikuran ko na siya ngunit marahas nitong hinawakan ang balikat ko at pabalang na pinaharap sa kaniya.

     “No! Hindi ako makakapayag na hindi mo ‘ko makikilala.” Ngumisi siya. “Let me introduce myself to you.” Agaran na lumapat ang kanang kamay niya sa kaliwang pisngi ko dahilan para tumabingi ang ulo ko sa pagkakasampal niya.

     What the hell did she just fucking do?

     “Ayan, nagpakilala na ang kanang palad ko sa ‘yo,” mapang-asar niyang saad at ngumisi pa ito sa akin. Pagkatapos, muling lumapat ang kaliwang kamay niya sa kanang pisngi ko kaya tumabingi na naman ang aking mukha.

     Fvck this bitch!

     Gusto kong paputukin ang labi ng isang ‘to. Bwisit! Nakakadalawa na siya sa ‘kin, ha.

    “Oops! Nainggit ‘yung kaliwa kong palad. Gusto rin daw magpakilala,” natatawa niyang saad at mas lalo pa itong ngumisi sa ‘kin.

     Sasampalin na sana n’ya ‘kong muli nang agaran kong hinawakan ang palapulsuhan nito at mahigpit iyong hinawakan na s’yang ikinaigik niya. Hanggang sa padarag kong binitiwan ang kaniyang kamay nang marinig namin ang malakas na kalampag sa lamesa nila kuya.

     Nakita ko sa aking peripheral view na papalapit ang Section Apollyon sa gawi namin.

     “P’wede bang itigil mo na ‘yang kahibangan mo, Angel!” maawtoridad na saad ni Kuya Hades sa bumuhos ng tubig at sumampal sa akin.

    Oh, I remember her na. This brat witch in front of me is Angel Hermosa from Section Sonneillon. Tch! Angel nga ang pangalan, demonyo naman.

    “Bakit, Hades? S’ya naman ang nauna,” nakanguso niyang sumbong dahilan para mapangiwi ako.

     Sagwa! Hilain ko ‘yang bibig mo, e.

     “Nakita namin ang buong pangyayari, Hermosa, kaya huwag kang pa-victim diyan,” ani nitong si Xenon.

      “Tch. Bakit n’yo ba kinakampihan ‘yang babae na ‘yan? Tanggap n’yo na ba s’ya sa seksyon n’yo, ha? The last time I checked, ayaw n’yo ng magpapasok ng babae sa section ninyo, hindi ba?” nakataas ang kilay na tanong nitong si Angel na may sungay.

     “It’s none of your freaking business,” diretsong sabat naman ng isa sa kaklase nila kuya.

     Napatingin ako sa paligid. Mayroon akong nakita na isang grupo ng kalalakihan at may kasama rin silang apat na babae na patungo rito sa kinaroroonan namin.

     Mukhang sila ata ang Section Sonneillon.

     “Anong ginawa nila sa ‘yo?” bungad na tanong nu’ng payat at matangkad na lalaki na kararating lang, maangas ang pananalita nito.

     Kulay light-brown ang mga mata, matangos ang ilong, may manipis at rosas na labi. Medyo magulo rin ang kaniyang buhok. Iyong necktie naman niya ay nakatabingi at ang uniporme nito ay medyo gusot-gusot.

Luke Soriano. Ang leader ng Section Sonneillon.

     May kahawig siya. Hindi ko lang matandaan kung sino at saan ko nakita.

     “Away na naman ba ‘to?”
     “Basta ako, ang pusta ko sa Section Sonneillon.”
     “Tanga, paniguradong Section Apollyon na naman ang mananalo.”
     “Tangina, nagkaharap na naman ang dalawang nangungunang section.”

     Iyan ang samu’t-saring bulungan sa paligid namin.

     “Ito kasing babae na ‘to, kabago-bagong salta, sinagot-sagot agad ako. Hindi man lang ako nirespeto. Nasa ika-dalawangpung ranggo ako, I’m stronger than her pa rin ‘no,” nakangusong sumbong nitong si Angel at itinuro pa ako. Wala naman sa katuturan ang kaniyang sinasabi, parang tanga.

     “But it’s okay, pagbibigyan ko muna siya dahil nagpakilala naman ang dalawang palad ko sa kaniya,” proud niyang dagdag at tumawa pa ito bago muling ngumisi sa akin.

    So? ‘Yun na ‘yon? Eh, kung paduguin ko kaya nguso nito.

    “Oh, that’s good!” nakangising puri nitong nasa kaliwa ni Angel.

     Kung hindi ako nagkakamali. Siya si Thaddeus Hermosa, ang ikalabin-lima sa individual ranking. Siya ang kapatid nitong si Angel, halata naman dahil magkamukha talaga sila.

     “Shut the fvck up, Thaddeus!” mariin na sabat naman nitong Kaiser.

     Tinignan ko isa-isa ang mga kaklase ko. Walang emosyon ang mga mata nila. Ang nakikita ko lamang sa mga mata ay ang malalamig at seryoso nilang mga tingin.

     “Why are you so pissed off, Kaiser?” mapang-asar na tanong nitong si Thaddeus ngunit sa halip na sagutin siya pabalik ni Kaiser ay nag-‘tsked’ lamang ito.

     “Keep an eye on your sister, Thaddeus, dahil baka bukas paggising mo, basag na pagmumukha n’yan,” banta ko habang may ngising nakapaskil sa aking labi.

     “Bakit? Kaya mong gawin, ha?” maangas na hamon nitong si Thaddeus dahilan para lumawak lalo ang ngisi sa aking labi.

     “Don’t freaking underestimate me, honey. Kayang-kaya kong gawin kung ano man ang sinabi ko. Kung gusto mo’y ngayon ko pa gawin mismo sa harapan mo.

     “Pili ka lang sa tatlo; babalian ko muna? Pahihirapan ko? O baka naman gusto mo ‘yung panghuli?” Huminto ako at lumapit sa kaniya ng kaunti. Harap-harapan kong ipinakita sa kaniya ang mala-demonyo kong tinginan bago ako nagpatuloy, “Patatahimikin ko na bago ko ibalik sa ‘yo? That’s fun, isn’t it?” nakangising wika ko.

    “Huwag kang maangas, babae. Baka mukha mo pa ang basagin ko kapag may ginawa kang masama sa kapatid ko,” mariin na banta nitong si Thaddeus.

    “Ows? My ass got scared,” nang-aasar na saad ko at umakto pa na tila natatakot sa banta niya.

    Well, hindi lang pagmumukha ng kapatid mo ang babasagin ko dahil idadamay ko rin pati pagmumukha mong gago ka!

    “Ang yayabang n’yo talaga, eh mga bobo, lampa, tanga—” Bigla itong natumba sa sahig nang sapakin siya ng malakas nitong si Abancio.

    Sinapak din naman pabalik ng isang taga-Section Sonneillon si Abancio kaya bumawi rin siya nang malakas na sapak.

   Woah, live action.

    Aamba na sana ulit ng suntok si Abancio nang hinawakan ni Azaiah ang kaniyang braso upang pigilan.

    Panira naman ‘tong lalaking ‘to. Nag-e-enjoy ‘yung tao, eh.

    “Calm down, Asher!” pagpapakalma ni Azaiah kay Abancio na ang pangalan pala’y ‘Asher’. Kumalma naman si Asher pero matalim pa rin ang kaniyang tingin sa kabilang pangkat.

     “Coward!” pang-aasar nu’ng sumapak kay Asher.

     Kaurat din ang lalaking ‘to, e. Sarap ding basagin ng pagmumukha. Nakakagigil.

     “Manahimik ka, Oliver!” gigil na sigaw ni Asher.

     “Camorra Street. Saturday. 1PM, sharp!” maangas na saad ni Luke.

     Anong meron? Magrarambulan ba sila sa sabado? Kung gano’n, manonood ako.

     “Tch. Do’n n’yo ilabas ang yabang n’yo!” pikon na saad ni Asher bago sumunod kay Azaiah na tumalikod na at naunang naglakad paalis.

     Sumunod naman ang mga kampon n’ya habang ako? Heto, hinila ng kakambal ko at isinabay sa kaniyang paglalakad.

     Palihim akong napangisi.

     Angel. Thaddeus. Oliver.

     Nice name, ha. But the three of you will pay your debts soon. Lintik lang ang walang ganti.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro