Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

"SHIT!"

Mabilis niyang hinablot ang mga nakakalat na damit sa sahig. The stinging feeling in between her legs bothers her a lot. Pero wala siyang pakialam doon. Kailangan niyang makaalis. Nag-aagaw pa lamang ang liwanag at dilim mula sa glass panel wall sa itaas ng TADHANA. Thank god! At baka magka-scandal pa siya na wala sa oras. Uupakan na talaga niya ang sarili niya.

Tangina, Vel! Anong ginawa mo?!

Isa-isa niyang isinuot ang bra at panty. Muntik pa siyang matumba dahil na out of balance siya. Shit! Shit! Shit talaga! Marahas niyang isinuklay ang kamay sa maikling buhok na hanggang sa batok na lang ang haba. Sinunod niya ang itim at maluwag na T-shirt at isinuksok na lang ang breast binder sa nahagilap niyang knapsack. Nasa kalagitnaan siya ng pagsusuot ng pantalon nang marinig niya ang ungol ni Word.

Lalo niyang binilisan ang kilos.

God! She groaned in her mind. Hindi niya alam ang ire-react. Tangina talaga! Gusto niya ring ambahan ng suntok ang walangya! Kung bakit sila humantong sa ganoon ay alam niyang si William Ordeal Santillan ang may kasalanan. Wala siyang ibang sisihin kundi ang hinayupak na fuckboy na 'yon.

Gaga! Sino ba kasing magsabing maglasing ka?! At dito n'yo pa talaga ginawa sa mismong Café niya? Tangina ka Maria Novela Martinez! Isang malaking pakyu sa kagagahan mo!

What is done is done.

Iisipin na lamang niyang masamang panaginip ang lahat at nagkaroon siya ng sex experience sa isang engkanto. Isang walangyang engkanto!

Pagkatapos niyang isintas ang mga sapatos ay umayos na siya ng tayo ulit. Akmang aalis na siya nang maramdaman niya ang mahigpit na hawak ni Word sa isang braso niya. Tinakasan yata siya ng lintik niyang puso. Nahigit niya ang hininga at para siyang nakipag-eye-to-eye kay Medusa.

She literally frozed.

Ramdam niya ang tangkad ni Word sa kanyang likod. It was making her uncomfortable lalo na't pansin niya ang hubad na repleksyon nito sa salamin sa kanyang harapan. 

Napalunok siya.

"Just where exactly are you going?" he whispered, nanaas agad ang mga balahibo niya. Kilabot ba 'yon o ibang kilabot?

The huskiness in his morning voice brought fragments of their heated passion last night. Naloko na talaga! Hindi niya maalala ang buong detalye nang nangyari sa kanila. Wala siyang balak kahit na alukin pa siya ng isang milyon. Yet, she feels a strong magnetic pull between them that is unbearable to resist.

Humugot muna siya nang malalim na hininga bago marahas na binawi ang braso mula rito at hinarap si Word. Hindi na siya bumaba ng tingin at baka ano pang makita niya roon.

"Gago!" she spats. Kuyom na kuyom na ang mga kamay sa magkabila.

Word looks confused and blank nang hilutin nito ang mga sintido. "Shit. This is crazy. I don't know what happened –"

"Hindi mo alam o kunwari 'di mo alam?!"

"Look, I'm sorry." Seryoso siya nitong tinignan.

Hindi niya kinayang kaya siya nitong kausapin nang nakahubad pa rin. Napansin na niya ang mga damit nito kanina kaya isa-isa niyang pinulot ang mga 'yon at ibinato rito. Isa-isa rin naman niya 'yong sinalo.

"Vel?!" may pagtatakang tawag nito sa kanya, lahat ng damit nito ay yakap na nito, nahulog lang 'yong pantalon nito.

"Novela, fuck!" He groans in frustration. O, ngayon, nagagalit ka? Tangina mo! Magmumura ako hanggang sa mga susunod pang taon o kahit habambuhay pa kung ikaw lang naman. "Can we just talk like two civilized people?!"

"Tangina mo!"

He look at her disbelievingly, na para bang tinubuan siya ng tatlong ulo. His shoulders squared and she could vividly hear him saying 'what the fuck?' in his eyes. Well, basta, ganoon ang dating!

She rolls her eyes and throws a death glare at him.

"Huwag na tayo mag-usap!"

"Vel –"

"Uuwi na ako!"

"Vel! Wait! Fuck, ihahatid na kita." Bago siya tumalikod ay nagkukumahog na itong magbihis. Narinig pa niyang parang bumagsak ito sa sahig. "Shit!" Serves him right! Kahit dumeretso na ito sa impyerno.

Isinuot niya ang maroon bull cap sa ulo na kanina pa niya hawak nang makababa na siya sa ground floor. Hindi kanya 'yon. Pero bahala na. Mabuti na lang talaga at wala pa ang mga staff nito. Tangina! Hindi niya maimagine kung may isang staff na makita silang hubo't hubad sa second floor ng TADHANA. Hinding-hindi na siya lalabas ng bahay kapag ganoon!

Medyo maliwanag na sa labas. The café was architecturely designed as a glass house café. God, ayaw na niya isipin kung anong katangahan ang ginawa niya kagabi. Ngayon lang yata nag-sink-in lahat. Ramdam na niya ang hangover dahil sa panakanakang kirot ng sintido.

"Novel!"

Marahas na hinarap niya si Word. Napaatras ito sa matalim na tingin niya rito. Subukan lang nitong lumapit at gugulpuhin na talaga niya ito. Nakasuot na itong pantalon at kasalukuyang isinusuot ang puting T-shirt, nakayapak.

"Fine!" He sighs in defeat. "Hindi na tayo mag-uusap after nito... if that's what you want." Kalmado na ang boses nito. "Pero hayaan mong ihatid na kita sa inyo. I promised Tita Mati na sabay na tayo uuwi, and it's drizzling outside. I don't think may bumabyahe nang taxi or jeep around the area –"

"I can manage."

Kumunot lang ang noo nito. "Vel –"

"Bahala ka na sa buhay mo! Uuwi na ako." Hindi niya alam kung bakit nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. Gusto lang niyang makaalis sa lugar na 'to. Wala na siyang pakialam kahit wala siyang masakyan o mabasa siya sa ulan. Tangina, uuwi talaga ako! Dumeretso na siya sa glass door kaso ayaw mabuksan. "Tangina naman!" mura niya nang malakas.

Marahas niyang binitiwan ang handle at sinipa ang glass door. Hindi man lang 'yon natibag.

"Wait, I'll open it up."

In instant ay mabilis itong nakarating sa tabi niya. Lumuhod ito dahil mukhang nandoon ang lock ng pinto. The metal lock clicks open kaya 'di na niya hinintay na makatayo ulit si Word. She pushes the door forward at tuluyan nang lumabas kahit na umaambon.

"Vel!" sigaw ulit ni Word pero 'di na niya ito nilingon pa.

Marahas niyang pinunasan ang mga luhang kumawala agad. Inis na inis siya sa sarili. Out of all people. Bakit sa isang William Ordeal Santillan pa?! Ang walangyang 'yon! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro