Epilogue
Napangiti si Vel nang mapatulog na niya sa wakas si Book. Hirap na hirap talaga siyang patulugin ang batang 'to at hindi nahihimbing kung hindi niya isinasayaw at pinapatugtugan ng malumanay na kanta. Sinanay kasi ng ama niya at ngayon kapag busy si Santillan ay siya ang nagdudusa.
Tanggal angas lagi ni Mommy.
Inamoy niya ang leeg ni Book saka hinalikan sa noo. Lagi siyang nanggigil sa amoy at ka-cute-an ng anak niya. Hindi nakakaumay at kapag bad mood siya at stress, nawawala ang inis niya sa ngiti at pagtawa pa lang ni Book.
Dahan-dahan na niyang inihiga si Book sa stroller, bahagya lang itong gumalaw pero hindi naman nagising. Inayos niya ang blue blanket sa katawan nito para hindi masyadong malamigan at ipinayakap ang dumpling plushie toy na bigay ng Ninang Gospel niya - na sobrang kamukhang-kamukha ni Book.
Pagkatapos masiguro na hindi na madidisturbo si Book ibinaling niya ang tingin kay Santillan na seryosong-seryoso pa rin sa kung anong ginagawa nito sa harapan ng laptop nito. Nasa TADHANA sila ngayon, nabuburyo siya sa bahay kaya dinala niya si Book sa café. Tumawag naman siya bago siya pumunta rito at baka madisturbo pa niya si Santillan. Kaso itong asawa niya ay in-assure siyang hindi ito busy kaya tumuloy pa rin siya.
Dalawang buwan na ang lumipas simula noong church wedding nila at ganoon pa rin ang buhay nilang mag-asawa. Barda pa rin all the way at minsan napagkakamalan pa ring tibo dahil sa mga suot niya. Hindi na nagbago ang pananamit niya kasi doon siya komportable. Nagmamaganda lang siya kapag feel niya.
Although, she kept her arm-length hair. Madalas nga lang ay itinatali niya dahil mainit. Pag-iisipan pa niya kung magpapagupit siya, but for now, wala siyang plano.
Lumapit siya kay Santillan. "Hindi ka pa rin tapos riyan?" malumanay niyang tanong.
"I might have to work on this until tonight," nakangiting sagot nito nang hindi ibinabaling ang tingin sa kanya. "I need to review everything dahil kailangan na 'to i-audit. I'm meeting my accounting team tomorrow to discuss about this again."
Tumayo lang siya sa likuran nito, naniningkit ang mga mata sa tinitignan ni Santillan na excel file. May mga folder documents pa ito sa mesa nito - piles of it. In fact, noong dumating sila kanina ni Book ay nandito ang dalawang accounting staff nito.
Hinawakan niya sa mga balikat si Santillan. "Uuwi na lang muna siguro kami ni Book para matapos mo 'yan nang mas maaga -"
"No." Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Please, stay." Itinigil nito ang ginagawa at tumingala sa kanya. Binawi ni Vel ang kamay niya para masahiin ang mga pisngi nito imbes na dapat ang ulo nito. Nakasuot pa rin ito ng salamin sa mata. "I need to take a break. I seriously need to have one." Hinubad nito ang salamin sa mata at inilapag 'yon sa mesa. Ang ulo naman naman ang minasahe ni Vel. "Thanks." Napangiti ito habang nakapikit ang mga mata.
"Masakit talaga sa ulo kapag numero ang tinatrabaho," aniya.
He chuckled. "Basta usaping gastos at pera."
"Kami rin sa Matilda's, na-e-stress ako sa mga ilalabas na pera," natawa rin siya pagkatapos. "Pero ganoon talaga kapag magtatayo ng business, kailangang sumugal kahit na madugo."
He nodded. "At para sa kinabukasan nating tatlo."
Napangiti si Vel. "At dahil sa mukhang pera tayong mag-asawa."
Mahinang natawa si Santillan saka nagmulat ng mga mata. Pinihit nito ang swivel chair pa kanan at hinawakan ang kamay para igiya siya paupo sa kandungan nito. Agad niya naman iniyakap ang mga braso sa leeg nito at hinalikan ang asawa sa mga labi. They kissed longer than her first plan na dampi lang.
Well, ano pa bang i-expect niya sa asawa ko? He will never be contented with those cute-cute kisses. Laging torrid ang gusto.
Nang maghiwalay ang mga labi nila ay tinitigan naman siya nito sa mukha, may pilyong ngiti na naglalaro sa ngitong iyon.
"I suddenly want to me make love with you in this office," basag nito.
Natawa siya. "Gage! Nandito si Book. Ikaw, napakalandi mo kahit saan ka ilagay." Ibinaba niya ang mga braso at ang isang kamay naman nito ang hinawakan niya, pinagdikit niya ang mga palad nila kung saan nakasuot ang wedding bond nila.
He chuckled. "May marriage licence naman po ako, Mrs. Santillan... at saka... tulog pa naman ang anak natin. He wouldn't hear us."
"Bahala ka sa buhay mo."
Lalo lang itong natawa, pero mahina lang. Ninakawan pa siya ng halik sa pisngi. "Sa bahay na lang mamaya."
"Akala ko ba busy ka?"
"Making love with my wife is my top priority in life."
"Para kang tanga riyan. Pera ang top priority in life nating dalawa," biro pa niya. "Pera para sa future ni Kai at para makapag-travel tayo."
"Okay." He nodded. "Money and love making with my wife -" Tinampal ni Vel sa dibdib si Santillan - malakas na tampal, kaya napangiwi ito. "Napakabrutal mo talaga."
She chuckled. "Ay nga pala, naalala mo noong pinasok kita rito?" Kumunot ang noo ni Santillan. "'Yong araw na bumabagyo at nagulat ka nang pumasok ako sa opisina mo. Tapos, sinabi kong nanonood ka ng porn kaya gulat na gulat ka at isinarado mo agad ang laptop mo."
Natawa na naman ito. "'Langya, hindi nga kasi 'yon porn."
"Mukha mo!"
"Hindi nga. Ito napakakulit."
"Wee? E, kung hindi naman pala, bakit parang ang defensive mo noon?"
Napakamot ito sa noo, natatawa pa rin. "Hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sa'yo kung anong tinitignan ko no'n sa laptop ko."
"Ano nga kasi?"
He cleared his throat first.
"I was talking with Gospel prior to your grand intrude in my office. Inalok niya ako na ipo-promote raw niya ang TADHANA Café sa vlogs at stories niya for free pero kung magti-trend daw ang gagawin niyang brand placement ay saka ko lang siya babayaran ng fees."
"At anong konek no'n?"
"So, I asked her a sample of of her stories, promotional kit, and video links... kaya lang..." Halatang nagpipigil ng tawa si Santillan.
"Kaya lang ano?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.
"Walang problema sa mga isinend niya sa'kin... kaya lang... may nasama siyang attachment na hindi niya sinasadyang i-submit sa'kin."
"Ano nga?"
"Here, let me show you." Nagpipigil talaga ito ng tawa. Inayos nito ang upuan nito paharap sa laptop nang hindi siya pinapaalis. May hinanap itong folder sa desktop at pinalakihan ang isang photo.
"Tangina!" mahina niyang mura nang makita kung anong klaseng larawan iyon.
Doon na natawa si Santillan.
"Gaga talaga ang babaeng iyon!"
Nakita na niya ang edited picture na 'yon. Ilang beses na niyang sinabihan si Gospel na i-delete iyon. Ang magaling, nag-edit ng picture nilang dalawa ni Santillan. Hindi nila katawan, in-face-crop lang nito ang mga mukha nila ni Santillan at ipinalit doon sa couple photo na ewan kung saan nakita ng bastos niyang kaibigan.
Nakaharap ang mukha ng babae na mukha ko na ang pumalit, nakatuwad sa mesa ang posiyon at halos hubo't hubad na. Nasa likod ang lalaki na pinalitan ni Gospel ng mukha ni Santillan, walang suot at binabayo ang babae sa likuran. Dios ko, dumating ako sa point ng buhay ko na gusto ko na lang maging masamang tao dahil kating-kati akong patahimikin na nang tuluyan si Gospel Grace! Napakabastos talaga ng babaeng iyon!
Kinilabutan si Vel habang tinitignan ang edited photo. Pakiramdam niya ang isa-isang kumakawala ang mga balahibo niya sa mga braso at batok kaya in-close na niya ang larawan bago pa may makakitang iba.
Tawang-tawa pa rin si Santillan sa likuran niya. "Hindi naman manghuhula si Gospel, 'di ba? Bakit nakita na niya ang future nating dalaw -" Pinalo niya sa dibdib si Santillan, pero tawa pa rin ito nang tawa. "Okay, ngayon mo sabihin kung hindi ka magwawala kung sakaling nakita mo nga 'yan noong araw na 'yon."
"I-delete mo na 'yan!"
"Remembrance 'yan."
"Gago!"
"Foreshadowing mistake na mabubuo ang anak natin sa gabing 'yon."
"Kakalbohin ko talaga ang babaeng 'yon kapag nagpakita 'yon sa'kin mamaya. Wala akong ititira kahit isang hibla."
Bumalik ang gigil niya. Tototohanin niya talaga ang balak niya.
"Speaking of Spel, nagtataka lang ako..."
"Nagtataka saan?"
Kumunot ang noo ni Santillan. "Bakit ba lagi niyang inuutusan ang anak natin sumayaw ng... teka, ano nga 'yong sinasabi niyang kanta lagi... love... love shot ba 'yon?"
Pati siya ay napakunot noo na rin. Napansin nga rin niya. Parang pamilyar siya na hindi sa kantang 'yon.
"Oo nga, 'no?"
Maya-maya pa ay biglang may kumatok sa labas ng pinto. Mabilis na umalis siya sa pagkakaupo sa kandungan ni Santillan para pagbuksan ng pinto ang kung sino mang kumakatok kahit hindi naman 'yon naka lock.
Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanila si Tina. May hawak itong white envelope na nakasilid sa isang ziplock transparent plastic.
"Boss, Vel, sorry, isisingit ko lang 'to." Inabot ni Tina sa kanya ang envelope. "May messenger na naghatid niyan kanina. Pasensiya na kung ngayon ko lang naiakyat kasi madaming customers sa ibaba."
"Kanino daw galing?" she asked.
Tina shrugged her shoulders. "Walang nakalagay e. Hindi rin alam ng naghatid kasi hindi naman daw dapat siya ang maghahatid niyan. 'Yong isang rider na kaibigan niya kaso nagka-emergency kaya sinalo na niya."
"I see," sagot ni Santillan. "Sige, ako na ang bahala. Bumalik ka na sa baba."
"Okay po, Boss." Ngiting-ngiti pa si Tina habang sinisilip-silip si Book. "Vel, tulog na ba si Book?"
"Kakatulog lang," nakangiti niyang sagot.
"Okies! Mamaya na lang."
Umalis na si Tina at isinarado na rin ni Vel ang pinto. Dala ang envelope na naglakad ulit siya sa direksyon ng mesa ni Santillan. Sinipat niya ang buong envelope pero pangalan lang ni Santillan ang naroon at address ng TADHANA Café.
"Sino kaya ang nagpadala sa'yo niyan?" aniya, sabay abot ng envelope kay Santillan na sa mga oras na iyon ay nakatayo na sa gilid ng mesa nito.
"There's only one way to find out."
Binuksan nito ang ziplock at inilabas doon ang envelope. Hindi naman ito nahirapang buksan ang envelope. May naka-fold na papel sa loob. He didn't unfold it yet, umangat ang tingin nito sa kanya, tila naghahanap ng sagot sa kanya kung babasahin ba nito ang laman no'n o hindi.
She smiled at him. "Go, basahin mo na."
Tipid itong ngumiti saka inabot ang kamay niya. "Let's read it together."
Tumango si Vel at lumipat ng tayo sa tabi nito. Iniyakap niya ang isang braso sa baywang ng asawa at isinandal ang isang pisngi sa braso nito. He on the other hand started unfolding the paper hanggang sa mabasa na rin niya ang mga salitang nakasulat doon.
Salamat sa pagpapatawad, anak. Hindi ko alam kung ilang taon ang kakailanganin ko para personal kang maharap at makausap muli. Sakabila ng pag-uunawa at pagpapatawad mo sa akin ay pakiramdam ko pa rin ay hindi ako karapatdapat sa pagpapatawad mo. Pero dala ko na ang paggaan ng kalooban ko. Pagkatapos ng maraming taon ay nagawa ko ring ipagtapat sa pamilya ko ang tungkol sa ginawa ko sa panganay ko na si Boy. Buong puso kong tinatanggap ang galit at pagkadismaya nila sa'kin - lalo na sa anak kong si Warren. Sakatunayan ay kulang pa iyon para sa mga kasalanan kong nagawa sa'yo.
Hindi ko man ito naisip noon, pero, anak, you deserve every love, care, and happiness in this world. In this lifetime, you will always be my greatest regret. I should have chosen you over other things in this world.
For now, sana ay maipaabot mo sa mga magulang mo ang labis-labis kong pagpapasalamat sa kanila. Inalagaan ka nila at minahal nang buong-buo... ang klase ng pagmamahal na hindi ko kailanman naiparamdam sa'yo.
Babalik na ako ng Amerika at kahit sa malayo ay lagi kitang aalahanin.
Hanggang sa muli, Boy.
-Mama
Nang tignan ni Vel ang mukha ng asawa ay may ngiti ito sa mukha na may kaunting luha sa mga mata. Niyakap niya na ito nang tuluyan.
"Nakilala ka pa rin niya," aniya.
He chuckled. "Tinignan niya siguro kung sino ang nasa logbook sa guard house."
"Nag-disguise ka pa."
Lalo lang ito natawa. "It's always the thought that counts, Mahal."
"Sabag -"
Hindi na natapos ni Vel ang sasabihin dahil bigla siyang naduwal. Kumalas siya ng yakap kay Santillan at pinakiramdaman ang tiyan at nang maramdaman na parang maduduwal na naman siya ay naitakip niya ang isang kamay sa bibig.
"Vel?" may pag-aalalang tawag nito sa kanya. "Vel, are you okay?"
Napalunok siya at kinalma muna ang sarili. Hindi pa rin bumabalik ang normal na pakiramdam niya... parang kahit anong oras ay babaliktad na naman ang sikmura niya. Ayaw niyang mag-overthink pero sa nakalipas na araw ay may umaga na ganoon siya. Mabilis din siyang mapikon ngayon at lagi siyang may cravings na hindi naman niya gustong kainin noon.
Shit!
Sa sobrang pag-iisip niya ay hindi na yata siya kumurap.
"Walangya," mahina niyang mura.
"O, bakit?"
Masama ang tingin niya kay Santillan sa pagkakataon na iyon. "Sure kang maayos kang nag-wi-withdraw?"
"Withdraw ng pera?"
"Gago, hindi." Lalo lang kumunot ang noo nito, halatang hindi talaga nito na-ge-gets ang sinasabi niya. "Hay nako!" Gusto niyang sabunutan ang sarili, naiinis siya. "Sabi kasing mag-ingat e."
"Na scam ba tayo?"
She glared at him even more. "Delayed na ako ng isang buwan at pakiramdam ko bumabalik na 'yong mga bisyo ko noong ipinagbubuntis ko pa si Book." Titig na titig si Santillan sa kanya. "Ano ba 'yang mga sperm mo? Bakit laging may lumulusot?"
Napahawak si Vel sa magkabila niyang mukha. Na-e-stress na siya kahit wala pa man ding kompirmasyon. Kung buntis siya ay isang taon lang magiging agwat ng pangalawa nila kay Book.
Naiisip ko pa lang ang labor ko kay Book ay na-e-stress na ako.
Niyakap siya ng asawa niya. "Huwag ka nang ma-stress diyan. Ayaw mo no'n? May kalaro na si Book."
"May lakad ba 'yang mga sperm mo?!"
Hinalikan siya nito sa noo. "Malay mo naman ay babae na ang Book 2 natin."
Nawala ang takot niya at kahit papaano ay nabawasan ang pag-o-overthink niya. Wala namang issue sa kanya if masundaan agad nila si Book. Ang issue lang niya ay masakit talagang manganak.
Shutaaa!
Isinandal niyang tuluyan ang pisngi sa dibdib ng asawa niya at gumanti na rin ng yakap. Para siyang napagod bigla at gusto na lamang niyang kumuha ng lakas sa pagyakap sa asawa niya.
"Natatakot ako na... excited din... hindi ko alam..." pag-amin niya.
"Huwag kang mag-alala, nandito naman ako."
"Baka ang cravings ko naman ngayon ay mango float na walang float."
He chuckled. "Kahit mag-request ka pa ng graham na walang ham, gagawan ko pa rin ng paraan."
Natawa si Vel. "Gage!"
"Pero mas gusto kong ako na lang ang i-crave mo."
Tumingala siya rito. "Parang gusto ko rin 'yan."
"Kailan?"
"Puwedeng ngayon?"
Sumilip ang naglalarong pilyang ngiti sa mukha niya.
He chuckled. "Let's keep the restroom door slightly open para marinig natin si Book." Bumaba ang mukha nito para halikan siya sa mga labi na agad din niyang tinugon. "And let's not be too noisy..." he added after their kiss.
Bahagya niya itong itinulak sa dibdib, his eyes smiling with excitement and amusement while looking at her.
"May isang request lang sana ako Chef," kagat labing sabi niya.
He chuckled. "Ano?"
"I want my Word Santillan fully naked."
"Consider your request done."
"Oh -" Kamuntik nang mapatili nang sobra si Vel nang kargahin siya bigla ni Santillan. Agad na napatingin siya sa anak nila sa stroller. Mabuti na lang at mahimbing pa rin itong natutulog. "Word!" mahinang sita niya rito habang naglalakad ito sa direksyon ng pinto, he unlocked the door before taking her to his office restroom.
Malaki naman iyon sa pangkaraniwan, malinis, mabango lagi, at aesthetic tignan. At hindi lang naman iyon ang unang beses na ginawa nila iyon sa banyong iyon.
Napakalandi talaga Nobela! E, bakit ba? Asawa ko naman ang nilalandi ko.
Nang makarating sa banyo ay dahan-dahan siya nitong ibinaba sa sahig saka inangkin ang mga labi niya habang hinuhubad naman niya ang polo shirt ng asawa niya. Ni hindi na nga nila nagawang maisarado ang pinto. The hell with the door!
TADHANA Café will always be our sole witness of wildness.
Biglang umiyak si Book sa kalagitnaan ng tagpong 'yon.
Or probably not.
Mabilis na itinulak niya palayo si Santillan na sa mga oras na 'yon ay pahubad na sana ng pantalon nito.
"Uwaaa! Uwaaaaa!" iyak ni Book.
"Si Book! Si Book!" nagpa-panic niyang sabi. Hindi niya mahagilap ang pang-itaas niya. "Santillan, si Book!" Pinalo niya ang likod at balikat ni Santillan na ikot nang ikot kakaayos ng pantalon nito.
"We-we-wait! Ako na. Ako na." Tumatawang lumabas ito ng banyo na walang damit pang itaas. "Anak ko! Book, nandito na si Daddy."
Lalo lang lumakas ang pag-iyak ni Book.
"Shsh! Shsh!" Naririnig niya si Santillan habang isinusuot uli ang hoodie niya. "I'm here. Daddy's here."
Lumabas siya ng banyo at naabutan niyang isinasayaw ni Santillan ang anak nila sa bisig nito. He was a messed but she can't hide the fact that fatherhood fits her husband so much.
Napapangiti na lang siya habang tinitignan ang mag-ama niya. Tumahan na rin naman si Book. Pasimple niya namang inilapat ang isang palad sa kanyang tiyan. Alam niya, nararamdaman niya ang buhay na nasa loob niya.
Soon, we will be four.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro