CHAPTER 12
Chapter 12
Pagkatapos nung ginawa namin ni Vaughn sa yatch ay hindi lang doon natapos yun. Pinangko niya pa ako hanggang sa napasok namin ang maliit na kwarto sa loob ng yate at doon niya ako binanatan.
Mag umaga na siguro bago kami natapos, hindi na tuloy ako nakalakad pagkagising ko. Hindi din naman nagtaka mga kaibigan ko dahil tumawa lang sila sa kaibigan nilang iika ika.
Ang laki ba naman kasi niya!
"Sigurado ka ba na okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya.
Nasa Manila na kami, mamayang gabi na ang party sa bahay ni Rystine. Kung ako ang tatanungin gusto ko lang na magbigay ng regalo sa kanila doon pagkatapos ay umuwi na kaagad.
Nitong mga nakaraang araw kasi ay gusto kong laging katabi si Vaughn, naiinis ako kapag wala siya sa tabi ko.
"Oo naman, just enjoy the night honey" He kissed me.
Nagpa-alam kasi akong umalis, sa totoo lang ay ayoko talagang mawalay sa kaniya kung hindi lang dahil sa party na yun.
Hinalikan ko siya pabalik bago bumitiw. Pumasok ako sa kotse ko at saka pinaharurot na yun papunta sa bahay ni Ry. Malapit lang naman yun kaya nakarating kaagad ako.
"Merry Christmas!" Bati ko sa kanila ng makapasok ako.
Panay Batian ang naririnig ko sa loob, ng makarating ako sa dining area ay napanganga ako sa handa. Shocks!
JD, Cali, Tequila, Iba't ibang uri ng beer. May Mojito pa. Shocks talaga!
Kakaiba maghanda ang mga to! May balak talagang magpaka lasing!
"Ano ba naman tong handa niyo!? Maglalaklak talaga kayo!? Pinasan niyo na ba lahat ng problema ng mundo para ubusin tong madaming alak na to!?"
Tumawa si Vien. "Relax, Rheane. Sa gusto lang magpaka lasing ang nga yan. Alam mo naman, halos lahat tayo dito may problema sa love life, sa'yo at saka sa iba lang yung stable"
Napailing ako, wala naman akong balak uminom kaya ayos lang. "Bahala kayo, masira sana ng alak mga lamang loob niyo" They rolled they're eyes on me and raised their middle finger.
Mga babae ba to?
"Rheane! Yung regalo ko!" Sigaw ni Lie sa akin.
Kinuha ko ang regalo nila at isa isang pinamigay. Simpleng regalo lang naman yun pero memorable.
"Eto na!" Sigaw ni Iuna sabay lapag ng bracelet at saka necklace na pare-pareho naming pinagawa.
It's a friendship bracelet and necklace. Every year ay meron kami nito, hindi mawawala ang ganitong bagay sa amin dahil importante ang pagkakaibigan namin.
Lahat ng mga bracelet at necklace na pinapagawa namin every year ay nakatago na sa isang safe na lalagyan, yung sa akin. Ang sa iba syempre suot pa rin at ang iba ay nakatago rin siguro.
"Bakit ang ganda ang kulay? Sinong pumili?" Tanong ni Tessa na tinitignan ang bracelet.
"Si Angela"
Isa iyong silver bracelet na may sparkle kapag nasa dilim ka. May nakasulat na 'Crazy People' sa gilid nun. Lagi na lang ganun ang nakasulat, pagkatapos ay kanya kaniyang name yung necklace. Gold yun tapos yung name na inilalagay ay ang mga nickname na tinatawag namin sa isa't isa like Rizmen ang nakasulat ay Ramen.
I smiled when I wear it. It suitable. Maganda din sa kanila ang bracelet at necklace, bagay na bagay sa magagandang mukha nila.
Nang masuot na namin ang mga yun ay nagkayayaan na sa pagkain. I was craving for adobo kaya yun ang kinuha ko. Sa dami nun ewan ko kung paano ko mauubos.
Hindi naka imik si Vien habang nakatingin sa plato ko ng seryoso, hindi ko na yun pinansin dahil gutom na gutom na talaga ako.
Hindi ko lubos maisip na mauubos ko ang ganoon kadaming pagkain. Grabe ba ang gutom ko? Oh well.... bago ako umalis Naka isa pa si Vaughn kaya hindi na ako magtataka kung gutom nga ako.
Nang matapos ang pagkain ang nagsi-upo kami sa sahig at doon nagsi-kwentuhan. Nakikinig lang ako sa kanila na ngayon ay anak na ang pinag-uusapan.
Ako kaya? May laman na kaya to? Hindi naman na ako magugulat dahil hindi ako naka pills tapos hindi pa kami gumagamit ni Vaughn ng protection.
"Ikaw Rheane? May laman na ba?" Biglang tanong ni Rizmen.
Umiling ako kaya napa sabi sila ng sayang. Gustong gusto talaga nilang maging ninang na, si Tessa pa lang kasi ang buntis. Hindi pa din naman gaano kalakihan ang tiyan niya.
"Diba ginapang ka na niya?"
"Ano ka ba Linds!" Namula ako sa sinabi niya kaya natawa sila.
"Merry Christmas Rheane" Nanunudyo ang boses ni Iuna.
Bakit ko nga ba siya sinabihan ng ganun? Kung ako lang hindi ko talaga sasabihin kaso mapilit tong mga to eh.
"Just like the old times... truth or dare!" Seri beamed.
Eto na naman ang kinatatakutan ko sa lahat ng laro namin.
"Spin the bottle!" Sigaw ni Lie.
Inikot nila ang bote at tumapat ito kay Kry na umirap na lang sa inis.
"Truth or dare, Kry" nagtaas baba ang kilay ni Lie.
"I know I shouldn't pick dare so let's go with the truth"
"Are you still into him?"
"Yes"
Walang pag-aalinlangan ang boses niya kaya nagsitawa sila lalo na si Rizmen. "Sasabihin ko na ba kay kuya?"
"Try mo sasakalin kita"
Si Kry naman ang nagpaikot nun at tumapat siya kay Nicole. "Okay?"
"So... truth or dare?"
Nakita kong nag-iisip si Nicole. Siguro naman wala siyang lalaki ano.
"Dare"
"Call your man and ask him if he wants to have sex with you"
Napatawa kaming lahat dahil namula ang mukha ni Nicole, tama nga. May lalaki din ang isang to.
Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan bago ni loud speaker.
"Hello Cole?" Malambing ang boses ng lalaki.
Nakatakip na ang mga bibig nila para hindi sila makatawa ng malakas. "Uhmm... Sky"
"Yes?"
Tumingin si Nicole kay Kry bago nagsalita. "Do you want to have sex with me?" Dere-deretsong tanong ni Nicole.
Umiwas ako ng tingin at tinakpan ang bibig ko para hindi makatawa ng malakas. I heard the man called 'Sky' groaned in the other line.
I saw how Nicole face filled with embarrassment.
"Stop bluffing Cole, I still want to court you before that, wag mo akong patigasin"
Napatawa kami ng mahina sa sinabi ng lalaki. "Ohh... okay"
Pinatay niya ang tawag kaya napahalagapak kaming lahat ng tawa. This is fun.
Pinaikot ni Nicole ang bote at tumapat ito kay Angela. "Truth or dare"
"Truth" Cool na sabi ni Angela.
"That man... do you like him?"
"Sinong lalaki?" Takang tanong ni Angela.
"The man next to your café who always bugs you!"
Napatango tango siya. "Kinda"
Natawa kami sa sagot niya. Mukhang halos lahat kami ay may lalaki na ah. Pinaikot ni Angela ang bote at tumapat ito kay Iuna.
"Truth or dare"
"Para challenging sa dare tayo"
Nagsibulungan sila dahil alam naman naming walang lalaki si Iuna. "Ocakes! Kiss him tomorrow morning, dapat kasama ako o sino man sa amin dito. Get it?"
Nagulat sila, ako man ay nagulat din. "May lalaki ka!?" Sabay sabay naming tanong.
"Gusto lang" Umiwas siya ng tingin bago pina-ikot ulit ang bote. Tumapat ito kay Vien.
"I'll choose dare... baka kung ano pang itanong mo"
Ngumisi si Iuna at saka umayos ng upo. "Ask your man if he can send you a picture of his dick... kaya mo?"
Nanlaki ang mata ni Vien bago binato ng bote si Iuna na natatawa na ngayon. Kaming iba naman ay nagulat dahil May lalaki din pala si Vien, buong akala ko steady sa trabaho ang gaga.
Vien get her phone then texted someone. After a minute she placed her phone in the middle of the bun.
Vien: Theo, can you send me your dick?
Theo: Get a dick for yourself, back off woman
Napatawa kami ng malakas sa sinagot ng lalaki. "Pucha kulang ang charm mo Vien! Gandahan mo pa"
Umiling na kinuha ni Vien ang bote saka pina-ikot. I readied myself dahil nasa akin na nakatapat ang bote. Alam kong madami siyang pwedeng ipagawa o itanong sa akin, yung bunganga pa ba naman niya na parang armalite.
"Truth or dare, Rheane"
Bumuntong hininga ako. Kapag dare... sigurado akong may kahalayan yun. Kung truth, baka masampal ako ng katotohanan.
"Dare"
Ayoko lang masaktan. "Ayon! I dare you to tell me the truth"
"Huh? Ang daya naman!" Reklamo ko.
Sabi ko dare tapos ginawang truth! Ano yun isang sugod dalawa patay?
"Just do it Rheane... so, does your man loves you?"
Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, masyado silang personal ha!
Bumuntong hininga ako. "Hindi niya sinabi"
Natahimik sila kaya kinuha ko na ang bote at saka pina-ikot. Tumapat ito kay Rizmen kaya ngumiti ako.
That night was happy as hell, hindi lang ako uminom dahil parang feel ko lang na hindi ako pwedeng uminom. Hindi din ako naka-uwi kaagad kasi madaling araw na sila natulog.
By 2:10AM ako umuwi. Pagod na pagod ako kaya binagsak ko yung katawan ko sa sofa at saka pumikit.
Dala siguro ng pagod ay nakatulog ako sa sofa pero ganun na lang ang pagtataka ko ng makita na nasa loob ako ng kwarto ko.
Bumangon ako at saka pumunta sa CR para maghilamos, tapos ay bumaba ako para magluto.
Ganun na lang ang pagtataka ko ng Maye makitang pamilyar na bulto sa kusina ko. Naramdaman niya ata na narito ako sa pinto kaya lumingon siya sa akin at ngumiti.
Nilagay niya ang bacon sa plato bago lumapit sa akin at hinalikan sa labi. "Morning, honey" Bati niya.
I kissed him back. "Morning"
Giniya niya ako pa-upo saka sinilbihan. "What are you doing here?"
"I wanted to see you, tapos nakita kita sa sofa kanina na nakatulog. Kaya nilipat na kita"
Tumango ako sa kaniya. "Thank you"
"Kumain ka na, baka ikaw makain ko" Natawa ako sa kaniya. Eto na naman siya sa mga banat niya.
Kumain na kaming dalawa. "How's the party?" Biglang tanong niya.
Ngumiti ako. "Fun" Aside from that fucking fact.
"Good... buti na lang at nage-enjoy ka doon" He sounded relief.
"Merry Christmas"
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Merry Christmas"
Sa nagdaang araw kasi na magkasama kami ay hindi na namin nabati ang isa't isa. Puro na lang kami kababalaghan na hindi na namin nagawa yun.
"So... where are you going to celebrate new year?"
"Hmm... I'm with my family, you?"
"Same"
Naalala ko bigla na hindi ko pa pala kilala ang boyfriend ko. Ni hindi ko alam ang trabaho niya.
"Can I ask?" Nag-aalangan kong tanong.
He looked at me seriously. "You can ask me whatever you want Rheane, I'm your boyfriend and you are my girlfriend. You have all the rights to ask me, anything"
"Anything?"
"Anything"
"Even about your parents? Your work?" Napanguso ako ng tumawa siya. Nakakatawa bang magtanong? Nakakainis naman ang lalaking to.
"Of course Rheane, so... what is it?"
"Uhmm... kasi ano, tayo na pero hindi ko pa rin alam ang trabaho mo. Ano nga ba ang trabaho mo?" Nagtaas baba ang kilay ko kaya pinisil niya ang ilong ko.
"I'm the current CEO of Alqueza Group of Company" Nasamid ako bigla sa sinabi niya.
That rich!?
"Y-you... mean"
"Yes honey, I'm Kenneth Alqueza's son"
Napaawang ang labi ko. Kaya pala Iba't ibang klase ng mamahaling kotse ang dala niya kasi dahil nga CEO siya doon. Pero... ibig sabihin nun, mahihirapan akong pakisamahan ang magulang niya?
Baka kasi hindi ako tanggap, baka bayaran ako para layuan ang anak nila. Tapos hindi ko tatanggapin kaya idadamay niya ang kawawang pamilya ko.
Ang lawak ng imahinasyon ko no?
"I know what you've been thinking, hindi sila ganun Rheane. In fact, they want to meet you already. But I'm taking your time, at least pupunta tayo doon ng hindi kita pinipilit"
Napailing iling ako, baka kasi kaya sila makikipagkita sa akin dahil doon? Baka bayaran nila ako! Pero hindi naman ako bayaran kaya no worries. Pero kasi! Maraming PERO!
"Wag kang mag-isip isip ng kung ano ano Rheane, mabait ang magulang ko. Gusto na nga nilang magka-anak na tayo agad agad" Doon naman ako napaubo.
Mukhang mas hyper pa ang mama niya sa mama ko ah, sigurado akong kapag nagsama ang dalawa sa kalokohan laging success yun.
"So kailan ang meet up?" Siya naman ang nabulunan ngayon. Bakit ko nga ba sinabi yun?
This days I can't control my mouth already! Dada na lang ng dada.
"Uhmm... is it okay with you? I mean... baka hindi ka kumportable?"
Medyo nairita ako sa sinabi niya. "Ayaw mo ba akong makilala ng mommy at daddy mo? Hindi mo gusto na makita nila ako? Bakit may babae ka ba?" Sunod sunod kong tanong.
His face softened then he cupped my face and leaned to kiss me. "No honey... I'm just worried. But because you're persistent, sure we'll meet them"
Napatili ako sa saya kaya niyakap at hinalik halikan ko ang mukha niya. "Thanks honey!" I beamed.
Minsan ko lang siyang tinatawag na honey kaya dapat sulitin na niya, kaya nga nagulat na lang ang mukha niya kaya pilit kong pinasok ang bacon sa bibig niyang medyo nakaawang.
Natawa ako sa mukha niya dahil ang priceless! Ang cute pa dahil nakabusangot ang mukha niya. Kanino kaya nagmana si Vaughn no? I bet his father, mukha namang mahina ang genes ng mommy niya. Joke lang.
Kapag ganyan kasi ang sinabi mo sa mga mama natin eh magtatampo talaga ang mga yun. Masyadong sensitive ang mga babae kaya dapat ingatan sila ng mga lalaki.
"Masarap?" Pang-aasar ko.
"Mas masarap ka"
Ayun! Ako pa yung natiklop.
"Tse!"
Natapos ang aming umagahan na puro lang kami asaran, hindi ko naman din inungkat pa ang pagkikita sa magulang niya. Hahayaan ko na siya ang mag decide.
"So... ano ngang gagawin ko dito?" Tanong ko sa kaniya.
Nasa harap kasi kami ng company nila, may urgent meeting daw siya. Eh ako naman ayaw mawala sa tabi niya kaya sinama niya ako. Wala naman akong magawa.
"I'll order you some food, anong gusto mo?" Sabi niya habang tinatanggal ang seatbelt ko.
Ewan ko ba, parang tinatamad na ako these days. "Uhmm... Parang gusto ko ng sushi"
"Sushi then" He said then kissed me.
Hinalikan ko siya pabalik bago kami bumaba. Nang papasok na kami ay panay ang bati ng mga empleyado sa kaniya but hell! My CEO is not even paying attention to them!
God he's hot!
May mga babae ngang nagpapa-cute sa kaniya pero ignore lang po ni daddy. Sa akin lang daw attention niya eh.
"I'll be back after this, honey" Sabi niya habang naglalakad kami.
Tumingin ako sa kaniya bago kinuha ang kamay niya at pinagsiklop, napatingin siya doon tapos ngumiti.
"Okay lang naman sa akin kahit magtagal ka... basta may sushi" Naglaway ako bigla ng mabanggit ko ang sushi.
He chuckled. "A'right"
Nang marating namin ang opisina niya ay bakas sa mukha ng babae ang gulat, I bet she's his secretary.
"Wow..." Sabi niya sabay tingin kay Vaughn ng nakakaloko.
"Ang akala ko hindi ka na magbabago! Guess I'm right, nakahanap ka ng katapat insan!"
Pinsan pala.
"Tsk. Shut up Sof"
Ngumiti ang babae sa akin kaya nginitian ko din siya.
"Babalik kaagad ako" Huling sabi niya bago umalis.
Ako naman ay umupo na lang sa sofa at saka inantay ang sushi na pinabili niya, ilang minuto din at pumasok na ang secretary niya na dala ang sushi ko.
Naglaway kaagad ako ng malanghap ko ang amoy niya.
"This is for you, Ms...?"
"Rheane na lang"
Umupo siya sa harap ko at inayos ang kakainan ko. "Alam mo ba Rheane, yang pinsan kong yan hindi na nawalan ng babae sa buhay. Matagal na akong nagta-trabaho sa kaniya dahil yun ang gusto ni Tita, gusto niya kasi na bantayan ko bawat kilos nun" Tumango tango lang ako sa kaniya dahil busy na ako kakakain ng sushi.
"Minsan nga may nga babae na pumupunta sa bahay o dito sa office niya para sabihin na buntis daw sila at si Vaughn ang ama" Natatawa niyang sabi.
Ako naman ay medyo natigilan. Eh paano kung totoo?
"Pero ngayon... hindi ko aakalain na mahuhulog siya sayo. Baka nga gumana na ang sumpa ko"
"Ano ba ang sumpa mo?"
"Na sana makarma na siya! Masasaktan siya kapag nagmahal siya, mababaliw kapag iniwan ng babaeng mahal niya. Maglalaklak ng alak hanggang sa mabaliw na ng tuluyan" Natawa ako sa sinabi niya.
Ang daldal niya pala talaga.
"Gusto mo?" Tanong ko sa kaniya ng isa na lang ang natira, hindi ko pala siya naaya.
Natawa siya at saka umiling. "Sayo na yan, parang kulang pa nga sayo eh. Gusto mo bang mag order pa ako?"
"Pwede... ba?"
Natawa siya kaya ngumuso ako, ang hilig ko ng ngumuso. "Oo naman, dito ka lang bibili lang ako"
Ngumiti ako sa kaniya. Ako naman ay walang nagawa kundi ang maglibot sa opisina niya, nakaramdam ako ng antok kaya humiga ako sa sofa.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at nagising na lang dahil sa ingay.
"Goodness! Bakit may babae dito sa opisina ng anak ko!?" Hysterical na ani ng isang babae.
"Tita... she's Vaughn's girlfriend" Rinig kong sabi ni Sof.
"Ano!?"
Minulat ko ang mata ko at nakita ang isang ginang na nakanganga at gulat na gulat na nakatingin sa akin.
"Nagising tuloy" Napakamot si Sof sa batok niya.
"Oh my! Siya yun!?" Biglang tili ng ginang kaya tumango si Sof.
Ako naman ay nagulat ng bigla niya akong yakapin at pinugpog ng halik sa pisngi.
"Mahal na talaga kita! Oh my!"
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya ngumiti lang ako ng alanganin sa kaniya, sino nga ba siya? Wait... ang sabi niya, office ng... anak niya!?
Mommy ni Vaughn!? Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. May kaunting features na nakuha si Vaughn sa kaniya, yung mata niya ay katulad ng kay Vaughn.
"Uhmm..."
Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil shet! Mommy ni Vaughn yan!
"It's okay hija, hindi ako nangangain" Napangiti ako sa sinabi niya. Kapag nagkita sila ni mommy siguradong end of the world na.
"Mom?"
Napatingin ako sa pinto at nakita ko si Vaughn na nagtatakang tumingin sa mommy niya. "What are you doing here?"
She rolled her eyes. "Para bisitahin ka of course! Lagi naman akong nandito bakit parang bago pa sayo?" Biglang naging maldita.
"Don't bug her mom"
Lumapit sa akin si Vaughn at saka nilayo sa mommy niya. "Ang sama mong anak!" Pagda-drama ni Tita. Oh naki Tita na ako ah.
"Mom naman, wag ngayon. Let's have a dinner later, papakilala ko sa inyo"
Napatili ang ginang at ako naman ay gulat na tumingin kay Vaughn. Sigurado ba siyang ipapakilala niya ako sa pamilya niya?
"Okay! Mas gusto ko siya kaysa dun sa isa" Ani ng ginang bago umalis.
Hindi ko alam pero nabahala ako sa sinabi ng ginang. Anong isa?
May tinatago ba siyang iba? O may mahal siya dati? Sana naman hindi ako masaktan sa padalos-dalos na kilos ko.
_______________________________________________________________________________________________
Dito ko nilagay mga kagagahan ko. Send dick pa more 😂
Isang chap lang muna ngayon araw, bukas naman 🤧💖
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro