Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

CHAPTER 3

Ilang araw nadin simula nung mangyari ang nangyari sa aming dalawa ni Ken. Hindi ko na siya nakita simula nung ihatid niya ako sa bahay ni Iuna.

Pero laging nagsasabi sakin si Iuna na palaging pumupunta si Ken sa bahay niya. Maliban ngayong araw na hindi ito sumipot.

"Rheane! Sabi ni Iuna may lalaki daw na naghahanap sayo palagi ah, bilib naman talaga ako sa kagandahan nating magkakaibigan" Line said followed by her laugh.

"Shut up Linya" iritang sabi ko dito.

Nandito kami sa bahay ni Vien. Ito kase ang pinakamalapit sa bahay naming magkakaibigan.

"Talaga? mukhang magkaka-love life ka na ulit ah" Nakangiting wika ni Heaven.

"Alam mo Langit, hindi pa ako handa sa mga ganyan. Saka hindi ko pa nga nalilimutan yung ginawa ni Ced eh, tapos makikipagkita na ako sa ibang lalaki? No way!"

"Sorry" Tessa said.

Kasama na kase siya sa tropa namin. Hindi ko siya pwedeng pabayaan lalo na ngayong hindi siya sinisipot ni Cedrick. Kung ako kay Tessa hindi ko na siya hahabulin. Pero mahirap din kase magpalaki ng anak ng mag-isa.

"Ano ka ba! Hindi mo naman kasalanan yun eh. Saka tayo naman ang biktima dito, ang kailangan mo lang gawin ay alagaan yang dinadala mo" nakangiting sabi ko dito.

"Salamat talaga sa inyo ha? Kung wala kayo ewan san ako pupulutin"

"Nahiya ako sa San ka pupulutin na kung tutuusin ay kaya mong palakihin yan mag-isa" natatawang sabi ni Sivan.

"Si Andrea pala asan?" I ask.

"Naku! Yung babaeng yun busy sa buhay doktora niya haha" tawang sabi ni Rizmen.

"Bitter parin ba?" Kry ask.

"As always" Sivan said and laugh.

"Hindi pa ata nakaka move on dun sa Clyres na yun eh" i said.

"Sino ba ang makaka-move dun? duh? ang sakit kaya ng nangyari sa kaniya" Sabat naman ni Linya.

"Masakit nga naman nangyari sa kaniya. Tapos nawala pa mama niya at the same time. Tapos after years nawala naman isa sa mga kaibigan niya. Ang saklap talaga"

"Nakaya nga niya eh. Pero ako hindi pa naka move on sa nangyari kay Zhail" Sivan said.

"She's strong, indeed"

"Ako na yung mahina"

"Atleast maganda kahit weak"

"Nahiya kakyutan ko"

"Ang hangin! Paki patay ng electric fan"

"Woi! Mahiya kayo sa kagandahan ko, model ata to"

"Cute lang ako wag nyo ng agawin titulo ko"

"Ako ata yung cute Ange"

"Basta I'm gorgeous"

"Ramen I'm jealous"

"Ang hahangin" bulong ko na lang dahil nagsisimula na naman sila sa mga kahanginan nila.

"Para sabihin ko sa inyo... ako yung cute dito" pakikisabay ko sa kalokohan nila.

"Nahiya ako Rheane! Titulo ko yan" Ange exclaimed.

"Ewan ko sa inyo. Alam naman nating lahat na ako yung pinaka maganda" Sabat naman ni Ramen.

"Mahiya kayo. Si Andrea yung pinaka maganda sating lahat" Wika ni Kryza na napatahimik saming lahat.

"Oh bakit tumahimik kayo?" natatawang sabi niya ulit.

"Totoo eh" naghihinayang na ani Nicole.

"Strong na nga maganda pa! Naiingit ako sa kaniya" mangiyak ngiyak na ani Rizmen.

"Tabi na lang" biglang sabi ni Andrea na kakadating lang.

"Andrea!" tawag nilang lahat.

Umupo ito sa sofa saka kumuha ng beer.

Nagstay kami ng ilang oras pa bago nagsi-uwian. Medyo lasing din ako pero kaya pa namang magdrive kaya hindi na ako nagpahatid kay Andrea na kahit ilang bote ata ng alak ang inumin hindi malalasing.

I drove to my house. Ganun na lang ang pagtataka ko ng makita na nakabukas ang ilaw sa loob ng bahay ko.

Who the hell opened the lights in my house?

Baka sina mom? No way! Nasa Norway ang mga yun!

Pinark ko ang kotse ko at patumba tumbang tumungo sa pinto ng bahay ko. Ganun na lang ang pagtataka ko ng bukas ito? Hala! Baka magnanakaw!

Wala ako sa wisyo para makipag rambulan! Papatayin na lang siguro ako ni Andrea eh!

"Shino tao dhito?" lasing na sambit ko.

Pero walang sumagot kaya naman tumungo ako sa kusina at kumuha ng tubig.

"Woah!" sigaw ko ng mabasa ako ng tubig dahil binuhos ko ang isang basong tubig. Feeling ko kase ang init.

Kaya naman tumungo ako sa kwarto ko ng patumba tumba pa dahil sa kalasingan. Pagpasok ko ay hindi ko na sinarado ang pinto at basta na lang hinubad lahat ng saplot ko.

Tumungo ako sa banyo ng walang saplot ni isa at naligo. Nag bath tub pa ako kaya hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa bath tub.

Basta nagising na lang ako ng may maramdaman akong bumuhat dakin.
Tapos ay nakita ko ang gwapong mukha ni Ken.

"Shutah bat ang gwapo ng nilalang na to? Alien na siguro to galing pluto at bumaba sa earth tapos ako ang nakakita! Hayst!" sabi ko sabay hawak sa pisngi nito at nakita ko naman siyang bahagyang tumawa.

"Pare?" tawag ko dito.

"Bro!" again

"Dude?"

"Hayst! pansinin mo ako para hindi ko isipin na alien ka!" no response.

"Hello?"

"Tao ka ba?"

"Or alien?"

"Hello?..."

"Lalaki!"

"Babe?"

"Hmm?" at sa wakas! response! response!

"Akala ko multo ka na! Pfft ang gwapo mo talaga no?" lasing na sabi ko.

"Oo naman"

"Pero alien ka nga ba talaga?" takang tanong ko.

"Ganito ka ba malasing? Inaakala na alien ang mga gwapong nilalang?"

"No! Syempre ikaw naman ata yung gwapong nakita ko noh! Saka kita mo? Ang cute pa ng pisngi mo" sabi ko sabay pisil sa pisngi niya ng ilapag niya ako sa kama ko.

"Hala! Wala akong saplot!" bigla ko na lang nasabi at tinabunan lahat ng parte ng katawan ko.

"Tsk! Drunk-headed" sabi niya sabay kuha ng damit sa closet ko.

"I don't want to wear that! Pajamas please" nakangusong sabi ko.

"Okay honey" sabi nito at nakaramdam na lang ako ng init sa katawan dahil sa tawag niya sakin.

Tinulungan niya akong sumuot ng pajamas ko at hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko.

"Aray naman!" reklamo ko dahil ang sakit talaga.

"You're awake" nabigla ako sa isang baritonong boses ng lalaki.

At agad namang nanlaki ang mata ko dahil nakita ko si Ken na may hawak na baso ng tubig at advil.

"Anong ginagawa mo dito!?" i shout in a horror.

"Hindi mo naalala?"

"Ofcourse not! Hindi ko naalala na pinapasok kita da pamamahay ko!"

"So bahay mo nga to? You deceive me honey" sabi nito at agad akong nabigla sa sinabi niya.

"H-honey!?"

"What?"

"Lumayas ka sa pamamahay ko Ken!"

"Nah-ah lady, ako na nga nagpaligo sayo kagabi tapos paaalisin mo ako? Can't let you do that baby"

Bigla ko namang naalala na siya pa pala ang nagbihis sakin! I gasp in disbelief! Goodness what the heck Rheane!?

"Paano ka nakapasok dito?"

"Pumasok sa pintuan syempre" ani nito na may nakalolokong ngiti sa labi.

"Umalis ka sa bahay ko Ken" seryosong sabi ko.

"Why would i?"

"Kase tatawag ako ng pulis pag hindi ka lumayas sa pamamahay ko!" galit na sabi ko at binato pa ng unan.

"Damn woman! Oo na aalis na" natatawang sabi nito habang sinasangga ang braso sa mga unan.

Kinuha nito ang jacket at tumungo sa pinto ngunit ng makalapit sa pintuan ay agad itong tumingin sakin ng nakangiti.

"By the way. I enjoyed how we cuddled last night" ngiting sabi nito na ikinalaki ng mata ko!

Pagka-alis niya ay napatili ako sa kama ko at tumalon talon!

"Damn! Damn! Bakit ka ganiyan Rheane!? Ang landi landi mo!" pagkausap ko sa sarili ko.

Pagkatapos kong magdrama drama dahil sa kagagahan ko ay naligo na ako at dumeretso na sa opisina. Pormal akong tumungo sa opisina ko at umupo.

Past 11:30 ay pumasok ang secretary ko at binigay sakin ang lunch ko. He is my secretary for a long time, he was working for me for five years now. Hindi naman siya ang tipong bastos, laging trabaho ang inaatupag at parating seryoso ang mukha.

Well he's my secretary and i won't give a damn about it. Work is work. Walang pake-alaman, privacy na yun.

I just worked until it was 9 pm already. Nagmadali akong lumabas sa opisina ko. Bukas pa ako pupunta sa site para tignan ang buildings na ginagawa sa QC.

Nag-aantay ako ng taxi na dumaan sa harap ng kompanya ng may Mercedes Benz na tumigil sa harap ko. Napataas ako ng kilay at nanlaki ang mata ko ng mapagtanto na si Ken ang nasa loob.

Nung isang araw Range Rover ngayon Mercedes Benz? Ang totoo, gaano kayaman tong lalaking to?

Lumabas siya sa kotse niya at humarap sakin ng nakangiti kahit pilit naman.

"Bakit ang tagal mo?"

"Work? Ofcourse madami akong trabaho dito kaya gagabihin talaga ako" mataray na sabi ko at nilagpasan siya at akmang tatawag ng taxi ng pigilan niya ako at hinarap.

"Sumabay ka na sakin" nakangiting sabi niya.

"Are you my stalker?"

"Well yeah? Inalam ko lang naman kung anong pinagkaka-abalahan mo tapos ayun nakita ko na lang na nakatayo na ako dito" Nakangiti pading sabi niya na ikinataka ko.

Heck?

"Wag na kaya ko naman ang sarili ko" mataray paring sabi ko.

"Nah-ah" sabi niya sabay iling. "It's not safe for you to take a cab"

"Sabi ko naman sayo 'kaya ko na ang sarili ko' kaya wag ka na mag-alala"

He sigh never letting my hand go.

Nagsalubong naman ang kilay ko ng makita ang isang pamilyar na kotseng tumigil sa harapan namin.

"What the hell are you doing here Cedrick?" i said seriously.

"We need to talk Rheane" Malumanay na sabi niya.

Napansin ko ang eyebags sa mga mata niya at naamoy ko din ang alak sa hininga niya.

"What happened to you?" takang tanong ko.

"I need you Rheane" sabi nito at napansin ko din ang luhang lumabas sa mata niya.

Naawa ako sa kaniya pero hindi ko yun pinahalata.

"Hindi ba dapat doon ka pumunta kay Tessa? Bakit ka sakin pumupunta kung doon ang mag-ina mo!" galit na sabi ko at tumulo nadin ang luha ko.

"Rheane please" pagmamakaawa nito.

"Puntahan mo si Tessa hindi ako Ced. Binuntis mo siya at may responsibilidad ka sa kaniya, doon ka umuwi sa kaniya hindi sakin. You cheated on me, hindi ko kasalanan kung nakabuntis ka. Tapos na tayo kaya wag na wag ka ng magpakita sakin" walang emosyong sabi ko sabay talikod sa kaniya at pumasok sa loob ng kotse ni Ken.

Wala sa plano kong sumama kay Ken pero wala akong choice kundi sumama sa kaniya. Masasaktan ko si Tess kung makikita niya akong kasama si Ced. Ayokong madamay ang dinadala niya sa problema ng mga magulang niya.

Kaya't hanggang maaga pa lalayuan ko na si Ced para hindi na ako makaka-abala sa kanila.

Nakita kong nag-usap pa si Ced at Ken bago pumasok sa kaniya kaniyang kotse.

"Anong pinag-usapan nyo?" I ask Ken when he sat.

"It's nothing" Sagot nito kaya hindi ko na siya pinansin lalo na ng umusad na kami.

Sa bintana lang ako ng tingin at tahimik lang nagmamasid sa kaniya.
I wasn't be able to talk to him, thinking that i just cried in front of him.

"You okay?" pagbabasag niya ng katahimikan.

"Mmm" sagot ko.

"Are you really?"

"Oo nga"

"Then why are you crying?" sabi niya kaya nabigla ako ng maramdamang namamasa ang pisngi ko.

"Ayos lang ako" sabi ko at pinunasan ang luha ko.

"Kumain ka na?" he ask again.

"Nah wala na akong gana"

Pagkasabi ko nun ay tumahimik ma kami. Pagdating namin ng bahay ay hindi muna ako bumaba.

"Salamat" i said while facing him.

"He's not worth for your tears" instead he answered.

"I know that. It's just hurt that i was cheated. But really I'm okay now. I was helping Tessa with her pregnancy. Hindi naman kasalanan ng bata na ganun ang trato ng papa niya sa kaniya. Masama ang magtanim ng galit" nakangiti na ani ko.

He stared at me for awhile then talk.

"You're so good to be true. Bakit ngayon lang kita nakita?" namula naman ako sa sinabi niya.

"Hindi ah! Masama kaya ako" namumulang sabi ko at umayos ng upo.

"No really. Ang bait mo, kahit nasasaktan ka na ang kapakanan padin ng iba ang nasa isip mo" nakangiting sabi niya kaya nginitian ko lang din siya.

Bumaba ako ng kotse pati na rin siya pero hindi na siya pumasok.

"Bakit ayaw mong pumasok?" nagtatakang tanong ko.

"Stop it Rheane, it's tempting okay? Hindi ko mapigilan ang sarili ko tuwing nandiyan ka sa paligid. Kaya wag na muna at baka may magawa ako sayo" sabi nito na may nakalolokong ngiti.

Namula naman ako kaya agad na akong nagpaalam at pumasok sa bahay ko.

Damn that man.

__________________________________________________________________________________________

So much effort para sa mga scenes, god!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #desire#spg