CHAPTER 18
This chapter is dedicated to: blexx25 💖💖
~°~
Chapter 18
SUMANDAL ako sa upuan ko at pinikit ang mga mata ko, hanggang ngayon hindi parin ako naniniwala na binigay yun ni Ken. Dahil ba narinig niyang yun ang gusto ko? At bakit niya ako bibigyan ng ganun?
Break na nga kami diba?
"Are you okay, hermosa?"
Napadilat ako ng mata nang marinig ang boses ni dad. "Yeah, just a little tired"
"Gusto mo bang umuwi? I can handle your works, you need a rest for you and for your baby"
Umiling lang ako sa kaniya, kaya ko pa naman. Hindi pa naman gaano kalaki ang tiyan ko, in fact ang liit pa nga eh. Hindi nila malalamang buntis ako kung hindi ko sinasabi.
"Okay... ako na muna ang bahala sa AGC para hindi ka na ma-stress"
Nabigla siya ng umiling iling ako ng ilang beses, pati nga din ako ay nabigla sa ginawa ko. Pabor na sana sakin to dahil kailangan kong magpahinga pero parang May sariling isip ata ang katawan ko ay umiling na lang.
"I can do it dad"
Kuryoso niya akong tiningnan bago siya tumango at umalis sa loob ng opisina ko.
Ako naman ay tumayo na rin at lumabas, ilang araw na simula nung inumpisahan ang pagtatayo ng building. Bibisita daw ngayon ang CEO ng kumpanya kaya kailangan kong sumama doon kahit na ayoko.
Siguro?
Si Tessa nga na buntis pupunta tapos ako hindi? Aba hindi pwede.
PAGKARATING ko sa cite ay nakita ko kaagad si buntis, hindi pa naman gaano kalakihan ang tiyan niya pero kitang kita na talaga yung umbok. Ako nga hindi pa eh.
"Pregs, gusto mo kainin?" Tanong ni Angela.
Ang akala ko hindi na to magtatrabaho? May bar, café at restaurant na siya pero trabaho padin ah?
"Nutella"
Napangiwi naman si Ange sa sinabi ko. "Pwede ba, kahapon ka pa Nutella ng Nutella walang kasawaan?"
"Pwede ba? Kahapon ko pa sinasabi na buntis nga ako kaya wala talagang kasawaan!"
Napairap na lang siya at kinuha ang adobong niluto niya, well... not bad.
"Ayan lang ang naluto ko! Bahala ka kung ayaw mo"
Grabe naman, ang bait ng mga kaibigan ko hindi talaga nila ako pinababayaan diba? Note the sarcasm right there please, baka hindi niyo maintindihan.
Umirap din ako sa kaniya at kinuha ang adobo, paborito ko to eh! Sinong aayaw? Dali sabihin niyo susuntukin ko.
Naubos ko ang pagkain ng ako lang, madami yun pero naubos ko padin. Hindi naman na nagreklamo si Ange na pati ang ulam niya kinain ko dahil alam naman niyang buntis ako.
Buti na lang talaga at May kaibigan akong magaling magluto no? Sarap ng ulam eh.
"Thank you, pusa"
Ngumiti ako ng matamis sa kaniya kaya nginitian niya lang din ako. "Wag ka na kayang sumama baka kung ano pang mangyari sayo sa loob lalo na at andiyan ang ama ng dinadala mo. Baka ma stress ka"
Ngumuso lang ako at umiling. "Hayaan mo na yung mokong na yun, hindi naman siya ang pinunta ko dito kundi ang trabaho ko"
Bigla ko naman naalala kung bakit nasa trabaho pa din siya. "Akala ko ba aalis ka na sa Lau para tutukan ang business mo, bakit nandito ka padin?"
Umupo siya sa harap ko at kinain ang sandwich na dala niya. "Wala naman akong magawa, saka boring kapag nasa bar o restaurant lang ako. Ayokong maboring buhay ko no"
"Ang sabihin mo ayaw mong makita ang lalaki mo"
Umirap lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Nakita ko naman si Tessa at Ken kasama ang iba pang mga stockholders kaya tumayo na ako at naglakad papunta sa kanila.
"Is everything's okay?" Pabulong kong tanong kay Tess.
Tumango lang siya at ngumiti sa mga kasama, ako naman ay sumunod lang habang nakikipag-usap si Tess sa mga kasamahan.
Nakaramdam kaagad ako ng pagod kaya umupo muna ako sa upuan sa gilid, sinigurado ko muna na safe ako doon bago umupo.
Nagpahinga lang ako sandali bago ako tumayo at sumunod sa kanila pero hindi ko na sila nakita pa.
Dahil na rin sa pagod ay napaupo ako sa isang gilid, nakita ko si Ange na nagi-instruction sa mga nagtatrabaho. Pumunta ako sa kaniya at nagtanong.
"May opisina ka dito?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala pero may pinapahingahan ako doon"
"Pwede bang makitulog? Napagod ako"
Lumakad siya kaya sumunod ako sa kaniya, pagdating namin sa isang maliit na bahay ay nakita ko kaagad ang isang sofa. Umupo ako doon at saka pumikit.
"Okay ka lang ba dito?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako dahil masyado na akong napapagod, ilang sandali lang ay nilamon na ako ng antok.
NAGISING ako dahil may nararamdaman akong hininga sa mukha ko, pagmulat ko ay napabalikwas ako ng bangon ng makita ang mukha ni Vaughn.
"A-ano na naman ang g-ginagawa mo!?"
He smiled at me. "Looking at my honey"
Napakurap ako, bakit pa siya dumadamoves kung may asawa na siya? At ang akala ko ba nandito sila para bumisita hindi para tignan ako.
"May asawa ka na, Ken. Ano bang ginagawa mo?" Seryosong ani ko kaya nawala ang ngiti sa labi niya.
"Wala akong pake-alam"
Walang buhay akong tumawa sa kaniya. "Kung ikaw wala, pwes ako meron. Hayaan mo na ako Ken, nawala ka na ng isang buwan sa buhay ko at kaya ko pa yun patagalin ng ilang buwan at taon. Kahit magpakailanman"
Walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "Well then honey, kung kaya mo ako hindi. I'll make you mine again, and it will end forever"
Mahigit ko ang hininga ko ng pinalapit niya ang mukha niya sa mukha ko bago ako hinalikan sa noo at umalis.
What's with fucking mixed signals!?
Nasapo ko ang noo ko at umupo ng maayos. "Kailan ba matatahimik ang daddy mo anak? Masyado niya akong pinapaasa na meron pa"
Napabuntong hininga ako habang hinihimas ang maliit na tiyan ko.
"KUNG may pag-asa pa nga, tatanggapin mo ba?" Tanong ni Iuna.
Napaisip ako, hindi naman masama kung susubukan ko. Pero hindi eh, wala na talagang pag-asa. Saka may anak na yun, meron naman kami pero parang napalabas lang ako na isang kabit pag nagkataon. Madadamay pa ang anak ko sa kagagahan ko.
"I don't know"
Bumaba ang boses ko habang hawak ang isang nutella. Kanina pa ako kumakain nito pero hindi naman ako nabubusog.
"Why don't you try it? Come on Rheane, alam naman namin na hindi ka pa totally move on"
"Anong try ka diyan Ramen? Wala na ngang pag-asa diba? He's married! Ano pang laban ko doon? Things will got worsen if I'll bit the bait"
Nagkatinginan silang dalawa. "What is he's not? Meron?"
Nagkunot ang noo ko sa kabilang dalawa. "Why are you so persistent about this? I'm sure to hell that he's married, wala na ngang pag-asa bakit niyo pa ba pinipilit?"
They just shrugged their shoulders and continue their foods.
"Nagtatanong lang eh"
Inismiran ko si Ramen sa kakulitan niya, bakit ba ako nagkaroon ng mga kaibigang ganito? Maawa naman kayo, naiistress na ako.
"Pero kung–okay!"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng tingnan ko siya ng masama. Makulit talaga.
"So... how's the party at MU? Don't tell me you still attended, Iuna? Hoy babae! Hindi ka na highschool student!"
"Highschool lang ba ang pwede pumunta sa party na yun? Hoy Vien, baka gusto mong masapak?"
Napatakip ako ng tainga ng magsimula na naman silang magsigawang dalawa. Lagi na lang kawawa yung bahay ko, siguro nga kung may multo dito matagal na yun aglayas dahil sa sobrang ingay ng mga kasamahan ko dito.
"Pupunta ka?"
Tumingin ako kay Rizmen. "Saan?"
"Sa valentine's party natin, girl puro tayo single syempre kailangan nating mag date lahat para naman hindi natin ma feel na lonely na tayo forever"
Nagsalubong ang kilay ko. "Maghahanap ako ng ka date sa 14 no! As if naman papayag ako ng walang ka date sa oras na yun, aba't sa ganda kong to walang date sa 14? That's freakin' impossible!"
"Eh sinong tatanggap sayo? Si Vaughn? Sige girl go lang boto naman ako sa kanya, wag ka lang umiyak pag nasampal ka na May asawa na siya"
Binatukan ko si Ramen sa lapad ng imahinasyon niya. "Si Ryze ang ka date ko! Hindi naman ako tanga para ayain ang gagong yun. Saka hindi pwedeng wala akong ka date, magagalit anak ko"
"Hindi daw tanga pero nabuntis sa may anak na"
Sinamaan ko ng tingin si Vien sa pagsali sa usapan namin ni Rizzy. "Epal mo masyado, Vien"
Nagsitigil lang sila kakasigaw ng dumating si Andrea. Buti na lang talaga at sumisigaw yung aura ni Andrea ng kapangyarihan. Baka mabaliw ako sa sobrang ingay nila.
"PAANO ba yan te, wala ka talagang ka date" Pang-aasar ni Rizmen ng malamang hindi makakapunta si Ryze.
Busy daw siya kaya hindi niya ako masasamahan, mukhang makakadalo ako sa single's valentine's party nila. Kung May jowa sana ako ngayon, hindi na sana ako nasali sa kakornihan nila.
Mga kaibigan ko na ang daming alam sa buhay, pati yung mga single May party. sana daw maghiwalay na lahat ng mag-jowa sa 14, ang bitter diba?
"Edi hahanap, ang simple lang nun. Maganda naman ako, may pera, matalino, may trabaho, ayos na ang buhay. Ano pang hanap nila? Bobo lang ang tatanggi sa magandang katulad ko" Sabi ko sabay flip ng buhok ko sa harap niya.
Ngumiwi siya at tumingin sa akin na parang nandidiri. "Kaawaan ka sana ni san Pedro sa kahanginan mo"
Sinamaan ko siya ng tingin at umalis na lang papunta sa mall, baka makakita ako ng kakilala ko. Hindi pwedeng walang ka date ang isang Rheane Reyes bukas!
Pagpasok ko sa mall ay dumeretso agad ako sa isang clothing line, gusto ko munang mamili ng damit para bukas. Excited much ako eh.
"Can you gave me this one and this one?" Tanong ko sa saleslady habang tinuturo ang damit na gusto ko.
"Sure ma'am"
Naghintay lang ako na ma-wrap ang damit na binili ko bago umalis doon. Habang naglalakad ako ay nakita ko si Ryze na may babaeng kasama.
"Ryan Zeil!"
Masaya akong tumakbo palapit sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi bago niyakap. "Ang sama mo naman sa 'kin! Wala akong date bukas"
Ngumuso ako sa kaniya kaya napakamot siya sa batok. "May ka date ako bukas eh"
Doon na ako napatingin sa babaeng kasama niya na masama ang tingin sa akin. Hmm... mukhang may nagseselos.
"Oh... who is she Zeil?" Malambing kong ani.
"Uhmm–"
"Oh hi! I'm Gine Bernardo... can you get your flirty hands off of my boyfriend?"
Natawa ako sa katarayan niya, mukhang may nahanap si Ryze ng katapat niya. "Hi din i'm Rheane Reyes, Ryze older sister"
Nakita ko ang gulat at panlulumo niya kaya tinulak ko si Ryze at niyakap siya. "Girl I'm proud of you! Hindi ka nabigyan ng kapatid ko ng motto in life niya na 'I'm sorry I'm not interested' niya!" Bulong ko sa kaniya na bahagyang natatawa.
"Ano na naman ang sinasabi mo diyan?"
Humarap ako kay Ryze. "Sabi ko dapat ka na niyang hiwalayan, you're gonna ditch me in our date! Isusumbong talaga kita kay kuya Rye!"
Inis niya akong pinaalis sa harap ni Gine at niyakap siya. "May date kami bukas"
"Hindi kita iimbitahan sa baby shower ng anak ko! Hindi kita ipapakilala! Ang sama sama mo!"
Tinaasan lang niya ako ng kilay kaya pinitik ko ang ulo niya. "Wala ka ng pamangkin gumawa ka ng sayo!"
Nang dahil sa sinabi ko ngumisi siya at tumingin kay Gine. "Gawa daw tayo, babe"
Namula ang mukha ni Gine at nag-iwas ng tingin.
"Ang sweet niyo, ah basta! May date tayo bukas" Ngumiti ako ng malaki kay Ryze. "Sige na please! Please, please, please"
"Hindi nga pwede"
Si Gine naman ang hinarap ko. "Gine baby, hihiramin ko bukas ng umaga boyfriend mo ha? Sa gabi na lang sayo para may magawa kayo!"
Mas nagkulay pa ang mukha niya bago tumango. "Yes!" Niyakap ko siya at kinurot ko ang tagiliran ni Ryze.
Niyakap ko din si Ryze at bumulong. "Gusto na syang bumuo, gawin mo na. It's your chance" Nag-iwas ng tingin si Ryze kaya naglakad na ako palayo. "Bye! See you tomorrow, babe!"
Masaya akong lumabas ng mall at dumeretso sa bahay ko. Habang nasa biyahe ako ay panay ang tingin ko sa likuran dahil parang may sumusunod sa akin na kotse.
O baka coincidence lang?
Hindi ko na lang yun pinansin at nagpatuloy sa pagmamaneho. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko ring huminto ang sasakyan, nanindig ang balahibo ko kaya dali dali akong pumasok.
Sino naman kaya yun? Bakit niya ako sinusundan? Ang creepy naman.
Pumasok na lang ako sa loob at saka naligo, napagod ako kakalakad kaya nakatulog kaagad ako.
"WAG yan! Hindi ko gusto, yung action lang" Sabi ko kay Ryze ng piliin niya ang isang romance na movie.
"Hindi ba valentine's? We should pick this one"
Totoo naman, Valentine's pero ayaw ko sa romance ngayon. Feel ko manood ng action movie. "Ah basta wag yan, doon tayo sa Extraction"
Nakita ko kasi yung movie na 'Extraction'. Maganda kasi yun, lalo na at action. Napabuntong hininga na lang siya saka siya bumili ng ticket.
Pagpasok namin ay kaunti lang ang tao, Valentine's naman kasi. Sigurado naman ako na nasa kabila sila at nanonood ng romance. Ano kaya ang ginagawa ng mga single ngayon no? Katulad ko din ba na kapatid lang ang ka-date?
Aba'y ewan. Tanungin ko kaya si Iuna mamaya, baka may hinila na namang lalaki yung isang yun at ginawang date.
Pagkatapos ng movie ay niyaya ko siyang kumain, hindi naman siya nagfo-focus sa akin dahil panay ang text niya sa kung sino man. Kawawa naman ako, may ka-date ng ngayong Valentine's wala namang pake alam sakin.
Ang saklap ng buhay, diba?
"Ano ba yang ginagawa mo?" Iritang tanong ko sa kanya habang kumakain ng adobo.
"Planning a surprise date later, gusto ko romantic yung date namin ni Gine"
Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. Sana ako din noh? Anak labas ka na para naman may ka-date na ang mommy mo paglabas mo, kahit tayo na lang dalawa ang mag-date.
"Pwede ka ng umalis" Sabi ko at ngumiti ng matamis. Kanina pa kasi siya hindi mapakali, ayaw ko naman na ako ang maging dahilan kung bakit mawalan ng love life ang kapatid ko diba?
"Ah... hindi na, may umaayos naman"
Umiling ako sa kaniya. "Tapusin mo na lang yang kinakain mo, tapos alis ka na. Kaya ko naman ang sarili ko"
"Sigurado ka?" Tumango ako sa kaniya.
Minadali niya ang pagkain bago umalis, ako naman ay tumayo na lang at saka pumunta sa kotse ko. Buti nga at nadala ko, hindi kasi kami sabay pumunta dito dahil nag ginawa pa siya sa LIA.
Papasok na sana ako ng napatili ako dahil may sumandal sa akin sa kotse ko. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa galit na mukha ni Vaughn.
"A-an–"
Hindi ko natapos ang sinabi ko ng halikan niya ako ng mariin, hindi ko na alam ang gagawin ko kaya hindi ako nakagalaw.
"Fuck!"
Humiwalay siya sa akin at tumalikod. "Who is he?" Tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung sinong tinutukoy niya at hindi pa talaga ako nakakagalaw sa ginawa niya! Bakit niya ako hinalikan!?
"I'm asking you, Rheane" Humarap siya sa akin at matalim ang tingin niya.
Nang dahil sa tingin na yun ay parang natauhan ako, may asawa siya diba? Bakit niya ba ginagawa to?
"Whomever it is, it's none of your business Vaughn. We broke up, remember?"
Naging malambot ang mukha niya at saka siya lumapit sa akin. "I told you, I'll make you mine again. Wag mo naman akong pahirapan"
Natawa ako ng sarkastiko. "Tinatanong mo yan? Gago ka pala eh! May asawa ka na! May anak, ano pang ginagawa mo dito!? Ginagawa mo pa akong kabit!"
Nanlilisik ang mata ko sa kaniya pero ngumisi lang siya sa akin at hinalikan ulit ako.
"Well, news flash honey. I don't have a wife and a child, if there is... ikaw lang yun"
Hinalikan niya ulit ako bago umalis sa harap ko.
_______________________________________________________________________________________________________
Naghahalikan ng walang paalam ang Vaughn niyo, Bigyan niyo rin po ako BWHAHAHAHA. Char
Pabitin si otor😂
Palamig tayo´◔‿ゝ◔')━☞ (🍹🍹🍹 )
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro