CHAPTER 10
Chapter 10
I was stunned.
Talagang hindi ako nakagalaw.
Ibig sabihin ba nun ay seryoso siya sa akin? Walang halong biro?
"Hey are you okay?" Tanong niya sa akin.
Napakurap ako at saka ngumiti sa kaniya. "Okay lang"
Umiwas ako ng tingin, nasa loob pa rin kami ng kotse niya. Hindi ko lang alam kung paano ako aakto lalo na at alam kong seryoso siya. Pero paano kung hindi?
Iniisip ko parin kasi ang sinabi ni dad sakin last night, if I'm in love with him... I'll get hurt right?
Pero hindi naman siguro niya ako sasaktan kung gusto niya ako diba? Pero ayaw kong hanggang gusto niya lang ako. Gusto ko ding mahalin niya ako.
I know it's sounds possessive but I want him to be mine and only mine.
"I'm sorry"
"No... ayos lang yun"
Kanina pa kasi siya nagso-sorry. Kung pera lang ang sorry niya mayaman na talaga ako ngayon, hindi ko nga din alam kung saan niya ako dadalhin.
"I'll talk to him, ayoko magka bad shot sa family mo" Natawa ako. Mukha bang bad shot yun? Well, oo. Masyado siyang aggressive pero alam kong naiintindihan yun ni kuya.
"By the way... pwede ko bang makilala ang pinsan mo na yan?"
Naalala ko lang kasi bigla, gusto kong makilala ang babae na yun. Yung babaeng kayang gawin ang kuya ko na parausan.
"Why?" Nagtataka siyang tumingin sa akin.
"Kasi... parausan niya ang kuya ko" Pagkatapos kong sinabi yun ay humalakhak ako.
Tumawa naman si Vaughn sa sinabi ko. "Let's meet her tomorrow"
Doon ko na naalala na aalis pala kami bukas, hindi ako nakabili ng two piece.
"Uhmm... hindi ako pwede bukas eh" Yumuko ako at saka ngumuso.
"Why? May pupuntahan ka ba?"
Tumingin ako sa kaniya at saka tumango.
"Pupunta kaming Bora kasama ang mga kaibigan ko, lagi na kasi kaming naga-outing kapag malapit na ang pasko at saka kakauwi lang ng kaibigan namin galing Korea"
Napatango siya sinabi ko. "Ilang araw kayo doon?"
Napaisip naman ako, ang sabi niya three days daw yun. Para pagka-uwi namin ay deretso na kami sa bahay ni Rystine dahil doon kami magce-celebrate.
"Three days"
Tumango siya at saka hindi na umimik. Ano naman kaya ang problema ng isang to?
"Are you okay?"
"Yeah... ibig lang sabihin nun ay tatlong araw kitang hindi makikita"
Napaisip din ako, oo nga no? Matagal din ang tatlong araw. I'm sure mami-miss ko siya. Pero hindi namn pwedeng hindi ko sumipot lalo na at alam na nilang pupunta ako doon.
"Kaya nga"
Bumuntong hininga siya. Narating namin ang isang restaurant. "At least makabawi ako sa pagsira ng bonding niyo ng kuya mo. Sorry again honey"
Tinignan ko siya ng masama. "Isang sorry mo pa diyan hahalikan na talaga kita"
Nagulat ako sa sinabi ko, pati din siya nagulat pero unti unting sumilay ang ngisi sa labi nito.
"Pwede din naman. Sorry Rheane, sorry. Sorry. Sorry"
Inis ko siyang pinalo na tinawanan niya lang. Ano yun, one sorry one kiss?
Umupo kami malapit sa pinto, hindi ko mapigilang hindi tumingin kay Vaughn habang tumitingin siya sa menu. Prente siyang naka-upo at nakasandal pa habang naka bente kwatro ang paa. Ang init!
"Staring is rude"
Napairap ako sa sinabi niya. Paano ko naman kasi iiwasan ang pantasya ko sa kaniya? Sa gwapong mukha niyang yan? Seryoso?
Nang dumating ang pagkain namin ay natahimik na lang kami, wala naman siguro kaming pag-uusapan diba?
"Saan ka magce-celebrate ng pasko, Rheane?" He ask from nowhere.
Napatingin ako sa kaniya. "Sa bahay ni Ry"
Nagtaka ako ng dumilim ang mukha niya, ayaw niya bang mag-pasko ako sa bahay ng kaibigan ko?
"Who's that fucking Ry?"
Nanlaki ang mata ko. Wag niyang sabihin na inaakala niyang lalaki si Rystine? Oh well, parang pang lalaki nga ang pangalan niya. Buti na nga lang at may karugtong na Joy.
"Oh... Rystine Joy? She's a friend"
Nakita kong umamo ang mukha niya kaya napangiti ako. "S-sorry. I jump into conclusions again" Umiwas siya ng tingin sa akin.
Dumukwang ako at saka hinalikan siya sa labi. Halik ng dalawang taong walang label. Nice.
Gulat na mukha ang binigay niya sa akin ng umupo ulit ako sa upuan ko, nakaawang pa ang labi niya habang kumukurap kurap. Ako naman ay cool lang na kumain.
"W-why..."
Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. "One sorry one kiss Vaughn"
Napakurap ulit siya at saka tumango tango hanggang sa Ngumisi siya. "Hindi mo pa ako sinasagot niyan ha?"
Napairap ako sa sinabi niya, eh kung ayaw ko pa? Wala pang isang Linggo ang panliligaw niya! Mukha ba akong easy to get?
"Tse! Kumain ka na nga lang diyan" Tinawanan niya lang ako at saka kumain ulit.
Nang nasa bahay na ako ay hindi na siya pumasok, may kailangan siyang gawin sa office niya.
"I'll see you in three days?"
Ngumiti ako ng malungkot sa kaniya. Siya naman ay seryoso lang ang mukha ba nakatingin sa akin. "See you, safe flies Rheane. Babalikan mo pa ako"
Namula ako sa sinabi niya, grabe naman kasi ang mga salita niya. Kinikilig ako eh.
"O-oo naman"
Ngumiti siya sa akin sabay halik sa noo ko. Sabi nila... kapag halikan ka ng tao sa noo, isa ka sa mga pinapahalagahan nila. Talaga ba Vaughn?
"Pumasok ka na... malamig na" Sabi niya.
Umatras ako at saka tinignan siya, he motioned me to get inside already. Bakit parang ayokong maiwan siya? Shucks insane!
Hindi ko napigilang takbuhin ang pagitan namin ay hinalikan siya ng mariin bago ako dali daling tumakbo papasok ng bahay.
Tumakbo ako sa kwarto ko at sinilip ang bintana. Nakita kong naroon pa siya habang nakatayo, nakatingin sa gate ng bahay ko na parang naguguluhan. Hinawakan niya ang labi niya pagkatapos ay ngumiti na parang baliw.
Ako naman ay napatili.
"God! God!" Shocks! Ang tanda ko na para kiligin na parang teenager!
Siguro nga tama si dad.
Mahal ko na ata siya.
Nang makarating kami ng mga kaibigan ko sa Bora ay nagsipasok na kami sa sari-sariling suite namin. Sumuot ako ng isang white two piece at saka floral dress.
Lumabas ako at nakita ang mga kaibigan kong nasa iisang lamesa lang pero maraming upuan sila Naka pwesto.
Lumapit ako sa kanila t umupo sa kandungan ni Lindsey.
"Ano masarap kainin?" Tanong ko sa kaniya.
Tinuro niya ang chicken feet kaya yun ang kinuha ko. Ang mga kaibigan ko ay panay ang kwento tungkol sa buhay ni Rizmen. Kaka-alis lang kasi ng lalaking mahal niya patungo sa ibang bansa.
"Bakit mo naman siya hinayaan Ramen!? God ang hina mo naman!" Vien rolled her eyes. Kumuha siya ng watermelon at saka pilyang kinain sa harap ni Rizmen na pulang pula ang mukha. "Basang basa ah"
Natawa kaming lahat sa sinabi ni Vien, wala talagang tigil ang pagsalita niya ng mga bastos na bagay.
"Kasi naman... hindi kami. Malabo... tapos, wala pang kasiguraduhan" Umiwas siya ng tingin.
Ako naman ay lumalim ang pag-iisip. Kami din eh, malabo. Tapos walang kasiguraduhan.
Pero kung sasagutin ko siya ay meron na. Pero hindi ako sigurado kung mahal nga niya ako.
Kung oo man. Ako na ang pinaka masayang babae sa mundo.
"Eh paano yan? May asawa na siya... anong gagawin mo?"
Nakita kong namula ang mata ni Rizzy, ganito ba ang epekto ng heartbreak? Parang ang sakit.
"Edi magmo-move on. Hindi niya naman talaga ako mahal"
Umikot ang mata ni Kry. "Kami sabihan mo niyan, you know. I've been seeing Thunder with you, yung away away niyo? Gosh! The first time we met I know he already has a feelings for you. Talagang ayaw mo lang tanggapin dahil takot ka"
Tumawa si Lindsey. "Takot sa?"
"Takot ma reject!" Sigaw nila kaya tumawa kami.
Wala namang tao dito maliban sa amin dahil private to, si Nicole ang May ari. Yung Nicole Talde Lara hindi yung Nicole Ann Buentrago. Lara na nga lang tinatawag namin sa kaniya kasi masyadong nakakalito dahil parehas sila ng pangalan.
"Tinikman na nga lang hindi pa inangkin! Gosh! Ghosted ka girl!" Natawa kami sa sinabi ni Sivan.
"Tinikman lang tapos iniwan kaagad! Shocks! Bakit hindi mo na binigay Riz!? Mesherep yun!" Nagsigawan kami sa boses ni Vien. Yung bunganga talaga ng isang OB-Gyne doctor.
"Kasi ayaw niya" Namula si Rizmen sa sinabi niya.
"Kasi nga... rejected ka!"
"Awts! Sampal dito sampal doon Norjehan, gising ka na ba sa katotohanan?"
Napailing na lang ako sa mga kaibigan ko.
Ano na lang kaya pag buhay pa si Zhail? Naku, baka nagkagulo na kami.
"Gapangin sana kayo ni san Pedro" Rizzy rolled her eyes on us.
"Gagi matagal ng gumapang si San Pedro sa akin" Natatawang sabi ni Vien.
Kami naman ay nagkatinginan tapos tumingin kay Vien na tinatampal na ang sariling bibig.
"Tanginang yan! May love life na pala! Kung hindi pa nadulas hindi pa namin malalaman" Pagmumura ni Linya.
"Ang daya!" Si Angela.
"Tse! Parang wala kayong tinatago sa akin ah? Parehas lang tayo!"
Nagsi-iwasan ng tingin ang iba. Tong mga babaeng to, buti na lang talaga at hindi ako madaldal kaya hindi ako nadulas.
"Etong isang to! May lalaki na sa buhay!" Nagulat ako ng tinuro ako ni Iuna.
"A-anong sinasabi mo diyan?"
"Tse ka Rheane! Nakita kita sa restaurant kahapon! Aba May date ang gaga"
Napa-iwas din ako ng tingin at ngumuso. "Si Vaughn?" Napatingin ako kay Andy na seryoso ang mukha.
Tumango ako kaya narinig ko ang singhap ni Sivan. "Shutangina si Ken Vaughn!?" Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa akin.
Tumango naman ako kaya napatili siya. "Shocks! Crush ko yun dati girl! Pero... babaero yun diba?"
Napatingin na sa akin ang mga kaibigan ko, mukhang ako ang headline ng chismis ngayon. "Yeah... pero nagbago naman na siya"
Totoo naman, hindi ko na siya nakikitang May kasamang babae. Ni isa mang babae niya noon ay hindi ko nakita. Pero... ngayong wala ako dun, babalik ba siya sa dating gawi? Sana naman hindi.
"Well.... it's your choice Rheane. Ang magagawa lang talaga namin ay sandalan ka kapag sinaktan ka niya"
Napangiti ako sa sinabi ni Lie. Talagang maasahan ko lagi ang mga kaibigan ko.
"Pero... ginapang ka na ba ni San Pedro?" Namula ako sa tanong ni Rystine kaya tumili sila.
"Tangina nagapang na!"
Bakit kasi gapang ang pinagsasabi nila!? Mukha bang manggagapang si Vaughn!? Well... mukha nga. Sa sobrang bastos ng bunganga nun hindi na talaga ako magtataka.
"Yung bunganga niyo ano ba!" Inis na ani ko.
Tumawa lang naman sila at saka nagsi-alisan. Wala talagang sawa sa chismis pagdating sa kanila, naisip ko tuloy saan napunta yung sawa na yun at hindi pa natuklaw ang mga kaibigan kong ang dadaldal.
Nang hapon na ay gumawa kami ng bonfire sa tabing dagat, I miss this. Matagal na din nung last kong sama sa kanila kapag May outing, masyado akong focus sa family ko kaya hindi ko sila nabibigyan ng pansin.
"I just hope magiging okay na si Zy, world really sucks"
Natahimik kaming lahat, Zyleenah is fighting against the monster inside her. Nung time na kinidnap siya at dinala sa ibang bansa para ibenta, that's sucks.
Alam kong kakayanin niya yun at malalampasan. I just hope na mas napaaga.
"Sinisira niya ang kagandahan ko! Ang seryoso naman ng mukha niyo, lumapit sana si Maria sa tabi niyo"
Ang mga takot sa multo ay nagsitilian. Naku, parang bata.
"Wah! Gusto kong magpagapang!" Sigaw ni Vien na nakaharap na sa dagat habang sumisigaw.
"Gaga! Sino ba yang lalaki na yan at baliw na baliw ka ha?"
"Ayokong sabihin baka agawin niyo"
Napairap silang lahat sa sinabi ni Vien. Para namang walang jowa ang iba dito. Makaasta naman.
"Gagapangin ka sana ni san Pedro, yung totoo ha" Binatukan ni Vien si Kry.
"Gaga ang bitter mo"
"Kasi naman nang-iingit ko eh!"
"Hindi pa kasi move on kay ex kaya ganiyan. Riz, sabihan mo na nga si Yaken na balikan na tong bitter nating kaibigan para naman medyo tumamis" Binato ni Kry si Iuna ng buto ng manok.
"May nililigawan na yun eh"
Nagulat ako sa sinabi ni Rizzy, ang akala ko ba mahal pa ni Yaken si Kry? Bakit may babae na siya? Mga lalaki talaga.
Nakita kong lumungkot ang mukha ni Key at saka umiwas ng tingin.
Awts masakit yun.
Natapos ang gabi namin na puro lang tawanan at asaran, hindi rin mawawala ang kantahan at sayawan. Masaya lang talaga na nakasama ko ang mga kaibigan ko sa ganitong klase ng okasyon. Nakakawala ng stress ang asaran at kulitan namin.
Humiga ako sa kama ng pumasok ako sa suite ko, hatinggabi na rin at masyado ng malalim ang gabi pero hindi ako makatulog.
Iniisip ko si Vaughn ano ba!?
Kasi naman, alam ko na sa sarili ko na mahal ko siya pero hindi ko maamin dahil baka hindi kami parehas ng nararamdaman. Takot ako sa mangyayari. Takot ako na baka isa din ako sa laruan niya. Takot ako na baka niloloko niya lang ako.
Madaming negatibong bagay ang naiisip ko kaya lumabas muna ako para magpahangin.
Pagkalabas ko ay nayakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. Bakit kasi ang nipis ng damit ko pagkatapos hindi pa ako nagdala ng jacket? Bobo ko rin minsan eh.
Pumunta ako sa dalampasigan pagkatapos ay umupo sa buhanginan, masyadong tahimik. Wala masyadong tao pero dahil private nga. May mga tao pero kaunti lang. May parte rin pala dito sa Bora na private?
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni ng May maramdamang jacket sa likuran ko. Napalingon ako sa naglagay nun at halos manlambot pati mga buto ko ng makita si Vaughn na seryosong nakatingin sa akin.
"Gabi na... you should rest"
Napakurap kurap ako pagkatapos ay kinusot ang mata ko pero hindi talaga ako ng Kamali, si Vaughn nga!
"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong ani.
Ngumiti siya sa akin ng matamis kaya halos matumba ako. Buti na lang talaga at nakatukod ang kamay ko sa buhanginan.
"Hindi ko kayang malayo sayo, kaya sumunod na lang ako. Good thing I have connections para makapasok dito"
Umupo siya sa tabi ko at saka sumandal sa balikat ko. Bahagya akong napaigtad pero nanatili lang ako. Yung puso ko halos lumabas na sa ribcage niya kakatibok ng malakas. Ganito kalakas ang epekto sa akin ng isang Ken Vaughn Alqueza.
Masyado siyang charismatic.
"I miss you already" Sabi niya.
Hindi ko alam pero napaka sexy ng boses niyang yun. Nakakainis lang na kahit ang boses niya ang sexy pa samantalang ako masyadong malalim.
Ang dami kong insecurities pagdating sa lalaking to!
"Uhmm... saan ka pala matutulog?" Tanong ko.
Bahagya naman siyang natawa. "I'm planning to sleep at the sofa of my brothers suits. Wala naman akong matulugan"
Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit sa sofa pa? Masyadong masakit sa likod yun diba?
"You can sleep in my room"
Hindi ko alam kung anong nangyari a utak ko para masabi ko yun pero parang mas nagustuhan ko pa ang nasabi ko.
Bahagya siyang tumawa. "Alam mo bang pag inaya mong matulog ang isang lalaki sa isang kwarto ay parang Inaya mo siyang makipagtalik sayo?"
Nagulat ako. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Ayaw ko lang namang masaktan ang likod niya dahil sa sofa pa siya matutulog.
"I-i didn't mean about that" Umiwas ako ng tingin dahil feel ko ang pula na ng mukha ko.
He chuckled. "I know... gusto mo bang kumain?"
"Sige"
Tumayo siya at nilahad ang kamay niya kaya kinuha ko yun. Pumasok kami sa restaurant dito at saka nag order. Ang akala ko pa naman matagal pa bago kami magkita pero parang mapapa-aga ang pasko ko.
"When are you going back?" Tanong ko sa kaniya.
Baka kasi hanggang bukas lang siya.
"Kasabay mo"
Napa-ubo ako sa sinabi niya, bakit naman siya sasabay sa akin kung pwede naman siyang umuwi ng mas maaga?
"B-bakit naman?"
He looked at me seriously. "Kasi nga gusto kong makasama ka, wala akong magawa sa bahay kaya mas gugustuhin ko na lang na dito ako kaysa sa bahay"
Eh paano yan? Baka makita siya ng mga kaibigan ko. Headline na naman ako ng chismis ganun?
"Siguro naman may pamilya ka noh?"
"Pinapaalis mo ba ako" Sumimangot siya kaya napatawa ako.
"Sorry, hindi naman kasi sa ganun eh. Nag-aalala lang ako na baka ma bore ka dito"
"I am not Rheane, being with you is not a bore. It felt like my fantasies dream came true"
Namula ako. Pinagpapantasyahan niya ako!? God ang ganda ko talaga!
Nang matapos kaming kumain ay lumabas na kami, nakita ko pa nga si Nicole na may kausap na lalaki. Hindi naman ako katulad ng iba na papake-alaman ang buhay nila kaya hinayaan ko na lang.
Ang magagawa ko lang sa kanila ay ang suportahan sa kanilang ginagawa at ihanda ang aking sarili para sandalan nila. Yun naman ang lagi kong dapat gawin.
Hinatid ako ni Vaughn sa suite ko, gabi na din kasi at malalim na ang gabi. Nang nasa tapat na kami ng pinto ng aking suite ay hinarap ko siya.
"Salamat, i enjoy the dinner"
Siya naman ay pilyong ngumiti. "Siyempre, pero mas mae-enjoy ka sana kung ako ang inulam mo" He winked at me that makes my face reddened.
Yung bunganga talaga niya!
"Ang bastos talaga ng bunganga mo" I rolled my eyes on him.
"At least sayo lang"
Napangiti ako ng wala sa oras sa sinabi niya. Nilalandi na naman niya kasi ako. Pa fall din ang isang to eh, kaya nahulog na naman ako aa patibong niya. Hayst, sana naman hindi ko mapagsisihan.
"Bakit gusto mo ba akong kainin?" Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob ko para itanong ko sa kaniya yan.
"I-i m-mean... a-ano" Nailang tuloy ako dahil bakas ang pagnanasa sa mukha niya.
"It's tempting Rheane, don't say it ever again. Baka angkinin kita ng wala sa oras"
Umiwas ako ng tingin at saka ngumuso, ewan ko kasi sa sarili ko. These days parang lagi ko siyang pinagpapantasyahan. Lagi na lang akong dinadatnan ng libog sa tuwing naiisip ko siya.
Bumuntong hininga ako at saka nakangusong tumingin sa kaniya. "Then fuck me!" Inis na ani ko.
I just wanted to feel him inside me. I want him to fill me, I want him to fuck me really hard and rough. I want him.
Gusto kong mapa-aga ang pamasko ko sa kaniya.
____________________________________________________________________________________________________________
Late na pamasko ng po yung sa akin😚 Next na yung jugjugan! Aba wag excited mapagkamalan kang inosente niyan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro